Q4 Pagbasa M1 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbása at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Modyul 1:Pagsusuri ng Ilang Halimbawang
Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit,
Metodo, at Etikang Pananaliksik

Modyul 2: Pagbibigay-Kahulugan sa mga Konseptong


Kaugnay ng Pananaliksik

1
SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbása at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Modyul 1:Pagsusuri ng Ilang
HalimbawangPananaliksik sa
Filipino Batay sa Layunin, Gamit,
Metodo, at Etikang Pananaliksik

Ang kagamitang ito sa pagtuturo ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, kolehiyo at
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

2
Alamin

Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labing-
isa ng Senior High School sa Taóng Panuruan 2021-2022. Ito ay kinapapalooban
ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa,
Tayahin, at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng
mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Modyul na ito, inaasahang
malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng ilang halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:


Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika ng pananliksik (F11PB-IVab-100)

Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gámit, metodo at etika ng pananaliksik
2. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin at
gamit
3. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa metodo at
etika ng pananaliksik

Subukin

Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,


gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong sagutang papel kung
LAYUNIN, GAMIT, METODO, at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.
__________1. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik
na pananaliksik.
__________2. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlational Studies kung
saan ikokompara ang dalawang baryabols para malaman kung mayroong positibo o
negatibong epekto ang isa sa isa.
__________3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
__________4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang
balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong baitang.
__________5. Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptiboat
kuwasi- eksperimental na uri ng pananaliksik.
__________6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik
layunin at implikasyon.
3
__________7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente
sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa
pananaliksik.
__________8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba‟t ibang estratehiya sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino.
__________9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga
seminar upang umunlad ang mga kakayahan sa pagtuturo.
__________10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
__________11. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng
kalahok.
__________12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa pananaliksik.
__________13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito
ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang
pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akademiko.
__________14. Mapabása at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbása gamit
ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni Tysel.
__________15. Sukatin ang bisa ng komiks bílang alternatibong kagamitang
pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8.

Modyul
1

Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang


mapag- aralan at mabigyang-kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo
na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong
pag-aaral. Dito hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at
maunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito.
Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa
pagbuo ng isang saliksik.
May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik:
1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o
kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang
pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga
layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang
layon o nais matamo sa pananaliksik.
4
Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay
sa pananaliksik sa paksa.
2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga
bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang
sa mga tao.
3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos
at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit
ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman
ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal,
komparatib, at iba pa.
4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal
na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May
tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang
American Psychological Association (2003) at ang Center for
Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng
mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan.

Balikan

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang


pananaliksik. Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang
pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1 2

4 3

5 6

5
1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.
2. Paglalagom ng kabuoang idea o kaisipan na tumatalakay sa ibig
tuklasin, linawin, at tukuyin.
3. Ang pagsasama-sama ng hinangong idea mula sa iba‟t ibang
pinagkunan ng impormasyon at mga datos.
4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan
na isasama ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa
pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.
5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at
isaayos ang mga datos.
6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos;
maaaring marebisa nang mas maaga ang ilang kamalian,
pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin, at
makapagdaragdag pa ng mas mabisang idea.
7. Inilalahad ang kabuoang isinagawang pananaliksik batay sa
wastong pormat kawastuan ng mga pamamaraan at
dokumentasyon.

TUKLASIN

Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino.


Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika
ng pananaliksik. Kopyahin at isulat ang wastong bílang sa inyong
sagutang papel.

A.
Mangangalap ng talâ sa Internet, aklat, at jornal at makikipanayam
sa mga doktor

6
Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging
basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at
panganib ng paggamit ng halamang gamot bílang gamot sa COVID19.

Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng


mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa
paggamit ng halamang gamot.
Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik. B.
Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nása
preschool.

Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na


preschool tungkol sa epekto ng Quarantine.

Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nása preschool

Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang


Psychological First Aide.

C.
Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask.
Maaaring maging basehan ng isang artikulo na tumatalakay sa bagay na
ito.
Mananaliksik sa Internet. Gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong
isuot ng mga frontliners at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na
medical frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang facemask.
Kapanayamin din ang ilang manufacturers ng facemask.
Sa mga frontliner, ang magagawa ng pag-aaral na ito na kilatisin
muna ang uri ng materyales ng facemask bago ito gamitin
Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga
frontliner. D.
Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang
paggamit ng camera at editing app ng smartphone upang makagagawa
ng isang maikling pelikula.

Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling


pelikula gámit lang ang camera at editing app ng smartphone.

Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-


oobserba sa proseso ng paggawa ng ganitong pelikula.

Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.


7
E.
Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang
bílang ng
nagkakasakit ng COVID19.

Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng


pakikipanayam sa mga táong nagkaroon ng COVID19.

Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

Sa ahensiya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang


magkaroon ng eksaktong bílang ng nagkakaroon ng COVID19.

Suriin

LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK


Layunin
Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng
pananalİksİk. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan,
mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bílang mga
pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa
pananaliksik.
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang
mga layunin at seguruhing natupad o nagawa nga ang mga İto. Kung hindi nasagot
sa kongklusyon ang mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong proseso,
lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhİn nito.
8
Paano bumuo ng layunin?

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag


ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa
pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunİn ng pananaliksik, mahalagang isaalang-
alang ang sumusunod:

1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang


dapat gawin at paano ito gagawİn

2. Makatotohanan o maisasagawa

3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na


maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik,


makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-
organisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad,
maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa,
at makatalakay.

Gamit ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at


impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang
bágong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang

tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartphone at Internet. Ayon sa pag-


aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababád sa Internet
at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang
tao.

1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bágong interpretasyon


ang lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng
panibagong imbensiyon na may kaugnayan sa dáting pananaliksik. Halimbawa,
noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng paraan upang mapabuti ang
produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically modifed
organism o GMO. Ngunit ngayon, iniuugnay sa ilang sakít ang pagkonsumo ng
mga pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO.

9
2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
Halimbawa nitó ang mga bágong tuklas na benepisyo ng marijuana upang
malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nitó, marami pa rin ang hindi
sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana.

3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at


katotohanan ng isang datos o idea. Maaaring kumpirmahin ng bágong pag-aaral
ang isang umiiral na katotohanan.

Metodo
Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang
pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang
instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang
gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang
isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa
obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang
Iaging nása isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga
suliranin ng pananaliksik.

Etika ng Pananaliksik

Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit


sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa
isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring
marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong
unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang
mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik.
Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga
mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit


ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anumang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey,
pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang
bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang
kaniyang paglahok sa kabila nitó.

10
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na
magmumula sa kanila ay gagaamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan
ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa mga
pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kayâ'y ibahagi
sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang permiso
ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa


mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng
pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nása
komunidad, na ginagamit lámang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at
pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa
mangilanngilan lámang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga
kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo
ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik,
makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa
kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

11
PAGYAMANIN

PAGSASANAY 1 (Unang Linggo)


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak
na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga
kasunod na tanong.

KARANASAN NG ISANG
BATANG INA: ISANG
PANANALIKSIK

Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic


at Fernando A. Garcia BS in Psychology

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman


at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga
batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,
mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing
pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan
ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base
sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay
tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na
labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa
Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay
walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng
unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang
kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean
score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.

Sanggunian: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng


Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
http://lpulaguna.edu.ph/wp- content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-
ISANG- BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf

12
EPEKTO NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA AKADEMIK
PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL
SA TAONG 2014-2015

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino St. Bridget College


M.H Del Pilar St. Batangas City

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang bigyang pansin kung gaano kalupit
ang epekto ng paglalaro ng mga kompyuter games, facebook, at sa panood ng mga
videos sa porn site sa kalusugan at pag-aaral ng isang tao upang maipaliwanag ang
kahalagahan ng buhay ng isang tao.
Sa panahon ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lao na ang mga
kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng mga online game at pagsusurfing sa
internet. Kaya naili naming magsagawa ng pananliksik ay upang makakuha ng
karagdagang datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng IT sa St.
Bridget College- Batangas City ukol sa Epekto ng kompyuter sa akademik
perpormans ng mga mag-aaral sa taong 2014-2015. Kasama rin dito ang mga
posibleng maging kahinatnan ng sobrang paggamit ng internet.
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptib o pang larawang paraan. Ang
pamamaraang ito ay nagtatangkang ipakita ang isang tumpak na larawan ng mga
bagay-bagay sa kasalukuyan. Sa pamamaraaang ito ginagamit ang mga datos na
nagmumula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid
Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod:
pananaliksik sa iba‟t-ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga
website sa internet.

Sanggunian: Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-


aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERPO
R MANS_NG_MGA_MAG_nn

1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga abstrak
nitó? Pangatwiranan ang sagot.
Abstrak 1: ______________________________________________________
Abstrak 2: ______________________________________________________

13
2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?
Abstrak 1: ______________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kayâ ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang


ginawang saliksik?
Abstrak 1: ______________________________________________________
Abstrak 2: ______________________________________________________
PAGSASANAY 2 (Ikalawang Linggo)

Panuto: Mula sa mga nabasá mong abstrak kanina, may mga salita ba
na bago sa iyong paningin na kinailangan mong ihanap ng
kasingkahulugan habang ikaw ay bumabása? Isulat ang mga ito sa
unang hanay. Sa ikalawang hanay naman ilagay ang angkop na
kasingkahulugan nitó gámit ang diksyonaryo o sa tulong ng konteksto
ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ito
sa makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

14
PAGSASANAY 3 (Ikalawang Linggo)

Panuto: Muling balikan ang dalawang abstrak na iyong nabása sa itaas.


