Ugnay Sa Kawalan NG Paggalang Sa Dignidad at Sekswalidad

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Isyung Kaugnay sa

Kawalan ng
Paggalang sa Dignidad at
Sekswalidad
Araw-araw, iba’t iba ang mga
nakababahalang isyung nangyayari sa ating
mundo na ating naririnig o napapanood. Ilan
sa mga ito ang mga isyung kaugnay sa
kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad ng tao. Ang sekswalidad ay
isang banal na bahagi ng ating pagkatao at
hindi ito laruan.
Dito nakaugat ang ating pagkatao. Ito ang
dahilan kung bakit ang mga isyung kaugnay
sa kawalan ng paggalang sa sekswalidad ay
hindi tinatanggap na makataong pagtrato sa
sekswalidad.
Isa itong paninira o pagpapababa ng dignidad
ng tao. Walang batayang moral ang pag-
eeksperimento sa sekswal na gawain. Sa
anumang relihiyon sa ating bansa, ito ay
isang kasalanan.
Nangangahulugan ito ng kawalan ng
paggalang sa sarili at sa kapwa. Ang
paggalang sa sekswalidad mag-isa ka man o
may kasama ay dapat manaig dahil hindi
nawawala ang dangal ng isang tao. Hindi ito
katulad ng bagay na maaari mong itapon o
isantabi kung luma na o ayaw mo na. Ang
dignidad ng tao ay hindi nawawala hangga’t
nabubuhay ito.
Nabibigyang dangal ang sekswalidad
kung ito ay gagamitin sa kabutihan
at tamang kadahilanan at hindi sa
personal na kaligayahan o pagnanasa
lamang. Sa tamang pagpapahayag at
paninindigan dito, naitataas ng tao
ang kanyang dignidad.
1. Pagtatalik bago ang kasal (pre-
marital sex)
ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at
lalaki na wala pa sa tamang edad o nasa
edad man ngunit hindi pa kasal.
Ang pagtatalik ay hindi pangangailangang
biyolohikal tulad ng pagkain at hangin. Ibig
sabihin hindi kailangan ng tao na makipagtalik
upang mabuhay sa mundo.
Mga pananaw na siyang
dahilan kung bakit ang tao
lalo na ang kabataan ay
pumapasok sa maagang
pakikipagtalik.
1. Ang pakikipagtalik ay ekspresyon o
pagpapahayag ng pagmamahal.
2. Ito raw ay isang normal o likas na gampanin
ng katawan ng tao upang maging malusog at
matugunan ang pangangailangan ng katawan.
3. Ang mga gumagawa ng pre-marital sex ay
naniniwalang may karapatan silang makaranas
ng kasiyahan.
4. Maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kung
parehong ang gumagawa nito ay may pagsang-
ayon.
Ang pakikipagtalik nang hindi pa
kasal ay nagpapahayag ng kawalan
ng paggalang, komitment, at
dedikasyon sa katapat na kasarian.
Maaaring ang kabataang
nagsasagawa ng pre-marital sex ay
hindi pa handa sa magiging bunga
ng kilos na nagawa.
2. Pornograpiya
Ito ay galing sa salitang Griyego “porne” na ang
kahulugan ay prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw at “graphos” na
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
Ito ay biswal na representasyon ng sekswalidad na
binabago ang sekswal na pananaw at pag-uugali ng
tao, gayundin ang paningin patungkol sa
pakikipagtalik at conjugal relationships (Fagan,
2009).
Epekto ng pornograpiya sa isang tao
1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay
nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o
paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal,
lalong-lalo na ang panghahalay.
2. Ang pagkakalantad sa pornograpiya ay maaring
humantong sa maagang karanasang sekswal sa mga
kabataan, pagkakaroon ng permissive sexual
attitude, sexual preoccupation, at pag-uugali na
sexist (Quadara, El-Murr & Latham, 2017)
Epekto ng pornograpiya sa isang tao
3. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa
pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon
ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood
at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at
hindi sa normal na pakikipagtalik.
4. Dahil dito, ang asal ng tao ay maaaring magbago. Ang
mga kaloob ng Diyos na sekswal na damdamin na
maganda at mabuti ay nagiging makamundo at
mapagnasa.
3. Pang-aabusong seksuwal
Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi
