Sesyon 12 - Online Sanhi at Bunga

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

3Bs Bawat Bata

Bumabasa Initiative
(DM 173, s. 2019)
National Training on Literacy Instruction

Session 12
PagtUTURO NG PAGTUKOY NG
SANHI AT BUNGA

Online Learning Action Cell Session Guide


Filipino 7-10
Inihanda ni:

LEO A. TOLENTINO
Dalubguro I
Mataas na Paaralan ng Vicente P. Trinidad
Sangay ng Lungsod Valenzuela
Pambansang Punong RehiyonDalubguro – NCR
Pangkalahatang Layunin

Napalalalim ang kaalaman sa pagtuturo ng kasanayan sa pagtukoy ng


sanhi at bunga

Mga Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng sesyon, ang mga guro ay inaasahan na:

▪ nasusuri ang mga kasanayang kaugnay ng sanhi at bunga.

▪ naiisa-isa ang mga hakbang sa pagtukoy ng sanhi at bunga.

▪ nagagamit ang mga estratehiyang angkop sa pagtuturo ng kasanayan sa


sanhi at bunga.

Mga Susing Pang-unawa


1. Mahalaga na masuri ng mga guro sa baitang 4-6 ang antas ng kakayahan
na nasa gabay pangkurikulum (pagtukoy ng sanhi at bunga).

Makatutulong ito:

A. upang magkaroon ng ideya kung papaano tumitindi ang kasanayang ito


na dapat na matutunan ng mag-aaral angkop sa antas ng kanilang
pagkatuto.

B. upang makita ang pagkakatulad/pagkakaiba ng mga kasanayang


kaugnay sa sanhi/bunga at makita nila ang implikasyong nais sabihin
nito sa mga guro ng wika.

2. Ang malalim na pagkaunawa sa relasyong sanhi at bunga ay matagumpay


na maituturo ng guro kung alam niya ang mga punto na mahalaga sa
ikapagtatagumpay ng pag-unawa ng isang tekstong binabasa. Mahalaga
rin na maisagawa niya ang mga hakbang para sa pagtukoy ng sanhi at
bunga.

3. Ang mayamang kaalaman sa mga estratehiya kung papaano ituturo ang


sanhi at bunga ay susi upang magkaroon ng kamalayan ang isang guro sa
magagamit na angkop na gawain para sa isang tipo ng teksto, maging sa
pagtukoy ng baitang kung saan ito gagamitin.

Mga Kagamitan Takdang-oras

● LAC Video para sa Pagtuturo ng 1 oras at 40 minuto


Sanhi at Bunga
Alignment to the PPST
2
● Power Point presentation ng Pagtuturo
ng Sanhi at Bunga Domain 1, Content Knowledge and
● Manila paper / Cartolina Pedagogy
● Permanent markers Strand 1. Content knowledge and its
● Masking tape application within and across
● Mga sipi ng Talahanayan A at B curriculum areas
● Mga sipi ng akda Strand 6. Mother Tongue, Filipino
● Mga sipi ng estratehiya sa pagtuturo and English in teaching and learning
Strand 7. Classroom communication
ng sanhi at bunga
strategies
Domain 2, Learning Environment
Strand 3. Management of classroom
structure and activities
Strand 4. Support for learner
participation
Domain 4, Curriculum and
Planning
Strand 1. Planning and management
of teaching and learning process
Strand 2. Learning outcomes aligned
with learning competencies
Domain 7, Personal Growth and
Professional Development
Strand 4. Professional reflection and
learning to improve practice

Mga Sanggunian

“Cause and Effect,” Literacy Matters. ​www.literacymatters.org​, 2004.

“Cause and Effect” Reading Lesson Plan. ​www.everestquest.com​, 2004.

Cause and Effect Lesson


https://www.teachervision.com/professional-development/cause-effect-lesson

Cause and effect mini lesson


https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.robeson.
k12.nc.us/site/handlers/filedownload.ashx%3Fmoduleinstanceid%3D39850%26da
taid%3D53758%26FileName%3Dcause%2520and%2520effect%2520mini%2520l
esson.pdf&ved=2ahUKEwiou73foIbfAhXGXLwKHdu_Cu04ChAWMAB6BAgFEAE
&usg=AOvVaw0qf-_pu4MO7hNqCK7nRX9_

Docushare
https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://docushare.ever
ett.k12.wa.us/docushare/dsweb/Get/Version24951/Cause&ved=2ahUKEwjb14XIm
IbfAhWUUd4KHeiaDWEQFjADegQIBBAB&usg=AOvVaw3MY2FNuAqiHCvMbJYz
uWhA&cshid=1543927708054

3
Everett Public Schools, Elementary Literacy, Reading target: Cause and Effect,
2005

Examining Cause and Effect in Historical Texts: An Integration of Language and


Content
https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://www.tesol.org/d
ocs/defaultsource/books/14071_sam.pdf%3Fsfvrsn%3D2&ved=2ahUKEwjb14XIm
IbfAhWUUd4KHeiaDWEQFjAHegQIAxAB&usg=AOvVaw1gZu-Algl7KiPsfBnA9vU
W&cshid=1543928561996

Modified In-School Off-school Approach (MISOSA) Learners’ Module, DepEd


Learning Resource Portal. http//lrmds.deped.gov.ph

Robb, Laura. Teaching Reading in the Middle School, Scholastic, 2000.