Ipagpatuloy ang iyong pagsusuri sa mga ito gámit ang tsart sa ibaba.
Huwag kalimutang ang pagsusuri sa isang sulating pananaliksik ay
hindi lámang pagpuna sa mga mali at kakulangan nitó. Bahagi pa rin
ng pagsusuri ang pagbibigay-papuri sa magagandang naisulat, nagawa,
o kombinasyon nitó. Tandaan na kailangang suriin nang obhetibo ang
mga pananaliksik batay sa nilalaman ng papel at hindi batay sa
personal na dahilan. Isulat ang gagawing pagsusuri sa sagutang papel.

Pamagat ng papel-pananaliksik: ______________________________


Pangalan ng manunuri: ______________________________________

15
ISAISIP

PAGSASANAY 1 (Una at Ikalawang Linggo)

Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang


pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gámit, metodo, at etika ng
pananaliksik. Punan ang talahanayan na nása ibaba. Kopyahin at
sagutan sa inyong sagutang papel.
ABSTRAK

A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang


masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-
anim na baitang bilang basehan ng interbensyon at
epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.
Mayroon animnapu't isang (61) respondente ang
pananaliksik na ito at gumamit ng pamaraang palarawang
disenyo. Ang resulta ay nagpapkita na ang pangunahing
estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na lalaki ay kinestetik
na may frequency na 409 0 36.65 na bahagdan,
samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na
may frequency na 374 0 34.63 na bahagdan. Ang natamong
X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical value sa
0.05 level of probability teybol gamit ang degree of freedom
na 2. Ang Null hypothesis na nagsasabing walang
significant relationship o malaking kaugnayan ang estilo ng
pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay
tinanggap.
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Leaming
Action Cell (LAC) session para sa guro na ang paksa ay
tungkol sa estilo ng pagkatuto, laluna sa kinestetik at
awditory upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan
na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang marka at
malinang ang kakayahan ng mga mag- aaral ngayong 21st
century.
Bata, Bata, Paano Ka
Matututo? Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga
16
Mag-aaral sa Ika-anim na Baitang sa Paaralang Elementarya ng
Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016 Ribecca B. Fenol, ANG
GURO Ikaapat na Edisyon,Vol.7,2017

B. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga


seminar/ pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at
kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.Ang
disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies na
inilahad sa Input - Process - Output (PO) na pamamaraan at ang
metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o pag-
aaral. Mula sa 435 guro sa Filipino mula sa iba't ibang antas, kumuha ng
walumpung (80) kalahok bilang kinatawan ng dalawampung bahagdan
(20%) ng populasyon upang gamitin sa pag-aaral.
Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang
naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at
workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng
guro. Sa value ng r na 0.67, naipakita ng istatistiko na mayroong
korelasyon (katamtaman) arg mga baryabol.Tinatayang ang pag-
aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga Punongguro at
tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga
kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng mga
gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang antas.
“Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga Guro Sa
Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino”
Elpidia B. Bergado, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador),
Vol.5(2015-2016)

17
C. Layunin ng pananaliksik nito na maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-
aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon , 2) kahandaan ng mga
mag-aaral sa K to 12 batay sa na pangakademiko, pinansyal at kaisipang
panghinaharap, 3)kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at
kailanan pagkatuto ng mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan
sa implementasyon ng K to 12 batay sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong
aplikasyon.Ang deskriptiv na pananaliksik na ito ay may 30 respondent na pinili
sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga instrumentong ginamit ay
questionnaire at interview. Binilang ang frequency at kinuha ang bahagdan ng
kasagutan. Ang mga pananaliksik ay umabot sa konklusyon na ang mga mag-
aaral ng ADM-OHSP ay may kaalaman, kahandaan at kakayanan sa pagharap sa
K to 12. Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipakita ang karanasan ng mga
mag-aaral sa pagbabago ng kurikulum. Isa rin itong paraan upang malaman ng
mga stakeholders ng edukasyon ang awtentikong kaganapan sa 100b ng silid
aralan at maging sa Alternative Delivery Mode- Open High School Program.
“Ang KKK Sa K To 12: Kaalaman, Kahandaan At Kakayanan Ng Mca Mag-Aaral Mula Sa
Alternative Delivery Mode-Open High
School Program Ng San Pedro National High School Sa Bagong Kurikulum”
Maria Celita B. De Leon, Jezreel M. Margaallo And
Louiegrace G. Margallo, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador),
Vol.5(2015-2016)

