Malinis Na Kamay-Pamphlet

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang bakterya, mikrobyo ay nagkalat sa maraming

Kung ikaw ay humahawak ng pagkain, siguraduhing maghuhas rin ng kamay bago humawak..

MALINIS NA KAMAY, GERMS GOODBYE!

bagay, ika nga its everywhere! Nakakatakot kasi ang mga mumunting microorganism na ito na mala-monster naman sa pagdadala ng sakit sa mga tao. Gamit ang ating mga kamay, nakukuha natin ang mga mikrobyo na ito na may banta sa ating kalusugan. Sa pamamagitan din ng kamay ay maaari nating mahawaan o mailipat ang mikrobyo at sakit sa ibang tao. Alam ninyo ba mga bata na ang kamay ang pinakamaduming bahagi ng katawan ng tao dahil ito ang ginagamit sa panghawak ng ibat ibang bagay kung saan nakukuha natin ang dumi?Sa simpleng paghawak sa maduming bagay ay nakukuha natin ang germs na maaaring maka-infect sa atin at sa ibang tao kaya naman ang paghuhugas ng kamay ay napakahalaga. (source: by bineza zapanta)

Paano ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay?


1. 2. 3. 4. 5. 6. Basain ang kamay ng tubig mula sa gripo Sabunin ang palad ng kamay ng masinsinan Kuskusin ang mga kamay, maging ang kamao at mga gilid at gitna ng mga daliri Ikuskos rin ang mga dulo ng daliri sa palad ng kabilang kamay Banlawan ng mabuti ang kamay Punasan ang mga kamay ng paper towel o malinis na bimpo. (Source: www.kalusugan.ph)

Mga benepisyo ng paghuhugas ng kamay


Ang paghuhugas ng kamay o handwashing ay isang gawaing pangkalusugan (health practice) at isang mahusay ng paraan upang makaiwas sa mga impeksyon o sakit na dulot ng mga mikrobyo gaya ng mga bacteria o virus. Tunay nga na ang paghuhugas ng kamay ay isang mabisang panlaban sa mga sakit gaya ng pagtatae (diarrhea), ubot sipon, trangkaso, at iba pa.

Kailan dapat maghugas ng kamay?


Ugaliing maghugas ng kamay:

Bago kumain ng umagahan, tanghalian, hapunan, o merienda Bago magsipilyo Pagkatapos gamitin ang kasilyas o comfort room Pagkatapos umubo sa kamay Pagkatapos manggaling sa isang sitwasyon o lugar na maraming tao gaya ng pagsakay sa jeep,o pagpunta sa palengke o .kahit sa labas lamang ng inyong bahay.

You might also like