Pagbasa11 Q4 Modyul-9 Edisyon2 Ver1 Removed

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 9:
Batayang Kaalaman sa Maka-
Pilipinong Pananaliksik

LU_Q4_Pagbasa_Module9 AIRs - LM
i
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Baitang 11 – Ikalawang Semestre
Ikaapat na Markahan - Modyul 9: Batayang Kaalaman sa
Maka-Pilipinong Pananaliksik
Ikalawang Edisyon, 2022

Karapatang sipi © 2022


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Aries G. Madarang at Alvin D. Mangaoang


Tagasuri: Alvin D. Mangaoang, Jomari B. Banut at Larry O. Barbasina
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Michael Jason D. Morales

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: [email protected]

ii
Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 9:
Batayang Kaalaman sa Maka-Pilipinong
Pananaliksik

iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
Sapulin

Una sa lahat, binabati kita mahal kong mag-aaral sa iyong masigasig na pag-
aaral sa nakaraang markahan. Napagtagumpayan mo ang iba’t ibang mga gawaing
naihain sa iyo. Napagyaman ang iyong kasanayan sa kritikal na pagbasa at hinawi
ang daan tungo sa pagbuo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

Ngayon, pag-igihan mo pa ang pag-aaral dahil matututo kang muli ng mga


bagong kaalaman. Sa markahang ito, ipauunawa sa iyo ang kahalagahang
panlipunan ng pananaliksik at ang mga gabay sa pagpili ng makabuluhang paksa.
Mababatid mor in ang hakbang-hakbang na proseso tungo sa pagbuo ng isang
pananaliksik na tutugon sa pagpapalakas ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan
at disiplina.

Ang Modyul 9 ay tatalakay sa pagbabalik-tanaw sa katuturan, kahalagahan


at katangian ng pananaliksik gayondin ang batayang kaalaman at konsepto ng
maka-Pilipinong pananaliksik.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):


1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika sa pananaliksik. (F11PB-IVab-100)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nababatid ang katuturan, kahalagahan, at katangian ng pananaliksik;
2. Nasasagot nang buong husay ang mahahalagang tanong sa pagsasagawa
ng pananaliksik;
3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng kahalagahan ng pananaliksik sa pang-
araw-araw na buhay;
4. Nagagamit ang mga natutuhang konsepto kaugnay ng pananaliksik sa
pagsusuri ng abstrak ng isang papel-pananaliksik;
5. Nakasisiyasat ng mga pahayag na may kaugnayan sa maka-Pilipinong
pananaliksik;
6. Nakapagbibigay ng pagninilay sa kahalagahan ng maka-Pilipinong
pananaliksik; at
7. Nakapagsasaliksik sa internet at nakasusuri ng isang maka-Pilipinong
pananaliksik.

Alam kong sabik ka nang malaman ang iba’t ibang kaalaman hinggil sa
pananaliksik kaya halika na’t magsimula na tayo sa pag-aaral at pagsagot sa mga
gawain.

1 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Aralin
Katuturan, Kahalagahan at
9.1 Katangian ng Pananaliksik

Simulan

Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa pananaliksik,


magkakaroon muna ng isang gawain upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman
hinggil sa paksang tatalakayin.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Punan ng ang patlang bago ang bilang kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng positibong pananaw hinggil sa pananaliksik at ay kung
ang pangungusap say nagpapahayag ng negatibo.

______1. Kinakailangang napapanahon, may saklaw ngunit may limitasyon at


kawili-wili ang mga paksang isasaalang-alang ng mananaliksik.
______2. Nagsasagawa tayo ng pananaliksik upang matugunan, masagutan ang
mga nagsalimbayang mga katanungan sa ating isipan.
______3. Hindi mahalaga ang interbyu o pakikipanayam sa gawaing
pananaliksik.
______4. Gumagamit tayo ng note card/o indeks upang itala ang mga nakalap na
datos o impormasyon.
______5. Ang sulating pananaliksik ay bunga ng isang masinop, kontrolado, at
maingat na pagsisiyasat.
______6. Isa sa layunin ng pananaliksik ay upang makadiskubre ng bagong
kaalaman.
______7. Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang
humpay na pagbasa, pag-iisip, pagsusuri at paglalahad o paglalapat ng
interpretasyon.
______8. Ang bawat pananaliksik na isinasagawa ay masusing dumaraan sa
sistematikong pamamaraan upang matukoy ang katotohanan sa likod
ng bawat suliraning inilahad at nalapatan ng solusyon.
______9. Walang pagkiling ang isang mananaliksik, makatuwiran ito kung ang
lahat ng natuklasan at ang kongklusyon ay totoo at walang
pagtangkang baguhin ang resulta.
______10. Ang pananaliksik ay pahayag ng mababang level ng pagsulat dahil hindi
nangangailangan ng datos, pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay-
hinuha, kongklusyon, at rekomendasyon.

