A Ride To Love

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 475

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] A Ride to Love


[TOTALPARTS] 78
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
Finished. || Jeepney love story, with a twist!
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Prologue
*******************************************
Dedicated to mameh Denny a.k.a HaveYouSeenThisGirl. Siya talaga ang idol ko
pagdating sa Rom-Com. Tapos ang galing niya rin dahil kaya nyang magshift from one
genre to another. Walang boring na chapters, at kadalasan eh makakapulot ka talaga
ng lessons. Hihihi I'm a proud daughter! XD Cyber mommy ko yan! Kaya sa mga hindi
pa nakakabasa ng stories niya (kung meron man) eh basahin niyo na! May flying kick
ang di magbabasa :))))

============================================================================

PROLOGUE

***

Sa byahe ng buhay, maraming posibleng mangyari.

May dumarating, pero meron ding umaalis.

May happy moments, meron din namang sad moments.

May happy feelings, pero andyan din ang pain.


Sa byaheng 'to, naranasan ko rin ang magmahal,

Sa unexpected situation.

Isang unexpected feeling.

Para sa unexpected person.

Pero masasabi ko na...

Sa byahe ng buhay ko,

Ang puso ko ang nagmamaneho.

At kaming dalawa,

Ang mga pasahero.

*******************************************
[2] Chapter I
*******************************************
Dedicated to my other cyber mom, Aly a.k.a Alyloony. Hahaha! Eto magaling magpaiyak
at magpatawa. Yung tipong nakakaiyak yung scene pero mapapatawa ka pa rin dahil may
part na comedy ang mga stories niya. Kaya ang labas? Ayun iyak-tawa ka. HAHAHA!
Effortless lang sa pagpapaiyak ng readers eh. Yiiiee proud daughter here! *ahem
ahem* Kaya kung ako sa inyo, basahin niyo na rin stories niya, di kayo magsisisi.
Sige kayo, nag-eevolve yan sa Majinbu baka gawin kayong chocolate pag di niyo
binasa stories niya. HAHAHA :)))))

Hello guys! Dahil sa kamalas-malasang chorvaloo at nabura ko ang He's Arrogant


(AHUHUHU ANG TANGA KASI EH), naisipan kong ipost nalang 'to in exchange. Sisimulan
ko na ito pero slow update pa rin. Hahaha. Di bale malapit naman na ang summer eh.
Sooooo, eto na ang first chap. Enjoy guys!

PS> This is a rom-com story :))))

=============================================================================

"GOOD MORNING PHILIPPINES!"

*POK!*

Nalaglag ako sa kama at halos mahalikan ko yung sahig namin nung binatukan ako ni
Yem. Ang sakit nun ah!

"Grabe Yem ha, ang gandang pambungad sa umaga niyan. Ang sakit kaya!" saka ko
hinimas yung likod ng ulo ko.

"Eh paano ang aga-aga eh may pagoodmo-goodmorning Philippines ka pang nalalaaman!


Kung makasigaw ka dyan akala mo wala tayong kapitbahay." Sinimangutan ko nalang
siya at saka ako pumunta ng banyo para maligo. Actually nag-unahan talaga kami
papuntang banyo eh. Malas nga lang ni Yem at maliit ang hakbang niya. HAHAHA! I
won!

"Napakaduga mo talaga Pauline!!"

"Ahem! Correction! It's Aeisha!"

"Tse! Dami mong alam!"

"Syempre, may utak!"


Yan ang senaryo lagi sa boarding house namin ni Yem. Kami nga ata ang pinakamaingay
na boarders dito eh. Maski umaga o gabi eh hindi naming pinapatawad ang mga
bunganga namin.

Oh. Ako nga pala si Pauline Aeisha Bernardino. Pero mas prefer ko ang tawagin ako
na Aeisha. Naaasiwa kasi ako sa Pauline eh. Parang pangmatanda na abnormal. Ay
basta! Ayoko sa Pauline. Kaya nga pag nag-aasaran kami ni Yem eh Pauline ang tawag
niya sa akin.

"Hoy Pauline Bernardino! Ang tagal mo namang tumae!" narinig ko siya sa kabilang
ibayo ng pinto ng banyo namin.

"Hoy ka rin Yemang maliit! For your information kapapasok ko lang dito 54.67
seconds ago! At isa pang for your information, di ako tumatae no, umiihi ako! Brrrr
nakakakilig!" pero ang totoo niyan eh naghuhubad na ako para maligo. Oops! Oh wag
niyo nang iimagine baka masuka kayo. Di ako seksi.

Yung kausap ko na isa pang abnormal ay si Alyssa May Alvarez. Yem for short.
Nagtataka ba kayo kung bakit Yem ang nickname niya? Oh well ako lang naman ang may
pakana niyan. Eh kasi ang tawag ko talaga sa kanya dati ay A.M. Kaso nahihirapan
ako dahil ang haba pa rin. So binabanggit ko with one syllable nalang, kaya naging
Yem. OH YEAH! I'm so great right? Yeah I know, I know.

"Ilang balde ba yang iniihi mo ha? Nakaka-2 minutes and 34 seconds ka na!"

"Teka lang pinapaligo ko pa yung ihi ko wag kang mambulabog!"

Kami na ata ang pinakaabnormal sa lahat ng pinakaabnormal na tao sa mundo. Di ko


nga alam kung paano pa kami nagkakaintindihan sa lagay na 'to eh.

"YEEEAAAAHHH YEEAAAHHH YEAAAAHHH! DAAAAAAAAAMN! DAAAAMN! DAAAAMN! WHAT I DO TO HAVE


YOU HEREEEE HERE HEREEE, I WISH YOU WERE HEEEREEE!!" at oo nga pala, hobby ko na
ang kumanta habang naliligo. Syempre naman, isa ata akong professional bathroom
singer.

Pagkatapos kong makipagbakbakan sa panis na laway at muta sa mukha ko, pati na ang
libag sa katawan ko eh pinatay ko na yung shower at saka lumabas sa banyo.

"Hallelujah! Natapos rin!" sabi ni Yem at saka siya dumiretso sa banyo. Ako naman
eh nagsimula ng magbihis dahil baka malate na naman kami sa school.
Syempre kelangan rin ng konting landi kaya nagpulbos ako tsaka yung lip gloss. And
there! I'm ready na! Si Yem nalang.

Oo nga pala. Kilala kami sa klase dahil kadalasan eh late kami. Aba naman kasi,
pagsamahin mo ba naman ang isang tulog-mantika at isang kilos-pagong! Sinong hindi
malelate di ba? Good luck naman talaga.

At isa pang oo nga pala. Meron akong ginagawang kababalaghan tuwing maliligo si
Yem. Ahihihi. Pinipicturan ko siya tuwing lalabas siya sa banyo. Nagtatapis lang
kasi siya tapos dun na siya sa kwarto nagbibihis. Malabo kasi mata niya kaya di
niya napapansin na pinipicturan ko siya ng palihim. Aba! Andami ko na kayang
pictures niya sa laptop ko. Malay niyo pagkakitaan ko yun sa future. Di ba? Nude
pictures of Yem for sale. Yeah, tiba-tiba ako nun pag nagkataon.

"Yo, yo, yo Yem. Dalian mo, baka malate na naman tayo. Papagalitan na naman tayo ni
Budoy!"

"Oo na. Oo na. Tsupi muna! Dun ka sa sala. Haayaan mo na si Budoy, makakalusot tayo
dun." Umalis naman ako sa kwarto pero syempre nagpahabol picture pa ako sa kanyang
katawan. MWAHAHA pwede na akong photographer!

Si Budoy nga pala yung guard ng school namin. Budoy ang tawag sa kanya ng mga
studyante dahil favorite niya daw yung palabas na yun. Yeah right! Ang laki-laki ng
katawan tapos nanonood ng Budoy eh no? Di bagay.

6: 30 kami nakaalis sa boarding house at 15 minutes ang byahe papuntang school.


Yun oh! Hindi kami malalate! 7 AM kasi ang klase namin, ibig sabihin makakarating
kami dun ng mas maaga. Sabi na nga ba meron talagang himala eh.

Five minutes kaming naglakad papuntang kanto para sumakay ng jeep. Tapos ten
minutes ang byahe pag sa jeep then konting lakad at kembot lang eh nasa school na
kami.

"Yem, tunay ngang may himala, hindi tayo nalate." sabi ko habang nakatingin ako sa
langit at kunwaring nag-eemote.

"Ameeeeeen. Hindi tayo nalate." isa rin 'tong buang na tinaas pa yung dalawang
kamay niya.
Umakyat na agad kami papunta sa room naming dahil mangongopya pa ako ng assignment
sa kanya. Shunga-shunga rin ako eh no? Hindi pa kumopya sa bahay? Pasensya naman
daw, nakalimutan ng mga brain cells ko.

"Oy Yem pakopya ako sa Trigo. Anak ng puto naman kasi yung equation ng conic
sections yan. Pahirap sa buhay." Nilabas ko yung notebook ko sa Math at umupo na
ako para gawin ang dapat-ang kumopya.

"Oh ayan. At dahil dyan, libre mo ako ng lunch mamaya. Bwahaha! Makakatipid na
naman ako. Oh yeah!" sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
Walanghiyang Yem 'to, pinagkakakitaan ako?

Ako na walang malay?

Ako na ang tanging ginawa ay kumopya ng assignment sa kanya?

Ako na wala pa talagang assignment pero todo emote ngayon?

Okay Aeisha, magsulat ka na at wag ng mag-imagine ng kung anu-ano. Baka dumating na


yung teacher naming mukhang rabbit eh hindi pa rin ako tapos sa pangongopya.

Sana hindi siya dumating. Sana walang klase. Sana kumakain pa rin siya ng carrot
hanggang ngayon. Sana tamarin siyang magklase kasi tinatamad rin akong magklase!

SANA.

.
AT NAGDILANG ANGHEL AKO!

Hahaha! Lumipas ang 20 minutes na walang pumasok kaya walang klase! Yuhoo! Why am I
so great? Ang galing ko talaga eh. Namamangha ako sa sarili ko.

"Aeisha! Tara baba tayo! Bili tayo pagkain, nagugutom na ako eh."

Kita mo 'tong babaeng 'to. Ang aga-aga palang gutom na kaagad?! Ilan ba ang bituka
neto at parang kailangan lagi ng stock? Jusko, hindi pa nga kami nagkaklase, gusto
na agad lumamon.

"Okay, gutom na rin ako eh. Hahaha!" syempre joke lang yung kanina. Ako rin no,
nagugutom na rin! Akala niyo siya lang ang may karapatang magutom? Nu..uh..uh.

Nakalabas na kami ng room at pababa na sana kaso lang biglang..

*BOOGSH!*
"ARAAAAYYYY!!!!" naramdaman ko nalang ang pagtalbog ng pwet ko sa sahig at ang
paglaglag ng wallet ko.

Naramdaman ko nalang bigla yung.. w..wait.. WHAT THE---?!

***********************************************************************************
************************

Ciao! I'll try to update this sa weekends okay? hahaha. Sorry kung mukhang ewan.
Sabaw na ang utak ko eh :|

*******************************************
[3] Chapter II
*******************************************
Eh kasi kinakati na rin akong mag-update eh. HAHAHAHA!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

"Aray ko!" Parang umalog yung utak ko dun ah.

Pagdilat ko ay may nakadagan sa akin na isang lalaking mukhang ewan. Tumayo naman
rin siya kaagad at tinignan lang ako. Pagkatapos nun ay tumakbo siya palayo sa
amin.

At saka ko narealize...
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHMMMMSSHM---" biglang tinakpan ni Yem yung bunganga ko kaya
napatigil ako sa pagsigaw.

"Huy ano ka ba! Napakaeskandalosang bakla naman nito! Feeling mo walang klase yung
iba? Teh, feeling mo lang yun! May nagkaklase po sa kabila! Kaya shut up! Okay?
Itikom ang bibig at tumayo ka dyan. Para kang manganganak, nakabukaka ka pa."

Naisipan kong tumayo at nahiya naman ako sa posisyon ko. Nakapalda pa man din ako
pero para akong palaka kung makabukaka sa daan. Eh kasi naman! Shet yung lalaking
yun ah! Shet talaga! Shet na shet, big time! T__T

"Huhuhu punyemas Yem di na ako virgin!" bigla kong nasabi kay Yem pagkaupo naming
dun sa may corridor.

Siya naman eh biglang napanganga. "Oh my paking gulay. Gaga ka! Kaya ka ba
nakabukaka kanina? Bilis ha! Ano yun lus-AWWW!!" binatukan ko nga. Ang dumi ng utak
eh.

"Tanga hindi yun! Eto oh." Tsaka ko tinuro yung boobs ko. Shet talaga. T_T

"Oh anong meron sa maliit mong boobs?" binatukan ko ulit. Kung makapanglait eh!
Kala mo siya hindi flat-chested. Hmp.

"Hoy hoy hoy Pauline kanina ka pa namumuro ng batok sa akin ha! Napapansin ko na!"
"Che! Ang hayok mo kasi. Huhuhu yung boobs ko kasi.. nahawakan nung lalaki! Shet
talaga! Wala na. Papakamatay na ako. Huhuhu!"

Tapos tinitigan niya siguro ako ng mga five seconds. At ang sumunod niyang ginawa?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!! HAHAHA..BWAHAHAHAHA!!!"

*PAK*

isang malakas na batok ulit mula sa akin ang natanggap niya. Muntik pa kaming
mapagalitan nung teacher dun sa kabilang room dahil parang kasinglaki ng bibig ng
dragon yung bunganga ni Yem. Kaya nagmadali kaming bumaba papuntang canteen.

At hanggang sa pagbaba naming eh hindi pa rin siya nagsasawang tawanan ako. Eh kung
suntukin ko kaya ngala-ngala neto para tumahimik?

"Oh eto tubig, nahiya naman ako sayo eh kanina ka pa ata natutuyuan ng lalamunan."
Tapos inabot ko sa kanya yung tubig na kinuha ko kanina.

"HAHA..salam..haha..at. HAHAHA!"

Ayos ah? Hanggang pag-inom may bakas pa rin ng pagtawa? Sana po mabulunan si Yem,
please?

"Pakingshet talaga yung lalaking yun! Ugh! Di ko pa masyadong natandaan yung mukha!
Takte. Kailangan ng hustisya ng aking namolestiyang katawan!" sobrang pursigido
talaga ako sa pag-aalala sa mukha nung lalaking dumagan sa akin kanina. Anak siya
ng lechugas!

"Hindi mo naatandaan? Eh halos nga lumuwa na yung mata mo kanina sa sobrang titig
dun sa lalaking yun eh!" sabi ni Yem habang iniikot-ikot yung tinidor niya sa
spaghetti.
Oo tinitigan ko siya kasi na-shock ako eh! Pero nakalimutan ko kaagad yung mukha.
Tokneneng naman oh!

"Huhuhuhu! Ang virginity ng boobs ko! Nawala nalang na parang bula!"

Grabe talaga. Hindi ako makapaniwala. Wala na. Nahawakan ng isang schoolmate ko ang
aking pinakaiingatan. HUHUHU! Kailangan 'tong ipagluksa!

Umakyat na ulit kami dahil maya-maya ay magsisimula na yung klase. Leche di pa rin
ako makapagmove on! Ang dangal ko! Huhuhu. Kelangan kong gumawa ng plano sa pag-
abduct ng kung sino mang tokneneng na nilalang na yun ang lumapastangan sa aking
pagkababae! +__+

Nagklase lang kami buong araw at pinilit kong wag munang alalahanin yung insidente
kaninang umaga. Ewan ko ba! Pilit ko talagang inaalala yung mukha nung damuhong yun
pero di ko talaga maalala. Ang natatandaan ko lang ay may hikaw siya sa kaliwang
tenga dahil kumislap yun nung natapat sa araw pagkatayo niya.

"Huy, Aiesha! Halika na, umuwi na tayo."

Uwian na nga pala. Ang bilis ng araw. Parang wala lang nangyari. O sadyang peste
lang yung utak ko at ayaw magprocess ng mga nangyari?

Nung palabas na kami ng room ni Yem eh may parang gulo sa corridor dahil ang daming
estudyante na nagkukumpulan. Galing ata sa kabilang section, yung katabi naming
room.

"Ano na naman bang kaguluhan ito? Andami atang scene sa corridor ngayong araw?"
tapos biglang ngumiti ng nakakaloko si Yem sa akin, or more like ngiting aso.

"Hoy Yem yang ngiti mo ha, nakakatakot. Itigil mo yan kung ayaw mong makamehame
wave ng hindi oras." Tapos sinamaan ko siya ng tingin.
At dahil may dugong tsismosa rin kami ay nakisingit din kami sa kumpol ng mga tao.
Ang sikip, leche!

At halos manlaki yung mata ko nung nakita kong may nag-aaway pala sa gitna. Mga
anak ng tipaklong 'tong mga 'to?! Nanonood lang pala ng away?! Hindi pa nila
pinigilan?!

"Gago ka talaga Jin!" tapos biglang sumugod yung isang lalaking mukhang bisugo na
seahorse sa isang lalaking nakasandal lang sa pader at nakapamulsa pa.

Halos lahat kami napasigaw dahil akala namin eh masusuntok si kuyang nakatayo lang.
Pero ang galing, umiwas siya sa suntok kaya yung nasuntok nung lalaki ay yung
pader. Ouch. Ang sakit nun!

"Ahhh f*ck!!" sigaw nung tangang seahorse na sumuntok sa pader. Yung lalaking
nakasandal lang kanina eh nakatayo ngayon sa harapan niya at tinitignan lang siya.
Gaganti kaya 'to?

"F*ck you Jin! As$hole---" susuntok na sana siya ulit kaya lang,

"Tama na yan, pre! Paakyat na dito si Budoy! Lagot tayo pag nagkataon!" inawat siya
nung mga kasama niya kaya hindi siya nakapalag.

"Tsk! Ano ba?! Bitiwan niyo ko sabi! Ah shit! Ikaw!!" tapos tinuro niya ulit si
kuyang nakasandal kanina sa pader. "May araw ka rin sa akin!" tsaka sila tuluyang
nagwalk-out nung tropa niya.

Unti-unti na ring nagsialisan yung mga taong nanonood. At isa lang ang naririnig ko
sa mga babaeng nanonood.

"Ang galing talaga ni Jin! Tapos ang gwapo pa! Eeeekkk!"

Mga babae talaga! Paglalandi pa inuna -__-


Nung wala ng tao ay nagawa na naming dumaan ni Yem kaso nakatayo pa rin sa gitna
yung kuyang tinatawag nila na Jin. Teka nga bakit ba ako kuya ng kuya eh parehas
naman kaming 4th year? Tsk. Oh basta yung lalaking magaling umiwas sa suntok!
Lumingon ulit ako sa kanya dahil nawiwirdohan ako at hindi pa rin siya gumagalaw
doon, hindi rin nagsasalita.

Nung biglang...

O_O

Lumingon siya sa akin.

"Aray ko!!" napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Yem dahil parang dinaanan ng
kuryente yung buo kong katawan nung nagkatinginan kami. Shet! Nakakatakot yung mata
niya! Parang yung tingin lang ng mga multo sa horror movies. T__T

"T...ta..tara na!!!!" tsaka ko hinatak pababa ng hagdan si Yem. Takte! Ang lakas ng
kabog ng dibdib ko! Grabe kinabahan ako sa tingin na yun! Baka mamaya habulin ako
nun tapos suntukin ako sa mukha!

Mahal ko pa ang maganda kong mukha! Ayokong masira 'to!

Nung matapos kong kaladkarin si Yem pababa ay nakarating na kami sa gate.

"Whooo! Grabe Aeisha! Ano ba tayo, kabayo?! Para tayong sasabak sa karera ah!" ayan
na naman, sinesermonan na naman niya ako.

"Eh basta! Natakot kaso ako dun sa kuya! Bigla ba naman akong tinignan?! Malay mo
gusto niya pala akong sapakin! Eh di mas mabuti nang tumakbo ng mabilis!"

Tapos..

Bigla siyang tumawa ng malakas. Ang saya nga niya eh. Parang walang bukas yung
pagtawa.

"BWAHAHAHA!!! Sir aka talaga Aeisha! Hahahaha! Sino?! Si Jin? HAHAHAHA!!" batukan
ko kaya 'to?

"Teka nga, kilala mo yun?" kelan pa niya nakilala yun? Bakit ako di ko siya kilala?

"Oo! Naalala ko yung mukha niya kanina lang! Nakalaban ko yun dati sa chess
tournament. Hahaha! Tara na nga! Umuwi na tayo!" tapos hinatak na niya ako palabas
ng school namin. Kaso nakakatatlong hakbang palang kami ay bigla rin siyang huminto
at humarap sa akin with matching gulat face.

Teka nga ano bang nakain ng babaeng 'to at parang tanga lang kung makatingin?
Babatukan ko na talaga 'tong si Yem.

"Ano ba yang mukhang yan Yem. Ang pangit." Pano ba naman eh nakatingin lang siya sa
akin with malaking mata at nakabukang bibig. Oh di ba? Parang tanga lang?

"OMG TEH. OMG TALAGA!"

"Bakit nga? Pa-suspense ka pa eh!"

Tapos bigla niyang binaba yung tingin niya sa..

"Hoy! Ano ba! Susundutin ko yang mata mo." Eh paano ba naman eh tumingin siya sa
boobs ko. Nahawakan na nga kanina tapos momolestiyahin niya pa ng tingin! Tch!

"TEH! SI JIN YUNG KANINA!"

Kita niyo, ginawa pa akong tanga neto. Narinig ko namang Jin yung pangalan nung
action star kanina sa corridor eh.

"Oo nga kasasabi mo lang kanina! Ano ako the bingi? Bingi?"

*BOOGSH*
At nakatikim ako ng isang matinding batok mula sa kanya.

"Tanga hindi! Yung ano! Yung nakahawak diyan sa ano mo! Si Jin yun! Shet! Bakit
hindi ko kaagad nahulaan! OMG!"

Pagkatapos kong marinig yun ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Kaya ba siya tumingin sa akin kanina?

Kaya ba lumingon siya?

Ka..kasi namukhaan niya ako?

WAAAAAHHHHHHHH!!!!

Si Jin?! Si Jin?! EH ACTION STAR YUN PANO KO SIYA MAGAGANTIHAN?!


"Yem, mamamatay na ba ako?" sabi ko kay Yem na naiiyak iyak na kunwari. Grabe
parang nanlumo yung buong pagkatao ko. T_T

At eto na naman si Yem, dinadaan na naman ako sa palaki-laki ng mata at nakabukang


bibig.

"Teh dedo ka na talaga. Palapit na siya dito."

At pagkasabing-pagkasabi nun ni Yem ay parang gumana yung adrenaline rush ko.


Hinawakan ko siya sa kamay sabay sigaw ng..

"TAKBOOOOOOO!!!!!!!!!!"

*******************************************
[4] Chapter III
*******************************************

"Bakit ba siya sumusunod?!"

"Aba malay ko! Baka hahawakan ulit yang boo-OUCH!"

Binatukan ko nga ulit. Naman oh! Nagpapanic na ako dito eh!

Sinusundan kasi kami nung Jin! Shet! Alam kong paranoid lang ako at eto lang naman
talaga yung way para makasakay sa sakayan ng jeep, pero kasi.. sinong hindi
kakabahan kung nasa likod ko yung hampaslupang lumapastangan sa pagkababae ko?!

"Yem dalian mong maglakad!!" pabulong kong sigaw kay Yem. Kakatakot pa naming
tumingin yung Jin na yun!

"Tsk. Hinihingal na nga ako eh!" aba't nag-inarte pa 'to. Nasa bingit na nga ako ng
kamatayan eh!

Hinatak ko nalang ulit siya at saka kinaladkad papunta dun sa sakayan ng jeep. Pero
sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman oh, bakit walang jeep na dumadaan?!
Malapit na yung Jin dito! Mamaya makasabay pa naming sa jeep!

At nawalan na ako ng pag-asa nung kasama na rin namin siyang naghihintay ng jeep.
Marami-rami na ring estudyante ang naghihintay ng jeep. After three minutes eh may
huminto ng jeep. Wala ngang laman eh. Kaya naman kami ni Yem eh nakipag-unahan na
dahil gusto namin laging nasa dulo ng jeep. Yung malapit sa babaan.

Agad-agad naman akong umupo doon sa right side sa pinakadulo tapos si Yem eh dun
naman sa left side. Tapos nagsisakayan na rin yung iba. Pero kinabahan ako bigla
nung...

Sumakay rin siya.

At saka ko napansin..
WALA PA PALA AKONG KATABI.

Shet shet! Pakyu men! Wag kang tatabi sa akin hinayupak ka! Doon ka sa malayo sa
akin please! Jusko po!

Wag po please!
And I'm dead. Parang lumabas bigla yung kaluluwa ko nung tumabi siya sa akin. Shet
talaga. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Paano kung namukhaan niya ako? Paano
kung manyak pala 'to? Mamaya hawakan na naman niya...

AY WALANG HIYANG UTAK TUMIGIL KA! ANG BABOY MO!

Sinubukan ko nalang na kumalma kahit yung utak ko eh nagdidiliryo na. Itong si Yem
naman ang sarap murahin dahil ngiting-ngiti sa nakikita niya. Pakyu Yem.

Grabe lang. Hanggang sa pagkuha ko ng barya eh nangangatog yung mga daliri ko. Teka
nga bakit ba kasi ako kinakabahan? Eh dapat nga sinasapak ko na 'tong hayop na 'to
ngayon sa mukha eh! Kaso naman kasi natakot ako sa nakita ko kanina. Eh mala-action
star pala siya kumilos, eh di ako ang dehado? Huhuhu. Bakit ba parang dinapuan ako
ng kamalasan ngayon? T_T

"Ba..ba..bayaddd..po." inabot ko yung bayad ko, tapos kinuha niya. Nung inabot niya
na eh agad kong kinuha yung kamay ko. Ang dami na niyang nahawakan sa akin, tama na
po.

Sinaksak ko nalang yung earphones ko sa tenga ko para kahit papaano eh mawala yung
atensyon ko dito sa Jin na 'to. Bwisit naman kasi eh! Sa lahat ng pwedeng tabihan
eh yung minanyak niya pa kanina. Asar.

Pero teka nga.

Naaalala niya pa kaya ako?

I mean natatandaan niya pa kaya yung mukha ko?

Kasi kung natatandaan niya at may hiya naman siya sa sarili niya eh hindi siya
tatabi sa akin. Haay, baka nga hindi na niya maalala at hindi naman big deal sa
kanya yun.

Pero big deal sa akin yun eh. :\

Anak ng tupang puti naman oh. Hayaan na nga! Move on Aeisha! Move on! Tama na okay?
Kunwari nalang eh walang nangyari since di niya rin naman matandaan yung mga
nangyari.

"Para po!" napatingin ako kay Yem. At di ko napansin na bababa na pala kami. Yes!
Makakahinga na ako ng maluwag! Thank you Lord!

Agad-agad naman akong bumaba at hinatak si Yem para daldalin siya. At saka may
pupuntahan muna kami bago umuwi. Madalas kaming dumadaan doon sa unang paliko bago
sa amin kasi may tindahan doon na lagi naming binibilhan ng softdrinks.
"Pst. Panyo mo."

Pero halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan at parang gusto ko nalang


lamunin ako ng lupa nung may narinig akong boses galing sa likod ko. At paglingon
ko, eh nasa harapan ko na si Jin, hawak-hawak yung panyo ko.

"Ah.. eh..a..ano.. th..thank youuu.." sabay hablot ko dun sa panyo ko tsaka ko


hinatak si Yem at pumunta na doon sa tindahan.

"TEKA LANG! Whooo! Grabe lang Aeisha ha! Kanina pa tayo takbo ng takbo! Hindi ka ba
napapagod? Ang kabayo nga napapagod, tao pa kaya?!"

Tinignan ko naman siya with ano-bang-pinagsasabi-mo-look. Anong kinalaman ng kabayo


sa tao? Baliw talaga 'to eh.

"Eh timang ka kasi eh! Hindi mo man lang sinabi sa akin na nasa likod na pala natin
yung Jin! Lumabas yung kaluluwa ko teh!" grabe lang talaga! Nagkaphobia na ata ako
sa kanya.

"Aba malay ko bang nasa likod natin siya? Eh malay mo dito rin pala siya nakatira!"

Pagkasabing-pagkasabi niya nun,


"OMG/OMG!" sabay kaming napa-OMG. Shet lang. Ibig sabihin, malapit lang sya ditto?!

"Oh mga ineng, sino bang pinag-uusapan nyo dyan?" napatingin kami kay Aling Lumeng.
Yung may ari ng sari-sari store. Dito kami madalas tumambay simula nung
naghighschool kami.

"Ay naku alam mo aling Lumeng, itong si Aeisha kasi, paranoid!"

"Ay bakit naman iha?" sabay tingin sa akin ni Aling Lumeng. Teka sasabihin ko ba?
Parang nakakahiya naman kung sasabihin kong may lalaking hindi sinasadyang
nahawakan ang boobs ko. Shet naman.

"Ah wala lang po yun. Hahaha." Dinivert ko nalang sa iba yung topic at as usual eh
bumili kami ng softdrinks tsaka ng Hansel. Dito kami lagging nagmemerienda tsaka
nagtsitsismisan ni Yem. Vibes nga namin si Aling Lumeng eh. Feeling niya daw kasi
teenager pa rin siya pag kausap niya kami. Naks hahaha.

Maya-maya rin ay umuwi na kami sa boarding house. Nagpalit agad kami ng damit at
nilabas lahat ng notebook naming dahil gagawa pa kami ng assignment.

"Huy Yem, tapos mo na ba yung assignment sa Econ? Pacompare nga." Kinalkal ko yung
gamit niya at hinahanap ko yung notebook niya sa Econ.

"Sus pacompare, kokopya ka lang naman eh!"

Ay, huli.
"HAHAHAHAHA! Galing mo talaga best friend! Oh sige na pakopya na, tinatamad akong
mag-isip eh. Sakit ng ulo ko sa mga nangyari." Totoo naman kasi. Parang
nagmalfunction yung utak ko ngayon. Hindi makapagprocess ng bagay-bagay. Grabe
parang naloka ako sa dami ng nangyari sa akin ngayong araw.

Tahimik lang kaming gumagawa ng assignments. Ang tanging maingay lang ay yung
laptop ko dahil nagpapatugtog kami. Mas nakakapag-aral kasi kami kapag may music
eh.

Nagulat naman ako nung biglang tumigil sa Yem sa pagsusulat at naupo ng maayos.
Nasa kama kasi kami ngayon at nakadapa habang nagsasagot. Ganito kami mag-aral.

"Uy Aeisha, ano nga palang first impression mo kay Ryde?" tinignan ko naman siya at
napakunot yung noo ko dahil parang kinikilig siya.

"Yem, wag ka ngang kiligin, nakakaumay eh. Tsaka sino naman si Ryde? Wala akong
kilalang Ryde no."

At syempre, ano pa nga ba ang usong sakitan sa amin kundi ang pambabatok. Ayun,
binatukan ako ng ubod nang lakas. Nakailang batok na kaya siya sa akin?! Nakakarami
na 'to ah?!

"Gaga! Si Ryde! Si Jin yun! Sinearch ko kanina sa facebook yung pangalan niya.
Rydell Jin Montalbo, Ryde or Jin for short."

"Stalker?" nagulat ako sa talent nito. Ang creepy lang. Alam agad?

"Ako pa! Hahaha kinikilig ako sa inyong dalawa eh. Uuuuuyy alam mo bagay kayo!"

Okaaaaay. Malala na talaga tama neto. Dapat nang patulugin. Baka makasama sa utak
niya. Kagagahan na naman ang pinapairal ni Yem eh.
"Baliw! Ayoko na siyang makita! Natatakot ako sa kanya. Matulog ka na nga! Tapos ka
naman na atang gumawa ng assignment mo eh."

Nakita ko namang nagligpit na siya ng gamit niya at humiga na sa kama. Adik lang?
Tinotoo talaga? Hindi man lang ako hinintay? Ang bait ng best friend ko grabe. T_T

"Goodnight Aeisha. Sana mapanaginipan mo si Jin. Ayiiiee oh wag ipahalata ang


kilig." Tapos tumalikod na siya sa akin.

"Gaga."

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Tsk. Pagod lang siguro 'to.

*******************************************
[5] Chapter IV
*******************************************
Dedicated to ate Chelle. Kasi siya una nagcomment. lol Hahaha! Kaway ate! :))

So eto na chap 4. Enjoy!

=============================================================

"Aeisha Dalian mo!! Malelate na tayo!!" halos mawalan na ako ng oxygen sa


katatakbo. Nakakapagod!

"Te..teka.. teka lang.." napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang pagod.


Bakit ba kasi late na kami nagising?! Pagkagising namin ay 6:30 na at 30 minutes
nalang ay malalate na kami. Kaya agad kaming nagbihis. Wala ng ligo-ligo! Mamaya
nalang pag-uwi namin. Naku naman! Maay quiz pa naman kami sa Mapeh kaya di pwedeng
malate! Shet takbo!!

"Dalian natin! Ayun na yung gate oh! Whooo!" halos pasigaw na sabi ni Yem habang
tumatakbo pa rin kami palapit sa school.

"Waaah tubig! Shet mamamatay na ako sa sobrang uhaw!" nagawa ko pang magsalita
kahit tuyong tuyo na yung lalamunan ko. Nauuhaw na talaga ako!

Buti nalang nakaabot kami sa school. Muntik pa kaming masaraduhan ng gate ni Budoy.
Anak ng tinapa talaga! At buti ay nakaabot kami sa quiz. Tuesday nga pala ngayon,
which means Arts kami sa MAPEH. Mahina pa naman ako sa memorization ng mga painters
at mga great great work of arts nila. Harujusko, aasa nalang ako sa stock
knowledge, kung meron man.

"Pst Aeisha, penge akong ¼." Napangiti naman ako. Akala nyo ako lang ang laging
dependent kay Yem ano? Nu-uh-uh. Ako kaya ang supplier sa aming dalawa. Bale ako
ang taga-provide ng papel at kung anu-ano pa. Oh di ba? Mutualism ang tawag diyan.
Nagbebenefit kaming dalawa. HAHAHA!

Maya-maya pa ay nagsimula na si Maaa'am sa quiz namin.

"Number 1. Identify the artist and the style used." Tapos may pinakita siyang
painting.

Graabe ang hirap naman! Pero baka expressionism 'to kasi ang weird ng pagkakagawa
eh. Parang lalaking sumisigaw? Ay bahala na nga!

Lumipas ang twenty minutes at ang dami kong nasagutan. Wow lang. Sarcasm overload.
Waaah ayoko talaga ng ganito! Ayaw ko ng memorization! >_<

"Okay pass your papers." Nagtaka naman ako dun pero pinasa ko na rin agad yung
papel ko.
Eh? Anong nangyari? Nagkatinginan rin kaagad kami ni Yem. Eh kasi laging
naagpapacheck si ma'am sa amin ng quiz namin. I mean, parang exchange paper with
your seatmate ang drama pero bakit niya pinapapasa ngayon? Ano yun bigla siyang
sinipag magcheck? Oh well, bahala na nga siya.

"Huy! Anong sinagot mo sa number 6?" bigla akong kinalabit ni Yem.

"Ay nako wag mo na nga akong tanungin! Lintek si Picasso nga lang naalala kong
painter tsaka si Gogh eh." Tsk. Mag-aaral na nga akong magmemorize ng mabuti sa
susunod para naman mataas ako sa quiz. Psh.

Nung nakolekta na lahat ng quiz namin eh pumwesto si Ma'am sa gitna. "Class, may
bago nga pala kayong classmate. Come in Hijo." At kami naman ay sabay-sabay
lumingon doon sa may pintuan.

"Class, si Mr. Rydell Jin Montalbo nga pala from IV-B. He will be your classmate
from now on."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nung makita ko yung lalaki sa harapan.

Si..siya?!
"OMG. Aiesha, sabi sa'yo pinaglalapit kayo ng tadhana eh." Narinig kong sabi ni Yem
pero di ko nalang siya pinansin. Anak ng bisugo naman bakit siya andito?!

"Jin nalang. Saan yung upuan ko?" bigla siyang lumingon kay Ma'am at si Ma'am naman
ay napaatras. Natakot siguro. Eh ang angas naman kasi, sarap niyang umbagan eh.
Kung magaling lang akong mag-karate eh matagal ko na yang finlying kick. Hmp!

Pero ngayon ko lang natitigan ng maayos yung mukha niya. Kasi kahapon ay nakaside
view lang ang nakita ko nung nasa jeep kami tapos ang gulo-gulo naman niya nung
nakikipag-away siya.

Medyo may pagka-brown yung buhok niya. Tapos ang ganda ng mata niya. Matangos yung
ilong tsaka manipis yung labi. Halatang halata mo rin yung jaw line niya. In short,
gwapo siya. Period.

"Ahh.. uhmm, class saan pa ba may extra seat?" at nagulat ako nung tumingin lahat
sa side namin.

OH NO. Bakit ba kasi may etrang upuan sa likod namin?! Bakit dun pa sa malapit sa
akin?! Sana maglaho nalang bigla yang upuan na yan at malipat dun sa kabilang
ibayo! Parang awa mo na lumayo ka dito!

Pero dahil nga wala akong kapangyarihan para mangyari yung nasa isip ko ay nakaupo
na siya ngayon sa likuran ko. Huhu eto na naman ang stiff body ko. Now pano ako
makakapagfocus sa pakikinig kung may manyak sa likuran ko?! Anak ng manyak naman
oh!

"Huhu Yem." Nagdrama ako kay Yem ng pabulong habang nakatalikod yung teacher namin.

"Hmm wala akong magagawa. Ahihihi." Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa tawa
niyang yun. Akala ko ba kakampi ko 'tong isang 'to? Eh bakit parang natutuwa pa sa
mga pangyayari? Napapraning na nga ako eh T_T
"Panyo mo."

Halos lumabas na naman yung kaluluwa ko nung marinig ko yung boses sa likuran ko.
Si..siya bay un? Lumunok ako ng dalawang beses bago ako lumingon sa likod.

"Ah hehe th..thank you." Tsaka ko kinuha yung panyo ko. Or more like hinablot mula
sa kanya.

Napatingin lang ako sa panyo ko. Ano ba naman yan! Bakit ka ba laging nalalaglag?!
Kahapon ka pa ha! Makisama ka naman kahit minsan oh! Ayaw ko ngang makahalubilo
yang taong yan tapos magpapapulot ka pa sa kanya?! Lecheng panyo 'to, pampam
masyado.

Bakit ba nag malas-malas ko na? Huhuhu kasisimula pa lang ng pasukan pero nadapuan
agad ako ng kamalasan. Nawala pa yung pagkababae ko. Naman!

"Aeisha, anong club nga pala sasalihan mo?" napatingin ulit ako kay Yem. Langya di
na kami nakinig kay Ma'am ah?

"Hmm ewan ko. Bahala na mamaya."

Oo nga pala, club hunting mamaya. Tsk. At hanggang ngyaon ay di pa rin ako
makapagdecide kung anong club ang sasalihan ko. Si Yem ang alam ko baka sa glee
club yan sumali. Magaling kasi siyang kumanta. Eh ako hindi naman pwede dun dahil
makabasag-pinggan ang boses ko. Sabi ko nga di ba, professional bathroom singer
lang ako. Ayaw ko naman dun na sa dati kong club na journalism. Nakakainis kasi
yung tatlong babae dun eh, ang aarte. Sarap nilang ilaglag sa ilog Pasig. Psh. Lagi
pa akong inaaway. Sa ganda kong 'to?! Aawayin lang ako? No way!
Hmm, gusto ko sanang i-try sa theatre club kaso wala naman akong kasamang pumunta.
O kaya sa badminton sports club dahil kung hindi niyo naiitatanong eh nagchampion
ako sa badminton tournament nung elementary ako. Ehem.

Naman! Ang hirap naman magdecide!

"Ms. Bernardino!"

"Yes Ma'am!!" bigla akong napatayo sa gulat nung natawag yung pangalan ko. Uh-oh.

"Makinig kasi okay? Kanina pa kita tinatawag eh." Gosh napagalitan ako. >_<

"So..sorry po." Napaupo ako sa sobrang kahihiyan dahil nagtawanan pa yung


classmates ko. Eeeh malay ko bang tinatawag na pala ako? Masyado akong nag-iisip
kung anong club ang sasalihan ko eh.

"Kanina pa kita sinisiko, hindi mo ba nararamdaman? Makinig ka muna." Ayun dagdag


sermon mula kay Yem. Sabi ko nga makikinig muna ako.

Buong araw ay nakinig ako sa mga teacher dahil ayaw ko ng maulit yung nangyari
kanina sa Mapeh. Nakakahiya kayang pagalitan at punain ng teacher! Hinhintay ko
nalang na magring yung bell para sa uwian at club hunting na.

*RRRIIIINNNNNGGGGGGG*

Yehey! Ang ganda lang ng tunog ng school bell namin eh no? Hahaha! Club hunting na!
"Okay class dismissed." sigaw sa amin nung teacher namin sa Physics pero parang
walang pumansin sa kanya dahil lahat kami ay nagmamadaling umalis ng room.

"Yem, sa Glee Club ka sasali di ba?" kausap ko si Yem habang patakbo kaming
lumalabas ng room. Grabe parang may stampede!

"Oo! Ikaw ba?"

"Hindi ko pa alam eh. Bahala na--- Whoooooooooh!" Hindi ko na makita si Yem dahil
nadala ako nung mga nag-uunahan sa pintuan. Grabehan lang! Hindi naman sila
masyadong nagmamadali eh no?!

"Whoa! Easy lang mga dude! Aray.. aray! Oh men!" Wala na. Nagkahiwalay na talaga
kami ni Yem. Ay naku hayaan na nga, magkikita rin naman kami mamaya eh. Akala mo
naman ang laki-laki ng corridor para hindi ko siya makita. Pero nauna na akong
bumaba ng hagdan dahil nadadala nga ako ng mga lechugas na hayok na mga
estudyanteng 'to.

"Uy punta muna tayo sa basketball club! Balita ko andami raw gwapong magtatry-out!
Kyaaaah!"

"Oh talaga? Pati daw sa volleyball eh! Si captain Ferrer pa yung magpapatry out.
Yung poging captain nila! Kyaaaah!"

Okay. Akala ko maagcuclub hunting 'tong mga babae sa paligid ko, yun pala magboboy
hunting lang. -___- Landi power on.

Last step ko na sana sa hagdan kaso biglang may tumulak sa akin sa likuran kaya
hindi ko na mabalance yung tayo ko.

"Whoooa! Ano baaa-----!!"


*BOOGSH*

WH...WHAT.. WHAT THE....

*******************************************
[6] Chapter V
*******************************************
"Whaaaaaaaa!!!!" halos lumabas na yung puso ko sa lakas ng tibok nito dahil
pakiramdam ko eh huling sandal ko na sa mundong ibabaw. Malalaglag na ako at
nararamdaman kong mauuna ang ulo ko sa sahig! Kaya wala na akong pakialam kung
kanino man yung nahablot kong polo sa likod ko. Basta kailangan kong mabalance ang
sarili ko.

Pero mukhang di talaga nakikiayon sa akin ang pagkakataon dahil yung nahatak kong
polo ay parang pabagsak na rin. Nakapikit kasi ako kaya di ko alam kung anong
nangyayari. Mamamatay na ata ako, nandamay pa ako. Huhu sorry sa kung sino man ang
nahatak ko. >_<

Nung hinihintay ko na yung paglagapak ko sa sahig ay parang walang dumating. Hindi


kaya sadyang mabilis yung mga pangyayari kaya di ko naramdaman yung pagtama ng ulo
ko sa sahig? Patay na ba ako? Kinuha na ba ako ni san Pedro?

Sinubukan kong idilat yung mata ko at halos napanganga ako sa nakikita ko.

Nakahawak yung lalaking nahatak ko sa bewang ko na parang naakaalalay tapos


nakahawak yung isanag kamay niya sa may hagdanan. At isa pang nakakagulat ay
nakatingin yung mga kaklase ko sa amin.

"Tsk. Di nag-iingat." Sinubukan niya akong itayo dahil wala na ako sa wisyo at
sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Akala ko talaga mababagok na ako. Akalain nyong
may sumalo pala sa akin?

"Sa.. salamat.. Ryde." At saka siya tuluyang bumaba ng hagdan.

Oo. Si Rydell Jin yung lalaking nahatak ko ang polo at yung lalaking nakasalo sa
akin. Pagkatapos ng mala-disney na scene nay un ay hinatak na ako ni Yem pababa ng
hagdan habang yung classmates namin ay nakatingin pa rin sa amin.

"Loka ka teh! Grabeng eksena yun! Hahahaha yiiiee pero nakakakilig kayo. Ang lapad
ng ngiti ko nung nasalo ka niya eh. Syeeeet nakakakilig talaga!!" hatak-hatak niya
pa rin ako at nasa first floor na kami pero parang lumipad na naman kung saan yung
kaluluwa ko. Kung nasa tamang pag-iisip lang ako ngayon eh kanina ko pa nabatukan
'tong si Yem eh.

"Pero lagot ka talaga Aeisha! Ang sama ng tingin sayo nung mga fangirls niya lalo
na yung si Serene. Pero nakakakilig talaga eh. Hahaha!" napatingin naman agad ako
sa kanya at sinigurado kong matalim yung tingin nay un.

"sabi ko nga shut up na ako." Tsaka niya tinikom yung bibig niya. Buti naman.

Ugh. Nakakainis! Ngayon naman yung bewang ko! Ano ba? Iniisa-isa niya ba mga parte
ng katawan ko?! Nawawalan na ako ng dangal dahil sa kanya ha!
Pero infairness naman, thankful na rin ako sa kanya at nahawakan niya yung bewang
ko that time dahil kung hindi, eh goodbye earth na siguro ako ngayon. At saka that
time, mas lalo kong natitigan yung mukha niya. Gwapo nga talaga siya. Ang lapit
lapit ng mukha niya sa akin tapos yung mga mata niya....

TE.. TEKA NGA! Bakit ko ba siya iniisip?! Erase! Erase! Bawal siyang isipin dahil
manyak siya! >///<

"Oh anong nangyayari sayo?" napatingin ako kay Yem at narealize ko na umiiling-
iling pala ako. Tsk, eh kasi naman yung Ryde na yun eh!

"Wa..wala. Iniisip ko lang kung anong club yung sasalihan ko. Hehehe." Wow Aeisha,
galing mo talagang magpalusot. Club pala ha?

"Asus! Kunwari ka pa eh! Sige dito na yung Glee Club oh. Babayu! Hintayin mo ako sa
gate mamaya ha?" after niyang magbabye sa akin ay pumasok na siya sa isang room
dahil dun daw yung glee club. Ako kaya? Ano bang club ang sasalihan ko? Ang hirap
naman mamili eh!

Pero after ten seconds ay nakapili na rin ako. Badminton! Yun nalang dahil ayaw
kong magtheater kung ako lang rin naman pala mag-isa. Edi sa sports club nalang! Sa
badminton lang naman ako marunong eh.

Pumunta ako sa gym namin kung saan doon yung sports club. Tapos nasa loob lahat ng
sports na gusto mong pagpilian. Andun yung basketball, volleyball, badminton,
chess, table tennis at marami pang iba. Tsk kaso andami namang tao eh. T_T

Tinry kong makisiksik dun sa badminton area. Grabe lang ha! Ang dami naman atang
magtatry-out for badminton? Parang dati nasa lima lang ah? Bakit ngayon ay nasa
bente ata kami dito?! At karamihan pa babae. Tatalo lang ata yung lalaking nakikita
ko dito.

"Okay, fall in line!" nagulat ako sa sigaw nung coach ng badminton kaya napapila
agad ako. Nakakatakot naman siya! Akala ko mabait yung coach. >_<

"Hindi ako ang magpapatry-out sa inyo kundi si Daniel. Mag-aassist lang ako.
Maliwanag?" Daniel? Sino yun? Siya ba ang captain?

Bigla namang nagbulungan yung tatlong babae sa harapan ko.

"OMG! Si Daniel yung captain di ba? Kyaaah ang swerte naman natin! Super hot at
gwapo daw yun eh!"

Sabi na nga ba eh. Kaya maraming babae dito sa badminton area, at maging sa buong
gym ay dahil sa mga captains ng bawat sports. Mga babae talaga ngayon. Tsk.

Maya-maya pa ay lumabas na yung Daniel sa locker room sa gym.

HOLY COW.

At ang gwapo nga niya. Parang may liwa-liwanag pa sa gilid niya kaya dagdag effects
sa entrance niya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay biglang tumili yung mga babaeng
katabi ko. Pati yung mga tao sa ibang side ng gym ay napatingin sa kanya. Wow lang,
head turner pa. Hindi ko rin maalis yung mata ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga.
Makalaglag panty eh.

Pero syempre di ko pinapahalatang nagagwapuhan ako sa kanya. Di nalang ako tumingin


ulit sa kanya para mawala yung focus ko sa kagwapuhan niya. Isa-isa kaming binigyan
ng badminton racket at isa-isa rin daw kaming kakalabanin nung Daniel na yun.

"waaaah! Halaaaaa!!"

"Ano ba? Badminton 'to hindi batuhang bola!"

Natawa naman ako nung sinigawan nung coach yung isang babae na kalaro ngayon ni
Daniel. Hahaha eh paano eh lagi niyang iniiwasan yung shuttlecock. Adik lang teh?
Halata naman kasing hindi sila marunong at talagang nagtry-out lang para makita ng
malapitan yung captain.

Nakita ko namang nagfacepalm na yung coach at halatang naiinis na sa mga babaeng


nagtatry-out na walang ibang ginawa kundi mag-inarte sa court. Tinignan ko naman si
Daniel at wala siyang ibang ginawa kundi tawanan yung mga kalaban niya. Hindi niya
ba alam na dahil sa ginagawa niya eh lalong nadidistract yung kalaban niya? Tsk.

Ilang babae rin ang lumipas at kaunti lang talaga yung totoong gustong mapasali sa
club dahil gusto nila talaga at hindi dahil gusto lang nila yung captain. Tapos
yung tatlong lalaki ay nakapasok.

At actually ay ako na. Kinakabahan na ako!! OH MY GOD!

"Oh ikaw? Baka naman nandito ka rin para makita si Daniel?" yan yung salubong sa
akin nung coach ng badminton kaya napakunot ung nook o. Eh kung sipain ko kaya
siya? Duh? Wag niya akong itulad sa mga naunang babae no! Buti nga sinubukan ko
pang magtry-out dito eh. Psh.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Then watch me." Sabay pasok ko doon sa court.
Nakakainis kasi eh. Di ko sana siya sasagutin kaso nakakaoffend kasi yung sinabi
niya.

Pumwesto na ako at nakita ko naman na parang bored na yung Daniel. Aba at talagang
minamaliit nila ako ha?! Anak naman ng tokwa oh! Si Pauline Aeisha, minamaliit?!
AISH.

Kahit hindi pa pumipito yung coach ay tinira ko kaagad yung shuttlecock ng malakas
papunta kay Daniel. Nakita ko namang nagulat siya dahil hindi pa siya prepared,
pero dahil siya ang captain ay naibalik niya agad sa akin yung shuttlecock. Huh,
yabang mo ha?

"Whoa. You're aggressive huh?" sigaw niya sa kabilang side at sinamahan pa niya ng
isang nakakalokong ngiti. Aggressive niya mukha niya! Bwisit! Nakakaasar na dito!
Kahit pogi siya eh hindi pa rin tama na tamarin siya sa pakikipaglaban no!

"Shut up and just play!" sigaw ko sa kanya habang binabalik ko sa kanya yung tira.
Agad naman din niyang naibalik sa akin.

Ganun lang ang nangyari sa loob ng three minutes. Nagulat nga ako at nagrarally na
pala kami. As in tuluy-tuloy at walang pumapalya sa mga tira. Nung narealize ko yun
ay sumablay ako kaya di ko natira yung shuttlecock. Nahiya ako kasi andami na
palang naonood sa amin.

Bigla kong nabitawan yung badminton racket nung napatingin ako sa paligid namin.
Gosh, lahat sila ay nakatingin sa amin! Nakakahiya!!! Tatakbo na sana ako palabas
ng gym kaso may humawak sa braso ko.

"Where are you going?"

"A..aalis na ko!" tinatanggal ko yung kamay niya sa braso ko pero ayaw matanggal
eh! Grabe nakakahiya kasi eh! Bakit kasi ang daming nanonood?! Di ba pwedeng wag
silang manood at magtryout nalang sa sport na sinasalihan nila?! Tsk. Nacoconcious
kaya ako!
"Hindi pwedeng umalis dito. Kasi tanggap ka na sa club." Tapos ngumiti sa akin si
Daniel ng nakakatunaw talaga. OH MY GOLLY WOW WAG GANYAN. @_@

Te..teka.

Ano daw?

PASOK NA AKO?

*******************************************
[7] Chapter VI
*******************************************

"Weh?" dahil hindi pa rin ako makapaniwala eh yun yung nasabi ko sa kanya.

"Hahaha! Ayaw mo?" sabi niya habang nilalaro-laro niya yung racket niya.
"Gusto. Pero, pasok na ba talaga ako? Hindi ba parang ang bilis naman?"

"Nah. You're amazing. Nagawa mong makipagrally sa akin ng matagal." Tapos at saka
siya nagsmile.

Shet ang cute niya magsmile. Parang nakakahilo na something! Tapos ang bango bango
niya pa kahit pawis na siya. At ang cool lang ng pagkakagulo ng buhok niya, bagay
sa kanya. Tapos bagay kami. HAHAHAHA pero syempre joke lang yun.

"Ah thank you kung ganun. Thank you po coach." Nagthank you rin ako kay coach
Arthur na nasa gilid ko na pala ngayon. Kahit sinungitan niya ako kanina eh parang
balewala na yun sa akin kasi nakapasok ako agad. Yay! Ang swerte ko ngayon.
Binabawi na ata yung kamalasan ko.

"Fill-up mo muna 'tong form bago ka umalis para official trainee ka na namin. At
Daniel, magpatry-out ka na dun ang dami pa nila oh." Habang kinukuha ko yung form
kay coach eh napatingin ako kay Daniel na nagpout dahil babalik na siya sa
pagtatryout. At leche lang ang cute cute niya! Naku kung pwede lang mangnakaw ng
halik kanina ko pa ginawa! Kainis naman oh.

Finill-upan ko naman agad yung form tapos eh nagpaalam na rin ako kay coach. Sabi
nga niya bukas agad yung practice eh. Hindi na ako nakapagpaalam kay Daniel kasi
nga nagpapatryout pa siya, at di rin naman ako sure kung magpapaalam ako sa kanya
kasi nakakahiya. Aba ang feeling close ko naman kung nagkataon, di ba?

Habang naglalakad ako sa corridor, naisipan kong daanan yung glee club na sinalihan
ni Yem. Tutal tapos na akong magtryout eh hihintayin ko nalang siya.

Wala pa ako dun sa mismong room eh naririnig ko na yung magagandang boses nila.
Haynaku, bakit ba kasi ako pinagkaitan ng ganyang boses eh. Inggit tuloy ako. -___-

Sumilip ako doon sa bintana at ang galing ko lang tumiming dahil saktong pagsilip
ko ay natapos yung isang lalaki sa pagkanta. Tapos si Yem na yung tumayo. Ano
kayang kakantahin niya?
"There's a song that's inside of my soul

It's the one that I've tried to write over and over again

I'm awake in the infinite cold

But you sing to me over and over and over again"

Grabe kinikilabutan ako sa boses ni Yem! Kaya minsan ay ayaw ko siyang pakantahin
sa harapan ko eh. Nagtataasan lahat ng balahibo ko sa sobrang galing. Tapos feel na
feel niya pa yung kanta dahil nakapikit siya. Ang galing talaga ng best friend ko!
Whoooo!

"So I lay my hand back down

And I lift my hands ang pray

TO be only yours I pray

To be only yours I know now

You're my only hope"

Nagulat ako nung pinutol yung pagkanta niya. Pero mukhang alam ko na kung bakit.
Kasi tanggap na agad siya. Grabe lang oh, wagas ang palakpakan nila kay Yem. Dapat
nga standing ovation pa eh! Galing-galing niya kaya! >_<

Nilabas ko naman yung cellphone ko at tinext ko kaagad siya.

'Oi Alyssa Mae grabe ang boses mo ha! Kinikilabutan pa rin talaga ako. Walang
kupas! Hahaha congrats mukhang pasok ka na! :>'

Hindi ako sweet na tao kaya ganyan lang ako magtext. Well, yan naman talaga ang
normal naming paglalambingan eh. Di kami tulad nung iba na halos nakakaumay na sa
sweetness. Yuck lang di kaya ng personality at ng sikmura ko yun. Kaderder lang.
*BZZT*

Tinignan ko naman agad yung text ng bruha kong kaibigan.

'Gaga ka! Bakit ka andyan sa labas? Tsaka bakit mo ko pinanood? Ayheytchu! T__T
Hahaha! Whatever. Oh ikaw kamusta tryout? Hahaha ay teh, ang gwapo lang ng katabi
ko ditto. Silipin mo. Ahihihi. Okay ang landi ko today.'