18
D. Nabuo ang pag-aaral na ito upang matulungan ang mga mag-
aaral na pataasin ang antas ng pag-unawa sa pagbasa gamit ang
mga isinakomiks na teksto interbensyong kagamitan. Kaya naman
sinikap ng pag-aaral na alamin kung anu- ano ang mga pantulong
na kagamitang pampagtuturo sa kasalukuyan ang ginagamtt ng
mga guro. Ipinabalida ang isinakomiks na teksto batay sa paksa,
larawang-guhit at wikang' ginamit kung naaayon ba ito sa antas ng
mga mag-aaral sa baitang walo. Inalam ang iskor ng mga mag-aaral
sa karaniwang at isinakomiks na teksto, kinuha ang makabuluhang
pagkakaiba ng iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit sa
karaniwan at isinakomiks na teksto.
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibo at kwasi-
experimental na disenyo upang maipakita ang kabuluhan ng
komiks bilang pantulong na kagamitang pampagtuturo sa
asignaturang Filipino, Baitang 8. Ang mga datos ay inilahad sa
pamamagitan ng paglalarawan at nagsagawa naman ng
eksperimento upang matugunan ang mga suliranin. Eksperimental
naman ang pagpapagamit ng komiks kung ito ay magiging mabisa
bilang pantulong na materyales na maiangat ang antas ng pag-
unawa ng mga mag-aaral. Kaugnay ng pag-aaral natuklasan ra
bahagyang sapat lamang ang pantulong na kagamitang
pampagtuturo mayroon ang paaralan ng Mambugan National High
School, lubos na sumasang-ayon ang limang guro Baitang 8 na
balido ang komiks batay sa paksa, larawang-guhit at wikang
ginamit mas mataas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aarat sa
komiks kumpara sa karaniwang teksto, at may makabuluhang
pagkakaiba ang iskor na natamo ng mga mag-aaral sa komiks
kumpara sa karaniwang teksto.
“Komiks: Mungkahing Pantulong na Kagamitang Pampagtuturo para sa Filipino, Baitang
8” Ma. Rosario W. Carson, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador),Vol.6(2016)

19
E. Ang guro ay laging tumutuklas ng mga paraan para may
matutunan ang mga mag-aaral dahil sila ang tunay na sentro sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto.Nilalayon ng pag-aaral na ito na
makita ng guro bilang isang mananaliksk kung tunay nga bang
may kaugnayan ang pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino.Aksiyong pananaliksik ang modelong
ginamt dahil. Ito ang paraan para sa pagkilos ng mananaliksik
upang makabuo ng mga agarang solusyon para sa nakitang
suliranin sa pagtuturo sa asignaturang Filipino. Gumamit ng
assessment tool, frequency counts at pagkuha ng bahagdan ang
mananaliksik. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay may tunay na
kaugnayan ang pangkatang gawain sa pagkatuto ng mag-aaral sa
asignaturang Filipino. Lumabas na may 58.2% ang lubos na
sumang-ayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto
ng mga mag-aaral at 30.8% naman ang sumang- ayon dito.
Ganunpaman may 8.6% ang may pag-aalinlangan pa rin at may
2.4% na htndl sumang-ayon.Ang pananaliksik na ito ay
magsisilbing batayan ng guro kung paano pa mapapaunlad ang
pangkatang gawain at mahasa ang mga mag-aaral sa pakikitungo,
pakikiisa at pakikipagtulungan sa kanyang kapangkat upang
matamo ang pagkatuto sa asignaturang Filipino.
“Kaugnayan ng Pangkatang Gawain sa Pagkatuto ng mga Mag
aaral sa Asignaturang Filipino” Ma. Teresa T. Rojas, ANG
GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.6(2016)

20
ISAGAWA

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit,


metodo, at etika sa pananaliksik.
Lagyan ng tsek (✔) ang linya bago ang bílang kung ito ay tama at ekis
(❌) kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng
mananaliksik sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
2. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o
nais matamo ng pananaliksik.
3. Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o
tiyak.
4. Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang
impormasyong ilalagay niya sa kaniyang pananaliksik.
5. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular
na pakay sa pananaliksik sa paksa.
6. Ang kulay, tekstura, lasa, damdamin, at pangyayari ay mga
halimbawa ng datos ng kailanan o quantitative data.
7. Maaaring maging subhetibo ang tono ng pananaliksik.
8. Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang
nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik.
9. Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng
anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik.
10. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika
ng pananaliksik.
11. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang
pinagtatalunang isyu.
12. Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay
tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.
13. Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang
awtor kahit pa ito ay may kaunting pagbabago sa ayos ng
pangungusap
ay isang halimbawa ng plagiarism.
14. Isa sa etika ng pananaliksik ang pagiging kumpidensiyal at
pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
15. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at
nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bílang
tugon sa mga tanong.

