DLP For Cot 3
DLP For Cot 3
DLP For Cot 3
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Class Observation 3
A. Mga
Sanggunian
a. Mga
Pahina sa
Gabay ng Guro
b. Mga
Pahina sa Ap10 Ikatlong Markahan Modyul
Kagamitang Pahina 1-25
Pangmag-aaral
c. Mga
Pahina sa
Teksbuk
d.
Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal
ng Learning
Resource
B. Listahan ng
mga Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Laptop, Araling Panlipunan 10 ADM Module, DLP
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
Pamprosesong Tanong:
● Tungkol saan ang balitang napakinggan?
B. Balik-Aral (5 minuto)
“Paano tumutugon ang pamahalaan sa iba’t ibang isyu ng
diskriminasyon at karahasan?”
Gawain 1
Panuto: Hanapin ang mga letrang nakatapat sa bawat bilang upang
mabuo ang mga salita at magbigay ng pahayag patungkol sa
mabubuong salita.
Mga Sagot sa Gawain:
1. TAGAPAGPATUPAD
2. PROTEKSIYON
3. TAGAPAGTANGGOL
4. BASAGIN ANG STEREOTYPE
5. LUMIKHA NG BATAS
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging damdamin mo matapos isagawa ang gawaing
ito?
2. Ano ang maaaring kaugnayan nito sa ating aralin?
B. Pagpapaunlad Gawain 3: Tula-Suri (10 minuto)
Panuto: Bigkasin nang may tamang damdamin ang tula at suriin ang
nilalaman nito upang masagot ang mga pamprosesong tanong.
Indicator 4: Displayed proficient use of Indicator 6: Maintained learning
Mother Tongue, Filipino and English to environments that promote fairness,
facilitate teaching and learning. respect and care to encourage learning. -
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula?
Bakit?
3. Sino-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang
pagkakaiba?
4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian?
5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang
pagtanggap at paggalang sa kasarian?
Gawain 5 (3 minuto)
Hephep… Hooray…
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang
Hooray kung ito ay saklaw ng prinsipyo ng Yogyakarta at Hephep kung
hindi. Gawin ito nang may kasiglahan sa klase.
1. Ang samahan ng mga LGBT ay nag-organisa ng isang webinar upang
ipaglaban ang kanilang karapatan.
2. Si Marikit na isang transgender ay kaanib ng isang relihiyon.
3. Piniling manirahan ng mag-partner na Nil at Al sa France upang bumuo
ng pamilya dahil sa sila ay pawang miyembro ng LGBT.
4. Hindi pinayagan si Verdan na lumahok sa pulitika.
5. Isang lalaki ang hindi natanggap sa paaralang kaniyang nais pasukan
upang magturo sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito.
Pagtataya (5 minuto)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag, sitwasyon,
at tanong.
Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
1. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang
maitaguyod ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon anuman ang
kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng
pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon
B. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa
paaralan.
C.Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at
guro.
D.Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang
sa mga karapatang pantao.
2. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang
maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng
korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad
nito?
A. Karapatan sa patas na paglilitis
B.Karapatan na seguridad ng pagkatao
C.Karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D.Karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
3. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang
mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality
Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa trabaho
C. Karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
D. Karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
4. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang
isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon upang maipaglaban
ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:
A. Anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. Ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. Ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D.Walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila
gusto
5. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga
kalalakihan, ito ay para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad
ng ang kapakanan ng mga kababaihan?
A. Pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. Pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. Pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. Pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan
para sa kababaihan
Susi sa Pagwawasto:
1. D
2. A
3. C
4. B
5. D
Q&A: Dito bibigyang daan ng guro ang pagsagot sa ilang mga
katanungan ng mga mag-aaral.
Bibigyan ng pagkakataong makapagpahayag ang mga mag-aaral batay
V. PAGNINILAY sa kanilang mga naunawaan at nabatid pagkatapos ng pag-aaral ng
aralin.
1. Naunawaan ko na ____________.
2. Nabatid ko na ______________.