Strategies for Content Area Reading, Options Publishing, Leveled Student


Workbooks, 2003.

Sebranek, Kemper, and Meyer. Write Source 2000, Grades 6-8 Student
Handbook, Great Source,1999.

Teaching Cause & Effect in English


http://www.literacyideas.com/teaching-cause-effect-in-english/

“The Cause and Effect Essay,” Del Mar College. ​www.delmar.edu​, 2005.

Vacca, Richard T, and JoAnne L. Content Area Reading, Scott, Foresman and
Company, 1989.

Zwiers, Jeff. Building Reading Comprehension Habits in Grades 6-12: A Toolkit of


Classroom Activities, International Reading Association, 2004.

Zwiers, Jeff. Developing Academi Thinking Skills in Grades 6-12, International


Reading Association, 2004.

12 Cause-and-effect Lesson Plans You'll Love


Jenn Larson - ​https://www.weareteachers.com/cause-and-effect-lesson-plans/

Pamamaraan

Simulan ang sesyon sa pagbati: “Magandang araw sa lahat. Ako si


_________________, mula sa ____________________________ at
kasalukuyang __________________ . Narito po tayo sa ika-9 na sesyon, ang
Pagtuturo ng Pagtukoy sa Sanhi at Bunga mula sa panayam ni G. Leo A.
Tolentino, Dalubguro mula sa Pambansang Punong Rehiyon.

Gawain (8 minuto)

4
Para sa panimula, pahuhulaan ng tagapanayam ng “Sawikapics,” na makikita sa
screen. Maaaring i​chat ng mga kalahok sa sesyon ang kanilang sagot sa chat
box. Maaari din naman na isulat na lamang muna nila ang kanilang sagot sa isang
papel. May 30 segundo para hulaan ang bawat sawikapics.

1. Kapag may isinuksok, may madudukot.


2. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
3. Nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa.
4. Kung may tiyaga, may nilaga.
5. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
6. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
7. Habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
8. Kung may itinanim, may aanihin.
9. Ang pag-aasawa’y di kaning mainit na isusubo, na iluluwa kapag napaso.
10. Basurang itinapon mo, babalik din sa iyo.

Matapos ang “Sawikapics’” itanong habang ipinapakita ang talaan ng mga


salawikain: ​Ano ang napansin ninyo sa mga salawikain?

*Bibigyang-tuon ng host na ang mga salawikain ay may dalawang bahagi. Ang


dahilan o sanhi at ang isa pa ay ang bunga o kinalabasan. Maaaring ipasuri na
may mga pangyayari sa mga salawikain, may nauna at ikalawang pangyayari,
may pwersa na nag-udyok sa kinalabasan ng mga pangyayari. Bigyan din ng tuon
na maaaring magpalit ng posisyon ang sanhi at bunga.

Pagsagot sa Unang Link

Ichachat ng host ang link sa chat box. I-click ng mga kalahok ang link. Pasagutan
sa mga guro ang mga tanong batay sa kanilang sariling paghihinuha.

Sagutin ang sumusunod na mga gabay na tanong sa link:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf3Iyi1UAx6FEk8R10QdxKsgBmEsZ8
T2e7pmzjwzqJNbBW1hA/viewform

Pagkatapos ay isubmit ang mga sagot. Ang mga sagot sa pagsasanay na ito ay
mauunawaan mula mapa ng mga kasanayan sa sanhi at bunga sa kurikulum na
tatalakayin sa video na mapapanood mamaya.

*Para sa host o facilitator ng sesyon, iminumungkahi ko na gumawa ng sariling


google form para sa pagsasanay na ito gamit ang sarili mong email address nang
sa gayon ay sa iyong google form account pumasok ang mga sagot. Mula sa
kanilang mga sagot makikita mo kung sino ang nakasagot nang tamang
paghihinuha. Maaari mong icopy-paste sa sarili mong google form ang mga
tanong sa annex sa ibaba.

Abstraksyon

5
(Ipapanood ang video ng pagtalakay ni G. Tolentino para sa paksa ng sesyong ito.
Sabihin din sa mga kalahok na ang mga sagot sa pagsasanay sa unang link ay
mauunawaan sa mapa ng kasanayan sa kurikulum na matatalakay sa video.)

______________________ o ____________________

Narito ang mahahalagang kaisipan na mapapanood sa video.

Pagsusuri sa Kasanayang Sanhi at Bunga kaugnay sa mga pantulong na


kasanayan.