Natawa naman ako sa text niya. Grabe may nahanap agad na lalaki? At dahil curious
ako eh sumilip ulit ako sa bintana. At OMG lang ang gwapo nga! Tapos nakikita ko
yung mukha ni Yem. POKERFACE hahaha! Pero alam ko kinikilig na yan kasi kinakausap
siya nung gwapong katabi niya.

'HOY ANG LANDI MO FOREVER HAHAHA! BINGWITIN MO NA YAN BAKA MAKUHA PA NG IBA! ANG
GWAPO KAYA! AHAHAHA O KAYA AKIN NALANG!'

Umupo muna ako dun sa bench sa tapat ng room nila. Nakakangawit eh. Kanina pa ako
nakatayo mula dun sa tryout, ni hindi pa ako nauupo. Pero natatawa talaga ako sa
mukha ni Yem eh. HAHAHA winner lang!

'HAHAHA I KNOW RIGHT? HINDI NAMAN AKO YUNG UNANG KUMAUSAP EH. SIYA KAYA UNANG
KUMAUSAP SAKIN HAHAHA OH DI BA RAPUNZEL LANG ANG DRAMA KO THE! HABA NG HAIR KO
HAHAHA. OY TAPOS NA KAMI. YOU WAIT ME THERE OKAY?'

Hindi naman uso ang all caps sa amin no? Slight lang. After siguro two minutes eh
nagsilabasan rin agad sila. At hello world naman, kelangan talaga sabay sila at
nagtatawanan pa?! Grabeng pumorma 'tong si Yem!

"Sige bye!" after niyang magbye dun sa lalaking gwapo eh dumiretso siya sa akin
with matching kilig sa face.

"Loka ka! Ang landi mo! Hahaha!" bungad ko sa kanya. Natatawa talaga ako sa kanya
eh. Nako minsan lang lumandi yan si Yem kaya dapat nawiwitness ko ang lahat.
"Che! Tara na nga! Hahaha masyado na akong kinikilig. Kyaaaah ahihihihi." Tapos
kinagat niya pa yung panyo niya. Ay grabe kinikilig talaga ng bongga? Hahaha!

Habang naglalakad kami pauwi ay nagkwentuhan lang kami about sa club hunting.
Nakwento ko rin sa kanya si Daniel. Sabi pa niya eh crush ko na daw yun. Well,
slight lang naman. At lokaret 'tong si Yem dahil sabi niya eh pareho raw kaming
nagkaroon ng crush sa club hunting activity.

"Uy pero infairness ha, gwapo kaya yung Daniel na yun! Kasi diba dati nasa chess
club ako? Ayun nakikita ko siya lagi."

"Oo na gwapo na. Ganda nga ng smile niya eh pang mister pogi. Hahaha!"

Para lang kaming mga baliw na tawa ng tawa sa daan. Hanggang sa pagsakay naming sa
jeep eh tawa pa rin kami ng tawa. Yung nasa harapan nga namin eh ang sama nan g
tingin sa amin eh. Tapos inirapan pa kami. Kamusta lang ha? Akala mo naman ang
ganda niya eh mukha naman siyang tikbalang. Psh. Dukutin ko mata niya eh. Kala mo
kung sinong makairap. -__-

Nung nakababa na kami sa jeep eh naglakad na kami pauwi sa bahay. Pero habang
naglalakad kami ay may napansin kami dun sa gilid.

"Ano ba wag niyong kunin! Wag 'to!"

May isang matanda na nakikipag-agawan ng bag sa mga batang kalye. At nakakaawa pa


dahil sinisipa siya nung mga bata. Agad namin silang nilapitan ni Yem dahil ayaw
namin na may sinasaktang matanda.

"Hoy umalis nga kayo! Dun kayo mamerwisyo! Naku!!" si Yem ang nagpaalis sa mga
batang kalyeng yun. Buti nga hindi sila lumaban sa amin eh. Kung hindi eh patay na
kami dahil hindi naman kami marunong magself defense. Buti sana kung sabunutan eh
baka manalo pa kami.

"Ayos lang po ba kayo?" lumuhod ako para makalevel ko yung matanda. Yakap-yakap
niya yung shoulder bag niya at umiiyak siya.
"W..wag niyo kunin sakin 'to.. Mahalaga 'to sa akin hija.. wag niyong kunin.. sige
na.. maawa na kayo sa akin.." hindi ko alam pero naiiyak ako. Naaawa ako sa kanya.

"Hindi po namin yan kukunin sa inyo lola. San po ba kayo nakatira? Ihahatid na po
namin kayo." Biglang sabi ni Yem na nasa likod ko na pala.

Napatingin naman sa amin yung matanda at talagang maga na yung mata niya. Lalo pa
kaong naawa nung naalala kong pinagsisipa siya nung mga batang yun.

"Na..naglayas ako eh. Hindi na kasi.. ako mahal ng anak ko.. pinapalayas na niya
ako.. hindi niya na ako mahal eh.."

Sinamahan lang muna namin yung lola doon hanggang sa tumahan siya. Naiyak nga rin
kami ni Yem eh. Nakakaawa lang talaga siya. Biruin niyo? Ang tanda tanda na siya
tapos pinabayaan lang siya ng anak niya? To think na gabi na at naglalakad siyang
mag-isa? Ang bigat sa pakiramdam. Ayaw kong nakakakita ng matanda na sinasaktan eh.
Parang ang sakit sa dibdib. Ang hirap tignan. Tapos ang kaso pa dito ka lola eh
parang pinalayas siya ng anak niya. Ang sama talaga.

"Lo..lola, gusto mo ba sa amin ka muna makituloy?" bigla ko yung nasabi at


napatingin ako kay Yem. Tumango naman siya. Alam ko kasing ayaw rin ni Yem na
nakakakita ng ganun. Pareho ang pananaw namin sa mga matatanda.

Inalalayan naming si lola na tumayo. Tapos naglakad na kami papunta sa boarding


house. Habang naglalakad nga kami eh humihikbi siya eh. Ramdam na ramdam ko kung
gaano siya kalungkot. Ang sarap bugbugin ng anak niya. Aalagaan na nga lang niya
yung nanay niya eh hindi niya pa magawa. Pinalayas pa niya. :(

Nung makarating na kami sa bahay ay agad naming pinaupo si lola sa kama. Alam kong
pagod siya sa mga nangyari sa kanya kanina.

"Salamat mga apo.. a..ang babait ninyo.." tapos umiyak na naman siya at nagulat ako
nung pareho niya kaming niyakap ni Yem.
Ngayon lang ulit.. ngayon lang ulit ako nangulila ng ganito. Naaalala ko sa kanya
yung lola ko na matagal na akong iniwan. Grade school palang ako nun nung namatay
siya. Namimiss ko na talaga siya. Namimiss ko ng magkaroon ng lola. Namimiss ko
yung sweetness niya sa akin dati.

I miss my grandmother so much. :'(

==========================================================================

LONG COMMENTS PLEASE? HAHAHA. Sige na comments nalang ang nakakapagpasaya sa akin
ngayon eh :''> THANK YOU GUYS! <3

*******************************************
[8] Chapter VII
*******************************************
fiance!! Hello! Hahaha dedicate ko sayo ha? Miss you na :'''>

-----------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------

"Lola ano po palang pangalan niyo?" nakikinig lang ako sa usapan ni Yem tsaka ni
lola habang nagtitimpla ako ng gatas. Pinaghahanda ko si lola, mukha kasing di pa
siya kumakain eh.

"Roma. Kayo mga hija anong pangalan ninyo?"

"Ako po si Alyssa Mae pero Yem nalang po. Yun pong mukhang eklat na nagtitimpla dun
sa kusina eh si PAULINE. Hahahaha!" pagkarinig na pagkarinig ko nun ay sinamaan ko
siya ng tingin. As in masamang masama talaga na halos maningkit na yung mata ko.
Walang hiyang Yem yan! "Ay joke lang pala lola, Aeisha pala pangalan nun."

"Ala ay ano? Arisa?" napabuntung-hininga naman ako. Tapos tsaka ako lumapit sa
kanila dala-dala yung tray na may laman na gatas tsaka tinapay.

"Lola Aeisha po." sabi ko sa kanya tapos nilapag ko yung tray sa harapan naming
tatlo.

"Galisya? Alisya?" napahawak ako sa mukha ko. Mahirap bang banggitin yung Aeisha?
T_T

"HAHAHAHAH! Galisya! Hahaha! Parang pag narinig ko yun naiimagine ko ang dami mong
galis. Hahahaha!"

*TUGSH* (ganda ng sound effects ko XD)

Isang malakas na batok ang binigay ko kay Yem. Asar 'to eh kanina pa ako
pinagtitripan. -__-

"Aray ha! Lola oh! Walang manners yang si Galisya! Sakit nun ha. -__- PAULINE
nalang kasi. Daming arte eh. Hahaha pero winner pa rin yung Galisya eh." tapos
tsaka siya tumawa ulit. Ang lakas na talaga ng tama nitong si Yem eh. Dahil ba 'to
dun sa gwapong lalaki kaya siya nagkakaganyan?

"Aba ay oo nga. Yuong Pauline na lang. Kahirap naman bigkasin nung isa." kinuha ni
lola yung tinapay at saka yung gatas tsaka siya kumain.

Sumabay na rin kami ni Yem sa kanyang kumain. At ayun, ang bigat sa damdamin dahil
Pauline ang tawag nila sa akin. T__T Bakit ba kasi hindi mabanggit ni lola yung
Aeisha? Madali lang naman eh. Huhuhu. Ayoko ng Pauline. T__T

"Lola, ilang araw na po kayong lumayas?" napatingin ako kay Yem nung bigla siyang
nagtanong kay lola. At nakita ko naman na biglang naging malungkot yung ekspresyon
ni lola Roma.

"Magtatatlong araw na. Buti nga at may mga mababait na nagbibigay sa akin ng
pagkain noong namalimos ako. Hindi ko kinaya yung gutom." parang gusto kong umiyak
nung sinabi yun ni lola. Kawawa naman siya. Tatlong araw sa lansangan? Kakaunting
pagkain? Walang tirahan? Maag-isa lang? Nakakalungkot na ang isang matanda eh
nakakaranas ng ganun. Gustung-gusto kong tanungin kung sino yung hampaslupa niyang
anak para mareport namin kaso natatakot naman ako kasi baka masaktan ko yung
feelings niya. Kasi anak niya pa rin yun eh.

Dinaldal lang namin ng dinaldal si lola hanggang sa makatulog siya. Dun na namin
siya pinahiga sa kama namin. Alam kong namiss niyang humiga sa komportableng
higaan. Kaya kaming dalawa ni Yem ay naglatag nalang sa lapag. Pero ang sarap lang
talagang bugbugin ni Yem eh.

"Walang hiya ka bakit naman Pauline?! Ang choga choga nun!"

"Hahaha! Eh sa hindi niya mabigkas yung Aeisha eh. Anong gusto mo Galisya?!"

"Yeeeeeeeemmmmm!!!!"
Nagbugbugan, naggulungan, nagkilitian at naghampasan kami doon sa lapag. Wrestling
kumbaga. Kaya balewala yung paglalatag namin dahil parang dinaanan ng 17 na bagyo
yung higaan. Pero nung napagod na kami eh nagawa rin naman naming ayusin agad yung
higaan. Parang ewan lang eh no? May pasok pa kami bukas pero kung makapagpuyat
kami, wagas. Jusko sana magising kami ng maaga bukas, kung hindi.. OKAY eh di late
na NAMAN. -___-

*********

"Yem. Pauline. Mga apo, gising na."

Bakit parang may lindol? Lumilindol na sa panaginip ko?

"Malelate na kayo sa klase ninyo."

Nung narinig ko yung salitang 'MALELATE' eh parang automatic na napabangon ako.

"OH MY GOD. LOLA ANONG ORAS NA PO? LATE NA BA KAMI? GABI NA BA? ISANG BUONG ARAW BA
KAMING NATULOG?" OMG hindi pwede ngayon ang first day sa club! Tapos may assignment
pa kaming ipapasa! Tapos may recitation pa kami! Tapos---

"APO!! Alas sais pa lang. Binibiro lang kita sa mahuhuli na kayo sa klase para
nama'y magising na kayo. Pasensya na ha? Sige na naghain na ako, kumain na kayo."

Napabuntung-hininga ako. Jusko akala ko late na naman kami! nagpanic ako doon ng
sobra ha! Pero infairness lola, effective! Nagising ako agad! >_<

Pero nawindang ako nung nakita ko si Yem na tulog pa rin. Take note, nakanganga pa
ha? Hindi ba siya nagising sa panic mode ko?! Ako nga eh naingayan sa sarili ko eh!
Tindi neto!

Pumwesto ako sa may bandang tenga niya tsaka ako huminga ng malalim.

"HOY ALYSSA MAE ALVAREZ GUMISING KA NA MAY PASOK PA TAYO! AT ALAM MO BANG ANDYAN SA
LABAS YUNG POGI MONG KATABI KAHAPON? DALIAN MO KANINA PA YUN NAG-IINTAY! ANO BA
HINDI KA BA GIGIS----"
"HA? ANO? ANDYAN SI JEFF? ASAN? TEKA PAHIRAM NG SUKLAY! SALAMIN KO ASAN? TAKTE ANG
PANGET NG SUOT KO! UMAYGAS MAY MUTA PA AKO! TEKA LANG ANONG GAG---"

Tinakpan ko yung bibig niya. Tapos napatitig ako sa kanya. Seriously?! As in


seriously?! Nagising sya dahil sa crush niya? Wow.

"Hindi ka naman masyadong nagpanic Yem? Joke lang yun. Hahaha! Buset ka kasi kanina
ka pa ginigising ni lola ayaw mong gumising! Asus! Yung crush mo lang pala
magpapagising sayo eh. hahahaha!" tapos at saka ako tumayo at pumuntang banyo para
maghilamos. Takte natatawa pa rin ako kay Yem. Hahaha ang imba ng mukha niya
kanina. Parang nagpapanic na natatae na ewan. Hahaha!

"Gagi ka talaga Pauline!!!!!!!!!" narinig ko siyang sumigaw. Hahaha! Kasalanan ko


bang ang hirap niyang gisingin.. tulad ko? Hahaha!

After nung madugong gisingan eh nagprepare na kami ni Yem tapos dumiretso na kami
sa lamesa. At wow lang. Ang daming pagkain. First time ito! Tapos napatingin ako
kay lola na nasa gilid lang at nakangiti sa amin.

"Lo..lola ikaw may gawa lahat niyan? Hala dapat di ka na nagluto baka mapagod ka
lang." nasabi ko nalang bigla. Na-amaze talaga ako sa dami eh.

"Okay lang 'to apo. Ito na nga lang ang matutulong ko kapalit ng pagpapatuloy ninyo
sa akin dito. Hayaan niyong ipagluto ko kayo. Hala sige na kumain na kayo at baka
mahuli kayo sa klase."

"Waaa lola Roma ang sarap naman neto. I love you na T_T" nagulat ako nung nakita
kong kumakain na si Yem at talagang sarap na sarap siya sa pagkain. Ayos ah? Di
kami hinintay. Gutom?

Halos naubos namin yung hinain ni lola. Grabe talaga ang sarap! Namiss kong kumain
ng marami. Nagpaalam na rin kami kay lola at tumakbo na papunta doon sa sakayan ng
jeep dahil mukhang malelate nga ata kami. Di kasi namin namalayan yung oras nung
kumakain kami eh.

"Ayun na yung jeep! Dali Aeisha!" tumakbo kami papunta doon sa humintong jeep. Buti
nalang at nakasakay agad kami.

"Whooo! Napagod ako! Malelate kaya tayo?" tanong niya sa akin tapos inabot niya sa
akin yung bayad niya.
Tumingin naman ako sa relo ko. "Di yan. May 20 minutes pa. Bayad po, dalawang
estudyante." inabot ko doon sa nasa unahan ko yung bayad ko.

"AY PAKINGTEYP!!!!" nabitawan ko yung bayad namin dahil sa nakita ko. Tae naman!
Bakit andito yan?! Bakit siya andito sa jeep?!

"Tsk." narinig kong sabi niya tapos pinulot niya yung nalaglag na mga barya.
Syempre tumulong na rin ako dahil bayad namin yun. >_<

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng jeep eh dito pa sumakay 'tong Ryde na 'to?! Anak ng
barya naman oh! Kinakabahan talaga ako sa kanya eh! Tapos nakakahiya pa dahil dun
sa nangyari sa hagdan kahapon. Aaahhhhhh!!!!

"Eto pa oh. So..sorry." inabot ko sa kanya yung eight pesos na napulot ko. Tapos
umurong ako ng konti palayo sa kanya. Tapos saka niya inabot yung bayad namin sa
driver.

Pagtingin ko kay Yem.. -___-

Walang hiya ang loko lang nung tingin niya sa akin! Di ko alam kung nang-aasar o
namomonggoloid lang siya eh.

Sa buong biyahe eh pinagdadasal ko na sana eh nasa school na kami. Nakakainis naman


kasi eh. Bakit ba sa jeep na 'to siya sumakay? Pwede naman dun sa susunod! Upakan
ko siya eh! >_<

"Para po!!" talagang sumigaw na ako sa driver dahil gustung-gusto ko nang bumaba.
After nun ay hinatak ko kaagad si Yem dahil baka kung ano na namang gawin neto.

"Dalian mo late na tayo! Jusme lang Yem, ayoko ng sumakay ng jeep! Nagulat talaga
ako kanina! Kasabay natin yung manyak na yun!" hawak-hawak ko siya sa wrist niya at
di na ako tumingin sa kanya dahil tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad. Aba
infairness di siya umaangal. Teka, hindi siya umangal? Si Yem? Di aangal?

"Hoy Yem bakit di ka nagsasalita? Aba bago yan ha? HAHAHA!!" ayos ha di talaga siya
umiimik.
"HOY AEISHAAAA!!!! HOY ANO YAN!!!!" ayun nagsalita rin. Pero bakit.. ganun? Parang
ang layo ata nung boses?

"Grabe ka ha! Katabi lang kita kung makasigaw ka wagas!" tapos tsaka ko siya..
nilingon.

O_O

"OH MY GOD!!!" napabitaw agad ako. Ba.. bakit..

BAKIT.. SIYA?!

"Te..teka. Panong.. anong.. bakit.. ikaw. tapos.. si Yem.. hindi.. eh.. andun..--"

"Ako yung hinatak mo. Tsk." halos manigas ako dun sa pwesto ko habang siya eh
nakita kong pumasok na sa gate. Oh my God. Yung mga sinabi ko. Shet!!

Gosh. Hindi yun totoo. Anong nangyari?! si Yem yung hinatak ko ah?! Bakit siya yung
nasa tabi ko?! Bakit.. WAAAAAAHHHHHHH!!!!

"Hoy bruha ka!! Bakit mo ako iniwan?! Tapos.. ayiiiieeee HAHAHAHA bakit mo hinatak
si Jin? Ikaw ha!!!"

"EWAN KO SAYO! BWISIT KA AKALA KO IKAW YUNG KAUSAP KO!"

Halos maiyak na ako sa kahihiyan. Shet talaga!! Kaya pala hindi nagsasalita! Kaya
pala parang ang taba nung wrist niya! Kaya pala ganun kasi... si Ryde yung nahatak
ko.
AAAAAHHHHHHHH!!!!!!!! AYOKO NA TALAGA!!!!

Bumaba ako ng jeep, tapos nahatak ko siya imbes na si Yem. Tapos.. kung anu-ano
pang pinagsasabi ko. Uwaaa T______T

BAKIT SI RYDE YUNG NAHATAK KO?! BAKIT HINDI NALANG SI YEM O KAYA YUNG GULONG NG
SASAKYAN? BAKIT SIYA?!

==========================================================================

Comment lang po ang hinihingi ko sa inyo. Hahaha. Sige na masaya kasing magbasa ng
comments. Please? :''> Comment po kayo ha? Yung mahaba XD Salamat!

*******************************************
[9] Chapter VIII
*******************************************

"HAHAHAHAHA! Ang galing mo talaga Aeisha! Ayos na technique yun ah? Hahaha!"

Halos malugmok na ako dito sa room dahil sa nangyari kanina. Lunch break na namin
at inaasar pa rin ako ng best friend kong ang sarap ihampas sa pader. Tapos ang
saklap pa lalo dahil parang di ako makahinga sa loob ng room habang nagkaklase
dahil classmate ko si Ryde! Anak ng putakte talaga! Kasi naman Aeisha?! Bakit di mo
tinitignan kung sino ang hinahatak mo?! Tapos narinig niya pa yung sinabi mo.
Naman!

Sinamaan ko siya ng tingin pero parang naka-repeat yung tawa niya dahil paulit-ulit
talaga. Imfairness nakakadegrade ng pagkatao ha.

"Yem nakikita mo 'tong tinidor na hawak ko?" napatingin naman agad siya sa akin.

"Oo bakit? Hahaha"

"Pag di ka tumigil kakatawa dyan, itutusok ko 'to sa ilong mo. You like?" tapos
ngumiti ako na punung-puno ng sarcasm.

"Ha? Sino bang may sabing tumatawa ako? Ang seryoso nga ng mukha ko, oh. Mukha ba
akong tumatawa?" tapos tsaka siya nagserious face na ewan ko ba kung bakit ako
naman yung natatawa. Hindi ko kasi alam kung serious ba yun oh natatae lang talaga
siya. Hahaha!
Pero nagulat ako nung bigla siyang nagulat. Tapos parang nasasaniban ng malanding
espiritu, kasi pangiti-ngiti. Yung parang di mo alam kung kinikilig o nananakot?
Anong problema niya ngayon?

"Huy babae para kang baliw dyan." tsaka ko siya sinubuan nung kinakain namin.
Ngumanga naman siya eh, kaya nashoot. Hahaha.

"Pauline, right?"

"AY KALBONG KABAYO!" tapos nasalaksak ko kay Yem yung kutsara dahil nakasubo pa sa
kanya yung kutsara at sobrang nagulat talaga ako nung may humawak sa balikat ko.

"OMG YEM AYOS KA LANG? SORRY HALA SORRY! IKAW KASI EH! BAK---" nilingon ko kung
sino man yung impaktong humawak sa balikat ko.. at nagulat ako kung sino yun.
Parang may lovesong na nagplay sa utak ko tapos parang tinatangay-tangay yung buhok
ko. Tapos parang ayoko ng tanggalin yung tingin ko sa kanya.

"Aheeeeemmmm tuhuu--beeeg.. kruuuuu..." bigla kong naalala si Yem na nabilaukan


pala dahil sa akin. Kumuha aagad ako ng tubig tsaka ko inabot sa kanya. Hinimas ko
na rin yung likod niya para makagaan sa pakiramdam.

"Ano Yem, okay ka na? Sorry na." tsaka ako nagpacute sa harapan niya. Naku tumalab
ka please?

"Okay na. Whoo! Akala ko forever na sa lalamunan ko yung pagkain. Walang hiya ka
ang sakit nun ha! Dahil dyan, libre mo ako mamaya!" -___- kita mo 'tong babae na
'to, pera pa ang habol. Dapat pala sinalaksak ko sa kanya lalo yung kutsara eh.
Pero syempre joke lang. Mahal ko pa rin yan kahit may lahing baliw.

Tsaka ko naalala, may tao pa pala sa likod namin.

"Uhhh he..hello. Ha..ha..ha.." Grabe nakakahiya yung ginawa ko! Tapos nakita niya
pa! Ano ba naman yan! Kasi naman eh kasalanan niya yun! Ginulat niya ako masyado!
May pahawak-hawak pa kasi sa balikat na nalalaman eh!

"Sorry ako ata may kasalanan dahil nagulat kita. Hahaha. Nakita lang kasi kita
bigla. Pauline di ba? So ready ka na mamaya?"
Okay na sana eh. PERO BAKIT NAMAN PAULINE?!

"Uhh ano.. ahmm.. Aeisha nalang po kuya Daniel." syempre pa-demure muna ako
kunwari.

"Ohh okay. Aeisha pala. At wag mo na akong tawaging kuya, pareho naman tayong
fourth year eh. Mukha ba akong matanda?" tapos nag-pout siya..

*u*

SHET NAGPOUT SIYA.

SHET ANG CUTE NIYA.

SHET ANG POGI NIYA.

SHET PWEDE BA SIYANG ISILID SA LOOB NG SAKO TAPOS IDIDISPLAY KO SA KWARTO KO?

"Ay sorry. Da..daniel nalang pala. Hahaha. Sige may klase pa kami eh. Tara na Yem."
kahit kakarecover palang ni Yem eh hinatak ko na agad siya palabas ng canteen.
Kailangan ko ng oxygen! Nakakasuffocate dito sa loob ng canteen!

"Huy teka lang naman! Ang aga pa ah?" kinakausap ako ni Yem at hatak-hatak ko pa
rin siya habang umaakyat kami sa hagdan.

"Whoooo! Ayoko dun! Di ako makahinga! Nangunguha ng oxygen yung nilalang na yun!"

"Ayiiieee si Daniel yun ha! Ang gwapo talaga teh! Patusin mo na, mukhang interesado
sayo eh. Shet ang ganda mo naman, dala-dalawa pa papables mo! Hahaha. Pero mas bet
ko si papa Ryde." Napahinto ako sa pag-akyat at humarap ako sa kanya with anong-
pinagsasabi-mo-wala-ka-na-ba-sa-tamang-pagiisip-face. As in nganga lang ako sa
harap niya.

"Shut up nalang Yem, okay?"

Hindi ko nalang pinakinggan yung mga pinagsasabi niya hanggang sa makarating kami
sa room. Feeling ko ang pula pula pa rin ng mukha ko sa sobrang kahihiyan kanina.
Nakakahiya talaga eh! Si Daniel kasi yun eh, tapos nakita niya yung bara-bara kong
kilos. Naman!

Nung paupo na ako, napansin ko yung kaisa-isang tao sa likuran namin. Hindi kaya
'to na-oout of place? Nasa likod na nga siya tapos wala pa siyang katabi. Actually
natutulog siya ngayon. Hindi siya nakaub-ob sa upuan, nakapatong yung batok niya
dun sa silya. I mean, para siyang nakatihaya lang kung matulog. May suot siyang
earphones tapos nakapikit. Tulog nga kaya 'to? Mamaya kunwa-kunwarian lang eh. Pero
ang peaceful niya tignan. Para siyang bata.

"HUY!!"

"AY KABAYO!!"

"Ehem teh, matunaw yan. Wag mo masyadong titigan." tapos at saka siya ngumiti sa
akin ng nakakaloko. Sasapakin ko na talaga 'to si Yem eh. Kanina pa 'to sa canteen
ah!

"Ewan ko sayo." napaupo nalang ako sa upuan ko at hinintay na matapos na yung


break. Kaso parang habang naghihintay ako eh mas humahaba yung oras. Tokneneng
naman oh! Wala na akong magawa! Nilaro-laro ko nalang yung ballpen ko. At siguro eh
after ten minutes, dumating na yung teacher namin sa Physics.

"Afternoon class."

"Good afternoon sir." ang famous monotonous note ng high school students. Yeah
right.

Itatabi ko na sana yung ballpen ko kaso biglang nadulas sa kamay ko kaya nalaglag.
Ay Aeisha naman, tanga tanga! >_< Gumulong siya dun sa ilalim ng upuan ko hanggang
sa likuran ko kaya lumingon ako sa likod.

O_O

Tu..tulog pa rin siya?!

Hindi ko alam pero bigla akong nagpanic. Ang adik naman ng taong 'to! Tulog pala
talaga siya kanina! At kamusta naman?! Di pa rin siya gumigising?

Sumimple akong bumaba at kinuha yung ballpen ko na nasa paanan niya lang. Tapos
after kong kunin yun eh sinubukan kong hilahin yung laylayan ng slacks niya.

"Huy. Huy, may klase na. Gumising ka." para akong baliw na sumisigaw ng pabulong.
Pero no effect pa rin eh. Kinombo ko na yun ha! Hinahatak ko na yung slacks niya
pati sinisigawan ko na siya pero di pa rin nagigising. Ang tulog mantika naman
neto. >_<

Hay! Suko na ako! Bahala na nga siya dyan! Hindi naman ako ung mapapagalitan kapag
nahuli siyang natutuloh eh!

Patayo na sana ako kaso...

"Ms. Bernardino, what are you doing?!"

"S..sir.."

Nasa likuran ko na pala si sir.

PATAY.

=======================================================================

COMMENTS PO HA? Magcomment ka ha? Pretty please? :3

*******************************************
[10] Chapter IX
*******************************************
"S..sir."

Napatayo ako bigla at napapikit sa harapan ni Sir. Patay talaga ako neto >_<

"Anong ginagawa mo dito? Nagkaklase na ako diba?" Jusko! Kulang nalang eh maihi ako
ngayon dito. Nakakatakot talaga siya T_T

"Uh..ahmm.. ano.. uh.. na..nalaglag po kasi.. y..yung ballpen ko.. ki..kinuha ko


l..lang po.."

"Ow. Kaya pala halos isang minuto ka na dyan. How nice."


Bakit ba kasi natapat pa yung paglaglag ng ballpen ko sa masungit na teacher?!
Naman eh! Nakakahiya na 'to ha. Nakatingin na lahat ng classmates ko sa akin T_T

Nagulat naman ako nung bigla akong nilagpasan ni Sir at pumunta dun sa tao sa likod
ko. Si Ryde. Na tulog pa rin hanggang ngayon -___- Grabe napakatulog-mantika naman
ng taong 'to! Nagkakagulo na nga kami dito tapos siya tulog pa rin?! Wow ha! Ang
sarap niyang itapon sa outer space! Dahil sa kanya, eh mukhang mapupunta pa ako sa
Guidance office.

"Mr. Montalbo." Naman! Lagot din siya! HOY RYDE GUMISING KA NA LECHE KA MAPAPAHAMAK
AKO DAHIL SAYO!

Pero mas nagulat ako nung biglang hinatak ni sir yung kwelyo niya tapos tinulak
siya pataas para mapaupo siya. Ouch yun ha, tumama yung likod niya sa upuan. And
take note, malakas yung impact. Tumunog eh.

"Mr. Montalbo, hindi mo 'to bahay para matulog ka nalang basta-basta habang
nagkaklase ako."

Biglang dumilat yung mga mata ni Ryde at gare lang. Nakakatakot. As in. nanllisik
talaga. Jusko, bakit ba ako napasama sa gulong 'to?! T__T

"Tsk. Istorbo."

O_O

Oh no he didn't. Ba..bakit niya sinabi yun?!

Parang may nagtatransform na beast sa harapan ko. Promise, kung kanina naiihi na
ako sa sobrang kaba, ngayon parang umatras yung ihi ko sa sobrang takot. Parang
kakain ng tao si Sir! >_<

"MS. BERNARDINO AND MR. MONTALBO, TO THE GUIDANCE OFFICE. NOW!"


Biglang tumayo si Ryde dala-dala yung bag niya. At syempre dahil hindi ko na alam
yung gagawin ko eh sumunod nalang ako sa kanya. Napatingin nalang ako kay Yem at
nakita kong napailing siya. Grabe lang, ang malas ko naman ngayon :(

Nung nakalabas na kami sa room eh hndi ko pa rin siya maabutan. Ang bilis niyang
maglakad! Tipaklong ba siya at ang haba-haba ng binti niya?! Hello?! Sana naman
alam niya yung salitang 'bagalan' di ba?

"Oy! Oy! Teka lang! Hintayin mo naman ako!" lintek na lalaking 'to! Masungit na
nga, bingi pa!

"Pwede ba! Wag mo kong sundan!" apos ngayon galit pa siya?! YEah right.

"Aba eh malamang parehas lang tao ng pupuntahan! Duh?!"

"Tss, hindi ako pupunta doon kaya pwede ba?! Stop following me!"

"Ha?! Baliw ka ba?! Ang kulit ng lahi mo eh no?! Sa guidance nga tayo pinapapunta
tapos di ka pupunta dun?! Basta susundan kita! Ikaw naman may kasalanan nito eh!
Kung sana nagising ka eh di hindi ako masasali dito!" Leche kasi! Napakahirap
gisingin!

"Sinabi ko bang gisingin mo ko?! Pakialamera ka kasi." kumukulo na talaa yung dugo
ko sa kanya ha -__-++

"Kahit na! Kasalanan mo pa rin yun! Tulog mantika!"

"SHUT UP, WILL YOU?!" napasandal ako bigla sa pader dahil humarap siya sa akin.
Okay, hindi lang siya masungit at bingi. Pikon pa! Pero infairness, natakot ako sa
kanya. >_<

"Huh! A..ak..akala mo natatakot ako sayo?! H..hindi na no! P..pagkatapos ng lahat


ng..ano.. ng ano.. ginawa mo sakin!?" yung puso ko ang lakas ng tibok! Grabe
nakakatakot siya! Mas nakakatakot pa siya ay Sir!

"Bahala ka sa buhay mo." tapos tumuloy na ulit siya sa paglalakad.

"Talaga! Bahala ako sa buhay ko. Susundan kita. Bleeeeh!"

Grabe napakasungit! Daig pa ang babaeng may mens. Grrr. Siya pa may ganang
magalit?! Argh! Tapos damay pa ako dahil lang sa hindi siya nagising?!
Sinundan ko alang siya at tumahimik ako. Feeling ko kasi sasabog ang eardrums ko
pag nagsisigawan kami. At may masama akong kutob kung saan siya pupunta.

"H..hoy teka! Don't tell me pupunta ka sa--"

"Tumahimik ka nalang pwede? Ikaw ang may gustong sumunod sa akin kaya wag kang
magreklamo."

Excuse me? Hindi kaya ako nagrereklamo! Magkaiba ang nagrereklamo sa nagtatanog no!
Ugh! Sungit sungit nakakainis! Pero nung sinalo naman niya ako sa hagdan eh ang
bait ng approach jniya. Bipolar ba siya? O sadyang may mood swings lang? Ay ewan
ko! Bahala siya!

At tama nga ang hinala ko. Meron kasing gate na sira sa likod ng school namin. Kaso
napapaligiran yun ng barbwires. Tapos ang labas nun ay parang talahiban. Basta
matataas na damo tapos parang grassland yung gilid. Di nga? Lalabas siya dyan?
Magcucut siya? Gosh. Baliw nga talaga siya.

"Hoy! Magcucut ka?"

"Obvious ba?"

Patience Aeisha. Patience. Wag mong hayaan na mainis ka dahil dyan sa masungit na
Ryde na yan. Patience. Inale. Exhale. Whoooooo.

Lumusot siya dun sa wire at lumabas siya without any scratch. Tch. Mukhang hobby
niya na ang paglusot dito ah? Syempre di naman ako nagpahuli. Kelangan ko siyang
sundan dahil. dahil.. dahil BASTA! Bakit ko nga ba siya sinusundan?

"Hoy teka! Hintayin mo ko!" sinigawan ko siya haban lumlusot sa barbwires. OMG
lang! Pwede na ata ako sa gymnastics neto! Kung anu-ano ng pagbaluktot yung
ginagawa ko.

"Dyan ka lang!"

"Bahala ka! Susundan kita!"

"Ahh sht. Ang kulit."

And hooray! Nakalabas ako! Achievement ito! OMG lang! Shet! Paparty ako mamaya,
nakalabas ako sa school grounds! *u*
Tapos lumapit ako sa kanya. Asarin ko kaya siya? Kaso pikon 'to eh. aka mamaya
banatan niya ako tapos iwan niya yung duguan kong katawan dito. No way T__T

"Huh! Kala mo ha? Ang galing kong lumusot no?" tsaka ko siya dinilaan. Hahaha!
Akala niya ha? Wag niya akng minamaliit, baka masapak ko siya.

"Ewan ko sayo."

"Ang sungit mo---"

"Dapa!!"

HUh?! Anong dapa?! Anong gagawin niya sa akin?!?!

"Bakit naman ako dadapa?! AN--"

"ang kulit! Dapa!!" tsaka niya dinakma yung ulo ko at iniupo ako dun sa may
matataas na damo. ANO BANG PROBLEMA NIYA?! SASAPAKIN KO NA TALAGA SIYA HA!

"Buti naman dumating ka Jin. Akala ko natatakot kang harapin kami eh. Hahahaha!"

Eh? Te.. teka.. sino yun?

Sumilip ako dun sa may damo at nakita ko na may tatlong lalaki sa harapan ni Ryde.
Teka. Sila yun! Sila yung nakalaban niya dun sa may corridor! OMG. Wag nyong
sabihin na sinadya niyang mapalabas sa classroom para makipag-away dito?!

"Tumahimik ka. Ang dami mong satsat."

"Anong sabi mo?!"


Shet! Magbubugbugan sila dito?! Ang tanga mo talaga Aeisha bakit di mo yun naisip
kanina?!

Pero sabagay di ko naman talaga yun maiisip. Wala nga akong idea na ito pala ang
mangyayari eh -___-

"Tapusin na natin 'to baboy. Lagi mo nalang sinasayang ang oras ko."

"ANONG TINAWAG MO SA KIN?! GAGO KA TALAGA JIN! SUGURIN NIYO!"

Napatakip ako ng bibig nung biglang sinuntok nung matangkad na payat si Ryde sa
mukha. Shet lang! First time kong makakita ng nagbubugbugan ng live ha! Sayang wala
akong baon na popcorn.

Biglang bumawi si Ryde at sinipa niya yng payat tapos hinagis dun sa isa pa kaya
parehas silang bumagsak. Huh! Buti nga sa inyo! Yung baboy pa! Yung matabang
leader! Lechunin mo na yan Ryde! Go! Go! Go!

Sumuntok yung baboy kaso nailagan ni Jin. Tapos si Jin, biglang sinikmuraan yung
baboy na yun. Oh yeah! Ang galing niya! Nagulat alang ako nung binubugbog niya na
sa suntok yung mataba. Grabe ang lakas niya. Kinaya niya yung tatlo?!

Halos mawalan na ng malay yung baboy na leader nila sa mga suntok na tinatanggap
niya kay Ryde. Kaso biglang nasagi ng mata ko yung dalawang kasama niya. M..may
hawak na malaking bato.. at.. at.. nasa likod sila ni Ryde.

OH MY GOD!

Napatayo ako bigla at napasigaw. "RYDE SA LIKOD MO!"


Bigla naman siyang napatingin sa likod niya at naiwasan niya yng batong inihagis sa
kanya. Phew. Kinabahan ako dun ha! Grabe ang duga nila! Foul yan! Nakakainis! Pano
kung natamaan si Ryde sa ulo tapos nagdugo? Ang duga talaga! Sinubukan niyang
bugbugin rin yung dalawa kaya lang tumakbo yng isa...

Papunta sa akin.

Napatakbo ako bigla. Waaah! Bakit pati ako sinasali nila?! Hindi naman ako kasali
dyan eh! Sumigaw lang naman ako ng 'Ryde sa likod mo!' ah! Anong masama dun? T__T

"Waaah! Layuan mo ko! Manyakis ka! Layoooooo!!!!" wala na ako sa sarili kong wisyo!
Basta sigaw lang ako ng sigaw habang tumatakbo! Leche naman 'tong payatot na to eh!
Bakit ba niya ako hinahabol!?

"Huli ka! Hahaha"

"Waaah! Kadiri ka! Wag mo kong hawakan! Layuan mo ko! Manyak! Manyak! Lumayo ka
panget! Payatot! Mabaho!"

Todo-todo na yung panlalait ko sa kanya pero ayaw niya pa rin akong pakawalan.
Bwisit to! Akala niya hindi ako marunong lumaban ha? Minamaliit niya ako?! Pwes!
Susuntukin ko siya!
"Ah ayaw mo akong pakawalan ha? Etong sayo! *BOOGSH*"

Sinuntok ko siya sa mukha, to be specific, sa bandan ilong. Ayun, tulog. Ang galing
ko. *u*

"Ouch!" pero ang sakit sa kamay ha! Ang tigas ng ilong niya!

"Magaling ka pala sumuntok." nagulat naman ako nung nasa likod ko na pala siya.
Susuntukin ko rin sana kaso napigilan niya yung kamay ko. Akala ko kasi kaaway din!

Kaso ang mas ikinagulat ko...

Ngumiti siya.

*******************************************
[11] Chapter X
*******************************************

OH MY GULAY NASASAPIAN NA ATA SIYA! NGUMITI SIYA!MAY MASAMANG ESPIRITU SA KATAWAN


NIYA! NGUMITI SIYA! ANONG GAGAWIN KO!?
"Hoy, bat ka nakanganga?" napatikop naman agad ako ng bibig. Aish! Tapos ngayon,
masungit na naman? Ang dalas ng mood swing ng taong 'to ha? O baka naman hindi
talaga siya ngumiti kanina? Baka guni-guni ko lang yun?

"Hoy hoy hoy ka rin! Dapat nga magpasalamat ka sakin dahil tinulungan kita eh! Kug
maka-hoy ka dyan. Hmp!!" sarap rin netong suntukin sa ilong eh. Naku!!!

"Sinabi ko bang tulungan mo ko?" kita mo 'to? Ang kapal ng apog eh! Kunwari pa, if
I know eh baka sobrang sinasamba na ako niyan dahil tinulungan ko siya!

Pero syempre joke lang yun. Asa naman ako HAHAHA.

Nakita ko nalang na kinuha na pala niya yung bag niya dun sa may damuhan tapos
naglakad na palayo. KITA MO TALAGA 'TONG DAMUHONG 'TO?! PAGKATAPOS KONG TULUNGAN EH
LALAYASAN LANG AKO? Eh kung todasin ko na kaya siya?! Jusmiyo nauubos ang pasensya
ko sa kanya ha!

"HOY!" ayaw lumingon.

"OOOY! OOOY!" ayaw pa rin. Tapos mas bumilis yung lakad! Kabayo ba siya na
nagpapanggap na tao?!

"HOY SUNGIT!!!" ayaw pa rin talaga! Ano ba?! Marami bang lugang laman yung tenga
niya o sadyang bingi lang siya?! Sarap niyang batuhin ng isang drum ng Johnson's
bud eh!

Ayaw mong tumingin ha? Tignan lang natin. Huli na 'to. Pag yang Ryde na yandi pa
rin tumigil sa kakalakad ng mabilis, sasapukin ko talaga siya!
"HOY BAKLANG PALAKA NA MANYAK NA UBOD NG SUNGIT AT AKALA NIYA GWAPO SIYA PERO HINDI
NAMAN!!!"

Bingo! Tumigil rin sa paglalakad! Ang galing ko talaga >:)

Syempre tumakbo ako sa kanya. Pero hinanda ko na yung depensa ko kung sakali mang
titirahin niya ako ng suntok pag nakatapat na ako sa kanya.

"Lilingon rin pala eh! Gusto pa malalait muna! Tch."

"Anong sabi mo kanina?" bigla siyang tumingin sa akin. Tapos humakbang palapit
sakin. Syempre dahil humakbang siya palapit, eh di humakbang naman ako palayo. Ano
kayang problema ng utak ng taong 'to?!

"Bakla?"

"Huy wala akong sinabing ganun ha!" umatras ako.

"Palaka?"

"Meron ba akong sinabi? Baka ano.. frog prince!" umatras ulit ako.

"Manyak?"

"Ay ayan! Totoo talaga yan!" umatras ulit ako at napatakip ng bibig. Aeisha ang
daldal mo!

"Ubod ng sungit?"

"Tama ulit yan!" atras ulit.

"Hindi gwapo?"

"Uhhh. No comment!"

Cornered. Anak ng nanay niya naman 'tong Ryde na 'to eh! Dapat pala sinabi ko rin
eh pikon siya! Pikon! Pikon! Aish!

Kaso bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. O_O SABI NA NGA BA MAYAK
TALAGA 'TO EH!

"Eto naman! Joke lang naman yun eh. Eh kasi ayaw mong tumigil, ang bilis mong
maglakad. Kabayo ka ba?" biglang kummunot yung noo niya. Uh-oh. "Di ba hindi ka
naman kabayo? Kaya dapat hinay-hinay ka lang sa paglalakad. Okay?" tapos nilayo ko
yung mukha ko sa mukha niya. Mahirap na, masyado nang maraming namanyak 'to sakin.

"Tss. Bahala ka nga." bigla naman siyang umalis sa harapan ko at tumuloy ulit sa
paglalakad. Aba syempre ano pa ga bang gagawin ko?

Eh di sundan siya!

Maya-maya lang eh bigla siyang sumakay ng jeep! Aba! Aba! May balak pa siyang
iwanan ako?! Ang kapal ng buhok at balat niya ha?! Syempre sumakay rin ako sa jeep
na sinasakyan niya! Well, mukhang naiinis na siya sa akin. At infairness,
nakakatawa yungmukha niya! HAHAHAHAHAHAHA!

"Manong bayad po." napatingin naman ako sa kanya nung nag-abot siya ng bayad niya.
Hmmm >:)

"Ilan 'to?" tanong nung driver.

"Isa p--"

"DALAWA PO YAN MANONG!" sumigaw ako para marinig ako ni manong. Tapos tumingin ako
sa mukha ni Ryde.

HAHAHAHAHAHA! MUKHANG CONSTIPATED! SHET NAKAKATAWA PALA MUKHA NG MANYAK NA 'TO PAG
NAIINIS! HAHAHAHA!

"Isa lang ho yan--"

"Dalawa po!"

"Isa lang!"

"Dalawa nga!"

"Isa"

"Dalawa!"
"One!"

"Ah gusto mo pa engish ha? TWO!"

"Ilan ba talaga? Ang gulo niya ha." napatingin kami bigla sa driver na halatang
naiirita na sa amin. Psh. Ayaw pa kasing idalawa, eh siya rin naman kikita dun.

"Dalawa po! Final na! Deal!"

At ayun, walang nagawa si Ryde kundi magfacepalm. Hahaha! I won! Oh yeah! Oh yeah!
Let's dance! Oh yeah! Aba! Tama lang yan sa kanya! Siya naman may kasalanan ng
lahat ng to eh! Napakatulog-mantika kasi. At payment na rin 'to para sa pagmamanyak
niya sa akin ng dalawa-- maraming beses!

At dahil mukhang bubuga na ng apoy yung kasama ko eh tumahimik nalang ako nung
bumaba na kami sa SM. Grabe, first time kong mag-cut ng klase. Ever ever ever!
First time ko 'to!

Dumiretso siya sa Quantum. Okay, maglalaro ata siya. At wala akong dalang pera
dahil di ko dala yung bag ko. Duuuuh? Kaya nga sinabi kong dalawa kanina yung sa
jeep eh. Dahil wala akong dalang pera. Cellphone ko lang dala ko.

Habang papasok na kami sa loob, eh bigla siyang huminto doon sa may basketball
game.

"Ryde? Is that you?" biglang huminto yung babaeng nagshoshoot ng bola sa ring.
Ampuchakels. Ang ganda niya! *u* Mukha siyang barbie doll.

">_>" yan lang ang tanging ginawa ni Ryde. Ang tumingin sa kanan niya. Sipain ko
kaya 'to? Tinatanong lang naman siya kung siya yan eh! Pwede namang sagutin ng
simpleng 'oo' o kaya 'Hindi. Hindi ako si Ryde. Ako si Doraemon.' I-shoot ko siya
sa ring eh -__-

"Grabe! Namiss kita!" at ang sunod ko nalang na nakita eh magkayakap na silang


dalawa. Wow. Tapos napatingin sa akin si Ms. Maganda. Ay, nahiya naman ang beauty
ko sa kanya >_<
"Uhm, Ryde. Who is she? Bakit mo siya kasama?" halata namang bothered yung babae.
Akala siguro kabit ako. Sus! Asa namang papatulan ko yang Ryde na yan! Yuck! Eew!
Kaderder lang ha!

At dahil nalunok ata ni Ryde yung dila niya at hindi makapagsalita, ako na ang
nagpakilala sa sarili ko. "Aeisha nga pala. Uhmm, classmate ako ni Ryde." tapos
ngumiti ako.

"Ryde?" Eh? Teka mali ba pronunciation ko ng Ryde? Bakit?

"Ha?" nabobo na talaga ako.

"Uhh wala. Nagtaka lang ako kung bakit Ryde ang tawag mo sa kanya." nagulat naman
ako dun sa sinabi niya. Teka, hindi kaya...

"Bakit? Hindi ba niya totoong pangalan ang Ryde? Joke joke lang?"

Narinig ko namang tumawa yung babae. Psh. Pinagloloko ata ako ng isang 'to eh!
Pasalamat siya maganda siya. -__-

"Ako lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Ryde sa school, bukod sa family and
relatives niya."
Now, I'm curious. Whos this pokemon huh?

*******************************************
[12] Chapter XI
*******************************************

"Ah ganun ba? Ha..ha.."

Sus! Ano namang masama kung Ryde din ang itawag ko sa kanya? Eh sa ayaw ko ng Jin
eh! Parang alak lang. Tapos yun din yung tawag sa kanya ng mga kaaway niyang mga
basagulero! Eh pag tinawag ko siya nun para akong basagulera. Duh? Eh di Ryde
nalang!

"Sige ha? Maiwan ka muna namin. Magdedate pa kami eh. Bye!" saka siya ngumiti ng
nakakapang-asar. Yung tipong parang gusto mo siyang sabunutan at putulin ang ulo
niya pagkatapos yu ang ishoshoot mo sa ring.

Tss. Anong feeling niya? Maganda siya? Oo nga maganda siya pero nakakainis siya!
Aish.

Iniwan nga nila ako dun at di man lang kumibo si Ryde. Nakaankla lang sa kanya yung
babaeng yun at nalunok niya na talaga siguro yung dila niya. Psh. Magsama silang
mga bwisit sa buhay! Bumaba ako gamit yung escalator. Uuwi nalang ako...

SHET WALA PALA AKONG DALANG PERA!!

Tatakbo sana ulit ako paakyat kaso nagdalawang-isip ako. Una, magmumukha akong
tanga kasi pababa yung takbo ng escalator tapos paakyat ako. Pangalawa, nahiya
naman ako sa kanilang dalawa at baka masira ko ang date nila. Pangato, low battery
na pala at cellphone ko at ngayong tinignan ko eh battery empty na. Pang-apat,
nakababa na ako.

ANONG GAGAWIN KO?!

Mamamalimos sana ako kaso narealize ko mall nga pala 'to. So no choice kundi
maglakad. T___T Bakit ba ang malas ko ngayong araw? Napagdesisyunan ko na sanang
maglakad kaso biglang may narinig akong boses sa likod ko.

"Aeisha!" at paglingo ko, parang nabigyan ako ng pag-asa.

"Daniel." grabe pangalan lang niya ang nabanggit ko sa sobrang saya. Makakauwi na
ako!

"Bakit ka andito sa SM? Di ba may klase ngayon?" ay shet, di pala niya alam yung
nangyari!

"Ah.. kasi ano.. pupunta sana akong Guidance office kasama yung classmate ko, kaso
nagcut siya kaya ayun.. napunta ako dito. Eh ikaw? May klase ka rin naman ah? Bakit
andito ka?" Huh! Kala niya di ko mapapansin ha?

"Ahh, inexcuse ako ni coach para bumili ng rackets. May tryout kasi ulit mamaya eh.
Bukas nga pala may practice." sosyal! Ang yaman ng club ha! Kanila ang mga raketa
at hindi sa school.

"Lika, kain muna tayo tapos sabay na tayong bumalik sa school."

At sobrang natuwa talaga ako nung sinabi niyang sabay kaming babalik sa school.
Thank you Lord! Pero biglang napawi yung kasiyahan ko nung nagsink in sa akin yung
sinabi niya. Kakain kami...

EH WALA NGA AKONG PERA T___T


Maya-maya lang eh nasa tapat na kami ng McDo. Naman eh, wala nga akong pera. Pano
ako kakain? Umupo nalang ako sa upuan at parang nabagsakan ng puno ng mangga yung
mukha ko. At tinanong ako ni Daniel kung anong problema ko. Nakakahiya man, eh
sinabi ko rin sa kanya ang nakakapagpabagabag kong problema. Ang wala akong pera.

"Hahaha don't worry. Treat ko." tapos ngumiti siya. At infairness, mala-toothpaste
commercial ang ngiti niya. Pwede. Ang gwapo pa niya. *u*

Siya na ang nag-order at naghintay nalang ako. Naalala ko naman bigla si Ryde tsaka
yung babaeng ang sarap ishoot sa ring. Nakuuuu! Nakakainis talaga sila! Iniwan lang
ako dun! Lagot talaga sa akin yung Ryde na yun pag nakita ko siya.

Maya-maya lang eh nasa harapan ko na siya dala yung pagkain namin. At nashock
talaga ako.

Ang konti kasi eh. Grabe. Sana dinagdagan nya pa. Two-piece chicken plus spaghetti
plus burger plus fries plus coke float plus sundae lang namanyung inorder niya.
Anong akala niya sa akin patay gutom?! At infairness, tinernuhan niya pa ako. Kasi
yun din yung order niya. Patay gutom rin kaya siya?

"Uhm, bakit.. parang andami ata? He..he.."

"Ahh, kasi di ko alam kung anong gusto mo eh. Ang layo mo naman para tanungin kita.
Sorry." sabay kamot niya sa batok niya. Ay jusme ang cute niya! Pinapatawad na
kita! *u*

Kumain lang kami at nagkwentuhan. Nalaman ko na mula pala first year siya eh nasa
Badminton Club na siya at consistent section 1 siya. Pero ngayon lang siya napunta
sa section 2 at sadya daw yun. Kasi nung enrollment eh section 1 talaga siya pero
nagpalipat siya dahil.. ewan ko. Ayaw niyang sabihin eh! Sayang tuloy, di ko siya
kaklase. T__T

"Hala! Natutunaw na yung sundae mo!" bigla kong naituro yung sundae niya na lawa na
yung ibabaw. Inuubos niya pa kasi yung burger niya. Uhmm, ubos ko na kasi yung
pagkain ko.. na akala ko eh hindi ko mauubos >___> patay gutom nga siguro ako.
Inuupakan ko nalang ngayon eh yung sundae ko. Sarap nga eh!

"Ah. hayaan mo na yan--"

"Ano ka ba, dapat di ka nagsasayang ng pagkain! Sayang naman 'to. Tsaka sayang yung
pera mo kaya dapat ubusin mo rin 'to. Aaaaahhh" kinuha ko yung sundae niya tsaka ko
isinubo sa kanya.

"Uhrrmm. Te.. tek...uuuuhhhhhmm.." sinubuan ko ulit siya ng isang kutsara.

Naubos niya na rin yung burger niya at etong sundae nalang talaga yung hindi.
Akalain niyo yun?! Parehas naming naubos lahat yun?! As in lahat? Grabe pala
sikmura namin.

Tsaka ko narealize.. ba..bakit ko nga ba siya sinusubuan?

Bigla kong inabot sa kanya yung sundae niya at saka napayuko sa sobrang hiya! Grabe
talaga! Bakit ko ba kasi siya sinubuan?! Sana pala sinubo ko nalang sa sarili ko
yung sundae niya >///<

"Hahaha. Ang cute mo." napatingala naman ako sa narinig ko.

"H..huh?" parang nabingi ako eh. Ano daw? Kulot ko? @_@

"Ngayon lang kasi ako nakaencounter ng babaeng hindi pinapansin ang figure niya
kapag kumakain. At pinipilit pa ang date niya na ubusin ang pagkain." tapos
pinakita na naman niya ang mala-toothpaste commercial niyang ngiti. Gagi! Ang pogi
niya talaga!

At saka lang nagsink-in yung sinabi niya...

"DATE?!" napahawak ako sa bibig kong ubod ng ingay dahil napasigaw ako. At kamusta
naman ang mga kalapit-table namin, nakatingin na sa amin? Naman kasi Aeisha!
"Hahaha. I mean, friendly date. So, tara na?" PHEW! Akala ko.. ang bait niya naman!
Winner na winner talaga 'tong si Daniel eh.

"Ahh.. haha...friendly date. He..he.."

After nung nakakahiyang eksenang yun eh umalis na kami sa McDo. Actually tatlong
hakbang nalang eh nasa exit na kami. Kaso bigla naming nakasalubong sila Ryde. At
yung babaeng hanggang ngayon eh nakaankla pa rin sa braso ni Ryde. Psh, pasosyal.

"Oh, ikaw pala Daniel. Kasama mo pala si.. what's your name again?" sabay ngiti ng
pandemonyita. Naku! Wag niyo kong pipigilan pag nilambitinan ko buhok ng unggoy na
'to! Ishoshoot ko talaga siya sa ring eh!

Pero bigla ko namang nakita yung mukha ni Daniel na parang galit na galit.
Te..teka.. Napaatras tuloy ako dahil natakot ako bigla sa kanya. >_<

"Let's go Aeisha." bigla niya akong hinatak palabas ng mall. Pero tumingin muna
ulit ako kila Ryde. At kamusta naman, nakatingin lang siya sa kanan. Wala ba siyang
irereact?! Pero nagulat ako nung..

tumingin siya sa akin.

***********************************************************************************
**********************
COMMENTS? :DDD

*******************************************
[13] Chapter XII
*******************************************
Napatalikod ako ng di oras. Yikes! Bakit siya tumingin?! Kinabahan tuloy ako ng
bonggang-bonggang to the max! Whooo!

