Third Quarter Test-Esp 6
Third Quarter Test-Esp 6
Third Quarter Test-Esp 6
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE
WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL II
Bonifacio St., Dagupan City
Panuto: Basahin ang teksto ng mabuti at sagutin ang mga tanong. Itiman ang bilog na may titik ng
tamang sagot.
Si Socorro Cantio Ramos, o mas kilala bilang nanay Coring sa kanyang mga
kaibigan at kamag-anak, ay isinilang noong 23-Setyembre 1923 sa Sta. Cruz , Laguna
Laguna. Kahirapan sa buhay ang naging dahilan ni Socorro upang maging isang
“working student” habang siya ay nag-aaral sa Arellano High School. Kung bakasyon
kasama niya ang mga kapatid na babae na nagtrabaho sa pagawaan ng Bubble Gum
bilang taga-balot. Nagtrabaho rin siya sa pagawaan ng sigarilyo. Noong 1940 sa edad
na 18, nagtrabaho si Ramos bilang tindera sa isang tindahan ng aklat ng kaniyang
nakatatandang kapatid. Dahil sa kaniyang husay sa pag-iingganyo sa mga mamimili
ginawa siyang tagapamahala ng tindahan kalaunan. Nang mapangasawa niya si Jose
Ramos nagkaroon siya ng lakas ng loob na simulan ang isang maliit na tindahan sa
Escolta at nagbenta ng mga kalakal, nobela, at mga aklat. Simula noong 1942,
pinangalanan nila ang kanilang munting tindahan na National Bookstore. Sa
kasalukuyan, ito ay isa nang malaki, kinikilala at matagumpay na bookstore.
Ano ang mga katangian meron si Socorro Ramos ayon sa mga sumusunod na pahayag?
6. Tuwing bakasyon kasama ang mga kapatid na babae siya ay nagtatrabaho sa
pagawaan ng Bubble Gum bilang taga balot.
A. Masayahin B. Masipag
C. Mapagkumbaba D. Maunawain
8. Kahirapan sa buhay ang naging dahilan ni Socorro upang maging isang working
student.
A. Matiyaga B. Malikhin
C. Mahusay D. Mapagkumbaba
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian
na ipinapakita sa bawat teksto.
11. Araw- araw ang pag-eensayo ni Hidilyn Diaz sa weight lifting upang makamit ang
gintong medalya sa Asian Games noong 2018.
A. Masipag B. Matulungin C. Matiyaga D. Magaling
15. Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay namuhay na
siya sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura.
A. Makabayan B. Magalang
C. Masipag D. Malikhain
16. Ang mga uri ng hayop na gaya ng butanding sa dagat, usa sa gubat ay itinuturing
na endangered at nanganganib nang maubos. Ano ang maaari mong gawin upang
maisulong ang Batas Pambansa 9147?
A. Hulihin lahat ng mga hayop at ibenta.
B. Sabihan ang mga tao na wasakin ang kanilang tahanan
C. Wala akong gagawin dahil hindi ko problema ang pagkaubos ng mga hayop.
D. Ipaalam sa kinauukulan ang mga ilegal na panghuhuli ng mga hayop.
17. Kapag sinusunod ang batas Pambansa 9275, ano ang mangyayari?
A. Magkakaroon ng polusyon sa tubig
B. Magkakaroon ng kakulangan sa supply ng tubig
C. Malayo ang pagkakaroon ng sakit
D. Maraming magkakasakit sanhi ng maruming tubig.
20. Ipinasa ang RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992
upang _________.
A. Protektahan ang mga endangered na hayop
B. Pangalagaan ang mga katubigan at nananahan dito.
C. Tumuklas ng iba pang mga halaman at hayop na taal sa Pilipinas.
D. Tiyakin ang patuloy at ligtas na pananahan ng mga halaman
23. Ang mga sumusunod ay dapat gawin para mapangalagaan ang mga katubigan
ng bansa maliban sa _________.
