DLP Ap Maam Roque

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 5

l. MGA LAYUNIN:
Sa katapusan ng araling ito, ang mag aaral ay inaasahang:
a. naiisa-isa ang mga pagbabagong pangkultura sa buhay ng pamilyang Pilipino sa panahon
ng mga Espanyol
b. napapahalagahan ang mga kulturang minana ng mga Pilipino mula sa mga dayuhang
Espanyol
c. nakapaglalarawan ng mga pagbabagong naganap sa kultura ng mga Pilipino sa panahon
ng mga Espanyol sa pamamagitan ng story ladder

ll. Paksang Aralin:


Paksa : Pagbabagong Pangkultura sa Panahon ng mga Espanyol
Sanggunian: Araling Panlipunan ( Pilipinas: Bansang Malaya) V, Pahina 59-64
Mga Kagamitan: Laptop, tarpapel,Tape, Pentel Pen, Larawan, cartolina, tv/projector

lll. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral

1. Panalangin
Maari ba ang lahat ay tumayo upang simulan ang
ating panalangin.

(Sisimulan ng guro na i-play ang bidyow sa mga bata)

(Sinimulan ang panalangin ng mga bata)

https://youtu.be/2sMAUIjAChU?feature=shared

Amen.
2 Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Teacher!
3. Pagkondisyon sa silid aralan
Bago kayo umupo, siguraduhin na walang kalat sa (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at
ilalim ng inyong mesa at tiyakin na maayos ang mag-aayos ng upuan)
upuan.

Maari na kayong maupo.

4. Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase


May lumiban ba sa inyong klase ngayong araw? Wala po.

5. Pagbabalik Aral
Bago tayo tumungo sa ating bagong talakayan, ating
balikan ang ating nakaraang tinalakay.

Ano nga muli ang layunin ng mga Espanyol sa Ang Pagpapalaganap ng Kritiyanismo po.
pagsasagawa ng kanilang mga eskpidesyon?

Tama, mahusay!

Magbigay ng ilang mga naging resulta sa Nagkaroon ng Relihiyong Kritiyanismo, mga pag
pagbabagong naganap sa lipunan at pamumuhay ng diriwang katulad ng pista, Paraalan/ Edukasyon
mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol? para sa mga kalalakihan at kababaihan, nagkaroon
ng sentrong panlipunan sa isang komunidad,
pagkakaiba-iba sa pangkat ng lipunang Pilipino at
Pagbabago sa mga Pamahiin at Paniniwala.

6. Pagganyak

Panuto: Ang dalawang row ay may tig isang kahon na


kung saan sa kahon ay may mga pangalan ng inyong
mga kamag-aral. Ang mag-aaral na matitigilan ng
kahon sa pamamagitan ng isang tutog ang siyang
bubunot ng pangalan ng kanyang kaklase at sila ay
pupunta sa unahan upang hulaan ang papel na
kanilang mapipili na nakadikit sa pisara na nag
lalaman ng mga larawan.

Handa na ba kayong lahat mga anak? Handa na po ma'am

(Sisimulan ng Guro na patugtugin ang musika) (Ang mag-aaral ay sisimulan na ipasa ang kahon)
https://youtu.be/qwBurXcNjRg?si=BNG2fCXpC9VKH4
Nv

Sige anak ano ang iyong mapapansin sa larawang Ma’am inilalarawan po sa papel ang sinaunang
nakadikit? panliligaw ng mga kalalakihan sa mga kababaihan.
Panghaharana po ma’am ang tawag.
Ma’am inilalarawan po sa papel ang katayuan ng
mga kababaihan po noong unang panahon.

Magaling, anak! bigyan natin siya ng malakas na


palakpak.

Ikaw anak, maari mo bang sabihin sa amin kung ano


ang inilalarawan sa papel?

Ma’am katulad po kapag nagkakaroon ng mga


okasyon gaya ng pasko, bagong taon at tuwing
linggo ay nakagawian na po nating mga Pilipino
ang pagsama-sama ng buong pamilya.
Mahusay! bigyan din natin siya isang malakas na
palak pakan

Ikaw naman anak, ano sa tingin mo kaya?