Actually ngayon ko lang napansin na hawak-hawak pa rin pala ni Daniel yung wrist ko
at ewan ko ba pero parang kinikilig ako na namomongoloid dahil dun. Ang bilis nya
nga maglakad eh! Ang lalaki pa ng hakbang niya, para rin siyang tipaklong! Aish
bakit ba kasi ang tatangkad ng mga lalaking 'to?

Pumara siya ng jeep at sa unahan kami sumakay. Gustung-gusto kong sumasakay dito.
Kaming dalawa ni Yem, gusto naming sumasakay either sa unahan ng jeep o kaya sa
pinakadulo ng jeep. Wala lang. Yun ang mga pinakamagandang spot sa isang jeep eh.
Di ba?

Pero infairness, nakakatakot pala magalit si Daniel! Parang kakain ng buhay! Pero
in all fairness din, mas lalo siyang gumagwapo pag galit. Ang galing lang *u*
Binitawan na niya rin yung wrist ko dahil napansin niya atang nakahawak pa rin
siya. Oh well. >_>

At dahil tsismosang palaka ako, nagbalak akong magtanong sa kanya pagkatapos niyang
magbayad para sa aming dalawa.

"Uhmm, Da..daniel.. K..kung okay lang magtanong ha.. uhmm, ano mo si.. yung ano.."
ay shemay! Nakalimutan ko yung pangalan nung babaeng yun! Tsk. Siguro ganun talaga
yun no? Pag ayaw mo sa isang tao, madali mong nakakalimutan yung pangalan niya? Ano
nga ulit pangalan ni Ryde?

HAHAHA! Okay enough with Ryde. Bwisit din yung isang yun eh.

"Si Serene?" napabuntung-hininga naman siya.

"Ah oo! Yun nga! Siya nga!" napatakip naman ako sa bibig ko dahil nagsisimula na
naman akong umingay.

Ngumiti siya. Pero yung ngiting malungkot. "May kapatid kasi ako. Mas matanda lang
sakin ng one year." Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsimulang magkuwento. At
nagulat rin ako nung nakita kong nakikinig pala sa amin si manong driver. Tsismoso
lang kuya? Tinignan ko nga ng masama. Baka mamaya mabangga kami kakakinig niya sa
amin. -__-

Syempre ako, nakikinig lang. Masaya na rin ako (na kinikilig. Ahihihi! Landi ko.)
dahil at least, nag-oopen up siya sa akin.

"Si kuya..." halos pigil na yung hininga ko dahil pakiramdam ko eh sobrang intense
na ng susunod niyang sasabihin. "...naging girlfriend niya si Serene."

"WHAT?!" napanganga nalang talaga ako. AKALAI NIYO YUN?! May nagkakagusto pala sa
ganung klaseng babae?!

"Yeah. Di ko nga rin alam kung anong nakita ni kuya sa babaeng yun. Alam ko naman
dati pa na niloloko lang siya ni Serene. Well ganun talaga siguro. He's blinded by
love. At ang masaklap pa, nung nakipagbreak si Serene kay kuya, ang sinabing reason
ni Serene ay dahil daw may gusto siya sa akin. Lame, right? Kaya kumukulo talaga
yung dugo ko sa Serene na yun. Pinaglalaruan niya lang si kuya, dinamay pa ako."

Halos manghina talaga ako sa mga nalaman ko. Ang b*tch naman pala ng Serene na yun!
Dapat pala nung nasa Quantum palang kami eh hinagis ko na siya sa ring para naman
nakaganti man lang ako sa kanya! Ugggghhhh!

Kung may love meter ako para kay Daniel (okay nagmamalandi na naman ako), eh may
hate meter rin ako para sa bruhang Serene na yun. At nasa maximum level na yun.
Bwisit talaga yung babaeng yun. First time ko palang siya nakita kanina pero parang
ang tagal-tagal ko ng naiinis sa kanya.

"Manong para po."

Di ko naman namalayan na nasa school na pala kami. At anak ng peste lang talaga,
kinakabahan ako. T__T Bwisit kasi na Ryde yun eh! Bakit ba kasi ako sumama sa
kanya?! Lagot talaga ako sa guidance counselor namin. Huhuhu.

"Teka, diba pupunta ka sa guidance?" HUHUHU TALAGANG PINAALALA NIYA PA. ANG SAKLAP
NA NGA NG KAPALARAN KO EH.

"Oo T__T" at ang nakakainis lang, tinawanan pa ako! Leche 'to ah? "Sige lang
pagtawanan mo pa ako."
"Hahaha, sorry. Natawa lang ako sa itsura mo. Para kang namatayan eh. Cheer up! Di
naman siguro magagalit sayo si Ma'am pag sinabi mo yung totoo. And.. ihahatid
nalang kita dun. Tara?"

Kinagat ko nalang yung dila ko para hindi ako mapangiti sa sobrang saya (kilig)
dahil sa sinabi niya. ANO BA DANIEL, TAMA NA KASI. :''>

At syempre, tinotoo naman niya yung sinabi niya. Hinatid niya ako hanggang sa
pintuan ng guidance. Nagpaalam lang siya sa akin tapos dumiretso na siya kay Coach.
At ako naman, dahan-dahang binuksan yung pinto sa guidance. At saktong pagbukas
ko...

Nakita ko si Ryde sa loob.

Te..teka..

PANO SIYA NAPUNTA DITO? NAUNA KAMI SA KANILA AH?

"Oh, what are you doing here Ms. Bernardino?" Eh? Bakit niya ako tinatanong?
"Uhm. Pinapunta po kami dito ni Sir." naupo naman ako dun sa sofa na inuupuan rin
ni Ryde. Pero syempre may kaunting space sa pagitan namin. Kaunti lang naman.

"Ms. Bernardino, Mr. Montalbo, magkagalit ba kayo? Bakit pareho kayong nasa
magkabilang dulo?" at kamusta naman, tinawanan pa talaga kami ni Ma'am.

Ngumiti nalang ako kay Ma'am. Naman eh, ayaw ko talaga dito. Huhuhu.

"Ah Ms. Bernardino, tumayo ka na nga pala dyan at bumalik ka na sa room niyo."

"Eh? Bakit po? Di ba may parusa pa po kami?"

Inayos naman ni Ma'am yung salamin niya na medyo bumababa na. "Siya lang. Hindi ka
kasama." tsaka niya itinuro si Ryde.

"Ha? Teka parehas po kaming may kasalanan ah. Bakit po---"

"Inamin na sa akin ni Ryde lahat kaya okay ka na, sige na bumalik ka na sa room
niyo. Or else, gusto mo talagang maparusahan."

Tinignan ko naman si Ryde. Ayun. Nagkakalikot lang sa phone niya na parang walang
nangyari. Bakit niya kaya ginawa yun?

Hindi ko alam kung tatayo ba ako para bumalik sa room o uupo nalang ako para
maparusahan. Pero tumayo na rin ako kahit mabigat sa loob ko. Pagkalabas ko ng
guidance eh parang gusto ko ulit pumasok. Parang nakokonsensya ako.

Bigla namang pumasok sa isip ko.. ano kayang nakain ni Ryde at inako niya yung
kasalanan naming dalawa? O baka nakonsensya lang siya sa ginawa niyang pag-iwan sa
akin sa mall?

Pero kahit ano pa mang dahilan niya.. aaminin ko... may tinatago rin pala siyang
kabaitan..
at napangiti niya ako dahil doon. :)

***********************************************************************************
********************

COMMENTS? HA? =)))))

*******************************************
[14] Chapter XIII
*******************************************

"Hoy bruha ka! Ansabe naman ng pagpunta mo sa Guidance office? Hanggang 4 ka dun?
Hanggang 4? Grabe 'to! Nagcut ka lang eh! Ni hindi mo man---"

Tinakpan ko yug bibig ni Yem dahil wala na namang tigil yung pagsasalita niya (at
panenermon sa akin). Actually, uwian na. Ni wala man lang akong napasukan na class
after napalabas kami sa classroom. Grabe nakakahiya >_<

"Umuwi na tayo Yem, ikukwento ko nalang sayo sa bahay." kinuha ko yung bag ko at
nagsimula na kaming maglakad palabas ng room.

Kaso pagkalabas na pagkalabas namin ng room, eh papasok naman si Ryde. At alam


niyo yung salitang "awkward"? Feel kong idescribe ang atmosphere ngayon ng salitang
yan.

At ang nakakainis pa, ayaw makisama ng paa ko! Kakanan ako, kakanan din siya.
Kakaliwa siya, kakaliwa din ako. Bobo ng paa ko eh, di tuloy ako makalabas sa room!

"Uhhhh..." mukhang nakaramdam naman siya na para kaming nagpapatintero sa pintuan


kaya gumilid muna siya at pinalabas muna ako. Nung pumasok na siya, di ko alam kung
anong pumasok sa isip ko na tumigil at tignan yung likuran niya.

"THANK YOU!!!"
Para lang akong timang dahil sumigaw ako kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa
kanya yung two-word phrase na yun. >//< Nakakahiya talaga! Buti nalang nahatak ko
na si Yem paalis sa room bago pa man lumingon yung Ryde na yun!

"HAHAHAHA! Para kang kumain ng sili! Hahaha!"

"Tsk. Wag mo na ngang ipaalala! Nahihiya ako sa katimangan ko eh!" tinakip ko


nalang yung backpack ko sa mukha ko. Nakasakay na nga pala kami ng jeep agad-agad
matapos ko siyang hatakin at tumakbo palayo sa school.

"Pero alam mo.. ayiiiiieeee! Kinikilig ako sa inyong dalawa! Parang.. parang may
something.. yung.. parang destiny.. alam mo yun.. tap--"

"Nagthank you lang, destiny na agad? Corny mo Yem ha." tinry ko nalang na wag
lagyan ng expression yung mukha ko.

"Anong thank you LANG? Lang-langin kita dyan eh! Sabay LANG naman kayong umalis ng
room. Sabay LANG din naman kayong umalis ng school. At ngayon, may pathank you
thank you ka LANG na sinabi. Yun LANG naman eh. Sus!" alam ko inaasar na niya ako
dahil sa todo emphasize niya sa "LANG" na word. Kulang nalang talaga ipamukha niya
sa akin na hindi ko alam ang ibig sabihin ng "LANG" .

Pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay eh halos mapatakbo kami sa takot dahil sa image


na nakita namin sa pinto.

"LOLA NAMAN! BAKIT KA ANDYAN! GRABE AKALA KO KUNG ANONG ENGKANTO NA YUNG DUMALAW SA
BAHAY!" sabay napasign of the cross pa si Yem sa sobrang takot.

Ako naman eh talagang nangatog yung tuhod ko. Grabe talaga! Feeling ko nga muntik
pa akong mahimatay nung mga oras na yun eh.

"Ay mga apo.. hinihintay ko lamang kayo.."

Eh sino ba namang hindi matatakot? Naka-puting bestida si lola na sa sobrang haba


eh hindi na makita yung paa niya. Idagdag mo pa na nakalugay yung buhok niya na
sobrang haba at tumingin siya sa direksyon namin nung papalapit na kami kanina sa
bahay.

Sino ba namang hindi matatakot kung yung mata ni lola eh mulat na mulat pa at
talagang nakatingin sa amin, expressionless. Kaya ang unang pumasok sa isip namin
eh tumakbo papalayo. Pero narealize namin na si lola yun nung sumigaw siya ng
"Mga apo.. kayo ba yan?"

Promise. Akala ko mabubuang na ako kanina. Buti nalang hindi talaga multo. >_<

Tawa naman ng tawa sa amin si lola nung kinwento namin sa kanya kung bakit kami
tumakbo palayo sa kanya kanina. At nalaman naming kakaligo niya lang pala nung mga
oras na yun kaya nakalugay yung buhok niya. Then hinihintay niya rin pala kaming
umuwi para sabay-sabay na kaming makakain.

"Lola, pag po maghihintay kayo sa amin sa labas ng bahay, pwedeng wag niyong isuot
yung bestida nyong yun? Tumataas talaga mga balahibo ko pag nakikita kitang suot
yun eh." Ewan ko kung matatawa o maaawa ako kay Yem dahil sa itsura ng mukha niya
eh. Hahaha! Parang iiyak na natatakot na ewan!

Pagkatapos naming kumain eh nagkwentuhan lang kaming tatlo sa nangyari sa akin


kanina. At syempre may kasamag kasinungalingan yung kinuwento ni Yem kay lola.
Baliw talaga yun kahit kelan! Tulad nalang nung sinabi niyang..

"Ay naku lola! Nung nagkita sila kanina sa classroom, nakita ko.. kitang kita ng
dalawang precious eyes ko na nagtitigan sila.. alam niyo yung.. may passion.. may
love.. tapos hinawakan ni prince charming yung kamay ni PAULINE.. tapos etong si
Pauline.. nagthank you dahil niligtas siya ng prince charming niya.. at eto namang
si prince charming.. hinawakan sa chin si Pauline at sinabing.. gagawin ko lahat
para di ka mapahamak.." at nakita kong paniwalang-paniwala si lola sa mga sinasabi
niya. "at alam mo na ang sumunod na pangyayari lola. Hawak-hawak ni prince charming
yung chin ni Pauline tapos si Pauline hinawakan niya yung pisngi ni prince
charming.. at naglapat ang kanilang mga labi..."

"Ayyyyyy!!!!" di ko alam kung kinilig ba si lola o sumakit lang yung balakang dahil
napatalon siya sa sinabi ni Yem.

At di ko rin alam kung anong meron ang utak ko at parang nangyayari sa ulo ko kung
ano mang kinukwento ni Yem. Yung nagki--- AISH! NAVERMIND.

"Ay nako Yem, pwede ka ng fiction writer! Grabe galing! Sisikat ka dun promise!"
sarcasm overload.
"Talaga? Oh My God. Sige gagawan ko kayo ng mas intimate na story ng prince
charming mo.. Hihihi! Lola! Tulungan mo akong mag-isip ng mga nakakakilig na scenes
ha?"

Napahawak nalang ako sa noo ko nung nagkwentuhan pa lalo yung dalawa tungkol sa
akin.. at sa prince charming ko daw. Sumasakit ang ulo ko sa kanila promise. At ang
malala pa, nilalakasan talaga nila yung pagkukwentuhan para marinig ko. May sayad
na talaga yun si Yem eh! At isa pa.. hindi ko rin alam kung bakit prince charming
ang tawag niya kay Ryde.

YUCK.

Di bagay. Naiimagine ko siyang nakasuot ng pamprinsipeng costume.

YUCKY TALAGA EH.

KADIRI.

DI BAGAY!

"AT AYUN NGA LOLA! KINISS NI PRINCE CHARMING YUNG NOO NI PAULINE.. TAPOS PABABA SA
TUNGKI NG ILONG.. TAPOS SA PISNGI.. TAPOS SA.."

"SA LIPS! UUUYYY GRABE APO! NAKAKAKILIG PALA TALAGA SILA ANO? AY NAALALA KO TULOY
ANG KADALAGAHAN KO NOON!"

Humiga nalang ako sa kama at tinakpan ko yung mukha ko ng unan kahit alam kong non-
sense din dahil sa sobrang lakas ng boses nila. Basta ang alam ko nalang, nakatulog
ako sa sobrang pagod sa pakikinig sa pagkukwentuhan nila...
at napanaginipan ko lahat ng pinagsasabi ni Yem.

*******************************************
[15] Chapter XIV
*******************************************
Binago ko nga pala yung ibang imaginary characters. Hahaha :> View nyo nalang yung
previous chaps if you want :>

-----------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------

"Ano? Ganun ba? O sige, may practice rin kami eh. Kita nalang tayo sa bahay. Oo.
Sige sige. Babush!" binaba ko na yung cellphone ko pagkatapos tumawag ni Yem. Di
kami sabay umuwi dahil may practice sila sa choir tapos kami rin may practice sa
badminton. In fairness ha? Ang yaman ni Yem, kung makatawag ng five minutes eh
wagas! Eh di siya na may load!

Pumunta na ako sa gym para makasali sa practice. Pero dumiretso muna ako sa locker
room para magpalit ng training uniform. Shorts tsaka t-shirt yung uniform namin.
Ang cute nga eh! Lumabas naman na ako agad para makapagpractice na rin.

"Aiesha, eto oh."

"Who-aaa!" tapos ngumiti lang siya sa akin.

May pagka-adik rin pala 'tong si Daniel eh no? Ibato raw ba sa akin ang raketa?
Buti nasalo ko. Kaso muntik na akong ma-out of balance dun ha! >_<
Pumunta ako dun sa court at nakita ko na yung ilan eh nagpapractice na. Paglingon
ko sa kaliwa ko, katabi ko na pala si Coach. May lahi ata siyang kabute eh?

"Aeisha, alam kong bago ka palang pero alam ko rin namang kaya mo nang
makipagsabayan kay Daniel." napanganga nalang ako dun. Ako? Makikipagsabayan kay
Daniel? Ay santisimo naman! Kadugaan na yan!

"Pero coach, ano.. baka po kasi.."

"Kaya mo yan. Para naman may maidagdag ako sa pwedeng ipanlaban sa labas." tsaka
niya hinawakan yung balikat ko para i-cheer ako. Haaay. May magagawa pa ba ako?
Duga nicoach, nginitian ako. Di tuloy ako nakatanggi. -__-

Nilapitan ako ni Daniel at tinuro niya kung saan ako pupwesto. In fairness, di ba
siya napapagod ngumiti? Parang sa tuwing makikita ko siya eh lagi siyang naka-
smile. Di kaya nakaprogram na yun sa kanya?

"Game!"

Tinira niya yung shuttlecock papunta sa akin, at syempre ibinalik ko rin sa kanya.
Hindi ko nga alam kung magaling ba talaga ako oh binababaan lang ni Daniel yung
level niya kasi nagsisimula na naman kaming magrally. At ang nakakainis pa,
pinagtitinginan kami ng mmga teammates namin. Ay? Tsismosa? Tsismosa?

Nung nangawit na talaga ako at di ko na kayang itira sa kanya pabalik yung bola eh
napaupo agad ako. Phew! Grabe namang training 'to! Wala man lang warm-up! Sinabak
agad ako sa team captain! Sadista ba si coach? T_T

"Uy anong nangyari sa'yo? Okay ka lang?" nagulat naman ako nung nasa harapan ko na
pala si Daniel. Te..teka, pano siya nakapunta dito? Andun lang siya ka..nina ah?

"Ah.. ha.ha.. oo.. napagod lang." tsaka ko hinawakan yung braso ko na sobrang
nangawit dahil sa walang hiyang rally na yan! Sa susunod nga di ko na titirahin
yung shuttlecock para di nakakapagod!

"Actually, ang galing mo nga eh. Congrats! I think you will be joining our official
team." nagulat ako nung inabot niya yung kamay ko at nakipagshake-hands sa akin.
Pero anong sabi niya? Ako? Sa official team?

Weh?

After nung nakakapagod na practice namin eh agad-agad akong nagpalit sa locker


room. Actually, ako na ata yung huli dahil nagpahinga muna ako ng fifteen minutes
dahil sobrang napagod talaga ako. Yung iba nga nakauwi na eh. Pero nakakapagod
talaga eh, sobra! Kadiri nga yung uniform ko, basang-basa ng pawis! Lalabhan ko
nalang mamaya pag-uwi sa bahay. Ang sakit talaga ng katawan ko eh. Pakiramdam ko eh
parang shuttlecock yung katawan ko sa sobrang lamog. Ang sakit!

"Aeisha!"

"Ay lamog ka!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Walanghiyang Daniel yun! Bigla ba


namang humawak sa balikat ko?! Eh kasi naman! Mag-isa lang ako dito sa locker room
tapos biglang may papatong na kamay sa balikot mo... SINONG DI MATATAKOT DUN?!
Malay ko ba kung multo na pala yun? T_T

"So..sorry. Nagulat ba kita?" kita naman sa mukha niya na nagsisisi siya sa ginawa
niya. Pero ang sarap niya sanang sagutin ng.. 'Ay hindi! Hindi talaga ako nagulat.
Natuwa lang ako kasi hindi mo ako nagulat. Hahaha.' kaso wag na kasi baka suntukin
niya ako eh. Nginitian ko nalang siya at di na sumagot.

"Teka, may kasabay ka ba? Hatid na kaya kita? Madilim na sa labas eh."

OMG. OMG LANG TALAGA.

ALAM NIYO YUNG FEELING NA GUSTO KONG TUMALON NGAYON AT SABIHIN SA KANYANG "YES!
YES! SIGE IHATID MO AKO!DALI!" KASO NAUNAHAN AKO NG KILIG? ALAM NIYO YUNG FEELING
NA YUN? Kung hindi, ay pakamatay ka na.

Pero di ko alam sa bibig ko at iba ang sinabi ko.

"Ahh hindi na, kasabay ko naman yung bestfriend ko eh. Sige! Kita nalang bukas!
Bye!" tumakbo na ako palabas ng locker room at palabas ng gym dahil sobrang lakas
ng tibok ng puso ko. Eh pusa naman kasi kinikilig talaga ako! >///< Kaso sayang
talaga eh! Ang pakipot ko pa! Yun na yun eh! Ihahatid na ako eh! At isa pa, wala
naman talaga akong sumabay. Kakatext lang ni Yem na nakauwi na daw siya.

Oh well, eh di umuwing mag-isa! Nahihiya naman kasi ako kay Daniel kung
magpapahatid pa ako di ba? I mean, eh di siya naman ang gagabihin sa pag-uwi? Eh
ang alam ko opposite way yung inuuwian namin eh. (Hindi ako stalker, siya mismo
nagsabi sa akin nyan! At hep! Di ako defensive, kala niyo ha? Nag-eexplain lang.)

Pumara agad ako ng jeep dahil gusto ko na rin talagang umuwi at matulog dahil
inaantok na ako plus masakit pa buong katawan ko. Combo di ba? Syempre dun ako sa
may dulo para presko at madaling bumaba. Nagbayad ako at sumandal muna saglit.
"Oy.."

"Gising.."

"Tsk.."

"Naman."

Di ko alam kung nananaginip ba ako pero feeling ko eh lumulutang ako. Bakit ganun?
Di kaya may super powers ako? Pakiramdam ko talaga lumulutang ako eh.

Minulat ko yung mata ko at...


"Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" nanlaki talaga yung mata ko sa nakikita ko
ngayon. What.. What.. the.. WHATIS THE MEANING OF THIS?!

"Tsk. Wag ka ngang maingay!"

"I-ibaba mo ko! A..ano ba!" gusto ko sanang magpumiglas kaso baka ilaglag niya ako
eh! Lechugas naman oh! Pano ako napunta dito eh nakaupo lang ako kanina sa jeep
ah?! Teka.. di..di kaya.. KINIDNAP NIYA AKO?

Bakit niya ba ako karga-karga?!

"Kidnapper ka ba?! Kung kikidapin mo ko, wag mo nang ituloy! Walang panransom si
Yem! Maawa ka sa kanya! Di ako anak-mayaman no! AT tsak---"

"Mukha ba akong kidnapper?" huminto siya saglit tapos bigla niya akong tinignan sa
mata. "Sino ba kasing baliw ang natulog sa balikat ko sa jeep kaya di ako makababa?
Pasalamat ka nga di kita iniwan dun. Tsk." saka niya ako binaba. Nakatulala lang
ako sa kanya. Ano bang.. sinasabi niya? "Bayad na ako sa utang na loob ko sa'yo.
Okay?" tumalikod siya sa akin at saka nagsimulang maglakad papalayo.

Ginawa niya yun?

Bobo niya pala eh, bakit di niya nalang ako binatukan kanina sa jeep para magising
ako?
Di ko maimagine.. bi..binuhat niya ako pababa ng jeep?

Tapos.. maraming pasahero..

tapos baka nakita nila..

tapos baka kung anong inisip nila..

tapos baka may schoolmate kami dun..

tapos..

tapos...

Waaaaaahhhh!!! >/////<

AYOKO NANG MAG-ISIP! LECHENG RYDE YUN!

BOBO SIYA! BOBO!!

*******************************************
[16] Chapter XV
*******************************************

"Apo, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan ah?"

"Naku hayaan niyo na yan lola, baka nakakita ng totoong white lady."

Nakatulala lang ako hanggang ngayon. Hindi ko talaga lubos maisip na siya.. eh..
ginawa yun. Ang labo lang talaga eh. Baka nga siguro tulog mantika lang ako at di
ako magising? Tama. Walang meaning yun. Tama. Tama.

Hindi ako masyadong nakatulog nung gabing yun sa kadahilanang nababaliw na ata ako
kakaisip kung bakit niya ginawa yun. Ang kulit ng utak ko eh. Kung anu-anong pinag-
iisip. Kaya ayun, umaga na ako nakatulog.
Tumakbo na kami ni Yem pagkababa namin ng jeep dahil malelate na naman kami. Buti
nalang at close namin si Budoy kaya di kami pinagsarhan ng gate. Phew!

Nakarating kami sa klase namin kaso andun na yung teacher namin sa MAPEH. Tuwing
thursday kasi, PE namin kaya lahat kaming fourth year eh naka-PE uniform. Nag-
excuse nalang kami at saka pumasok sa klase niya. Ewan ko ba pero medyo nailang
talaga ako sa pwesto ko ngayon. Bakit ba kasi nasa likod ko si Ryde?

"Class, sa field tayo ngayon. Kasama niyo ang section 2 at 3. Sige na. Move!"
nakakatuwa talagang teacher 'tong si Sir Bryan eh. Ang lively niya kasing magturo
at mag-instruct. Kaya favorite ko 'tog PE class eh!

Pagkababa namin ni Yem ng gamit namin sa upuan namin eh agad kaming bumaba sa
field. At nakakatuwa lang dahil magkakasama lahat ng seniors. At kapag sinuswerte
ka nga naman oh, kinawayan ako ni Daniel. Syempre kinawayan ko rin siya with
matching beautiful eyes.

"Ang landi naman ng kaway mo!" bigla akong siniko ni Yem dahil napansin niyang
kinakawayan ko si Daniel.

"Tse! Inggit ka lang." syempre finlip ko yung buhok ko para may effects.

Pinapila kami ni Sir according sa sections namin. Nga pala, dahil absent yung
teacher nung dalawang section, si Sir ang assigned para sa lahat ng fourth year.
Tatlo kasi yung PE instructor ng school kaso may pinuntahan atang seminar yung
dalawa, kaya ayun.. si Sir ang maghahandle sa lahat.

"Okay class, rinig niyo ba ako?"


"Yes sir!" sinagot namin si Sir na sobrang buo yung boses nung sumigaw. Ang macho
pala ng boses ni Sir!

"Ngayon, magkakaroon tayo ng contest. By section ang labanan." pagkasabing-


pagkasabi nun ni sir eh agad nagbulungan yung iba. "Takbuhan lang ito. Five girls
and five boys each section. Iaapply lang natin ang diniscuss namin sa inyo last
week, yung speed and agility. Tatakbuhin niyo yung buong oval and then pag
nakarating ulit kayo sa pwesto niyo, tapikin lang yung next member and repeat. Two
rounds. Ang siyang pinakamabilis na team, may plus sa practical exam."

Ewan ko kung tama ba ang nakikita ko pero ang competitive ng bawat section. Yung
class president namin eh nag-assign na ng mga tatakbo para sa first round and
second round. Syempre si Yem, di pwedeng sumali dahil may hika yan. Ako naman, na-
assign sa second round kaya umupo muna ako dun sa damuhan habang iniinstruct ni sir
yung mga tatakbo sa first round.

"Tatakbo ka rin?" napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita kong katabi ko na


pala si Daniel.

"Ah oo. Second round." hindi ko alam pero nagsimula na akong magbunot ng damo.
Anong nangyayari sa akin? Bigla-bigla nalang akong nagbubunot ng damo.

"Wow really? Cool. Ako rin sa next round tatakbo." Nakiupo na rin siya sa tabi ko
napalunok nalang ako. Lord, wag namang ganito. Baka manghina tuhod ko mamaya at di
na ako makatakbo ng maayos!

Nakaupo lang kami dun at ni walang nagsasalita sa amin. Alam ko ang awkward nito
pero hindi ko feel na ganun nga yun. Para kasing comfortable ako kahit di kami nag-
uusap. Yung tipong ganun? Basta!

Kaso biglang nasira yung moment nung may umepal sa amin.

"Hey Daniel!" tumayo siya sa harapan namin at nakangiti lang. Pag tinignan mo lang
siya, para siyang anghel eh. Pero kung kilala mo siya? Ay naku, malala pa sa
demonyo ang ugali. Ako nga eh sa mall ko lang siya nakita pero halos isumpa ko na
siya nung mga panahong yun. Paano pa kaya yung mga kaklase niyang lihim na may
galit sa kanya?
"Pwede bang patali nung sintas ko? Natanggal eh." nagkatinginan kami ni Daniel at
kita ko sa mukha niya na naaasar na naman siya. Eh sino ba kasing hindi maaasar eh
ang kapal ng mukha niya? Pwede naman kasi siyang yumuko at siya nalang ang magtali.
Aba at inutusan pa si Daniel? Alalay?

"Eh di itali mo. Tara na nga Aeisha." nagulat ako sa sinabi ni Daniel. Grabe bilib
rin ako sa kanya. Pinahiya niya si Serene sa harapan ko. Cool. Pero mas nagulat ako
nung hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako patayo.

"Ugh!!" narinig ko yung pagpadyak ni Serene sa lupa at gusto ko sanang makita yung
mukha niya kaso di na ako lumingon dahil baka ibato niya sa akin yung sapatos niya.

Kaso ang pinakanakakagulat eh yung bigla siyang lumitaw sa harapan naming dalawa.

Hindi ko alam pero parang naguilty ako nung naramdaman kong magkahawak pala kami ng
kamay ni Daniel kaya napabitaw agad ako. At ang di ko maintindihan eh nagtititigan
silang dalawa. Di kaya may lihim silang relasyon at nahuli niya si Daniel na parang
nagtataksil?

Eeewww. Bromance? Yuck! Di ko maimagine!


"Sorry pero magsisimula na yung second round kaya kailangan niya nang pumila doon."
nakaharap siya kay Daniel at nabigla ako nung hinawakan niya ako sa braso at sinama
sa kanya. Di naman niya ako kinakaladkad pero ang bilis ng lakad niya kaya halos
ang lalaki nung hakbang ko para lang di ako madapa.

"Sige Aeisha! Mamaya nalang ulit!" yun nalang ang narinig kong isinigaw ni Daniel
bago ako napunta sa pila.

Wala na pala akong kaalam-alam sa race. Nalaman ko sa class president namin na


leading yung section 2, section nila Daniel at Serene, with 12 minutes and 43
seconds. Sunod kami na halos katiting lang ang pagitan, 13 minutes and 7 seconds.
Then last yung section 3 na fourteen minutes and 12 seconds.

Ako yung pangalawa sa huli dahil ako daw ang pinakamabilis tumakbo sa mga babae
ayon sa class president namin. At si Ryde yung pinakahuling tatakbo. Well, siya ang
pag-asa namin kaya dapat galingan niya, dahil kung hindi, sisipain ko talaga siya!
Sayang rin yung plus points para sa practical no.

"Tatalunin ko silang lahat." yun ang huling narinig ko kay Ryde bago sumigaw si sir
ng 'GO!'. Di ko alam pero... kinilabutan ako.

*******************************************
[17] Chapter XVI
*******************************************
"Grabe Poleng! Ang galing mo ha! Ang bilis mo tumakbo! Pwede ka na sa karera ng
kabayo!" sabay tapik sa akin ni Yem sa likuran ko.

"Okay na sana Yem eh. Kaso kadiri yung Poleng." Nickname niya sa akin dati yung
Poleng nung elementary pa kami. Kaso syempre, naging maarte ako kaya di ko na gusto
yung nickname na yun.

"Pero amazing talaga kayong dalawa ni Ryde eh.Sobrang bilis niyo tumakbo! Sabihin
mo nga sa akin, sa kabayo ka ba pinaglihi? Grabe talaga eh."

Andito pala kami ngayon sa CR at nagpapalit ako ng damit dahil sobrang pawis yung
PE uniform ko. Buti nalang talaga at may baon akong extrang t-shirt.

Nanalo kami sa race. Akala ko nga matatalo kami eh, kasi sobrang close ng laban
namin with section 2. Nung turn na kasi ni Mike, yung kaklase ko na tumakbo before
sa akin, eh nakasabay na kami sa section 2 kaya kaming dalawa nalang ni Ryde ang
makakapagpanalo sa section namin. Inisip ko nalang na kapag naunahan ko si Lyn,
yung katapat ko sa section 2, eh matutuwa yung mga classmates ko kaya talagang
binilisan ko yung pagtakbo. Nilagay ko na lahat ng energy ko sa pagtakbo sa buong
oval at nagawa ko namang unahan siya.. pero in a span of 2 seconds lang. Kaya nung
pagkatapik na pagkatapik ko kay Ryde eh halos nagsigawan na kaming lahat at
nagwiwish na sana mauna siya sa kalaban niya...
Si Daniel.

Makapigil-hininga talaga yung moment na yun dahil halos sabay lang silang
tumatakbo, pero nung malapit na silang matapos eh biglang binilisan ni Ryde yung
takbo niya na siyang ikinapanalo namin.

Nakakatuwa nga dahil kinongrats kaming dalawa ni Ryde ng classmates namin dahil
kami daw ang nagpapanalo sa section namin. Ang sarap lang sa pakiramdam na dahil sa
akin, dahil sa amin, may plus kami sa practical exam.
"Nagutom ako sa pagsigaw sa bawat pangalan niyo ha! In fairness naman sa akin.
Goodluck nalang sa boses ko bukas. Lagot ako sa practice namin." medyo malat na nga
si Yem at alam kong nagpapanic na siya dahil di siya pwedeng mamalat at may
practice pa sila. Gagawan ko nalang siya mamaya ng salabat. Well, mabait kaya akong
bestfriend!

After ng makapigil-hiningang takbuhan at nnung nakapagpalit na kami, dumiretso na


kaming lahat sa classroom. Nakakapagod talaga pero worth it naman. Nag-enjoy ako
kahit tumakbo lang kami. Kaya idol na idol ko 'tong si Sir eh. Nagagawa niyang
exciting yung mga activities kahit yung simpleng takbuhan lang.

Free time nga pala namin ngayon. Wala kasi yung calculus teacher namin at halos
magtalunan kaming lahat nung sinabi yun nung teacher sa kabilang section. Eh sino
ba naman kasing magkakagusto sa calculus kung yung teacher niyo eh parang matandang
dragon kung magturo? Oo as in. Yung lumalaki yung butas ng ilong niya pag nagagalit
kapag may hindi nakaintindi ng nilesson niya. Katakot kaya. Kaya para kaming mga
baliw nung nalaman naming absent siya. Yung iba pa ngang lalaki eh sumayaw-sayaw
dun sa gitna at 'oh yeah' ng 'oh yeah' eh. Tinawanan ko nalang sila.

Bigla naman akong kinalabit ni Yem at tinaas niya yung notebook niyang may sulat;

Wag mo muna akong dadaldalin ha? Wala na akong boses :'(

Ewan ko ba pero natawa talaga ako sa nakasulat. HAHAHA para kasing pag dinaldal ko
siya eh parang matetempt siyang daldalin din ako. Adik talaga neto kahit kailan!
Kaya ako eh tumango nalang at nanahimik sa tabi niya. Pero halos mapatalon ako sa
gulat nung biglang may sumipa sa upuan ko. Alam niyo yung feeling na para kang
nalaglag sa bangin dahil sa gulat?! Anak ng tilapia!

Tumingin ako sa likod at nakita ko yung kaisa-isang taong pwedeng gumawa nun. At
aba? Painosente effect pa ang mokong? Nakaside view at nakatingin lang sa bintana.

"Ang epal mo no? Wag mo ngang sipain yung upuan ko!" tumingin siya sa akin tapos
kinunot niya yung noo niya. That time eh kinilabutan ako. Nakalimutan ko palang
yung sinisigawan ko ngayon eh mahilig sa away. Uh-oh. Napalunok nalang ako ng
sarili kong laway.

"Di mo yan upuan. Upuan yan ng school. Tss." sabay taas niya ng paa sa upuan niya.
Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Alam niyo yug imbes na matakot ako dahil
parang inaaway ko siya eh mas lalo akong na-tempt na awayin siya? Ang labo niya
kasi eh!

"Ay sorry ha?" napatingin naman ako sa armchair niya at may naisip akong masamang
ideya. "Di mo rin pala 'to upuan eh. Kaya..."

"Ho..hooooy ano ba!! IBABA MO YAN! ANO.... BAAAAA!!"

Halos mamatay ako sa kakatawa nung nakita ko yung reaksyon ng mukha niya. HAHAHA
PARA SIYANG NATATAE NA EWAN! Para na akong baliw na tumatawa lang at
pinagtitinginan na ng mga classmates ko pero wala pa rin akong pakialam. Hahahaha
shet ang priceless lang nung mukha niya kanina!
Alam niyo kung anong ginawa ko? Tinaas ko yung armchair niya (at sa totoo lang ang
bigat niya ha) hanggang sa maitaas ko rin yung dalawang paa nung upuan kaya para
siyang malalaglag patalikod. Natakot pa nga ako nung una dahil baka mabaldog siya
pero nabitawan ko rin agad dahil nga natawa ako sa itsura niya.

Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa dahil di pa rin ako makaget-over. Hanggang


nung lunch break namin eh natatawa pa rin ako.

"HAHAHA di ko talaga makalimutan yung itsura niya. Para siyang.. para siyang..
HAHAHAHA!" hindi ko na maubos yung pagkain ko sa kakatawa. At si Yem eh parang
nawawalan na ata ng ganang makipag-usap sa akin dahil paulit-ulit yung sinasabi ko.
Pero kasi nakakatawa talaga! Hahahaha!

Para kang baliw. Tumigil ka na nga. Kakaumay yung tawa mo eh.

Oh, nagsusulat pa nga rin pala si Yem sa likod ng notebook niya. Pinepreserve yung
boses niya para sa practice. Tsk tsk tsk. Kawawang bestfriend. At dahil nga mabait
akong bestfriend eh pinagbigyan ko ang hiling ni Yem. Nanahimik ako habang kumakain
(pero nangingiti pa rin talaga ako pag naaalala ko yung epic niyang mukha).

Swerte naman kung maituturing ang araw na 'to para samin ni Yem. Akalain niyo yun?
Wala kaming practice sa mga club namin? Kaya sabay kaming makakauwi at maaga kaming
makakarating sa bahay. At isa pa, namimiss ko na si lola!
Pagkauwi namin eh kinwento ko kay lola yung nangyari sa PE namin tsaka kay Ryde
a.k.a Prince Charming ko daw. Ewan ko pero nasanay na rin akong Prince Charming ang
itawag sa kanya sa bahay dahil sa araw-araw ba naman na yun lagi ang topic sa
bahay. At si Prince Charing naman daw si Daniel ayon kay Yem. -__-

Baliw rin yung isang yun eh. Ayaw na daw niya kay Daniel para sa akin. Mas boto daw
siya kay Ryde. Sus! Ang bait-bait nga ni Daniel eh. Gwapo pa! :''>

And speaking of Daniel, tumatawag siya.


Teka..

TUMATAWAG SIYA!

OH MY GOD!!

Bigla kong naitapon yung cellphone ko sa kama. OMG LANG. Pano niya nalaman yung
number ko?! At bakit may number siya sa cellphone ko?! Pa.. pano yun nangyari?!

Lumapit ulit ako sa cellphone ko na parang nasasapian ng kung ano dahil grabe lang
magvibrate.
'Daniel calling...'

"Hala naman! Hala.. anong gagawin ko? Bakit kasi ganyan? Hala.." para na akong
batang iiyak dahil di ko talaga alam kung anong gagawin ko. Bakit ba kasi siya
tumatawag? T_T at bakit ba ako kinakabahan?

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para kunin yung cellphone ko at pindutin yung
Answer Button. Pero para akong napaliguan ng malamig na tubig nung narinig ko yung
boses niya.

"Hello? Aeisha?"

"..." shet, anong sasabihin ko?!

"Aeisha? Andyan ka ba? Hello?"

"Ahh.. uhh.. he..he..he..he..helllllllo." bigla kong natuktukan yung sarili ko


dahil para akong hunghang sa sinabi ko. Para akong sirang plaka! At lalo pa akong
nahiya nung narinig kong tumawa siya. Waaaah!
"Ahm.. ano kasi.." bakit parang ang lakas ng boses niya? Di kaya nakatoddo yung
volume nitong cellphone ko? "Andito ako sa labas. Sa tapat ng pinto niyo."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, nabato ko ulit yung cellphone ko.

*******************************************
[18] Chapter XVII
*******************************************
Napasilip agad ako sa bintana para i-check kung totoo nga yung sinasabi niya. At
may nakita nga akong bulto ng tao sa tapat ng pinto namin.
Naman! Bakit ba siya andito? Pano niya nalaman yung bahay namin?

Lumabas ako sa kwarto at dahan-dahang lumapit sa pintuan. Kahit sobrang lakas ng


tibok ng puso ko eh nagawa ko pa ring buksan yung pinto. At tumambad sa akin yung
mukha ni Daniel. Nasa tenga niya pa rin yung cellphone niya pero nakatingin siya sa
akin at nakangiti.

"A.. anong ginagawa m..mo dito?" narealize ko na para pala akong tanga dahil ulo
lang yung nakalitaw sa akin, tapos yung katawan ko eh nakatago sa likod ng pinto.

Bigla siyang yumuko tapos napahawak siya sa batok niya. "Ah sorry ha? Sinundan kasi
kita dito. Ayaw mo kasi laging magpahatid. Gusto ko lang naman malaman kung saan ka
nakatira."

Napatitig nalang ako sa kanya. Mas lalo pang kumabog yung dibdib ko. Totoo ba 'tong
naririnig ko? As in? Sinundan niya ako para lang malaman kung saan yung bahay ko?

Tumingin muna ako sa likod ko dahil baka mamaya eh nakikinig na naman yung dalawang
yun. Aasarin na naman nila ako panigurado. Kaya lumabas nalang ako at sinarado ko
yung pinto. "Lakad tayo?" sabi ko sa kanya. Tumango naman agad siya. Tapos nilagay
niya lang yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

Habang naglalakad kami palayo sa boarding house, hindi talaga ako mapakali. Para
kasing, ang awkward. Tapos ang lamig pa. Nakalimutan kong dalhin yung jacket ko.
Tsk.

Walang nagsasalita kahit isa sa amin. Nahihiya naman akong magsalita at saka
feeling ko eh nalunok ko ata yung dila ko. Ni hindi ko nga mabuka yung bibig ko eh!
"Sorry talaga." napatingin ako sa kanya nung nagsalita siya.

"Para saan?" nagcross-arms nalang ako para kahit papano eh hindi ako lamigin.

"Kasi sinabi ko pang nandun ako sa labas ng bahay niyo." bigla siyang tumingala
kaya tumingala rin ako. At sobrang na-amaze ako sa nakikita ko ngayon. Ang liwanag
ng buwan tapos ang daming stars.

"Okay lang yun." then napangiti ako bigla.

Silence ulit. Hanggang sa makarating kami sa sakayan ng jeep. Ang pangit nga lang
isipin dahil parang hinatid ko lang siya.

"Hatid na kita pabalik sa inyo." bigla niyang sinabi sa akin.

"Ah hindi na! Ahm, dadaan pa kasi ako kila aling... pinabibili ako ni lola ng
pagkain. Tsaka ano.. susunduin ako ni Yem." nginitian ko nalang siya. Ayaw ko na
talagang magpahatid pabalik eh. Bukod sa nakakahiya eh ang awkward lang kasi ng
feeling pag ganun. Kaya eto na naman ako, gagawa ng palusot.

"Sigurado ka ba? Hindi ba delikado dito sa inyo?" bigla naman akong kinabahan nung
mga panahong yun. Pagtingin ko kasi sa relo ko eh 8:17 PM na pala. Eh pag ganung
oras eh wala ng masyadong tao sa kalsada. At isa pa, mahilig akong mag-imagine ng
kung anu-ano pag mag-isa akong naglalakad tapos madilim. Shet lang, sana wala akong
makitang multo pagbalik ko. >_<

"Hindi ah! Mababait mga tao dito." nginitian ko nalang siya. Sana maniwala siya sa
mga sinasabi ko. Ayoko talagang magpahatid.

"Hay. Mukhang di naman na kita mapipilit." tapos tumingin ulit siya sa akin.
"Salamat nga pala." napakunot-noo naman ako.

"Para saan?" bakit siya nagpapasalamat? May ginawa ba akong karapat-dapat


pasalamatan? At kamusta naman ang sagot niya sa akin? Isang malatoothpaste
commercial na ngiti.

Bigla namang may dumaan na jeep kaya ginamit ko na yung pagkakataong yun para
itulak siya papasok sa jeep. Nagbabye ako sa kanya bago umandar yung jeep. Haay.
At ako naman huminga ng malalim at tatalikod na ako. Kaya mo yan Aeisha! Maglakad
ka lang at wag mag-isip ng kung anu-ano. Uwi na!

"AAAAHHHHHHHHHH----MMM!!!!"

"Sssshhh! Wag ka nga maingay! Baka akalain nila kung anong ginagawa ko sa'yo!"

Sinubukan kong kumalma at pagkatapos nun ay binaba na niya yung kamay niya mula sa
pagkakatakip sa bibig ko. Jusko! Feeling ko aatakihin ako sa puso!

Bwisit na yan! Sino ba namang di magugulat?! Na pagkatalikod mo eh biglang may tao


sa harapan mo na nakatayo lang at walang expression yung mukha?! Sinong di
matatakot dun?! Sinong di mapapasigaw dun?!

"Eh bakit kasi andyan ka sa likod ko?!" di ko namalayan na naiyak na pala ako sa
sobrang takot. Nanghina talaga bigla yung tuhod ko kaya napaupo ako at pinunasan ko
yung luha ko. Bwisit naman kasi talaga eh. Bakit kasi siya nanakot? Buti sana kung
di ako matatakutin eh! Buti sana kung hindi madilim eh! :'(

"Tsk. So.. sorry okay?" naramdaman ko namang lumakas yung boses niya kaya alam kong
nakaupo na siya sa harapan ko, habang ako eh nakapikit at kinakalma pa rin yung
sarili.

"Look.. hindi ko sinasadyang tumayo sa likuran mo. Na.. nagkataon lang na..
napadaan ako dito at tinignan ko kung sino yung tao dito. Kaso nung paalis na rin
sana ako, bigla kang tumalikod. Huy. Wag ka na ngang umiyak. Tsk."
Eh pano naman kasi ako titigil umiyak eh sobrang natakot ako sa ginawa niya? Ramdam
ko pa nga rin yung panghihina ng tuhod ko eh. Para na akong napetrify dito sa
pagkakaupo. Ayoko nang gumalaw. :'(

"Tumayo na dyan. Huy." naramdaman kong inuuga niya yung balikat ko pero wala akong
pakialam. Bahala siya sa buhay niya! Bwisit siya!

"Ayaw mong tumayo? Tsk. Bahala ka nga. Dyan ka na. Uuwi na ako--" pagkarinig ko ng
sinabi niya eh napatayo ako bigla at humawak sa laylayan ng damit niya na parang
bata. "Ha. Tatayo rin pala." kahit di ko nakikita eh alam kong natatawa siya. Kung
di lang talaga ako nagkakaganito ngayon eh sinipa ko na talaga siya eh. Pasalamat
siya at nanghihina ako ngayon!

Nagsimula na siyang maglakad at ako naman eh nakahawak pa rin sa laylayan ng damit


niya habang nakayuko. Walang nagsasalita sa amin. Hangin lang yung maririnig mo sa
paligid, pati yung mga nalalaglag na dahon sa puno. Nagulat nga ako nung huminto
siya at nasa tapat na pala kami ng boarding house. Parang ang bilis naman ata
naming maglakad? O wala lang talaga ako sa sarili?

Bumitaw agad ako sa damit niya at saka ko lang napansin na ang higpit pala ng hawak
ko sa damit niya dahil sobrang gusot nung part na hinawakan ko. Pero bago pa ako
makapagsalita eh nakalayo na pala siya. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Tumayo lang ako dun sa harap ng bahay namin habang nakatingin sa likod niya. Nung
wala na akong makita eh pumasok na rin agad ako sa loob. At ano pa nga ba,
nakaabang na naman yung dalawa sa may kwarto. Haynaku.

"At saan ka naman galing aber? Gabi na tapos nasa labas ka pa?" sabi ni Yem habang
nakasandal sa may cabinet namin at nakataas yung kilay.

"At sino yung kasama mo? Pasalamat ka at hindi namin nakita yung naghatid sa iyo
dito." biglang sabi naman ni lola at nakaupo lang siya sa kama habang may hawak
siyang binilot na papel at pinapalo niya sa palad niya.

"Yem, lola, pagod na ako. Pwede bukas nalang tayo magbiruan? Please?" lumapit agad
ako sa kama at bumagsak doon. Grabe, pakiramdam ko eh ang daming nangyari nung
lumabas ako sa bahay na 'to. Leche lang talaga.

Habang iniisip ko yung mga nangyari, eh bigla akong napadilat at napabangon.

"PANO NIYA PALA NALAMAN KUNG SAAN AKO NAKATIRA?!" tsaka ko lang narealize na
sobrang lakas pala ng pagkakasigaw ko at nakita kong magkayakap si lola at Yem
habang nakatingin sa akin. Uh-oh. Nagulat ko ata sila >_<

*******************************************
[19] Chapter XVIII
*******************************************
"Yem dalian mo! Malelate na naman tayo eh!" sigaw ko sa kanya habang hinihintay
siya sa labas ng boarding house. Kupad talaga neto kahit kelan eh. Nagmemedyas pa
lang siya.

"Teka naman! Wag kang atat, baka mautot ka niyan!" di ko nalang siya pinansin dahil
alam kong mapupunta na naman sa walang katapusang ututan ang usapan na 'to.

Napatingin ako sa paa ko at narealize ko na eto rin yung pwesto ko kagabi. Dito rin
ako naiwang nakatayo habang nakatingin lang ako sa likuran niya.
AY TEKA ANO BANG PINAG-IISIP KO? At bakit ko pa yun iniisip? Erase! Erase! Malelate
na kami kaya dapat paranoid ako ngayon!

"Yem! Halika na!"

"Eto na! Eto na!"

Pagkalabas na pagkalabas niya eh para kaming mga kabayo sa karera at nagpaunahan pa


kaming tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Buti nalang at may nakahintong jeep sa
tapat ng sakayan at kaunti pa lang yung laman kaya nakasakay kami agad. Ang galing
nga eh, ang laki kasi ng jeep tapos open pa yung bintana. I mean, walang salamin or
plastic na iniislide o tinataas. Open lang talaga siya.

Kinuha ko naman kaagad yung wallet ko at naglabas ng seven pesos. Ganun din si Yem.
Well, mabait kami kaya barya lang talaga sa umaga. At isa pa, natuto na ako dati
nung di sinuklian nung driver yung bente pesos ko. Badtrip talaga ako nun eh! Seven
pesos lang dapat ibabayad ko pero naging bente. Sayang yung thirteen pesos no!

"Bayad po." inabot ko yung bayad namin dun sa nasa kanan ko. Kukunin na sana niya
yung pamasahe namin ni Yem kaso bago pa maglanding sa kamay niya, eh nabitawan ko
na lahat.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nung mga panahong yun.

"Tsk." pinulot niya yung mga nalaglag kong barya habang ako eh nakatanga pa rin sa
kawalan. Shet lang. Para na akong baliw pero di pa rin ako gumagalaw. Ano ba
Aeisha! Wake up!

"Bayad daw po." umusod ako sa pinakatabi ni Yem. As in wala akong tinirang space sa
pagitan namin. Pero sa pagitan namin ni Ryde, eh sobrang dami. Oo. Si Ryde. Kasabay
namin siya sa jeep. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng kasabay eh siya pa?

"Hahaha.. pfft. Bwahahaha!" napatingin ako sa katabi kong si Yem na halos mamilipit
na sa kapipigil sa tawa niya. Kahit gusto ko siyang sipain, suntukin at sabunutan
sa mga oras na to eh hindi ko magawa. Di ko rin alam kung bakit eh. Pero
nakakadegrade talaga ng pagkatao yung tawa niya eh. Bastos talaga 'tong babaeng
'to. At alam ko rin na ako yung tinatawanan niya dahil para akong baliw kanina.

Parang thirty seconds lang yung lumipas at nasa kanto na kami ng school. Ang
kailangan nalang naming gawin ngayon eh tumakbo para di kami masaraduhan ng gate.

"Yem! Tara na dali! Baka masaraduhan tayo ni Budoy!" hinila ko yung kamay niya.
Joke. Chineck ko muna kung kamay niya talaga yun dahil nadala na ako sa nangyari
dati. At dahil tamang kamay naman yung hinawakan ko, kinaladkad ko na siya patakbo
sa school gate.

***

"Tingin mo bakit natin siya nakasabay? Di kaya sinusundan ka niya? OMG Poleng!
Kinikilig ako sa inyo!" sabay tayo niya sa upuan at sumayaw-sayaw sa harapan ko na
parang timang.

"Utot mo naman. Ano ka ba Yem? Syempre same street siya sa atin kaya hindi
imposible na makasabay natin siya no! At pwede ba? Itigil mo yang pagkendeng-
kendeng mo! Sagwa tignan eh. Para kang bulate na tinadtad ng asin!" umupo naman
agad siya at tumawa kami parehas sa sinabi ko.
Pagkatapos ng morning class namin eh sabay na kaming naglunch ni Yem. Dun kami sa
canteen ngayon naglunch dahil trip naming bumili ngayon ng Milo Freeze. Syempre,
ano pa nga bang ineexpect niyo sa mga kumakain? Edi nagdadaldalan!

"Ay grabe lang Aeisha! Ang gwapo niya talaga kumanta! Ayiiiee! Waaah tama na nga
kinikilig ako! Ahihihi!" sabay kagat niya sa labi niya. HAHAHA ako yung natatawa sa
ginagawa niya eh. Para siyang abnormal kiligin.

"Hahaha! Oh tapos? Dapat pinormahan mo na! Dapat hiningi mo yung pangalan, number,
address pati kulay ng brief niya." at dahil interesado ako sa mga kalandian sa
buhay ng bestfriend ko eh super kinig talaga ako sa mga kwento niya.

"Syempre ako pa! Wag ka Poleng, hininga niya number ko!"

"WHOA! DI NGA? KYAAA! MALANDI KA YEM! HAHAHA!"

"Teka wag ka muna maghypervetilate! Ako dapat muna! Ako dapat yung unang kikiligin!
Hahaha! Tsaka ano, di pa yan yung intense!" tapos naggiggle siya bigla na parang
uod.

"Eh ano pa?! More! More! Details! Dali! Bagal naman neto magkw--"

"Oh, look who's here."

Napatigil kami bigla ni Yem sa pag-ubos sa oxygen namin sa kilig nung may biglang
lumitaw na babae sa harapan namin. At sino pa ba? Pasalamat talaga 'tong babae na
'to at sa imagination ko lang siya binubugbog. Naku pag talaga di ako nakapagpigil
eh magkakaroon ng World War III dito sa canteen!
Tinignan ko lang siya ng masama at tumingin ulit ako kay Yem na parang nakakita ng
multo yung expression.

"Yem, ano na nga ulit yung pinag-uusapan natin?" tinry kong ibalik yung mood ko
bago lumitaw 'tong baluga na 'to sa harapan namin. Bahala siya dyan. Attention-
whore.

"H..how dare you?!" biglang tumapon yung pagkain namin dahil pinalo niya yung
lamesa namin. Tinignan ko ulit siya ng masama.

"A..akala mo ba madadala ako ng patingin-tingin mo na yan?! Ang kapal ng mukha mo


para di ako pansinin?! Huh! Maswerte ka pa nga at pinapansin kita eh. People like
you should be ignored forever." nakikita kong humahakot na kami ng attention sa mga
kapwa naming estudyante. At nagsisimula na ring maabot ng dugo ko ang boiling
point.

"Look at her, guys! Alam niyo ba na nilalandi ng babaeng 'to si Daniel? Imagine?
Badminton Captain?" tapos dinuro-duro niya pa ako na parang nandidiri siya sa akin.
"And one more. Nilalandi niya rin si Ryde ko! Oh my gosh lang!" sabay lagay niya ng
kamay sa noo niya. "At isama nyo pa yang bestfriend niyang malandi rin! Landiin ba
naman si Jeff?! Tss. Napasama ka lang sa Glee club, gusto mo nang landiin si Jeff?"

Pagkatapos ng mga sinabi niya eh nakikita ko na nagbubulungan yung mga tao sa


paligid namin. Hindi naman ako ganun kadaling magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang
tao sa akin. Pero kung kasinungalingan lang lahat? Pakshet lang. At kung dinamay
niya pa si Yem na nananahimik, aba di na talaga ako papaawat.

"Aeisha..." narinig ko yung mahinang tawag ni Yem habang nakayuko at hawak yung
kaliwang kamay ko. At naramdaman ko na parang may basa na tumulo sa kamay ko.
Now I'm pissed off.