Kasanayang Kasanayan sa Sanhi at Katuwang na


Lilinangin Bunga Kasanayan /
Bago/Habang Paglalapat
Pinauunlad ang Sanhi
at Bunga
Naibibigay ang ​paksa o Napag-uugnay ang sanhi Naisusulat nang may
nilalaman​ ng pabulang at bunga ng mga wastong baybay at
napakinggan pangyayari sa binasang bantas ang ​mga
talata F2PB-Ih-6 salitang​ ididikta ng
guro
Nakasasali sa isang Napag-uugnay ang sanhi Nagagamit ang mga
usapan tungkol sa at bunga ng mga salitang kilos​ sa
isang sariling pangyayari sa binasang pag-uusap tungkol sa
karanasan teksto F2PB-Iih-6 iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at
pamayanan
Nahuhulaan ang Napag-uugnay ang sanhi Nakasasali sa isang
susunod na at bunga ng mga usapan​ tungkol sa
mangyayari ​sa pangyayari sa binasang isang napakinggang
napakinggang teksto​ ​F2PB-IIIg-6 kuwento
tugma/tula
Naipapahayag ang Napag-uugnay ang sanhi Nakasusulat ng
sariling at bunga ng mga liham​ sa tulong ng
ideya/damdamin o pangyayari sa binasang padron mula sa guro
reaksyon​ tungkol sa teksto F2PB-IVd-6
napakinggang tekstong
pang-impormasyon
Naisasalaysay muli ang Napag-uugnay ang sanhi Nagagamit ang mga
napakinggang teksto at bunga ng mga nakalarawang
ayon sa kronolohikal na pangyayari sa binasang balangkas sa
pagkakasunod-sunod teksto F3PB-IIIh-6.2 pagtatala ng
impormasyon o
datos​ na kailangan
Nakikinig nang mabuti Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat
sa nagsasalita upang bunga ayon sa nabasang ng
maulit at pahayag F4PB-IIdi-6.1

6
mabigyang-kahulugan timeline​ tungkol sa
ang mga pahayag mga pangyayari sa
binasang teksto
Naisasalaysay​ muli Naibibigay ang sanhi at Nagagamit nang
ang napakinggang bunga ng mga pangyayari wasto ang
teksto gamit ang mga sa napakinggang teksto pang-abay at
pangungusap F4PN-IIi-18.1 pandiwa​ sa
pangungusap
Nasasagot ang mga Naibibigay ang sanhi at Nakapagbibigay ng
tanong​ batay sa bunga ng mga pangyayari reaksiyon sa isyu
tekstong napakinggan sa napakinggang ulat mula sa
F4PN-IIIi-18.2 napakinggang ulat
Nasasagot ang mga Natutukoy ang sanhi at Nakasusulat ng
tanong​ batay sa bunga ng mga pangyayari talata​ na may sanhi
tekstong napakinggan sa binasang teksto at bunga
F4PB-IIIe-i-99
Naibibigay ang Nakasusulat ng talata na Nagagamit ang wika
kahulugan​ ng mga may sanhi at bunga bilang ​tugon sa
salitang pamilyar at F4PU-IIIi-2.1 sariling
di-pamilyar sa pangangailangan at
pamamagitan ng sitwasyon
pag-uugnay sa sariling
karanasan
Napagsusunod-sunod Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat ng
ang mga pangyayari bunga ng mga pangyayari talambuhay
sa tekstong F5PB-IIc-6.1
napakinggan sa
pamamagitan ng
pangungusap
Nasasabi kung ano ang Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat ng
simuno at panag-uri bunga ng mga pangyayari editorial
sa pangungusap F5PB-IIIj-6.1
Nakababasa para Nakakagawa ng dayagram Nagagamit ang
kumuha ng ng ugnayang sanhi at nakalarawang
impormasyon bunga mula sa tekstong balangkas upang
napakinggan maipakita ang
F5PN-IVa-d-22 nakalap na
impormasyon
Nakasusulat ng iskrip Nakagagawa ng dayagram Nasasagot ang mga
para sa ​radio ng ugnayang sanhi at tanong sa ​bihasang
broadcasting​ at bunga mula sa tekstong paliwanag
teleradyo napakinggan
F5PN-IVa-d-22
Nabibigyang kahulugan Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat​ ng iba’t
ang ​matalinghagang bunga ng mga pangyayari ibang bahagi ng
salita F5PB-IIh-6.1 pahayagan