Binabati kita! Dahil nagpakita ka ng kahusayan sa mapag-aaralan nating


aralin. Ngayon tayo na’t maglakbay sa mas malalim pang pag-aaral.

2 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Lakbayin

Alam mo bang…

Ang salitang PANANALIKSIK ay madalas na ginagamit sa pang-araw-araw na


buhay ng tao na nangangalap ng iba’t ibang impormasyon, pag-unawa sa iba’t ibang
teorya, at pagtuklas ng mga bagong kaalaman patungo sa isang bagong produkto o
awtput?

Maliban sa natutuhan mong katuturan ng pananaliksik sa asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, may ilan pang
pagpapakahulugan nito. Pag-aralan ang sumusunod na katuturan.

Katuturan ng Pananaliksik
• Ayon kay Aquina (1974), ang pananaliksik ay isang detalyadong kahulugan at
isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin.

• Ayon kina Manuel at Medel (1976), ang pananaliksik ay isang proseso ng


pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang
karaniwang problema sa paraang siyentipiko.

• Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o


imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay mabigyan ng sagot ang mga
katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.

• Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik ay isang pagsubok


para makakuha ng mga sagot ng mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-
iipon ng impormasyon o datos sa isang kontroladong kalagayan para
mahulaan at makapaliwanag.

• Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay isang sistematiko


at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos,
pagpapaliwanag, at pagbibigay ng kahulugan sa datos o impormasyong
nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga
limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.

• Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,


panigurado sa obserbasyon, at panunuri ng mga panukalang haypotetikal
ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari

Iba-iba man ang mga binigay na kahulugan ng mga dalubhasa, mapapansin


na hindi ito nagkakalayo sa bawat isa. Madalas na mabanggit sa mga katuturan ang
mga salitang sistematiko, kontrolado sa kasagutan na tutugon sa isang katanungan,
sa makatuwid ang kahulugan ng pananaliksik ay isang masistematiko at
maprosesong paghahanap ng mga impormasyong sasagot o lulutas sa isang
suliranin.

3 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Kahalagahan ng Pananaliksik

Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil na rin sa walang tigil


na pagbasa, pagsusuri, paglalahad o paglalapat ng interpretasyon. Lumalawak ang
karanasan ng isang mananaliksik sa pagkalap ng mga mahahalagang datos,
paggalugad sa mga kaugnay pa nito. Nalilinang ang tiwala sa sarili at tumataas ang
respeto nito sa kaniyang sarili.

Maraming bumabagabag na mga katanungang maari lamang makuha ang


sagot kung patuloy tayong kumuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng isang
masusing pananaliksik. Ano-ano nga ba ang kahalagan nito para sa atin? Sa
pamamagitan ng pananaliksik ay naisasagawa ang pagkakategorya, paglalarawan at
pagpapaliwanag, prediksyon, pagmamanipula ng isang sitwasyon sa kahit na
anomang larangan ng pag-aaral.

1. Pagkakategorya (Categorization) – Ito ay nakatutulong upang maihanay


ang mga bagay sa kapaligiran, sa pamamagitan nito ay maihahanay ang mga
bagay na magkakauri at ang mga bagay na hindi.

Halimbawa: “Ano-anong bansa ang kabilang sa tinatawag na ASEAN” o di


kaya naman ay “Aling bansa ang hindi kabilang sa ASEAN?”