21
Sanggunian

A. AKLAT

Anatacio Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales.


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2016.

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang


Pluma (Kto12) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.,2016.

De laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store,2016

Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St.


Clair
Printing
Sevices .2017

Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St.


Clair
Printing
Sevices .2019

Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro


Manila:
St. Clair Printing Sevices Vol.5 Issue No.1.2015-2016

Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro


Manila:
St. Clair Printing Sevices Vol.6 Issue No.1.2016

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino: Batayang Aklat.Quezon City: Vibal Group,
Inc.,2016

Taylan, Dolores R., Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Unang
Edisyon.Quezon City: Rex Book Store,2016

B. SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang


Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
http://lpulaguna.edu.ph/wp- content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-
ISANG- BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf

Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik


Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_A
KADEMIK_PERP ORMANS_NG_MGA_MAG_nn
22
SENIOR HIGH SCHOOL

Pagbása at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan–Modyul 2:
Pagbibigay-Kahulugan sa mga
Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik

23
Alamin

Pagbati at naging mahusay ang iyong pagsusuri sa ilang halimbawang


pananaliksik sa Filipino. Halina‟t ipagpatuloy natin ang paglalakbay sa
mundo ng pananaliksik. Katulad ng unang modyul, ito rin ay
kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin,
Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayáhin, at Karagdagang Gawain na
lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-aaral sa ikalabing-
isang baitang. Sa modyul na ito ay inaasahang malilinang ang
kasanayan mo sa pagbibigay ng kahulugan sa mga konseptong kaugnay
ng pananaliksik tulad ng balangkas konseptuwal, balangkas teoretikal,
datos empirikal, atbp.

Kasanayang Pampagkatuto:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng


pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptuwal, balangkas
teoretikal, datos empirikal, atbp.) (F11PT-IVcd-89)

Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas


teoretikal, datos empirikal, atbp.
2. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa
kahulugan nitó.
3. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa
kahulugan nitó.

Subukin

I. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang hiwalay
na papel.
1. Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon
ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik na maaaring sa obserbasyon,
pakikipanayam, at ekperimentasyon, o iba pang pamamaraan.
A. Datos Empirikal
B. Datos Numerikal
C. Sarbey
D. Talang Marhinal
24
2. Ito ay paglalarawan sa datos sa paraang patalatâ.
A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstuwal

3. Paglalarawan ito sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng


line graph, pie graph, at bar graph.
A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstuwal

4. Gumagamit ito ng estadistikal na talahanayan sa paglalarawan ng datos.


A. grapikal
B. narativ
C. tabular
D. tekstuwal
5. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik
hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.
A. Datos Empirikal
B. Datos na Tekstwal
C. Balangkas Konseptuwal
D. Balangkas Teoretikal

6. Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba‟t


ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng
pananaliksik.
A. Datos Empirikal
B. Datos na Tekstwal
C. Balangkas Konseptuwal
D. Balangkas Teoretikal

7. Ito ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na


magkahiwalay at ipinaghahambing.
A. Bar graph
B. Line graph
C. Pictograph
D. Pie graph
25
8. Ito ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o
numero sa haba ng panahon.
A. Bar graph
B. Line graph
C. Pictograph
D. Pie graph

9. Isang bílog na nahahati sa iba‟t ibang bahagi upang maipakita ang


pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-
aaral.
A. Bar graph
B. Line graph
C. Pictograph
D. Pie graph

10. Ayon sa isang eksperto sa pananaliksik, ang sumusunod ay ilan lámang sa


mga punto na maaaring gamitin sa paghahanda ng teoretikal na balangkas,
maliban sa isa, alin ito?
A. Pagbabasá at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
B. Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
C. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
D. Pagwawalang-bahala sa pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
II. Panuto: Ang sumusunod ay mga katangian ng balangkas konseptuwal at
balangkas teoretikal. Isulat sa iyong sagutang papel ang BK kung ang pahayag ay
tumutukoy sa Balangkas Konseptuwal at BT naman kung ito ay tumutukoy sa
Balangkas Teoretikal.
11. Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng
pananaliksik.
12. Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng manunulat batay sa suliranin
ng pananaliksik na ginagawa.
13. Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak
na larang upang masagot ang katanungan.
14. Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya.
15. Ito ay ginagamit upang subukin ang isang teorya.
16. Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at tinatanggap na.
17. Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng manunulat batay sa suliranin
ng pananaliksik na ginagawa.
18. Modelong binuo ng mananaliksik batay sa mga baryabol ng papel.
26
19. Mas malawak ang mga nilalatag na ida.
20. Mas tiyak ang mga idea

Modyul

2
Sa modyul na ito inaasahang magtutuon táyo sa pagbibigay kahulugan sa mga
konseptong kaugnay ng pananaliksik.
Ang pagbibigay-kahulugan ay isang eksposisyon na tumatalakay o naglalahad ng
depinisyon o kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglilinaw sa kahulugan ng isang
salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larang ay may mga jargon o
teknikal na katangian na kinakailangan ng paglilinaw o pagpapalinawanag.