Ma’am ang pagiging madasalin po nating mga


Pilipino

Magaling, anak! Halinat sabayan n’yo akong bigyan


din siya ng maraming palakpak!
Anak, ano naman kaya ito?

Ma’am ipinapakita po ang pagiging matulungin po


nating mga Pilipino.

Mahusay, anak! bigyan din natin ng isang


pangmalakasan palakpak

Paano naman itong larawan, ano naman ang


inilalarawan nitong nakadikit sa pisara?

Magaling, anak! bigyan natin siya ng madaming


palakpak

B. Panlinang na Gawain

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral

A. Paglalahad

Sa inyong palagay ano kaya ang paksang ating Patungkol po sa pagbabagong pangkultura sa

tatalakayin ngayong araw, batay sa ating isinagawang panahapon ng mga Espanyol.


laro?

Tama! Magaling!

Ang ating tatalakayin ngayong araw ay patungkol sa


Pagbabagong Pangkultura ng mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol.

Opo.
Malinaw ba ang ating paksa mga bata?

2. Pagsusuri

May ideya ba kayo mga bata sa mga pagbabagong Opo.

naganap patungkol sa kutura ng ating bansa noong ( Ang mga bata ay magbibigay ng kanilang ideya)
panahon ng mga Espanyol?

Handa na ba kayong makinig mga bata?


Opo.

Pagbabagong Pangkultura

Maraming pagbabagong nagawa ang pananakop ng


mga Español sa katutubong kultura ng mga Pilipino.
Masasabing malaki ang kinalaman dito ng relehiyon at
edukasyon na pinalaganap ng mga Español sa
kolonya. Ang mga kilos at gawi ng mga Pilipino ay
katulad na ng mga dayuhang mananakop.

Naiintindihan niyo ba mga bata ng mabuti?


Opo.

Buhay ng Pamilyang Pilipino

Likas na matibay ang pagkakabuklod ng mga


pamilyang Pilipino. Nagtutulungan ang mga
magulang at mga anak sa iba’t ibang gawain sa
tahanan at sa paghahanapbuhay. May paggalang
sila sa isa’t isa. Pinag-iingatan nila ang pangalan at
dangal ng pamilya.
Nang masakop ng mga Español ang kapuluuan,
nagkaroon ng ibang mga gawain ang mga kasapi
ng pamilya. May mga ama ng tahanan at mga anak
na lalaki na napawalay sa pamilya. May nagsagawa
ng polo o sapilitang paggawa. May mga anak na
namasukan bilang katulong sa mga pamilyang
Español o sa mga pari. Ang iba ay napawalay rin sa
pamilya dahil sa pag-aaral o pagsasanay.

Sa kabila ng mga pagbabagong ito ay ipinagpatuloy


ng mga pamilyang Pilipino ang nakagawiang
pagtitipon sa tuwing sasapit ang pista o mga
Opo.
mahahalagang okasyon. Sama-sama silang
nagdarasal kung orasyon, simbahan o tahanan. Sa
pamamagitan nito nagkakasama-sama ang mga
kasapi ng pamilya at angkan.
Naiintindihan niyo ba mga bata?
Mahusay! mga nakikinig talagang mabuti.

Katayuan ng mga Babae


Ang mga babae ay naging huwaran ng buhay na
relihiyoso. Madasalin at palasimba sila, namumuno
sila sa mga pagdiriwang na panrelehiyon sa pagbasa
ng pasyon tuwing Mahal na Araw at pagtuturo ng
katesismo. Bukod sa kanilang pamilya, naging sentro
ng kanilang buhay ang simbahan. Hindi sila
pinahihintulutang makihalubilo sa mga lalaki, lalo na
sa mga gawaing pangmamayanan.

Bihira ang mga babaing pinag-aral sa kolehiyo.


