PT_G9_ESP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DAVAO WINCHESTER COLLEGES, INC.

Fd. Rd 4, Tibal og, Sto Tomas Davao del Norte

SECOND PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang and
tamang sagot.

_____1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?


A. Karapatan C. Kalayaan
B. Isip at kilos-loob D. Dignidad
_____2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
_____3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang
Gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
_____4. Ano ang buod ng talata?

Ayon kay Scheler, kailangan hubugin ang sarili tungo sa


pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o
lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang
paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga
institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na
itinakda ng mga batas.
A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
B. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan
ang tungkulin nito sa tao.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng
tungkulin.
D. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal
ang sarili.
_____5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
C. Sumasali si danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.
_____6. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninulbihan bilang porter sa


isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya ng simple gamit
ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya
ang kaniyang pensiyon sa Social Security, naglalakad siya ng higit
isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon
sa simbahan (tithing).
Kier Mich, 2012, ph. 145-146
A. Karapatan sa pribadong ari-arian
B. Karapatan sa buhay
C. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanpbuhay
_____7. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris)
ang ipinakita ng tauhan?

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria,


patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng
Islamic State.

A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
_____8. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao


tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya,
sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang
kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing
karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang
personal, ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na
determinasyon. (Pacem in Terris)

A. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.


B. Isang panloloko at paglabagsa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
C. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na
nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
D. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
_____9. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

● Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain


● Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
● Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
● Pag-iwas sa eskandalo
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanapbuhay
_____10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang
karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang maghanap-buhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
_____11. Anong tulong ang ibinibigay ng mga guro?
A. Tulong sa edukasyon C. Tulong sa pagkain
B. Tulong sa kaligtasan D. Tulong sa Kalusugan
_____12. Sino ang tumutulong sa mga bata upang matamasa ang karapatang makapaglaro
o makapaglibang?
A. Kaibigan C. Sundalo
B. Doktor D. Guro
_____13. Anu-ano ang iba’t-ibang sektor sa pagpapalaki ng kabataan?
A. Pamilya, Kaibigan at Kamag-anak
B. Pamilya, Lipunan at Paaralan
C. Pamilya, Pamayanan at Sarili
D. Pamilya, Baranggay at Kapitbahay
_____14. Kailan magiging makabuluhan ang karapatan ng isang tao?
A. Magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kaniyang
tungkulin na kilalanin at unawain ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
B. Kung igagalang niya ang Karapatan ng ibang tao.
C. Kung papaunlarin niya ang kanyang pangangatawan at isipan.
D. Wala sa nabanggit.
_____15. Paano natin matatamo ang kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating lipunan?
A. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa.
B. Kung ang lahat ng tao ay walang paki sa kanyang kapaligiran.
C. Kung ang mga tao ay nagdarasal.
D. Kung ang lahat ng tao ay nag-aaral.
_____16. Bakit dapat magkaroon ng pantay nakarapatan ang mga lalaki at babae sa lipunan?
A. Lahat ng tao ay may karapatang makilala at maipamalas ang kakayahan sa lahat ng
panahon o sitwasyon.
B. Ang bawat babae at lalake ay may iisang damdamin at saloobin na dapat madinig.
C. Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay ng may pagkakapantay pantay at walang
diskriminasyon na matatanggap.
D. Lahat ng nabanggit.
_____17. Paano dapat tutugon ang mga paaralan sa pinaghihinalaang sekswal na pang- aabuso sa
bata?
A. Tumugon sa panahon ng pangngailangan at magbigay-alam sa mga may kapangyarihan.
B. Tawagan ang mga magulang/tagapag-alaga.
C. Magbigay ng patuloy na ginagawang suporta para sa lahat ng mga batang naapektuhan ng
pang-aabuso.
D. Lahat ng nabanggit.
_____18. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat ito ang mangibabaw sa ibang karapatan kung
sakaling ito ay malagay sa panganib.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Makapag-aral
B. Karapatan sa Pribadong Ari-arian D. Karapatang Sumamba
_____19. Paano naging karapatan at tungkulin ang maagap na pagbabayad ng buwis?
A. Dahil ito ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian
sa bansa.
B. Ang buwis ay perang panggugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa
kapakanan ng mga mamamayan.
C. A at B.
D. Wala sa nabanggit.
_____20. Paano maipapakita ang pagiging matapat na paglilingkod ng mga manggagawang
pampubliko at pampribado?
A. Pagpasok sa takdang oras.
B. Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa paggawa.
C. Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabubuting Gawain.
D. Lahat ng nabanggit.
_____21. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
A. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino B. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.
C. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo D. Mula sa Diyos.
_____22. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa
mga medikal na doktor?
A. Gawin lagi ang tama.
B. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
C. Gamutin ang sariling saki bago ang iba.
D. Ingatan na huwag saktan ang tao.
_____23. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
A. Ibinubulong ng anghel. B. Itinuturo ng bawat magulang.
C. Naiisip na lamang D. Sumisibol mula sa konsensya.
_____24. Ano ang dapat gamitin upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?
A. Isip at puso C. Puso
B. Isip D. Wala sa Nabanggit
_____25. Ang _____________ ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa
pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
A. Mabuti C. Tama at Mabuti
B. Tama D. Likas na Batas Moral
_____26. Ito ang gumagabay sa kilos ng tao.
A. Likas na Batas Moral B. Universal Declaration of Human Rights
C. Tama at Mabuti D. Konsensiya
_____27. Sino ang may sabi na “lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may
makaunawa sa kabutihan”.
A. Max Scheler C. John Locke
B. Santo Tomas de Aquino D. Pope John Paul II
_____28. Tama ang isang bagay kung:
A. ito ay ayon sa mabuti C. walang nasasaktan
B. makapagpapabuti sa tao D. magdudulot ito ng kasiyahan
_____29. Ang mabuti ay:
A. paggawa ng tama C. pagsunod sa batas
B. pagbuo ng sarili D. pagsunod sa Diyos
_____ 30. Ang Mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ang ___________ ay ang
pagpili ng pnakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon.
A. Tama C. Mabuti
B. Tama at Mabuti D. Likas na Batas Moral

You might also like