Ito ang mga konseptong pangwika na pag-uukulan nang pansin sa bahaging ito:

1. Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba‟t ibang larang o


disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas.

2. Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol


ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik

3. Datos Empirikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa


pangangalap ng datos

Balikan

Ngayon ating balikan ang iyong mga natutuhan sa Modyul 1.


Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang
Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik. Kopyahin at
isulat ang wastong bílang sa inyong sagutang papel.
________Magsasagawa ang mga mananaliksik ng panayam at magbibigay rin ng
sarbey upang malaman ang naging epekto ng pandemya sa kanila.
________Tutukuyin ang mga epekto ng COVID-19 sa mga kabataang mag-aaral.
________Hihingi ng pahintulot sa mga magulang ng mga respondente bago gawin
27
ang mga panayam at pagbibigay ng sarbey.
_________Ang impormasyong makukuha sa saliksik ay makatutulong upang
matugunan ang mga positibo o negatibong epekto nitó sa mga kabataan.

Tuklasin

Panuto: Ngayon, nais kong basahin mo ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay sagutan
sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya ni Jac Sarito

Isa sa kinahaharap ngayon ng bansa ay ang hamon ng muling pagsisimula ng


klase sa Agosto 24, 2020 batay na rin sa isinaad ni Gng Briones, Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon.

Hati ang saloobin ng mga Pilipino hinggil sa naging panukala ng kalihim. May
sumasang-ayon, may tumatanggi at umusbong ang maraming agam-agam at mga
katanungan dahil sa muling pagbubukas ng klase sa kabila ng pandemya dulot
ng COVID-19.
Sa kabila nito, naglahad ng mga solusyon ang Kagawaran ng Edukasyon upang
maipakitang kakayanin ang hamon o suliraning ito. Inilatag ng kagawaran ang
pagkakaroon ng iba‟t ibang pamamaraan o modalities ng pagkatuto: Online
Learning, Blended Learning, Modular Learning, telebisyon, at radyo, binigyang
diin nila na hindi kailangan ang Face to Face Learning hangga‟t hindi pa ito
pinahihintulatan ng pamahalaan at hindi pa ligtas lalo na sa mga mag-aaral.
Bukod dito, upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at magulang
sa enrollment o pagpapatala, nagbigay din ng iba‟t ibang paraan ng pagpapatala
katulad ng online enrollment, pagpapadala ng mensahe/text, pagtawag/call,
28
at kung talagang hindi kakayanin ang mga naunang paraan saka lamang pupunta
sa paaralan. Ito ay isasagawa batay sa ligtas na pamamaraan.
Habang papalapit ang klase, patuloy ang paghahanda ng mga guro, administrasyon
at mga ahensya upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng paaralan.
Sa kabila ng suliranin, may mga solusyon upang ang edukasyon ay sumulong,
kailangan lamang ang pakikiisa upang ito ay maging matagumpay.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang suliranin sa teksto?
2. Pansinin ang mga nakadiin (bold) na salita, paano nito nabigyan ng solusyon
ang suliranin?

Suriin

Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa jornal ni Adom (2018), ang balangkas ay
nagsisilbing „blueprint‟ o gabay sa pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng
pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel
at maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Ang balangkas na ito ay makatutulong
sa mga mananaliksik bílang pundasyon ng tila binubuong gusali.
Balangkas Teoretikal
Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba‟t ibang
larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik
(Adom, 2018)
Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na
balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na
dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan

29
o layunin ng saliksik na ginagawa. Sa pamamagitan nitó mas binigyang-lalim at
paglalapat ang ginagawang saliksik.
Ayon kina Simon at Goes (2011), narito ang ilan sa mga punto na maaaring
gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas:
1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
3. Pagbabása at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong
paksa
4. Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong
papel
8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng
napiling teorya
9. Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya

Isang halimbawa ng teorya ay Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na


ginamit sa pananaliksik na pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni
Abadejos. Napili nila ang teorya sapagkat ito ang sumasagot sa baryabol nilang
child abuse na pumapaksa sa pagkawalay sa ina bílang isang dahilan ng
pagkakaroon ng pang-aabuso sa mga bata.
Kung iyong mapapansin, ang Attachment Theory na ginamit sa papel ay isang
subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas. Ito rin ay sumasagot sa
kung bakit nga ba nagkakaroon ng pang-aabuso sa baryabol na “child abuse”.
Balangkas Konseptuwal
Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik
hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng
pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng
pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.
Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura
na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang
pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang
ginagawang pananaliksik (Adom, 2018).
Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o
masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014). Sapagkat ito ay
magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa lohikal na estruktura sa
tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea
(Grant at Osanloo, 2014).

