2024 LS1 G6 Q1 W2 CUF Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

6

CATCH-UP FRIDAYS

Iskrip ng Aralin
sa Filipino
Quarter 1 Week 2
Catch-Up Fridays
Lesson Script-1 in Filipino 6
Quarter 1: Week 2
SY 2024-2025

This material is intended exclusively for the use of teachers in the implementation of the
MATATAG K to 10 Curriculum. It aims to assist in delivering the curriculum content, standards, and
lesson competencies.

The Intellectual Property Code of the Philippines states that “No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or
office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.”

Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other copyrightable,
patentable contents) included in this learning resource are owned by their respective copyright and
intellectual property right holders. Where applicable, DepEd has sought permission from these owners
specifically for the development and printing of this learning resource. As such, using these materials
in any form other than agreed framework requires another permission and/or licensing.

No part of this material, including its original and borrowed contents, may be reproduced in any form
without written permission from the Department of Education.

Every care has been taken to ensure the accuracy of the information provided in this material. For
inquiries or feedback, please call the Office of the Director of the Bureau of Learning Delivery via
telephone numbers (02) 8636-6540 and (02) 6540 or send an email to [email protected].

Published by the Department of Education

Bumuo sa Pagsusulat ng Eskrip ng Aralin

Manunulat: Sonia B. Oplas

Editor: Maricel M. Avanceña

Tagasuri: Dolores Z. Zapanta

Tagaguhit: Dennis A. Villanueva

Tagasuri: (Non-DepEd)

Imelda J. Tubianosa, Retired Master Teacher II


Veronica S. Pardiňas, Retired Master Teacher I
Validator: Ramilyn V. Mesaya

Tagapamahala:
Ramir B. Uytico EdD., CESO III - Regional Director
Ermi V. Miranda PhD, CESO VI - Schools Division Superintendent
Jen-Ann V. Rosal EdD - Asst. Schools Division Superintendent
Melgar B. Coronel - Chief, Education Supervisor, CID
Sonia B. Oplas - EPS, Filipino
Ana Lee C. Bartolo - EPS, LRMS

ii
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Linggo: 1 Araw: 5 Petsa:


I. NILALAMAN NG KURIKULUM, MGA PAMANTAYAN AT KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naipamamalas ng mag-aaral ang kahusayan sa pagpapalawak ng
bokabolaryo (denotasyon, konotasyon, tono, at damdamin) na
ginagamit sa pormal at di-pormal na mga sitwasyon, lumalagong
kaalaman sa mga estrukturang gramatikal, kritikal at lapat na pag-
unawa sa tekstong naratibo (tulang pambata, dulang pambata,
kuwentong katatakutan, maikling kuwento) at tekstong impormatibo
A. Pamantayang (eksposisyon), pagbuo ng teksto, at kaalaman sa mga di-berbal na
Pangnilalaman
pahiwatig (pisikal na paghahatid ng mensahe) at kasanayang
produktibo, at paggamit ng tekstong multimedia sa pagusuri at
pagpapakahulugan upang makabuo ng tekstong tumatalakay sa mga
paksang patungkol sa bansa at global na may kaangkupan sa edad,
kasarian, paksa, at kultura (pasalita, pasulat, at multimedia) na
batay sa layunin, konteksto, at target na madla.
Nagagamit ng mag-aaral ang pagkakaroon ng kahusayan sa wastong
B. Pamantayang gramatika, kaangkupan ng salita/retorika, estilo, at estruktura sa
Pagganap paggawa ng sanaysay na naglalahad ng tampok na isang pangyayari
sa bansa o global.
1.Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
C. Mga Kasanayang pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
Pampagkatuto 2.Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula.
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula;
D. Mga Layunin
2.Napauunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng pagtukoy sa mga
ekspresyon at galaw ng katawan; at
3.Naipapakita ang mga paraan sa pagdamay sa kapuwa.
II. NILALAMAN
Pagbibigay kahulugan sa kilos at pahayag ng mga tauhan sa
Paksa
napakinggang pabula
Pagbasa, Pagpapahalaga sa Kapuwa, Pangangalaga sa kalusugan at
Tuon ng Integrasyon
Pakikiramay sa nangangailangan
Pagpapaunlad ng Pang-unawa sa kapuwa, Pakikiramay sa
Tema
Nangangailangan at Pangangalaga sa kalusugan
• Ang pagpapaunlad ng pag-unawa sa kapuwa at pagdadamayan
Susing Konsepto para ay mahalaga sa mabuting pakikitungo sa bawat tao.
sa Integrasyon • Ang pangangalaga sa kalusugan ay mahalaga sa para sa isang
malusog na pamayanan.
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian MELCs, CO_Q2_Filipino6_Module 4, lrmds portal
B. Iba pang Laptop, Tv sets/projector, mga larawan, mga printout
Kagamitan