"Tapos ka na ba?" tinignan ko siya ng matalim. And alam ko na natakot siya dahil
nagflinch siya. "Pwede ako naman?" tinaas ko yung isa kong kilay. Wala na akong
pakialam kung maguidance man ako pagkatapos nito. Who cares? Eh napakaepal nitong
Serene na 'to.

"Unang-una sa lahat, ang epal mo." di ko alam kung nakakatawa bayung sinabi ko
dahil ang daming tumawa sa paligid. "Pangalawa, di tayo close kaya wag mo kong
lapitan o kausapin. At wala akong pakialam kung sikat ka sa school dahil sa
pagiging attention whore mo. Oops. Sorry." tsaka ko tinakpan yung bibig ko na
kunwari eh nadulas akong sabihin yung mga sinabi ko. Tinignan ko siya at halata
namang nagngingitngit na rin siya sa galit.

Tss. Anong akala niya sa akin? Yung mga bida sa fairytales na inaapi-api? Duh? Ang
ayaw ko sa lahat eh yung inaapak-apakan ako o si Yem o kahit sinong taong malapit
sa akin.

Lumapit ako sa kanya. "Pangatlo, hindi ako malandi. Kung gusto mong maghanap ng
malandi, try mong humarap sa salamin. For sure, meron yun." Nakarinig naman ako ng
malakas na 'owww' sa audience namin. "At panghuli, wag na wag..." lalo akong
lumapit sa kanya, habang siya eh halos matapilok na sa kakaatras sa akin. "... na
wag mo kaming iistorbohin pag kumakain kami." hinawakan ko yung ribbon sa uniform
niya. "Maliwanag?" halos lumuwa na yung mata niya sa sobrang inis o takot. Hindi ko
alam kung anong feelings niya ngayon, pero for sure, alam kong ako ang nanalo.
"Maliwanag?!" inulit ko ulit yung tanong ko. And gusto kong tumawa nung tumango
siya na parang tuta. Pffft! Wala palang binatbat sa akin 'tong Serene na 'to eh!

Binitawan ko rin siya agad at iniwan ko dun sa sulok na nakatayo at kinakantyawan


ng ibang estudyante. Bumalik ako sa table namin ni Yem at hinawakan ko yung kamay
niya. Hinatak ko siya patayo para umalis na kami sa canteen na 'to. Pero nung
patayo palang kami eh halos maparalyze rin ako sa nakita ko.

"WHAT'S WITH THIS COMMOTION?!" yung guidance counselor namin, biglang pumasok sa
canteen. Now I can sense that I'm in danger.

*******************************************
[20] Chapter XIX
*******************************************
"Ikaw may kasalanan nito eh! Aaargh!" umupo lang siya sa sofa kasama ko dahil wala
rin naman siyang magagawa. Ako naman, halos pagsisihan ko yung ginawa ko dahil
nakita ko na naman yung guidance counsellor. Parang last week lang, andito ako ah.
Tapos ngayong week ulit? Naman oh!

"Explain." Kung dati mabait yung approach sa akin ni ma'am, ngayon hindi na. Patay
talaga ako neto!

Nagsalita si Serene at lagi akong sumisingit para depensahan yung sarili ko. Ganun
din yung ginawa niya nung turn ko ng magsalita. Pero parang lalong nagalit si ma'am
Quezon, yung counsellor namin.

"Siya po talaga yung may kasalanan! S..she.. she pushed me!!" at kelan ko siya
tinulak?!

"No! Wala po akong ginawa sa kanya ma'am! Pinagsalitaan ko lang siya and that's
all!" hindi ko alam kung anong unang gagawin ko.. depensahan yung sarili ko o
sumugod kay Serene at sakalin siya. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to eh! Pahamak
kahit kelan!

"QUIET!" napaatras ako kahit nakaupo ako nung sumigaw si ma'am. Grabe parang leon
siya pag sumisigaw. Katakot!
"Dahil mukhang walang aamin sa inyo..." sabay tingin niya ng matalim sa aming
dalawa ni Serene "pareho ko kayong bibigyan ng detention." Sabi niya habang inaayos
yung mga papeles sa harap niya.

"WHAT?! PERO.." napatayo si Serene at mukhang di pa tanggap na magkakadetention


siya, habang ako eh pinili ko nalang na manahimik. Mahirap na, baka madagdagan pa
parusa ko.

"Enough Ms. Endo! Now go back to your respective classes! Go!" agad-agad lumabas at
tumakbo papuntang classroom.

Grabe nakakatakot talaga si ma'am Quezon! Feeling ko eh anytime maiihi ako sa


sobrang takot sa kanya.

Nung makarating ako sa classroom, saktong kalalabas lang nung teacher namin.
Pumasok agad ako pero lahat sila nakatingin sa akin. Di ko nalang sila pinansin at
dumiretso sa upuan ko.

"Aeisha." Nakatingin lang sa akin si Yem at alam kong naguiguilty siya sa nangyari.
Ewan ko dyan kay Yem, kahit hindi niya kasalanan kapag napapahamak ako eh sinisisi
niya pa rin yung sarili niya. Baliw din eh no?

Nginitian ko nalang siya at saka yumuko sa armchair ko. Alam ko sa sarili ko na


anytime eh tutulo na yung luha ko. Pero pinigilan ko dahil ayokong umiiyak sa
school. Eew lang, para naman akong elementary student pag ganun.

Lumipas ang mga subject at uwian na. Pero parang ayoko pang umuwi kaya naglibot
muna ako sa school. Sa paglalakad ko, napahinto ako dahil napansin kong nasa likod
na pala ako ng school. Nakita ko na naman yung harang na barb wires. At dahil wala
ako sa sarili kong pag-iisip, nag ala-gymnast na naman ako sa paglusot sa mga barb
wires. Sa susunod talaga, gymnastics na kukunin kong club.

Nung nasa damuhan na ako, lumakad ako dun sa malaking puno sa gitna. Ang hangin nga
eh, ang sarap sa feeling. Tapos umupo ako dun sa may ugat ng puno. Ano kayang
gagawin ko dito? Tutunganga? Matutulog? And in the first place, bakit ba kasi ako
pumunta dito?

Tumayo nalang ulit ako. Naalala ko tuloy bigla yung ginawa ko sa canteen. Tsk.
Dapat talaga di ko nalang pinatulan yung Serene na yun eh! Nagkadetention tuloy
ako. Tsk.

"Argh! Kainis!" sinipa ko yung trunk ng puno. "Kainis talaga! Bakit ba kasi
pinatulan mo sya Aeisha?! Dapat lumabas ka nalang ng canteen! Stupid! Stupid!"
pinagsisipa ko yung puno hanggang sa naglagasan yung mga dahon. Nung napagod na
ako, tumayo lang ako sa harapan ng puno, humihingal.

"Tsk. Kung maninipa ka ng puno, tignan mo muna kung may tao."

Halos manlaki yung mata ko nung biglang may nagsalita. Tumingin ako sa paligid ko
pero wala namang tao. OMG, sino yun?! Mumu??

"S- sino yan?!" napaatras ako sa puno hanggang sa nakasandal na ako. Shet.
Ineengkanto na ba ako?! Di kaya may natamaan akong nuno?

"Hindi ako engkanto. Tsk." HALA KA! HUHU BINABASA NG ENGKANTO YUNG ISIP KO! T__T

Halos atakihin ako sa puso nung biglang may tumalon galing sa taas ng puno.
Actually, napasigaw pa ata ako nun pero di ko na matandaan dahil masyado talaga
akong nawala sa sarili nung mga panahong yun.

"Istorbo ka. Natutulog yung tao eh." Kinusut-kusot niya pa yung mata niya.

"Teka. Natutulog?" napatingin ako sa taas ng puno. "You mean, natutulog ka dyan? Sa
taas ng puno?!"

"Obvious ba?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Ngayon napatunayan ko na, na galing talaga sa unggoy
ang mga tao. Living proof? Ayan oh, si Ryde. Parang unggoy. Sa taas ng puno
natutulog?

"Bakit dun ka natutulog sa taas?!"

"Paki mo ba? Ang ingay sa school eh."

Paki ko daw, pero sinagot naman. Baliw din 'tong lalaking 'to eh. Maluwag na ata
turnilyo sa utak.
Umupo ako sa damuhan nung makarecover na ako sa pagtalon niya, habang siya naman eh
humiga sa tabi ko.

"Pakigising nalang ako pag 5 na."

"Ha? Hoy excuse me lang ha? Hindi ako pinanganak para maging alarm clock mo no! At
isa pa--" bigla kong natakpan yung bibig ko dahil dumilat siya. At pagdilat niya eh
isang matalim na tingin yung nakuha ko.

"Sabi ko nga gigisingin kita mamaya." Then nagsmirk siya. Grrr! Isa pa 'tong taong
'to eh! Binubully ako sa tingin! Tadyakan ko siya dyan eh!

Napatingin naman ako sa wristwatch ko. 4:23 na pala. Okay, anong gagawin ko dito sa
loob ng 37 minutes? Tutunganga?

Nung feeling ko eh tulog na siya, inayos ko yung upo ko. Niyakap ko yung binti ko
dahil masyadong mahangin. Hay, sana talaga di na ako nagpunta dito eh. Naging alarm
clock pa tuloy ako. Psh.

Naisipan kong tumunganga nalang habang hinihintay mag-5 PM. At dahil sobrang
tahimik, sinaksak ko nalang yung earphones ko at nakinig ng music.

Now playing: Jeepney Lovestory

Nakisabay nalang ako sa kanta. Tapos ang hangin-hangin pa. Kainis nga eh, nakakain
ko yung buhok ko pag tinatangay ng hangin. >_<

Tinigil ko rin naman agad yung pagkanta dahil napag-alaman kong wala talaga akong
future sa pagkanta. Wala, eh sa hindi talaga ako marunong kumanta eh!

Nakinig nalang ulit ako pero di ko na sinabayan. Mahirap na,baka sisihin nila ako
pag bumagyo. -__-

Nung tinignan ko yung orasan ko, 5:02 na pala. Wow ha? ANg bilis ng oras! At
syempre, ano pa nga bang ginagawa ko dito? Eh di maging alarm clock ng damuhong
nakahiga sa tabi ko! Tsk.

"Hoy, gising na!" sinigawan ko lang siya pero di naman nagising. Ano ba yan.
Pumitas ako ng isang pirasong damo tapos tsaka ko pinangkiliti sa tenga niya.
"Gising na! 5:00 na ho! GI-SING-NA!"

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung wrist ko, pero nakapikit pa rin
siya.

"Wag mo ngang gagawin yun!"

"Ang alin?" ano na naman bang nagawa ko sa kanya?

"Eto." Tinaas niya yung kamay ko na may hawak na damo.

Sabi ko nga, yung pangingiliti ko pala yung tinutukoy niya.

"Eh ayaw mong gumising eh." Inirapan ko nalang siya.

Tumayo naman ako agad at pinagpag ko yung palda ko na punung-puno ng maliliit na


damo. Pero napaupo rin agad ako nung humangin ng malakas.

"Huwaaaa!" putek naman 'tong hangin na 'to eh!

"Pink? Tss. Too girly."


Halos magred na yung mukha ko kung humarap ako sa kanya. Omaygad sana bumuka nalang
yung lupa at kainin nalang ako. Shet lang talaga!

Nakita niya yung.. shorts ko!

Okay Aeisha. Shorts lang yan. Hindi naman panty yung nakita sa'yo. Huminahon ka.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"Shut up!"

Hindi naman talaga big deal sa akin kung nakita niya yung shorts ko. Kaso kasi
nabubwisit ako sa pagmumukha niya eh! Parang naghahamon ng away! Bwisit talaga!
Dapat pala sinampal-sampal ko siya kanina nung tulog siya eh!

Nung medyo humina na yung lecheng hangin, tumayo na ako at sinuot yung bag ko. Uuwi
na nga ako. Pagabi na rin kasi.

Naramdaman ko namang tumayo rin siya at naglakad. Actually nakikita ko siya sa


pheriperal view ko, at nasa likod ko lang siya. Di ko nalang pinansin at nagala-
gymnast na naman ako sa paglusot dun sa barb wires.

Lumabas ako sa main gate ng school at naglakad papunta dun sa sakayan ng jeep. Pero
nabubwisit na talaga ako dahil nakasunod pa rin siya, kaya tumigil ako at humarap
sa kanya.
"Sinusundan mo ba ko?!" tumingin lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ikaw? Susundan ko? Nagpapatawa ka ba? Pauwi na ko kaya pwede ba?"

Okay. Pahiya ka Aeisha. Sabi ko nga pauwi pala siya >_<

At dahil nahiya naman ako eh naglakad na ako ng mabilis papunta sa sakayan ng jeep.
Ay kainis! Assuming ko kasi! Andami ng atraso sa akin ng Ryde na yun ha?! Lagi
nalang akong napapahiya pag kasama ko siya!

Sumakay na ako ng jeep. Actually, kasabay ko si Ryde sa loob ng jeep pero nasa
magkabilang-dulo kami. At saka ko napansin, eto rin pala yung jeep na sinakyan ko
kaninang umaga. Wow, pagkakataon nga naman oh!

Nung makarating na ako sa kanto namin, naglakad na ako ng mabilis. Baka kasi
hanggang dito eh makasabay ko pa siya maglakad. To think na dito rin siya sa street
na 'to nakatira.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa boarding house. As usual, nandun na naman
sa harap ng pintuan si lola. Buti nalang maliwanag pa ngayon at di nagmumukhang
white lady si lola.

"Hi lola!"

"Oh apo, andyan ka na pala. Nasa practice na naman ba si Yem?"

"Opo eh. Nag-aala sirena sa pagkanta."

"Ay nga pala, apo. Merong tao doon sa loob, hinahanap --"
Bigla namang napatigil si lola nung may sumigaw galing sa loob ng bahay.

"ATE!!!"

Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap yung tuhod ko.

"Aera?! Bakit ka andito?!"

==========================================================================

A/n: Hi guys! Pahingi akong comments ha? =)))))))))))

*******************************************
[21] Chapter XX
*******************************************
A/N: Sa mga nagtatanong po, si Aera yung bata sa picture sa last chapter. Siya rin
yung nasa picture ngayon :3

Note: Super iksi lang ng chap na 'to. Sorrrrrrrrrry.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Hinatid ako ni tita. Dito na daw ako. Hahaha! Ate ang ganda ng bahay mo! Parang
ako!"

Bigla siyang tumakbo sa loob ng bahay. Ako naman eh napahawak sa noo ko. Naman oh.

"Aba'y sino ba yun, iha?"


"Kapatid ko po."

"Aba, may kapatid ka pala apo?"

Sabay na kaming pumasok ni lola sa bahay habang tinitignan ko yung kapatid ko na


sumisiksik sa bawat sulok ng bahay. Pati dun sa ilalim ng lababo eh sumuot din.
Napilitan naman akong ikuwento kay lola yung malatelenobelang buhay ko, na si Yem
lang talaga ang nakakaalam.

Wala na kasi kaming mga magulang ni Aera. Car accident daw yung kinamatay nila nung
10 years old palang ako. At ang nakakaloka pa nun, 1 year-old palang si Aera nung
mga panahong yun. Kaya sa tita ko muna kami nakituloy for almost a year. Pero dahil
nga meron namang ipon yung parents namin sa bangko eh yun na yung ginamit namin
para makapag-aral.

Ang totoo niyan, tuwing summer eh nagtatrabaho ako ng kahit anong makita kong
trabaho. Syempre ayoko namang umasa kila tita. Kahit kamag-anak namin sila,
nakakahiya pa rin. Nung naghighschool ako eh lumuwas ako ng Maynila para naman sa
magandang school ako makapasok at magkaroon agad ako ng trabaho, habang yung
kapatid ko, na five years old palang ngayon, eh kila tita muna.

Pero, heto, andito na siya oh. Para lang siyang nagteleport mula Pampanga papuntang
Maynila.

"Ate, ate, ate, ate! Bakit wala pa si ate Yssa? San na siya?" nakayakap na naman sa
tuhod ko si Aera. Kahit kelan talaga, ang hyper ng kapatid ko. Sa kanya ata ako
nagmana ng kabaliwan eh.

"Wala pa si ate Yssa eh. Nasa school pa, may ginagawa pa siya dun eh." Binuhat ko
naman yung kapatid ko, at in fairness ha! Ang bigat na niya! "At tsaka Aera, diba
sabi sa'yo ni ate Yssa mo, ate Yem na daw ang itawag mo sa kanya?"

Bigla naman siyang sumimangot.

"Ayoko! Mapanget yung Yem eh! Mas gusto ko yung ate Yssa!"

Binitawan ko agad siya dahil maglilibot daw siya ulit sa bahay. Ay jusko lang, ano
namang lilibutin niya dito eh ang liit-liit ng bahay?
Nagpalit muna ako ng damit habang binabantayan ni lola si Aera. Nakakatuwa ngang
makita si lola na super lawak ng ngiti eh. Bigla naman syang tumingin sa direksyon
ko kaya lumapit siya sa akin habang tumatalon-talon si Aera sa kama.

"Pauline apo, alam mo ako'y natutuwa talaga at andito ang kapatid mo. Ay namiss ko
nang mag-alaga ng bata. At saka,di ako mapalagay kapag wala kayo ni Yem dahil wala
akong magawa eh. Pero dahil andito na si Aera, aba'y hindi na ako malulungkot."
Pagkatapos nun eh nilapitan niya na ulit si Aera at nakipagkulitan sa kanya.

Napangiti nalang ako kay lola. Hindi talaga ako nagsisisi na pinatira naming dito
si lola. I'm sure naman na ganun din yung mararamdaman ni Yem eh. I mean, napaka-
jolly kasi ng personality ni lola Roma, to the point na hindi ka mabobore pag
kasama mo siya kahit matanda na siya.

"LOLA ROMA! LOLA! KILALA MO PO BA SI LADY GAGA?"

"Ay sino ba yoon, apo? At bakit mura yung pangalan niya? Mukhang masamang tao iyan
ah!"

Nakikinig lang ako sa kanila habang nagluluto ako ng dinner namin. Hindi ko na
tinext si Yem na nandito si Aera para surprise. Hahaha.

"ANO KA BA LOLA! DUN KAYA GALING YUNG PANGALAN MO! HAHAHA! RA RA RA AH AH AH! ROMA
ROMA MA! OH DI BA?"

"Aba ay oo nga ano? Kilala niya ako? Andoon nga ang pangalan ko ah!"

"LOLA SAYAW KA RIN DALI! GAYAHIN MO KO! GANITO OH! RA RA RA AH AH AH! ROMA ROMA MA!
WHACHOR BAD ROWMANS!"

Eh ako naman eh di ko mapigilang matawa sa kanilang dalawa. Si Aera, di ko malaman


kung para ba siyang bulate o kiti-kiti kung sumayaw. Ang galawgaw kasi masyado ng
kembot! Hahaha! Si lola naman eh parang kahoy lang na nagssway eh! Kahit tulog ako
nung nagpasabog ng kagalingan sa dance floor si Lord eh at least mas may ibubuga
naman ako kesa sa dalawang 'to!

"Ay gaga mo!"

Nabitawan ko yung sandok na hawak ko nung biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa
ng pajama ko. Oh ha? Astig ng pajama ko, may bulsa. Wag kang mainggit.
Binasa ko naman agad yung text.

*Ang galing mo din eh no?*

Si Daniel pala 'tong nagtext. Hala, bakit parang galit yung way ng pagtetext niya?
Galit ba siya sakin? Hal aka wala naman akong ginagawa ah?! T_T

*Huh? Hala bakit? Galit ka ba?*

Nilagay ko nalang ulit sa bulsa ng pajama ko yung phone ko tapos tinuloy ko na rin
yung pagluluto. Actually, corned beef na may itlog lang naman yung niluluto ko kaya
madali lang. At ayun nga, after 10 minutes eh pinatay ko na yung kalan dahil tapos
na yung niluluto ko.

Sinilip ko naman sila lola at Aera, mukhang nagkakatuwaan pa rin sila kay Lady Gaga
kaya hinayaan ko muna sila. Lumabas muna ako tapos umupo ako dun sa tapat ng bahay
namin. Nung nakaupo na ako eh tinignan ko yung phone ko, nagreply na pala si
Daniel.

Nung una eh kinakabahan pa ako dahil mukhang galit yung pagkakatext niya sa akin.
Pero nung binasa ko eh halos sumakit yung panga ko sa sobrang ngiti...

*Di mo pa nga ako binabato, tinamaan na agad ako sa yo.*

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

a/n: Hello guys! actually, marami na akong natype na chaps kaya post nalang ng
post. =))))) COMMENTS HA? :*

PS. natatawa lang ako sa ibang comments. Hahaha may Team Ryde tsaka may Team
Daniel. Lelelelels, kanino kayo? RySha o ShaNiel? LOL ampanget XD

*******************************************
[22] Chapter XXI
*******************************************

"Hoy bruha, sure ka? Di na kita sasamahan? Eh baka anuhin ka na naman ng impaktang
yun eh! Teka magdadala na ako ng kutsilyo para diretso saksakan nalang!"

Natawa naman ako kay Yem nung pumunta talaga siya sa kusina at naghanap ng
kutsilyo. Adik lang? Mamaya lalo pang madagdagan yung detention ko pag nagdala nga
ako ng kutsilyo.

Sabado nga pala ngayon at ngayon nga yung detention namin ng Serene na epal na
bruhildang impaktang yun. Parang maimagine ko palang na magkakasama kami sa
detention eh di ko na masikmura. Susmiyo, sana madali lang yung gagawin namin!

"San ka pupunta ate? Sama ako!!" bigla namang yumakap si Aera sa paanan ko. Minsan
nagtataka na rin talaga ako eh. Ano ba talaga yung kapatid ko? Tao o koala? Kung
makakapit lagi sa binti ko eh para akong eucalyptus eh.

"Bawal bata dun! Ilalaglag ka sac r pag sumama ka!" pffft. Natawa naman ako sa
panakot ni Yem. Sa lahat ng pwedeng ipanakot eh yung ilalaglag pa sac r.

Umupo naman ako para magkalevel kami ni Aera.

"Tsaka bawal talaga dun Aera. Merong panget na bruha dun eh. Baka mamaya gawin ka
rin niyang panget. Gusto mo?" bigla namang napaatras yung kapatid ko at kay Yem
naman kumapit.

"AYOKO! Ayaw kong maging panget! Yak! Kadiri pag panget! Sino ba yung panget nay
un?" this time, si Yem na yung kinakausap niya. At aba, etong si Yem eh nagawa pang
mag-evil smile.

"Yung panget na bruha, ang pangalan eh Serene." Yan yung sinabi ni Yem sa kapatid
ko. Hahaha! Ang baliw lang talaga niya.
Sandali lang rin eh umalis na agad ako. Mahirap na, baka mamaya malate pa ako tapos
madagdagan lalo yung detention ko. Ayoko naman ng ganun!

Nakajeans lang ako, tapos blouse yung pantaas. Nagrubber shoes na rin ako para
sure, at nagcap na rin ako kasi mainit. Pero joke lang yun, syempre pamporma yung
cap. May paying naman ako eh.

Tumakbo ako papunta dun sa sakayan ng jeep. Dahil 8 AM palang at sabado ngayon eh
malamang walang masyadong tao dun sa abangan ng jeep, kaya nakasakay agad ako.

Napansin ko naman agad na ito rin yung jeep na sinakyan ko kahapon. Wow lang ha! Di
kaya destined kami ni manong driver?

Actually, ngayon ko lang naappreciate yung loob ng jeep. Color blue green yung
upuan tapos open yung bintana, I mean walang cheche bureche sa bintana. Tapos may
salamin sa bandang taas ng jeep kaya okay na okay mag-ayos ng pagmumukha.

Doon ako pumwesto sa tabi ng driver. Syempre favourite spot ko 'to bukod sa
pinakadulo na upuan sa likod.

"Manong, bayad po oh." Inabot k okay manong yung 8 pesos ko. Tsk. Sayang walang
student discount ngayon, saying rin yung piso ko no.

Nagulat naman ako nung ngumiti sa akin si manong. Promise, tumindig lahat ng
balahibo ko sa katawan! Ang creepy lang ni manong ha! Pero in fairness to me,
nagawa kong pigilan ang sarili ko na wag tumawa. Hahaha! Eh kasi naman si manong!
Ngumiti pa eh wala naman palang ngipin sa harapan. Hahaha ang mean ko! Pero totoo
naman kasi eh!

"Suki ata kita ne sa pasada ah?"

Ngumiti nalang din ako kay manong. Wow, nakilala ni manong yung pagmumukha ko!
Sabagay, ilang beses na rin akong nakasakay dito sa jeep niya. Sa totoo lang,
matanda na si manong eh. Manipis na yung buhok niya and mostly eh puti na yung
kulay. Pero ang sosyal lang ni manong, nakashades pa! Bongga!

Hindi pa rin umaandar yung jeep ni manong dahil nag-aantay pa ata siya ng mga
sasakay. Siguro nasa anim palang kami sa loob ng sasakyan. Ako naman, hindi ko na
pinalampas yung pagkakataon na may salamin sa harapan ko. Inayos ko yung buhok ko
dahil nagulo sa mala-marathon kong pagtakbo. Kaso biglang may humarang sa salamin
ko (inangkin ko na yung side mirror ng jeep).
"Aish! Kuya naman nagsasalamin pa yung tao e-Oh my God!"

Napausog ako ng pagkakaupo malapit kay manong. Anak ng cucumber naman 'tong taong
'to eh! Bakit ba lagi nalang siyang sumusulpot?!

"Oh hijo! Suki rin kita dito sa jeep ko ah?" at ngumiti na naman si manong. Di
nalang ako tumingin sa kanya para di ako matawa. Pinaandar na rin ni manong yung
jeep at nakaalis na kami dun sa kanto namin.

Umayos ng upo si Ryde. Kainis naman 'to eh! Dapat solo ko 'tong harapan tapos
sumiksik pa siya! And worst, siya pa yung katapat ng salamin! Maduga talaga!

"Oy, palit tayo." Tinignan niya lang ako with ano-bang-pinagsasabi-mong-baliw-ka-


look. May pakunut-kunot pa siya ng noo. Sus!

"Bayad po, manong." Aba at di ako pinansin?! Masama na bang makipagpalit ngayon?!
Ang habol ko lang naman eh yung salamin! Itulak ko siya dyan eh!

Tinitigan ko lang siya hanggang sa maconcious siya at makipagpalit sa akin. And..


bingo!

"Seryoso ka?" sabi niya sa akin after one minute ng pagtitig ko sa kanya.

"Hello? Mukha ba akong nagjojoke? Palit tayo." Okay. Sige na. Ako na ang desperada
sa salamin. Eh kasi naman eh! Gusto ko nga dun sa pwesto niya!

This time, siya naman ang tumitig sa akin.

Okaaaay. Aaminin ko nakakaconcious nga pag may nakatitig sa'yo. Gaya-gaya siya ng
strategy ha! Psh. Walang originality 'tong bakulaw na 'to ah!

After two and a half minutes ng pagtitig niya sa akin...

"Ayoko."

Yun lang ang sinabi niya. Nakakagigil di ba? At ang saya-saya pa dahil sinabi niya
yun nung malapit na kami sa school. Wala, personalan na talaga 'to eh! Bwisit na
Ryde yan! Ang gulo ng utak.

Hindi ko alam kung kami ba yung tinawanan kanina ni manong driver o natawa lang
siya dahil narealize niyang bungal siya. Bumaba nalang agad kami nung nasa kanto na
kami ng school.

Nagsimula naman ako agad na maglakad papuntang school. Actually, ngayon lang ako
dinatnan ng kaba. Shet, first detention ko talaga 'to eh. Huhu sana madali lang
yung ipapagawa!

At saka ko narealize...

Bakit pupunta rin ng school si Ryde? At kamusta naman? Halos 10 meters na yung
pagitan namin. Hindi ko rin alam kung anong lahi ng kumag nay un eh. Tipaklong o
kabayo? Ang bilis maglakad! Di kaya may detention din siya? Pang-ilan na niya
kayang detention 'to? O di kaya, baka maeexpel na siya?

Ay nako Aeisha! Bakit mob a kasi iniisip yang mga yan?! Dapat ang iniisip ko eh
yung detention ko!

Nakarating naman ako sa school on time. Binati pa nga ako ni Budoy eh. Aba syempre,
first time niya daw akong makikitang magdetention. Shet lang di ba? Nang-asar pa
yung guard namin?

"Ms. Bernardino!" napatingin agad ako sa tumawag sa akin. Si Ma'am Quezon pala,
yung guidance counsellor. Lumapit agad ako sa kanya.

"Ms. Bernardino, asan si Ms. Endo? Bakit wala pa siya?"

"Ewan kop o dun." Shinrug ko nalang yung balikat ko. "Baka inatake ng kaartehan."
Bulong ko lang sa sarili ko.

"May sinasabi k aba Ms. Bernardino?"

"Ah wala po! Sabi kop o, ano, baka.. baka natraffic siya. Yun! Haha.. baka po
natraffic."

"Hay naku mga estudyante talaga ngayon! Oh sige, ang gagawin niyo eh cleaning duty.
Restrooms. Kunin mo nalang yung gamit dun sa guard. Oh sige at may aasikasuhin pa
ako. Sabihan mo nalang rin si Ms. Endo. Okay?"

Napatitig lang ako sa likod ni ma'am habang palayo siya ng palayo sakin. What the..

MAGLILINIS NG CR?! Eh parang mas malinis pa yung taong grasa kesa sa CR's dito sa
school eh! Grabe naman 'tong detention na 'to! T__T

Kahit labag sa kalooban ko eh kinuha ko sa guard house yung mga panlinis, pero
nagstay muna ako sa quadrangle. Bwisit na Serene yun, ang tagal-tagal! Pa-VIP siya
masyado ha!

Nilaro-laro ko muna yung walis tingting na may mahabang handle. Tapos inistroll-
stroll ko rin yung dustpan na may gulong. Galing nga eh, halos kasintangkad ko lang
yung walis.

"OMG! Am I late? Anong nangyari? Tapos mo na ba yung detention? Wala na ba akong


gagawin? Pwede na ba akong umuwi?"

Nabigla ako nung biglang sumulpot yung bruha sa harapan ko. Pasalamat nga siya at
napigilan kong walisin siya at ilagay sa dustpan eh. Sarap linisin ng bibig niya,
in fairness.

Tumayo naman ako at nakapamaywang pa akong humarap sa kanya. Para kunwari ako yung
superior. Well, in terms of time, ako ang superior dahil mas nauna ako sa kanya no!

"Hindi pa. Maglilinis daw tayo ng banyo. Cool di ba?" then ngumiti ako ng
pagkasweet-sweet sa kanya. At aba, inirapan ako?! Tambuhin ko siya eh!

"Eeew! You mean, maglilinis tayo ng cr?!"

"Ay hindi. Kakasabi ko lang na maglilinis tayo ng cr eh. Baka yung guard house yung
lilinisin natin. Mukha namang cry un eh."

"Ang corny mo." Sabay irap ulit sakin.

At syempre dahil di ako magpapatalo, "Ang arte mo." Ginaya ko pa yung accent niya,
tapos inirapan ko rin siya. Psh.
"Argh! Of all places, bakit cr pa?! Do I look like a janitress?!"

Ako eh, napupuno na talaga sa kaartehang taglay niya ha. Hinagis ko sa kanya yung
walis na hawak ko, at nasalo naman niya.

"Hey! Ano ba!"

"Oh ayan. Mukha ka ng janitress. Kaya wag ka ng magreklamo! Mamaya madagdagan pa


yung trabaho eh. Tara na nga!!"

Wala naman siyang nagawa kundi sumunod. Siya dala-dala niya yung walis tsaka yung
sabon. Ako naman eh yung dustpan tsaka timba't tabo. Pero iniwan ko na rin yung
dustpan dahil narealize ko na hindi ko pala siya gagamitin. Katangahan nga naman.

Pero nung papunta na kami sa CR ng girls eh biglang sumigaw si ma'am Quezon mula sa
second floor kaya napatigil kaming dalawa.

"BAKIT KAYONG DALAWA LANG? ASAN NA YUNG DALAWA PA?" syempre sigaw mode si ma'am
dahil nasa second floor siya.

Napakunot naman yung nook o at kadiri lang dahil nagkatinginan kami ni Serene. Eew.
Para kaming nagkaintindihan! "EH DALAWA LANG NAMAN PO TALAGA KAMI DI BA?" todo-
sigaw rin ako syempre.

"HINDI, MAY KASAMA PA KAYO FROM OTHER DETENTIONS!"

"SINO PO?" si Serene naman yung sumigaw.

"SILA--- OH AYUN PALA SILA OH!" tapos may tinuro siya sa bandang kaliwa namin kaya
napatingin rin kami, "TULUNGAN NIYO SILANG DALAWA! YAN DIN ANG DETENTION NIYO! GO!"

What the...

"Daniel! Ryde! OMG. Kasama namin kayo sa detention? Wow! Exciting!"


Kung nakakamatay lang ang tingin, eh kanina pa nadouble dead sa akin 'tong si
Serene. Parang kanina lang eh ayaw niyang magdetention tapos ngayon exciting pa?!
Eh bugbugan nalang 'to!

Nilagpasan naman ni Daniel si Serene at lumapit siya sa akin.

"Aeisha." Nung tinawag niya yung pangalan ko, plus his mala-toothpaste commercial
na ngiti, eh parang nawala lahat ng galit sa katawan ko. Shet po, ang gwapo ni
Daniel. Makalaglag-panty ang aura niya :''>

Palapit na sana ako sa kanya kaso biglang..

"Tabi nga dyan. Nakaharang kayo sa daan." tapos dumaan siya sa gitna naming. Anong
problema ng lalaking yun?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

*******************************************
[23] Chapter XXII
*******************************************
Huwaaaaa sorry late update! Si watty kasi nag-upgrade. Wrong timing -__- Hahahaha!
Oh game, basa na! <3

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Problema nun?" tanong ko kay Daniel nung nakadaan na si Ryde, na sinundan naman ni
Serene.

Pero alam niyo sagot sakin ni Daniel?

Isang malapad na smile at.. 'guys...'. Labo no? Kasing labo ng outfit niya ngayon.
Eh kasi naman, maglilinis kami ng CR pero nakapolo siya. Oh di ba? Saan ka nakakita
ng nakaporma habang naglilinis ng CR? At syempre, kasinglabo ng salamin dito sa cr
ng girls.

Oo, ang labo ng salamin na tipong di mo na matatawag si Bloody Mary kung gusto mo
man. Yung tipong parang inaamag na rin yung salamin.

"Wow ganito pala cr ng girls."

Napatingin ako kay Daniel na nagwawander sa loob ng mga cubicle. Na-amaze ata sa CR
ng girls.

"Eew kaya!" sabay sabi naman ni Serene. Arte talaga netong bruhang 'to eh. Sarap
ishoot sa bowl!

Di ko nga rin alam kung anong pumasok sa utak ni Ma'am Quezon at sinama niya sila
Ryde at Daniel dito eh. Like hello? CR kaya 'to ng girls! Dapat dun sila sa CR ng
boys naglilinis no! Pero sabagay, mas magandang marami para mabilis yung
paglilinis.

"Simulan na natin, baka abutin pa tayo ng siyam-siyam dito." Kinuha ko yung balde
dun sa loob ng isang cubicle at pinuno ng tubig. At dahil mukhang ayaw rin naman
ata nilang magstay ditto ng matagal eh nagsikuha na rin sila ng mga panlinis.

"Ryde, help me here!"

Siguro mga 3 minutes palang ang nakakalipas eh sinabi na yan ni Serene. Di niya
kasi kayang buhatin yung timba na may lamang tubig. Psh. Arte kasi masyado!

Si Ryde naman eh lumapit lang sa kanya at binuhat yung timba papunta dun sa isang
cubicle.
Yung CR ng girls, eh medyo malaki. May apat na cubicle tapos may lababo sa gilid,
which is merong salamin na nakadikit sa pader. Pero ang dumi nga lang. Kaya nga
tinalian ko nalang ng panyo yung mukha ko dahil amoy ihi yung buong CR. Oo sobrang
panghi. Yuck lang di ba?

"Aeisha, ako na dyan."

Nasa gilid ko na pala si Daniel ngayon. Nasa loob kasi ako ng last cubicle dahil
sinisimulan ko ng linisin yung tiles nun.

"Ha? Hindi ako na. Tulungan mo nalang sila dun sa labas." Kung ano mang ginagawa ng
dalawang yun sa labas. Nginitian ko nalang siya. Acually, dapat kikiligin ako kasi
nga di ba, gusto niya akong tulungan? Pero nabalewala yung kilig ko nung napansin
kong katabi pala naming yung bowl. Ang sagwa lang sa feeling.

Hinintay ko siyang lumabas dun sa cubicle pero hindi siya umalis sa gilid ko. Ano
namang trip ngayon ni Daniel?

"Oh c'mon! I thought bilisan daw yung paglilinis, pero mukhang may ginagawa naman
sila sa loob ng cubicle! Like duh?! Eew kaya magmake-out dyan!"

Halos mamula ako sa hiya at galit nung sumigaw si Serene mula sa labas ng ganun.
Kaya ako naman eh napalabas ng di-oras. Ganun din si Daniel.

"HOY! FOR YOUR INFORMATION, KANINA PA AKO NAGLILINIS! AT EXCUSE ME? MAKE OUT?
SINONG MATINONG BABAE ANG MAKAKAISIP NIYAN?"

"DUH? WHY ARE YOU SHOUTING? GUILTY, EH? WELL ANO BANG DAPAT KONG ISIPIN KUNG PAREHO
KAYONG NASA LOOB NG CUBICLE NI DANIEL?"

Huminga muna ako bago ulit magsalita. At dahil hawak-hawak ko pa rin yung tabong
mag laman na tubig, nakaisip ako ng idea.

"HINDI AKO SUMISIGAW OKAY?! GANITO LANG TALAGA BOSES KO! WAG KANG INSECURE! AT SAKA
TIGNAN MO NGA YANG GAWA MO?! GRABE HA! 10 MINUTES KA NA DYAN SA SALAMIN NA YAN!
MARUNONG KA BA TALAGA MAGLINIS?" tsaka ko hinagis yung tubig sa direksyon niya.
"OOPS! SORRY! SA SALAMIN KO DAPAT IHAHAGIS, NAKAHARANG KA KASI." Then tumalikod ako
sa kanya at papasok n asana sa cubicle na nililinis ko. Kaso..
*SPLASH*

What the?!

Lumingon ako sa direksyon niya.

"Akala mo ba ikaw lang ang may kaya nun? Watch me, bitch." Then nagulat nalang ako
nung hose na yung hawak niya. At tinutok niya sa akin yun.

"Hey! Tama n----!!"

Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari.

Ang alam ko lang, nababasa ako ngayon, pero hindi ko nararamdaman yung impact ng
tubig sa akin.

"Oh.. Oh my gosh.. " narinig ko nalang na sabi ni Serene, pero di ko na marinig


yung iba niyang sinasabi dahil ang naririnig ko lang eh yung sobrang bilis na
heartbeat ng taong 'to.

"Aeisha! Okay ka lang?"

Bumitaw sa akin si Ryde, na parang walang nangyari. Tsaka ko napansin na nasa


harapan na pala namin si Daniel.

"Ah..."

"Tsk. Oh heto. Basang-basa ka. Suot mo muna." Hinubad bigla ni Daniel yung polong
suot niya. Buti nalang may T-shirt pa siya sa loob.

"Ano ba! Siya pa ang kinakampihan niyo! Eh siya nga yung nanguna sa aming dalawa!"

"Enough, Serene!"

"Pero Daniel, siya--"

"I said enough! Ano ba Serene?! Tignan mo nga yung ginawa mo?! Nagbaha na ditto sa
CR tapos basa tayong lahat! Tapos yan pa ang iintindihin mo?! Yung away niyo?!"

I swear, ngayon ko lang nakitang galit si Daniel. Kitang-kita ko kung paano natakot
sa Serene sa expression niya. At ang alam ko lang, biglang nilapitan ni Daniel si
Serene at hinila palabas.

Nanginginig pa rin yung tuhod ko sa di ko malamang dahilan. Pero napatingin ako sa


gilid at nakita ko si Ryde, basing-basa. Wala atang natirang tuyo sa katawan niya
ngayon.

"A.. ayos ka lang?"

Tumingin lang siya sa akin. Akala ko nga galit yung pagkakatingin niya, pero
parang.. expressionless eh.

"S..sorry." napayuko nalang ako. Kasalanan ko naman talaga lahat eh. Dapat di ko
nalang pinatulan si Serene. Eh di sana, hindi magkakaganito.

Pero kasi siya eh! Bakit ba kasi ginawa niya yun?! Ang naalala ko lang kanina...
Biglang tumakbo si Daniel sa direksyon ni Serene para kunin yung hose na hawak
niya. Pero alam kong di siya aabot at anytime eh mababasa ako ng todo. Pero nagulat
nalang talaga ako nung may yumakap sa akin bago ako tamaan nung malakas na impact
ng tubig. Bigla akong niyakap ni Ryde at sa kanya tumama yung tubig.

Napatingin ulit ako kay Ryde nung bigla siyang bumahing. Actually di ko alam kung
tatawa ba ako dahil nakakatawa siyang humatsing, o mag-aalala dahil mukhang
magkakasakit siya. Kaya ang ginawa ko eh tumitig nalang sa kanya.

Bigla naman niyang kinuha yung timba na may lamang sabon at map, at nagsimula na
ulit siyang maglinis na parang walang mangyari.

"Tapusin nalang natin 'to para makauwi na."

Tumayo na rin ako. Tama nga naman siya. Gusto ko na ring umuwi at feeling ko eh
magkakasakit ako kapag di ako nakapagpalit.

"At para, makapagpalit ka na." napatingin ulit ako sa kanya.

Anong ibig nyang sabihin?

Tumingin rin siya sa akin sabay sabing...

"Bakat."
Wh..a..anong..

AAAAAAHHHHH!!!!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Kung gusto niyo po ng dedication, sa message board ko po kayo magpost okay? Sino
gustong magpadedicate sa chap na 'to? Unahan nalang. Hohoho. Sa message board po
ha? <3

PS. Team RySha o Team ShaNiel? Hahahaha! Pero mas marami team RySha eh :p

*******************************************
[24] Chapter XXIII
*******************************************

"Hatchu!"

Ugh! Kanina pa 'to ha! Kainis ang sakit na ng ilong ko! Umagang-umaga, bahing ako
ng bahing.

"Grabe Poleng ha! Isang rolyo na ng tissue yang nasasayang mo! Mahal mahal nyan
eh!"

Tinignan ko lang ng masama si Yem. Kainis. Kasalanan ko bang laging tumutulo yung
sipon ko?!

"Ay apo naman kasi. Bakit ka ba umuwi ng basing-basa kagabi? Aba malamang eh
magkakasakit ka talaga niyan."

"Wala naman po akong sakit eh, si-ha..ha.. HATCHING!!.. Ugh. Sipon lang po." Sabay
kuha ko ulit ng tissue. Walanghiyang ilong 'to, ayaw makisama!

"Weh? Init mo kaya ate! Para kang yung ulam nating sabaw ngayon!" nagulat naman ako
sa kapatid ko na nasa likod ko na pala ngayon at nakalagay yung kamay niya sa noo
ko.
Okay. Seriously? Anong problema ng tatlong 'to? Lahat sila eh sobrang lapit sa
mukha ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa upuan at nakataas yung paa ko tapos nakabalot
ako ng kumot.

"Hatching! UUGGGHH!" kinusot ko ulit yung ilong ko.

"Oh eto apo. Humigop ka muna ng sabaw. " inabot sakin ni lola Roma yung sabaw ng
nilaga. Ako naman eh humigop ng konti. Ang init!

"Pero in fairness Poleng ha. Ang ganda ng kulay ng bra mo kagabi. Hahaha! Bakit
kasi fuschia pink yung sinuot mo? HAHAHA!"

Ayan na naman sya! Bwisit na Yem yan! Akala ko pa naman mag-aalala sakin tapos yung
bra ko lang pala kanina yung mapapansin -__-

"Ewan ko sayo! Kasalanan ko bang nabasa ako?!" sabay tingin ko sa kanya ng masama.

"Eh kasi naman po, bakat na bakat! Hahaha!" hahabulin ko sana siya kaso nakalimutan
kong nakapulupot pala ako sa kumot. Kaya eto...

"HAHAHA! AMPANGET MO ATE!"

Nasubsob ako.

Bakat.

Bakat.

Bakat.
AHH! Leche naman oh! Bwisit na salita yan! Ugh! Kasalanan 'to ng ungas nay un eh!
Eeesshhh!

Bakit kasi tinignan niya pa?! Ang pervert talaga nung lalaking yun! Lahat nalang
hinawakan o kaya tinignan! Grabe lang talaga. Wala na akong dangal T__T

Natapos agad kami nun sa paglilinis ng CR. Pero syempre joke lang yun. 7 PM na ata
kami nakauwi kahapon. Parang may Water War dun sa CR nung naglilinis kami. Sobrang
baha kaya mahirap. Nanahimik lang kaming apat nun kaya medyo awkward. Buti nga di
kami pinagalitan ni Ma'am Quezon eh. At ako naman eh umuwi ako na basing-basa mula
ulo hanggang paa. Pero sinuot ko nalang yung polo ni Daniel na binigay niya para
naman di makita yung undergarments ko. Psh. Epal kasing Ryde yun eh, lahat nalang
pinapansin sakin.

Sabay kaming umuwi ni Ryde-err, hindi naman as in sabay na.. ah basta! Parehas kasi
kami ng sinakyan na jeep. Tapos parehas rin kaming naglakad lang sa street naming
pero syempre hindi naming pinapansin ang isa't isa. Di naman kami friends no, at
hindi naman kami close to begin with.

"Ate, pahiram cellphone mo. Palaro ako." Napatingin naman ako kay Aera na nakaluhod
sa harapan ko. Nakaupo pa rin kasi ako dito sa upuan habang nakataas yung dalawa
kong paa at nakabalot ng kumot. Pinapahiga kasi nila ako eh ayaw ko ngang humiga.

"Andun sa kama, kunin mo nalang." Tsaka ko kinusot ulit yung ilong ko at siya naman
eh tumakbo papuntang kama.

Hindi talaga ako sanay na meron akong sakit. I mean, hindi naman kasi ako sakitin
talaga. Once in a blue moon lang ako magkasakit. Pero blue moon ata ngayon kaya
ganito.

"Poleng, wag ka nang pumasok bukas ha?" akmang sisinga na ako sa tissue nung bigla
akong kinausap ni Yem. Ay badtrip, wrong timing talaga 'tong babaeng to eh!

"Papasok ako no! Wala nga kasi akong sakit! Ang lakas lakas ko eh."

"Alam mo gusto na kitang upakan sa kakadeny mong wala kang sakit."

"Eh wala nga kasi. Sipon lang naman!"

Lumapit siya sa akin tsaka tinulak yung noo o gamit yung hintuturo niya.

"Ayan ang hirap sa'yo Aeisha eh." Uh-oh. Aeisha na tawag niya sa akin, mukhang
seryoso ata si Yem. "Ang tigas ng ulo mo. Bugbugin kaya kita para matauhan ka?"

Eh dahil hindi ako sanay ng seryoso si Yem, dinaan ko nalang siya sa biro. "Asus!
Nagsalita ang hindi matigas ang ulo."

"Tsk. Poleng naman kasi. Alam mo naman yung nangyari nung last time na nagkasakit
ka di ba?"

Napaiwas naman ako ng tingin. Psh. Pinaalala pa.

"Wag mo na kasing pilitin. Alam mo namang para kang eng-eng pag may sakit ka eh."
Tsaka sya umalis sa harapan ko at pinuntahan si Aera.

Tsk. Kasalanan ko bang nahimatay ako that time? Err, oo nga kasalanan ko nga. Last
time na nagkasakit kasi ako eh grade 6 pa. Kaklase ko si Yem nun. Nung bandang
September eh nagkasakit ako kasi naligo kami sa ulan. Actually, di na ako
pinapapasok nila tita nun pero makulit ako kaya pumasok pa rin ako. Nung first
subject namin, medyo okay pa ako. Pero nung Math na, dun na nandilim yung paningin
ko. Pagkagising ko eh nasa clinic na ako. Nahimatay daw kasi ako bigla at tumama
yung ulo ko sa sahig kaya sinugod daw ako sa ospital Tsaka ko lang nalaman na 5
hours na pala akong walang malay at natransfer na pala ako sa school clinic. Pero
medyo natawa din ako nun dahil saktong sa Math class pa ako nahimatay. Ayoko kasi
sa Math. And that's the end of my story. Bow. I thank you.

Kaya ganyan yan si Yem ngayon. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin at
syempre kinikilig ako. Pero hindi yung romantic na kilig ha! Yung kilig na
pangkaibigan, kung meron man nun. Seatmate ko kasi siya nun at di niya daw alam
kung anu-anong pinaggagawa niya nung nakita nyang nahimatay ako. Ang alam ko lang
eh siya yung nagbantay sa akin hanggang sa magising ako. Okay tama na ang kwento
baka maiyak ako.

Dahil Sunday ngayon, asahan niyo na na boring day rin ngayon. At di ko rin alam
kung may side-effects ba 'tong lagnat dahil ang weird ko ngayon. Bigla ko kasing
naisipang buklatin yung notebook ko sa Math. Imagine?! Math notebook yun. M-A-T-H!
Jusko, Linear Algebra ang pinakahuling subject na pag-aaralan ko, swear! Pero dahil
nga abnormal ako ngayon, heto at inaaral ko siya.

"Apo, eto oh. Inumin mo muna 'tong gamot mo at para bumaba naman yang lagnat mo."

Nginitian ko naman si lola Roma habang binibigay niya sa akin yung capsule tsaka
yung baso ng tubig. Tapos umupo siya sa tabi ko.

"Ay nakakatuwa talagang mag-alaga ng mga bata." Napatingin ako kay lola at napansin
ko na ngumiti siya. Pero nakaramdam ako ng lungkot sa ngiti nyang yun.
Tsaka ko lang narealize, ang tagal na palang nakatira ni lola sa amin. Di kaya
hinahanap na siya ng pamilya niya? Di kaya nag-aalala na sila sa kanya? And then
napaisip ulit ako kung bakit ba namin pinatira dito si lola.

Pinalayas nga pala siya ng anak niya.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng galit kung sino man yun. Imagine? Sarili mong
magulang pinaalis mo sa bahay nyo? At isa pa, matanda na si lola tapos papalayasin?

Ako nga, gusto ko ulit magkaroon ng magulang. Gusto ko ulit mabuo yung pamilya
namin. Pero wala akong magawa. At wala akong magagawa kasi.. wala na sila. Hinding-
hindi na kami ulit mabubuo. Ako at si Aera nalang talaga ang magkaramay.

Pero yung anak ni lola? Ewan ko ba, may sayad ata yun sa utak. Buti nga siya, buhay
pa yung nanay niya. Makakasama pa niya ng matagal. Although matanda na si lola,
alam kong tatagal pa siya. Pero pinalayas niya? Gusto ko siyang sapakin, murahin at
sampalin, kung sino mang tao yun. Hindi niya naisip na may mga taong naghahangad na
sana kasama pa nila yung mga mahal nila sa buhay, pero siya.. pilit niyang inaalis
yun. Naiinggit ako sa kanya. At the same time, naiinis.

"Apo, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak?"

Napatingin ulit ako kay lola. Pinupunasan niya yung luha sa pisngi ko. Umiiyak na
pala ako. At lalo lang akong naiyak sa ginagawa niya. Naiinggit ako sa pamilya ni
lola. Nagkaroon sila ng ganito kabait at kaalagang tao. Samantalang ako.. kami ni
Aera...

"Bakit ka umiiyak, apo? Anong nangyari?" di ko napigilan yung sarili ko na yumakap


kay lola. Niyakap ko siya at umiyak ako sa balikat niya. Naaawa ako sa kanya.
Sobrang naaawa ako sa kanya. Gusto kong ibigay sa kanya yung dapat na binibigay
kong pagmamahal ngayon sa mga magulang ko. Gusto kong ibigay sa kanya yung
pagmamahal na dapat nararamdaman niya galing sa totoo nyang pamilya.

"Wala po lola." Pinigilan ko yung luha ko pero wala rin palang kwenta. "Natutuwa
lang po talaga ako at nakita naming kayo ni Yem."

Di ko man nakikita pero alam kong nakangiti si lola sa likuran ko.

"Ako rin apo. Di ko man kayo kadugo, natutuwa ako at tinuturing niyo akong..
pamilya." Naramdaman ko ring umiiyak na si lola.

Pagtingin ko sa gilid, nakatayo rin pala dun si Yem habang hawak-hawak si Aera sa
kamay. Umiiyak din si Yem pero nakangiti. Kaya ngumiti rin ako sa kanya. Si Aera
naman, siguro hindi niya pa naiintindihan sa ngayon, pero alam ko namang napalapit
na rin siya kay lola.

"ATE! PASALI RIN SA YAKAP!" tsaka tumakbo si Aera papalapit samin ni lola.

"Ako nga rin." Sabi naman ni Yem.

Para kaming mga abnoy na nag-iiyakan dun. Pero ayos lang. Ngayon nalang ulit kasi
ako nakaramdam ng ganito. Yung feeling na may pamilya ka. Yung feeling na buo kayo.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

COMMENTS? :> okay? Wahahaha

*******************************************
[25] Chapter XXIV
*******************************************
"Grabe, pwede na tayo sa theatre club Poleng. Try kaya natin?"

"O sige ba. Gusto ko heavy drama yung role."

Tsaka kami nagtawanang dalawa. Nasa harap kami ng salamin at chinecheck yung
namumugto naming mata. Baliw kasi kami eh, bigla-bigla nalang umiyak kanina dahil
kay lola. And speaking of lola, kanina pa sila tulog ni Aera. Napagod ata umiyak.

"At ikaw babae, matulog ka na. May sakit ka pa, kung makapagpuyat ka wagas."

"Oo na nanay."

Iba talaga 'tong si Yem eh. Parang nanay ko rin minsan. Hahaha.

Syempre gusto ko na ring matulog dahil nga sobrang napagod ako ngayon kahit wala
naman talaga akong ginawang nakakapagod. Siguro nga ganun talaga pag may sakit.
Pero nakakainis lang kasi, mapilit si Yem. Ayaw niya talaga akong papasukin bukas.
Kaya wala akong magagawa kundi sumunod. Di naman ako mananalo sa kanya pag ganitong
usapan eh.
Kaya pumikit nalang ako at pinilit na matulog.

***

"Hija. Gising na. Yem apo, gumising ka na. May pasok ka pa."

Naalimpungatan naman ako nung narinig ko yung boses ni lola. Pero di ako dumilat
dahil tinatamad ako. Naramdaman ko namang bumangon si Yem.

"Morning lola. Wag ka nalang pong maingay, baka magising 'tong si Poleng. Alam nyo
na, may pagkamatigas ang ulo niyan, baka may balak pumasok." Naramdaman ko namang
pinatong niya yung likod ng palad niya sa noo ko.

"Tsk. Mainit pa rin po eh. Kaya wag nalang natin siyang gisingin."

"Oh sige. Kumain ka na doon at naghanda na ako ng almusal mo at ni Aera."

"Oo nga po pala no? Papasok na ulit si Aera?"

"Oo. Inasikaso na ata ng tiyahin nila yung paaralang papasukan niya eh. Aba'y
mabuti yoon para may matutunan pa rin siya."

Nung naramdaman kong wala na sila sa kama eh dumilat ako. Tsk. Di talaga nila ako
papapasukin? Ang duga naman! Gusto kong pumasok eh! Buti pa yung kapatid ko papasok
rin. Inayos na kasi ni tita yung papers ni Aera para makapagcontinue pa rin siya ng
pag-aaral kahit September na.

Hindi naman ako gumalaw sa pwesto ko at kunwari eh natutulog pa rin ako. Nung
umalis na si Aera at Yem eh tsaka ako bumangon. Pagtingin ko sa phone ko, 6:45 na.
Shet, 15 minutes nalang!

Kumaripas ako ng takbo papuntang banyo na siyang ikinagulat ni lola. Hindi ako
naligo dahil natakot akong baka mabinat ako at lalo pang tumagal yung sakit ko.
Nagpunas lang ako tapos nagbihis ng uniform.

"Apo, saan ka pupunta?" tinignan ko si lola habang nagmumulti-tasking na ako sa


pagbubutones ng uniform ko at pagkain.

"Papasok po."

"Eh di ba'y may sakit ka? Baka mabinat ka nyan!"

"Hindi po yan! Ako pa!"


Tumakbo ako papunta sa bag ko saka ko hinablot at tumakbong pinto.

Effective pala 'to eh. Papasok ako pag wala na si Yem. Kaso may isa nga lang akong
problema.

6:53 na at malelate na ako!

Sinarado ko yung pinto para di na makapagsalita si lola. Sigurado naman akong


pipigilan niya ko. Psh, magkakampi kaya sila ni Yem!

Tatakbo na sana ako kaso may nakita ako sa kabilang kalsada na nagpahinto sa akin.

