q4 Periodical Test in Esp 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP I

Pangalan:____________________________________ Iskor:______________
Baitang/Pangkat:_____________________________ Petsa:______________

Panuto. Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
__________1. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay inuutusan ng iyong mga magulang?
A. Susunod B. Magtatago C. Matutulog D. Walang gagawin

__________2. Pinagwawalis ka sa inyong bakuran, ano ang dapat mong gawin?


A. Kakain B. Maglalaro C. Magwawalis D. Magdadabog
__________3. Bukod kina nanay at tatay, sino sa mga sumusunod ang dapat nating sundin?
A. Kalaro B. Kaklase C. Kapitbahay D. Lolo at Lola

__________4. Ano ang magiging pakiramdam kapag sumunod sa utos ng nakatatanda?


A. Masaya B. Malungkot C. Galit D. Natatakot

___________5. Ano ang dapat na katangian ng isang bata?


A. Isang batang mapagmahal at magalang.
B. Isang batang masama ang ugali.
C. Isang batang di marunong sumunod sa utos ng kaniyang mga
magulang.
D. Isang batang mahilig magdabog.

___________6. Ano ang dapat ipagpasalamat natin sa Diyos?


A. Magpasalamat sa buhay, pagmamahal at biyaya ng bawat kasapi ng
pamilya.
B. Hindi kailangang magpasalamat kasi wala namang Diyos dito sa mundo.
C. Magpasalamat sa Diyos para lamang sa personal na interes na sa
susunod ay bibigyan pa tayo ng biyaya.
D. Magpasalamat para sa mga kendi at sitsryang kinakain

___________7. Abala ang ate mo sa kaniyang mga modyul, nakisuyo siya na kunin mo ang
kaniyang ballpen na naiwan sa lamesa na nasa sala. Susundin mo ba ang inuutos ng iyong
ate?
A. Hindi po. Kaya na niya iyon gawin.
B. Susundin ko po ang ate ko sapagkat nakikita kong abala siya sa kaniyang modyul.
C. Magkunwari akong hindi ko siya narinig.
D. Susundin ko po at hihinge ako ng bayad sa kanya.
__________8. Inutusan si Maria ng kaniyang nanay na tigilan na ang paglalaro sa labas, at
kunin ang modyul upang pag-aralan at sagutin ang mga takdang aralin. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Susundin ang utos ng kaniyang nanay dahil ito ay tama at makabubuti sa kaniya.
B. Hindi papansinin ang utos ng kaniyang nanay dahil mas masaya ang maglaro sa labas ng
bahay.
C. Sisimangot dahil gusto pa niyang maglaro at ayaw niya pang sagutin ang kaniyang mga
modyul.
D. Sasabihin sa nanay na wala silang takdang-aralin para makapagpatuloy lang sa
paglalaro.

__________9. Nakita mo na nagdadasal ang kaibigan mong Muslim. Ano ang


gagawin mo?
A. Mag-iingay C. Lalakasan ang boses
B. Maglalaro D. Tatahimik at igagalang ang kanyang ginagawa

___________10. Ito ay katangian na dapat taglayin ng isang kaibigan upang maging maayos
at masaya ang samahan?
A. Magalang B. Mayabang C. Matigas ang ulo D. Masayahin
__________11. Ang katangiang dapat nating taglayin kung tayo ay may iba’t ibang
paniniwala.
A. Pagiging mapagbigay C. Pagiging magalang
B. Pagiging masayahin D. Pagiging maunawain

___________12. Ano ang katangian ng batang magalang?


A. Siya ay masaya. C. Siya ay may paggalang sa paniniwala ng iba
B. Siya ay masipag D. Siya ay may katangiang ayaw matalo

__________13. Nalaman nina Rhea at Leslie-parehong Muslim, na katoliko si Bea-ang isa


sa kanilang mga kaibigan. Ano ang dapat gawin?
A. Alisin sa grupo si Bea
B. Ipagpatuloy ang pagiging magkakaibigan nilang tatlo.
C. Unti-unting iwasan si Bea.
D. Ipagkalat na katoliko si Bea at iwasan ito.

__________14. Napansin ni Rico ang pagtatalo ng kanyang dalawang kaibigan kaugnay sa


paniniwala ng bawat isa. Ipinipilit ng bawat isa na sila ang tama hanggang sa umabot sa
pisikal na pag-aaway. Ano ang dapat gawin?
A. Awatin ang dalawa at pangaralan ang mga ito na igalang ang paniniwala ng bawat
isa.
B. Hayaan ang mga itong mag-away hanggang sa sumuko ang isa.
C. Umalis na lamang upang hindi masala sa gulo.
D. Kampihan ang isang kaibigan.

__________15. May mga taong kumakatok sa pintuan nina Trisha at sila ay mga taga ibang
relihiyon na nagbabahagi ng salita ng Diyos mula sa bibliya. Ano ang dapat gawin?
A. Paalisin ang mga ito sapagkat iba naman ang kanilang paniniwala.
B. Isara ang pinto bilang patunay na hindi sila tumatanggap ng anuman sa ibang
relihiyon.
C. Papasukin ang mga ito at tanggapin ang mensaheng nais nilang iparating kahit hindi
ito naaayon sa iyong paniniwala.
D. Magbingi binngihan na lamang.

___________16. Dinig na dinig ng pamilya nina Jose ang paraan ng pagsamba ng mga
katoliko sa loob ng gusali sapagkat katabi lamang nito ang kanilang tinitirhan. Ano ang
dapat gawin?
A. Igalang ang kanilang gawain sa pamamagitan ng pagpapanatili ng katahimikan
B. Magpatugtog ng malakas upang hindi marinig ang paraan ng pagsamba ng mga
katoliko.
C. Lakasan ng volume ng telebisyon upang matumbasan ang lakas ng tugtog sa katabing
gusali.
D. Puntahan ang gusali at sabihan ang mga tao na hinaan ang kanilang mga boses dahil
kayo ay naiingayan.

