AP1 Q3 Mod3 Epekto NG Pisikal Na Kapaligiran

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 1
Epekto ng Pisikal na Kapaligiran
sa Sariling Pag-aaral

Ikatlong Markahan
Modyul 3

Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto: Nasasabi ang epekto ng pisikal
na kapaligiran sa sariling pag-aaral.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangan isantabi


muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang
mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para ma kamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat
pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahalagang impormasyon tungkol sa
aralin sa inyong kwaderno. Napapayaman ng
kaalaman ang gawai ng ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa
modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa
iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang
pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong
pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay
para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral
gamit ang modyul na ito.

1
BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong


matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin
sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – Ito ang bahaging magiging


sukatan ng mga bagong kaalaman at konsepto na
kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging


sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang
nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang


pangkalahatang ideya ng aralin

5. Gawain – dito makikita ang mgapagsasanay na


gagawin mo ng may kapareha.

6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan


na natutuhan mo ang bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong


antas ng pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin Epekto ng Pisikal na
Kapaligiran sa Sariling
1 Pag-aaral

INAASAHAN
Inaasahang matapos pag-aralan ang modyul na ito
ikaw ay:
1. Mailalahad ang epekto ng pisikal na kapaligiran
sa pag-aaral ng mga bata.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Lagyan ng tsek kung ito ay nagdudulot ng


magandang epekto sa iyong pag-aaral, X kung
nagdudulot ng di- magandang epekto.
______1. Tahimik na nakikinig ang mga mag-aaral
habang nagtuturo ang guro.
______2. Nagpapatugtog ng malakas ang katabing
bahay ng iyong silid- aralan.
______3. May lockdown sa inyong lugar dahil apektado
ng pandemya ang iyong komunidad.
______4. Kasabay ng klase nagpapalaro sa basketball
court malapit sa iyong paaralan.
______5. May sapat na pasilidad at maayos na
bentilasyon ang paaralan.

3
BALIK-TANAW
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang institusyon kung saan ang mga mag-aaral
ay pumapasok upang matutong magbasa, magsumulat,
magbilang at mapaunlad ang kanilang mga kasanayan.
a. ospital
b. paaralan
c. barangay hall
2. Ang mga gusali sa ating paaralan ay kadalasang
isinusunod sa pangalan ng isang ________.
a. guro
b. bayani
c. kaklase

3.Ito ay bahagi ng paaralan kung saan ang mga bata ay


maaring humiram ng aklat upang magbasa at gumawa
ng takdang- aralin.
a. silid-aralan
b. silid-aklatan
c. silid tanggapan ng punongguro
4. Bakit mahalagang malaman ng mag-aaral ang iba’t-
ibang bahagi ng paaralan?
a. Upang maligaw sa loob ng paaralan
b. Dahil ito ang pangalawang tahanan ng mag-
aaral
c. Upang malaman kung saan ang tamang lugar na
dapat puntahan ng mag-aaral

4
5.Ano ang pangalan ng paaralan mo? Ang isasagot mo
ay ________.
a. Ako ay si Juan Dela Cruz
b. Sto. Niño St. Tundo, Maynila
c. Mababang Paaralan ng Remedios Trinidad

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Magkakaiba-iba ang laki at kinalalagyan ng
paaralang ating pinapasukan. May maliliit at malalaking
paaralan. Ang iba ay makikita sa kapatagan o
kabundukan. Ang iba naman ay sa isang lugar na
malapit sa mga kabahayan, palengke, simbahan,
pabrika at iba pang pampublikong lugar.
May mga bagay na nakakaapekto sa pag-aaral ng
mga bata sa paaralan.

Ang ingay sa paligid ng


paaralan ay nakakaapekto
sa pag-aaral ng mga bata.
Mahihirapan ang mga
bata na unawain ang
itinuturo ng guro dahil
nakakaagaw ito ng
kanilang atensyon. Mas
kailangan din ng guro na
dagdagan ang lakas ng
kanyang boses upang
marinig ng lahat ang
Iginuhit ni Bb. Cecilia D. Cabero kanyang sinasabi.

5
Ang maayos, maaliwalas
presko
Sa ka at maliwanag na
silid-aralan ay nagdudulot
ng kaginhawahan sa mga
bata. Mas mabilis na
matututo at mauunawaan
ng mga bata ang itinuturo
ng guro. Mas magiging
madali at makabuluhan
ang kanilang pag-aaral. Iginuhit ni Bb. Cecilia D. Cabero

Iginuhit ni G. Ronald Festin

May hindi inaasahang mga pangyayari sa ating


kapaligiran ang nakakaapekto din sa pag-aaral. Mga
sakunang gaya ng lindol at sunog. Ito ay nagdudulot ng
kakulangan sa pasilidad at mga silid-aralan ng paaralan.
Isang malaking suliranin ang kinakaharap natin sa
ngayon ay ang epidemya na lumalaganap sa buong
mundo. Ito ay ang Covid 19 na kung saan may malaking
epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Suriin ang larawan ng mag-inang sina Doro at Aling
Nena.

