G10 Modyul 14 MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

sa Buhay at

Sekswalidad
Week 1-4
John Kerby T. Calucin
Guro ESP-10 Ikaapat na Markahan
“Kung mahal mo
ako, sumama ka sa
akin ngayon at
Pag-usapan natin!
Ang pakikipagtalik ay
normal para sa kabataang
nagmamahalan.
Ang paggamit ng ating katawan
para sa seksuwal na gawain ay
mabuti ngunit maari lamang gawin
ng mga taong pinagbuklod ng
kasal.
Ang pagbebenta ng sarili ay
tama kung may mabigat na
pangangailangan sa pera.
Wala namang nawawala sa isang
babae na nagpapakita ng kaniyang
hubad na sarili sa internet.
Nakikita lang naman nito at hindi
nahahawakan.
Ang pagtingin sa mga
malalaswang babasahin o larawan
ay walang epekto sa ikabubuti at
ikasasama ng tao.
Tama lang na
maghubad kung ito ay
para sa Sining
Pagtatalik bago
ang Kasal
(Pre-marital Sex)
“Hanggang wala siya sa wastong
gulang at hindi pa tumatanggap ng
sakramento ng kasal, hindi siya
kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik”
Ano nga ba ang Pre-marital Sex?
Ito ay gawaing pagtatalik ng
isang babae at lalaki na wala pa
sa wastong edad o nasa edad na
subalit hindi pa kasal.
May iba’t ibang pananaw na siyang
dahilan kung bakit ang isang tao lalo
na ang kabataan ay pumapasok sa
maagang pakikipagtalik. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Ito ay normal at likas na gampanin ng
katawan ng tao upang maging malusog siya at
matugunan ang pangangailangan ng katawan.
Kapag hindi raw ito isinasagawa hindi
mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang
buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na
maituturing na tama ang pakikipagtalik
lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay
may pagsang-ayon. Karapatan ng tao ang
makipagtalik at malaya silang gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa
ng pre-marital sex na may
karapatan silang makaranas ng
kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay
isang ekspresyon o
pagpapahayag ng
pagmamahal.
Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang
biyolohikal tulad ng pagkain o hangin na ating
hinihinga. Hindi kailangan ng tao ang
makipagtalik upang mabuhay sa mundong ito.
Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling
buhay ang tao.
Bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang
ating kalayaan ay hindi nangangahulugang
malaya tayong piliin kung ano ang gusto
nating gawin.
Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag
ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa
katapat na kasarian.
Pornograpiya
Ang Pornograpiya ay nanggaling sa dalawang
salitang Griyego, “Porne”, na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang
aliw, at “Graphos” na nangangahulugang pagsulat
o paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na
may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa
ng nanonood o nagbabasa.
Mga epekto ng
Pornograpiya sa isang
tao. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Ang maagang pagkahumaling sa
pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnay
sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga
abnormal na gawain seksuwal, lalong lalo
na ang panghahalay.
2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil
sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang
magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa
kanilang asawa. Nakararanas sila ng seksuwal na
kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng
pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi
normal na pakikipagtalik.
3. Ito din ay ginagamit ng mga
pedophiles sa internet upang
makuha ang kanilang mga
bibiktimahin.
Ang mga mahahalay na
eksenang ipinapakita ng
pornograpiya ay pumupukaw
ng mga damdaming seksuwal
ng kabataang wala pang
kahandaan para rito.
Nagdudulot ito ng labis na
pagkalito sa kanilang murang
edad.
Dahil sa pornograpiya, ang tao
ay maaaring mag-iba ng asal.
Ang mga seksuwal na
damdamin na ipinagkaloob ng
Diyos sa tao, na maganda at
mabuti, ay nagiging
makamundo at mapagnasa.

Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang dangal o nagpapababa sa


kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa. Kapag ang tao ay
nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling,
lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit.
Mga
Pang-aabusong
Seksuwal
Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng
sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa
seksuwal na gawin at sexual harassment. Maaari din itong hindi pisikal tulad ng
paglalantad ng sarili. Ginagawa minsan ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga
hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na
isinasagawa ng iba.
Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang
pinakamatandang propesyon o gawain ay ang
pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa
ay makadama ng kasiyahang seksuwal.
Karamihan sa mga taong
nasasangkot sa ganitong gawain ay
iyong mga nakararanas ng hirap,
hindi nakapag-aral, at walang
muwang kung kaya’t madali silang
makontrol. Mayroon din namang
may maayos na pamumuhay, Dahil dito nawala ang kanilang
nakapag-aral ngunit dahil marahil paggalang sa sarili at tamang
ay naabuso noong bata pa. pagkilala kung kaya’t minabuti
na lang nilang ipagpatuloy ang
kanilang masamang karanasan.
Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang
kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad. Isa sa halaga ng
seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng
kasiyahang seksuwal mula sa
pakikipagtalik sa taong pinakasalan
Mga Isyung Moral
tungkol sa Seksuwalidad
Week 1-4 - Ikaapat na Markahan

John Kerby T. Calucin


Guro ESP-10

You might also like