___________17. Ano ang dapat gawin sa pook dalanginan?


A. Maglaro B. Matulog C. Kumain D. Manahimik at makinig
____________18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang may matatag na
pananampalataya sa Panginoon?
A. Pagtungo at pananalangin ng tahimik sa mga pook dalanginan
B. Pagsulat sa mga pader ng pook dalanginan
C. Paglalaro sa pook dalanginan
D. Pagtulog maghapon.

___________19. Ano ang naidududlot ng pagdarasal sa buhay ng tao?


A. Nakapagbibigay ng pag-asa C. Nakapagbibigay ng pera
B. Nagiging tamad at pala asa ang mga tao D.Nagiging matatakutin

__________ 20. Kung ikaw ay nawawalan ng pag-asa, ano ang nararapat mong gawin?
A. Umiyak B. Maglasing C. Magdasal D. Magkulong sa silid

__________21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gawaing panrelihiyon?


A. Pakikipaginuman ng alak C. Pagpunta sa pook sambahan
B. Pagsusugal D. Pagtulog maghapon

__________ 22. Sinabihan ka ng iyong lola na ang inyong buong pamilya ay sama-samang
magrorosaryo sa ganap na ika-6 ng gabi. Ano ang iyong gagawin?
A. Magtatago sa silid upang hindi makasama sa pagrorosaryo.
B. Pupunta sa bahay ng kalaro.
C. Sasama sa pagrorosaryo ng buong pamilya
D. Maagang matutulog para hindi makasama sa pagrorosaryo.
__________23. Nakita mo ang isang batang sinusulatan ang pader ng simbahan, ano ang
iyong gagawin?
A. Sasabihan ko siyang huwag niyang sulatan ang pader.
B. Hahayaan ko lang siyang sulatan ang pader ng simbahan
C. Sasali ako sa kanya sa pagsusulat sa pader.
D. Gagayahin ko siya, magsusulat din ako sa ibang bahagi ng pader

__________ 24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagsunod sa gawaing
panrelihiyon?
A. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain
B. Pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos
C. Pagdarasal bago matulog at pagkagising
D. Pakikipag-away sa kamag-aral na iba ang paniniwala.

__________ 25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawain sa loob ng
simbahan?
A. Magsuot ng wastong kasuotan kapag nagsisimba.
B. Makilahok sa mga gawaing panrelihiyon gaya ng pag awit ng papuri.
C. Pakikinig at pananahimik sa loob ng simbahan.
D. Lahat ng nabanggit.

__________ 26. Araw ng pagsimba, ang inyong buong pamilya ay sama-samang magtutungo
sa simbahan ngunit marami kang takdang -aralin na dapat tapusin. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasama sa pagsimba at gagawin na lamang ang takdang aralin pag-uwi.
B. Hindi sasama sa pagsimba at gagawin na lamang ang takdang-aralin.
C. Manonood muna ng telebisyon bago gawin ang takdang aralin.
D. Magdadabog sa simbahan.

__________ 27. Ang lahat ng mga bata sa inyong lugar ay inanyayahan na lumahok sa Daily
Vacation Bible School sa kapilya ng inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatago upang hindi makasali.
B. Sasali sa Gawain at programa ng aming kapilya.
C. Magsasakit-sakitan
D. Hindi sasali at sasabihin na marami kang ginagawa.

__________ 28. Alin ang mas dapat gawin bilang pagsunod sa gawaing pangrelihiyon?
A. Iwasan ang mga kautusan
B. Sundin ang kautusan ng buong puso.
C. Piliin lamang ang mga kautusang susundin
D. Sumunod lamang sa kautusan kung may nakakakita.

__________29. Ano ang katangian ng isang taong may tiwala at panananalig sa Diyos?
A. Masayahin, matatag at may magandang pananaw sa hinaharap
B. Malulungkutin
C. Palaging nagmumukmok
D. Palaging nag-aalala sa mangyayari sa buhay.
__________30. Paano natin pinapasalamatan ang Diyos?
A. Sa pamamagitan ng pagdarasal ng taimtim
B. Sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
C.Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba ng natatanggap na biyaya.
D. Lahat ng nabanggit.

QUARTER 4
TABLEOF SPECIFICATION
GRADE 1- ESP

Thinking
Applying
No. of Understandin
Knowledge Analyzing
Days No of g Test
Most Essential Competencies Taugh Items
% (EASY)
(AVERAGE)
Evaluating
Placement
50% Creating)
t 30%
Difficult)
20%
Nakasusunod sa utos ng
magulang at nakatatanda 10 8 27% 4 2 2 1-8
(EsP1PD-IVa-c-1)
Nakapagpapakita ng paggalang
sa paniniwala ng 10 8 27% 4 2 2 9 - 16
kapwa(EsP1PD-IVd-e-2)
Nakasusunod sa mga gawaing
20 14 46% 7 5 2 17 - 30
panrelihiyon (EsP1PD-IVf-g-3)
TOTAL 40 30 100 15 9 6 1-30
%
1 A 16 A
2 C 17 D
3 D 18 A
4 A 19 A
5 A 20 C
6 A 21 C
7 B 22 C
8 A 23 A
9 D 24 D
10 A 25 D
11 C 26 A
12 C 27 B
13 B 28 B
Ikaapat na 14 A 29 A Markahang Pagsusulit
sa ESP 15 C 30 D
ANSWER KEY

You might also like