30
Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa “Mga Paraan sa Pag-iingat sa
Kalikasan,” mula rito, ito ang iba‟t ibang konsepto na nabuo ng mga
mananaliksik upang masukat ang kanilang baryabol ukol sa “paraan sa pag-
iingat”.

“Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan”

Replace

Reduce
Indibidwal na
Gawain (4R)
Recycle

Pag-iingat sa Recycle
Kalikasan

Lokal na Batas Proper


Segregation

Mga Batas na
Batas Pambansa mangangalaga sa
kalikasan

Kung iyong susuriin, mapapansing nagtataglay ito ng IBA-IBANG konsepto


upang matugunan ang baryabol o suliranin hinggil sa kalikasan. Totoong ang
ilan dito ay mula sa kilalang batas o pantas ngunit ito ay ISINAMA sa iba
pang konsepto at nabuo ng mananaliksik ang konseptong ito na ipinakikita sa
dayagram.

31
PAGKAKAIBA NG BALANGKAS NA TEORETIKAL AT KONSEPTUWAL
(Adom, 2018)

DATOS EMPIRIKAL
Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng
dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o
ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring
mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.

TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL


1.Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata. Halimbawa:
Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang
naapektuhan nang dahil sa 2019 N Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon
naman ang naapektuhan sa Pilipinas.
2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan.
Halimbawa:

32
3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad
ng line graph, pie graph, at bar graph.

Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o
numero sa haba ng panahon.
Ang Bilang ng mga Kabataang Nagpositibo ng
Covid-19

Marso Abril Mayo Hunyo

Ang Bilang ng mga Kabataang Nagkakaroon ng Covid-19

Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba‟t ibang bahagi upang


maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga
kategorya ng iyong pag-aaral.

Iba't Ibang Paraan ng Pagkatuto

30% 29%

17%
24%

Biswal Pandinig Pagbasa at Pagsulat Kinestetic

Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na
magkahiwalay at ipinaghahambing.

33
Halimbawa:

Bílang ng mga mag-aaral sa Bawat Track sa SHS


600,000

500,000

400,000

300,000

200,000

100,000

Luzon Visayas MindanaoSports


Academic Technical-Vocational-Livelihood and Arts

34
Pagyamanin

PAGSASANAY A (Unang Linggo)

Pananaliksik Ukol sa Depresyon at Pagkabahala

*Ito ay ilang bahagi lamang ng pananaliksik.

Ang mga karaniwang nagiging biktima ay ang


mga mag-aaral sa kolehiyo subalit mayroon ring ilang
nasa sekondarya. Isa sa mga tinitingnang dahilan sa
mga insidenteng ito ay ang gami ng nagdudumga
gawaing pang akademiko na naiipon sapagkat hindi
binibigyang halaga ang oras. Karamihan sa mgamag-
aaral ay pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga
gawain isang linggo bago ang itinakdang panahon o
mas mababa pa sa isang linggo. Dahil dito, hindi
nila maiwasang mabahala na kalauna‟y maaaring
magbunga ng depresyon. Bukod pa rito, ang mga
problemang kinahaharap ng bawat isa ay hindi rin
natinmaaaring isantabi. Ang bugso ng mga gawaing
pang-akademiko, ang mga problemang kinahaharap sa
pisikal, emosyonal, mental, pinansyal, at marami pang
iba ay nakadaragdag ng posibilidad upang ang isang tao
ay makaranas ng sinasabing depresyon. Datapwat, hindi
dapat nating alisin sa ating pag-iisip na ang buhay ay
tunay ngang punong- puno ng pagsubok. Mga
pagsubok na maaaring magpalakas o maging dahilan
ng ating pagbagsak

Sanggunian: Pananaliksik ukol sa Depresyon at


Pagkabahala. Binuksan noong Hunyo 11, 2020,
https://pdfslide.net/documents/pananaliksik-ukol-sa-
depresyon-at- pagkabahala.html

35
1. Ano ang balangkas na ginamit upang masagot ang suliranin o layunin ng
pananaliksik?
Pagsasanay 1: __________________________________________________
Pagsasanay 2: __________________________________________________
2. Ipaliwanag ang iyong naging sagot.
Pagsasanay 1: __________________________________________________
Pagsasanay 2: __________________________________________________

PAGSASANAY B (Ikalawang Linggo)


Panuto: Pumili ka ng isang suliranin o paksa sa ibaba. Mula sa napili mong
suliranin magsaliksik ka ng mga teorya o pamamaraan upang mabigyan mo ito
ng solusyon o lunas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

