Takdang Aralin Sa Filipino - Villado
Takdang Aralin Sa Filipino - Villado
Takdang Aralin Sa Filipino - Villado
FILIPINO
Veronica Anne L. Villado
10 - Topaz
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
• Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me Tangere, ay sinimulan
niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa kaparehong taon kung kailan natapos ang
manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela. Makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa
London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang
nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Kung
pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang pahayag na ito dahil hindi man lámang nabanggit ang
London sa mga bayang pinuntahan ni Dr. Rizal hábang sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela. Ayon sa aklat na
“Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng Noli
Me Tangere sa Madrid, Espanya noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Pransiya; maging sa Wilhelmsfeld, Alemanya
sa mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin, Alemanya sa hulíng mga buwan ng 1886 at ipinalimbag sa Berliner
Buchcdrukrei Actien Gesselchaft noong 29 Marso 1887 sa halagang Php300 para sa 2,000 kopya. Samantalà, ipinagpatuloy
naman niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang lugar ang
napuntahan ni Dr. Rizal hábang sinusulat pa niya ang kaniyang mga nobela. Para sa Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay
may kinalaman sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Samantalà, mula sa Biarritz,
Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya sa Ghent, Belgium dahil sa
dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga oras na iyon, at (2) higit na mababà ang
halaga ng palimbagan sa nasabing lugar. Bakit niya iniiwasan si Suzanne Jacoby sa mga sandaling iyon kung tunay niya
itong sinisinta? Sa kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang damdamin para kay Suzanne
Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang nararamdaman sa isang
babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na
nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol.
Dahil na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng Noli, nanirahan
siya sa masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para lámang maipalimbag ang kaniyang El
Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press, No. 66 Viaanderen Street, Ghent, Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni
Jose Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-labis ang pagtitipid na ginawa nito para lámang maging matagumpay ang
pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa aklat muli na “Rizal’s Life, Works, and
Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling canteen pero sa halip na kumain
doon, dahil sa mas mapapamahal sila, ay bumili na lámang si Rizal ng isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga
almusal nilang dalawa sa loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang
dalawa ang mga biskuwit. Si G. Alejandrino, dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang rasyon o kung ilang biskuwit
lámang ang kaniyang kailangang kainin sa isang araw ay halos maubos na ang kaniyang mga biskuwit sa loob lámang
ng kalahating buwan. Samantalà, si Dr. Rizal ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lámang
maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya hábang
ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mulâ
sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. [Hindi lámang nabanggit kung may kinita siya mulâ sa mga pinagbilhan
ng kaniyang unang nobela.] Muli na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan
bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi
nagtagal, tulad muli sa mga nangyari hábang ipinapalimbag ang Noli, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr.
Rizal mulâ sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nása Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos,
ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.
• Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay
isinalin bilang “The Filibustering”. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay “The
Reign of Greed” na tinumbasan naman sa wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Sa
ibang aklat sa wikang Ingles, ito ay “The Subversive” na ang salin naman sa wikang Filipino ay
“Ang Subersibo”. Anuman ang pamagat, ang salitang filibusterismo ay nanggaling sa salitang
Kastila na “filibustero” na hiniram naman sa salitang Pranses na “flibustier” na tumutukoy sa
sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba
(plunderer), at isang táong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para
suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter). Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa
ginawang introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang
nobela, ang “filibustero” ay nangangahulugang “mapanganib na táong (makabayan) mamamatay
kahit na anong oras”. Ito ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang
Filipino noon na nakaaalam ng salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay
noong binitay ang tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na
pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay
parang parusang bigla na lámang ipapataw ng mga Espanyol sa sinumang Pilipinong nais nilang
mamatay. Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit
ng mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong paring
martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lámang ang
nakaaalam ng salitang ito.
Katangian ng tauhan sa El Filibusterismo.
1. Simoun
Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing
tauhan sa El Filibusterismo
2. Basilio
3. Kapitan Tiago
Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang
burol at libing
4. Isagani
6. Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Huli
7. Huli
Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay si Padre
Camorra
8. Kapitan Heneral
Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan
9. Mataas na Kawani
Kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan at may pananagutan.
17. Pecson
Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng
Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito.
18. Sandoval
Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
20. Tadeo
Tamad na mag-aaral; mahilig magdahilan na may sakit upang hindi makapasok sa paaralan
29. Quiroga
Intsik na mangangalakal; sa bodega nitong ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa
paghihimagsik
36. Imuthis
Nagsasalitang ulo sa perya
37. Pepay
Isang mananayaw; hinihingi ng tulong ng mga mag-aaral upang kausapin si Don Custodio tungkol sa akademya ng wikang
Kastila
38. Sinong
Kutsero; ilang beses nabugbog dahil nakalimutan ang sedula at naiintindihan ng ilaw sa kasagsagan ng
prusisyon
39. Mautang
Pilipinong gwardiya sibil na nagpapahirap sa kapwa Pilipinong bilanggo
40. Carolino
Nakapatay kay Tandang Selo na ngayon lolo
43. Camaroncocido
Isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
44. Sinang
Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika
45. Momoy
Isa sa panauhin sa kasalan nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; kasali sa mga nag-usap-usap
tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez;
48. Chichoy
Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at
Juanito Pelaez; nagsabi na si Simoun ang naglagay ng bayong na puno ng pulbura