ginusto o hindi inanyayahang sekswal na kilos o
gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao
nang walang pahintulot nila, gamit ang
pagbabanta, pananakot, o panloloko, at sanhi ng
pagkabalisa at takot sa personal na kaligtasan
ng nabiktima, anoman ang kasarian at edad nito
(Revised Penal Code; RA 8353; RA 9262; RA
11313).
3. Pang-aabusong seksuwal
Nagsasangkot din ito ng pagsasamantala sa
mga hindi maaaring magbigay ng pahintulot
para sa personal na pang-sekswal na
kasiyahan, sa hayagang pangmamahiya ng
biktima sa pamamagitan ng kaniyang
sekwalidad o sa commercial sexual
exploitation.
3. Pang-aabusong seksuwal
Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi
ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit
ng iang bahagi ng katawan para sa seksuwal na
gawain at sexual harassment. Maaring hindi
direktang pisikal na gawain tulad ng paglalantad
ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain
(exhibitionism), paninilip o pamboboso sa iba,
pang-aakit (seduction), o paggamit ng sekswal na
salita, pabigkas o pasulat (catcalling at sexual
innuendo.
3. Pang-aabusong seksuwal
 Karamihan sa mga biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga
bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may
kapusukan at kadalasan, iyong mga nabibilang sa mahihirap at
pamilyang hiwalay ang mga magulang. Sa gitna ng kanilang pagiging
mahina, pumapasok ang mga taong nagsasamantala, tulad ng mga
pedophile na tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban
subalit ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa. May mga
magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga anak
na gawin ito upang magkapera. Ilan sa mga ito ay sila mismo ang
umaabuso sa kanilang mga anak.
Mga uri ng pang-aabusong sekswal
(ayon sa mga kasalukuyang batas ng Pilipinas)
1. Sexual Harassment
2. Lascivious conduct
3. Molestation
4. Rape (including attempted rape, marital rape, gang rape,
incest)
5. Pedophilia
6. Seduction and corruption of minors
7. Sexual objectification
8. Sexual coercion or forced sexual activity
9. Commercial sexual exploitation of children
Mga uri ng pang-aabusong sekswal
(ayon sa mga kasalukuyang batas ng Pilipinas)
1. Sexual Harassment
2. Lascivious conduct
3. Molestation
4. Rape (including attempted rape, marital rape, gang rape,
incest)
5. Pedophilia
6. Seduction and corruption of minors
7. Sexual objectification
8. Sexual coercion or forced sexual activity
9. Commercial sexual exploitation of children
4. Prostitusyon
Ito ay sinasabing pinakamatandang
propesyon o gawain.
Ito ay pangangalakal ng serbisyo ng
pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na
pakinabang (Revised Penal Code).
Binabayaran ang pakikipagtalik upang ang
tao ay makadama ng kasiyahang sekswal.
4. Prostitusyon
Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga
taong nasasangkot sa ganitong gawain ay
iyong mga nakararanas ng hirap, hindi
nakapag-aral, at walang muwang kung kaya’t
madali silang makontrol. Mayroon din
naming may maayos na pamumuhay,
nakapag-aral ngunit marahil ay naabuso
noong bata pa.
4. Prostitusyon
Ito ay mapagsamantala sapagkat sinasamantala
ng mga taong bumibili ang kahinaan ng babae o
lalaking sangkot dito. Sa pamamagitan ng
paggamit sa babae o lalake, nagsisilbi silang
kasangkapan na magbibigay ng kasiyahang
sekswal. Sinasamantala naman ng tagapamagitan
ang babae olalaking sangkot sa pamamagitan ng
indi pagabayad o panloloko riyo. Ito ang dahilan
kung bakit an gang prostitusyon ay nagiging
pugad ng pamumuwersa at pananamantala.
4. Prostitusyon
Naaabuso ng tao ang kaloob ng diyos na
seksuwalidad. Isa sa mga halaga ng
seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng
kasiyahang seksuwal mula sa pakikipagtalik
sa taong pinakasalan. Sa prostitusyon, ang
kaligayahan ay nadarama at ipinadarama
dahil sa perang ibinabayad at tinatanggap.

You might also like