Nakita ko si Ryde.

Ewan ko pero parang bigla akong nagutom. Para kasing bumaligtad yung sikmura ko eh.
Di kaya mukhang pagkain 'tong si Ryde kaya bigla akong nagutom nung nakita ko siya?

Mukhang hindi naman niya ako nakita kaya tumawid ako at hinabol ko siya.
"HOOOY! OY! RYDEEE! WAIT LAAANG!"

Nung napansin naman niyang tinatawag ko siya eh huminto siya. Phew! Lecheng
lalaking 'to! Ang bilis magpatakbo!

Well, tumakbo lang naman ako kasi naka-bike siya. At kakainis kasi ang bilis nyang
magpatakbo! Muntik pa akong masubsob!

Tumingin siya sa akin. Pero as usual, yung expressionless na tingin. Tsaka ko


narealize, bakit ko nga ba siya tinawag?

Hinihingal pa ako nung nakalapit ako sa kanya. Siya naman eh tinaasan lang ako ng
kilay. Tss! Sungit talaga ng aura nito forever!

"Ano?" iritado nyang sagot.

"Teka lang! Humi..hinga.. pa ako!" excited masyado eh!

"Dalian mo. Malelate na ko."

Tsaka ko naalala...

"OMG malelate na tayo!"

"Kasasabi ko palang -__-"

Nilunok ko na lahat ng pride ko bago ko ulit siya kausapin. Go Aeisha! You can do
it! Ngayon lang naman eh!

"Ano ba yun? Sinasayang mo oras ko."

-__-++

Sungit! Wag na lang kaya? Pero malelate na ako eh!


Huminga ako ng malalim.

"PAANGKAS AKO!!!"

Pagkasabi ko nun eh yumuko agad ako dahil feeling ko eh biglang tinadtad ng tomato
sauce yung mukha ko. Nakakahiya!! Dapat pala di ko sinabi! >_<

Siguro mga 10 seconds na akong nakayuko at wala pa rin akong nakukuhang response.

"Sasakay ka ba o hindi?"

Eh?

Napatingala ulit ako at nakita kong nakaposition na ulit siya para magpedal.
Sobrang natuwa ako pero pinigilan kong ngumiti dahil baka asarin na naman niya ako.

Akmang sasakay na ako sa likod eh bigla niyang inabante yung bike. EH PESTE PALA
'TO EH! PINAGLOLOKO NIYA KO EH!

"Hindi dyan." Tinignan ko siya ng masama.

"Eh san pala?!" alam kong wala akong karapatang magalit pero nakakainis kasi siya
eh!
"Dito."

Halos mapasukan na ng langaw yung bibig ko sa sobrang awang. Eh pano kasi..

"Bakit dyan?!" tsaka ko tinuro yung bandang unahan ng bike. Yung sa space between
sa kanya at sa manibela.

"Ayaw mo? Oh sige, una na ko."

"Wait! Wait! Eh bakit kasi dyan?! Pwede naman dito ah?!"

Bwisit! Bwisit! Eh kasi naman! Ang awkward kaya kung dun ako sasakay! Iniimagine ko
palang na matatrap ako sa mga braso niya....

EEEEEEEEHHHH!

Di ko maimagine! Ang panget imaginine! Meron naman kasing space dun sa likod niya
eh! Arte-arte! Bahala nga siya dyan!

"Dito ako uupo. Kaya magpedal ka nalang dyan!"

Umupo ako dun sa likod. Ewan ko pero parang biglang uminit yung mukha ko. Eesh!
Bakit ba kasi nakiusap pa ako sa lalaking 'to?! Eh alam ko namang puro kamanyakan
ang laman ng utak neto eh!

"Okay, kung gusto mo dyan.. suit yourself."

"Talaga!"

"Pero.." bigla siyang tumingin sa akin kaya nagulat ako. "Ilagay mo yang kamay mo
sa bewang ko."
Ano daw? Teka lang ha. Feeling ko may diperensya na yung tenga ko eh. Kung anu-ano
ng naririnig ko sa bibig niya!

"Huh?"

Imbes na sagutin niya ako eh nginitian niya lang ako ng nakakaloko at pinaandar na
niya yung bike niya.

At saka ko nalaman na hindi pala ako nabingi. Tama pala yung narinig ko kanina. At
isa pa...

WALANGHIYA TALAGA SIYA! ANG BILIS NIYANG MAGPATAKBO!

"HOY DAHAN-DAHAN NAMAN! NASA HIGHWAY TAYO ADIK KA!"

Nakapikit na ako nung mga panahong yun. Di ko nga alam kung ilang driver na ang
nakakita ng shorts ko dahil tinatangay yung palda ko at di ko naman maibaba dahil
nakakapit ako ng mahigpit sa bewang ng bwisit na lalaking 'to!

Nung naramdaman kong lalo pa siyang bumilis at tipong gume-gewang gewang pa yung
bike eh halos atakihin na ako sa puso.

"ANAK KA NAMAN NG KAHIT ANO OH! AYOKO PANG MAMATAY BAGALAN MO! GUSTO KO PANG
MAGKAPAMILYA! MAGPAPAKASAL PA AKO ANO BA! AYOKONG MAMATAY DAHIL LANG DITO!!!
WHOOOO!!!"
Nung makarating kami sa gate ng school, para akong na-gang rape. Sobrang gulo ng
buhok ko tapos tulala lang ako.

"Ah pasok na Aeisha! Ryde! 7:00 na oh! Buti nakaabot kayo!"

Naririnig ko si Budoy, yung guard, na magsalita pero di ako nakatingin sa kanya.


Windang pa rin ako.

"Tatayo ka lang ba dyan?" tumango naman ako sa tanong ni Ryde. Ang gaga ko rin eh.
Oo tatayo lang ako dito, nawiwindang pa rin talaga ako.

Pero mas nawindang ako nung hinawakan niya yung kamay ko, sa may bandang pulso, at
hinatak ako papasok sa gate. Tsaka lang ako natauhan nung nasa 3rd floor na pala
kami at nasa harap na kami ng room.

"Aeisha?!"

Napatingin ako kay Yem na napatayo sa upuan niya. Napatingin rin sa amin yung mga
kaklase naming dahil ang lakas ng boses ni Yem.

Pero nagulat ako nung lahat sila eh napatingin sa kamay namin.

Kaya bigla nyang binitawan yung kamay ko. Actually, di niya binitawan, parang
hinagis niya pabalik sa akin.
Lumakad lang siya papunta sa upuan niya na parang walang nangyari, habang lahat ng
mata ng kaklase namin eh nakasunod sa kanya.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

ALAM NA. HAHAHAH! COMMENT GUYS! Gusto kong magbasa ng feedbacks nyo =))) Arte eh
no? Hahahaha! Salamaaaaaaat <3

*******************************************
[26] Chapter XXV
*******************************************
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

Yan ang nangyayari ngayon. Sinesermunan kasi ako ni Yem eh. Grabe no? Hindi niya
talaga ako pinalabas ng room nung break naming para lang sermunan ako.

"-eh pano kung bigla kang mabinat--"

"Hindi nga kasi Yem! Kulit mo eh no? Sinat na nga lang 'to."

"Sinat ka dyan?! Sinat tapos sobrang init?! Eh kung sapak-sapakin kaya kita
ngayon?"

"Ewan ko sayo. Eh wala ka naman ng magagawa eh. Andito na ko."

Binelatan ko siya sabay walk-out sa room. Hay nako. Ito ang isang ayaw ko kapag may
bestfriend ka, well hindi naman totally ayaw, parang inis lang. Yung sobra-sobrang
mag-alala na tipong nasasakal ka na masyado. Basta!

Bababa na sana ako sa hagdanan pero napansin ko sa kabilang hallway na sabay na


naglalakad si Daniel at Serene. Ako naman eh napatigil.

Weird.

Ang alam ko may galit si Daniel kay Serene dahil sa nangyari sa kuya niya.

Sakto namang napatingin sa akin si Daniel, at bigla siyang tumakbo sa direksyon ko.
"Aeisha!!"

"Oy. Hahaha." Nginitian ko nalang siya.

Napatingin ulit ako sa likod niya. Medyo malapit na sa amin si Serene dahil
naglalakad lang siya samantalang si Daniel eh tumakbo. Kaso lumiko siya papuntang
classroom nila.

At aba! Akala niya di ko nakita yun?! Napakaimpakta talaga ng babaitang yun! Irapan
daw ba ako?! Laki talaga ng problema niya sa akin eh no?! Naku kung pwede ko lang
dukutin yung eyeballs niya eh -__-

"Kakain ka ba sa canteen?" napatingin ulit ako kay Daniel. Oops, andito nga pala
siya! Masyadong nafocus ang attention ko kay Serene.

"Ah oo."

"Good. Sabay na tayo. Tara?"

Tumango nalang ako at sabay kaming bumaba sa hagdan. Nakakatuwa nga dahil ang lapad
ng ngiti niya eh. Namiss ko lang bigla. Ngayon ko lang narealize na super close na
rin pala kami kahit papano. Para ko na siyang kuya. Kuya na crush ko. Hahaha!

Ang bagal naming bumaba sa hagdan sa mga kadahilanang: (1) nagkukwento siya kaya
kelangan mabagal ang steps, (2) natatawa ako sa kwento kaya kelangan bagalan dahil
baka masubsob ako, (3) kelangang sagarin ang moment na 'to, at (4) kasi medyo
nahihilo ako.

Kainis naman oh! Epal na ulo, biglang nagblack yung paningin ko. Pero mga isang
segundo lang naman. Buti di napansin ni Daniel.

"Oo grabe talaga. Kaya ayun, namatay yung aso ko. Nung nililibing na nga siya, iyak
ako ng iyak. Hahaha!"

"Hahaha! Talaga? Ano kayang itsura mo nun nung umiiyak?" parang gusto kong
imaginine na ang cute niya pa rin kahit umiiyak. Sheeeet!

Pero bigla akong napahinto at napahawak sa gilid ng hagdan nung nagblur yung
paningin ko. Oh c'mon! Not now!
"A..aeisha? Ayos ka lang ba?"

"Uhmm yes. Tara sa canteen na tayo." tapos ngumiti nalang ako sa kanya. Panira ng
moment yung sakit ng ulo ko! Kainis naman eh! Ayaw makisama!

Kaso pagkatapak na pagkatapak ko sa last na step, biglang nanghina yung tuhod ko


kaya na-out of balance ako. Di ko na alam yung mga sumunod na nangyari sa sobrang
bilis, pero ang alam ko lang.. imbes na semento yung babagsakan ko eh parang sa
malambot ako bumagsak.

Dinilat ko yung mga mata ko..

Napatayo ako bigla mula sa pagkakadapa kahit medyo hilo na ako nung mga panahong
yun nung makita ko kung anong nangyari.

"A..ayos ka lang ba Aeisha? May masakit ba sa'yo?!" halos di naman ako


makapagsalita nung masyadong malapit na pala yung mukha niya sa mukha ko. At lalo
pa akong kinilabutan nung nilagay niya yung palad niya sa pisngi ko.

"God. Youre hot." nakalagay pa rin yung kamay niya sa mukha ko pero this time,
nakatingin na siya sa mga mata ko. Oh God, help me! Parang lalo akong umiinit!

"Tss." bigla ulit na-shift yung tingin ko kay.. kay.. Ryde.

OMG bakit ba di ko siya tinulungang tumayo? Nakalimutan ko! Shiz!

tamang timing 'to para mapalayo ako saglit kay Daniel dahil feeling ko eh pumula
yung buo kong mukha sa ginawa niya kanina. Leche di man lang ako nakapagsalita!
Nakakahiya!

"So..sorry." tinulungan kong tumayo si Ryde mula sa pagkaka..err. pagkakahiga.


"Tsk." siya naman eh pinagpagan yung polo niya na mukhang sinugod ng dumi nung
napahiga siya.

Eh kasi naman eh! Kasalanan ko na naman ba?! Di ko naman sinasadyang ma-out of


balance ah? Kasalanan ko bang paliko na siya sa hagdanan at saktong nahuhulog ako
nung mga panahong yun kaya sa kanya ako bumagsak?

HINDI KO NAMAN KASALANAN YUN DI BA? T__T

Dugdug. Dugdug.

Pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung biglang nagtinginan si Ryde at
Daniel.

Now that's what you called awkward.

Ewan ko pero parang ang awkward na nagtititigan lang sila.

Sinasabi ko na nga ba eh. Siguro may bromance talaga sa dalawang 'to? Di kaya?
YUUUUCK! Ayokong imaginine! Ang sagwa ng nasa utak ko! Kadiri! Naghahalikan sila sa
utak ko! YUCK TALAGA!

"Oh, what a sight."

Bigla namang nag-poof yung maruming imagination ko sa bromance ni Ryde at Daniel


nung biglang nagsalita si Serene. Galing ata siyang canteen at paakyat na pero
naabutan pa kami dito. Psh.

Tinignan niya kami isa-isa. Tapos nagsmile siya. Pero hindi yung smile, na smile
talaga. Parang.. bitchy smile. Well bagay naman sa kanya dahil bitch siya. Ugh.
Grabe di ko alam kung ano bang meron 'tong babaeng 'to pero umiinit talaga yung
dugo ko kapag nakikita ko siya eh! Parang laging naghahamon ng away.

"If you'll excuse me..." tapos bigla siyang dumaan sa gitna namin with matching
bunggo sa balikat ko. Bwisit talaga!!

"Ah sige Daniel, balik nalang ako sa room. Di na pala ako gutom. Sige." nginitian
ko nalang ulit si Daniel. Siguro napansin niyang nabadtrip ako masyado kay Serene
kaya tumango nalang siya.

Nung paakyat na ako, tinignan ko si Ryde. Pero as usual.. Expressionless na naman.


Grabe lang, isang beses ko pa lang ata siya nakikitang ngumiti? O dalawa? Basta!
Ang rare!

Kaso pagtapak ko sa unang step, bigla na namang nagdilim yung paningin ko. Pero
this time, hindi lang isang segundo...

Ang alam ko lang, unti-unting humihina yung boses ni Ryde at Daniel.

"Aeisha! Aeisha!"

"Oh shit!"

Hanggang sa wala na talaga akong marinig.

And it's totally black.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

ALAM NA! WAHAHAHAH! COMMENTSSSSSS <3 OKAY? :pp

*******************************************
[27] Chapter XXVI
*******************************************
"OMG nagigising na ata siya!"

"Tsk. Ingay mo kasi."

"Aeisha? Aeisha? Naririnig mo ba kami?"

Unti-unti kong dinilat yung mata ko nung narinig kong may nag-uusap. Nung una eh di
ko pa makita yung paligid dahil black pa rin lahat ng nakikita ko, pero nung
nagblink ako, nakita ko na halos magkapalit na kami ng mukha ni Yem sa sobrang
lapit niya sa akin.

"Ano ba yan Yem.. para mo naman akong hahalikan." mahina kong sabi sa kanya pero
nakangiti ako. Bakit parang wala akong boses masyado?

"NAKAKAINIS KA TALAGA KAHIT KELAN PAULINE AEISHA BERNARDINO!!"

Nagulat ako nung bigla niya akong sinigawan. Grabe parang gusto ko nalang ulit
pumikit! Ang sama talaga netong Yem na 'to eh! Kagigising ko lang tapos
binungangaan agad ako!

"HINDI MO BA ALAM HA?! HINDI MO BA ALAM!!..." unti-unti namang bumaba yung volume
ng boses niya. "...na sobrang..nag-alala ako sa''yo? Walang hiya ka talaga.. sabi
ko na eh.. mangyayari na naman yung ganito.. kakainis ka.."

Halos mawindang ang kaluluwa ko nung umiyak si Yem sa harap ko. Bigla tuloy bumigat
yung pakiramdam ko. Ayoko kasing nakikitang umiiyak si Yem kahit minsan eh ako
talaga ang may kasalanan. :'(

Pinunasan niya yung luha niya na tuluy-tuloy lang na bumabagsak. Tapos inalalayan
siya ni Daniel na maupo muna dun sa upuan sa gilid.

Tsaka ko lang naalala...

ASAN NGA PALA AKO?!?


Napabalikwas agad ako ng bangon. Pagtingin ko sa paligid, tsaka ko narealize na
nasa school clinic pala ako. Phew. Akala ko nasa ospital ako eh. I really hate
hospitals.

Tsaka naman kinwento sa akin ni Daniel kung anong nangyari. Tatlo nga pala sila
ditong kasama ko. Si Yem, Daniel at Ryde.

"Pasalamat ka talaga at nasalo ka ni Daniel kundi..."

"Oo na. Oo na." sabi ko naman kay Yem na patuloy pa rin akong pinagbubungangaan.
Napatingin naman ako kay Daniel. "Uhm, Daniel.. sa..salamat nga pala ha? Thank you
talaga." tsaka ko siya nginitian.

"Wala yun." ayan na naman yung malatoothpaste commercial nyang ngiti! Amp!
Nakakasilaw!

Bukod nga pala sa nahimatay ako, nakita ko na may bandage ako sa braso. Na-cut daw
dun sa matulis na part ng hawakan sa hagdan nung pagkasalo sa akin ni Daniel. Kaya
pala parang namanhid kanina yung kamay ko nung napabalikwas ako ng bangon.

Bigla naman akong napatingin sa side ni Ryde. Nakahilera kasi silang tatlo sa
kaliwa ng kama na hinihigaan ko. Sa gitna si Yem, sa kanan niya eh si Daniel na
pinakamalapit sa akin, tapos sa kaliwa eh si Ryde na nasa bandang binti ko na.

And as usual, ganun pa rin siya. Walang expression yung mukha. Tsaka naman ako
biglang nagtaka ulit. Bakit si Daniel yung nakasalo sa akin samantalang mas malapit
ako sa kanya nung nahimatay ako? Anong ibig sabihin nun? Na ayaw niya akong
saluhin?

AISH! ANO BA NAMAN YAN AEISHA KUNG ANU-ANONG PINAG-IISIP MO!

Gosh! Baka naman epekto 'to ng pagkakahimatay ko? Siguro nadamage yung brain cells
ko. Shet naman, wag naman sana!

Maya-maya pa eh dumating yung school nurse namin at chineck niya yung body
temperature ko. Sabi niya, may sinat pa rin daw ako dahil nasa 38°C pa yung
temperature ko. Hindi niya na rin ako pinatuloy sa klase dahil daw baka mahimatay
na naman ako kaya pinagstay niya nalang ako sa clinic.
"Hoy!" maka-hoy naman si Yem sa akin. -__-

"Hm?" palabas na kasi sila sa clinic dahil aattend na sila ng kanya-kanya nilang
klase.

"Hintayin mo ako ha? Sabay tayong umuwi! Di na ako aattend ng practice sa choir."

"HA?! May practice ka? Eh di wag mo na akong sabayan umuwi! Kaya ko nam--"

"SHATTAP!! Ako masusunod! Ako batas ngayon! OKAY?!"

Natakot naman ako sa pagsigaw sa akin ni Yem kaya napatango nalang ako ng maraming
beses. Sumakit nga yung batok ko eh. Pahiga na sana ulit ako kaso halos mapatalon
ako sa kama nung..

"Tsk. Mga babae talaga ang iingay."

Lumaki yung mata ko nung nakita ko si Ryde na nakaupo sa may upuan sa bandang
ulunan ko.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?! DI BA MAY KLASE KA PA?!"

"Ingay talaga."

Umalis naman siya dun sa upuan. Hay buti naman! Akala ko di yun papasok sa klase
eh!

Pero nagulat na naman ako nung dumiretso siya dun sa katabing kama ko.. tapos..
humiga. AY ANAK NG PATING NAMAN OH! Di ba talaga siya papasok?!

Sinigawan ko siya ng sinigawan mula sa kama ko dahil tinatamad akong tumayo. Pero
parang wala lang. Nakahiga lang siya dun at nakaface yung likod niya sa akin, so
hindi ko alam kung totoong tulog ba siya o tulug-tulugan lang. Syempre ako naman,
sumuko na rin sa pagsigaw dahil sumakit na yung lalamunan ko at nahiya naman ako sa
nurse na kanina pa pangiti-ngiti sa amin. Problema nun? -__-

Tsaka ko naman naisip na pwede ko palang kausapin yung nurse. Ay nako Aeisha,
tatanga-tanga na naman! Tsk!

"Ahm, excuse me po.." napatingin ulit sakin yung nurse. "hindi niyo po ba
papapasukin sa klase yung lalaking yun?" tsaka ko tinuro si Ryde na nakahiga pa rin
hanggang ngayon.
Bigla naman niya akong nginitian. Nag-aapply rin atang toothpaste commercial model
'tong si ateng nurse eh. -__-

"Ahh injured kasi siya eh." parang nabingi naman ako sa sinabi niya. Ano daw ulit?

"Ano po?"

Ngiti ulit siya. "Injured yung kanang braso niya. Namamaga dahil dun sa paglaglag
mo sa kanya kanina. Tumama sa pader then sa hagdan yung braso niya."

OMG. Ibig sabihin.. kasalanan ko?! Hala. Ako na naman. T__T

Tapos bigla akong nagtaka.. BAKIT ALAM NI ATE NURSE YUNG NANGYARI?! WAG NYONG
SABIHING PATI YUN EH KINWENTO NILA?!

"Sinisisi niya nga kanina yung sarili niya kung bakit ka daw nagkasugat sa braso.
Kung siya daw ang nakasalo sa'yo, sana okay yung braso mo. Problem is, sobrang maga
na ng braso niya nung mga panahong yun kaya namimilipit na rin siya sa sakit."

Nakatingin lang ako sa nurse habang sinabi niya lahat yun. Tapos tinignan ko ulit
si Ryde. Tulog nga ata, di man lang gumalaw eh. Tapos tinignan ko yung kanang braso
niya na nakapasok sa bulsa niya. May bandage yun hanggang siko. Ay jusme, bakit ba
hindi ko napansin kaagad kanina?!

Nung mga bandang 1:00 na, nakaramdam na ako ng pagkalam ng tiyan. Nakakahiya nga
dahil narinig nung nurse tapos tinawanan ako. -__- Umalis naman siya saglit para
daw kuhanan kami ni Ryde ng pagkain. And speaking of Ryde, gising na siya pero
nakaupo lang siya sa kama niya. Dumating naman agad yung nurse at nilapag yung
pagkain sa table sa pagitan ng kama namin ni Ryde. Tapos umalis din yung nurse
dahil dun daw siya sa canteen kakain.

Bumaba ako ng kama ko at hinatak yung isang upuan palapit dun sa table, ganun din
naman yung ginawa niya. Normal lang naman yung kakainin namin. Kanin tapos burger
steak yung ulam. Isusubo ko na sana yung nasa kutsara ko kaso napansin ko namang
nakatingin sakin si Ryde. Eh syempre, naconscious naman ako kaya binaba ko kaagad
yung kutsara.

"Ano?!" kairita kasi eh, nakatingin pa! Di nalang kumain!


Nakatingin pa rin siya sa akin tapos nilipat niya yung tingin niya sa plato niya,
tapos sa akin ulit. Now what's his problem?!

Ibubuka ko na sana yung bibig ko para sabihan siya ng 'Anak ka naman ng teteng oh!
Kumain ka nalang nga dyan! Tingin-tingin pang nalalaman eh!' kaso hindi natuloy
dahil bigla siyang nagsalita.

"I..can't eat." tapos bigla niyang tinaas yung kanang braso niya na parang tinubuan
ng benda.

Nung una eh naawa ako dahil para siyang puppy na nagmamakaawa pero parang nagbago
yung isip ko nung bigla siyang nagsmirk.

"Ano na naman yang ngiting demonyo na yan?"

"Will you be my.. nurse? Alagaan mo ko."

Halos mabato ko sa kanya yung plato ko nung sinabi niya yun. Ba.. ba.. baliw ba
siya?! Pano ko magnunurse eh may sakit rin ako! At isa pa, hindi ako yung nurse
dito!

"Baliw!" tsaka ko tinuloy yung pagkain ko. Feeling ko tuloy biglang tumaas yung
lagnat ko. Jusme, ano bang nangyayari sa akin?

Pero wala pang one minute eh tinignan ko ulit siya. This time, naaawa na ulit ako.
Eh pano kasi, nasa kaliwang kamay niya yung kutsara at tinatry niyang kumain kaso
fail talaga eh. Parang tigtatatlong butil lang ng kanin yung nakukuha niya. JUSME
TALAGA MABABALIW NA AKO!! ANO BANG GAGAWIN KO?!

"AKIN NA NGA!!!"
Hinatak ko yung kutsara niya mula sa kamay niya pati yung plato niya at ako yung
sumandok ng pagkain. After nun eh sinubo ko sa kanya. Kainis talaga!! Isabay niyo
pa na nakangiti siya habang sinusubuan ko siya! Sinong di maiilang?! Pag talaga ako
nainis sa kanya isusubo ko yung buong plato sa bibig niya!

Salit-salit ko namang ginagawa yun. Pagkasubo ko sa kanya nung pagkain niya, eh


kakain ako after. Nagdadabog na nga ako dahil.. ewan ko ba! Siguro side-effect to
nung gamot na binigay nung nurse. Leche talaga.

Bigla naman akong nagpanic nung nabilaukan siya kaya napatayo ako agad at pumunta
dun sa malapit sa desk ng nurse dahil andun yung water dispenser. After kong kumuha
eh binigay ko sa kanya. Grabe ha, medyo natakot ako dahil nagkulay purple yung
mukha niya! Pag nagkataon, kasalanan ko na naman >_<

Pagkatapos niyang makarecover sa pagkabilaok? Ano bang tawag dun pag nabilaukan? Ay
basta! Pagkatapos nun eh kumain na ulit ako. Nung nakasubo na sa akin yung kutsara,
eh bigla na naman siyang nagsalita..

"Uhh.. I think.. that's MY spoon."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, naibuga ko lahat ng nasa bibig ko.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Uuuy sa mga gusto pong magpadedic sa next chappies (nabura ko kasi yung list),
pacomment nalang sa baba. Okay? Yung mga may gusto lang naman. THANKIES!

Nga pala, let's pray for the soul of tito Dolphy ha? :'( Sobrang nalulungkot talaga
ako sa nangyari. Naiyak pa ako kagabi. Shemay lang talaga. Ayun. God bless his soul
<3
*******************************************
[28] Chapter XXVII
*******************************************

"Nakakainis ka talaga kahit kelan!!"

UGH! Bakit ba kasi kasama ko pa 'tong bwisit na lalaking 'to dito?! Tawa pa rin
siya ng tawa. Oo alam ko gusto kong makita siyang tumawa kahit minsan lang, pero
dahil dito, sana forever nalang siyang expressionless! Bwiset! Nakakadegrade ng
pagkatao yung tawa nya!

"Aish!"

Sobrang nashock talaga kasi ako nung sinabi niyang kutsara niya yun, kaya naibuga
ko lahat ng nasa bibig ko. Swerte niya dahil nakailag siya. Leche sana di nalang
siya nakaiwas!! Bwisit talaga siya nakakainis!!

AKALAIN NIYA BA NAMANG SABIHIN NIYANG "Kidding."

Okay, di ko sinasabing sana eh totoo nalang, pero diba.. nakakaasar? Yung akala mo
totoo pero joke lang pala? OKAY WAG LAGYAN NG MALISYA! AYOKO NA NGA!!

Sinong di maiinis di ba?! Halos masira talaga pagkatao ko nung sinabi niyang
kutsara niya yun eh! Yun pala akin talaga yun! HELLO?! Kung nagkataon, yun ang
FIRST KISS ko! Oh yeah kahit indirect kiss man yun, kiss pa rin yun! Ang sarap
ikiskis ng labi niya sa pader eh!

Hindi na kami nag-usap matapos ang nakakapambwisit na insidenteng yun. Naglaro


nalang ako ng tetris sa phone ko habang hinihintay si Yem. Siya naman, tulog ata.
Teka nga, bakit ko ba siya tinitignan?! Ano ba Aeisha, magfocus ka sa nilalaro mo!

Nung bandang 5:30 na, narinig ko yung bell kaya ibig sabihin eh uwian na. Hinintay
ko nalang si Yem sa may clinic. Pero napatingin naman ako sa gilid ko. Tulog pa rin
pala siya. Wala ba siyang balak na umuwi? At dahil mabait akong bata, lumapit ako
sa higaan niya para gisingin siya. Pero napahinto ako nung nakita ko yung kamay
niya. Sobrang maga nga, tapos sobrang pula pa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng
guilt.

Sabi ko nga, kasalanan ko kung bakit nagkaganyan :\


"PAULINE AEISHA BERNARDINO!!"

"AY DIYOS KO PO!!"

Pagtingin ko sa pintuan, si Yem pala yung sumigaw. Ako naman halos matumba sa
sobrang gulat. Buti nalang nakahawak ako sa something kaya di ako natumba.

"Shit!!"

Nagulat ulit ako nung may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko, si Ryde naman. At
sobrang nanalaki yung mata ko sa nakita ko.

"OH MY GOD SORRY!!"

Yung nahawakan ko pala para di ako matumba, eh yung braso niya. >_<

Lumayo ako sa kanya dahil parang anytime eh bubugahan niya ako ng apoy. Eh kasi
naman si Yem eh! Siya may kasalanan nito! Kung di niya ako ginulat eh di sana di ko
nahawakan yung injured arm ni Ryde! Pero okay na rin yun no. At least nagising
siya!

Nagsorry nalang ulit ako sa kanya. Sinisi ko naman si Yem nung nakalabas na kami ng
clinic habang kinukuha ko yung bag ko sa kanya.

"Eh kasi may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman!"

"Eh kasi naman po, baka mamaya eh umuwi ka na namang mag-isa at di mo ako
hinintay!"
"Yem?!"

"Oh? Totoo naman di ba?! Ganyan ka kaya lagi! Pag sinabihan ka ng dapat gawin,
lalong di mo gagawin!"

In the end, siya rin yung nanalo. Eh pano ba naman?! Lahat ata ng kasalanan ko mula
grade school eh sinumbat niya sa akin! Grabe ha! Ang point ko lang naman eh sana
hwag siyang bigla-biglang sisigaw kapag papasok sa clinic, pero napunta hanggang
dun sa pagtago ko ng sapatos niya sa taas ng blackboard!

"Uy Yem! Aeisha!"

Parehas naman kaming napatingin ni Yem sa likod dahil may tumawag sa amin. Si
Daniel pala.

"Uy." Nginitian ko nalang siya. Ganun din naman yung ginawa ni Yem.

"Hatid ko na kayo."

Nagkatinginan naman kami ni Yem. Anong sabi niya? Ihahatid niya kami? Bakit naman?
Mukha bang hindi naming kayang umuwi sa bahay namin?

"Ah haha, naku wag na Daniel. Kaya na namin." Sabi ko sa kanya.

"I insist."

Wala naman kaming nagawa ni Yem kundi pumayag. Sabi ni Daniel, nag-alala daw siya
sa akin dahil baka mahimatay na naman ako. Actually, dapat kinikilig ako sa mga
oras na 'to eh, pero ewan ko kung bakit hindi. Naaabnormal na naman siguro ako.

Sumakay naman kami agad ng jeep at nagbayad. Napatingin naman ako sa interior ng
jeep... Teka, itong jeep na naman?! Parang isang beses sa isang linggo ko lang 'to
hindi nasasakyan ah?! Grabeng tadhana naman 'to oh! Titignan ko na sana si manong
driver kung siya rin yun pero sa iba nabaling yung paningin ko. Napatingin ako dun
sa may side mirror at nakita ko ...

Si Ryde.
KE..KELAN SIYA NAKASAKAY DITO?! Hindi ko naman siya nakitang sumakay sa may unahan
ah?!

Pero laking gulat ko nung tumingin rin siya sa akin gamit yung side mirror kaya
napaiwas agad ako ng tingin. Hay ano ba Aeisha?! Wag mo na nga kasi siyang tignan!
Baka isipin pa niyan tinitignan mo talaga siya. Tsk.

Maya-maya lang rin eh bumaba na kami. Si Yem at Daniel nag-uusap tungkol sa anime
kaya di ako makarelate. Wala naman kasi akong hilig dun no! Mas nabaling yung
paningin ko sa kabilang side ng kalye. Naglalakad kasi kami sa may right side,
tapos si ano.. si Ryde, sa may left side. Halos kapantay lang rin namin siya.

"Huy Aeisha! Andito na tayo!"

"Ah..huh?"

Tsaka ako napatingin sa kanila. Nasa bahay na pala kami?! Ni hindi ko man lang
napansin!

"Kanina ka pa lutang dyan ah?"

"Baka dahil sa sinat yan."

"Sus lagi namang lutang yan kahit walang sinat."

Kita nyo 'tong dalawang 'to. Pag-usapan daw ba ako? Sipain ko sila parehas eh!

Saktong bubuksan ko na sana yung pinto nung bumukas 'to bigla. Akala ko kusang
bumukas kaya medyo natakot ako. Yun pala si Aera yung nagbukas kaya di ko kaagad
nakita. Eh paano ba naman eh wala pa siya sa kalahati ng pinto. Tapos biglang
kumunot yung noo niya nung nakita niya si Daniel. Problema ng batang 'to? -__-

"Oh sige, una na pala ako."

"Ah sige. Salamat nga pala ulit sa paghatid." Tsaka ko nginitian ulit si Daniel.

Pero bigla siyang napahinto nung nagsalita si Aera.


"AH NAALALA NA KITA! Ikaw yung kuyang nakita ko kanina!"

Eh? Kilala ni Aera si Daniel?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Sorry ngayon lang ang update, may exam kasi ako kanina eh T_T Hahaha. So ayan
maikli lang. Bawi nalang sa next chappie. Comments ha? =)))

*******************************************
[29] Chapter XXVIII
*******************************************

"Oy babaita, wag mo na akong hintayin mamaya ha. May practice ulit kami eh."

"Eh! Hihintayin kita! Wala na naman akong kasabay! Basta, itext mo ko pag tapos na
practice nyo para sabay tayo." nung nakita kong pabuka na yung bibig ni Yem eh
inunahan ko na siya. "HEP! Bawal umangal! Period! No erase! Padlock! Okay?
Hihintayin kita sa may gate ha, Yem?"

At dahil nga magaling akong mangumbinsi, pumayag na rin siya. HAHA! Galing ko
talaga! Eh kasi naman. Lagi nalang akong walang kasabay dahil puro siya practice!
Samantalang yung sa badminton eh twice a week lang ang practice namin. At saka,
laging si Ryde yung kasabay ko! Nakakasawa yung mukha niya no!

Dahil lunch break na at kanina pa ako kumain, naggala-gala muna ako sa corridor.
Excused kasi lahat ng sports club tsaka music club dahil sa Sports and Music Fest
na gaganapin three weeks from now. Pero grabe sila ha! Next week na kaya ang first
periodical exam namin! Jusko, kung puro practice ang gagawin namin eh baka mabokya
ako sa mga exams!

Pero syempre, tinatamad pa akong mag-aral. At isa pa, ayokong mag-aral dito sa
school no. Mas gusto kong nag-aaral sa bahay. Tapos hindi naman kami magpapractice
ngayon ng badminton dahil may gumagamit ng court. At dahil nga excused ako pero
wala kaming practice (at ayoko pang mag-aral), nag-alaDORA nalang ako sa school.

"Tsk. Kakatamad naman! Saan ba ako pupunta?"


Nalakad ko na ata mula third floor hanggang first floor pero five minutes pa lang
yung nakakalipas. Jusme, mamamatay ako neto sa sobrang boredom eh!

Dahil wala na akong magawa, pumunta nalang ako sa gym. Pagkapasok ko dun, parang
may perya sa dami ng tao at sa dami ng nageexhibition. Meron kasing gwapong
basketball player na nagpapaikot ng bola sa daliri tapos nililipat-lipat niya sa
kabilang kamay niya. Shemay! Crush ko na siya! Ang galing niya :''>

Meron ding mga nagvovolleyball na tinatangay-tangay yung buhok nila habang kinukuha
yung bola. Bakit ganun?! Ang popogi nila kahit pawis na pawis na sila?! Bakit?!

Hindi ko na kinaya yung mga nakikita ko kaya lumabas rin agad ako ng gym. Shet lang
talaga! Pag ako pumasok dun baka bukas makulong ako sa salang rape! Kailangang
pigilan ang sarili!

Naglakad-lakad nalang ulit ako papalayo dun sa makalaglag-panty na gym. Di ko alam


kung saan na ako napadpad (dahil iniisip ko yung mga gwapong nilalang sa loob ng
gym. Hihihihi.), pero pagtingin ko...

Teka..

BAKiT ANDITO AKO?!

Kainis ha! Lagi nalang! Andito na naman ako sa harap ng mga barbwires. Tsk. Sige na
nga! Wala naman kasi akong ginagawa eh! For the third time around, nag ala-gymnast
na naman ako. Promise talaga, pag college na ako kukuha ako ng gymnastics!

Naglakad ako papunta dun sa malaking puno sa gitna. Grabe ang hangin talaga dito!
Yung palda ko umaabot na sa mukha ko! Buti nalang walang tao. Psh. Umupo nalang ako
at sumandal doon sa trunk ng puno. Matutulog nalang ako! At least dito walang
istorbo!

Papikit na sana ako, kaso biglang...


"Wag mo akong upuan..."

"AY PUTAKTE!!"

Napatayo ako bigla nung may nagsalita. Promise kinilabutan talaga ako! Nakakatakot
kasi yung boses eh, parang.. parang.. Waaaaaaahhhh! Ano ba yun?! TT_TT

"S..sorry po! Sorry po!!"

Sobrang kinakabahan talaga ako. Feeling ko lamang-lupa yun eh. Huhuhu. Kaya todo
bow ako dun sa inupuan kong lupa. Hala baka maano ako neto. Huwaaa ayoko na dito!
May engkanto dito!! Tatakbo na sana ulit ako pabalik ng school pero nagsalita ulit
yung engkanto.

"Bawal.. tumakas.."

O_O

"WAAAH! HINDI KO NAMAN PO SINASADYANG MAUPUAN KAYO EH! SORRY NA KASI! AALIS NA PO
AKOOOO T__T"

Grabe! Ngayon naniniwala na ako sa mga engkanto't lamang lupa! Huwaaa grabe ayoko
na talaga dito! May engkanto dito! Kinakausap pa ako! :'(

Magsosorry pa sana ulit ako para makaalis na ako sa sinumpang lugar na 'to, pero
napatingin ako sa taas ng puno dahil feeling ko eh may narinig ako mula doon.
Nakita ko na may nakalawit na polo shirt, at may nakikita rin akong sapatos. Nag-
init yung mukha ko nung mga panahong yun.

"HOY!!" sinipa ko ng malakas yung katawan nung puno.

"WHOA!"

Sabi ko na nga ba eh! BWISIT NA EPAL NA LALAKING 'TO!! Nakakainis!! Bakit di pa


siya nahulog!!
"WALANGHIYA KA!! AKALA KO MAY ENGKANTO NA TALAGA AKONG NAUPUAN, YUN PALA IKAW LANG
YAN?! BUMABA KA DITO PARA MASAPAK KITA NG KALIWA'T KANAN! TARA! SUNTUKAN TAYO!"

At alam niyo ginawa niya?

Imagine? Tinawanan ako? Tinawanan niya lang ako!! Samantalang halos maubos na yung
oxygen ko kanina sa katawan sa sobrang kaba?! Hayup talaga 'tong Ryde na 'to eh!!
Pasalamat siya nasa taas siya ng puno!

"WAG NA WAG KA TALAGANG MAKABABA-BABA DITO! IPAGPAPALIT KO YANG MUKHA MO DITO SA


UGAT NG PUNO!! EEESSSHHH!!" tsaka ko ulit sinipa yung puno. Sayang di na naman siya
nalaglag!

Sisipain ko sana ulit yung puno pero natigilan ako nung bigla siyang tumalon mula
doon sa itaas. Napasigaw pa nga ako dahil akala ko masusubsob siya eh. Sayang di
natuloy. Tapos nagulat ako nung lumapit siya sa akin. At, take note, ayan na naman
yung bwisit na ngiti niya. Alam kong may masama na naman 'tong binabalak eh!

"H..hoy! Sabi ko wag kang la..lalapit sa akin eh! Gusto mo talagang masapak eh
no?!" pero para rin akong tanga dahil atras ako ng atras habang lumalapit siya.

"Ano ba! Lumayo ka sakin! Napaka mo talaga eh no?!" di pa rin natatanggal yung
malademonyo niyang ngiti.

"Ano bang problema mo ha?! Ilang beses ka bang inire ng nanay mo at di mo


maintindihan yung salitang..---"

Naputol bigla yung sasabihin ko nung bigla niyang inangat yung kamay niya at
humawak sa katawan nung puno. Ngayon ko lang rin narealize.. cornered pala ako.

"-- layo." nagulat naman ako sa sarili ko nung bigla kong tinuloy yung naputol na
reklamo ko kanina.
Dugdugdugdug.

Napatingin lang ako sa mata niya dahil nakatingin rin siya sa akin. At halos
maduling naman ako nung mga panahong yun dahil sobrang lapit pala ng pagmumukha
niya sa mukha ko. Pero nagulat ako nung lalo niya pang nilapit yung mukha niya...

Sheeeet.. anong gagawin niya?! Bakit di ako makapagsalita?! Napipi na rin ba ako?!

Ayan na.. 2 inches.. 1 inch.. half inch.. no waaaaay.

At mas lalo pa akong kinilabutan nung bigla niyang hinawakan yung batok ko.

Napapikit nalang ako sa sobrang kaba.

Nararamdaman ko yung paghinga niya. Pero ilang segundo na ata yung nakalipas eh
wala namang nangyayari, kaya dumilat ako.

Halos mapapikit ulit ako sa gulat nung napansin kong magkadikit pala yung ilong
namin. Sisipain ko na sana yung tuhod niya para makalayo ako sa kanya (at para
maginhale ng oxygen!) pero natigilan ako nung nagsalita siya.

"Paturo sa Math."
Ewan ko pero bigla akong nabadtrip at ang sumunod nalang na alam ko eh sinipa ko
siya sa tuhod.

Gaaahhhd!! Am I expecting him to..to.. kiss me?! >_<

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Okay eto lang ang aking nakayanan. Sarreeeeeeh! Hahahaha!

*******************************************
[30] Chapter XXIX
*******************************************
Yey! Eto naaaa! So, baka po di ako makapagpost ng updates ngayong week dahil may
exam ako next week (HARDCORE EXAM). So ayun. Baka weekends ulit? Sensya na!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Tapos pwede mong gamitin yung vertical line test para matest kung function siya o
hindi."

"Hmm."

Ano bang pumasok sa isip ko at tinuturuan ko pa siya?! Jusme, may topak talaga ako
ngayon eh. Buti nalang talaga excused ako kundi baka cutting na ang maging labas
neto. Pero naiinis pa rin talaga ako sa sarili ko eh! Para akong baliw! Ang bipolar
ko na! Nahahawa na ako dio sa impaktong kasama ko!

"Oh ano? May tanong ka pa? Isa't kalahating oras na tayo dito ha." pero in all
fairness, hindi na ako bored. Oh di ba? Pampatanggal boredom rin pala 'tong si Ryde
eh! Hahaha.

"Inaantok ako." sabay higa niya sa may damuhan.

Sasabihin ko sana.. 'Pake ko?' Eh kaso baka sapakin niya ako bigla. Alam nyo na,
medyo close sila ng trouble eh. And speaking of trouble, bakit nga ba siya
nakikipag-away?

"Oy." ang galang ko eh no? Pero tumingin naman siya agad sa akin. Malamang naman,
kaming dalawa lang naman ang nandito. Di man lang nagsalita -__-

"Uhmm.. hindi naman sa nakikialam ha.. pero.. ahh.. bakit ano.. ahh.. bakit ka
nakikipag-away?"

For one minute eh nakatingin lang siya sa akin. Eh ako naman, naconcious masyado,
napaiwas ako ng tingin. Ay naku naman! Ano bang nangyayari sa akin ngayon?!

"Tsk. Wag na nga! Wag mo ng sagutin!" badtrip na taong 'to. Nagtatanong ako tapos
tinitigan lang ako? Tadyakan ko mukha niya eh. Niligpit ko naman yung notebook niya
sa math. At nakakainis lang. Bwisit naiinsecure ako! Paano ba naman, ang ganda ng
sulat niya! Samantalang yung sa akin eh parang dinaanan ng isanglibong manok!
Nahiya ang handwriting ko sa kanya eh!

"Oy eto na notebook mo. Aalis n-- ayyyy!"

ANAK NG MANOK NAMAN OH! ANONG PROBLEMA NIYA?! Paano ba naman eh bigla niyang
hinawakan yung kamay ko tapos hinila ako pababa kaya napahiga rin ako sa damuhan!
Leche buti di naumpog yung ulo ko!

"ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA MO?! KANI--"

"Shhh."

Bigla akong napatahimik nung humarap siya sa akin at sobrang lapit ng mukha niya.
Hinayupak na impaktong epal na lalaking 'to!! Bakit ba siya laging ganyan?! Feeling
ko magkakasakit na ako sa puso eh! Buti nalang talaga at humiga na ulit siya at
pumikit.

This time, ako naman ang tumingin sa kanya. OKAY, I must admit it. Ang pogi niya.
Oo pogi siya pero bwisit lang kasi ang manyak niya minsan tapos lagi pa akong
inaasar. Ewan ko ba, naasar kasi talaga ako pag nakikita ko siya, o kung tumitingin
siya eh. Para kasing lagi niyang sinasabi na 'Maasar ka. Maasar ka.' And boom.
Bigla-bigla nalang akong naasar. Pero sabi ko nga, pogi talaga siya.

Tatakas na sana ako habang tulog siya pero ANAKNGPITUMPUTPITONGPATING naman talaga
oh! Hawak-hawak niya pa rin pala yung kamay ko!! Ang higpit pa! Paano naman ako
makakatakas neto?! T_T At dahil wala naman akong magagawa, eh pinikit ko nalang
ulit yung mata ko. At ang alam ko lang, nakatulog ako.

***

Naalimpungatan ako nung parang sumundot sa pisngi ko. Ewan ko ba kung sinundot nga
ba oh ano, pano kasi parang ang lambot nung dumampi. Ahh ewan! Basta nagising ako.

"Evening." napatayo ako bigla nung nakita ko siya sa tabi ko. Tinignan ko naman
yung paligid namin at kulay orange-purple na ang langit. Walangya! Ilang oras ba
ako nakatulog?!

"H..HOY! BAKIT DI MO KO GINISING?!" At aba?! Umiwas ng tingin?! Napakabastos talaga


ng lalaking 'to! Kinakausap tapos biglang haharap sa kabilang side?!

"At bakit hinintay mo pa akong magising?! Di ka nalang umalis?!" Oh diba? Siguro


minanyak na naman ako neto!

Nagulat naman ako nung bigla niyang tinaas yung kamay.. namin. WHAT THE..

"Ayaw mo bitawan eh. Tsk."

O_O

WOW! Ako pa? Ako pa ang ayaw bumitaw? Siya kaya yun! Namanyak na nga yung kamay ko,
ako pa nasisi!

Pero napansin ko ring nakakapit nga ako sa kamay niya. Paano yun nangyari? @_@ pati
ba naman kamay ko may abnormalities na rin?! Binitawan ko naman agad yung kamay
niya. Geez, what's wrong with my heart beat? Naabnormal na rin ata? Ay walang hiya!
Lahat nalang ata ng body parts at organs ko, abnormal!
Pero bigla akong may naalala at sobrang kinabahan talaga ako. Tinignan ko yung
phone ko pero whatthepakinghell battery empty na ako! How lucky could I be?

"OMG ANONG ORAS NA?!"

Tinignan niya yung phone niya. "6:45."

WAAAH! PATAY AKO!

SI YEM NAKALIMUTAN KONG HINTAYIN SA GATE!! T__T

*******

"PAULINE AEISHA AGUILAR BERNARDINO BAKIT NGAYON KA LANG?! ALAM MO BANG ISANG ORAS
AKONG NAGHINTAY SAYO SA MAY GATE!? IMAGINE? ISANG ORAS! TAPOS PAGDATING KO DITO
WALA KA PA?! KULANG NALANG EH ATAKIHIN KAMING LAHAT DITO SA PUSO! ANO BANG PROBLEMA
MO HA?"

"Yem, andun--"

"SAAN KA BA NAGSUSUOT AT NGAYON KA LANG UMUWI!? DI MO BA ALAM NA NAG-AALALA KAMING


TATLO SAYO? PAANO NALANG KUNG NAHIMATAY KA TAPOS WALANG TUMULONG SAYO? OH DI KAYA
MAMAYA NASAGASAAN KA NA PALA NG TEN-WHEELER TRUCK! OH KAYA NAGANG-RAPE.. PERO
SYEMPRE WALA NAMANG MAGTATANGKANG MANGRAPE SAYO.. TAPOS DI NAMIN ALAM KUNG SAAN KA
HAHANAPIN!"

"Eh kasi nga andun ako sa m--"

"NAPAKAPASAWAY MO TALAGA! SABI HIHINTAYIN AKO! YUN PALA AKO ANG MAGHIHINTAY! YAN
TULOY DI AKO NAKAPANGSTALK SA CRUSH KO! NAPAKA TALAGA! ANO NALANG--"
"EH KASI NGA PAKINGGAN MO MUNA AKO OKAY?! LET ME EXPLAIN!!!"

Napahinto naman siya sa pagdadakdak. Jusme. Sabi na nga ba eto ang aabutan ko sa
bahay eh. Alam niyo yun? Nasa labas pa ako ng bahay pero pinagalitan agad ako? At
take note ha! Nakaabang talaga silang tatlo sa may pintuan at pare-pareho pa silang
nakapamaywang! Ano 'to, scripted?!

Pinapunta ko naman sila sa may sala at saka ako nag-explain. Pero syempre di ko
kinuwento yung mga moment na alam kong aasarin lang nila ako. Pero wengya, waepek!
Inasar pa rin nila ako kay 'prince charming' ko daw. -__-

Actually, sabay kaming umuwi ni Ryde. Buti nga andun pa rin yung gamit ko sa room
eh. Tanga rin minsan ni Yem eh. Di chineck yung room. Tsk. So ayun nga, sabay
kaming umuwi. And guess what! Si manong driver na naman yung nasakyan namin! Ay
nako, feeling ko kilala na ako ni manong dahil lagi ko nalang nasasakyan yung jeep
niya. Pero di kami sabay naglakad ni Ryde. Eh kasi dumiretso siya dun sa tindahan.
Eh alangan namang hintayin ko siya diba? Ang gaga ko naman kung ginawa ko yun. Kaya
naglakad nalang ako papunta sa boarding house namin.

"Yiiee ikaw naman kasi, di mo sinabi agad na si Prince charming mo pala yung kasama
mo. Ahihihi." sapakin ko kaya 'to si Yem? Pano ko masasabi eh walang tigil yung
bunganga niya kanina?

"Ay Diyos Ginoo! Kahit matanda na ako ay kinikilig pa rin ako. Ha..ha..ha.." kita
niyo 'tong si lola, pati sa buhay teenager nakikisali. Feeling bagets pa rin eh!
Hahaha.

"Ayiiee ikaw ate ha! Dami mo namang lalaki! Hindi pala si kuya Daniel yan!" isa pa
'tong bulinggit kong kapatid. Nakabitin na naman sa tuhod ko. Koala mode na naman
siya. Mukha bang eucalyptus 'tong paa ko?!

Ay naku! Di ko nga alam kung bakit 'prince charming' tawag nila kay Ryde eh. Pwede
naman Ryde nalang? Arte ni Yem forever! Gusto niya daw kasi mala-fairytale. Paluin
ko siya ng wand eh!

The next day, sabay kaming pumasok ni Yem. At naman talaga oh, yun ulit yung jeep!
Grabe ha! Medyo creepy na ang dating. Di kaya, type ako ni manong driver? HAHAHAHA!
Charot lang!
Dun kami sumakay sa may unahan ng jeep. Syempre, favorite spot eh. Tapos nakita ko
namang nginitian ako ni manong driver. Ako kasi yung malapit sa kanya. Syempre
dahil mabait akong bata, nginitian ko rin siya. Ewan ko, parang ang bait kasi ng
mukha ni manong eh. Hahaha!

Nagpasalamat naman ako sa abang Maykapal nung nakababa na kami. Eh pano ba naman
kasi 'tong si Yem eh inaasar ako sa jeep! Walangyang babaeng yun! Buti konti lang
yung pasahero ni manong kanina! At naki-FC pa siya kay manong! Lecheng babaeng 'to,
ang timang lang!

"Hahaha! Uy grabe Poleng! Tawang-tawa si manong sayo kanina. Haha! Imba daw kasi
nung hawak-sa-boobs moment niyo ni Ryde nung una kayong nagkita. HAHAH--- ARAY
NAMAN!" binatukan ko nga. Ang ingay ng bunganga eh! Dami tuloy tumingin sa amin!
Gosh! Sana wala silang narinig >_< Sarap iistapler ng bibig ni Yem minsan eh!

At syempre dahil tuloy pa rin ang practice for Sports and Music Fest, dumiretso ako
sa gym tapos si Yem eh sa auditorium. Pagdating ko dun, nagpapractice na si Daniel
at si Chris, yung isa ring badminton player. Naghello sila sa akin parehas at ganun
din naman ako. Tapos nilapag ko yung bag ko sa may gilid.

"Bernardino, kayo ni Bellardo ang susunod ha." nagulat naman ako kay coach na nasa
gilid ko pala! Grabe, mas matindi pa si coach sa kabute kung sumulpot eh! Okay, si
Chris pala kalaban ko eh. Buti naman at hindi si Daniel. Imba kasi yun tumira eh!
Di ko masalo minsan >_<

"Opo coach." umupo naman ako doon sa bleachers habang naghihintay matapos yung
match ni Daniel at Chris.

Actually, madami ng tao sa gym. Dun sa kabilang side, may nagtatabletennis,


volleyball (pero two-line formation lang sila dahil kami yung gumagamit ng court),
basketball (dribbling lang sila, same reason) at chess. Maya-maya lang din,
nilapitan ako ni Daniel.

"Aeisha." ngumiti siya sa akin pero.. I think there's something wrong with his
smile. Parang..parang ang weak?

"Ako na ba?" nginitian ko naman siya. Gusto ko siyang i-cheer kaso nahihiya ako eh!
Okay, may hiya rin naman minsan ang isang walanghiyang katulad ko no!

"Ahm, ikaw muna lumaban kay Chris, may pupuntahan lang ako. Sige, kita ulit tayo
mamaya." then pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko. AY PAKSHET NAPASTRAIGHT
AGAD AKO NG UPO DAHIL FEELING KO EH NAKURYENTE AKO. Grabe :''''>
Si coach naman nag-'ahem' dahil nagtititigan na kami ni Daniel. Napaiwas tuloy kami
pareho ng tingin. Psh. Panira ng moment si coach! Gawin ko siyang shuttlecock eh
>_>

Kinuha ko naman yung raketa ko at pumunta ako sa gitna ng court at hinarap si Chris
na nakatodo-smile.

"Hi Aeisha!" sabay wave niya sa akin. At syempre dahil kinilig ako kanina..

"Hello Chris!"

Napa-'whoa' siya nung bigla kong tinira yung shuttlecock sa direksyon niya. Hahaha!
Ganyan ang tamang paghehello. Galing nga ni Chris eh, nabalik niya agad sa akin
yung tira. And ayun, nagrarally na kami. Medyo nakikita ko sa aking peripheral view
na andaming nakatingin sa amin >_< Naman oh! nacoconcious ako!

"Ang galing nila!"

"Grabe, mukhang mananalo tayo sa badminton this year ah?"

"Ang galing nung babae! Ang sexy pa!"

There. Di ko natira yung shuttlecock nung narinig ko yung word na sexy. BWISET KUNG
SINO MANG NAGSABI NUN! IPAPAKAIN KO SA KANYA YUNG SHUTTLECOCK! ANG AYAW KO SA LAHAT
EH SINASABIHAN AKONG SEXY KAHIT TOTOO! KAINIS! GANDA NA NG RALLY NAMIN EH!

"Nice try Aeisha! Hahaha!" sigaw naman ni Chris. Aba! Kala niya naman panalo na
siya. Duh?! Nawala lang ako sa focus! Mamatay na sana nagsabi nung sexy! Epal eh!

Tinira ko ulit yung shuttlecock papunta sa kanya at nagrally na naman kami. This
time, focused na ako. Dapat siya naman ang di makasalo ng shuttle! Di ako papayag
na ako ulit! At..

NAGDILANG ANGHEL AKO! Hahahaha! Cool yeah! Napasadsad pa siya sa sahig nung
sinubukan niyang saluhin yung tira ko. Pero oh well. HAHAHA ang yabang ko pakshet!

Nilapitan ko naman agad siya para i-check kung nagasgasan ba siya or what.

"Okay ka lang, Chris?"


"Ah oo. Imba, ang galing mo talaga Aeisha! Hahaha. Patulong nga tumayo." hinawakan
ko naman yung kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo. Pero pareho kaming nagulat
nung umingay doon sa kabilang side ng court.

"Whoa! Pare easy lang! Easy lang!"