2. Prediksiyon (Prediction) – Ang prediksyon sa pananaliksik ay tinatawag na


HYPOTHESIS. Ito ay mga pahayag na mayroon pang kalabuan ngunit
mabibigyang linaw sa pamamagitan ng isang masistematikong pag-aaral. Ito
ay napakahalagang gamitin sapagkat nagagamit din ito upang higit na maging
madali ang pagtukoy sa mga bagay na posibleng mangyari sa hinaharap.

3. Pagmamanipula (Control) – Ang tao ay walang kakayahang manipulahin ang


kaganapan sa kaniyang paligid kagaya ng magiging reaksiyon ng isang tao
tungkol sa isang bagay, ang pagbabago ng panahon, ang pagkakaroon ng
sigalot at marami pang iba. Gayunpaman, kung mauunawaan ng tao ang mga
bagay na may kaugnayan sa isang pangyayari, maaari ng paghandaan, iwasan
ito o kaya nama’y lutasin sa pamamagitan ng pananaliksik.

4. Pagpapaliwanag (Explaining) – Maraming bagay ang hindi lubusang


nauunawaan ng tao sa mundo. Sa tulong ng mananaliksik, naipaliliwanag
nang mas malinaw, makatotohanan, at may batayan ang isang pangyayari.

Katangian ng Pananaliksik

Mahalagang malaman ng bawat isa kung ano katangiang taglay ng isang


pananaliksik upang matamo nito ang karapat dapat na impormasyon. May anim na
katangian ang pananaliksik ayon kina (Calmorin at Calmorin,1995). Ito ang
sumusunod:

1. Empirikal – ang pangangalap ng datos ay nakasalalay sa praktikal na


karanasan ng mananaliksik sapagkat batay ito sa tuwirang obserbasyon o
karanasan ng mananaliksik.

Halimbawa:
Kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid,
magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-

4 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang
bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang
multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o dalawa. Ibig
sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kaya’y
hindi naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang
mga multo ay halimbawa ng mga di-mpirikal na datos.

2. Lohikal – ang isang mananaliksik ay sumusunod sa metodong siyentipiko,


mayroong proseso sa pangangalap ng mga datos upang mapagkatiwalaan ang
magiging resulta ng pananaliksik. Pinag-iisipan ang mga pamamaraan at
prinsipyong ginagamit sa pananaliksik.

3. Siklikal o umiinog – nagsisimula sa suliranin at nagtatapos din sa


panibagong siluranin. Sa pagtugon sa suliranin sa pananaliksik; batay sa
kongklusyon at rekomendasyon may panibagong suliranin ang nabubuo
upang lalo pang mapagtibay ang paksa o isyung sinasaliksik.

4. Mapanuri o analitikal – kailangan ng masusing pagsusuri sa pananaliksik,


simula pa lamang sa pangangalap ng mga datos hanggang sa pagsusuri ng
mga ito. Ang anumang uri ng pananaliksik ay ginagamitan ng malalim na pag-
iisip. Sa historikal na pananaliksik, nakatuon ang mga datos sa kasaysayan
at pinagmulan ng mga isyung may kaugnayan sa isang paksa. Samantala,
nakatuon naman sa kasalukuyang sitwasyon ang deskriptibong pananaliksik.
Ang eksperimental na pananaliksik naman ay nakatuon sa hinaharap na
implikasyon ng isang isyu. Sa case study, mahalaga ang pangangalap ng mga
datos mula sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.

5. Nauulit – maaaring ulitin ang pananaliksik sa pareho o iba naming disenyo.


Dito mapapatunayan ang validity o katibayan ng mga datos at kongklusyon.

6. Kritikal – kinakailangan ang kritikal na pagsusuri sa mga datos at hindi


lamang basta tinatanggap ang nakalap na mga impormasyon. Mahalaga ang
maging maingat at tiyak sa pananaliksik upang maging mataas ang
kompiyansa sa ginawang pag-aaral.

Binabati kita! Nawa’y naunawaan mo ng mabuti ang mga katangian ng


pananaliksik ayon kina (Calmorin at Calmorin 1995). Isagawa mo na ang sumusunod
na pagsasanay upang mahasa pa ang iyong kasanayan kung paano mo mailalapat
ang mabisang katangian ng pananaliksik.