Tanging ang mga anak ng mga pinunong Español ang
nakapag-aral sa kolehiyo. Iniingatan ang mga
kababaihan noong unang panahon. Hindi sila
pinahihintulutang dumalo ng anumang kasayahan
nang walang bantay na titingin sa kanila upang
matiyak ang kanilang kaligtasan.

Naiintindihan niyo ba mga bata?


Mahusay! mga nakikinig talagang mabuti.
Opo.

Wika at Panitikan

Madaling natutunan ng mga Pilipino ang wikang


Español. Dulot ito ng pagdalo nila ng misa, pag-aaral
ng dasal at katesismo at pakikipag-usap araw-araw sa
mga Español. Ang wikang Español din ang ginamit na
wikang panturo sa paaralan.Napayaman ng wikang
Español ang panitikan ng ating mga ninuno. Umunlad
sa Pilipinas ang iba’t-ibang anyo ng panitikan tulad ng
mga dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at
santa, mga awit, korido, tula,dula at kwento. Mga
paksang panrelehiyon ang tinatalakay ng mga ito.

Nakilala ang ilang manunulat na Pilipino sa wikang


Tagalog at Español. Kabilang dito sina Francisco
Baltazar, Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano
Lopez-Jaena at iba pa. Si Baltazar ang itinuring na
Prinsipe ng mga Makatang Pilipino. Siya ang may
akda ng ng tulang Florante at Laura. Si Rizal naman
ang sumulat ng mga nobelang Noli Me Tangere, at El
Filibusterismo, ng tulang Mi Ultimo Adios at iba’t iba
pang kwento at tula.

Musika at Sining

Likas na mahilig at may kakayahan sa musika at


sining ang mga Pilipino. Mga katangian itong higit
pang umunlad noong panahon ng Español.Natuto ang
mga Pilipino na tumugtog ng mga instrumentong
pangmusika na dala ng mga Español. Naging
mahuhusay na mang-aawit ng kumintang, balitaw,
kundiman at awiting-bayan ang mga Pilipino. Ang ilan
ay natutong lumikha ng sarili nilang mga awitin.

Isang kaugaliang Pilipino na nagsimula noong una pa


man ang panghaharana. Ito ang pag-awit ng mga
kundiman sa tapat ng bahay ng dalagang nililigawan.
Patunay ito na ang pag-awit ay bahagi na ng buhay
ng mga Pilipino.
May nangharana o nanghaharana na ba sa inyo mga
bata?
Mabuti dahil bata pa kayo para sa ganoong bagay.

Sa larangan naman ng sining, nakilala naman ang Wala po.


mga lokal na pintor at iskultor. Ang mga bantog na
Pilipinong alagad ng sining noong unang panahon ng
Español ay sina Juan Luna at Felix Resurrecion
Hidalgo. Makikita sa kanilang mga ipininta o iginuhit
ang nararamdaman ng mga Pilipino noong panahon
na iyon. Bahagi ito ng pagbabago sa kultura at diwang
katutubo.

Lubos niyo bang naunawaan ang aking mga sinabi?


Mahusay

3. Paghahalaw at Paghahambing
Opo.

Mga anak naintindinhan n’yo ba ang ating tinalakay


ngayon?

Kung gayon ano muli ang tawag sa sinaunang


Opo.
panliligaw sa mga babae?

Mahusay! talagang tunay na nakikinig sa ating


talakayan. Panghaharana po Maam!

Samantala ano-ano naman muli ang mga


pamumuhay ng mga Pamilyang Pilipino noong
pananakop ng Españyol?
Ma’am sa tuwing sasapit ang pista o mga
mahahalagang okasyon ay nakagawian ng mga
Magaling, anak!
Pilipino na sama-sama silang nagdarasal o
pagsisimba tuwing linggo kasama ang pamilya.
Mga anak ano naman ang ang pagkakaiba ng
katayuan ng mga babae noon at ngayon?