7
Nasasagot ang mga Napag-uugnay ang sanhi Naipamamalas ang
literal na tanong tungkol at bunga ng mga paggalang sa ideya,
sa napakinggang pangyayari F6PB-IIIb-6.2 damdamin at kultura
talaarawan ng may akda ng
tekstong
napakinggan o
nabasa
Napaghahambing-ham Nakagagawa ng dayagram Nakasusulat ng
bing​ ang iba’t ibang uri ng ugnayang sanhi at liham sa editor
ng pelikula bunga ng mga pangyayari /
problema-solusyon
F6PN-IVf-10
Nakikilala ang Naipaliliwanag ang sanhi Naipaliliwanag ang
katangian ng mga at bunga ng mga kahulugan​ ng mga
tauhan​ batay sa tono at pangyayari​ ​F7PB-Id-e-3 simbolong ginamit sa
paraan ng kanilang akda
pananalita
Naipahahayag ang Nagagamit nang wasto Nagsasagawa ng
sariling pakahulugan sa ang mga pang-ugnay na panayam​ sa mga
kahalagahan ng mga ginagamit sa pagbibigay taong may malawak
tauhan​ sa napanood na ng sanhi at bunga ng mga na kaalaman tungkol
pelikula na may temang pangyayari (sapagkat, sa paksa
katulad ng akdang dahil, kasi, at iba pa)
tinalakay F7WG-Id-e-3
Nakikinig nang may Nauuri ang mga Naisusulat ang
pag-unawa upang pangyayaring may sanhi at talata​ng:
mailahad ang layunin bunga mula sa napanood -binubuo ng
nang napakinggan, na video clip ng isang magkakaugnay at
maipaliwanag ang balita F8PD-Ig-h-21 maayos na mga
pagkakaugnay-ugnay pangungusap
ng mga pangyayari - nagpapa-hayag ng
sariling palagay o
kaisipan
-nagpapakita ng
simula, gitna, wakas
Nagagamit ang mga
Nagagamit ang iba’t hudyat ng sanhi at bunga Naisusulat ang
ibang ​teknik sa ng mga pangyayari talata​ng:
pagpapalawak ng (dahil,sapagkat,kaya,bung -binubuo ng
paksa​: a nito, iba pa) magkakaugnay at
-paghahawig o F8WG-Ig-h-22 maayos na mga
pagtutulad pangungusap
-pagbibigay - nagpapa-hayag
depinisyon ng sariling palagay
-pagsusuri o kaisipan
-nagpapakita ng
simula, gitna,
wakas

8
Sabihin:

Pinag-aaralan natin ang sanhi at bunga upang maunawaan o magkaroon ng ideya


ang mga mag-aaral sa organisasyon o pagkakabuo ng teksto. Sinasabing ang
“sanhi” ang pwersa sa teksto, ang dahilan kung bakit may nangyari. Sinusundan
ito ng lohikal na bunga. Ang dalawang ito ang masasabing linya ng pag-iisip ng
manunulat na sinusundan ng mga tagabasa.

Bakit mahalagang mapag-aralan ang pagtukoy sa sanhi at bunga?

1. Upang masundan ng mga mag-aaral ang organisasyon o tali ng mga


impormasyon sa isang ​lohikal na daloy​. Sa ibang pagtingin, maaaring
sabihin na ito ay “ugnayang suliranin at solusyon” sa isang akda maging ito
man ay piksyon o hindi (Literacy Ideas.com).
2. Nagagawa nitong maipakita na mas kapani-paniwala ang daloy ng banghay
lalo sa mga akdang tinatalakay sa klase.

Bakit mahalagang maituro ang pagtukoy sa Sanhi at Bunga?

Mahalaga rin na maging malinaw sa mga guro ang ​layunin ng sanhi at bunga
(Everett Public Schools, Elementary Literacy):

1. Upang makilala ang relasyon ng pangunahing ideya/pangyayari at resulta.

2. Upang makabuo ng ugnayan sa loob ng akda at sa pagitan ng mga bahagi


nito ang mga mag-aaral.

3. Upang makabuo ng makatwirang paghihinuha ang mga mag-aaral.

4. Upang makabuo ng angkop at wastong konklusyon.

5. Upang mapaghusay ang kasanayan sa pagsusuri ng mga konsepto sa


isang disiplina at relasyon ng isang konsepto sa iba pa

Antas ng Kasanayan sa Sanhi at Bunga

1. Nagsisimula sa pagkilala ng mag-aaral sa pagkakaiba ng ​sanhi sa bunga.

2. Sinusundan ito ng pagtukoy at paggamit ng mga mag-aaral sa mga ​hudyat


na salita​ (​signal words)​ na ginagamit para sa sanhi at bunga.

3. Nakikilala ng mga mag-aaral ang ​isahang sanhi ​at ​maramihang sanhi.

4. Nakikilala ng mag-aaral ang ​isahang resulta/bunga ​at ​maramihang


resulta/bunga.

9
5. Panghuli, natutukoy ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon kung saan may
magkakaugnay na reaksyon.

*Tandaan na nagagamit ng mag-aaral ang mga datihang kaalaman o


impormasyon sa pagkilala ng sanhi at bunga.

Pagtukoy sa Sanhi at Bunga (PSB)

Paano natutukoy ang Sanhi?


Paano natutukoy ang Bunga?

1. Itanong sa mag-aaral –“Ano ang nangyari?”


* Itatala ng guro ang sagot ng mag-aaral.

2. Kasunod na itatanong sa mag-aaral ay –


“Bakit ito nangyari?”
*Alin sa dalawang pangyayari ang nauna?

3. Ituro ang hudyat na salita na ginagamit para sa sanhi at para sa bunga.

4. Ipapaliwanag sa mag-aaral kung bakit sanhi at bunga ang mga pangyayari.

Paano pa epektibong maituturo ang kasanayan sa Pagtukoy ng Sanhi at


Bunga?

1.Nakatutulong din ang paggamit ng mga ​grapikong pantulong upang biswal na


maipakita ang pagsusuri sa mga impormasyon sa pagtukoy sa sanhi at bunga
(pagpapakita ng mga graphic organizer).