Galugarin

Gawain 2: Tanong-sagot!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa aralin. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Kailan nagsisimula ang pananaliksik at bakit ito isinasagawa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
2. Saan dapat nakasalalay ang pangangalap ng datos para sa isinusulat na
papel-pananaliksik?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Anong proseso sa pangangalap ng mga datos ang kailangang isagawa upang
maging katanggap-tanggap at mapagkatiwalaan ang magiging resulta ng
pananaliksik?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong katangian ng pananaliksik ang nagsasabing maaaring ulitin ang
pananaliksik sa pareho o iba namang disenyo? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Bakit kinakailangan ang kritikal na pagsusuri sa mga datos at hindi lamang
basta tinatanggap ang nakalap na mga impormasyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Kahalagahan, Bigyang-halimbawa


Panuto: Magbigay ng mga halimbawang sitwasyon mula sa pang-araw-araw mong
pamumuahay ang kahalagahan ng pananaliksik. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Pagkakategorya Prediksiyon Pagmamanipula Pagpapaliwanag

Palalimin

Gawain 4: Suriin Mo!


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang halimbawa ng Abstrak na nasa ibaba.
Pagkatapos ay sagutin sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

Abstrak (Tesis at/o Disertasyon)

Malagayo, Renante D., Hernandez, Laila G., at Casim, Lucia T. (PhD sa


Edukasyong Pangwika Medyor sa Filipino). “Pagsusuri sa mga Graffiti ng mga
Mag-aaral sa Nueva Vizcaya”. Nueva Vizcaya State University, Bambang Campus,
Marso 26, 2016.

Mahalagang mabigyang-kasagutan ang mga katanungan tungkol sa


paglaganap ng graffiti sa mga unibersidad, malaman ang mga saloobin ng mga
mag-aaral tungkol sa graffiti at higit sa lahat ay makapagbigay ng mga posibleng
solusyon sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

6 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Kuwalitatibong disenyo at deskriptibo ang ginamit dito kung saan
inilarawan ang mga nangingibabaw na tema, damdamin at uri at ng wika sa mga
graffiti na likha ng mga mag-aaral. Ang mga respondente ay mga mag-aaral sa
Unibersdidad ng Nueva Vizcaya. Kasabay ng pagmamasid ng mga mananaliksik,
kamera ang kasangkapan upang makalap ang mga datos sa pag-aaral.

Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ang mga graffiti sa unibersidad ay


nahati sa kategorya ayon sa lugar na naging basehan kung saan ang may
pinakamaraming graffiti ay sa pader, upuan at palikuran. Tatlong kategorya ayon
sa kahulugan ang lumutang mula sa isinagawang pagsusuri sa mga graffiti na
likha ng mga mag-aaral. Lumabas ang mga tema o paksang nauugnay sa buhay-
tinedyer, nailantad ang mga katangian at damdaming kinikimkim ng mga mag-
aaral at lumutang ang uri ng wika ng mga kabataan.

Napatunayan sa pag-aaral na ang mga graffiti ay sumisimbolo sa mga


nadarama at iniisip ng mga mag-aaral ngunit nakita ring walang tiyak o
masasabing mabuting layunin kung bakit ginagawa ang pagsusulat sa mga silya,
pader at kung saan-saan pa. Kasasalaminan din ang mga ito ng kanilang
panunukso, panloloko at pamimintas sa iba at mababang antas ng paggamit ng
wika.

Mga susing salita: wika, graffiti, kasaysayan, bandalismo, pagsusuri

1. Ano ang layunin at/o paksa ng pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sino ang mga respondente o tagatugon ng pananaliksik?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Anong pamaraan ang ginamit ng mananaliksik? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang natuklasan sa pananaliksik na ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano ang kongklusyon ng pananaliksik na ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Aralin
Ang Maka-Pilipinong
9.2 Pananaliksik

Simulan

Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa pananaliksik,


magkakaroon muna ng isang gawain upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman
hinggil sa paksang tatalakayin.

Gawain 1: Balik-tanaw
Panuto: Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong gumawa ng batayang pananaliksik o
anomang gawain kung saan nangalap ka ng bagong impormasyon sa kahit
anong asignatura sa nakaraang taon? Itala mo ang mga aral na natutuhan
mula sa karanasan.

1. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Kung gumawa ka na ng anomang pananaliksik sa mga nakaraang taon, gaano


man ito kasimple ay tiyak na nakakuha ka ng iba’t ibang aral at kaalaman mula sa
mga ito. Ang mabubuting aral na ito ang nagsisilbing batayan ng mga kahalagahan at
layunin ng pananaliksik. Sa susunod na bahagi ng aralin, mauunawaan mo na ang
halaga at layunin ng pananaliksik ay hindi nakatali sa mga personal na kagustuhan
ng mananaliksik, bagkus ay tumutugon sa pangangailangan ng komunidad na
kaniyang ginagalawan.

8 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Lakbayin

Ang Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na binanggit nina Evasco et al. (2011) sa
aklat na “Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at
Sining” ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang
pananaliksik sa iba’t ibang paksa at penomenondahil patuloy na inuunawa ng tao
ang mga pangyayari at pagbabago sa kaniyang paligid. Kasabay ng pag-unawa,
tumutuklas ang tao ng iba't ibang paraan kuna paanong mapabubuti ang kaniyang
pamumuhay sa pamamagitan ng iba't ibang imbensyon at kaalaman.

Bukod sa sentral na layunin ng pananaliksik na tumuklas ng mga bagong


kaalaman na mamagamit ng tao, malaki rin ang pakinabang ng isang mananaliksik
mula sa mismong proseso ng pagtuklas. Sa pamamagitan ng pananaliksik,
lumalawak at lumalalim ang karanasan ng tao, hindi lang tungkol sa partikular na
paksang pinag-aaralan niya, kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang
pananaliksik. Nagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at
nakikita niya ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti, hindi lamang ang kaniyang
sarili, kundi maging ang iba.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

Dakila na ang pananaliksik sa sarili nitong kahulugan at kabuluhan, ngunit


lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang
pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito. Sa Pilipinas, isang lipunang
dumanas ng mahabang kasaysayan ng pananakop at ngayon ay dinadaluyong ng
globalisasyon, nananatiling bansot at nakaasa ang mga siyentipikong pananaliksik
ng iba’t ibang larangan sa mga banyagang kaalaman. Nananatiling hamon para sa
mga Pilipinong iskolar at mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan sa pananaliksik
na nagmumula at ginagabayan ng sariling karanasan, umuugat sa aral ng
kasaysayan, at nagsisilbi para sa sambayanan. Sa ganitong konteksto, malaki ang
pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong tipo ng pananaliksik na may mga
katangiang naiiba sa tradisyonal na pananaliksik mula sa Kanluran.

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o


mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit
sa puso at isip ng mga mamamayan. Mahalagang idagdag sa katangiang ito na
kung hindi man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang
pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na
mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas
upang mas mapakinabangan. Isa sa mga mahahalagang usapin ang pamimili ng
mananaliksik sa wika at paksang gagamitin sa pananaliksik. Ang mahusay na
pamimil ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga ng gagawing
pananaliksik. Maisasagawa ang mahusay na pamimili kung isasa-alang-alang ang
kontekstong panlipunan at kultura ng lipunang kinabibilangan. Makabuluhan ang
naging pagninilay ni Dr. Bienvenido Lumbera (2000), Pambansang Alagad ng Sining

9 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
sa Panitikan, sa kaniyang aklat na “Writing the Nation, Pag-akda ng Bansa”, hinggil
sa usapin ng pamimili ng paksa sa pananaliksik.

Bakit hindi paksaing Pilipino? Tanong ito ng isang kababayang


kararating lamang sa IndianaUniversity mula sa Pilipinas. Ginulantang ako ng
tanong. Sa loob na tatlong taong pagkalayo sa sariling bayan, hindi sumagi sa
isipan kong importante pala na iugnay ko ang aking mga plano para sa sariling
hinaharap sa mga pangangailangan ng aking bayang tinubuan. Taong 1959
noon, at simula iyon ng aking re-edukasyon bilang intelektwal na ang
kamalaya’y hinubog ng kulturang kolonyal.