1
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

IV. PAMAMARAAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


Bago Ituro ang Aralin

Kumusta mga magagaling na mag-aaral? Handa na ba kayo para sa


bagong aralin?
Inaasahang sagot: Handa na kami!

Para maipakita ang kahandaan sa klase, ipakita ang inyong


napakagandang ngiti sa bawat isa.

(Ang guro ay magbibigay ng “Triya”.)

Ngayong handa na ang lahat, simulan na natin ang ating aralin.

Panuto: Kilalanin kung anong hayop ayon sa paglalarawan. Piliin sa


kahon ang tamang sagot.

Gawaing
Pamukaw-kaalaman (5
Minuto)

_________________ 1. Siya ang kaagapay ng mga magsasaka sa


bukid.

__________________2. Siya ay palagiang namumuksa ng daga.

__________________3. Siya ay nag-iingay bago at pagkatapos umulan.

__________________4. Siya ay sunod-sunuran palagi sa kaniyang amo.

__________________5. Siya ay nanunuklaw kapag nakakaramdam ng


panganib.

Magaling mga bata! Nasagot ninyo nang tama ang ating gawain. Sa
ating pagpapatuloy sa araw na ito, inaasahan sa inyo ang mga
sumusunod na kakayahan:
Gawaing Paglalahad ng
1.Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
Layunin ng Aralin
napakinggang pabula;
(2 minuto)
2. Napauunlad ang kakayahan sa pag-unawa ng pagtukoy sa mga
ekspresyon at galaw ng katawan; at
3. Naipapakita ang mga paraan sa pagdamay sa kapuwa

2
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Sa pagpapatuloy natin, mayroon na naman tayong isang masaya at


nakawiwiling gawain.

Ngayon, tingnan natin kung kaya ninyong ipakita ang sumusunod na


ekpresyon at galaw ng katawan.
a. malungkot
b. masaya
c. malakas
d. mahina
e. nag-aalala
f. galit
(Magbibigay muna ang guro ng halimbawa: nagulat, ipakita ang
ekspresyong gulat).

Magaling mga bata! Lahat kayo ay magagaling sa pagpapakita ng iba’t


ibang ekspresyon at galaw. Ngayon, mayroon akong mga
pangungusap na ipababasa sa inyo. Basahin ang pahayag na may
tamang ekspresyon at hulaan kung anong damdamin ang nais
iparating.
Gawaing Pag-unawa sa
mga Susing- 1. “Maya! Nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang
Salita/Parirala o pinakamagaling!” Si Uwak ay nagpapakita ng damdaming
Mahahalagang Konsepto ___________.
sa Aralin (5 minuto)
2. “Ahhhh! Ganoon? “Ano ang gusto mong mangyari, magsubukan
tayo ng tapang? Si Maya naman ay nagpapakita ng damdaming
___________.

3. “Maraming salamat sa mga tulong,” banggit ni Amang ibon sa


mga kasama sa paglilinis ng paligid. Si Amang ibon ay
nagpapakita ng damdaming ___________.