*Tandaan na may angkop din na grapikong pantulong sa antas ng


mag-aaral. May ilang grapikong pantulong na sa halip na magpadali sa
pag-unawa ng mga mag-aaral ay baka lalo pa silang mahirapan kung hindi
nila magagamit ito nang tama.

2.Pagtuturo ng mga hudyat na salita bilang tagapag-ugnay ng mga ideya sa


akdang binabasa. Para sa pagtukoy ng sanhi at bunga, narito ang mga ginagamit
na hudyat na salita:
- para sa sanhi ​(sapagkat, dahil, dahil sa, dahilan sa,
palibhasa, kasi…)
- para naman sa bunga ​(resulta ng, bunga nito, kung gayon,
dulot nito, kaya, kaya naman, tuloy…)

3.Pagpapasagot ng mga worksheets (pagsasanay) para sa pagtataya ng sanhi at


bunga

4.Pagpili ng angkop na estratehiya batay sa hinihiling ng kasanayan ​(code)

10
Isa-isang tatalakayin ng tagapanayam ang mga estratehiya sa pagtuturo ng sanhi
at bunga.

A. GRAPIKONG PANTULONG
Panuto:
1. Ipabasa ang teksto sa mga mag-aaral.
2. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari sa
binasa.
3. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang sanhi at bunga.
4. Isulat ito sa ​graphic organizer​.

B. KARD TAMBAL
Panuto:
1. Susulat ang guro ng 10 sanhi at 10 bunga sa mga kard. Magkakahiwalay
ang mga kard ng sanhi at mga bunga.
2. Paghahaluin ng guro ang mga kard ng sanhi. Paghaluin din ang mga kard
ng lahat ng bunga.
3. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang mga sanhi sa kaugnay nitong bunga
sa loob ng 10 minuto.
4. Iulat ang mga sagot sa klase.

C. IARTE MO
Panuto:
Pagsasadula
1. Susulat ang guro sa strip ng papel ng sitwasyong nagpapakita ng sanhi (mula
sa binasa).
2. Ilagay ito sa isang bowl.
3. Pagkatapos magbasa ng mga mag-aaral, bubunot ang lider ng pangkat ng mga
mag-aaral ng sitwasyon mula sa binasa.
4. Bigyan sila ng sapat na oras upang magsanay ng sagot. Isadula sa klase.
* Maaari rin naman na baligtarin, ​bunga ang isulat sa istrip ng papel saka isadula
kung ano ang ​sanhi ​ng pangyayaring ito.

D. TAMBAL STRIPS
Panuto:
1. Batay sa tekstong binasa, susulat ang guro ng ​sanhi at bunga ​sa mga
strip ng papel (hiwalay ang sanhi at bunga).
2. Ipamahagi ito sa mga mag-aaral.
3. Sa hudyat ng guro, hahanapin ng mga mag-aaral ang kanilang katambal.
Kung sanhi ang strip na napunta sa kanila, sinong mag-aaral kaya ang
nakakuha ng angkop na bunga para rito?

E. PIC TO
Panuto:
1. Maghahanda ang guro ng limang ​larawan ng sanhi at limang larawan ng
bunga. Ididikit niya ito sa pisara. Paghaluing idikit ito sa dalawang kolum sa
pisara.

11
2. Matapos magbasa, magpapakita ang guro ng limang larawan ng sanhi at
limang larawan na bunga nito.
3. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang mga larawan ayon sa magkaugnay
na sanhi at bunga.

F. I-POST-IT SANHI/BUNGA
Panuto:
1. Bibigyan ng guro ng magkaibang babasahing teksto si ​Mag-aaral A at
Mag-aaral B. ​Bibigyan din sila ng post it na papel.
2. Babasahin ni Mag-aaral A ang tekstong binigay sa kanya. Babasahin
naman ni Mag-aaral B ang binigay na teksto sa kanya ng kanyang guro.
Pagkatapos nilang magbasa, bubuo ang dalawang mag-aaral ng mga
tanong na sanhi mula sa kanyang binasa.
3. Isusulat ito sa post it at idikit sa itaas ng pahina kung saan mababasa ang
sagot sa tanong na kanyang binuo.
4. Pagkatapos ay magpapalitan ng teksto ang sina Mag-aaral A at B.
Babasahin ang teksto at sasagutin ng mag-aaral ang tanong na sinulat ng
kanyang kaklase sa post it.

Repleksiyon

Sabihin: Upang makatiyak na matatamo ang kasanayan sa pagtukoy sa sanhi at


bunga, anu-ano pa ang mga estratehiya na magagamit ng guro upang maituro
ito?

_______________________ o _____________________

Aplikasyon (10 minuto)

Pagpapasagot sa Ikalawang Link

Matapos manood, ichachat ulit ng host ang link sa chat box, iki-click ng mga guro
at doon nila sagutin ang mga tanong kaugnay ng napanood na video.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdZ5KinVdDbtquzq26OrfCFJ2LfZsX5
8oNvmtZmhu2AeOk2bQ/viewform

*Para sa host o facilitator ng sesyon, iminumungkahi ko na gumawa ng sariling


google form para sa pagsasanay na ito gamit ang sarili mong email address nang
sa gayon ay sa iyong google form account pumasok ang mga sagot. Mula sa
kanilang mga sagot makikita mo kung sino ang nakasagot nang tama mula sa
napanood na video. Maaari mong icopy-paste sa sarili mong google form ang mga
tanong sa annex sa ibaba.