Ang pagninilay na ito ni Lumbera ang tuluyang nagbunsod ng desididong


pagkiling niya bilang iskolar na itanghal ang wikang Filipino at paksang Pilipino sa
kaniyang pananaliksik sa kultura at panitikan. Mula noon, “itinaguyod niya ang
posisyon na ang wikang pambansa aywika ng marurunong at wikang hindi
naghihiwalay sa intelektuwal sa sambayanan”, ayon kay Rosario Torres-Yu sa aklat
niyang “Kilates: Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas. Para sa kaniya, malinaw na
ang intelektuwal na gawain ay hindi pansarili lamang, bagkus ay kailangang iugnay
ito sa pangangailangan ng bayan. Ang pagpili ng paksa at wika sa pananaliksik ay
pamimili rin kung para kanino ang gagawing pananaliksik. Kung para ito sa bayan,
nararapat na ito ay nasa wika at karanasang nauunawaan.

Malinaw na tinutukoy sa karanasan ni Lumbera na ang maka-Pilipinong


pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino sa pagpapaliwanag at
pagpapakahulugan, pumapaksa ng karanasan at aspirasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang larangan at disiplina, at naisasakonteksto sa kasaysayan at lipunang Pilipino.

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang


pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang
Pilipino. Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang
mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o
pinatutungkulan ng pananaliksik. Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio
Enriquez (1976), proponente ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes
ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin. Kilalanin munang mabuti ang
mga kalahok at hanguin sa kanila ang paksa, nang sa ganoon ay may kaugnayan ito
sa kanilang pamumuhay. Kalimutan ang sariling hangarin at ituon ang pag-aaral sa
pangangailangan at hangarin ng kalahok”.

Upang maisagawa ito, mahalaga ang pakikipamuhay at pag-alam sa kanilang


kondisyon. Pinaunlad ni Enriquez ang iba’t ibang metodong angkop sa kultura at
pagpapahalagang Pilipino gaya ng pagmamasid, paggamit sa pakiramdam,
pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw, pagmamatiyag, at pagsubaybay.
Tinukoy rin niya na mahalaga sa pananaliksik ang pakikilahok at pakikisangkot.
Kung talagang pag-aaralan ang interes ng masa, mauunawaan ng isang
mananaliksik ang tinatanggap ng karaniwang Pilipino at matutunghayan ang lalim
ng kaalamang galing sa kanilang karanasan.

Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik. Dahil sa


lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang Pilipino sa
akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng pananaliksik na pawiin
ang pagkakahiwalay na ito. Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng
kanilang mga guro, na lumabas tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng
maka-Pilipinong pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral
sa komunidad, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-aaral

10 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
mula sa masa. Naisisistematisa nila ang mga karanasang ito at muling naibabalik
para sa kapakinabangan ng komunidad. Sa ganitong paraan ay nagiging dinamiko
rin ang mga unibersidad at paaralan sa pagtugon sa mga pagbabago at
pangangailangan ng lipunan.

Paano kung ang paksang nais aralin ng mga mag-aaral ay hindi aktuwal na
isasagawa sa komunidad o kung ang disenyo ng pananaliksik ay hindi isasagawa sa
komunidad? Kinikilalang mahalaga pa rin ang mga ganitong paksa; gayonpaman,
mahalagang ang pagsusuri at punto de bista ng iskolar ay nagsisilbi pa rin sa masa.

Kalagayan at mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

Maraming hamon na kinahaharap ang maka-Pilipinong pananaliksik lalo na’t


nasa estado pa rin ng paggigiit ang wikang Filipino sa loob at labas ng akademya
habang itinuturing ang Ingles bilang lehitimong wika ng edukasyon. llan lamang ang
sumusunod na hamon na dapat kilalanin at pangibabawan ng isang mananaliksik
sa wikang Filipino.
1. Patakarang Pangwika sa Edukasyon. Nakasaad sa Konstitusyong 1987
ang mga probisyon kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino
bilang wikang pambansa sa pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng
pagtuturo sa sistema ng edukasyon at pamamahala. Gayonpaman, tila
tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa lalong-lalo na
sa edukasyon. Kasabay sa pagpapawalang-bisaang Executive Order 210
(Establishing the Policy to Strengthen the Use of English in the Educational
System) na ipinatupad ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong
Mayo 2003 at ang tangkang lehislasyon ng Gullas Bill 4710 o mas kilala sa
tawag na English Bill, ay ang panananatiling etsa-puwera ng wikang Filipino
sa patakarang pangwika ng edukasyon.