Ma’am noon po ang mga babae ay puro nakapokus


lamang po o sentro lamang po halos ang kanilang
Mahusay, anak!
buhay sa simbahan, na walang karapatang
mag-aral ngunit ngayon naman po ay nagkaroon
na po ng kalayaan na pumili at mag-aral hindi po
B. Paglalapat
tulad ng pananakop ng mga Españyol.
Panuto: Magbigay ng mga mahahalagang naganap sa
panahon ng pananakop ng espanyol. Ang guro ang
magbibigay ng bawat sitwasyon sa bawat pangkat.
Hahatitiin sa tatlong pangkat ang buong klase. Sa
pamamagitan ng visual aids ay iprepresenta ng bawat
pangkat ang mga binigay na sitwasyon. Mayroon
lamang limang minutong nakalaan para sa
paghahanda ng presentasyon sa unahan.

Mga sitwasyon sa bawat pangkat:


1. Katayuan ng mga Babae
2. Wika at Panitikan
3. Musika at Sining

Handa na ba kayong lahat mga anak sa ating


pangkatang gawain?

Handa na po kami ma’am


Tapos na ang limang minuto mga bata. Maari na
kayong pumunta sa unahan upang ipresenta ang
(Ang mga bata ay sisimulan na ang gawain)
inyong mga gawa.

(Sisimulan ng mga bata na ipresenta ang kanilang


mga gawa sa unahan)
C. Paglalahat
Sa ano-anong larangan naimpluwensyahan ng mga
Español ang buhay ng mga Pilipino?

Sa larangan po katulad ng pagsulat ng panitikan,


Mahusay, anak! palakpakan natin siya.
musika at sining.

Anong katibayan ang masasabi mo sa matibay na


pagbubuklod ng pamilyang Pilipino?

Katibayan po nito ay katulad na lamang po kahit


hanggang ngayon ay patuloy parin at hindi
nawawala ang pagbubuklod ng pamilyang Pilipino
dahil kahit po mayroon na pong sariling pamilya
Magaling, anak! palakpakan din natin siya. ang mga anak nila ay hindi parin nagbubukod ng
bahay sa halip ay nakatira parin po sa bahay ng
magulang o kaya naman ay hindi nagkakalayo layo
Samantala, ano-ano naman kaya ang naging ng mga bahay.
impluwensiya ng mga Español sa wika at panitikan ng
Pilipinas?
Ma’am ang mga naging impluwensiya po ng mga
Español sa wika at pantikan natin ay mas madali
pong natutunan ng mga Pilipino ang wikang
Español at mas umunlad po ang pagsulat ng mga
panitikan gaya po ng pagsulat talambuhay ng mga
santo at santa, mga awit, korido, tula,dula at
kwento. Dahil sa impluwensiya po nila sa panitikan
Magaling, anak tunay na naunawaan n’yo ang ating
ay nakilala ang mga mahuhusay Pilipinong
tinalakay ngayon. manunulat gaya nina Francisco Baltazar, Jose P.
Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TUMPAK kung ang bawat pangungusap ay tama at LIGWAK kung mali.

1. May paggalang ang bawat miyembro ng pamilyang Pilipino sa isa’t isa.


2. Nagsagawa ang mga Español ng polo o sapilitang paggawa.
3. May mga Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pag aaral o pagsasanay.
4. Hindi nagtitipon ang mga pamilyang Pilipino tuwing sasapit ang pista.
5. Sama-sama ang mga pamilyang Pilipino na pumupunta sa kagubatan upang humanap ng pagkain.
6. Iniingatan ang mga kababaihan sa panahon ng mga Español.
7. Maraming kababaihan ang pinag-aral sa kolehiyo sa panahon ng mga Español.
8. Pinahihintulutan ang mga kababaihan na makapunta sa kanilang mga gustong puntahan na lugar ng sila
lamang mag-isa.
9. Si Jose P. Rizal ang sumulat ng Florante at Laura.
10. Ang panghaharana ay pag-awit ng lalaki sa loob ng bahay ng dalagang kaniyang nililigawan.

V. Kasunduan
Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng story ladder ang mga pagbabagong naganap na naka impluwensya sa
kultura ng mga Pilipino noong panahon na sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.

You might also like