Sa bahaging ito maaaring sabihin ng host ang mga sagot sa pagsasanay sa link.
Pagkatapos ay itanong sa mga kalahok, “Anu-anong mahahalagang konsepto ang
natutunan ninyo kaugnay ng pagtuturo ng pagtukoy sa sanhi at bunga?”

12
Maaaring iunmute ng host ang mga gurong kalahok na nais magbahagi ng
kanilang sagot. (1-3 guro ang maaaring magbahagi)

Maaari din na ichat sa chat box ang kanilang sagot at basahin na lamang ng host.

Pampinid (2 minuto)

Ipabasa ang huling dalawang quotation sa powerpoint. Bigyan ng malalim na


repleksyon ng host ang dalawang quotation na ito.

The future of the world is in my classroom today. ​(Ivan Welton Fitzwater)

APPENDIX

TALAHANAYAN A - MGA KASANAYAN SA PAGTUKOY NG SANHI AT BUNGA

Code Kasanayan Baitang Markahan Pahina


F2PB-Ih-6 Napag-uugnay ang sanhi at 2 1 25
bunga ng mga pangyayari sa
binasang talata
F2PB-Iih-6 Napag-uugnay ang sanhi at 2 2 29
bunga ng mga pangyayari sa
binasang teksto
F2PB-IIIg- Napag-uugnay ang sanhi at 2 3 33
6 bunga ng mga pangyayari sa
binasang teksto
F2PB-IVd- Napag-uugnay ang sanhi at 2 4 36
6 bunga ng mga pangyayari sa
binasang teksto
F3PB-IIIh- Napag-uugnay ang sanhi at 3 3 55
6.2 bunga ng mga pangyayari sa
binasang teksto

Code Kasanayan Baitang Markahan Pahina


F4PB-IIdi- Nasasabi ang sanhi at bunga 4 2 72
6.1 ayon sa nabasang pahayag
F4PN-IIi-1 Naibibigay ang sanhi at bunga 4 2 73
8.1 ng mga pangyayari sa
napakinggang teksto
F4PN-IIIi-1 Naibibigay ang sanhi at bunga 4 3 77
8.2 ng mga pangyayari sa
napakinggang ulat

13
F4PB-IIIe-i Natutukoy ang sanhi at bunga 4 3 77
-99 ng mga pangyayari sa
binasang teksto
F4PU-IIIi-2 Nakasusulat ng talata na may 4 3 77
.1 sanhi at bunga

F5PB-IIc-6 Nasasabi ang sanhi at bunga 5 2 96


.1 ng mga pangyayari

F5PB-IIIj-6 Nasasabi ang sanhi at bunga 5 3 100


.1 ng mga pangyayari

F5PN-IVa- Nakakagawa ng dayagram ng 5 4 101


d-22 ugnayang sanhi at bunga mula
sa tekstong napakinggan
F5PN-IVa- Nakagagawa ng dayagram ng 5 4 102
d-22 ugnayang sanhi at bunga mula
sa tekstong napakinggan
F5PB-IIh-6 Nasasabi ang sanhi at bunga 5 4 103
.1 ng mga pangyayari

F6PB-IIIb- Napag-uugnay ang sanhi at 6 3 124


6.2 bunga ng mga pangyayari
F6PN-IVf- Nakagagawa ng dayagram ng 6 4 128
10 ugnayang sanhi at bunga ng
mga pangyayari /
problema-solusyon

Code Kasanayan Baitang Markahan Pahina


F7PB-Id-e- Naipaliliwanag ang sanhi at 7 1 141
3 bunga ng mga pangyayari
F7WG-Id- Nagagamit nang wasto ang 7 1 141
e-3 mga pang-ugnay na ginagamit
sa pagbibigay ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari
(sapagkat, dahil, kasi, at iba
pa)
F8PD-Ig-h Nauuri ang mga pangyayaring 8 1 154
-21 may sanhi at bunga mula sa
napanood na video clip ng
isang balita
F8WG-Ig- Nagagamit ang mga hudyat ng 8 1 154
h-22 sanhi at bunga ng mga
pangyayari
(dahil,sapagkat,kaya,bunga
nito, iba pa)