"Grabe Jin, five moves?! Naknang! Ikaw na!"

"Badtrip ata si Jin! Finive moves lang si Galvez! Hahaha!"

"Oy bakit niyo kasi binadtrip si Ryde?! Five moves tuloy ako! Tsk!"

Halos mabitawan ko yung raketa ko nung nakita ko dun si Ryde na naglalaro ng chess.
A..andito pala siya?! Kasali pala siya dito?! Tapos biglang nagflash yung sinabi sa
akin ni Yem dati...

Oo! Naalala ko yung mukha niya kanina lang! Nakalaban ko yun datisa chess
tournament.

UGH! Grabe bakit ba di ko naalala na magaling palang magchess 'tong tokneneng na


nilalang na 'to?!

"Huy Aeisha, anong nangyari sa'yo?" napatingin naman ako kay Chris na parang
nagsasabi ng bakit-ka-nakanganga-look. Okay, sorry naman.

"Ah.. hehe. Wala naman. Tara water break muna tayo."

"Okay!"

Lumakad kami papunta doon sa dulo ng court dahil andun yung water dispenser. Pero
3/4 palang kami ng court eh napahinto ako dahil sa narinig ko.

"Ewan ko rin eh. Baka may nangyari?"


"Tsk. Weird lang kasi bigla siyang nagbago."

"Oo nga. Dati eh nakakasama pa natin siya sa mga kapilyuhan natin. Pero ngayon,
lagi nalang siyang tahimik sa isang tabi."

"Ano kayang nangyari kay Jin at biglang nagkaganyan?"

"Hay malay ba natin? Pero nakakainis din minsan kasi di na siya masyadong
namamansin."

"Tara na nga. Baka may nangyari lang talaga sa kanya."

Saka lumayo yung tatlong lalaking nag-uusap sa gilid ko. Pero teka nga, tama ba ang
pandinig ko? Di kaya may sira na ang eardrums ko? Si Jin? Si Ryde? Pilyo dati? Di
nga? Parang di naman!

"Aeisha! Anong ginagawa mo dyan? Tara na dito!" napatalon naman ako nung sumigaw si
Chris mula dun sa dulo. Walangya andun na pala siya! Bakit ba kasi ako huminto? Hay
naku naman!

Pagkatapos naming uminom eh pabalik na sana kami sa court nung biglang..

"Aeisha look out!!"

*CLANG!*

Ah sh*t!!

What the.. may lumipad na badminton racket sa direksyon ko at natamaan ako sa ulo.
Ang sumunod nalang na alam ko eh nagsilapitan na yung mga tao sa paligid ko habang
unti-unting nagdilim ang paningin ko.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

*******************************************
[31] Chapter XXX
*******************************************

"Ouch! Ano ba naman yan Yem, dahan-dahan naman!"

"Ah ganun? Ibaon ko 'tong yelo sa ulo mo eh." tapos diniinan niya nga! Waaag gagi
talaga 'to si Yem! Pasalamat siya medyo nahihilo pa ako!

"Bwisit na babaeng yun! Naku susugurin ko talaga siya bukas! Walang hiyang
impaktang ingratang hayup na animal na babaeng yun! Grrrr!!"

"Grabe ha? Walang hiya na, impakta na, ingrata, hayup tapos animal pa! Hahaha!
Bitter teh?"

Sinamaan ko nalang ng tingin si Yem. Naku pasalamat siya bestfriend ko siya at


mabait ako!

Nasa bahay na nga pala kami ngayon at nilalapatan niya ng yelo yung bukol ko sa
likod ng ulo. Lintek lang talaga kasi.

**flashback**

Biglang nandilim yung paningin ko pero nagawa ko pang dumilat ulit. Ang alam ko
lang eh nakapaligid na sa akin yung mga tao.

"Aeisha! Aeisha! Okay ka lang?! Coach! Coach! Si Aeisha!!" naririnig ko yung boses
ni Chris pero medyo nanlalabo yung paningin ko.

Maya-maya lang rin, nasa tabi ko na si coach at may sinasabi siya sa akin pero di
ko maintindihan. Shet lang, nabibingi na ata ako. Sinubukan kong umupo. Medyo
naririnig ko na yung pinagsasabi ni coach.

"--Chris, iinform mo yung nurse dali! Bubuhatin ko siya papunta dun!--"


Pero nagulat ako nung marinig ko yung pamilyar na boses.

"POLENG!! ASAN KA?! PAULINE AEISHA BERNARDINO!! OH MY GOSH!!" medyo luminaw yung
paningin ko at nakita ko si Yem habang hawak-hawak niya yung phone niya sa kabilang
kamay.

"OH MY GOD POLENG ANONG NANGYARI?! TINEXT NALANG AKO BIGLA NI JIN NA BUMAGSAK KA!
AT ASAN BA YUNG JIN NA YUN AT DI KA TINULUNG---"

Bigla kaming napatingin dun sa may gilid dahil may narinig kaming sigawan.

"I told you nabitawan ko nga yung raketa!!"

"Shut up Serene."

"I'm saying the truth!! Eh sa nabitawan ko nga eh!! Malay ko bang tatama sa ulo
ng.. ng babaeng yan?!" then medyo naaninagan ko na tinuro niya ako.

"Leave her alone. Or else..."

Bigla akong kinabahan nung tumingin siya sa akin. Or not? Baka namamalikmata lang
siguro ako. Shiiiiit nahihilo na ako! Tatayo na sana ako kaso bigla na namang
nandilim yung paningin ko. And this time, di na ulit ako nakadilat.

***

"Jusme! Buti nga hindi ka nagkahemorrhage eh! Ang bwiset talaga sa buhay ng Serene
na yun! UGH!!"

"Ouch Yem! Buhok ko yan!!"

"Oops. Sorry. Hehehe."


Baliw din 'tong babaeng 'to eh! Sa lahat naman ng pwedeng ipampalit sa lecheng
mukha ni Serene na panggigilan eh buhok ko pa yung natripan!

"Pero in fairness te ha, nakita mo ba yung ginawa ni Prince Charming? Hihihi.


Sheeeet kinikilig ako! Akin nalang siya please?" bigla ko siyang sinamaan ng
tingin, di ko nga alam kung bakit ko yun ginawa eh.

"Pinagsasabi mo?" palusot ko nalang nung parang nagets niya yung tingin ko sa
kanya, kahit di ko magets kung anong meaning ng tingin ko sa kanya.

"Ay juskoday! Baka nahimatay ka na nun. You know.. inaway-away ni Prince Charming
si bruhildang Serene! Yiiiiee! Ikaw ha! Humahaba ang hair mo! Pakigupitan please?"

Umiling nalang ako sa kanya. Sinabi ko nalang na wala akong natatandaan na ganung
scene kahit naaalala ko pa, kasi for sure eh lalo lang akong aasarin niyan. At isa
ring hinayupak 'tong si Yem eh. Ayan na naman siya sa Prince Charming codename niya
-__-''

Pero bakit niya kaya ginawa yun? I mean.. bakit inaway ni Ryde si Serene? Di kaya--

OKAY AEISHA ENOUGH! BAWAL MAG-ISIP SA MGA ORAS NA 'TO DAHIL MAY DAMAGE PA ANG ULO
MO! BAWAL!

Nag-isip nalang ako ng ibang bagay para mawala yung lecheng thought na yun sa utak
ko. Then naalala ko si coach. Grabe sobrang bait pala ni coach. :''>

Buti nalang talaga at hinatid kami ni Coach dito sa boarding house. Natatawa nga
ako kay Yem dahil furious na furious siya kanina. Halos sigawan niya na rin si
coach sa sobrang inis. Tinawanan ko nalang kaysa gatungan ko pa yung inis niya.

At buti naman eh magkakaroon ng detention yung lecheng babaeng yun! Naku! Pag
talaga walang nakatingin, babatuhin ko rin siya! Yung buong locker yung ibabato ko
sa kanya, promise!! Di daw sadya.. Pwe! Utot niya!

At isa pang buti nalang talaga, eh ayos lang yung ulo ko, though masakit siya gawa
nung bukol. Grrr! Promise talaga, gaganti ako! Itaga niyo yan sa nguso nung Serene
na yun! Magiging kontrabida ako kahit minsan lang. Bwiset lang kasi talaga!!

Binuksan namin ni Yem yung FB ko at nangstalk kami sa profile ni Serene.

"Psh. Nakapublic pa! Akala naman sikat siya! Pwe! 11 lang naman subscribers! Feeler
masyado. AMP!" sabi ni Yem habang nakadikit na yung mukha niya sa screen ng laptop
ko.

Ako naman eh tinignan ko yung "About" section ng fb niya.

Birthday: May 7

Relationship Status: in a relationship and it's complicated. (WEH? UTOT NIYA


COMPLICATED!)

Languages: English, Filipino, French, Italian (Parang di naman totoo yung French at
Italian!)

Favorite Quotations: I am beautiful, and you are not. (Quotation ba talaga 'to?
Imba ha.)

Walang kwenta! Walang katotohanan dito! Amputek!

"Tignan mo yung DP niya Poleng dali! Pasexy masyado, eh mas sexy naman ako sa
kanya! Hugutin ko bilbil niya eh!" Hahaha! Natatawa talaga ako sa mga pasada ni Yem
eh. Parang siya pa yung nabato ng raketa eh!

So ayun nga, tinignan namin ang mga DP niya. In fairness, daming likers. Tss. Eh sa
effects lang naman niya dinadaan! Tapos may mga paposing-posing pa siyang
nalalaman. -__-''

Tinignan lang namin yung mga post and status niya at natatawa lang kami minsan
kapag may nambabara sa kanya sa comments. Hahaha! Mostly girls na naiinis sa kanya.
Katulad neto:
Status: Oh c'mon. Kasalanan ko bang nilalapitan ako ng boyfriends nyo? Stop
ranting, b*tch.

Tapos may tatlong nagcomment dun sa status niya. Puro babae.

Shiela: EH B*TCH KA NAMAN KASI! NILALANDI MO YUNG BOYFRIEND KO! UTANG NA LOOB,
LAYUAN MO SIYA!

Donna: Hindi daw? Eh kung makangiti ka nga sa mga lalaki para kang prosti!

Riza: B*tch ka rin.

Okay. Actually minsan naaawa kami dahil dehado siya pero kapag naaalala ko yung
pagbato niya ng raketa sa akin eh humahagalpak nalang ako bigla sa tawa. Hahaha!
Shet siguro masyado ng naalog ang utak ko at nababaliw na ako ng unti-unti.

Nung nagsawa na kami eh inoff na namin yung laptop. Tumambay naman kami sa dining
table kasama si Aera tsaka si lola Roma.

"Oh ano apo? Ayos na ba yang bukol mo?" ay nako pinaalala pa ni lola. Tsk.

"Medyo ayos na lola. Hahaha!"

Umupo ako sa tabi ni Aera at nagulat ako sa ginagawa niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan sa papel mo? Sinasayang mo oh!" pano kasi eh sobrang
diin ng pagkakahawak niya sa lapis tapos parang may binubura siyang something sa
papel.

"EH KASI ATE EPAL EPAL NUNG KATABI KO SA SCHOOL! Epal niya talaga! Hmp!!" natawa
naman ako sa kanya. Hahaha! Akalain nyo yun? May kaaway na agad kapatid ko eh halos
two weeks palang siya dun sa school niya?

"Eh sino ba yun?" tanong ko sa kanya.

"Damon! Yung Damon na yun! Ampanget naman niya! Dapat damo nalang pangalan niya eh!
Para bagay siya sa kabayo! O kaya mamon! Para pwedeng-pwede siyang pisilin!!!
Waaaah!!!!"

Tapos saka niya pa lalo binaboy yung papel niya. Pffft. HAHAHA! Iba na 'to. Jusmiyo
wag naman po sanang magkalovelife ang kapatid ko sa edad na five years old. Wag po.

"Eh ano bang ginawa sayo bakit ka naiinis?" si Yem naman yung nagtanong sa kanya.

"Eh kasi ateee! Hinahawakan niya yung kamay ko tapos huhulaan niya daw yung future
ko!!"

O_O

Ha..hawakan agad ng kamay?! Grade 1?! OMG.

"BWAHAHAHA! Nice one Aera! Naks! Eh anong sinasabi niya?" baliw 'tong si Yem eh.
Tanong pa ng tanong.

"Ayoko!! Ampanget ng mga sinasabi niya!!"

"Ano nga? Dali na!"

"Yaki talaga ate Yem! Magiging boypren ko daw siya! Hala ampanget panget nun eh!
Ayoko na nga dito!!" tsaka siya nagwak-out papuntang kwarto.

Nagkatinginan nalang kaming tatlo ni Yem at lola tapos sabay-sabay kaming tumawa.
Lintek! Mauunahan pa ako ng kapatid ko na magkaroon ng lovelife!! Record ito!! Five
years old! Imagine, five years old?!

"Hahaha! Tae! Anong date ngayon? Maisave nga at aasarin ko si Aera sa monthsary
nila. Hahaha!" minsan talaga iniisip ko kung kapatid ko ba talaga si Aera o si Yem
ang ate niya? Mas magkapareho kasi sila ng ugali eh. Yung pambaliw. Hahaha!
Si lola naman ang sumagot sa tanong ni Yem. "August 17."

Bigla naman akong napatayo.

OMG August 17 ngayon?!

"Bakit apo?" napansin ata ni lola na napatayo ako kaya umupo nalang ulit ako.

"Ah.. hehe.. birthday po kasi ngayon ng lolo at lola ko." tsaka ako napayuko.

Ang tagal na naming di nakikita ni Aera si lolo. Si lola kasi, wala na. Actually,
limot ko na nga ang itsura nila dahil six years old lang ako nung lumipat kami ng
bahay malayo sa kanila. Si lola naman, namatay siyathree years ago. Sila tita
naman, nakikita nila isang beses sa isang buwan sila lola at lolo dahil dumadalaw
sila sa bayan doon sa probinsiya namin. Syempre di naman nila maisama si Aera dahil
bata pa siya nun dati at ayaw ni lola (sabi ni tita) na may bisita tuwing weekends.
Ako naman, eh malamang di ko talaga sila makikita dahil nasa Manila ako. Ni hindi
ko nga napuntahan yung burol ni lola noon eh. Haaay :|

Oh well.

Tinawag ko naman si Aera sa kwarto at sinabi kong birthday ngayon ni lolo at lola.
Ang cute nga eh, sabay sila ng birthday. Hahaha. Actually, si tita lang ang laging
nagpapaalala sa akin pag birthday nila. At kahit sino sa mag-anak namin eh alam ko
ang birthday. Si tita kasi, sabi niya dapat kabisado ko yun.

"Waaah bili tayo cake ate!! Dali na!!"

"Tange, wala akong pera!"

Eh totoo naman. Wala akong pera ngayon. Di pa nagpapadala si tita eh >o<


Tsaka ko naalala, hindi pa pala namin alam ang birthday ni lola. Geez, magththree
months na dito si lola di pa rin namin natatanong. Grabe!

"Lola! Kelan pala birthday mo?" napatingin naman agad sa akin si lola at ngumiti,
pero halatang pilit.

"August 20 apo."

ANO? W..wait.. August 17 ngayon, which means...

OMG three days from now?!

Napatingin ako kay Yem at nagsenyasan kami. Bigla kasing lumungkot yung mukha niya.
Siguro dahil first birthday niya 'to na nahiwalay siya sa family niya. :'(

Nagtinginan ulit kami ni Yem at syempre, gets ko na ang tingin niya na yun.

We need to prepare for her birthday.

*******************************************
[32] Chapter XXXI
*******************************************
"Eh ano bang gagawin natin? Shemay sa sabado na yun!"
"Oo nga eh! Bakit kasi di agad natin naitanong kung kelan yung birthday ni lola?!"

Namomroblema kami ngayon para sa birthday ni lola. At para kaming tangang dalawa na
nakahinto sa gitna ng kalsada.

"Tara na nga muna! Pumasok muna tayo sa school! Mamayang uwian na natin yan
problemahin. Thursday pa lang naman ngayon." hinatak naman ako ni Yem papasok sa
school at naghiwalay rin agad kami nung tumapat kami sa gym. Well, alam niyo na..

Practice.

Siya sa chorale, ako naman sa badminton.

Pero nagdalawang-isip akong pumasok sa gym. Ewan ko ba, nababaliw na naman ako.
Parang may something na nagtutulak sa akin para pumunta sa ibang lugar. At yun nga
ang ginawa ko. After nun eh tumakbo rin naman agad ako pabalik sa harap ng gym.
Pagkapasok ko, nilapag ko kaagad yung gamit ko dun sa may bench. Naka-PE uniform na
rin ako para di na ako magpapalit pag nagpapractice.

"Aeisha!" napatingin naman ako sa tumawag.

"Uy Daniel!" nilapitan ko rin siya at nakipag-appear pa siya sa akin. Oh my golly


wow, di na ako maghuhugas ng kamay :''>

"Tara practice tayo? Matagal-tagal na rin kitang di nakakalaban." sabi niya with
matching killer smile na nagpapasabog ng pantog ko ngayon. Shet lang, naiihi na ako
sa sobrang kilig!

"Sige ba!" syempre pangiti-ngiti rin ako dahil mahirap magpigil ng kilig no!

Papunta na sana ako dun sa kabilang side ng court kaso bigla niyang hinawakan yung
braso ko kaya napahinto ako. Tapos.. bigla siyang lumuhod.

"Ho..hoooy Daniel! A.. anong ginaga--"


"Tsk. Pag ikaw nadapa dahil dito.." tumingala siya tapos ngumiti sa akin. Tapos
yumuko ulit siya.. para itali yung sintas ng sapatos ko na natanggal pala mula sa
pagkakabuhol. "O ayan, ayos na. Tara na?"

Para akong siraulo doon na nakatayo lang dahil nagloloading pa yun utak ko sa
nangyari. Buti nalang at sinigaw ni Chris yung pangalan ko kaya napatingin ako sa
kanya at tinuturo niya pala si Daniel na naghihintay sa akin sa may court.

Tumakbo naman ako agad papunta doon at tinawanan pa nila akong dalawa. Mga adik
-__-

Maganda naman yung naging laro namin ni Daniel. Ang galing niya nga eh! Pero
syempre, natalo ako. Malamang, siya talaga ang captain namin eh. Pero at least
nasasabayan ko yung mga tira niya! Ang hirap kaya habulin ng shuttlecock! Tapos
after nun eh nagmamadali na naman siyang umalis ng gym. Ang duga nga eh! Kasi siya
pinapayagan ni coach na lumabas ng gym pero kami tuwing break lang. Kadugaan. Psh.

Nung umalis si Daniel, si Chris naman yung nakipaglaban sa akin. Sa totoo lang,
magaling rin si Chris. Feeling ko nga halos magkalevel na sila ni Daniel eh! At
actually, siya at si Daniel lang ang close ko sa team. Karamihan kasi mga babae at
parang ang sama ng tingin nila lagi sa akin. Tss. Dukutin ko mata nila eh -__-

"Phew! Timeout muna Aeisha! Napapagod na ako!" tapos tumakbo si Chris papunta dun
sa bench at sumalampak sa sahig. Sinundan ko naman siya. Napapagod na rin ako eh!

"Ako rin eh! Whew! Mamaya nalang ulit!" pinasok ko ulit yung raketa ko sa
lalagyanan at nakiupo sa sahig sa tabi ni Chris. Kinuha ko rin yung phone ko sa bag
at tinignan kung may nagtext na bruha. At bingo! Bruha nga ang nagtext!

--Poleng, hnhnap k ni Ryde mo. Yiie ikw ha! Bkt ka hnhnap nun??--

Tss. Di ko nalang nireplayan si Yem. Kainis inaasar na naman ako netong babaeng
'to. Eh pano naman kasi! May pagkatanga rin talaga minsan 'tong si Ryde eh. Aba
akalain niyo ba namang after magpaturo sa akin ng math eh naiwan niya yung notebook
niya sa tabi ng puno?! Di ko nga alam kung bakit ako bumalik kanina doon sa naging
tambayan namin eh. Tapos ayun, nakita ko yung notebook niya doon. Di ko na nga
binuksan dahil naiinsecure ako sa handwriting niya. Leche lang, kalalaking tao ang
ganda ng sulat. Nahiya talaga ang sulat-kamay ko sa kanya -___-

"Kainis na Ryde yun. Tatanga-tanga. Psh!" bulong ko sa sarili ko. Obligado pa tuloy
akong ibalik 'tong notebook niya! Kainis!
"Anong sabi mo Aeisha?" nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Chris sa gilid
ko.

"Ahh haha! Naku wag mo akong pansinin Chris! Hahaha!" Kakahiya! Narinig niya akong
nagsasalitang mag-isa! Baka akalain niya baliw ako >o<

"Hindi. Binanggit mo kasi yung pangalang Ryde."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. This time, mas
sumeryoso yung mukha niya at parangmay something.. something na di ko mabasa sa
expression niya. First time ko siyang nakitang ganito kaseryoso.

"Ahh.. k..kasi classmate ko siya eh." bigla naman siyang ngumiti sa akin nung
sinabi ko yun.

"Kamusta na nga pala si Ryde? Ryde Montalbo, diba?"

O_O

So.. kilala niya si Ryde?!

"Kilala mo siya?" napalapit pa ako sa kanya ng husto nung tumango siya.

"As in personally?" tumango ulit siya.

"As in friends?" tango ulit.

"As in--"
"Actually barkada ko siya... dati." biglang lumungkot yung mata niya.

Oh gulay, nagugulat ako sa mga nangyayari ha. Si Ryde? May barkada? Weh? Di ba
loner yun? Pero anong sabi ni Chris? Dati?

"What do you mean by dati? As in dati lang at hindi na ngayon?"

"Mukhang interesado ka kay Ryde ah?" tapos ngumiti siya ng nakakaloko kaya napalayo
agad ako sa kanya. Feeling ko nilalanggam yung pisngi ko dahil parang nagground na
something. Ay ewan! Walang hiyang Chris 'to! Maka-isyu eh!

"Hindi no! Nacurious lang ako!"

"Interested nga."

"Curious nga lang! Magkaiba yun!"

"Okay, sabi mo eh. Hahaha."

Nakakainis naman 'tong Chris na 'to eh! Bakit ba hindi niya matanggap na magkaiba
ang curious sa interested?! T__T

Aawayin ko na sana ulit siya kaso nakita ko naman na bigla ulit sumeryoso yung
mukha niya kaya pinili ko nalang na manahimik. Pero nagulat ako nung bigla siyang
nagsalita.

"Ewan ko rin Aeisha. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganun si Ryde. Hindi naman
siya ganyan dati."

So ibig sabihin.. tama yung narinig ko sa tatlong lalaking dumaan sa harapan ko


dati? Yung mga pinagsasabi nila? Hindi ako nabibingi?

"Basta nung first week ngayong school year eh naging matamlay yung pakikitungo niya
sa barkada, tapos nung second week eh hindi na niya talaga kami pinansin. Kaya
ayun, nagkagulu-gulo kami. Yung iba hinamon pa siya ng suntukan.."
Wait.. ibig sabihin..

Kabarkada niya yung mga naghahamon sa kanya lagi ng suntukan?!

"Sinubukan ko siyang kausapin kaso hindi niya talaga kami pinapansin. Umabot pa nga
kami sa suntukan eh. Haha. Pero syempre, walang nakakatalo sa amin kay Ryde
pagdating sa labanan."

"Bakit naman?" first time kong mag-interrupt mula nung magkwento siya. Eh kasi
naman! Nacucurious ako lalo!

"Wala. Malakas siya eh. Katunayan, eto ang hobby namin dati bukod sa pranks, ang
magbubugbugan. Hahaha!"

"Mga adik kayo no?" tapos tumawa nalang siya dun ng tumawa. Di kaya baliw yung
barkadahan nila? Ang aadik lang eh! Gawin daw bang hobby ang suntukan? Pag-uumpugin
ko sila eh! Pero sabagay, halos lahat naman ng lalaki nagsusuntukan eh, so wala
namang abnormalities dun. Siguro mas magugulat pa ako kung nalaman kong ang hobby
nila eh bahay-bahayan o kaya lutu-lutuan di ba?

Matapos naming magkwentuhan na napunta na kung saan-saan (ang alam ko eh biglang


napunta yung usapan namin sa nagtataeng ballpen) eh nagpractice na ulit kami kasama
yung ibang members namin. Si Daniel naman, wala pa rin. Ewan ko kung nasaan.

Nung mag-uuwian na eh inadvice-an kami ni coach na laging ikondisyon yung katawan


namin dahil next week na yung Sports and Music Fest. Pero nakakaleche lang talaga
dahil kasabay nun eh periodical exam namin. Walang awang mga teachers, ni hindi man
lang kinonsider yung pagpapractice namin para dito T__T For sure, babagsak ako sa
isa sa mga subjects namin. Huhuhu.

Lumabas agad ako ng gym para puntahan sana si Yem kaso bigla siyang nagtext na di
daw siya makakasabay dahil nagpapractice pa daw sila at strict yung trainor nila.
Water break lang daw ang pwede. Psh. Kaya ako naman eh lumakad na papuntang sakayan
ng jeep. Pero bigla kong naisip...
Kung magtingin-tingin na rin kaya ako ng pwedeng iregalo kay lola?

Tama.

Kaya imbes na sumakay ako eh tumawid ako dun sa kabilang kalsada then pinara ko
yung isang jeep papuntang SM. Buti nga medyo maluwag pa eh.

Iaabot ko na sana yung bayad ko kaso biglang may nag-abot dun sa bandang kanan ko.
At syempre dahil mabait ako eh kinuha ko yung bayad niya at sinabay ko na rin sa
bayad ko.

"Bayad po manong." sigaw ko kay manong habang pinapasa yung pera namin dun sa
unahan.

"Saan ito?"

"SM po, estudyante."

Nagulat ako at napatingin dun sa isa pang sumagot. Oo, may kasabay akong nagsalita
at muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nung nakita ko si Ryde...
kasama si Serene.

*******************************************
[33] Chapter XXXII
*******************************************

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Si Serene eh mukhang hindi ako nakita kaya
nagpapasalamat ako sa poong Maykapal.

"Ryde, mas mabuti ng sabihin mo yun sa--!"

"No. Ikaw at ako.. at siya lang ang dapat makaalam. Maliwanang?"

Hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila, pero mukhang serious matter.
Actually, pabulong lang sila mag-usap, pero dahil one person away lang talaga ako
kay Serene eh narinig ko yung usapan nila. Tinatry ko talaga ang best ko para di
ako makita. Buti nga mataba yung nasa pagitan namin ni Serene eh, at natatakpan
niya ako.

"Para po!!" narinig ko yung boses ni Serene at nakita ko siyang bumaba. Pero halos
gusto ko na ring bumaba nung nakita kong tumayo rin yung katabi kong mataba at
bumaba rin siya.

AT OH MY GOD. Napatingin sa akin si Ryde kaya napaharap agad ako sa may bintana.
Kainis! Ano bang nangyayari sa akin? Para akong baliw!

Nakatingin lang ako all the time sa may bintana. Ayaw kong tumingin kay Ryde. Ewan
ko, parang may something kasi sa kanya. At nahihiwagaan pa rin talaga ako sa kanya.
Unti-unti na ring nauubos yung pasahero sa jeep. Hanggang sa kami nalang yung
matira. Lecheng buhay naman, bakit kasi ang layo ng SM?!

Nung natanaw ko na yung SM, sumigaw agad ako ng 'para' kay manong at agad naman
siyang huminto. Bababa na sana ako kaso biglang nagsalita si Manong ng malakas.

"Hay.. nauulit na naman ang kasaysayan.."

Napakunot naman yung noo ko kay manong. I swear, parang pamilyar sa akin si manong,
bukod sa siya lagi yung nasasakyan kong jeep. Ay naku, hayaan na nga! Pero bakit
kaya siya nagsasalitang mag-isa? Oh well. Bababa na sana talaga ako kaso biglang
nanguna 'tong walanghiyang lalaking 'to! Grabe! Hindi pa ako pinauna! Wala talagang
dugo ng pagka-gentleman 'to eh!
Sabay kaming tumawid at pumasok sa entrance ng SM. Ewan ko pero napapatingin ako
lagi sa kanya. Parang may mali eh..

"Oi."

Napatakip nalang ako bigla ng bibig nung lumabas yung salitang yun. At omaygulay
lang talaga! TUMINGIN SIYA SA AKIN!!

Napatakbo ako doon sa may paliko, at buti nalang ay restrooms yun. Dumiretso ako sa
ladies' bathroom at nakatulala lang ako doon sa may salamin.

"Ano ka ba Aeisha? Baliw ka ba? Bakit mo tinawag? At utang na loob bakit ka


tumakbo?" kinakausap ko yung sarili ko sa salamin dahil feeling ko eh may mali
talaga sa akin ngayong araw na 'to.

*DUGDUG*

Ayan na naman! Nung isang araw pa 'tong lecheng puso na 'to eh! Bigla-biglang
nagbabago ng bilis! Nak ng puso! >_<

After kong kumalma eh nag-ayus-ayos muna ako. Grabe talaga. Papatingin nga ako
mamaya kay Yem at baka may abnormal na talaga sa katawan ko. Mahirap na, baka
lumala.

Naglibot ako sa mall at napunta ako sa department store. Ano kayang pwedeng i-
regalo kay lola?

Hindi naman pwedeng dress. Hindi ko ma-imagine si lola na magdress. Hindi rin naman
pwedeng high heels. Baka mamaya ipampalo pa niya yun sa aming tatlo pag makulit
kami. Hmm, ano kaya?

Naglibut-libot ako doon at nag-end up ako sa isang stall. Pumasok ako doon at
tinignan yung mga tinda. Kung tama ang memorya ko sa mga palabas sa TV eh eto ang
madalas ginagawa ng mga matatanda. Siguro pwede na 'to?

Bumili ako ng isang set tapos pinabalot ko na rin. Hindi naman kasi ako maganda
magbalot ng regalo! Jusko, itanong niyo kay Yem kung anong nangyari nung binalot ko
yung pang-exchange gift ko last year! Hindi mo madidistinguish sa balot ng tinapa
-__-

After nun eh pinalagay ko na rin sa plastic para pag umuwi ako eh di mahalata ni
lola na regalo yun. Pumunta muna ako sa Jollibee para magtake-out ng pagkain.
Nagugutom na ako eh. Nagtake-out na rin ako ng tatlong burgers para doon sa tatlo.

Palabas na sana ako ng SM pero may nakita na naman akong di kanais-nais. Palabas na
rin kasi si Ryde. Ako naman eh biglang nag U-Turn sa di malamag dahilan, pero
napahinto ako nung may narinig akong boses sa likod ko.

"Sinusundan mo ba ako?"

WHAT? Ako? Susundan siya? Ay grabe ha! Sarap sukatin kung gaano kakapal ang mukha
niya!

Humarap ako sa kanya tapos nagpamewang ako.

"Hoy, para sa kaalaman ng makapal mong mukha, di kita sinusundan no. Alam mo yung
coincidence?" tapos inirapan ko siya at inunahan ko na siya sa paglabas sa exit.
Kainis na lalaking yun! Kapal talaga ng mukha forever! Duh? Mukha ba akong
stalker?! Ganda ko namang stalker ha!

"Coincidence.. nice.." napahinto naman ako sa pagtawid dahil narinig ko na naman


yung boses niya sa likod ko.

"Excuse me? Sa lagay natin ngayon, ikaw ang nagmumukhang sumusunod. Bleh!" eh kasi
nakasunod naman talaga siya sa akin no. Dinilaan ko nga! Masyadong mahangin eh!
Kahit nacucurious ako sa kanya eh hindi naman pwedeng gaganunin niya ako no.

At isa pa, ano bang problema sa aming dalawa? Minsan medyo close kami, minsan naman
parang strangers. Ang baliw lang talaga. Pero mas baliw siya no. Tss. Baliw na
pervert. Bwiset!

Sumakay ako sa jeep, at utang na loob lang talaga, eto na naman yung jeep! Ang
creepy na talaga ha! Lagi nalang eto ang nasasakyan ko! Di kaya stalker ko si
manong? O_O
Pababa nasana ako para lumipat ng ibang jeep dahil kinilabutan ako pero hindi
natuloy dahil biglang nagsakayan yung ibang pasahero. UGH! Kainis naman oh! At isa
pang bwisit ang sumakay rin. Guess who?

"Sinusundan mo ba ako?" this time ako naman ang mang-aasar sa kanya. Bwahahaha!
Andito kami ngayon at magkaharap sa may dulo malapit sa driver's seat. Tinignan
naman niya ako, as usual, expressionless face.

"Hmm.. coincidence?" tapos shinrug niya yung balikat niya. Huh! Gaya-gaya!
Walanghiya!

Naglabas nalang ako ng seven pesos at binayad ko yun kay manong. Pagtingin ko sa
side mirror, ngumiti siya sa akin. O_O

Okay, hindi naman pangmanyak yung ngiti ni manong. Alam niyo yun? Yung parang
mabait na ngiti? Basta ganun! Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kilabutan. Grabe
talaga.

Nanahimik lang ako buong byahe at muntik pa akong lumagpas kundi lang ako sinipa ni
Ryde. Oo sinipa niya ako! Bwisit na yun! Hayup talaga! Pwede naman kasing gisingin
nalang ako di ba?! Kailangan sisipain pa sa binti?! Arrrgghhh! Sisigawan ko pa sana
siya pero tumayo na siya para bumaba kaya sumunod nalang rin ako. Ewan ko nga kung
tama ang narinig ko eh, pero parang tumawa si manong sa amin. Ah ewan! Bahala siya
sa buhay niya!!

Pagkababa ko ng jeep, nakita ko yung plaka nun. Para naman hindi ko na masakyan
kung saka-sakali. Hindi talaga maganda ang feeling ko sa jeep na yun eh. At isa pa,
pag nakasakay ako doon, eh lagi kong nakakasabay yung pesteng lalaking yun. Kaya
mabuti nang iwasan ang jeep na may plakang PLR143.

Palakad na sana ako kaso napahawak ako sa braso ni Ryde nung makita kong may mga
naglalasing sa gilid. Waaah! Okay, takot ako sa multo, pero mas nakakatakot yung
mga naglalasing pag gabi! Ayoko namang maglakad ng mag-isa habang nakatingin sila
sa akin T__T

Pero napabitaw naman agad ako nung narealize kong nakahawak pala ako sa kanya.
Feeling ko nga naground na naman yung pisngi ko eh. >///>

Aba? Kasalanan ko bang nag-involuntary movement yung kamay ko at napahawak ako sa


braso niya? sisihin niya yung muscles ko no!
"Tss. Tara." napatingin naman ulit ako sa kanya nung nagsalita siya. Anong tara?!
Adik 'to ah! Kung makapagyaya eh!

"Ayaw mong sumabay, eh di wag. Bahala ka dyan. Pag ikaw hinabol ng mga yan, wag mo
akong sisisihin." tsaka siya naglakad palayo.

Saka ko naman narealize yung sinabi niya. Waaah sabi ko nga sasama ako sa kanya!
Walang hiyang 'to! Di nalang kasi sabihin ng matino eh! T__T

"Oy te.. teka lang hintayin mo ko!!" binilisan ko yung takbo ko para makahabol ako
sa kanya. I swear, may lahi talaga siyang tipaklong! Ang laki ng hakbang niya eh!
Para lang siyang tumatalon!!

Halos nakadikit na ako sa kanya nung madaanan naming yung mga lasing. Grabe naman
kasi eh, bakit ngayon pa nila naisipang maglasing! Pwede namang bukas! T__T Walang
hiyang mga yun! Wala ng ginawang matino sa buhay kundi uminom! Buti pa yung papa ko
dati hindi naglalas-ne.. nevermind.

Nung matanaw ko na yung bahay naming eh nakahinga na ako ng maluwag. Whoooo! Thank
God!

Tumakbo ako papunta sa pinto habang nakasunod sa likod ko si Ryde.

Okay Aeisha, gawin ang dapat gawin.

Humarap ako sa kanya.

"Uhmm ano.. thank you sa paghatid." Tapos nginitian ko siya. Leche ang awkward
lang! Imagine? First time ko siyang nginitian! Imagine?! Huwaaa!

"Coincidence?" sabi niya tapos saka siya.. ngu.. ngumiti. Ngumiti siya.

AT bakit ba siya coincidence ng coincidence?! nang-aasar ba talaga siya?! >_<


Pero bakit ba sa tuwing ngumingiti siya eh parang nagbabago yung itsura niya? I
mean, pag nakabusangot kasi siya eh mukha siyang demonyo. Pero pag ngumingiti siya
eh para siyang anghel. Okay okay Aeisha, nababaliw ka na naman. At in fairness,
medyo maraming beses ko na siya nakikitang ngumiti. Nakatingin lang ako sa kanya at
ganun rin naman siya. Bakit parang ang gwap-

"ATE! ANDYAN KA NA PALA!!"

Napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko yung kapatid ko na nakadikit yung
mukha sa may pinto. Waaah ano bang pinagiisip ko kanina?! Wala na naman ako sa
katinuan! Wooooh!! Anong gwapo?! Walang gwapo sa itsura niya! Isa lang siyang
manyak na estudyante! Period! >_<

"Sige pala--" magpapalam na sana ako kay Ryde pero nagulat ako nung biglang
nagsalita yung kapatid ko.

"WHOA! KUYA RYDE BABES!! ANDITO KA!!" tapos niyakap niya si Ryde pero yung hita
niya lang yung nayakap niya.

Te.. teka.. tama ba 'tong nakikita ko? At tama ba yung narinig ko?

KUYA RYDE BABES?!

MAGKAKILALA SILA?! HOW COME?! PANO YUN NANGYARI? I MEAN...


Bigla naman akong kinilabutan nung may bumulong sa tenga ko. Pagtingin ko, si Ryde
pala.

"Layuan mo si Daniel." tapos naglakad na siyang palayo sa bahay namin.

Okay.. What did just happen? Can someone explain it to me?!

*******************************************
[34] Chapter XXXIII
*******************************************
Merong tatlong bagay na nangyari kagabi.

Una, sumakit ang ulo ko.

Pangalawa, wala akong napala kay Aera.

Pangatlo, lalong sumakit yung ulo ko.


"Alam mo Poleng, para kang zombie ngayon. Sira ka kasi, bakit late ka na natulog?
Hahaha!"

"Shattap."

Grabe inaantok ako. Walang hiya kasi yung mga tao sa bahay eh. Una, itong si Aera.
Tinanong ko kung bakit niya kilala si Ryde, ang sagot sa akin: 'Eh babes ko siya sa
school ate! Babes niya rin ako! Yiiieee!'. See? Ang sarap ilagay sa sako ng kapatid
ko eh. Ang layo ng sinagot sa tanong ko. Pangalawa eh itong si Yem. Kanta ng kanta
kagabi ng kung anu-anong lyrics! Ang naalala ko nalang na paulit-ulit niyang
kinanta eh:

Oh hinatid niya ako, niya ako, niya akooooooo~

Kinikilig ako, ako, akoooooo~

Bakit ang gwapo niya? Crush ko na ba siya?

Ay hindi pala, dahil mahal ko na siyaaaa~

Parang tanga lang talaga. Ang saklap pa ng tono niya eh. Aish! Paulit-ulit yan
hanggang sa makatulog siya. Bwiset! tapos itatanong sa akin kung bakit late ako
natulog?! Umbagan ko 'tong si Yem eh! At pangatlo, itong si lola, kagagaling niya
lang kasi doon sa tindahan kaya nung pag-uwi niya eh kinuwento agad ni Aera at Yem
yung nangyari, at take note, yung exaggerated na nangyari.

"Grabe talaga lola, kung nakita mo lang kung gano kiligin si Poleng nung hinatid
siya ni Prince Charming!"

"Waaah lola Roma, babes ko yun!!"

"Tapos, kiniss niya sa cheeks! Grabe waaah kinikilig ako!!"

"Eh babes ko yun eh!"

Grabe talaga! Di nila pinatahimik yung gabi ko! Ugh. Sobrang laki tuloy ng eyebags
ko. Nagevolve na at naging eyeluggages. Shemay.

"Haaay. Poleng pano tayo sa periodical exam? Huhuhu nararamdaman ko na talaga na


may mababagsak akong exam eh." napatingin naman ako kay Yem. Oo nga pala.
Periodical exam na next Wednesday. At wala pa akong naaaral T__T Leche naman kasi
eh, sinabay pa nila sa Sports and Music Fest! pagsasapakin ko silang lahat eh!
"Ako rin eh. Bahala na si Doraemon. Aral nalang tayo sa weekends. Sige babaita,
dito na ako. Baboo! Madapa ka sana!" tsaka ako pumasok sa gym para sa walang
katapusang practice ng badminton. Badtrip.

"TABI NGA DYAN!!"

O_O

*BOOGSH*

Ouch! Pwet ko! Amp! Sino ba yung walangyang--

"Ano ba Serene?! Pwede ba tumingin ka muna sa dinadaanan mo?!"

"Shut up Daniel! Arggghhhh!!"

Tsaka siya nagwalk-out sa gym. Lahat ng tao sa loob eh nakatingin sa amin, I mean
kay Serene. Bigla namang nag-init yung dugo ko. Bakit ba napakaimpakta ng babaeng
yun?! Lagi niya nalang akong sinasaktan ha! Pansin ko lang talaga!! Lecheng babaeng
yun! Pag talaga naabot ng kamay ko yung buhok niya, magsagawa na siya ng lamay para
sa mga hibla nun. -__-++

"Ayos ka lang?" natigilan naman ako sa pag-iisip kung paano mumurderin si Serene
nung narinig ko yung boses ni Daniel. Pagtingin ko, nakalahad pala yung kamay niya
tapos nakangiti sa akin. Bago pa ako maunahan ng kilig eh inabot ko na agad yung
kamay niya tsaka ako tumayo at nagpagpag ng uniform.

"Pagpasensyahan mo na yun. Tinotopak ata."

"May topak naman ata yun lagi eh." tsaka ako tumawa sa sarili kong sentence.
Nagulat nga ako nung nakitawa rin siya eh. Gosh ang gwapo ni Daniel :'''>

Lumapit agad kami kay coach sa may station namin ng practice. Ang cool nga eh,
kumpleto kami ngayon. Naks, walang late! For the first time! Malamang lang naman
kasi, last practice na namin to dahil sa Monday na Fest.
"Galingan niyo na ngayon ang practice. Pakiramdaman niyo yung galaw ng kalaban
niyo. Hindi lang basta bato ng bato at salo ng salo. Isip. Pakiramdam. Yan ang
dapat niyong matutunan. Maliwanag?"

"YES COACH!" sabay-sabay naming sagot kay coach sa makadamdamin niyang advice.

Agad-agad naman silang naglabasan ng raketa. Mamaya nalang siguro ako magpapractice
kapag tapos na sila. Ayokong makisabay dahil hindi naman kami kasya sa space nung
court. Umupo muna ako sa lapag at saka naglabas ng mga notebook. Oo, mag-aaral muna
ako. Ang peste lang kasi talaga ng schedule ng exam eh!!

"Ano kayang uunahin ko? MAPEH, Filipino o TLE?" ano kaya? Marami kasi yung MAPEH
eh. Pa-major masyado eh hindi naman major subject! Yung Filipino naman eh kelangan
ko pang basahin yung mga buod ng bawat kabanata ng El Fili. Jusko. Duduguin na
naman ata ako sa sobrang lalim na mga salita. At isa pa 'tong TLE! May computer na
nga, may crafts pa. Jusme talaga.

"MAPEH nalang unahin mo kung ako sa'yo. Hahaha!"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Pag-angat ko ng ulo ko, si Chris lang pala.

"Bakit naman MAPEH ang uunahin ko?" tanong ko sa kanya habang paupo siya sa tabi
ko. Tapos napansin kong naglabas din siya ng book niya.

"Para maturuan mo ako. MAPEH rin kasi aaralin ko." tsaka siya nagsmile ng sobrang
lawak.

"Ha.Ha. Ha." ako naman eh nagsarcastic smile. May pagkabaliw rin 'tong si Chris eh
no?

Hindi naman kami muna nag-usap ni Chris nung pagbukas namin ng sari-sarili naming
libro sa MAPEH. Grabe talaga, ang dami neto. Sa Music pa nga lang eh mamatay-matay
na ako sa dami ng instruments na dinefine eh. Idagdag mo pa ang paintingsa Arts,
Mga terms sa PE at walang katapusang enumeration sa Health.

"Aaahh! Kahit kelan talaga hindi ko naging favorite ang MAPEH!" natawa naman ako
nung narinig ko siyang nagreklamo with matching paggulo pa ng buhok niya.

"Me too. Ayoko ng MAPEH! Daming kakabisaduhin! Mahina pa naman ako sa


memorization!" this time ako naman ang nagreklamo sa kanya. At ayun, hanggang sa
nilait na rin namin pati teacher namin. Hahaha napaka-BI netong Chris na 'to! >_<
After naman nun, eh bumalik ulit kami sa pagrereview. Nafeel kasi namin na marami
talaga ang rereviewhin eh.

*vibrate vibrate*

Napatigil naman ako sa pagrereview nung naramdaman kong nagvibrate yung phone ko.
Pagtingin ko, nagtext pala si Yem. Ano na naman kayang pinaggagawa neto?

--OMG! POLENG NSA BDMNTON CLUB PLA UNG CRUSH KO!! PICTURAN MO PLS? HAHAHA UNG KITA
UNG ABS TSAKA UNG TOOT! HAHAHA TNX! CHRIS BELLARDO UNG NAME NIYA! ANG GWAPO NO?
HAHAHA! LABYU POLENG! :*--

Pagkabasa ko nun eh humagalpak talaga ako sa tawa. HAHAHAHA! Amputek! Di nga?!


Totoo ba talaga 'to?! Weh? Hahaha!

"Huy Aeisha, anong nangyayari sayo? Nakakatakot ka." halos mangiyak-ngiyak na akong
humarap kay Chris dahil sa sobrang tawa.

"Hahaha! Wa..haha..wala! Hahaha.. aray ko..haha sakit na ng panga ko..hahaha."

Nagawa ko namang igalaw yung kamay ko para magreply sa kamatay-matay na text ni Yem
sa akin.

--Anong toot ba ang pipicturan ko? HAHAHAHA!--

Di naman ako naghintay ng matagal para sa reply niya.

--BSTA KHIT ANONG TOOT NA PWDENG PICTURAN! HAHAHA!--

At dahil mabait akong kaibigan, eh syempre gagawin ko no. Minsan lang magkacrush si
Yem na kilala ko eh. Pero di pa rin talaga ako makapaniwala na yung katabi ko.. eh
yung crush niya. Shemay, what a small world nga naman oh!
"Chris!" tumingin naman agad siya sa akin.

"Oh? Di ka na ba nakakatakot?" saka ko napansin na lumayo pala siya sa akin ng mga


kalahating metro. Aba? -__-

"Adik to! Pwede favor?" tapos tsaka siya ulit lumapit sa akin.

"Ano yun? Basta ba madali lang ha! Pag problems yan sa Math, ay wag mo na akong
asaha--"

"Hindi yun! Ano.. pwede papicture?"

Nakatitig lang siya sa akin for about one minute.

"Joke ba yan?" Kita niyo 'tong lalaking 'to. Sipain ko rin kaya siya? -__-

"Hindi nga! Dali na, para 'to sa friend ko. Pwede?"

"O..okay." natawa naman ako nung bigla siyang nag-alinlangan. Hahaha! Shet natatawa
ako pag naiimagine ko kung anong magiging itsura ni Yem mamaya pag pinakita ko sa
kanya 'to!

"Okay, 1.. 2.. 3! *click*. Salamat Chris!!"

BWAHAHA >:) It's my turn to make asar-asar! Lagot ka sa akin mamayang gabi Yem >:)

Pero bigla akong may naisip na pwedeng gawin..

"Chris! Pwedeng isa pa?" pumayag naman agad siya kaya pumilas ako ng isang page sa
notebook ko tapos sinulat ko doon yung message: YEM ANG GANDA MO!

"Pahawak neto Chris! Ooops! Wag kang gagalaw! Ayan.. ayan.. Okay, 1..2..3.. *click*
SALAMAT ULIT!"

May pang-asar na rin ako sa wakas! Grabe ang tagal kong inasam-asar 'tong araw na
'to. Yung may maipantatabla na rin ako sa pang-aasar ni Yem T__T Buti nalang talaga
at hindi na nagtanung-tanong si Chris kung anong pinaggagawa ko sa kanya.

Tapos bigla kaming tinawag ni coach. Kami naman daw ang magpractice. Sabi ko nga
kelangan na naming magpractice. Kakalabanin ko sana si Daniel kaso wala na siya.
San kaya nagpunta yun?

"Coach, si Daniel po?"

"Ahh may ginagawa eh. Si Bellardo nalang muna ang kalabanin mo Bernardino." tsaka
ako tinaboy ni coach papunta doon sa court. Psh.

Let the practice, begin.

***

OUCH. Grabe ang sakit na ng balikat ko. Pati na yung braso at binti ko. Lintek na
practice yun! Walang patawad si coach! Kulang nalang pati siya kalabanin namin eh!

"Bye Aeisha!"

"Bye Guys!"

Kami na ata yung last na lumabas ng gym dahil sa intense practice ni coach. Gusto
niya daw kasi manalo ngayong year. Ngayon ko lang nalaman na three years straight
na palang talo ang school namin sa badminton tuwing Sports Fest. Kaya pala ganun
nalang kami i-train ni coach. Pero masakit talaga sa katawan eh. T__T

Sumakay naman agad ako ng jeep para makauwi na. Gusto ko ng matulog! Sobrang pagod
na pagod ako ngayon. Tapos magpeprepare pa kami para sa birthday ni lola sa linggo.
Haaay buhay nga naman!

"Bayad po." inabot ko kaagad yung bayad ko para maidlip muna sa jeep, pero nagulat
ako nung biglang..

may pumatong na ulo sa balikat ko.


"R..ryde?" O///O

*******************************************
[35] Chapter XXXIV
*******************************************
Hello guys! So eto na po yung update! Hahaha!

Actually natatawa ako doon sa PLR143. Hahaha kung anong iniisip niyo, promise hindi
yun yung meaning XDDD Hahaha charot! Mindfuck lang eh no? So, eto na yung next
chappie.. mindblown ulit XD

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"R..ryde?" hindi siya sumagot kaya tinignan yung mukha niya na kasalukuyang
nakapatong sa balikat ko.

"Uy.. Uy!" inaalog-alog ko yung balikat ko pero hindi pa rin siya nagigising. Teka
nga bakit ayaw niya magising?

Di kaya pinagtitripan na naman ako neto? Naku pag talaga eto trip-trip lang,
papaliparin ko siya sa labas ng jeep!

Gigisingin ko na sana ulit siya pero nahawakan ko yung noo niya at naramdaman kong
mainit yun. Kinapa ko rin yung sarili kong noo at sobrang init nga nung kanya
compare sa akin. Bigla naman akong nagpanic.

"Huy Ryde wag ganyan! Huy! Gising ka na!" sinasampal-sampal ko ng mahina yung
pisngi niya pero di pa rin nagising. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao sa jeep
pero wala akong pakialam! Kinakabahan talaga ako eh. Ano bang nangyari sa lalaking
'to?!

Sinubukan ko ulit siyang gisingin at this time, napalakas ata yung sampal ko. Oops
>_<

On the other hand, effective naman at biglang bumukas yung mata niya.

"OH MY GOD BUHAY KA!!" hinawakan ko yung mukha niya gamit yung dalawang kamay ko
nung nakita kong nagising siya, pero agad ko rin namang tinanggal nung narealize
kong ang sagwa pala nung ginawa ko. Sheeeet.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana at hindi ko alam kung bakit parang
feeling ko eh nilalagnat rin ako. Di kaya nahawaan agad ako?! Grabeng virus naman
ng lalaking 'to!

"Para.." napatingin naman ako kay Ryde. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o
kakaawaan dahil parang sa akin niya pa sinabi yung 'para' eh. Or more like, parang
binulong niya lang. At syempre dahil parehas naman kami ng bababaan eh ako na ang
nag-'para' ng malakas. Ngayon ko lang rin narealize, na si manong driver na naman
pala yung nasakyan namin. Geez! Medyo nagiging sanay na ako na siya ang laging
nakakasakay namin ha, pero ang creepy pa rin talaga eh.

Nauna akong bumaba since ako yung nasa may dulo tapos siya. Muntik na nga siyang
matumba eh, buti nahawakan ko yung braso. Psh. Ang sarap sana tawanan neto sa mga
panahong 'to eh, kaso naawa naman ako sa kanya.

Nilagay ko yung braso niya sa balikat ko para alalayan siyang maglakad. Hindi ko
nga alam kung may sakit ba talaga 'to o lasing? Eh paano, pasuray-suray ring
maglakad! Grabe ha! Ang weird niyang magkasakit!! Pero ang init talaga niya eh. Sa
sobrang init eh feeling ko napapaso ako kahit di siya nadidikit sa akin.

"A..ayos ka lang?" bigla naman akong napailing nung tinanong ko yun. Ano ba naman
Aeisha? Halos lantang-gulay na nga tapos itatanong mo pa kung ayos siya? Ay jusko,
utak po!

Tahimik lang kaming naglakad habang nakaalalay ako sa kanya. Ni hindi ko nga alam
kung bakit ko 'to ginagawa eh! Pero siguro dahil mabait lang talaga akong bata.
Hahaha! Pero in fairness, medyo hindi awkward.

Tsaka ko naman narealize..

"Wait.. wag mong sabihing ihahatid kita sa inyo?!" napatigil ako bigla nung nasabi
ko yun. Eh hindi ko nga alam yung bahay nila eh! At ayoko namang maglakad ngayong
gabi! Hindi nga ako mag-isa pero mukha namang zombie 'tong kasama ko! Eh di parang
wala rin! Katakot kaya! Lalo na at may mga nag-iinuman na naman sa may gilid.

Hindi siya nagsasalita at feeling ko eh hindi niya kayang magsalita. Feeling ko nga
anytime eh hihimatayin na siya eh. At dahil nabubuhay na naman ang panic sa utak ko
eh binuksan ko kaagad yung pinto (buti nalang di pa nila nilolock) ng bahay namin.
Agad-agad namang bumungad sa akin si Yem na nalaglag pa yung toothbrush sa bibig
niya nung nakita niya akong dumating.. kasama si Ryde.

"OMG Poleng!! Bakit mo tinanan si Ryde?!-- OUCH!" tinadyakan ko nga. Kitang seryoso
na nga yung sitwasyon, mantitrip pa 'tong babaeng 'to -__-

"Asan si lola tsaka si Aera?" tanong ko sa kanya habang inaalalayan ko si Ryde na


ilagay doon sa sofa. Pagtingin ko, nakatulog na ata.

"Tulog na. Excited daw sila sa birthday party bukas. Adik rin yung si lola eh, kung
maexcite parang bata." tsaka siya umiling-iling tapos tumawa.

"Haaay buti naman. Di ko alam ang sasabihin ko kapag nakita nila na may kasama
akong lalaki pauwi."

"Eh bakit nga kasi tinanan mo si R--"

"Sige isa pa Yem, bubugbugin kita." sabi ko nalang sa kanya tsaka ko siya sinamaan
ng tingin.

"Sabi ko nga tatahimik na ako. Eh ano ba kasing nangyari dyan?"

Tinignan lang namin si Ryde na natutulog ngayon sa sofa. Ang cute niya pala pag
tulog. Parang anghel lang ang itsura. Sana lagi nalang siyang tulog para masaya.
Pag kasi bukas yung mata iya eh para siyang demonyo -__-

"Ewan ko. Bigla nalang nawalan ng malay kanina sa balikat ko eh."

Pagkasabi ko nun eh tinignan na ako ng nakakaloko ni Yem. Wala naman akong nagawa
kundi ikwento sa kanya yung buong pangyayari at mahirap na, baka may ma-form pang
istorya yan sa utak niya.

After kong ikwento sa kanya eh kumuha ako ng biogesic sa may lalagyanan namin ng
gamot tapos pinilit ko siyang gisingin para uminom. Umupo ako sa may ulunan niya
tapos pinainom ko siya ng gamot. Naglagay na rin ako ng unan at kumot para naman
kumportable siya.

"Wow Poleng, pwede ka nang mag-asawa! Hahahaha!"

"Hahaha." sarcastic kong tawa sa kanya. Tsaka ko naman biglang naalala yung picture
ni Chris at nagform na naman ng mala-demonyong smile ang bibig ko. Ipapakita ko na
sana sa kanya kaso bigla kaming napatingin kay Ryde dahil naggroan siya.
"..Lin....wliiin.. "

Nagkatinginan naman kami ni Yem at napakunot yung noo namin. Lin? Ano yun? Tapos
nagulat ako nung biglang nag-OMG si Yem ng malakas.

"Oh bakit? Anong nangyari??" tanong ko sa kanya dahil para siyang nakakita ng
something.

"Lin!!" sabay tingin niya sa akin. Okay. Lin nga yung sinabi ni Ryde? Ano naman?

"Oo nga. Anong meron dun?"

"Ang slow mo talaga minsan no Poleng? Hello? Lin? Pauline? Lin? Pauline? Gets?"