Sa bagong estruktura ng General Education Curriculum (GEC) sa


kolehiyo na ipinatupad ng Commission on Higher Education (CHED) sa
pamamagitan ng CMO 20 Series 2013, inalis na bilang batayang asignatura
ang anim hanggang siyam na yunit ng Filipino. Mahalagang panatilihin ang
pag-aaral ng Filipino sa pinakamataas na antas ng edukasyon sapagkat dito
magbubukas ang posibilidad na gamitin ang wika sa mataas na uring
pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Napaunlad na ang akademikong aktitud
at intelektuwal na kakayahan ng mga mag-aaral sa antas na ito, kung kaya
tiyak na kaya na nilang sapulin ang pangangailangang manaliksik sa wika at
paksang Filipino. Ngunit dahil sa mabuway na pagtangan at pagpapatupad ng
isang kritikal na patakarang pangwika sa edukasyon ay lumilit ang pag-asang
umunlad ang araling makabansa sa iba’t ibang disiplina.

2. Ingles Bilang Lehitimong Wika. Ingles pa rin ang lehitimong wika ng sistema
ng edukasyon at lakas-paggawa. Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng
globalisadong kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang wika ng
komunikasyon, komersiyo, at pagkatuto lalong-lalo na sa pananaliksik.
Wikang Ingles ang namamayaning midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa mga
unibersidad. Dagdag pa riyan, ang katatasan sa Ingles ay nagiging batayan sa
pagkakaroon ng disenteng trabaho. Ayon kay Gonzalo Campoamor II sa
artikulong “The Pedagogical Role of English in the Reproduction of Labor” na
matatagpuan sa aklat na “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education
in the Philippines”, neoliberal ang katangian ng polisiyang pangwika sa pagkat
umaayon ito sa pangangailangan ng ibang bansa habang tinatalikdan ang

11 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
batayang tungkulin sa pambansang industriyalisasyon. Sa ganitong
kalagayan, hindi masisisi ang mga mag-aaral na nais magpakadalubhasa sa
wika at araling Ingles dahil ito ang magbibigay sa kanila ng magandang
posisyon sa larangan ng edukasyon, at kalaunan ay mag-aakyat sa kanila sa
mas mataas na posisyon sa lipunan. Daang taon pa ang lalakbayin upang
makamit ang kritikal na pananaw sa pagpaplanong pangwika sa bansa, ngunit
kailangang maging ahente ng pagkuwestiyon ang mga guro at mag-aaral ng
pananaliksik sa kalakarang ito. Kailanganng matalas na panunuri sa
pagtataya ng mga palagay dahil ang mga ito ay batbat ng politika, maging ang
mga institusyonal at personal na pagkiling na malaon nang tinanggap na
makatuwiran at totoo.

3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik. Dahil sa daluyong ng


globalisasyon, maging ang pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad
at kolehiyo ay umaayon na rin sa istandard ng internasyonal na pananaliksik.
Positibong bagay ang pagkatuto at pagpapahusay mula sa mga bansang
mauunlad ang pananaliksik, ngunit nalalagay sa alanganin ang mga guro at
mag-aaral na nais magpakadalubhasa sa pananaliksik sa araling Filipino.
Gayondin, maliwanag ang mababang pagtingin sa mga journal ng pananaliksik
na nailalathala sa pambansang antas na kadalasang tumatalakay sa wika,
kultura, at kabihasnang Pilipino. Hindi lamang ito mahigpit na ugnayang
politikal at pang-ekonomiya ng mga bansa sa Asya, bagkus ay pagpapaunlad
din sa sosyo-kultural na pagkakaisa ng mga bansa na magreresulta sa
internasyonalisasyon ng pag-aaral sa mataas na edukasyon at pananaliksik.
Positibo ang magiging dulot nito kung matututo ang mga iskolar ng Pilipinas
sa mas maunlad na pamamaraan ng pananaliksik sa mga karatig bansa
ngunit magiging mabuway kung hindi magiging malinaw ang oryentasyon at
tunguhin ng mga pananaliksik sa mataas na edukasyon. Kailangang
bungkalin at payabungin muna ang uri ng pananaliksik na nakakonteksto sa
kalagayan at pangangailangan ng lipunang Pilipino habang umuugnay sa
maunlad na karanasan ng iba pang lipunan.