14
Talahanayan B

KASANAYANG KAILANGANG LINANGIN SA BAWAT BAITANG


NA MAY KAUGNAYAN SA PAGTUKOY SA SANHI AT BUNGA

Kasanayang Kasanayan sa Sanhi at Katuwang na


Lilinangin Bunga Kasanayan /
Bago/Habang Paglalapat
Pinauunlad ang Sanhi
at Bunga
Naibibigay ang ​paksa o Napag-uugnay ang sanhi Naisusulat nang may
nilalaman​ ng pabulang at bunga ng mga wastong baybay at
napakinggan pangyayari sa binasang bantas ang ​mga
talata F2PB-Ih-6 salitang​ ididikta ng
guro
Nakasasali sa isang Napag-uugnay ang sanhi Nagagamit ang mga
usapan tungkol sa at bunga ng mga salitang kilos​ sa
isang sariling pangyayari sa binasang pag-uusap tungkol sa
karanasan teksto F2PB-Iih-6 iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at
pamayanan
Nahuhulaan ang Napag-uugnay ang sanhi Nakasasali sa isang
susunod na at bunga ng mga usapan​ tungkol sa
mangyayari ​sa pangyayari sa binasang isang napakinggang
napakinggang teksto​ ​F2PB-IIIg-6 kuwento
tugma/tula
Naipapahayag ang Napag-uugnay ang sanhi Nakasusulat ng
sariling at bunga ng mga liham​ sa tulong ng
ideya/damdamin o pangyayari sa binasang padron mula sa guro
reaksyon​ tungkol sa teksto F2PB-IVd-6
napakinggang tekstong
pang-impormasyon
Naisasalaysay muli ang Napag-uugnay ang sanhi Nagagamit ang mga
napakinggang teksto at bunga ng mga nakalarawang
ayon sa kronolohikal na pangyayari sa binasang balangkas sa
pagkakasunod-sunod teksto F3PB-IIIh-6.2 pagtatala ng
impormasyon o
datos​ na kailangan
Nakikinig nang mabuti Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat
sa nagsasalita upang bunga ayon sa nabasang ng
maulit at pahayag F4PB-IIdi-6.1 timeline​ tungkol sa
mabigyang-kahulugan mga pangyayari sa
ang mga pahayag binasang teksto
Naisasalaysay​ muli Naibibigay ang sanhi at Nagagamit nang
ang napakinggang bunga ng mga pangyayari wasto ang
pang-abay at

15
teksto gamit ang mga sa napakinggang teksto pandiwa​ sa
pangungusap F4PN-IIi-18.1 pangungusap
Nasasagot ang mga Naibibigay ang sanhi at Nakapagbibigay ng
tanong​ batay sa bunga ng mga pangyayari reaksiyon sa isyu
tekstong napakinggan sa napakinggang ulat mula sa
F4PN-IIIi-18.2 napakinggang ulat
Nasasagot ang mga Natutukoy ang sanhi at Nakasusulat ng
tanong​ batay sa bunga ng mga pangyayari talata​ na may sanhi
tekstong napakinggan sa binasang teksto at bunga
F4PB-IIIe-i-99
Naibibigay ang Nakasusulat ng talata na Nagagamit ang wika
kahulugan​ ng mga may sanhi at bunga bilang ​tugon sa
salitang pamilyar at F4PU-IIIi-2.1 sariling
di-pamilyar sa pangangailangan at
pamamagitan ng sitwasyon
pag-uugnay sa sariling
karanasan
Napagsusunod-sunod Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat ng
ang mga pangyayari bunga ng mga pangyayari talambuhay
sa tekstong F5PB-IIc-6.1
napakinggan sa
pamamagitan ng
pangungusap
Nasasabi kung ano ang Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat ng
simuno at panag-uri bunga ng mga pangyayari editorial
sa pangungusap F5PB-IIIj-6.1
Nakababasa para Nakakagawa ng dayagram Nagagamit ang
kumuha ng ng ugnayang sanhi at nakalarawang
impormasyon bunga mula sa tekstong balangkas upang
napakinggan maipakita ang
F5PN-IVa-d-22 nakalap na
impormasyon
Nakasusulat ng iskrip Nakagagawa ng dayagram Nasasagot ang mga
para sa ​radio ng ugnayang sanhi at tanong sa ​bihasang
broadcasting​ at bunga mula sa tekstong paliwanag
teleradyo napakinggan
F5PN-IVa-d-22
Nabibigyang kahulugan Nasasabi ang sanhi at Nakasusulat​ ng iba’t
ang ​matalinghagang bunga ng mga pangyayari ibang bahagi ng
salita F5PB-IIh-6.1 pahayagan
Nasasagot ang mga Napag-uugnay ang sanhi Naipamamalas ang
literal na tanong tungkol at bunga ng mga paggalang sa ideya,
sa napakinggang pangyayari F6PB-IIIb-6.2 damdamin at kultura
talaarawan ng may akda ng
tekstong
napakinggan o
nabasa