Tumpak ang inyong mga sagot mga bata, nahulaan ninyo ang mga
damdamin at pahiwatig sa mga pangungusap na aking ibinigay.

Nakita ba ninyo mga bata ang iba’t-ibang damdamin na dala ng kilos


at galaw ng ating kapuwa ay may kaugnayan sa ating pakikipag-
ugnayan sa kanila. Kailangan nating pag-aralan at unawain na ang
kakayahan sa pag-unawa sa mga kilos at gawa ng ating kapuwa ay
isang positibong kakayahan na kailangang dapat nating linangin at
paunlarin.

(Halaw sa CO_Q1_Filipino 6_ Module 4)


Habang Itinuturo ang Aralin
Pagbasa sa Sa ating pagpapatuloy, mayroon akong isusulat sa pisara. Nasasabik
Susing Kaalaman/Ideya na ba kayo na malaman ang ating bagong gawain?
(Mga Gawain at Kung gayon, umpisahan na natin ngayon.
Demonstrasyon)
(15 minuto)
3
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Pagbasa sa
Susing Kaalaman/Ideya (Isulat ang salitang Pabula sa pisara. Ipabasa ito sa mga mag-aaral.
(Mga Gawain at Itanong kung ano ang pakahulugan nila sa salitang Pabula).
Demonstrasyon)
(15 minuto) Kapag sinabi nating Pabula, ano ang inyong naiisip?
Inaasahang sagot: Ang Pabula ay isang kuwento na ang mga tauhan
ay mga hayop at naghahatid ng mabuting aral sa atin.

Sa araw na ito, may ibabahagi akong pabula na tungkol sa sakit ng


mga hayop na tinatawag Foot-and-Mouth Disease o FMD
Bilang pagdadagdag, aalamin muna natin ang tinatawag na Foot-and-
Mouth Disease o FMD kung saan nabanggit ito sa ating kuwento.

Ang FMD ay sakit sa paa at loob ng bibig ng mga hayop kung saan
nagkakasugat-sugat ang mga ito. Ito ay lubhang nakaaapekto sa mga
hayop na may mga biyak na kuko, tulad ng baka, baboy, kambing, at
tupa. Ang sakit na ito ay sanhi ng isang virus na tinatawag na
Aphthovirus.

Ngayon, makinig nang mabuti sa pabulang aking babasahin.


Hinihingi ko ang inyong kooperasyon para lubos ninyong
maintindihan ang pabula.

Maaari ng simulan ang pagbasa. (Read-a-loud)

Ang Magkaibigang Nagdadamayan


S. Oplas (2024)

(Tagaguhiti: Dennis A. Villanueva)

Sa isang malawak na bukirin, may mga hayop na sabik na sabik


magpakitang gilas sa larangan ng tapang, galing, lakas at talino. Sina
Paeng Baka at Kikong Kalabaw ay matalik na magkaibigan.
Samantala, kabaliktaran naman ng dalawa sina Biboy Unggoy at
Bong Pagong na halos walang araw na hindi sila nag aaway.
Isang araw nagkasundo ang magkaibigang Paeng at Kiko na
magkarera sa palakasan at katalinuhan.
Si Kikong kalabaw ay kilala sa kaniyang lakas at bilis.
Samantalang si Paeng Baka ay kilala rin sa kaniyang husay at talino.
Ngunit sa araw ng karera, may kakaibang naramdaman si Paeng
4
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Baka. Nanghihina siya at masakit ang kaniyang mga paa at bibig.


