Arts2 q1 Mod2 Contrast Sa Hugis at Kulay v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

2

Arts
Unang Markahan – Modyul 2:
Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang
Likhang Sining

CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Arts – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang Likhang Sining
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annabelle I. Tala

Editor: Nelson Oliva

Tagasuri: Saturnino D. Dumlao, Engelbert Agunday

Tagaguhit: Ivy P. Evangelista

Tagalapat: Sweet Hazel E. Dordines

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas,

Nestor P. Nuesca, Engelbert Agunday, Felegina Bugay,

Jose C. Tala

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Region III

Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
2

Arts
Unang Markahan – Modyul 2:
Contrast sa Kulay at Hugis sa Isang
Likhang Sining
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat


ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang


SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad


sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating


mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang


malinang ang iyong kaalaman, kasanayan at likas na
pagkamalikhain na inyong mga natutunan sa nakaraang
aralin. Ito ay tumatalakay sa kaibahan sa pagitan ng
mga hugis at kulay ng mga gawain at gawa ng Iba. Dito
ay matututunan ninyo ang pagkakaiba at pahalagahan
ang inyong gawa at gawa ng iba.

Sa Modyul na ito, inaasahang matutunan mo ang


mga sumusunod:
• Gumawa ng Hugis at Kulay na kakaiba sa iba,
• Pahalagahan ang sariling gawa at gawa ng iba,
• Linangin ang kasanayan sa pag-gawa ng hugis at
kulay; at
• Pagtibayin ang imahinasyon upang makagawa ng
kakaibang obra. (A2EL-lb)

1 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Subukin

Panuto: Iguhit sa patlang ang hugis na inilalarawan sa


bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang iyong
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_________1. Tuwid na linyang patayo.

_________2. Tuwid na linyang pahiga.

_________3. Pakurbang linya na paalon-alon.

_________4. Linyang paikot na nagtatagpo sa tuldok na


pinagmulan.

_________5. May tatlong gilid at may tatlong sulok. Kung


saan nagtatagpo ang mga linya.

2 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Aralin
Contrast sa Hugis at Kulay
1 sa Isang Likhang Sining

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang iba’t ibang


hugis, linya at tekstura na magagamit sa pagguhit ng
mga bagay na makikita mo sa iyong kapaligiran.

Ang susunod nating aralin ay tungkol sa mga


kaibahan sa pagitan ng mga hugis at kulay sa mga
gawain at gawa ng iba. Dito palalaguin natin ang inyong
imahinasyon upang makaguhit ng kakaiba sa mga guhit
at kulay ng inyong mga kamag-aral.

3 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling sanaysay.


(Sa mga batang hindi pa gaanong nakababasa,
kailangan ang gabay ng magulang o kaya nang
nakatatandang kasama sa tahanan).

Si Pedro at ang Kanyang Kamag-Aral

Magandang umaga ang bati ng mga mag-aaral sa


kanilang guro sa MAPEH na si Bb. Matanghari. Masisigla
ang mga mga-aaral sa Baitang 2, dahil sa oras na ito ay
guguhit at kukulay sila nang ibat-ibang hugis. “Ma’am,
ano po ba ang iguguhit natin ngayon?” Hindi sinagot ni
Bb. Matanghari ang tanong ng isang mag-aaral, at sinabi
lang niya na sila ay tumahimik at ihanda ang mga
gagamitin sa gagawin ngayon.

Bago tayo magsimula ng gawain, tayo muna ay


umawit ng isang awitin na magbibigay sa atin ng ideya
sa ating gawain ngayon. “Pedro, ikaw ang manguna sa
inyong kakantahin,” ang sabi ni Bb, Matanghari.

“Tayo ay tumayo at kantahin natin ang Bahay Kubo,”


ang sabi ni Pedro.

4 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Bahay Kubo, kahit munti ang halaman duon
ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani,
sitaw, bataw patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka meron pang labanos,mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puro linga.

“Magaling! Ano-ano ang nabanggit sa awitin na


pwede nating iguhit?” ang tanong ni Bb. Matanghari.
“Marta?” Tumayo si Marta at sinabi, “Mga halaman po
Ma’am.” Magaling! Magbigay nga ng isang halimbawa
ng halamang nabanggit sa awit?” Ma’am ako po!” ang
sigaw ni Kardo.” Kardo magbigay nga.” Madam talong
po.” Magaling! Marami pang mga halaman ang
nabanggit sa awit. Kaya malaya kayong iguhit ito. Ilagay
sa inyong “armchair” ang mga dalang gamit at
umpisahan niyo nang gumuhit. Labing-limang minuto
lang ang inyong oras upang tapusin ito.” Masaya at
tahimik na gumuhit ang mga bata.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ipinaawit ni Bb. Matanghari sa mga mag-


aaral?
2. Ano-ano ang ipinaguhit ng guro sa mga mag-aaral?