16
Napaghahambing-ham Nakagagawa ng dayagram Nakasusulat ng
bing​ ang iba’t ibang uri ng ugnayang sanhi at liham sa editor
ng pelikula bunga ng mga pangyayari /
problema-solusyon
F6PN-IVf-10
Nakikilala ang Naipaliliwanag ang sanhi Naipaliliwanag ang
katangian ng mga at bunga ng mga kahulugan​ ng mga
tauhan​ batay sa tono at pangyayari​ ​F7PB-Id-e-3 simbolong ginamit sa
paraan ng kanilang akda
pananalita
Naipahahayag ang Nagagamit nang wasto Nagsasagawa ng
sariling pakahulugan sa ang mga pang-ugnay na panayam​ sa mga
kahalagahan ng mga ginagamit sa pagbibigay taong may malawak
tauhan​ sa napanood na ng sanhi at bunga ng mga na kaalaman tungkol
pelikula na may temang pangyayari (sapagkat, sa paksa
katulad ng akdang dahil, kasi, at iba pa)
tinalakay F7WG-Id-e-3
Nakikinig nang may Nauuri ang mga Naisusulat ang
pag-unawa upang pangyayaring may sanhi at talata​ng:
mailahad ang layunin bunga mula sa napanood -binubuo ng
nang napakinggan, na video clip ng isang magkakaugnay at
maipaliwanag ang balita F8PD-Ig-h-21 maayos na mga
pagkakaugnay-ugnay pangungusap
ng mga pangyayari - nagpapa-hayag ng
sariling palagay o
kaisipan
-nagpapakita ng
simula, gitna, wakas
Nagagamit ang mga
Nagagamit ang iba’t hudyat ng sanhi at bunga Naisusulat ang
ibang ​teknik sa ng mga pangyayari talata​ng:
pagpapalawak ng (dahil,sapagkat,kaya,bung -binubuo ng
paksa​: a nito, iba pa) magkakaugnay at
-paghahawig o F8WG-Ig-h-22 maayos na mga
pagtutulad pangungusap
-pagbibigay - nagpapa-hayag
depinisyon ng sariling palagay
-pagsusuri o kaisipan
-nagpapakita ng
simula, gitna,
wakas

PAGTUKOY SA SANHI AT BUNGA

17
Pagsasanay 1 : Pagmamapa sa Sanhi at Bunga (Kurikulum sa Filipino)

Magandang Araw mga kaguro! Ating tayahin ang lalim ng iyong pag-unawa sa kasanayan mula
sa K-12 Kurikulum sa Filipino.

SAGUTIN KUNG WASTO o DI-WASTO ANG MGA PANGUNGUNGUSAP SA IBABA BATAY SA


IYONG KASALUKUYANG ALAM / PAG-UNAWA SA PAGTUTURO NG KASANAYANG SANHI
AT BUNGA.

I-click ang iyong sagot.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf3Iyi1UAx6FEk8R10QdxKsgBmEsZ8T2
e7pmzjwzqJNbBW1hA/viewform

1. May mga kasanayang nauulit sa isang tiyak na baitang. WASTO


2. Tumitindi ang kasanayan sa pagtukoy sa sanhi at bunga habang tumataas
ang baitang. WASTO
3. Nananatili ang lebel o antas ng teksto ng lunsarang ginagamit sa pagtuturo ng
sanhi at bunga habang tumataas ang baitang. DI WASTO
4. Nagsisimulang magsulat ng talatang may sanhi at bunga ang mag-aaral sa
antas sekundarya. DI WASTO
5. Mas nabibigyan ng tuon ang mga varayti ng pang-ugnay o hudyat na
ginagamit sa sanhi at bunga sa elementarya. DI WASTO

Pagsasanay 2 : Tanong Para sa Ebalwasyon

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdZ5KinVdDbtquzq26OrfCFJ2LfZsX58o
NvmtZmhu2AeOk2bQ/viewform

1. Mahalagang maunawaan ng guro na ____.


a. tumitindi ang mga kasanayan sa pagtukoy sa sanhi at bunga habang
tumataas ang baitang ng mag-aaral
b. ang pagtukoy sa sanhi at bunga ay laging nagsisimula sa pagkilala sa
mga grapikong pantulong
c. hindi nakabatay sa karanasan ng mag-aaral ang kasanayan sa sanhi at
bunga
d. nakapokus lamang sa panitikan ang kasanayang pagtukoy sa sanhi at
bunga

2. Masasabing may ganap na pagkaunawa ang mag-aaral sa pagtukoy sa sanhi


at bunga kung ____.
a. nakikilala niya ang sanhi at bunga sa isang format lamang sa teksto
b. nauunawaan ng mag-aaral kung alin sa mga pangyayari ang pwersang
nag-udyok upang mangyari ang isa pang pangyayari

18
c. nasasabi ng mag-aaral na ang sanhi ay palaging isinusulat na nauuna sa
isang akda
d. napagpapalit-palit niya ang mga hudyat na salita para sa sanhi na maaari
ring gamitin sa bunga

3. Ang pahayag ng guro na nagpapakita ng panimula sa pagtuturo sa mga


mag-aaral na wala pang kasanayan sa pagtukoy ng sanhi at bunga ay _____.
a. Bakit nangyari?
b. Nangyayari ba ito?
c. Alin ang naiibang pangyayari?
d. Ano ang nangyari?

4. Lahat ay katuturan ng sanhi liban sa ______.


a. Pwersa mula sa teksto
b. Dahilan ng pagkapangyari
c. Nauuna sa linya ng pag-iisip ng mambabasa
d. Sumusunod sa linya ng pag-iisip ng mambabasa

5. Sa sitwasyong wala pang alam ang mag-aaral sa konsepto ng sanhi at


bunga, magagamit ang paraang __________.
a. hakbang PSB
b. paggamit ng mga worksheets
c. pagpapagamit ng mga grapikong pantulong
d. estratehiyang i-post-it sanhi at bunga

Sagot:
1. A
2. B
3. D
4. D
5. A

19

You might also like