Hindi niya alam na nahawahan pala siya ng Foot-and-Mouth Disease
(FMD).
Nang malaman ni Kikong Kalabaw ang kalagayan ni Paeng
Baka, agad niya itong pinuntahan upang malaman kung totoo ngang
may sakit na nakakahawa si Paeng Baka. "Pareng Paeng, mukhang
hindi maganda ang pakiramdam mo. Ano ang nangyari?" tanong ni
Kikong Kalabaw.
"Oo, Pareng Kiko," sagot ni Paeng. "Mukhang may sakit ako.
Masakit ang aking mga paa at bibig, at hindi ko na kayang lumaban
sa karera."
Napansin ni Paeng ang pagkabahala ni Kiko. Alam niya na ang
FMD ay isang nakakahawang sakit, ngunit sa halip na iwanan si
Paeng, nagdesisyon siyang tulungan ito.
At ganoon nga ang ginawa ni Kiko. Dinala niya si Paeng sa
kanilang kubo at inalagaan nang mabuti. Iniwas niya ito sa iba pang
hayop upang hindi na kumalat ang sakit o mahawaan pa ang mga
hayop. Pinapakain niya si Paeng ng masustansyang pagkain at
ginamot ang mga sugat sa kaniyang mga paa at bibig.
Sa kabilang dako, sina Biboy Unggoy at Bong ay walang tigil pa
rin sa kanilang bangayan. “Ano na naman ang ginawa mo? sigaw ni
Biboy kay Bong.” “Bakit kinuha mo ang pagkain ko? Ibalik mo!”
Pagbabanta ni Biboy kay Bong. Walang nagawa si Bong, dali-dali
niyang isinauli ang mga pagkain ni Biboy. Pagkatapos binigyan
naman ni Biboy si Bong ng pagkain. “Sa susunod manghingi ka nang
maayos at bibigyan naman kita” sambit ni Biboy. Mula noon naging
matalik na silang magkaibigan.
Lumipas ang ilang araw, gumaling na ang sakit ni Paeng Baka.
Nalungkot siya dahil hindi nakasali sa karera subalit natuwa naman
dahil napatunayan niya na tunay na kaibigan si Kikong Kalabaw
sapagkat dinamayan siya nito sa oras ng kaniyang pangangailan.

Naunawaan ba ninyo ang pabulang inyong napakinggan mga bata?


Tingnan nga natin kung naging malinaw at naunawaan ninyo ito
gamit ang Signal Trapiko ng Pag-unawa. Itaas ang kulay pula kung
waging-wagi ang pag-unawa, dilaw kung kailangang basahing muli
para maging wagi ang pag-unawa, at berde kung may nais pang
linawin bago magwagi.

(Magpatuloy kung ang lahat ay naging wagi na sa pag-unawa)


5
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Ngayon, subukan natin ang inyong kasanayan sa pag-unawa sa


pamamagitan ng pagtugon sa mga gawain na itinalaga sa bawat
pangkat.

Bumuo tayo ng tatlong pangkat at sagutin ang mga gabay na tanong

Pangkat 1- Magtala ng mga ipinakitang tulong ni Kikong kalabaw kay


Paeng baka
Pangkat 2- Mga pangangalagang gawain sa mga maysakit
Pangkat 3- Ang Kahalagahan ng pagdamay sa kapuwa
Pumili ng kinatawan at magbahagi sa klase.

Para sa unang pangkat, isa-isahin ang mga mahalagang detalye sa


binasa. Isulat sa mga tinik ng isda ang inyong kasagutan.
Pagpapaunlad ng Pag- (Integrasyon sa pagbasa)
unawa sa Susing
Kaalaman/Ideya
(10 minuto)
Mga tulong na
ginawa ni Kikong
Kalabaw ky
Paeng baka.

Para sa ikalawang pangkat, ipaliwanag kung ano-anong


pangangalaga ang kailangang gawin sa mga maysakit bakit
kailangang ilayo ni Kikong Kalabaw si Paeng baka? (Integrasyon sa
Kalusugan)

Mga pamamaraan
sa pangangalaga
ng may-sakit

Mga pamamaraan
sa pag-iwas sa
mga
nakahahawang
sakit.