A. paalalahanan ang nakararami na pangalagaan ang katubigan
B. itapon ang mga basura at langis sa mga daluyan ng tubig
C. suportahan ang mga programa upang maiwasan ang polusyon sa tubig
D. sumunod sa mga tuntunin upang mapangangalagaan ang katubigan
25. Maitim na usok ang lumalabas sa tambutso ng sasakyan ni Mang Kanor. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. bumili ng bagong sasakyan
B. ibenta ang kaniyang sasakyan
C. huwag nang gamitin ang sasakyan
D. ipaayos ang kaniyang sasakyan
29. Ano ang matalinong hakbang upang matapos ang mga gawain sa loob ng
itinakdang oras?
A. Gawin lamang ito kung gusto mo
B. Unahin ang pinakamadaling gawain para matapos agad
C. Iskedyul ang gawain, galingan, at husayan ang paggawa.
D. Huwag gawin ang mga gawain.
30. Inatasan ni Bb. Flores ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na tapusin ang
proyekto bago sumapit ang takdang oras ng pagpapasa nito. Alin sa mga
sumusunod ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang matiyak na de-kalidad at
maipagmamalaki ang kanilang proyekto?
A. Pag-aralan at planuhing mabuti ang mga paraan sa pagbuo ng proyekto.
B. Kopyahin ang disenyo ng proyekto ng iba.
C. Madaliin ang paggawa upang maipasa ang proyekto nang maaga.
D. Gawing ang proyekto na kasalungat sa panuto at tagubilin ng guro.
31. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat
kinabukasan nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.
D. Aawayin ko ang ate ko dahil ginamit niya ang Manila Pap
32. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam mong
marami pang bata ang gagamit dito. Ano ang maaari mong gawin upang
mapakinabangan pa ito?
A. Pagagalitan ko ang pinsan ko.
B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa
guro.
C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro.
D. Itatapon na lang ang aklat.
33. Gabi na at wala pang ilaw sa inyong tahanan dahil sa bagyong dumating. Wala
na ring ibinebentang kandila sa tindahan. Ano ang pinakamainam mong gawin
na magpapakita ng iyong pagkamalikhain?
A. paisa-isang sindihan ang posporo
B. matiyagang maghintay na bumalik ang kuryente
C. gumawa ng ilawan gamit ang mantika, asin at bulak
D. manghingi ng kandila sa kapitbahay
34. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro dahil deadline na.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan mo ito at nadumihan. Ano ang
maaari mong gawin?
A. ulitin na lamang at ipasa kinabukasan
B. ibilad sa araw at patuyuin pagdating sa klase
C. i-photocopy ito at ipasa sa guro
D. lagyan ng disenyo ang bahaging nadumihan
35. Buwan ng Hulyo at walang pasok. Ano ang pinakamagandang gawin upang
ikaw ay maka-ipon ng pera para sa iyong pambaon sa pasukan?
A. humingi kay nanay at tatay
B. sumali sa mga liga sa barangay
C. magbakasyon sa malayong lugar
D. magbenta ng halo-halo at mga kakanin
37. Si Aling Flora ay hinuli ng mga awtoridad dahil sa pagsunog ng kanilang mga
basurang gawa sa plastic. Anong batas ang kaniyang inilabag?
A. Universal Health Care Act
B. Philippine Clean Air Act of 1999
C. Tobacco Regulation Act of 2003
D. Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002
38. Kapag ang tao ay hindi kasangkot sa pagbebenta, pangangalakal, pangangasiwa,
pamamahagi, paghahatid ng mga pinagkukunan at mga kailangang kemikal o
bilang tagatustos ng ilegal na droga, siya ay sumusunod sa anong batas?
A. Batas Pambansa Blg. 9165
B. Republic Act 9275
C. Republic Act 8749
D. Republic Act No. 875
39. Kung ikaw ay tumatawid sa highway, saan mo dapat ito ginagawa?
A. kung saan may traffic lights
B. sa ibaba ng overpass
C. kung saan walang pulis na nakakakita
D. kung saan may maraming sasakyan
40. Kung marumi ang ilog sa inyong pamayanan, ano ang gagawin ng mga kabataang
katulad ninyo?
A. maglagay ng mga isda sa ilog
B. magpaskil ng mga karatulang nagbabawal magtapon ng basura sa ilog
C. magkaroon ng parada ng mga bangka sa ilog
D. magtapon pa rin ng basura sa ilog
Sagot:_________________________________________________________