Bigla namang bumagal yung pagprocess ng information sa utak ko. Lin? Pauline?

Okaaaaaay.

"Ayiiieee Poleng! Lumelevel-up ka na ha! Napapanaginipan ka na ngayon ni Ryde!


Hahaha! Yiiieee uuyy kinikilig yan!"

"Hay naku corny mo talaga ever! Porke Lin, Pauline agad? Ewan ko sa'yo. Matulog na
nga rin tayo."

Nauna akong pumunta sa may kama dahil bigla na namang kinilabutan yung pisngi ko.
Pagtingin ko sa salamin, para akong kamatis na namamaga. Great! Hah! Ako?
Napapanaginipan niya? IMPOSIBLE! Kung nasa panaginip niya man ako, siguro kaaway
niya ako doon o kaya minamanyak na naman niya ako...

Ay naku Aeisha! Matulog ka na nga!! Maaga ka pa bukas!!

***
"Huy Poleng! Gising na! Marami pa tayong gagawin!" naalimpungatan naman ako nung
marinig ko yung boses ni Yem. Tsk. Inaantok pa ako eh!

Pero wala naman akong nagawa kundi tumayo at maghilamos. Pero saka ko lang
naalala...

"Si Ryde?!"

"Asus! Umagang-umaga yung lalaking yun agad ang hinahanap mo! Ikaw ha, nakakahalata
na ako sa'yo!"sabay tingin sa akin ng nakakaloko. Psh. Baliw talaga 'tong babaeng
'to eh. Lahat nalang ng bagay nilalagyan ng malisya. -__-

"Gaga. Syempre no, mamaya ako pa sisihin pag may nangyaring masama dun!" sabi ko
nalang sa kanya.

"Bakit girlfriend ka ba niya?"

"Yuck! Hindi no! Naku Yem tantanan mo nga ako!" tapos tinawanan niya lang ako.
Aish! Kainis lagi nalang akong talo sa asaran pagdating dun sa lecheng lalaking
yun!

"Oh eto po. Nag-iwan siya ng note. Maaga atang umalis." sabay abot niya sa akin ng
maliit na papel. Binasa ko naman yung sobrang habang note na sinulat ni Ryde.

'THANKS.'

Grabe napagod talaga akong basahin. Halos ten minutes akong nagbasa. Grabe talaga
-__-

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o madidisappoint eh. Tss. Hayaan na nga!

Naligo naman agad ako at kumain na rin ng breakfast. Si lola at Aera eh tulog pa
rin. Sabagay, 5 AM palang naman. Well, mamimili kasi kami ni Yem ng panghanda para
kay lola kaya dapat maaga kami sa pagpunta sa palengke at bibili pa daw siya ng
gift niya. Yung gift ko naman eh nabili ko na nung pumunta ako ng SM at nasa
lalagyanan ko lang naman yun ng damit nakatago.

After naming mamili eh umuwi rin kami agad. Sa kabutihang-palad eh tulog pa rin
silang dalawa. Masyado ata silang napagod sa paghaharutan nila kahapon (sabi ni
Yem). Kaya naman kami ni Yem eh nagluto na ng kung anu-ano. Ako eh nagprepare ng
spaghetti tapos si Yem naman eh naghahanda ng baboy for barbeque mamaya.

Nung bandang 1o AM eh nagising na rin silag dalawa. Tapos sabay naming binati si
lola ng 'Happy Birthday!' at nakakatuwa dahil kahit alam niyang may party eh naiyak
pa rin siya.
"Ay salamat mga apo. Kaybabait niyo talaga!" sabay pahid niya ng luha niya.

"Naku lola! Ikaw pa! Malakas ka sa amin eh!" banat naman ni Yem.

"Lola Roma!! Dalaga ka na! Hahahaha!" banat din ng kapatid ko.

Inentertain muna nilang dalawa si lola habang ako eh naiwan sa kusina para magluto.
Narinig ko nalang na nagkakantahan na sila. Meron kasi kaming Magic Sing na galing
sa tatay ni Yem. Natatawa nga ako dahil kumakanta na naman si Aera ng 'Bad Romance'
tapos tumatawa siya pag yung part na ng 'Roma-Ro-ma-ma'. Hahaha! Baliw na bata!

Nung mga bandang 6 PM na eh nagsikainan na rin kami. Tapos tuloy pa rin sila sa
kantahan. Inaaya nga nila ako eh kaso ayaw ko talaga dahil hindi naman ako magaling
kumanta. Mamaya mabasag pa yung bintana namin -__-

Pagpasok ko sa kwarto eh si Yem yung kumakanta. Dapat nga naiinsecure ako dito
dahil ang ganda-ganda ng boses eh! Pero dahil nga kasi mabait ako, pinagmamalaki ko
pa yan! Tsk. Kaya dapat pag sumikat 'to ako ang manager. Bwahaha!

"It's her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I'm falling further in love

Makes me shiver but in a good way "

Ang cute lang kasi ginagawang point of view ng babae ni Yem yung singer. I mean,
ginagawa niyang he yung she at yung iba pa. Feel na feel niya nga eh! Nakikisway
nalang ako kay lola at Aera na takam na takam sa barbeque. Mag-chef nalang kaya
ako? Mukhang maganda ang future ko sa pagluluto eh.

"All the times I have sat and stared

As he thoughtfully thumbs through his hair


And he purses her lips, bats his eyes and he plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say "

Tapos nakaisip naman ako ng isang magandang trick para asarin si Yem. Pumunta ako
doon malapit sa TV tapos ginawa kong wallpaper ng phone ko yung picture ni Chris.
Si Yem naman eh nanlaki yung mata at matawa-tawa habang kinakanta yung chorus!
Hahaha! Di ko alam kung dahil lang ba sa projection ng TV kaya mapula yung mukha
niya o dahil kinikilig siya.
"'Cause I love him with all that I am

And my voice shakes along with my hands


Cause he's all that I see and he's all that I need
And I'm out of my league once again"

Nagkantahan lang sila doong tatlo habang ako eh nakikinig lang sa kanila. Feeling
ko nga eh everytime na si lola o kaya si Aera ang hahawak ng mic eh madudurog yung
eardrums ko. Jusko, ang wiwild ng mga pinipili nilang kanta!! Nagulat nga ako
kanina at si lola eh pinili yung "Alone". Gusto ko nang tumalon sa bintana para
magpakamatay pero naalala ko eh hindi pala ako mamatay doon dahil ground floor lang
ang bahay namin. -__-

Pero natawa talaga ako ng todo nung nagduet si lola at Aera sa "Careless Whisper"
eh. Hahaha! Jusko halos mamatay na ako sa sakit ng tiyan! Actually kaming dalawa ni
Yem eh naiiyak na dahil gumigiling-giling silang dalawa doon at feel na feel talaga
nila! Tapos isa pa 'tong si Yem na may pagkabaliw, eh nakisali na din doon sa
dalawa! Grabe, feeling ko mamamatay ako kakatawa kanina!

At dahil hindi ko na matake yung pagwawala nilang tatlo doon (mas malala pa sila sa
mga lasing promise!), lumabas muna ako ng bahay para magpahangin saglit. Kumuha na
rin ako ng dalawang barbeque para makain ko doon sa labas.

Umupo ako sa may malaking bato sa harap ng bahay namin. Haaay. Ang sarap ng hangin
dito! Ang lamig! Tapos ang daming stars! *u*

"Gabi na hija, bakit andito ka pa sa labas?"

"OH MY GOD!"

Napaatras talaga ako ng limang metro nung may marinig akong nagsalita sa gilid ko.
Pagtingin ko...

"Teka.. di ba po kayo yung jeepney driver na lagi kong nasasakyan yung jeep?!"
grabe ha! Di kaya stalker ko talaga 'tong matandang 'to?! Nakakatakot na siya ha!

Tumawa naman siya ng mahinahon. Ewan ko lang ha, pero nabawasan yung pagiging
creepy niya nung tumawa siya.
"Pasensya ka na. Oh sige alis na ako. Nagpapahangin lang ako dito at di naman
sinasadyang nakita kita." tapos ngumiti ulit siya sa akin. Para namang naguilty ako
bigla dahil sa pagsigaw ko kay manong. Feeling ko naman mabait siya eh. Pero siguro
creepy rin siya.

"Ah manong wait lang! Eto po oh. Sa inyo nalang." tumayo ako tapos inabot ko yung
isang barbeque na hawak ko. Ewan ko kung bakit, pero.. siguro pambayad na rin para
sa kabastusang ginawa ko kanina. Sinigawan ko siya eh. Kakahiya kaya >_<

Nagulat naman siya sa ginawa ko. Tapos bigla siyang ngumiti. Bakit ba pag
ngumingiti siya eh parang may kakaiba? Hindi creepy eh. Pero pag nakakasakay ko
siya sa jeep, eh dun na nagiging creepy.

"Salamat." tapos tumalikod na ulit siya sa akin. Pero humarap ulit siya.

"Kasingganda at kasingbait mo talaga si Paula. Sige."

Bigla akong napatigil sa paghinga at napatayo lang doon habang pinapanood na lumayo
si manong mula sa akin. This time, kinilabutan na talaga ako.

Paula. That's the name of my mother.

*******************************************
[36] Chapter XXXV
*******************************************
Yehey may update na rin! Sorry kung matagal. Hell month ko na eh TToTT

Soooo, nakakatuwa talaga at may mga nagdededuce ng mga pwedeng mangyari. Sige lang
manghula lang kayo, malay niyo tama. HAHAHA! Eto na po ang chap 35 *u*

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Oo nga! Kilala niya si mama!"

"Eh paano naman nangyari yun?"

"Aba ewan ko! Natameme nga lang ako kagabi nung sinabi niya yung pangalan ni mama
eh. Tapos kinilabutan talaga ako."

"Baka naman kakilala lang ng mama mo?"

Umaakyat na kami ni Yem sa hagdan papuntang room pero naikwento ko sa kanya kagabi
yung nangyari sa labas ng bahay. At hanggang ngayon eh may hangover pa rin kami sa
pagkukwentuhan. Eh pano ba naman kasi si manong, masyadong ginulo yung utak ko!

Actually kanina, inabangan namin siya doon sa terminal ng jeep para doon sumakay.
Pero dahil nakikiayon ang tadhana, eh hindi namin siya nakita o naabutan. Malelate
na kasi kami kapag hinintay pa talaga namin siya. May quiz pa naman kami sa MAPEH
ngayon. Teka..

"Ay gagi Yem may quiz tayo sa MAPEH! Tae nakalimutan kong mag-aral!!"

"Waaah oo nga pala! Tanga mo talaga! Di mo pinaalala kagabi!"

"Wow thank you natanga pa ako!"

"You're welcome! Tanga ka naman talaga!"

Nagmadali kaming pumunta sa room. Pagkaupung-pagkaupo namin eh binuklat namin agad


yung MAPEH book at nag-aral tungkol sa Music. Kainis naman kasi eh, hindi naman
major 'tong subject na 'to pero pamajor si ma'am!

Napatingin naman ako sa pintuan dahil feeling ko eh dadating si ma'am anytime. Kaso
pagtingin ko, iba yung nakita ko. Sabay atang pumasok si Ryde tsaka yung
impaktitang Serene na yun. Nagbye siya kay Ryde nung nakatapat na sila sa room
tapos dumiretso siya doon sa dulong room dahil doon yung section two. Si Ryde naman
eh biglang tumingin sa side namin..

At nahuli niya akong nakatingin sa kanya.


Bigla ko namang binalik yung tingin ko doon sa libro. Shet na yan! Kinabahan ako
bigla! Kasi naman may patingin-tingin pang nalalaman eh! Tusukin ko mata niya eh!
Tss.

Pero okay na kaya siya? Baka mamaya pumasok 'tong bakulaw na 'to eh tapos may
lagnat pa pala siya? Pero anong pakialam ko sa kanya? Tsk. Ano ba Aeisha?! Mag-aral
ka na nga lang!

"Okay ka na?"

O_O

Oh packing tape! Nung dumaan siya sa gilid ko eh biglang nag-automatic function


yung bibig ko! Nak ng kadaldalan naman oh! Waaaaah utang na loob, sana bumukas ang
lupa at kainin na ako!

Napatingin siya sa akin at huminto siya doon sa gilid ko. Ako naman eh parang
nawawalan ng oxygen sa katawan.

"Yeah. Thanks." tapos.. tapos...

Ngumiti siya.

OH MY GULAY! NGUMITI ULIT SIYA! PANG-APAT NA BESES KO NA SIYANG NAKIKITANG NGUMITI!


PROMISE KINIKILABUTAN AKO! DI AKO SANAY!

Pati mga kaklase ko eh nagulat. Paano ko nalaman? Eh paano ang lakas nilang mag-
gasp. Lalo na yung mga babae. Tapos may mga ipit pa na boses na narinig kong
nagsalita, 'OMG ang gwapo niya pala talaga kapag nakasmile!'.
Parang umiikot na naman yung tiyan ko. Pero di naman ako natatae. Ano ba naman yan!
Kainis naman kasi bakit siya ngumiti?! Wala na! Di na ako makapag-aral! Walang
hiyang lalaking 'to. Ang lakas ng epekto. Bwisit. Buti pa si Yem, nakakapag-aral ng
maay--

"HOY! Akala ko pa naman nag-aaral ka!"

"Ahh? Hehehe."

Putek. Akala ko nag-aaral talaga. Pagsilip ko sa loob ng libro niya eh nakatago


yung cellphone niya tapos tinitignan niya lang yung wallpaper niya. At siguro naman
alam niyo na kung sino yun? Sabi ko na nga ba, dapat di ko na sinend sa kanya yung
picture ni Chris eh -__-

Maya-maya, dumating na si ma'am at syempre, nagquiz kami. Sana nga lang tama yung
mga pinagsasagot ko doon. Yung Noh at Gamelan lang ang sigurado ko eh, tapos yung
iba hula-hula nalang. Aba malay ko naman kasi sa music ng ibang bansa? Tss.

Tapos as usual, walang kamatayang pagrereview sa mga ibang subjects. Kasi nga sa
wednesday na yung periodical exam namin tapos hanggang friday pa yun. Tapos sa
friday a yung Sports and Music Festival. Oh di ba? Patayan lang ang trip ng school
na 'to. Buti nalang yung ibang teachers namin eh mabait at di na umattend ng klase.
Gamitin daw namin yung time na yun para magreview. Pero syempre, ano ba naman ang
aasahan mo sa mga kaklase ko? Ayun, kanya-kanyang business sa vacant time. Yung iba
naglabas ng laptop tapos kung anu-anong pinaglalaro. Yung iba naman nagbabatuhan ng
papel. Si Yem naman eh lumabas muna para daw kausapin yung trainor nila para sa
laban nila sa friday sa fest.

Ako naman eh hindi makapagreview sa room dahil ang ingay-ingay kaya lumabas ako ng
room dala yung notebook ko sa Filipino tapos yung libro ng El Fili. Naglakad-lakad
ako sa corridor tapos bumaba ako ng hagdan. Ay naku saan ba ako magrereview? Ang
iingay ng mga tao. Minsan na nga lang ako magreview ng matiwasay eh!

Tsaka ko naman naalala, pwede akong magreview doon sa likod ng school! Tahimik
doon! Tama! Hahaha! Ang galing ko talaga!

Nagmadali ako papunta doon sa likod. As usual, nagbalu-baluktot na naman ako ng


katawan para makapasok doon na hinaharangan ng barbed wires. Tapos tumakbo ako
papunta doon sa may puno. Hay salamat! Makakapagreview din!

Umupo na ako doon at binuksan ko yung notebook ko sa Filipino. Eto talaga ang ayaw
ko sa Filipino eh. Yung mga talasalitaan. Dumudugo ang ilong ko sa sobrang lalim.
"Sino si Elias?"

"AY KALABAW KA!!"

Nabitawan ko yung notebook ko sa sobrang gulat doon sa nagsalita. At sino pa bang


hayup ang pumupunta dito bukod sa akin? At teka, kailan pa siya andyan sa likod ng
puno?! Parang nung pagkaalis ko eh andun pa siya sa room ah?

"Ang saya mo rin eh no?!"

"Syempre."

Hindi ko alam kung anong meron sa aming dalawa. Ang gulo eh. Pag kaming dalawa lang
ang magkasama, akala mo parang magkaibigan kami. Pero pag naman may mga kasama
kaming ibang tao o nasa loob kami ng school eh strangers lang ang turingan namin,
or classmates.

Tapos bigla kong naalala yung nangyari sa room. Shet. Nabubuhay na naman ang
kahihiyan sa katawan ko!

"Salamat nga pala."

Napataas naman yung kilay ko sa kanya. Di ba siya nagsasawa kakasalamat?

"Pangatlong beses ka na nagpapasalamat. Di ka naman masyadong thankful no?"

"Technically, dalawa pa lang. Yung sa room kanina, hindi yun kusa. Nagtanong ka eh.
Wala akog choice kundi magthanks."

Arte pa! May pa-technically technically pa siyang nalalaman! Tss. Saka ko naman
napansin, bakit parang ang haba ng mga sinasabi niya ngayon? Wow ha, nag-iimprove!

"May tanong ako." tapos binaba ko muna yung notebook ko dahil alam kong di ako
makakapagreview pag may kausap.

"Hmm?" tapos tinaasan niya rin ako ng kilay.

"Ahm, ba.. bakit ka ganyan? I mean.. bakit ka nagbago?"


Hindi ko alam kung anong meron sa akin, pero gusto ko talagang malaman kung anong
nangyari. Lately kasi parang ang labo ng mga pangyayari sa paligid ko eh. Yung mga
naririnig ko about him, yung kay manong driver, kay Serene, kay Daniel. Ewan ko.
Ang labo masyado ng mga nangyayari. O sadyang hindi ko lang talaga alam?

Biglang sumeryoso yung mukha niya. Yung famous expressionless face niya at
nakatingin lang rin siya sa mga mata ko. Pinilit kong wag putulin yung connection
kahit ang awkward na.

"That's none of your business."

Then nagsimula na siyang maglakad palayo. Okay. I have crossed the line. Sabi ko
nga masyadong personal yung tanong ko. Hay. Tinignan ko lang siyang lumusot doon sa
barbed wires na walang kahirap-hirap. Tapos nung mawala na siya sa paningin ko eh
nagsimula na ulit akong magreview.

***

"Ang gaga mo talaga forever! Akala ko kinidnap ka na ni Jin mo eh. I mean, baka
tinanan ka na rin niya. Hahaha!"

"Tanan sa school? Anong nilaklak mo kanina Yem? Umamin ka nga?"

Ang lakas talaga ng topak netong si Yem eh. Inaasar na naman ako. Eh pano kasi di
ako nakabalik ng room bago yung last subject namin dahil nakatulog ako sa
pagrereview. Puro damo nga yung ulo ko nun eh pero nagawa ko namang tanggalin. Kaya
ayun, akala niya nawawala na ako.

Uwian na nga pala at palabas na kami ng gate nung biglang may humarang sa amin.

"You!" nagulat ako nung dinuro ako ni Serene.

"Ako?" tinuro ko rin yung sarili ko. Ano na namang problema niya sa akin?

"Pwede ba?! Layuan mo si Ryde!!"

Kumunot naman yung noo ko. Bakit ba ang laki ng galit ng babaeng 'to sa akin?
Ihulog ko siya sa canal eh! Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Akala mo lahat
ng salitang lalabas sa bibig niya eh susundin ng mga tao.
"At bakit naman kita susundin? Nanay ba kita? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin
tatlong beses sa isang araw? Hindi di ba? So get lost." tsaka ko binunggo yung
balikat niya. Napikon na talaga ako sa kanya eh. Dati niya pa ako ginaganito.
Nakakainis na.

Pero nagulat ako nung hinablot niya yung buhok ko ng sobrang lakas.

"OUCH! Ano ba?!"

"Layuan mo siya sabi!! Wag na wag mo siyang lalapitan!! I'm warning you!!" hindi ko
na napakinggan yung iba niyang sinasabi dahil sinunggaban ko na rin yung buhok
niya. Si Yem naman nakisabunot na rin imbes na awatin kami.

"--si Ryde!!" wala na talaga akong maintindihan. Basta ang alam ko lang eh
kailangan ko rin siyang sabunutan.

"Wala akong pakialam!" tsaka ko lumambitin sa buhok niya. Narinig ko naman na


umiiyak na siya. Tapos naramdaman kong may mga humahawak sa kamay, balikat, likod
at bewang ko. Yun pala eh may mga umaawat na sa amin.

"Bitiwan niyo nga ako!! Ano ba?!" tsaka ko kinalas yung sarili ko sa mga umawat sa
akin. Naiiyak na rin ako sa frustration. Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya. Naiinis
ako sa kanilang lahat!!

"Ouch. My hair..T__T" narinig kong sabi ni Serene at nagiiyak-iyak siya sa harapan


ko habang nakahawak sa kanya si Daniel at Ryde. Sila yung umawat sa kanya. Ewan ko
pero lalo akong nainis, at hindi ko alam kung bakit.

Sakto namang nakatingin ako sa kanila nung tumingin rin sila sa akin. At hindi ko
gusto ang expression nilang parehas.

"Anong ginawa mo Aeisha?" tanong sa akin ni Daniel. At lalo lang kumulo yung dugo
ko. Bakit ba parang ako pa yung may kasalanan?!

"Ginawa ko yung tama."

"ANONG TAMA SA PAKIKIPAGSABUNUTAN AEISHA?!" nagulat ako nung sinigawan niya ako. I
mean, bakit ganun? Ang sakit.

"Anong tama? Bakit sa akin mo tinatanong? Itanong mo dyan sa babaeng yan kung anong
tama sa pakikipagsabunutan! Bakit ba ako yung sinisisi mo?! Ako ba yung nauna?!"

"Pero Aeisha, alam mo namang mali, ginatungan mo pa! Gumanti ka pa!"


"EH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! HAYAAN NALANG SIYA NA LAGASIN LAHAT NG BUHOK KO?!
HA DANIEL?!" napasigaw na rin ako sa sobrang inis sa mga nangyayari. Tapos makikita
ko na si Serene eh mapiyak-iyak nalang doon sa tabi?!

"Pero dapat di mo pa rin ginawa." this time, si Ryde naman ang nagsalita at
nakatingin lang rin siya sa akin. Ngayon, napuno na talaga ako. Namumuo na yung
luha sa gilid ng mata ko. Si Yem naman eh nakaalalay lang sa akin. Ang daming
estudyante na rin yung nakikiusyoso.

"OH SIGE AKO NA ANG MALI! SIYA NA ANG TAMA! SIGE AYOS LANG SA AKIN NA MASAKTAN
BASTA WAG LANG AKONG GUMANTI! YAN BA ANG GUSTO NIYO?! SIGE! MAGSAMA-SAMA KAYONG
TATLO! HUH! AKALA KO KILALA KO NA TALAGA KAYO, PERO HINDI PA RIN PALA! PARE-PAREHO
LANG KAYO! TINATAGO ANG TOTOONG UGALI! SIGE LANG! IPAGTANGGOL NIYO YANG BABAENG
YAN! PAGKATAPOS NIYA AKONG ILAGLAG SA HAGDAN, BATUHIN NG RAKETA AT SABUNUTAN! OO
AKO ANG MALI! MGA BWISIT KAYONG LAHAT!!"

Tsaka ako tumakbo palayo doon. Pagkatalikod na pagkatalikod ko eh bumagsak yung


luha sa mga mata ko. Tinatawag ako ni Yem pero hindi ko siya pinansin. Buti nalang
at mas mabilis akong tumakbo sa kanya kaya nakalayo agad ako.

Nakakainis. Bakit ako pa ang mali? Mali ba yung ginawa ko? Mali bang ipagtanggol ko
yung sarili ko?

Ang sakit kasi. Ang sakit na sa kanilang dalawa pa nanggaling. Dahil bukod kay Yem,
sila yung lagi kong nakakasama. Ang sakit manggaling sa bibig nila.

Huminto ako sa pagtakbo nung nakaramdam ako ng pagod. Hindi ko alam kung nasaan na
ako. Ang alam ko lang eh tumakbo ako ng tumakbo. Napaupo ako sa may sidewalk at
saka umiyak ulit. Hindi ko sila maintindihang lahat. Bakit ba pilit nilang
kinakampihan si Serene?! :'(

"Mukhang kailangan mo ito, hija."


Napaangat ako ng ulo at nakita ko si manong. Binibigyan niya ako ng bimpo tapos
ngumiti lang siya sa akin. Pero imbes na kunin ko yung bimpo na inaabot niya,
tumayo ako....

tapos niyakap ko siya.

*******************************************
[37] Chapter XXXVI
*******************************************
Sorry sa napakatagal na update. Naging busy lang. Hahahah! At sensya na dahil
maiksi lang to. :ppp

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Ayos ka na ba hija?"

"Opo. S..sige po, salamat. Sorry rin po sa istorbo."

Tumayo naman agad ako at lumakad palayo kay manong. Nakakahiya. Ang FC ko sa kanya!
Pero buti di siya nagreklamo. Nakakainis kasi talaga kanina eh. Pero medyo kumalma
naman na ako. Eh paano kasi nagjojoke si manong kanina. Actually di naman
nakakatawa eh, pero natatawa pa rin ako kasi ang corny. Hahaha.

Naglakad ako pauwi. Medyo madilim na rin nun. Gusto nga akong ihatid ni manong eh.
Sabi ko nalang eh may dadaanan pa ako. Pero in fairness ha, para ngang stalker ko
si manong >_< at least, di na siya masyadong creepy.

Buti nga at di ako masyadong naligaw pauwi. Eh paano hindi ko naman kasi talaga
alam kung paano ako napunta doon eh. Basta tumakbo lang ako. Ay naku. May
pagkaadik-adik rin pala ako minsan, ano?

Nung dumating na ako doon sa kanto namin, lumuwag na yung pakiramdam ko dahil alam
kong successful ang pag-uwi ko. I mean, hindi ako naligaw. Hahaha!
"Kanina pa kita hinihintay."

"AY PUSANG KINALBO KA!!"

O_O

OH MY GOD.

Bakit siya andito?! Nakakainis!

Tumalikod ako bigla at sinimulan kong maglakad palayo sa kanya. Naaalala ko lang
kasi yung nangyari kanina. Ewan ko pero parang biglang bumigat ulit yung pakiramdam
ko. Kaso bigla akong napatigil nung may humawak sa braso ko. Hinarap ko naman siya.

"Ano ba?!" pinilit kong tanggalin yung kamay niya sa braso ko kaso ang higpit
masyado ng hawak niya. Actually, namumula na yung spot na hinahawakan niya at medyo
masakit na, pero di ko nalang sinabi dahil naiinis talaga ako sa kanya ngayon.

"Mag-usap tayo." napahinto naman ako sa pagpupumiglas. Parang lalo lang nadagdagan
yung galit ko sa kanya.

"Wala naman tayong pag-uusapan Ryde. Hindi naman tayo magkaibigan. Hindi naman tayo
nag-uusap dati. At higit sa lahat, hindi naman kita kilala. Kaya pwede ba? Bitiwan
mo ko?"

Tama lang naman yung sinabi ko di ba? Hindi naman kami close. Naging connected lang
naman kami dahil kaklase ko siya at lagi ko siyang nakakasabay sa jeep, tapos
pareho pa kami ng tambayan. Pero ewan ko, parang labag rin sa loob ko na sabihin sa
kanya yun. Kaso ayoko namang ako lagi yung kawawa. Ako lagi yung talo.

Biglang lumuwag yung hawak niya sa braso ko kaya hinila ko naman agad yung braso
ko. Nakita ko na nakatitig lang siya sa akin pero iniwas ko kaagad yung tingin ko
at naglakad na papunta sa bahay. Pero napahinto ako nung nagsalita siya.

"Hindi naman sa lahat ng oras, alam natin kung ano ang tama at mali."
Hindi ako lumingon sa kanya pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Hindi ko
naman naintindihan yung ibig niyang sabihin doon. Siguro makalipas ang 10 seconds
eh lumingon rin ako sa likuran ko. Pero paglingon ko, wala na siya doon. Tss. Bakit
ba kasi ako lumingon?

Tinuloy ko nalang ulit yung paglakad ko pauwi sa bahay. Pagdating ko doon sa harap
ng bahay, nakita ko si Yem na nakaupo sa may pintuan. Bigla naman siyang
napatingala nung makita niya ako.

"Poleng?" pinilit ko namang ngumiti. Bigla naman siyang tumayo tapos niyakap ako.

"Nakakainis ka!!" nagulat nalang ako nung umiiyak na siya sa balikat ko. "Akala mo
ba walang nag-aalala sayo?! Bakit ba bigla-bigla ka nalang tumakbo?! Ni hindi mo
man lang ako hinintay! Hindi ko alam kung.. kung saan ka.. nagpunta.. akala ko..
akala ko.. may nangyari ng masama sayo!! T..tapos di mo pa sinasagot yung mga tawag
ko.. nakakainis ka talaga!! Para san pa yung pagiging magbestfriend natin kung lagi
mo naman akong iniiwan?!" tapos umiyak na siya ng umiyak doon habang yakap-yakap
ako.

Hindi ko rin naman mapigilang di umiyak.

"S..sorry Yem. Hindi ko naman gustong iwan ka doon eh."

"Kahit na.. Ayokong ikaw lang yung may problema.. pwede mo naman kasing i-share..
bestfriend mo ako eh."

"Sorry."

"Tara na nga sa loob. Para tayong timang dito."

Tapos tumawa siya. Natawa rin naman ako nun. Nakakagaan lang kasi sa feeling. Na at
least, may isang taong handa akong kampihan, kahit ano pa ang mangyari. May isang
taong hindi ako iiwan kahit anong mangyari. At least may bestfriend ako, may
kapatid at may instant lola na kakampi.

Nagulat ako nung pagpasok namin eh niyakap rin ako ni Aera at lola. Tsaka ko
nalaman na kinwento pala ni Yem yung nangyari. Pero hindi detailed. Basta sinabi
niya lang na nagwalk-out something daw ako.

"Dumadrama na naman kayo mga apo ha."

"Haha! Sorry na po lola. Tara na nga, kain na tayo."


Kumain naman kami ng sabay-sabay. Tapos nakakatuwa lang kasi nahahalata kong
pinapatawa nila akong tatlo. Pero imbes na tumawa ako eh naiyak ako bigla kasi..
natatouch talaga ako sa ginagawa nila eh. Alam niyo yun? Tears of joy? Sa sobrang
tuwa eh maiiyak ka nalang?

After nun eh nagsimula na akong magbuklat ng notes. Grabe. Ang kapal pala ng mukha
kong magdrama kanina, samantalang periodical exam na pala namin bukas. -___-

"Waaah! Ayoko talaga netong El Fili! Nalulunod ako sa sobrang lalim!"

"Ikaw lang ba? Hindi ko nga alam yung meaning ng tistisin eh. Ano ba yun?"

Eh sa hindi ko talaga alam eh. Tsk. Si Ginoo pa naman pag nagpaquiz or exam eh may
kasamang talasalitaan lagi. Eto naman si Yem, wala ring pakinabang. Di rin naman
masagot yung mga tinatanong ko sa kanya. Psh.

"Grabe. Ano ba kasing silbi ni Simon at Elias sa buhay ko? Buti sana kung si Chris
yan! Tss." napatingin naman ako sa kanya.

"Ang landi mong babae ka!!" tsaka siya kinilig doon. Grabe talaga yun! Hahaha! Pati
sa pagrereview, dinadamay si Chris. Siguro nabubulunan na si Chris ngayon dahil
pinag-uusapan namin ngayon. Haha!

"Excuse me? Crush lang yun no! Crush lang!"

"Weh? Bakit parang di naman?"

"Utot mo. Mag-aral ka nga dyan Poleng! Wag kang istorbo!"

"Hahaha! Landi mo talaga forever!"

"I know right?"

Tinuloy ulit namin yung pag-aaral pero every 15 minutes ata eh nagdadaldalan kami
eh. At in all fairness, di ko pa rin talaga alam ang meaning ng tistisin. Kainis na
yan! Feeling ko talaga lalabas yun sa exam eh! At dahil desperada na akong malaman
ang meaning nun, tinext ko si Danica, yung kaklase namin, kung anong meaning nun.

"Oh ano alam mo na meaning?"

"Di pa. Di pa nagrereply si Danica eh." then tinignan ko yung phone ko.

Kaso pagtingin ko, ibang pangalan ang nakita ko na nagtext.


Si Daniel.

Bigla na namang bumigat yung loob ko. :\

Ano naman kayang tinext ng taong 'to? Binuksan ko naman yung message niya at binasa
ko. At nagulat ako sa nakalagay...

-- tistisin - operahan. Aeisha, sorry pala kanina. sorry talaga. --

O_O

"OMG!! OMG!!"

"Bakit? Anong meron?" napatingin ako kay Yem at talagang sobrang shocked yung mukha
ko.

"Namali ako ng send!! Kay Daniel ko nasend!! Hindi kay Danica!!"

"Omaygad teh. Anong sabi?!" bigla niyang inagaw yung phone ko at binasa yung
message ni Daniel. Pagkabasa niya eh binalik niya rin agad sa akin.

"Haynaku. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina! Ang sarap niyang kalbuhin!!"
ako naman eh napayuko nalang. Eto na. Bumabalik na naman yung topic sa nangyari
kanina :'(

"Pasalamat siya wala akong nagawa kanina. Ang kapal ng mukha niyang sigaw-sigawan
ka. Naku talaga. Pag nakita ko yun, sasampalin ko talaga siya."

"Adik 'to. Wag na." napatingin naman ulit siya sa akin. Pero bago pa siya
magreklamo eh inunahan ko na siyang magsalita.

"Hayaan mo silang magsisi sa ginawa nila. Mas mabuti na yung alam nila kung anong
tama at mali. Mas maganda yung alam nilang may pagsisihan sila."

Nagreply ako kay Daniel. Yung reply na parang walang emotion at parang cold kapag
binasa.

-- Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry. Kasi merong mga bagay na kailangan ring
pagsisihan. --

Tapos biglang nagflashback yung sinabi sa akin kanina ni Ryde sa may kanto.

"Hindi naman sa lahat ng oras, alam natin kung ano ang tama at mali."

Siguro nga. Pero dapat sinigurado muna nila yung sitwasyon. Masakit rin kasing
masabihan na ikaw yung mali. Kahit alam mo sa sarili mo na pinagtanggol mo lang
yung sarili mo. Haaaay. Humanda talaga sa akin yang Serene na yan. Punung-puno na
talaga ako sa kanya.

Sorry siya. Di ako kasingbait ng ibang babae. Gaganti ako. Promise!! >:|

*******************************************
[38] Chapter XXXVII
*******************************************
Yehey! Nakapag-update rin! Hahaha! Eto na po! Sorry kung medyo matagal ako mag-
update ha? Busy-busyhan po ang lola niyo XD

Ayan! Chapter 37! <3

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"10 more minutes."

O_O
Waaaah! Bakit ten minutes nalang?! Ang bilis naman! TT_TT

Wala na talaga akong masagot dito sa Filipino! Pigang-piga na ang utak ko! Baka nga
napagpalit-palit ko na yung characters sa El Fili eh. Susme, wag naman sana. Ang
tagal-tagal naming nireview 'to ni Yem!

And speaking of Yem.. kanina pa siya tapos T_T Grabe talaga! Nakakaawa ang
sitwasyon ko. Sana kasi biniyayaan ako ng matalinong utak! Eh di sana petiks nalang
ako ngayon. Please Lord, sana di ako bumagsak.

"Okay, pass your papers."

Wala na. Tiwala lang Aeisha. Nadadaan yan sa tiwala TT_TT

***

"Badtrip teh! Ayoko na, suko na utak ko!" pagkaupung-pagkaupo ko sa upuan doon sa
canteen eh inub-ob ko kaagad yung ulo ko sa mesa.

"Aba, ikaw lang ba? Kanina pa nga sumasakit ulo ko eh!" napabangon naman ako bigla
sa sinabi ni Yem.

"Eh kung sapak-sapakin kaya kita ng kaliwa't kanan, ha Yem? Runnig for honors ka
tapos ganyan ka? Anong pinapalabas mo nyan? Suntukan nalang tayo!"

"Sige ba! Oh game!"

Sabay tawanan nalang kami dahil nakakasabaw talaga ng utak yung exams. So tapos na
ang English at Filipino, MAPEH nalang. Jusme isa pa 'tong subject na 'to! Pa-major
din! Ang dami-daming nirereview!

"Oh my golly wow!" napatingin ulit ako kay Yem. Problema ng babaeng 'to?

"Bakit?"

"Poleng! Si Chris! Oh my gosh! Papunta siya dito! Anong gagawin ko?! Aalis ba ako?
Magpupulbos? Sisigaw? Ano? Ano? Sheeeeeet!!!!"

Pffft. Di ko naman napigilang tumawa. Paano paranoid na paranoid siya! Hahaha!


Hanggang sa dumating si Chris sa table namin eh aligaga pa rin siya. Pero syempre
pumirmi siya sa isang posisyon nung tinignan siya ni Chris.

"Uy Aeisha, pwede ba akong makisabay sa inyo? Nauna na kasing kumain yung barkada
ko eh."

"Uhm, okay lang sa akin. Ewan ko lang sa kasama ko." sabay tingin ko kay Yem with
matching asar-asar pa. Bwahaha! Kinikilig siya! Ampupu!

"Uhm.. miss? Okay lang ba sa'yo?" tapos ngumiti sa kanya si Chris. If I know eh
gusto nang mahimatay ni Yem ngayon. Sasabog yan mamaya. Hahaha!

"Uh..o..oo. I mean.. oo naman. Ha..ha..ha.."

Tapos umupo si Chris sa tabi ko. Bale katapat niya si Yem. Pang-apatan kasi 'tong
table, so walang katabi si Yem. Syempre, di ko mapigilan yung ngiti ko. Ang sarap
lang kasing asarin ni Yem. Tapos 'tong si Chris naman eh walang kamalay-malay na
pinagnanasaan na pala siya ni Yem.

"Oo nga pala Chris. Siya pala si Yem, yung bestfriend ko. Yem, eto naman si Chris,
teammate ko sa badminton."

"Oh hi Yem. Ikaw pala yung bestfriend ni Aeisha. Nice meeting you!" then
nakipagshake hands pa siya kay Yem.

Hindi ko naman napigilang tumawa dahil sa itsura ni Yem. Paano eh para siyang
naestatwa na nakakakita ng multo. HAHAHAHA! Shet! Ang panalo ng mukha!!
"Bakit ka tumatawa dyang mag-isa Aeisha?" tanong sa akin ni Chris.

"Ha? Hahaha! Wag..haha.. mo na akong.. HAHAHAHA!! pansinin!"

Hinayaan ko muna sila doong mag-usap habang kinakalma ko yung sarili ko sa pagtawa.
Grabe halos maiyak na talaga ako kanina. Ang sakit na rin ng tiyan ko kakatawa.
Hayup na Yem yun! Sagwa kasi ng expression niya. Ayan naalala ko na naman tuloy.
HAHAHAHAHAHAHA!!! Ang sakit na ng tiyan ko T__T

Bumili muna ako ng pagkain tapos pumwesto na ako doon sa table namin. Tapos after
ko eh bumili rin sila. Actually, close nga agad sila eh. Parang may sarili silang
mundo. Sarap sanang sabihan ng.. "hello! I still exist!" -__-

"Oh talaga? Favorite ko rin ang nilaga! Cool!"

"Wow! Dami nating parehas ha!"

See? Hindi talaga nila ako pinapansin eh. Ang ganda kong display dito ha. Psh.
Makakain na nga lang.

"Hey."

*SPLASH*

"Hala ka! Huy Poleng! Ayos ka lang?! Oh eto tubig!! Huminga ka!!" inabot ko naman
agad yung tubig sa kamay ni Yem at saka ko ininom. Nung medyo nalunok ko na yung
pagkain ko eh humarap ako sa tumapik sa likod ko.

"Ano bang prob--"

O__O

"Sorry. Di ko sinasadya. Ayos ka na ba?" napatalikod nalang ulit ako. Gulay naman
oh! Bakit siya andito?!

"Ayos lang." then tinuloy ko nalang yung pagkain ko.

"Ryde? Wow long time no see." napatingin naman ako kay Chris. Oo nga pala. Barkada
pala sila.. dati.

"Yo." tapos bigla niyang tinaas yung kamay niya. Wa..wait.. bakit parang.. bakit
parang sasapakin niya si Chris?! NOOOOO!!

Pero nagulat ako nung biglang sinuntok nila yung kamao nila sa isa't isa.

"Whoa!! Wow bumabalik ka na sa dati!"

"Nope."

Pero parang di narinig ni Chris si Ryde na nagsalita at hinatak nalang niya bigla
paupo.. sa tabi ni Yem.. which means...
SA TAPAT KO.

Ugh Chris!! Nakakainis naman eh! Kung kelan iniiwasan at saka lumalabas na parang
mushroom!! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain!

Bahala nga kayo dyan!

Tinuloy ko nalang ulit yung pagkain ko habang silang tatlo eh nag-uusap. Kainis.
Imbes na ako ang kausap ni Yem eh si Ryde pa yug kinausap niya. Yari talaga 'to sa
akin mamaya sa bahay. -__-

Pero nagulat ako nung biglang may naglock sa isa kong binti. Pagtingin ko kay
Ryde.. nakangiti na naman siya. Shet lang. Bakit ba kapag nakangiti 'tong mokong na
'to eh nakakakilabot? Siguro dahil minsan lang siya ngumiti at hindi ako sanay na
makita siyang nakangiti?

Pero bakit niya ba iniipit yung binti ko ng mga binti niya?! Anong problema ng
isang 'to?!

Pinandilatan ko siya pero di niya ako pinansin at nagbabasa lang siya ng notes
niya. Habang si Chris at Yem eh nag-uusap pa rin. Hinahatak ko naman yung binti ko
pero waepek! Ang lakas makalingkis ng lalaking 'to!!

"Ayaw mo ha?"

This time, yung free kong binti eh pinangsipa ko sa right leg niya. As in malakas!

"OW!!"

"Oh bakit Ryde? May masakit ba sa'yo?" sabi ko sa kanya with nag-aalalang face pa
nung tumingin sa amin si Yem at Chris.

Pero nagulat ako nung biglang naramdaman ko na yung dalawang binti ko eh inipit
niya ulit sa mga binti niya.

"Wala naman. May kumagat lang atang langgam sa paa ko."


Ayan na naman! Shet! Pano ko na siya masisipa kung parehong nakaipit yung dalawang
paa ko?! Nakakainis naman 'tong lalaking 'to eh!! T__T

"Inaaccept mo na ba ang sorry ko?" bigla niyang sabi habang ako eh nakayuko pa rin
at pinipilit tanggalin yung binti ko sa binti niya.

"Huh?" yun nalang ang nasabi ko. Pero ang totoo niyan eh hindi naman na ako galit
sa kanila ni Daniel. Mas galit ako ngayon sa bruhildang Serene na yun, kung nasaan
man siya. Napakamaldita kasi ng babaeng yun eh.

Naramdaman ko naman na biglang humigpit yung pagkakaipit ng mga binti ko kaya hindi
ko na talaga totally maigalaw. Ugh! Bakit ba ang lakas niya?! Kainis ha!!

Nagulat nalang ako nung bigla niyang hinawakan yung chin ko at nilapit sa kanya.

DUGDUG.DUGDUG.

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla! OMG! Anong gagawin ng
isang 'to?! Waaaaahh!! Naririnig ko rin yung mga boses ng tao sa paligid namin pero
nagiging faint nalang sila. OMG anong nangyayari sa akin?! Bakit yung tibok lang ng
puso ko yung naririnig ko? Di kaya mabibingi na ako?! Sheeeeeeet!!

"Hindi mo pa rin ako pinapatawad?" sabi niya tapos mas nilapit niya pa yung mukha
ko sa mukha niya. Wala naman akong masabi dahil feeling ko eh may nakabara sa
lalamunan ko.
"Then I shall force you to forgive me."

tapos bigla niyang..

hinalikan yung noo ko.

*******************************************
[39] Chapter XXXVIII
*******************************************
Sorry sa uber uber late updates! Hahaha finals week kasi namin eh. Pero dahil
sembreak ko na, eto na ang update! YAY! Magbunyi! Wahahaha joke! So eto na nga!
Basa-basa na! Oh and sorry, I lost track na po sa dedics. :(

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Hinga Aeisha. Hinga. Wag ka munang mamamatay. Wag muna!! Pero pakshet kasi!!

"HAHAHAHA! GRABE TEH KINILIG BUONG KALULUWA KO SA INYO!! PROMISE! DI AKO MAKAGET-
OVER! WAAAAHHH! ANG SWEET NI PAPA RYDE! MAY PAHALIK-HALIK PA SA NOO! AMP!" sabay
hampas niya sa desk ko.

Tapos na nga pala ang exams namin ngayong araw pero nandito pa rin kami sa room
dahil cleaners kami ni Yem. Pero kaming dalawa lang dahil pinagkalooban kami ng
kasipagan at yung iba eh hindi.

Bigla namang nagground yung pisngi ko. Yung parang namanhid na ewan dahil sa mga
pinagsasabi ni Yem. Ang laki ng problema eh.

"TAPOS ANDAMI PANG NAKAKITA SA MOMENT NIYO! IMAGINE TEH KISSING SCENE SA CANTEEN!
ANG BENTA NON! HAHAHA! EEEEHH KINIKILIG TALAGA AKO! ANUBAAAAA!! SANA GAWIN RIN YAN
SA AKIN NI CHRIS AHIHIHIHI! WAAAAHHH!"

-__-

At tuluyan na po siyang nabaliw mga kaibigan.

Pero grabe nga talaga yung nangyari sa canteen eh. After niyang gawin yun eh bigla
siyang umalis sa canteen habang ako eh naestatwa na doon. Feeling ko nga
nakasuperglue yung pwet ko sa may upuan eh. Hindi talaga ako makagalaw. Idagdag
niyo ba yung pang-aasar ng classmates ko at pangbabash ng fans ni Ryde sa akin.
Bwiset lang di ba?

Wait nga, dapat nga ba akong kiligin? HAHAHAHAHA! Joke lang! Nantitrip lang siguro
yung lalaking yun. Tss. Lagi naman akong pinagtitripan nun eh. Pero hindi ko talaga
maalis sa utak ko yung sinabi niyang line eh. Kanina pang nagpaplay sa utak ko na
parang sirang plaka.

"Then I shall force you to forgive me."

Whoooo! Bakit parang uminit dito sa room? >///<

After naming maglinis (ako lang pala dahil wala sa wisyo si Yem), eh umalis na rin
kaagad kami sa school para sa exams bukas. Madugong pagrereview na naman ito!

Naglakad kami papuntang terminal, at AS USUAL, si manong na naman yung nasakyan


namin. Pero this time, hindi na siya masyadong creepy para sa akin dahil tinulungan
niya ako last time. Dinramahan ko kasi siya nun eh. Kakahiya nga, pero oh well,
nangyari na eh. Siguro nga natitimingan lang namin siya lagi kaya sa kanya kami
laging nakakasakay.

Napatingin ako doon sa side mirror at nakita kong ngumiti sa akin si manong. Waaah
siguro naalala niya yung mukha ko at natatawa siya ngayon dahil ang drama ko noong
mga panahong yun! >_< Kakahiya talaga!! Lupa, lamunin mo na ako! Now na!

Bigla namang nagring yung phone ko kaya kinuha ko siya sa bulsa ko. Sino naman ang
tumatawag sa akin? Sosyal ha, patawag-tawag pa! Pagtingin ko...

Si Daniel.

Sinagot ko naman agad.

"Hello?"

"Aeisha?" Napatingin sa akin si Yem at tumingin siya with sino-yang-walanghiyang-


kausap-mo-look.

"Bakit?"

"Uhmm, wala lang. Gusto ko lang itanong kung galit ka pa rin ba. Sorry talaga sa
naging kilos ko. Sorry. Promise babawi ako sa'yo. Pinapatawad mo na ba ako? Sorry
sorry sorry sorry sorry--"

"Hep! Okay na Daniel. Apology accepted." sabi ko nalang. Di naman kasi ako marunong
magtanim ng galit sa kapwa (pwera kay impaktitang malditang walanghiyalitang
Serene) kaya pinapatawad ko na si Daniel at Ryde. Ang bait ko no?

"Really?! THANK YOU AEISHA! Ang bait mo! Sorry talaga ha?"

"Okay na. Okay na. O sige Daniel, nasa jeep kasi ako eh baka mahablot 'tong phone
ko. Bababa ko na ha? Bye bye!" tapos in-end ko na yung call.
Pagtingin ko kay Yem eh parang nasaniban ng matandang dalaga ang itsura niya.
Problema na naman ng babaeng 'to? Parang kanina lang ang hyper niya ah?

"Anong itsura yan Yem?"

"Duga mo ha! Bakit si Daniel pinatawad mo agad-agad pero si Papa Ryde eh


pinapahirapan mo?" aba? At kasalanan ko pa?

"Eh papatawarin ko naman na dapat siya kanina eh kaso kung anu-anong gimik
pinaggagawa niya! Naku!" naalala ko na naman tuloy yung canteen moment. Amp!

"Ayiiie! Bakit ka namumula? Hoy ikaw babaita ka. Umamin ka nga. Mahal mo na ba si
Ryde?"

O__O

ANONG PINAGSASABI NG BABAENG 'TO? ANONG LANGUAGE ANG GAMIT NIYA? ANG GAGA TALAGA NI
YEM KAHIT KAILAN!

"Mahal ka dyan?! OA mo ha!"

"Weh? Eh ano? Imposible namang hindi naglulubdub lubdub ang heart mo kapag nakikita
mo siya no! Aminin mo na kase! Bestfriend mo naman ako eh!"

"Che! Wala nga kasi!"

"Asus! Ayaw pa aminin eh!"

Hanggang sa makababa kami ng jeep eh pinipilit pa rin ako ni Yem na umamin. Eh sa


wala nga akong aaminin eh! Hindi ko pa naman.. wait, scratch that. Hindi ko naman
siya mahal no! No no no way! Baliw lang ang magkakagusto kay Ryde!

Naglakad kami papuntang bahay at naabutan naming natutulog si lola at si Aera. Baka
napagod na naman 'tong dalawang 'to kakalaro. -__-

Binaba naman agad namin ni Yem yung mga gamit namin at nagsimula nang magreview.
Marami-rami rin ang aaralin namin ngayon. Aba pagsabayin ba naman ang Math,
Economics at TLE? Sinong di mamamatay niyan?

Kinuha ko yung mga notebook ko at naglatag ako sa sahig para doon magreview. Ayoko
kasing magreview sa kama dahil nakakatulog ako. Naalala ko last year, MAPEH lang
yung nareview ko dahil nakatulog ako sa kalagitnaan ng pagrereview. Sarap pa ng
higa ko sa kama ko eh. Kaya never na akong nagreview sa kama. Malas yun, promise.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagrereview ni Yem nung biglang magising si lola. Akala
nga namin nagssleepwalk siya kaya napaatras pa kami. Yun pala di lang kita na dilat
yung mata niya -__-

"Oh lola, bakit? Tulog ka pa." sabi ni Yem. Naguilty ata siya dahil ang lakas ng
boses niya habang nagrereview.

"Ay hindi, ayos lang."

Nagkatinginan naman kami ni Yem dahil parang ang lungkot ni lola ngayon. Anong
nangyari? Di kami sanay eh. Mas sanay kami sa medyo baliw na lola Roma.

"Bakit po lola? May problema ka ba?" sinara ko muna yung notebook ko para kausapin
si lola. Ganun rin yung ginawa ni Yem. Umupo si lola sa harapan naming dalawa,
tapos ngumiti siya pero yung malungkot na ngiti.

"Wala mga apo. Naaalala ko lang siya."

Nagkatinginan ulit kami ni Yem. Siya? Sinong siya? Di kaya yung asawa ni lola?

"Yung asawa niyo po?" tanong ko naman kay lola.

"Ah hindi. Yung kaibigan ko." tapos napayuko siya at ngumiti ulit. Waaah bakit
ganun? Nakakaawang tignan si lola :'( Para kasi siyang iiyak eh.

"Oh sige na mga apo, mag-aral na kayo dyan. Doon muna ako sa sala." tapos tumayo
siya at pumunta nga doon sa sala.

"Tingin mo sino yun?" tanong ni Yem sa akin.

"Eh yung kaibigan niya nga raw di ba?" pabulong lang kami mag-usap at promise para
kaming abnoy.

"Feeling ko bestfriend niya. Di kaya?" sabay hawak niya pa sa baba niya at


feelingerang nag-iisip siya. Sipain ko 'to eh.

"Baka?"

"Hoy Poleng wag mo akong iiwan pag tumanda tayo ha? Ayaw kong maging ganun katulad
kay lola. Gusto ko nasa tabi kita para may maghuhugas ng pwet ko kapag di ko na
kaya. Ha? Ha?"
Alam niyo yung konti nalang eh matatouch na ako sa pinagsasabi niya, kaso biglang
may ganun sa dulo? Ang sarap niyang ihagis sa labas eh no? Naku pasalamat 'tong si
Yem mahal ko siya. Wahaha! Kaso syempre nakakahiyang sabihin no.

"Wait. Di kaya first love yun ni lola?" biglang umandar yung imagination ko.
Wahaha.

"Ay oo nga no? Baka nga!" umagree naman sa akin 'tong si Yem. Hala ka
pinagtsismisan na namin si lola!

"Ay nako tama na nga! Magreview na muna tayo!"

"Sabi ko nga!"

Bubuklatin ko na sana ulit yung notes ko kaso bigla na namang tumunog yung phone
ko. Akala ko nga may tumatawag na naman eh, yun pala text lang. Nakalimutan ko pala
siyang i-silent? Shems buti walang nagtext nung nasa school ako!

Pagtingin ko.. unknown number.

Sino naman 'to?

Opening.. opening..

-- Are you ready to accept my apology? --

O_O

WHAT THE.

Okay. Parang kilala ko na kung sino 'to. Pero.. pero..

PAANO NIYA NALAMAN ANG NUMBER KO?!

*******************************************
[40] Chapter XXXIX
*******************************************
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Waaah salamat!! Last day na ng exam bukas! Shems bangag na ako!" sabi ni Yem
habang nag-iinat.

Katatapos pa lang kasi ng exams naming at utang na loob lang. Pigang-piga ang utak
ko! Para ngang walang natirang laman eh. Simot. Sinipsip ata ng test papers ko.

"Oy Poleng, mauna ka na. Pinapatawag pala kami nung trainor naming. Sige babush!"
tapos tumakbo siya papuntang glee club.

Pauwi na sana ako kaso naisipan kong pumunta sa tambayan ko. Tama. Dun nalang ako
magrereview. Wala naman sigurong tao dun. At isa pa, isang nilalang lang naman ang
pumupunta doon. Pakiramdam ko naman wala siya doon eh.

Lumiko ako sa may dulo ng corridor at nakita ko ang malaking puno. Syempre nag-ala
gymnast na naman ako sa paglusot sa mga wires. Bakit ba kasi hindi ako nagtry-out
sa gymnastics club? Feeling ko talaga, pwedeng-pwede ako doon eh. Tsk. Tapos
naglakad na ako papunta doon sa malaking puno at sumalampak ako sa damuhan. Waaah
ang presko presko talaga dito! Laging malakas ang hangin! Ang sarap matulog!

"So you came huh?"


"AY ANAK KA NG NANAY MO!!" napatalon talaga ako ng dalawang metro mula doon sa
kinauupuan ko nung may narinig akong nagsalita doon sa likod ng puno. Susme,
aatakihin ako sa puso ng wala sa oras!

"Sorry, nagulat ata kita." Napakunot naman yung nook o sa sinabi niya.

"Ay grabe Ryde di ako nagulat. Gusto ko lang talagang tumalon." Tapos ngumiti ako
sa kanya tsaka ko siya inirapan. Kainis na nilalang na 'to. Anong akala niya sa
expression ko? Hindi nagulat? Ganun na ba kaweird ang pagmumukha ko para di
madetermine na nagulat ako? Batukan ko siya eh -__-

"Hahaha!"

O_O

Dugdug.Dugdug.

Para namang napunta sa lalamunan ko yung puso ko. Ewan ko lang ha. Nashock lang ako
nung bigla siyang tumawa. Shems. Nasasapian ba siya? Nababaliw? Ano? Sabihin niyo
nga? Pero ang cute-oh nevermind. >///>

"Ba..bakit ka andito?"

"Hmm, well it's because I found this place first?"

Oo nga no? Silly Aeisha. Eh kaya ko lang naman nalaman 'tong lugar na 'to dahil
sinundan ko siya dati eh. Ang kapal rin ng mukha ko para tanungin kung anong
ginagawa niya dito eh no?

"Sit." Tapos tinap niya yung pwesto sa tabi niya.

Dugdug.Dugdug.

Putek. Ayan na naman. Ano ba!! Tumigil ka nga kung ano ka mang tumitibok ka!
Pumirmi ka!