Para sa pangatlong pangkat, itala ang mga ugaling nangingibabaw sa


ginawang pagtulong ni Kikong kalabaw kay Paeng baka at kung bakit
mahalaga ang pag-uugaling ito. (Integrasyon sa pagbasa at VE)

6
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Bakit ito mahalaga?


Pagdamay
sa kapuwa

Magagaling ang inyong naging presentasyon mga bata. Tunay nga na


kayo ang mga makabagong Kabataang Pilipino! Nasagot ninyo nang
napakahusay ang ating gawain.

Hayan! Naging makabuluhan ang ating talakayan dahil sa nalaman


na ninyo na ang pagdamay sa ating kapuwa tao ay isang positibong
pag-uugali na dapat nating taglayin at ipakita. Ito ay isang kalugod-
lugod na pag-uugali na ayon sa turo ng ating Panginoon. Mahalin ang
ating kapuwa tao sa pamamagitan ng pagdadamayan. Kaya naman,
kung may makita tayong nangangailangan, gawin natin ang ating
makakaya para sila ay tulungan. (Integrasyon sa pagbasa, VE)

Sa puntong ito, pagsama-samahin natin ang mga mabubuting


Pagpapalalim kaalaman na ating natutuhan mula sa bawat isa. Kumuha na isang
ng Pag-unawa sa Susing
buong papel at isulat ninyo ang mga mabuting dulot ng
Kaalaman/Ideya
pagdadamayan.
(3 minuto)
Magagaling na mga bata! Tumpak lahat ang inyong mga kasagutan.

Pagkatapos Ituro ang Aralin


Pagbubuod ng Aralin:

Sa lahat ng ating mga natutuhan, sigurado akong naging mayaman


na ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa iyong kapuwa tao.

Mayroon akong isang maikling gawain sa oras na ito. Ganito ang


gagawin.

Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag upang maibahagi mo ang


Paglalahat iyong natutuhan sa araling ito.
(2 minuto)
Ang katangian at ugali ng isang tauhan ay makikita sa kaniyang
______________ at ______________ (pananalita o pahayag at pagkilos).
Dapat mo itong unawaing mabuti upang mabatid mo ang mga
kahulugan nito.

Sa ating pakikipagkapuwa tao, mahalagang mapaunlad natin ang


ating pagdamay at pagpapahalaga sa mabuting pakikitungo.

Tandaan din natin na ang pangangalaga sa kalusugan ay mahalaga


para sa isang malusog na pamayanan.

7
ISKRIP NG ARALIN SA FILIPINO 6 Q1

Alam kong naunawaan na ninyong lahat ang kahalagahan ng


pagdamay sa kapuwa.
Ngayon, upang matiyak natin ang antas ng inyong kaalaman sa ating
mga natutuhan, gumawa ng slogan tungkol sa pagdamay sa ating
kapuwa tao.
Halimbawa. ‘’Ang pagdamay sa kapuwa ay kalugod-lugod na gawa.”

Naintindihan ba ang buong aralin?


Kung opo, itaas ang inyong mga kamay.

Pagtataya Kung may tanong pa at may gusto pang linawin itaas naman ang
(3 minuto) inyong mga bolpen.
(Kung may mga tanong pa maaaring magkaroon ng kaunting dagdag
na pagtalakay ang guro kung may panahon pa at kung wala na
maaring isulat ang tanong sa pisara at maaaring sagutin sa susunod
na araw.)
Ikinagagalak ko na kayo ay batiin sa inyong mahusay na pakikilahok
sa ating klase. Tapikin natin ang ating sarili sa balikat at sabihing
‘ang galing galing mo”!
Inaasahan ko na magiging mabuti ang inyong pakikitungo sa inyong
mga kapuwa tao at magkakaroon kayo ng pagdadamayan sa mga
nangangailangan.
Paalam mga bata!

Mga Dagdag na Gawain


para sa Paglalapat o
para sa Remediation
(kung nararapat)

Mga Tala

Repleksiyon

You might also like