6
Iginuhit ni
Gng. Marites S. Calinao

Ano-ano ang mga bagay na nakakaapekto sa pag-


aaral sa kasalukuyang panahon? Paano ninyo ito
tinutugunan?

GAWAIN
Gawain 1: Halina’t pag-aralan at awitin natin ang
isang awit.

PAGPASOK SA PAARALAN
Isinulat ni Gng. Marites S. Calinao
(Tune of Sitsirit Alibangbang)

Sa pagpasok sa paaralan, Ating isipin at tandaan


Paunlarin ang isipan. Pagyamanin ang kakayahan.

Mga bata sa silid-aralan, Tumahimik, guro’y pakinggan


Pag-iingay ay iwasan, Upang leksyon ay maintindihan.

Kagamitan sa eskwela, Ingatan at ayusin twina


Paligid ay maginhawa, Ligtas ka pa sa sakuna.

7
1. Ayon sa awit, ano ang dapat gawin ng isang mag-
aaral na tulad mo upang matuto sa paaralan?
___________________________________________________
___________________________________________________
2. Ano ang dapat gawin upang maging maginhawa
ang pag-aaral sa paaralan?
___________________________________________________
___________________________________________________
3. Ano ang magiging epekto kung pananatilihin ang
katahimikan at kaayusan sa paaralan?
___________________________________________________

TANDAAN

 Ang pisikal ng kalagayan ng ating paaralan ay


nakakaapekto sa ating pag-aaral.
 Mahalaga na panatilihin ang katahimikan at
kapayapaan sa paligid ng paaralan upang maituon
ng mga mag-aaral ang kanilang isip at atensyon sa
kanilang pag-aaral. Sa gayon, mas mauunawaan ng
mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan.
 Ang maaliwalas, maginhawa at maayos na silid-
aralan ay nakapagdudulot ng magandang apekto
sa pag-aaral ng mga bata.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Isulat sa patlang ang ME kung ang sumusunod na


sitwasyon ay may mabuting epekto sa pagkatuto ng
isang mag-aaral at HME kung hindi mabuti ang epekto.

8
_______1. Nagsisigawan ang mga namimili at mga
tindera sa palengke malapit sa iyong silid-aralan.
_______2. Kasabay ng inyong klase ang paliga sa
basketball court na katabi ng iyong silid-aralan.
_______3. Tahimik at maayos ang kapaligiran ng
pinapasukan mong paaralan.
_______4. Maayos at sapat ang mga pasilidad ng
pinapasukan mong paaralan.
_______5. Mahina ang signal ng inyong internet.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Iguhit ang kung ito ay nagdudulot ng
magandang epekto sa iyong pag-aaral, kung
nagdudulot ng di -magandang epekto.
______1. Maingay ang kaklase habang nagtuturo ang
guro.
______2. Walang sapat na gadyet upang makasali sa
inyong online class.
______3. Maayos ang mga kagamitan sa loob ng silid-
aralan.
______4. Malakas ang tugtog ng radio ng kalapit bahay
sa inyong paaralan.
______5. Sapat at kumpleto ang mga kagamitang
pampaaralan.

9
SANGGUNIAN
Noel P. Miranda. et.al. (2017). Araling Panlipunan, Unang Baitang,
Kagamitan ng Mag-aaral. DepEd-BLR. DepEd Complex,
Pasig City.
MELCs, Araling Panlipunan Qtr. 3 p.26

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor


Prescila A. Ascuna

Writer: Marites S. Calinao, MT I


Illustrators: Ronald Festin, Marites S. Calinao, Cecila D. Cabero

10
SUSI SA PAGWAWASTO

Modyul 3: Epekto ng Pisikal na Kapaligiran sa Sariling Pag-aaral

ARALIN 1
Unang Balik Tanaw Gawain 1 Pag-alam sa
Pagsubok 1. C 1. Tumahimik o Natutuhan
1. 2. A makinig sa guro 1. HME
2. X 3. A 2. Ingatan at 2. HME
3. X 4. C ayusin ang mga 3. ME
4. X 5. C gamit 4. ME
3. Mas madaling 5. HME
5.
matututo o
maiintinhan ang
pinag-aaralan,
magiging
maginhawa at
ligtas sa sakuna

Pangwakas
na Pagsusulit
1.

2.

4.

5.
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 1
Pangalan: ______________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________________
Paaralan: ________________________ Petsa: _________
Guro sa AP: ______________________________

Kwarter Blg: 3 Modyul Blg: 3 Linggo Blg: 3_


Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:
Epekto ng Pisikal na Kapaligiran sa Sariling Pag-aaral
Layunin:
1. Masasabi ang kapaligiran na kapaligiran na
nakakaapekto sa pag-aaral ng mga bata
Paksa: Epekto ng Pisikal na Kapaligiran sa Sariling Pag-
aaral
Panuto: Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang
maging maayos at makabuluhan ang inyong pagkatuto sa
paaralan? Isulat ang iyong sagot sa loob ng puso.

Bilang mag-aaral, ako ay ……

You might also like