PAKSANG NAPILI: _____________________________________________


TEORYA o MGA KONSEPTONG NAPILI: __________________________

Isagawa

Ang pananaliksik na ito na may paksang Ang Epekto sa Paggamit ng


ICT sa Pagtuturo sa Senior High School sa Paliparan III Senior High
School ay binigyan ng balangkas konseptuwal upang higit na
maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral na ito.
Ano kayâ ang mga konseptong maaaring lamanin nito upang mabuo ang daloy
ng konseptuwal na balangkas? Pumili ng sagot sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa
kahon ang tamang sagot.
A. Mga mag-aaral ng baitang 11 at 12 senior high school (respondente)
B. Paggamit at pagkatuto sa paggamit ng ICT
C. Estratehiya sa Pagtuturo
D. Guro
E. Mga Kagamitan sa ICT
F. Resulta

36
Tayáhin

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bílang. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.
1. Ito ay nagtataglay ng pinagsama-samang magkakaugnay na
konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng
ginagawang saliksik.
2. Ito ay nakabatay sa teoryang umiiral na subok at may
balidasyon ng mga pantas.
3. Impormasyong nakalap mula sa ginawang pangangalap ng
datos.

37
4. Uri ng datos na patalata ang paraan ng paglalarawan.
5. Nagsisilbing “blueprint”o gabay ng pananaliksik

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa balangkas teoretikal,


batayang konseptuwal, at datos empirikal. Isulat ang TAMA kung
wasto ang pahayag at Mali naman kung hindi sa sagutang papel.
6. Maaaring gumawa ng sariling estruktura upang mabuo ang
balangkas konseptuwal.
7. Katuwang ng mananaliksik ang balangkas teoretikal at
konseptuwal upang masagot ang suliranin o maipaliwanag ang
baryabol ng pananaliksik.
8. Ang Pie Graph ay maaaring gamitin upang ipakita ang
pagbabago sa paglipas ng panahon.
9. Maaaring lumikha ng sariling teorya sa ginagawang
pananaliksik
10. Subók na ng mga pantas ang binubuong sariling balangkas
konseptuwal ng mga mananaliksik.
11. Ang balangkas konseptuwal ay ginagamit upang mapaunlad
ang teorya.
12. Ang bar graph ay nababagay gamitin kung may dalawa o
higit pang datos na magkakahiwalay ay ipinaghahambing.
13. Mahalagang maging tapat ng paglalahat ng datos empirikal
batay sa naging resulat ng pananaliksik.
14. Maaaring gawin ang pananaliksik nang hindi gumagamit ng
balangkas.
15. Ang mga konseptong pananaliksik ay nariyan upang maging
gabay sa binubuong pananaliksik.

38
Sanggunian

Abadejos, J., Bello, K., Chua, S., Salita, K., Sison, E., Mga batas ukol sa child abuse.
(di-nailimbag na manuskrito) Manila :De La Salle University, 2016.
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/53835582/Child_Abuse.pdf

Adom, D. Theoretical and conceptual framework: Mandatory Ingredients of A Quality


Research. International Journal of Scientific Research 7 January 2018. (1):438-441.
Binuksan noong Hunyo 10, 2020 sa
https://www.researchgate.net/publication/322204158_THEORETICAL_AN
D_CONCEPTUAL_FRAMEWORK_MANDATORY_INGREDIENTS_OF_A_QUAL
ITY_RESEARCH

Bruchh96, Pagbibigay-kahulugan o depenisyon.docx-Pagbibigay, 2019. Binuksan noong


Hunyo 10, 2020 ang https://www.coursehero.com/file/44142703/pagbibigay-
kahulugan-o- depenisyondocx/

CountPuppyMaster2026.,. Datos empirical at iba pa.docx-


pagsulat na ng pananaliksik, 2019. Binuksan noong Hunyo 10, 2020 sa
https://www.coursehero.com/file/44623575/DATOS-EMPIRIKAL-AT-IBA- PAdocx/

Imenda, S., Is there a conceptual differences between theoretical and conceptual


frameworks? 2014, Kamla-Raj: J Soc Sci, 38 (2), ph 185-195. Binuksan
noong Hunyo 10, 2020 sa
https://academicguides.waldenu.edu/library/conceptualframework

Pananaliksik ukol sa Depresyon at Pagkabahala. Binuksan noong Hunyo 11, 2020,


https://pdfslide.net/documents/pananaliksik-ukol-sa-depresyon-at- pagkabahala.html

Southville International School and Colleges-Las Piñas. Ang konseptuwal na balangkas at


naglalaman ng konsepto. Binuksan noong Hunyo 10, 2020 sa
https://www.coursehero.com%2Ffile%2Fp4r8rac%2F

39

You might also like