Ikalawang Pre Test
Ikalawang Pre Test
Ikalawang Pre Test
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SangayngLungsodngTaguig at Pateros
KAPT. EDDIE T. REYES INTEGRATED SCHOOL
IKALAWANG PAGTATAYA SA FILIPINO
BAITANG 9
TAONG PANURUAN 2023-2024
PAALALA:Basahin, unawain, suriin at sundin ang bawat panuto at katanungan sa bawat bilang.
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
_____________ 1. Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
A. morpema B. ponema C. salitang – ugat D. pantig
______________2. Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig.
A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
______________3. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
A. maikling kuwento B. kuwentong bayan C. parabula D. pabula
______________4. Pamuno sa pandiwa o tinatawag din itong malapandiwa.
A. aspekto B. modal C. pangatnig D. pawatas
Para sa mga bilang 5-7
Mula sa isang tuldok ng kaluwalhatian, anak, ikaw ay sumilang. Inaruga ka ng iyong ama at ipinaghehele sa oyayi nang walang
pag-iimbot na pag-ibig. Ni sa lamok ay ayaw kang padapuan. Ni sa langgam ay ayaw kang pagapangan. Ngunit paminsa-minsan,
anak, ikaw ay umaatungal ng iyak. Pagkat ayaw mo sa iyong yaya. Ni sa iyong mga tiya. Ang gusto mo’y sa akin magpaalaga,
magpakuwento, magpatulog. Gusto mo’y magpaheleng katulad noong ikaw ‘y sanggol pa. Kung kailan pa naman ako subsob sa
pagmamakinilya. Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak , kung bakit kung minsan ay mas kailangang mas harapin ko pa ang
pagmamakinilya kaysa sa pagkarga sa iyo ?
Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin
_______________5. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?
A. padapuan-pagapangan C. wagas-dalisay
B. iyak na iyak- umaatungal D. magpahele-magpa-alaga
_______________6. Alin sa talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?
A. mo, iyo, ikaw B. ni, kung, ngunit C. ang, si, sina D. mas, kaysa
_______________7. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na ___________ ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod
sunod sa pangungusap.
A. nagsasama B. nagtuturing C. nag-uukol D. nag-uugnay
_______________8. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?
A. direktor B. iskrip C. kariktan D. tanghalan
_______________9. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?
A. aktor B. direktor C. iskrip D. manonood
______________10. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang ______.
A. aktor B. direktor C. manonood D. tanghalan
______________11. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa
pangungusap?
A. /tu.boh/ B. /TU.bo/ C. /tu.bo? / D. /tu.BO/
_______________12. Ama ng maikling: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: _____________
A. Aesop B.Basho C. Nukada D. Ki no Tomonori
_______________13. Ito ay halimbawa ng Ponemang Suprasegmental na nangangahulugang bahagi ng katawan ng tao.
A. BAGa B. BaGA C. Baga D. BAga
_______________14. Alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakaayos ng mga salita ayon sa tindi ng
ipinapahayag ng mga ito?
A. natakot- nabalisa- nagimbal C. nagimbal- nabalisa- natakot
B. nabalisa- natakot- nagimbal D. natakot- nagimbal- nabalisa
Para sa mga bilang 15-19
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang
nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon,
sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon si Derang ay walang
pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala
na ang dating mairog na pakikisama sa kanyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga taga-
Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam ng lamang
nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago.
___________15. Ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang ay __________.
A. naging mayabang C. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
B. mahirap itong pakisamahan D. nagbago ang magandang pag-uugali
___________16. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay____________.
A. pareho ang minamahal C. iisa ang itinitibok ng puso
B. pareho ang iniibig D. iisa ang isinisigaw
___________17. Ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang ________.
A. tauhan B. lugar C. pangyayari D. aral
___________18. Ang kuwentong ito ay mauuri sa___________.
A. pangkatauhan B. pangkatutubong-kulay C. makabanghay D. pangkaisipan
___________19. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay ___________.
A. pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago C. pagbabago ng kanilang lugar
B. pagdating ng mga taga-Maynila D pangingibig ni Derang sa iba
__________ 20. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?
A. Ito ay binibigkas nang maindayog. C. Ito ay masining na isinasalaysay
B. Ito ay itinatanghal. D. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.
___________21. Ano ang kadalasang ipinapakita sa isang dula?
A. Kabayanihan ng mga tauhan C. Nagaganap sa buhay ng tao
B. Pinagmulan ng isang bagay D. Kagandahan ng kapaligiran
___________22. “Siya ang Ina ng Demokrasya, hindi matatawaran ang kontribusiyon ni dating pangulong Cory Aquino sa
samabayanang Pilipino.” Sa pangungusap, anong kohesiyong gramatikal ang ginamit?
A. sa B. hindi C. siya D. ni
___________23. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayag o diyalogo?
A. Binibigyang-turing nito ang mga pangngalan C. Napaiikli nito ang mga pangungusap
B. Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangangalan D. Napalalawak nito ang mga pangungusap
___________24. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
B. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula
C. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop..
D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento
___________25. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon.
B. Malapit na ang taglamig. D. Nalanta na ang Cherry Blossoms.
___________26. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan?
A. May tugma sa tanaga sa Tanka ay wala.
B. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang tanaga’y
C. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa tanaga. Mababaw
D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon
___________27. Hindi ganap na pandiwa ang mga modal sapagkat ________
A. hindi ito nagsasaad ng kilos C. ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa
B. ito ay nasa anyong pawatas D. wala itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Ceiling at Sioning. Sisindihan ni Kulas ang natitirang kalahati ng sigarilyo,hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig
at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan
_____________28. Ano ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa Puti”?
A. pagsisisi sa huli C. panghihinayang sanhi ng pagkatalo
B. pagkahilig sa sugal D. pag-aaway
_____________29. Alin sa sumusunod ang angkop na ayos ng tanghalan o tagpuan ng dulang nasa itaas.
A. sa bakuran ng mag-asawang Kulas at Celing
B. sa sala ng mag-asawang Kulas at Celing
C. sa dampa ng mag-asawang Kulas at Celing
D. sa tarangkahan ng mag-asawang Kulas at Celing
_____________30. “Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!” Kung isasaayos mo ang pahayag na ito at
gagamitan
ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol, anong kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ang angkop?
A. ito B. iyan C. sila D. siya
______________________________
Lagdaat PangalanngMagulang