5 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa


sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano-ano ang mga elemento ng sining na


kinakailangan upang matutunan ang pagguhit at
pagkulay.
A. linya, hugis, at tekstura
B. bilog, tatsulok, at parihaba
C. lahat ng nabanggit

2. Ano-ano ang mga kagamitan na kailangan sa


pagguhit at pagkulay ng isang bagay.
A. lamesa, upuan, at pisara
B. lapis, krayola, at papel
C. lahat ng nabanggit

3. Bakit mahalaga ang pagsasanay sa pagguhit ng iba’t-


ibang hugis at linya.
A. upang matutunan ang mabilis na pagtakbo
B. upang matutunan ang mahusay na pagawit.
C. upang maging bihasa at mapaunlad ang
kakayahan sa pagguhit.

6 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Pagyamanin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa


patlang. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Bagay Hugis Imahinasyon Kulay

Linya Matiyaga Pakurba Tuwid

Ang mga _________ ay kailangan upang makaguhit


ng mga _________ at makabuo ng magandang obra na
kakaiba sa mga ginuhit ng kamag-aral. Ang mga linyang
__________, at _________ ay mahalaga para makaguhit.
Upang maging maganda naman ang obrang ginawa,
kailangan gumamit ng ________ upang maging kaaya-
aya ito sa paningin ng iba. Kailangan din maging
________ sa pagguhit upang malinang ang kakayahan ng
bawat isa. Maari ding gamitin ang __________ upang
makaguhit ng maganda. Ang kakayahang gumamit ng
linya ay isang mahalagang pagkatuto sa pagguhit ng
mga _________ na magbubuo sa mga gusto nating iguhit.

7 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Isaisip

Ang mga guhit at disenyo ay isang mahalagang


bagay sa kasaysayan ng ating lahi, dahil ipinakikita nito
ang mga kaganapan sa ating bansa. Dito rin mailala-
rawan ang mga magagandang tanawin at
kahalagahan sa ating buhay. Ang mga linya, hugis at
tekstura ang nagbibigay buhay sa ating gustong iguhit sa
ating imahinasyon. Kailangan nating sanayin ang ating
kakayahan sa pagguhit upang maging bihasa tayo dito.
Ang kasanayang ito ay mahalaga upang mayroon
tayong matibay na sandata sa pagharap sa ating buhay.

Isagawa

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng isang


disenyo gamit ang mga hugis tulad ng tatsulok ,
bilog , parisukat , parihaba , at puso .

8 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Tayahin

Panuto: Isulat sa papel ang iyong sagot sa mga


sumusunod na katanungan:
1. Ano ang iyong naramdaman ng makaguhit ka ng
isang disenyo?
2. Ano-ano ang iyong natutunan sa iyong ginawa na
pagguhit?
3. Paano mo mapapaganda ang iyong disenyo para
maging kaakit-akit ito sa paningin ng iba?
4. Anong magandang maitutulong sa buhay ng tao ang
iyong natutunan sa gawaing ito?

Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit at kulayan ang mga hugis na makikita sa


loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

9 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
CO_Q1_Arts 2_ Module 2 10
Subukin Tuklasin
1. Bahay Kubo
2. Mga halaman
1. mula sa “Bahay
2. Kubo”
3.
4.
5.
Suriin Pagyamanin Tayahin
1. A 1. Linya 1-4
2. B 2. Hugis
Maraming
3. C
3. Tuwid posibleng
4. Pakurba kasagutan.
5. Kulat
6. Matiyaga
7. Imahinasyon
8. Bagay
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Rolando V. Ramilo, Fe P. Pabilonia, Kristel Iris E. Igot and Marco A.


Catacutan Music, Arts, Physical Education and Health
(Philippines: Rex Book Store, INC, 2013), 168-171.

Carmelita Orseo et al, Developing Mind nad Body Thorugh MAPEH


1 (Mind Builders Publishing House,2006)

LRMDS “Learning Resource Portal” DepEd Learning Portal. Last


modified May 2016. http://lrmds.deped.gov.ph/

Krichelle A. Tungpalan, EdD, MAPEH for Filipinos 1 (St. Andrew


Publishing House, Philippine Copyright 2016)

11 CO_Q1_Arts 2_ Module 2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like