ENRICHMENT
ENRICHMENT
Isagani
ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio
ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga
prayle
Tandang Selo
ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb
ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
ang amain ni Isagani
Don Custodio
ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may
dugong Kastila
Makaraig
ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli
anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo
Matapos isulat ni Jose Rizal ang kaniyang unang nobela na Noli Me Tangere,
nakarating ito sa mga Kastila at hindi nagustuhan ang kuwento nito.
Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa
mga mananakop ay ninais niyang magsulat pa ng isang nobela na
pagpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang El Filibusterismo.
Ngunit hindi niya ito naisakatuparan kaya naman siya na lamang ang nagsulat
nito. Isinulat niya ang mga unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at
natapos ang ibang bahagi sa Paris noong 1885. Naisakatuparan naman ni Rizal
ang nobela at tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya.
Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglilimbag ang naging
suliranin ni Rizal. Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo
Viola.
Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa
mga Espanyol na labis na nagalit sa mga isinulat ni Rizal.