4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa lba’t ibang Larangan at Disiplina. Sa


kasalukuyan, wala pang malinaw na batayan sa paggamitng wika kaya halos
hindi pa ginagamit na wikang panturo ang wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan tulad ng agham panlipunan, agham at teknolohiya, matematika,
pagsasabatas at pamamahala, medisina, at iba pa. Ingles pa rin ang
namamayaning wika sa mga akademikong larangan at maganit pa rin ang
pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa humanidades, panitikan, at agham
panlipunan. Bagama’t maaaring sagutin ng mga maka-Pilipino ang
argumentong ito sa pagsasabinghigitpa sa daangtaon ang kakailanganin ng
wika bago maging ganap ang istandardisasyon, mahalaga pa ring linawin kung
ano ang tungkulin ng mga iskolar at mananaliksik sa napakahabang kurso ng
pagpapaunlad ng wika. Makatutulong sa lalong intelektwalisasyon ng wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan kung gagamitin ito sa pananaliksik ng mga
mag-aaral na nasa iba’t ibang kurso o programa.

Naintindihan mo ba ang aralin? Batid kong naliwanagan kang mabuti sa


sakop ng maka-Pilipinong pananaliksik. Marami mang hamon ngunit mainam
na mas mapataas pa ang kalagayan ng Filipino sa larangang ito. Magpatuloy
ka pa sa mga gawain.

12 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Galugarin

Gawain 2: Siyasatin Mo!


Panuto: Isulat ang T sa sagutang papel kung wasto ang kaisipang ipinapahayag sa
sumusunod na pahayag at M kung hindi. Kung M ang sagot, ipaliwanag sa
patlang sa ibaba kung bakit mali ang pahayag.

1. Hindi maituturing na maka-Pilipinong pananaliksik ang isang paksa kung


hindi ito gagawin sa komunidad.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Maraming hamon sa mga mananaliksik na gagawa ng maka-Pilipinong


pananaliksik kung kaya’t kailangan niya munang hintaying mamulat na ang
mga Pilipinong iskolar bago ito gawin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Hindi maaapektuhan ng pagtatangal sa kursong Filipino sa kolehiyo ang


pananaliksik na maka-Pilipino.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Maaaring pumili ng tanong sa pananaliksik na nasa Internet lamang makikita


ang kasagutan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Nagbibigay ng bigat at halaga ang pamimili ng angkop na wika at paksa sa


pananaliksik.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Pagnilayan Mo!


Panuto: Natunghayan sa buong aralin ang halagang payabungin ang maka-
Pilipinong pananaliksik sa Pilipinas. Sa tingin mo ba ay makabuluhan pa ito
sa panahon ng globalisasyon? Ibigay ang sariling repleksiyon sa usaping ito.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

13 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9
Palalimin

Gawain 4: Patunayan Mo!


Panuto: Saliksikin sa Internet ang pananaliksik na nasa ibaba. Maaari itong ma-
download sa link na
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/issue/view/454/showToc.
Basahin at suriin ito sa gabay ng talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at


Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman
Joanne Visaya Manzano

Abstrak ng Pananaliksik:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Mga Katangiang Maka-Pilipino sa Pananaliksik:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pangatuwiranan kung Maka-Pilipino ang Pananaliksik:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Kaukulang
Batayan ng Grado Grado
Puntos
Masaliksik nang buong husay ang akstrak. 5
Mapangatuwiranang maigi ang katangiang Maka-Pilipino sa
5
pananaliksik.
Mahusay ang pangangatuwiran kung Maka-Pilipino sa
5
pananaliksik.
Maayos ang daloy at pagkakaugnay-ugnay ng mga sagot. 5
Kabuoan: 20

14 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module9

You might also like