Di ko alam kung anong nangyari pero parang may sariling isip yung paa ko at umupo
ako sa tabi niya. Tae. Sabi ko magrereview ako eh! Ano bang pinaggagawa ko?! Para
naman akong aso na sumusunod sa amo niya T__T

"Sorry." This time napatingin ako bigla sa kanya. Tapos naalala ko yung time nay
un. Nung kinampihan nila si Serene. Biglang nanubig yung mata ko. Leche naman oh.
Bakit ko pa kasi inalala yun.

"Di mo rin naman kami masisisi ni Daniel eh. Kaibigan namin si Serene." Parang
bumalik ulit yung bigat ng pakiramdam ko nung mga panahong yun. Ano daw? Kaibigan
nila si Serene? Ibig sabihin magkaibigan sila ni Daniel? Ano? Ang gulo.

"Anong sinasabi m--"

"Just listen, okay?" bakit niya ba sinasabi sakin 'to? Ano namang pakialam ko sa
pagkakaibigan nila. Wala akong pakialam no. Wala...

"Pero--"

"We're friends back then. With Chris at nung iba pa."

Tapos bigla siyang huminto at para siyang nastroke. Siguro nagrereminisce siya ng
moments nila ng barkada niya. Pero di ko maimagine. Si Serene? Hindi siya mukhang
friendly. Mukha siyang bitchesa! Walanghiya yung babaeng yun. Di pa ako nakakaganti
sa kanya. Nagulat naman ako nung nakatulala pa rin si Ryde. Tinaas ko naman yung
tuhod ko tsaka ko niyakap at pinatong yung ulo ko.

"Alam mo, hindi ko naman sinabing sabihin mo sa akin yung past mo. I mean, halata
namang may tinatago ka, pero it takes time. Hindi mo dapat pinipilit." Tsaka ko
siya nginitian.

Pero nagulat ako nung hinawakan niya yung ulo ko tapos ginulo yug buhok ko. "Iba ka
talaga." Para lang akong baliw doon na nafroze sa posisyon ko.

Ewan ko ba, pero pag nandito kami o kaya nasa jeep, parang ang close namin.
Parang... magkakilala na kami ng matagal na panahon. Alam niyo yung feeling na
ganun? Awkward ako sa kanya pag nasa school pero pag nandito, parang kilalang-
kilala ko siya. I dunno. Ganun ang nafifeel ko eh. O baka sadyang nababaliw na ako.
Sabihin niyo nga? Nababaliw na ba talaga ako?

Tahimik lang kami doon at nagreview nalang kami sa sarili namin. Oh well, Physics
at Values lang naman ang subjects bukas. Okay na yung values eh, pero juskupo!
Physics! T__T mangmang ako dyan. Papaturo nalang ako kay Yem mamaya!

"Naranasan mo na bang..." nabigla na naman ako nung nagsalita siya. Pero this time,
di na ako tumalon ng ilang metro. Para lang akong sininok. At least di ba hindi na
ako OA magulat?

"Naranasan ko na ang ano?" di niya kasi tinuloy yung tanong niya. Ano kaya yun? Di
kaya gusto niya lang kantahin yung kanta ni Villar? Naranasan mo na bang maligo sa
dagat ng basura.. ay shems di ko alam yung lyrics. Basta yun! Ugh! Ang korni ko!

"Ah wala. Don't mind me."

Ang ewan lang. Pero bakit ganun? Bakit ganito? Ang fleeting ng pakiramdam ko?
Parang.. something na di ko maexplain. Gara. Ang weird ko na. Ano bang nangyayari
sa akin? @_@ Nagreview nalang ulit ako sa physics. Kailangan kong ubusin ang
pasensya ko dito dahil feeling ko babagsak ako sa subject na 'to. Ayoko talaga ng
physics T__T

***
"Hey gising."

"Hmmm..."

Bigla nalang umalog yung buong paligid ko kaya napadilat ako. At paggising ko, mas
nashock pa ako sa naabutan ng mata ko.

Nakasandal ako sa kanya.

"Omaygad sorry!!" with superbilis na pagtayo at paglayo ko sa kanya. Shet naman


bakit nagkakaganito ang buhay ko? T__T Wala na akong dangal. Huhuhu. Nakakahiya
lang with feelings!!

"Bigla ka nalang nakatulog habang nagrereview." Sabay ayos niya ng gamit niya.
Tapos naggrin siya sa akin sabay tingin sa balikat niya.

WAAAAH alam niyo yung nakakahiya? Eto yun eh! Eto yun! Nakakainis! Sa lahat naman
ng pwedeng matulugan, sa balikat niya pa!! Sana talaga hindi nalang ako pumunta
dito eh! Ang dangal ko, wala na T__T

"Tara, hatid na kita. Gabi na."

O///O
Buti nalang medyo madilim na nung mga panahong yun. Para kasi akong nabuhusan ng
kumukulong tubig eh. Ano daw? Hatid? Anong hatid? Anong pinagsasabi ng lalaking
'to? Bakit siya ganyan ngayon? ANONG NANGYAYAREEEE?

"Huy. Tara na." pero naestatwa talaga ako doon sa pwesto ko eh. Nagulat nalang ako
nung bigla nyang hinawakan yung kamay ko tsaka ako hinatak. Wala na talaga ako sa
wisyo. Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko. Feeling ko magkakasakit ako eh. Lord,
ano po bang pinaggagawa niyo sa akin? Bakit ako nagkakaganito? T__T

Nakarating naman agad kami sa sakayan ng jeep. At syempre, ano pa nga ba? Si manong
driver ulit yung nasakyan namin. Actually kaming dalawa nga lang yung pasahero eh.
Si Ryde na ang nagbayad at nilibre niya rin ako. Sana nga libre yun at hindi niya
ako singilin bukas eh. Napatingin naman ako sa side mirror ni manong, at SWEAR!!
Kahit di ko kakilala si manong eh ang sarap niyang sugurin! Paano eh nakangiti siya
ng malawak tapos tumingin siya doon sa kamay namin! Eh kasi nakahawak pa rin si
Ryde tapos hindi ko matanggal kasi ang higpit ng hawak niya!! Waaah manong
nakakainis ka! >_<

Nung nakarating na yung jeep doon sa kanto namin, pumara agad si Ryde at bumaba na
kami. Pero bago kami makababa, narinig ko pa si manong na may sinabi. "..Parang
dati.." ewan ko, yun lang ang narinig ko eh. Baka nag-eemo lang si manong.

Naglakad lang kami ng tahimik. At ako eh sobrang nababaliw na talaga. Feeling ko eh


sasabog ako anytime. Shemay lang talaga di ko na alam ang gagawin ko. Ni hindi ko
nga alam kung anong nangyayari eh!!

"Nandito na pala tayo." Dahil nakayuko ako eh napatingala ako. Pagtingin ko, nasa
tapat na pala kami ng bahay namin. "Sige." Tapos ngumiti siya tsaka niya ginulo
yung buhok ko. Then naglakad na siya papunta doon sa bahay niya. Ako naman eh
nakatingin lang sa likod niya tapos hinawakan ko yung ulo ko. After siguro ng isang
minute eh pumasok na ako sa loob. Sakto namang nasa kwarto si Yem at nag-aaral
habang tulog na si Aera at lola.

"Yem, magkakasakit ata ako." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa ulo ko.

"Lovenat lang yan! Hahaha! Kita ko kayo sa bintana! Landi may pagulu-gulo pa ng
buhok! Pero putek ka kinikilig ako!!!!" tapos tsaka niya ako hinarass at pinilit na
ikwento lahat ng nangyari.
*******************************************
[41] Chapter XL
*******************************************
Oh ayan mahaba yan. Wahaha! And sa dedics po, sorry sorry talaga. Hindi ako
makakapagdedic kasi natambakan na ako. Sorry T____T saka nalang po.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Waaaah panigurado mababa ang exam ko sa Physics. Huhuhu." Tsaka ako yumuko doon sa
lamesa.

"Kaya mo yan! Buti nga madali lang eh!" tumingala ulit ako at sinamaan ko ng tingin
si Yem.

"Sa'yo lang madali kasi matalino ka no! Psh. Eh wala nga akong naiintindihan sa
lecture ni sir eh! Huhuhu. Sana di ako bumagsak. Kahit pasang-awa lang Lord,
please?" pinagdikit ko yung dalawa kong palad tsaka ako tumingin sa taas. Kailangan
kong makapasa sa exam na yun T__T

Andito kami ngayon ni Yem sa canteen at katatapos lang ng exam. Pero mamayang 1:00
PM eh Sports and Music Festival na kaya pinagbreak lang kami ng mga coach namin.
Kinakabahan nga ako eh. Sa doubles kasi ako kasali tapos ang partner ko eh si
Daniel. Si Yem naman, manunuod daw mamaya pag si Chris na ang naglalaro. Ang samang
kaibigan no? Hindi ako yung papanuorin, kundi yung crush niya. Ang sakit eh </3

*BLAG*

Nagulat kami pareho ni Yem nung biglang may lumagabog sa lamesa namin. Pagtingin
ko, may dalawang kamay na nakapatong sa lamesa.

"R..ryde?" halos lumuwa na yung mata ko sa sobrang panlalaki dahil hindi ko pa


magets ang nangyayari. Bigla naman niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko kaya
napaatras ako ng kaunti.
"Good luck."

DUGDUG.DUGDUG.

Then nagsmile siya tsaka niya ginulo yung buhok ko. After nun eh umalis na rin agad
siya.

"OMG nakita niyo yun? Ngumiti si Ryde!"

"Gosh! Ang gwapo niya!!"

"Sila na ba? Teka diba si Bernardino yun?"

"Huy Poleng! U..uminom ka muna. Tubig. Tubig. Oh eto tubig!!" inabot ko naman agad
yung tubig at saka uminom. Grabe parang lumabas yung kaluluwa ko. At feeling ko eh
magkakasakit ako sa puso anytime. Jusme, ano bang problema ni Ryde nitong mga
nakaraang araw? Bakit ako ang naaapektuhan?

"Yem." Tapos tumingin ako sa kanya at para akong maiiyak na ewan.

"Hahaha oo teh! Confirmed! Inlove ka!" hindi ko naman narinig yung huling sinabi
ni Yem dahil binulong lang niya.

"Huh?"

Di ko na siya natanong kung ano yung huli niyang sinabi dahil hinatak niya na ako
patayo at lumabas na kami ng canteen. Dumiretso naman agad kami sa gym. Nagulat nga
ako nung sumama sa akin si Yem sa gym eh. Yun pala pupuntahan si Chris. Mukhang
nagkakamabutihan na 'tong dalawang 'to ah? After nun eh dumiretso na rin si Yem sa
practice room nila sa may second floor.

"Aeisha! Buti andito ka na. Tara practice muna tayo." Nginitian naman ako ni Daniel
tapos inabot niya sa akin yung raketa ko.

"Okay!" ngumiti nalang rin ako tapos tsaka ako pumwesto sa tabi niya. Ang kalaban
namin sa kabilang side ay si Chris tsaka si Ed, yung partner niya.
Nagsimula naman na kaming magpractice at mukhang ayos naman ang magiging laban
namin. Ang galing nga eh. Nakatingin sa amin halos lahat nung nasa gym. Eh paano
agaw-pansin talaga kami dahil nasa gitna kami ng court. Tapos nagrarally pa kaming
apat. Hindi pa kasi nalalaglag yung shuttlecock eh.

Pero bigla akong kinilabutan sa di ko malamang dahilan. Tapos nung tumingin ako sa
right side ng gym, nakita ko na nakatingin sa akin si Ryde. Yung cold expression
niya. Ganun yung tingin na nakita ko.

"AEISHA!!" napabalik ulit yung tingin ko sa game nung sumigaw si Daniel at nagulat
ako nung ilang inches nalang yung shuttlecock sa mukha ko. Nagawa ko namang ibalik
kila Chris pero natumba ako dahil na-out of balance ako.

"Ouch." Bulong ko sa sarili ko. Pagtingin ko sa palad ko eh may gasgas na pala.


Tinukod ko kasi yung free hand ko sa sahig para di masyadong masakit yung pagbagsak
ko.

"Aeisha! Ayos ka lang?!" nagulat naman ako kay Daniel. Bigla siyang umupo at hinila
yung kamay ko.

"A..ayos lang ako." Then hinila ko yung kamay ko dahil baka makita niya yung gasgas
at hindi ako paglaruin mamaya. Pero ang lakas nung pagkakahila niya kaya nakita
niya >_<

"Hindi ka ayos. May sugat ka oh."

"Ah hindi.. g..gasgas lang naman. Okay lang talaga ako."

"Tara."

"Wh..whoaaa.."

Bigla niya akong hinila patayo tapos hawak-hawak niya pa rin yung kamay ko na may
gasgas. Aish nakakainis naman eh, baka di niya ako paglaruin mamaya! Gusto ko
maglaro. T__T

"Coach, may first aid kit po ba kayo dyan?" nagulat naman si coach nung makita niya
yung galos ko sa palad. Actually nagulat nga rin ako dahil nagdudugo na siya
ngayon. Kanina kasi, hindi naman nagdudugo eh.
"Ah oo. Teka nasa bag ko." Nagkalkal naman si coach sa bag niya at may nilabas
siyang maliit na bag. "Eto oh."

"Salamat coach."

Tapos sinimulan niyang gamutin yung sugat ko. Ang hapdi nga eh! Halos nagtutug-of-
war na kami ni Daniel nung ginagamot niya ako. Buti nalang natapos na niya akong
bendahan.

"Ma..makakapaglaro pa rin ba ako?" tanong ko sa kanya dahil kinakabahan ako sa


pwedeng mangyari.

"Aeisha.."

"Daniel, maglalaro ako! Maglalaro ako mamaya."

Bigla naman akong umalis sa harapan niya at papunta na sana ako doon sa gitna ng
court pero napahinto ako at tumalikod ulit paharap kay Daniel.

"Thank you nga pala." Then tinaas ko yung kamay ko na may benda tsaka ko siya
nginitian. Ngumiti rin naman siya in return. Tapos tumakbo na ulit ako papunta doon
sa gitna at nagsimula na ulit magpractice.

***

"19-19 na ang score!! Now it's a battle of life and death! Sino kaya ang unang
makakascore?! Green or Blue?!"

Lalo naman akong kinabahan nung nakascore kami. Tie na ang score. Pagod na pagod na
kami ni Daniel pero kailangan naming makascore para manalo ang school namin. Green
team ang school namin tapos yung kalaban namin eh blue team. Halos kapusin na ako
ng hininga sa laban na 'to.

"Aeisha, yung sinabi ko sa'yo kanina. Gawin na natin ngayon." Tapos tumingin si
Daniel sa akin at kumindat. Tumango naman ako at naintindihan ko yung pinapagawa
niya.

"Mukhang napagod na ng husto si Daniel mga kaibigan!! Ano kaya ang gagawin ni
Aeisha ngayon?! At ano ito? Mukhang titirahin ni George ang shuttlecock sa
direksyon ni Daniel!! Hinahabol ni Aeisha!! Maabutan niya kaya?? At.!!!"

Halos tumahimik lahat ng nanonood sa nangyari. Hindi rin ako makapaniwala.


Paanong...

"...TEAM GREEN WINS!!!"

"YYYEEEEEAAAAHHHHH!!!!! WHOOOOOOOHHHHHH!!!!!" halos wala na akong marinig kundi


sigaw ng schoolmates namin.

"Waaaahhh!!!" ako naman eh napasigaw na rin at napayakap ako kay Daniel na


sumisigaw rin. Pero nung napansin ko yung ginawa ko eh napabitaw rin agad ako.

"S..sorry. Ha.ha.ha." yun nalang ang nasabi ko sa kanya at bumalik ako sa bench
namin.

"Nice game Aeisha!!"

"Ang galing!"

"The best ang tandem niyo ni Daniel!"


Nginitian ko nalang yung teammates ko. Di nga rin ako makapaniwala eh. Akalain niyo
yun? Nagwork ang plano namin? Kasi ganito yun. Si Daniel eh magpapanggap na sobrang
pagod na at di na kayang sumalo ng tira. So ang instinct ng kabilang grupo eh
tirahin sa direksyon niya yung shuttlecock at syempre kailangan ko yung habulin
para pigilan silang makascore. Pero huminto ako sa pagtakbo papunta sa direksyon ni
Daniel at tumakbo ako paharap. Tumalon ako para maabot ko yung shuttlecock at di
umabot kay Daniel. Tinira ko yun pero mahina lang. Ang nangyari? Lumagpas sa net
yung shuttlecock ng konti. And dahil andoon sila sa gitna eh hindi nila nagawang
tirahin pabalik yung shuttlecock. Ang alternative plan namin kapag di ko naabot
yung shuttlecock eh si Daniel ang titira nun, pero palalagpasin lang rin niya sa
net ng kaunti para di maabutan ng kalaban naming. And we won!!

"WAAAAH POLENG ANG GALING MO!! I'M SO PROUD OF YOU!! MWAH! PAKISS!!" bigla namang
sumulpot si Yem out of nowhere at sinimulan na naman niya akong harassin.

"Waaah hoy layuan mo ako Yem!! Tsupi!!"

Pero napatigil ako sa pagtaboy kay Yem nung dumaan sa harap namin si Ryde.
Nakapasok yung kamay niya sa bulsa ng slacks niya at ganun na naman yung mukha
niya. Expressionless. Bigla naman akong nalungkot nun. Hindi ko rin alam kung
bakit, kaya wag niyo akong tanungin.

"Anong nangyari dun?" tanong ko kay Yem.

"Ewan. Baka may nakitang di maganda kanina habang nagsisigaw ka sa gitna." Tapos
naggrin siya sa akin. Ano na namang pinagsasabi ng babaeng 'to? -__-

After nung game namin eh yung Music Fest na nila Yem. Syempre ako naman ang nanood
sa laban nila. Nagulat nga ako nung nakita ko na si Yem pala ang panlaban sa Solo.
Grabe kinilabutan talaga ako sa boses niya!! OPM kasi yung theme ng solo kaya ang
kinanta niya eh "Loving You" by Nina. Favorite niya kasi si Nina kaya yun siguro
ang napili niya. At first time kong nakita si Yem na namula. Eh paano ba naman..

"WHOOOO!!! CRUSH KO YAN!!!!" biglang sumigaw si Chris ng ganun habang kumakanta si


Yem. Tawa nga ako ng tawa nung mga panahong yun eh! Buti nakaya niya pang kumanta
after nun >:)

(Loving You by Nina --> yung video po)


Nanalo si Yem pero second place lang siya. Galing kasi magproject ng expression
nung nanalo galing sa ibang school eh. Pero at least di ba? May place ang school
namin. Yun naman ang importante.

After nung Festival eh nagkaayaan ang Sports Club at Music Club ng school namin na
magcelebrate. Doon daw kami sa may bar three blocks away from here. At dahil
masyado kaming marami eh tatlong jeep ang kinailangan namin. Kami ni Yem eh doon
kay manong sumakay. Nakipag-unahan kami para lang makasakay doon sa unahan ng jeep.

"Mukhang may pupuntahan kayo ah?" sabi ni manong sa amin ni Yem nung nakapwesto na
kami sa tabi niya.

"Ah opo. Nanalo po kasi kami sa Festival." Sabi ko nalang kay manong tapos ngumiti
ako sa kanya.

"Ay ganoon ba? Congrats pala."

"Salamat po!!" sabay naming sabi ni Yem.

Nakarating naman kami agad doon. Nagulat nga ako da mga teacher namin eh. Sa bar
talaga kami dinala. Yun pala eh mag-iinuman sila. Tsk. Kailangan talaga kasama ang
mga estudyante? -__-

Nag-order nalang kaming mga players ng pagkain then juice. Pero yung ibang lalaki
sa amin eh umorder ng alcohol. Ewan ko kung anong sinabi nung teachers namin sa
bartender pero binigyan niya yung iba naming kaklase ng wine. Siguro naman di yun
masyadong matapang.

Mag-oorder na rin sana ako kaso biglang may humatak sa akin palabas doon sa bar.
Tinatawag ko nga si Yem pero masyadong maingay kaya di niya ako marinig.

"W..wait! Ano ba!!" sabi ko nung binitawan na ako nung humatak sa akin sa labas.
Pagtingin ko.. "RYDE?!"

Ngumiti lang siya sa akin tapos may kinuha siya doon sa gilid. Pagtingin ko, yung
bike niya. So hindi siya sumabay sa jeep at nagbike lang siya? Parang gusto ko na
rin tuloy magkaroon ng bike. Bawas gastos na rin yun pagdating sa pamasahe no.

"Tara." Tapos bigla niya akong hinatak at pinasakay doon sa likod ng bike niya.
"Te..teka, san tayo pupunta?" tanong ko habang nagsisimula na siyang magpedal.
Hindi naman niya ako sinagot at pinaandar niya lang yung bike niya. Pero bigla
akong na-amaze nung makarating kami doon sa plaza sa amin.

"WOW!! Whoaaa.." Narinig ko naman siyang nagsmirk.

Ang ganda lang ng city lights. Sobrang liwanag at ang ganda tignan ng mga ilaw lalo
na pag umaandar kami. Para kasi kaming nasa outer space dahil gumagalaw yung mga
ilaw.

"Ang gandaaaa!!!" sabi ko habang umaandar pa rin kami. Ang ganda talaga. Parang
yung amazement na nararamdaman mo kabang nanonood ka ng fireworks. Ganun yung
feeling ko ngayon.

"Congrats nga pala. Ang galing mo kanina." Bigla naman akong napatingin sa likod
niya. At di ko alam pero bigla akong napangiti.

"Ah.. haha.. Thank you." Tapos naramdaman kong ngumiti siya.

"Ahm.. Ryde.." nakahawak ako sa t-shirt niya. Ang bilis niya kasi magpatakbo eh.

"Hmm?"

"Ba..bakit.. bakit ka ganito pag kasama ako?" ewan ko kung anong nangyayari sa akin
pero parang may sariling utak yung bibig ko. Oh my gosh kung anu-anong tinatanong
ko! "Bakit di ka ngumingiti? Pero nitong mga nakaraang araw, ngumingiti at tumatawa
ka na? Bakit?" hala ka! Kung anu-ano na talagang pinagsasabi ko. My gosh! Bibig,
tumigil ka na please! Bakit kung anu-anong lumalabas sa'yo? Shut up na! Shut up!
T__T

"Idiot."

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Kahit nakatalikod siya sa akin ngayon eh parang
naiimagine ko yung itsura niya na galit. Nasabihan tuloy ako ng idiot T__T ang
daldal kasi ng bibig ko eh. Kung anu-anong pinagsasabi T__T

"It's because of you."

Tapos naramdaman ko na naman na ngumiti siya.

Halos mawala naman yung kaluluwa ko sa sinabi niya. Pero bumalik ako sa senses ko
ng sinabi niyang "Hold on tight." Then bigla niyang pinatakbo ng mabilis yung bike
niya at wala akong nagawa kundi yumakap sa kanya ng mahigpit.

*******************************************
[42] Chapter XLI
*******************************************

"Ano teh? Buhay ka pa?" umiling naman ako.

"Hahaha para kang nawalan ng kaluluwa! Ano bang ginawa sa'yo ni Ryde ha? At bakit
ba bigla kayong nawala?"

"Waaah tantanan mo ako Yem!!" tapos nagtalukbong ako ng kumot. Nakakainis kasi
'tong babaeng 'to eh! Kanina pa ako kinukulit! Eh maski ako nga di ko ma-process
yung nangyari kanina eh!

"Idiot. It's because of you."

O_O

WAAAH AYAN NA NAMAN! NAG-EECHO NA NAMAN YUNG BOSES NIYA! SHET TAMA NA!!
"Alam mo Poleng, aminin mo na kasi. Wala namang mawawala." Naramdaman ko namang
umupo siya sa bandang paanan ko. Nakahiga kasi ako sa kama namin ngayon at
nakatalukbong. Inalis ko naman yung talukbong ko at tinabihan ko siya sa pag-upo.

"Anong aaminin ko? Baliw ka Yem?"

"Sus! Kasi naman! Sabihin mo lang na gusto mo siya!!"

"Gaga! Wala naman akong gusto sa kanya! Pinagsasabi mo dyan?"

"Wala daw! Utot mo! Yang itsurang yan?!" bigla niyang hinawakan yung mukha ko. "Eh
para ka ngang bangag ngayon eh."

"Tangek! Syempre malamig!" san ko nakuha yun? @_@

"Ayy ewan ko sa'yo Poleng. Tsk. Matulog ka na nga. Denial ka masyado."

Di ko nalang pinansin si Yem at natulog nalang ako. Baka bukas eh mawala na yun sa
utak ko. Kainis naman kasing lalaking yun eh! Kung anu-anong pinaggagawa sa akin!
>_<

***

Nagising naman ako kaagad. Para ngang hindi ako nakatulog eh. Feeling ko ang babaw
ng tulog ko. Dreamless sleep. Para lang talaga akong nakalutang. At ang sakit ng
leeg ko. Paano ba naman eh nasa dulo na pala ng kama yung ulo ko at muntik pa akong
malaglag. Sino ba namang matinong tao ang natutulog ng ganun?

"Ateeeee!!!" napabangon naman ako nung lumapit sa akin si Aera.


"Bakit?" sabay kusot ko pa sa mata ko. Putek inaantok pa talaga ako.

"Ihatid mo ako sa school!"

"Ha? Sabado ngayon ah? May pasok kayo?"

"Oo. Sabi ni Teacher may pasok daw kami. Dali na ate tulog pa si lola eh!" hinatak
niya naman ako habang ako eh nagpapahatak. Humilata pa nga ako sa sahig eh. Eh kasi
nakakatamad! At saka pinapahirapan ko lang talaga yung kapatid ko. Hahaha.

Naligo na rin ako para naman magising yung diwa ko. Tapos nabasa ko yung note na
nakalagay doon sa banyo.

"Hoy Poleng! Alis muna ako. Inaya ako ni Chris eh. BWAHAHAHAHA! Shet teh kinikilig
ako! Babushki! - Magandang Yem"

Ang adik talaga ng babaeng yun. At akalain niyong close na close na agad sila ni
Chris? Aba! Click na click ang ugali nilang dalawa ha. Pero ang di ko talaga magets
eh kung bakit sa pinto ng banyo 'to dinikit ni Yem. -__- napakagaga talaga nun.

"Ate! Dali! Malelate na ako!"

"Opo eto na po." minsan talaga iniisip ko kung sino ang panganay sa aming dalawa
eh. Si Aera pa kasi yung nasusunod kaysa sa akin. Kakaiba no?

Naglakad lang kami papuntang school nila total malapait lang naman sa bahay. Maarte
lang talaga yung kapatid ko at gusto niya pa na may naghahatid sa kanya. Pag
weekdays kasi, si lola ang tagahatid at tagasundo niya eh. Eh tulog pa kanina si
lola, baka nahiya yung kapatid kong gisingin si lola dahil mukhang pagod, tapos
sakto pang umalis si Yem, kaya ako ang napagdiskitahang gisingin.

After ten minutes eh nakarating rin kami kaagad sa school nila. Ang dami ngang
estudyante eh. Tapos ang dami ring magulang. Bakit kaya?

"Huy Aera, ano bang meron? Bakit andaming tao?" nginitian lang ako ng kapatid ko.

"Hehehe. Kuhaan ng card ate! Dali kunin mo na yung card ko!" tapos tinulak niya ako
papunta sa room niya.

"O..oy oy te..teka lang baka madapa ako!" walangya 'tong kapatid ko! Kulang nalang
eh isubsob niya ako eh.

Tinutulak niya pa rin ako papunta sa room nila. Para nga kaming baliw dito dahil
pinipigilan ko yung pagtulak niya sa akin. Eh paano ba naman?! Nakahawak siya sa
pwet ko at dun niya ako tinutulak! Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh!
Nakakahiya talaga! >_<

"Aera!! Hoy!!" napatigil naman si Aera sa pagtulak sa akin dahil may sumigaw ng
pangalan niya. Whoo salamat! -__-

"Ano na naman?!" pagtingin ko, may isang lalaki sa gilid namin. In fairness, bata
pa lang gwapo na. Pero parang nakita ko na yung mukha niya dati eh. Parang
familiar.

"Wala ampanget mo!!"

O_O

Nagulat naman ako sa sinabi nung lalaki. Tapos napatingin ako sa kapatid ko. Jusme,
namumula na yung mukha niya, pero sure ako na hindi yun sa hiya kundi sa inis.

"Di hamak naman na mas panget ka no! Abnoy! Panget! Bleeeeeh! Panget panget mo wag
kang didikit sa akin baka mahawaan ako ng kapangitan mo!! Tara na nga ate!!"

Bigla niya akong tinulak ulit at hindi na ako nakapalag dahil nashock ako sa mga
pangyayari. Okay. Grade 1 palang sila pero bakit ganun na sila mag-asaran. Naloloka
ako sa kanila. @_@

"Sino yun Aera?" tanong ko sa kanya habang tinutulak niya pa rin ako.

"Yun yung sinasabi ko sa inyo ate! Si Damon panget!"

Teka.. kung tama pa ang naaalala ko, di ba yun yung may gusto sa kanya na gusto
siyang maging girlfriend?

"Eh di ba may gusto yun sa'yo?"

"YAK ATE DON'T SAY BAD WORDS! Wala yun! Nang-aasar lang talaga siya! Tss! Akala
niya papatalo ako! Di kaya! Kasi mas panget siya! Mukha siyang kabayo!! Dapat
kumakain nalang siya ng damo! Bagay sa kanya pangalan niya! Damon! Uuuughhh!"

Buti nalang talaga at nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang mapangiti.
Hahaha! Nakakatawa yung kapatid ko! Siguro ganyan din ako nung grade school ako.
Well, palaaway rin kasi ako dati. Sabi na nga ba sa akin nagmana 'tong si Aera eh.

"Andito na pala tayo eh. Kunin mo na yung card ko ate!"

Wala naman akong nagawa kundi pumasok sa room at kunin yung card niya sa teacher
doon sa unahan.

"Uhm, ma'am kukunin ko po yung card ni Patrice Aera Bernardino."

"Ah, guardian ka ba niya?"

"Uhm, kapatid po."

"Nasaan ang parents niyo? Dapat sila ang kumukuha ng--"

"Wala na po."

"Oh sorry. E..eto oh."

"Thank you po."

Bigla namang bumigat yung pakiramdam ko. Eto ang ayaw ko kapag kuhaan ng cards eh.
Lagi nalang napag-uusapan yung parents namin. Nakakainis. Pagtingin ko sa labas ng
room, nakaupo lang si Aera doon sa plantbox tapos nakayuko. I'm sure narinig niya
yung usapan namin nung teacher niya. Siya kasi ang mas sensitive sa amin pagdating
sa pakamatay ni Mama tsaka ni Papa. Ni hindi niya nga masyadong natatandaan yung
itsura nila dahil masyado pa siyang bata nun. Haaay. :(

"Aera tara na, punta tayo sa park. Libre kita ng ice cream." Tapos nginitian ko
siya. Kailangan ko siyang mapasaya ngayon.

"Talaga ate? Sige."

Habang hawak ko yung card niya sa isang kamay ko eh hawak ko naman yung kamay niya
sa isa. Minsan lang kami ganito kaya kailangang lubus-lubusin. Pero parang natamaan
ako ng kidlat nung makita ko kung sino yung nasa harapan ko.
"Serene?"

"Tss."

Si Serene nga. Napahinto talaga ako at magkaharap kami ngayon. Pero mas lalo akong
nagulat nung tumingin ako sa kaliwa niya. Kasama niya yung batang lalaki na
kaasaran kanina ni Aera. K..kapatid niya yun?

"Pwede bang tumabi ka? Nakaharang ka sa daan eh." Sabi niya sa akin habang
nakatingin ng matalim sa akin. Bigla namang nabuhay yung 'I hate Serene' blood ko
kaya nag-init yung ulo ko.

"Bulag ka ba? Ang laki-laki ng daan papatabihin mo ako. Nasaan ang utak mo Serene?"
bigla namang nag-iba yung mukha niya. This time, nasesense ko na galit na rin siya.
Tss. Ang laki na masyado ng kasalanan niya sa akin. Ang kapal naman ng mukha niya
para siya pa ang magalit.

"Wala akong pakialam kung maluwag ang daan o hindi. Kung gusto kong dumaan sa
gitna, dadaan ako." Tapos dumiretso siya sa akin. "Kahit may perwisyong
nakaharang." Tapos tinulak niya yung balikat ko.

Biglang nagdilim yung paningin ko. Ang alam ko lang, gusto kong sabunutan ngayon si
Serene at kalbuhin siya. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to eh!!

"Well sorry ka. Kasi yung perwisyong nakaharang, hindi aalis hangga't di ka
napeperwisyo." Ngayon ko lang narealize na napigilan ko pala siya sa pagpass
through dahil hawak-hawak ko yung siko niya.

"Ah ganun?" humarap ulit siya sa akin. "Pwede ba? Bitiwan mo ako. Hindi ko alam
kung anong gayuma ang pinainom mo kay Daniel at Ryde at naging ganun sila kabait
sa'yo. Pero hinding-hindi mo ako mapapaamo. Galit ako sa mga tulad mo. I hate you."
Tsaka niya tuluyang tinanggal yung kamay ko sa siko niya. Ano daw? Galit siya sa
akin dahil kay Ryde at Daniel? Ano bang problema niya?!

"Hindi ko alam kung bakit galit ka sa akin at wala akong balak alamin yung walang
kwenta mong dahilan. Hindi ko rin alam kung anong nakaraan niyong tatlo ni Ryde at
Daniel, pero ito lang ang masasabi ko. Wala kang kwenta."

*PAK*
Nagulat nalang ako sa nangyari. Bigla niya akong sinampal. Pero parang wala akong
maramdaman dahil sa sobrang galit ko sa kanya. Wala talaga siyang kwenta. Ang kapal
ng mukha niya. Sagad na talaga ang pasensya ko sa kanya!

"Yan lang ba ang kaya mo Serene? Manampal? Manakit ng tao? Kawawa ka naman pala.
Siguro sinaktan mo rin si Ryde at Daniel no? Siguro kaya kayo nagkakaganyan ngayon
eh dahil sa'yo? Siguro--"

*PAK*

"SHUT UP!! WALA KANG ALAM KAYA WAG KANG MAGSALITA!! YAN BA TINURO SA'YO NG MGA
MAGULANG MO? ANG MAKIALAM SA BUHAY NG IBA?! EH WALA PALA SILANG KWENTA EH!!" this
time, umiiyak na siya. Gusto ko na nga ring maiyak dahil sa sakit ng sampal niya at
sa kahihiyan pero walang lumalabas na luha sa mata ko. Basta ang alam ko lang,
gusto ko siya saktan dahil dinamay niya yung magulang ko.

"At sino ka rin para pagsalitaan ng ganyan ang mga magulang ko?!"

Lumapit ako sa kanya.

*PAK*

Sinampal ko siya ng malakas. Binuhos ko talaga lahat ng lakas ko sa sampal na yun,


to the point na pati yung palad ko eh sobrang sakit.

"Naramdaman mo ba? Ang sakit di ba? Ngayon sabihin mo nga? May karapatan ka bang
sampalin ako? Sino ka ba ha? Nanay ba kita? Pinapakain mo ba ako? Sino ka para
sampalin ako?! Eh schoolmate lang naman kita. Oh c'mon bakit ka umiiyak Serene?
Masakit? Eh isang sampal lang yan ah? Ang hina mo naman pala. Eto lang ang gusto ko
sa'yong sabihin..." para siyang estatwa doon sa gitna na nakayuko at umiiyak. Pero
hindi ako nakokonsensya. Tama lang yun sa kanya. Para yan sa lahat ng pinaggagawa
niya sa akin. "... I hate you too." Tapos naglakad ako papalayo sa kanya.

"At isa pa.. wag na wag mong idadamay yung magulang ko sa kabastusan ng bibig mo.
Magpaturo ka ulit sa magulang mo kung paano gumalang. Mukhang di ka nakikinig nung
tinuturo yun sa'yo."
Tapos saka ko hinatak si Aera palabas ng school nila. Ang alam ko lang eh lumakad
kami ng lumakad hanggang sa makarating kami sa park.

"Ate.."

Nakaupo kami ngayon sa damuhan. Nakataas yung dalawa kong tuhod at nakayuko ako
doon. Tahimik lang akong umiiyak dahil ayokong marinig ako ni Aera. Sabi ko pa
naman eh papasayahin ko siya ngayon pero eto ako, umiiyak.

"Ate wag ka nang umiyak :'("

Huh? Ba..bakit alam niya? Tahimik lang naman ako ah. Naririnig niya ba yung pag-
iyak ko? :'(

"P..pano..mo.. n.. nalaman?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong wag


magcrack yung boses ko.

"Eh basta alam ko. Syempre ate kita. Alam ko kung kelan ka iiyak! Waaah ate wag ka
na kasi umiyak. :'(" tapos bigla ko nalang narinig na umiiyak na rin siya.
Nakakainis talaga. Bakit ba wala akong magawa?! Bakit ganun? Wala akong kwenta.

"Hija, ibigay mo sa ate mo oh."

Bigla kong narinig yun kaya napatingala ako. Kilala ko yung boses na yun. Pano niya
nalaman na andito ako?

"Ate oh. Pinapabigay sa'yo nung manong :'("


Pagtingin ko, panyong kulay white. Sabi na nga ba. Siya yun.

Kinuha ko naman yung panyo at pinunasan ko yung mukha ni Aera dahil ang dungis na
niya kakaiyak. Saka ko pinunasan yung sa akin.

"S..sino yun ate?" Nginitian ko nalang siya at inakbayan.

"Wala." Tapos tumayo na kami at naghanap ng mapagbibilhan ng ice cream.

Thank you ulit, manong.

*******************************************
[43] Chapter XLII
*******************************************
Crappy chapter. Sorry!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Oh sige maglaro ka na dun."

"Yahoo!!"

Pinabayaan ko muna yung kapatid ko na maglaro doon sa park. May playground kasi sa
gitna so nagkumpol doon ang mga bata. Ako naman eh nandito lang sa may puno.
"You remind me of someone."

O_O

"WAAAAHHHHH!!!!"

Napaurong ako ng mabilis nung biglang may bumulong sa akin. Halos tumayo lahat ng
balahibo ko sa katawan nung mga panahon na yun. At pagtingin ko kung sino..

"HAHAHAHA!!"

-__-++

"Bwisit ka! Lakas mong mang-asar ha!! Tss."

Bwisit na yan! Si Ryde lang pala! Kainis! Trip na trip niya talaga akong asarin eh!
Walang hiyang lalaki 'to. Lumapit nalang ulit ako sa pwesto ko kahit na katabi ko
na siya. Wala naman akong magagawa, andito na siya. Asar talaga! At ang kapal ha?
Tinawanan pa ako! Teka..

Tumawa siya? O_O

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" ang weird lang na nandito siya ngayon. I mean,
di ba? Wala naman siyang business para pumunta dito.

"Wala. Stalking you." Sabay tingin niya sa akin.

O////O
Waaah ano yun?! Bakit ganito?! Ang init!!

"Utot mo! Wag kang mantrip." Yun nalang ang nasabi ko habang nakatingin ako sa
damuhan. Kainis talaga 'tong lalaking 'to eh! Pinagtitripan na naman niya ako T_T

Sumandal nalang ako doon sa puno at pinanood ko yung kapatid ko na nagsswing doon
sa playground. Buti nga malilim dito sa pwesto ko kahit tanghali na eh. Pero di ko
alam kung bakit uncomfortable ako ngayong andito rin si Ryde. Walang hiya kasi eh.
Kung anu-anong pinagsasabi!

"Kilala mo ba siya?" napatingin naman ako sa kanya. Seryoso yung itsura niya
ngayon. Wow ha? Bilis niya magbago ng expression. Talent niya ba yun?

"Sino?"

"Yung nag-abot sa kapatid mo ng panyo."

Napakunot bigla yung noo ko. Pano niya yun nalaman? Ibig sabihin kanina pa siya
nandito?

"Hindi. Pero siya si manong na lagi kong nasasakyan yung jeep. Mabait naman siya
eh."

Tapos bigla akong nacurious. Bakit nga ba parang lagi kong nakakasalamuha si manong
kahit saan ako magpunta? Tapos ang bait-bait niya pa sa akin? Hmmm. Baka mabait
lang talaga siya.

"Bakit mo nga pala natanong?"

"Hmm. Wala lang." tapos tumingin na naman siya sa side ko kaya napatingin ako bigla
sa side ng kapatid ko tapos niyakap ko yung backpack ni Aera. Sheez! Para naman
akong abnoy! Bakit ko ba iniiwasan yung tingin niya? Baliw lang Aeisha?

Nagulat nalang ako nung biglang tumakbo si Aera papunta sa amin.

"Oh bakit bumalik ka na agad?"


"Ehh? Ayoko na dun! Di naman malakas magtulak ng swing yung bata! Psh."

Napakagandang rason -__- Oh well. Maganda na rin 'to para makauwi na kami. Inaantok
pa rin ako dahil di ako nakatulog ng maayos tapos ginising pa ako ng napakaaga ng
magaling kong kapatid.

"Uwaaa! Kuya Ryde babes andito ka!!!"

"Uy."

O_O

Tapos nagulat nalang ako nung niyakap niya si Ryde. Oo nga pala, magkakilala sila.
Shet! Bakit ngayon ko lang naalala?! Nagkita na naman ang dalawang taong perwisyo
sa buhay ko. Lupa, lamunin mo na ulit ako please? ToT

"Tara."

"Uwaaa galing! Cool!!"

O_O

"Hoy hoy! Baka malaglag si Aera ano ka ba! Naku naman! Jusko!" pano ba naman?!
Bigla niyang binuhat si Aera at nilagay niya sa may balikat niya. Tapos si Aera eh
nakahawak sa buhok ni Ryde, habang ako eh nakaalalay sa likod. Ang tangkad pa naman
ni Ryde kaya nakakatakot kapag nalaglag yung kapatid ko. Woooohh iniisip ko palang
eh parang nanghihina na ako! Sinuot ko yung bag ni Aera at sinundan ko sila habang
naglalakad.

"Waaah hoy Ryde wag ka maglakad! Baka malaglag si Aera!!" Jusme! Sabi ko na nga ba,
disaster kapag nagsama 'tong dalawang 'to eh TT_TT

"Ano ba yan ate! Ang saya nga eh! Wiiiee ang tangkad ko! Yey! Kuya Ryde babes takbo
ka dali! Hahaha!"

"H..hoy! Anong takbo! Pag ikaw nalaglag!!"

"Aye aye captain."


Nagulat nalang ako nung tumakbo nga si Ryde! Waaaaah hayup talaga yun! Gaaaahd!
Kinabahan ako bigla nung tumakbo siya?! Pano nalang pag na-out of balance sila?!
Tapos nalaglag si Aera?! Uwaaa!! Aatakihin ako sa puso dahil sa kanila eh!! >_<

Tumakbo nalang rin ako para maabutan ko sila. Naku mabubugbog ko talaga yun si
Ryde! Walangya! Di man lang naisip na delikado yung pinaggagawa niya! Naabutan ko
naman sila doon sa dulo ng park. Phew! Salamat naman at nasa lupa na ang mga paa ni
Aera. At least safe na siya -__-

"Ate nagugutom na ko. Kain tayo T_T" Oops. Di pa pala kami kumakain.

*GRRR* ß tunog ng tyan ni Aeisha

O///O

Gosh. Nagpaparamdam na rin yung sikmura ko. Nagugutom na rin ako! Hinila ko si Aera
dun sa side ni Ryde para makahanap na kami ng kainan malapit dito.

"Eh? Di natin isasama si kuya babes, ate?"

"Huh?"

Bakit naman namin isasama si Ryde? Ano siya sinuswerte? -_-

"Kuya Ryde! Sam aka sa amin!"

O_O OMG! No way! Waaah wag kang sasama utang na loob! Wag na kayong magsamang
dalawa ni Aera! Di ko kinakaya T_T

"Okay ^_^"

And then I died.


"Yehey! Tara na! Let's go!"

Wala naman akong nagawa kundi sumunod kila Ryde at Aera. Sabi ko nga sila yung
magkapatid. Grabe parang ako pa yung epal sa kanila ha? T_T Ang saya-saya pa nila
eh!

Pero in fairness ha? Palangiti na ata si Ryde nitong nakaraang linggo? Di kaya
bumabalik na siya sa dati? Sa pagkakaalam ko kasi, sabi ni Chris eh hindi naman daw
cold si Ryde in the first place. Baka nga eto talaga yung totoo niyang attitude.
Pero nacucurious pa rin talaga ako kung bakit siya nagkaganyan. Ano kayang dahilan
niya? Feeling ko mabigat yung reason para magbago siya bigla ng ganun, right?
Nakakacurious talaga.

"Hmm? Bakit mo ko tinititigan?"

O_O

"H..huh? Huh?!" Oh shet!! Di ko napansin na nakatingin pala siya dito sa likod!


Uwaaa! Masyado akong naoccupy ng curiousity ko sa pagkatao niya at di ko siya
napansin na nakalapit na pala sa akin!! Omaygad!!

"A..aaah!! May dumi ka dito!!" tapos pinunasan ko nalang yung noo niya kahit walang
dumi!

"Oh. Thanks." Bigla niyang hinawakan yung spot na pinunasan ko tapos ngumiti na
naman siya at kinilabutan ako. Pero buti nalang lumusot yung sinabi ko. Phew!
Naglakad nalang ulit siya at pagtingin ko, si Aera naman yung nakatingin sa akin.

"Ano?" Kakaiba kasi yung tingin niya eh -__-

"Tama pala yung sinabi sa akin ni ate Yem. Hihihi." Tapos bigla niyang tinaas-taas
yung kilay niya with matching malademonyong ngiti. Now what was that?

Ano na naman kayang pinagsasabi ni Yem kay Aera? Ay ewan! Sumasakit ang ulo ko
kapag naiisip ko si Yem at Aera. Bigla naman akong napatigil sa paglalakad. Ngayon
ko lang naisip. May mas malala pa pala sa Ryde-Aera duo. Shet! Sana wag yung
mangyari! Sana wag! T_T Pero malaki naman ang possibility na di mangyari yun di ba?
Bakit ko nga ba yun iniisip? Relax Aeisha. Hindi yun mangyayari. ^_^
"Uy! Andito kayo!!"

O_O

N..NO WAAAAAYYY!!

"ATE YEM!! HAHAHA! ANDITO KA! ANG GALING! TIGNAN MO! KASAMA KO SI KUYA RYDE BABES!
HAHAHA!"

"Wow Ryde andito ka rin?! Cool! Oy Poleng! Anong ginagawa mo dyan?! Para kang
nakakita ng masamang espiritu ah?"

No way TT___TT

Bakit ba 'to nangyayari sa akin?! Talaga bang simula nung makilala ko si Ryde eh
minalas na ako?! Bakit kailangan nilang magkitang tatlo nang kasama ako?!

Eto ang disaster talaga. Eto!

Ang Yem-Aera-Ryde TRIO. Gaahhd. Lupa please? Lamunin mo nalang ako! Ayokong sumama
sa tatlong 'to T__T

***
"Aaahh!! Kaya pala kayo magkakasama!"

Andito kami ngayon sa Jollibee at kasalukuyang nag-oorder si Ryde. Kinuwento ko


naman kay Yem yung nangyari, pati yung encounter ko kay Serene. Tss. Pag naaalala
ko yun eh parang sumasakit yung pisngi ko. Shet lang talaga.

"Pero in fairness ha, nashock ako nung nakita kong kasama niyo si Ryde."

"Ang gwapo ni kuya babes no ate Yem? Hahaha! At saka pala! Tama yung sinabi mo sa
akin kanina! Ginawa yun ni ate!! Ang galing mo ate Yem!!"

Bigla namang nanlaki yung mata ni Yem nung sinabi yun ni Aera. At ano daw ang
ginawa ko kanina? Sinasabi ko na nga ba may kalokohan na namang sinabi si Yem kay
Aera eh!

"Talaga? As in Aera?"

"Opo!"

Tapos biglang tumingin sa akin si Yem with sabi-ko-na-nga-ba-gagawin-mo-yun-look.


Napakunot nalang ako ng noo dahil di ko talaga magets. Ang baliw talaga nilang
dalawa ni Aera!!

"Ikaw ate ha! Love mo pala si kuya babes ko! Pero sige! Boto na ako sa'yo! Bagay
naman kayo eh. Hihihi!"

O__O

"Haaaa? Anong pinagsasabi mo dyan Aera?! At pwede ba tumahimik ka, mamaya marinig
ka nun! Nakakahiya ha!!" Grabe! Anong pinagsasabi ng batang 'to?! Napatingin naman
ako kay Yem at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

"Hoy Yem! Anong pinagsasabi mo dito kay Aera?! Ang adik mo rin eh no?" this time,
tumawa na talaga siya.

"Hahaha! Secret na namin yun! Di ba Aera?" tapos tumango naman 'tong si Aera.

Huwaaa naku!! Sinasabi ko na nga ba hindi ko kakayanin 'to eh. Nagsama-sama ang mga
pasakit ko sa buhay. Jusko!

Nung makabalik si Ryde eh nagsimula na kaming kumain. Napapatalon na nga lang ako
bigla dahil may sumisipa sa akin sa ilalim eh. Pero sigurado ako na si Yem yun.
Lagot talaga siya sa akin mamaya sa bahay. Makikita niya +__+

Pero napabitaw ako sa hawak kong tinidor nung makita ko kung sino yung nakahinto sa
tapat ng table namin.

"Serene." Sabi ni Ryde. Halos nawalan ako ng boses nung mga panahong yun.

"Ryde." Then tumingin sa akin si Serene. Tinitigan ko lang rin siya. Nagsimula na
namang mag-init yung dugo ko dahil sa kanya. Pero imbes na sugurin niya ako eh
bigla niyang hinatak si Ryde patayo.

"Tara Ryde, samahan mo muna ako! ^_^" then saka niya hinatak palabas si Ryde. Ewan
ko kung nagpahatak lang ba si Ryde or what, pero nawala na sila sa paningin namin.

"Ugh! Kahit kelan talaga napakabastos ng ingratang yun! Naku! Sana sinaksak ko siya
ng tinidor na hawak ko eh!!"

"Hayaan mo na Yem. Nangyari na eh."

Tinapos nalang namin yung pagkain naming tsaka kami umuwi. Pero ewan ko ba. Parang
nakakalungkot lang na biglang umalis si Ryde. Hey hey don't get me wrong! I mean..
alam niyo yun. Basta!! Ugh!! Ayoko na nga!!

"Nakakainis bakit ba kasi siya umalis?!"


O__O

Shemay. Bakit biglang lumabas sa bibig ko?! Waaaahhh!!

"Ohh, sino yan? Si Ryde? >:)" Omaygash!! Narinig ni Yem at Aera! Huwaaaa!!!

"Hindi no! Dyan ka na nga kayo!!"

Tumakbo ako papuntang bahay since malapit naman na kami, at iniwan ko silang
dalawang naglalakad. Pero naririnig ko. Naririnig ko na pinagtatawanan nila ako!
Waaah ayoko na talaga T__T

*******************************************
[44] Chapter XLIII
*******************************************
Eto na po.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Lumipas ang mga araw, at ganun pa rin naman ang buhay ko. Ginugulo ako ni Aera,
lola Roma at Yem. Nakakasalubong ko si Serene sa corridor at para kaming mga pusang
handang magkalmutan. May practice kami ng Badminton club ng once a week. Lagi na
naming nasasakyan si manong driver. Ayun, typical.

"Poleng!! Hoy hindi ka pa ba tapos kumopya? Ang tagal naman oh!Nagugutom na ako!"

"Teka lang! Eto nga oh last number na. Tss. Eh di ikaw na nadadalian sa physics!"

Kasalukuyang kumokopya ako ng assignment sa Physics kay Yem dahil nakalimutan kong
gawin yun kagabi. Kami na nga lang ang nandito sa room eh. Lunchbreak na kasi kaya
halos lahat eh nasa canteen. Yung iba naman eh sa garden kumakain o kaya sa ibang
klase.

Oo nga pala. Lumabas na rin ang results ng exams naming at nakuha na rin yung
report cards. As usual, lowest ko ang physics. Kasumpa-sumpa talaga para sa akin
ang subject na yun eh. 85 lang ako doon. Pero at least medyo mataas ang math! Naka-
90 ako! Well, nakakadegrade pa rin talaga ng pagkatao lalo na pag nilampaso ng
bestfriend mo yung grades mo.

Yem Aeisha

Economics 90
86

Math 96
90

TLE 92
88

Physics 96
85

Filipino 94
89

English 95
87

Values 93
90

MAPEH 95
91

Oh di ba? Pero okay lang, sanay na naman ako sa grades ni Yem simula nung naging
bestfriends kami. Di na nakakagulat ang mga nakakalulang line of 9 sa report card
niya. Mas mashoshock pa siguro ako pag nagkaroon siya ng line of 8.

"Kasi naman! Puro si PRINCE CHARMING yung nasa isip mo!" napatigil naman ako sa
pagsulat. Nakalimutan ko na tuloy yung pinagtatalunan naming ni Yem.

"Huh? Pinagsasabi mo? Nakalimutan ko lang talaga at wala ng ibang dahilan no!"

Psh. Mang-aasar na naman 'tong si Yem eh. Eh sa nakalimutan ko nga kasi! Kainis
naman. Sa lahat ng pwedeng kalimutan assignment pa sa physics! Pero buti nalang at
nakagawa si Yem, kundi dedo na ako -__-

"Asus! Eh napapanaginipan mo nga si Ry--"

"WAAAAHH SHUT UP WAG KA NA NGA MAGSALITA TARA NA SA CANTEEN!!" bigla namang nagrin
si Yem. Yung ngiting alam nyo na yung ibig sabihin. Eh kasi naman! Magdodrop pa
siya ng name! Gaga talaga yun!
"Hahaha! Grabe Poleng ha! Edi inamin mo nga na napapanaginipan mo siya? Ikaw ha!"

"Huh?Tumigil ka na nga dyan Yem sasapukin na kita eh! Hindi ko napapanaginipan si


Ryde okay?"

Tss. Di naman kasi talaga! Ata? >_>

Naku! Masasapak ko talaga ng di-oras 'tong si Yem eh! Masyadong mapilit!

"Halalalala!! Wala naman akong sinasabing si Ryde ang napanaginipan mo ah?" then
bigla siyang lumapit sa akin. Uh-oh. This is bad. "So napapanaginipan mo nga siya?
Yiieee!! Ikaw ha! Aminin mo na kasi sa akin! Duh? Best friend mo naman ako!
Tadyakan kita dyan eh!!"

Ayan na, sinasabi ko na nga ba eh!! Pipilitin na naman niya akong umamin!

"Che! Tara na kasi sa canteen! Ikaw ang sisipain ko dyan eh!!" lumabas ako ng room
pero di pa rin siya sumusunod kaya pumasok ulit ako.

"Hoy Yem tara na!!"

"Aminin mo muna. Pag di mo inamin, pagkakalat ko na napapanaginipan mo si Ryde. Oh!


Maganda siguro kung sasabihin ko rin sa kanya. Tingin mo?" tapos tumingin siya sa
akin at feeling ko eh sinapian siya ng isang ligaw na baboy-ramo. Shet bakit parang
wala akong choice sa sinabi niya? T_T

Pero sige na nga. Phew. Napanaginipan ko ng dalawang beses si Ryde. Pero dalawa
lang ha!! Basta! Nakalimutan ko na eh. Ang alam ko lang eh medyo madilim yung
setting sa panaginip ko. The rest eh hindi ko na maalala.

"Yem dali na! Pag di ka umalis dito bahala ka. Kakain ako mag-isa." Nagbilang ako
ng five seconds sa utak ko at nakatitig lang sa akin si Yem.

-__-

Ugh! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to!!

"Hay naku bahala ka nga!!" tsaka ako nagwalk-out ng tuluyan sa room. Napakabaliw
talaga ng babaeng yun! Talagang gusto akong paaminin ha? Eh ano namang aaminin ko?
Wala naman akong dapat aminin!!

"HOY POLENG! ETO NAMAN DI MABIRO! GALIT KA NA NYAN?" pagtingin ko, nasa gilid ko na
siya at mukhang napagod sa paghabol sa akin. Adik kasi -__-

Binatukan ko nalang siya ng malakas after niya akong maabutan tapos dumiretso na
kami sa canteen. Oo nga pala, sembreak na namin bukas. Ambilis nga eh! Di ko
namalayan na magnonovember na pala. After naming kumain eh bumalik na rin kaagad
kami sa room. Pero laking gulat namin ni Yem nung naabutan naming nagkukumpulan
yung mga kaklase namin sa pwesto namin.

"Oyo y oy padaan padaan! Upuan po namin yan excuse me!" nakadaan rin naman kami
kaagad at nakita ko kung anong pinagkakaguluhan nila doon.

Isang keychain. Bicycle keychain na may nakasakay tapos may kapirasong papel sa
ilalim nun. Ang haba nga ng nakasulat eh. Akala ko code pa yun. Ang hirap kasi
intindihin. Pinagpawisan talaga ako ng todo. -__-

"Idiot.. WAHAHAHA! Wow Poleng! Cool naman neto! Sinabihan kang idiot! Hahaha!
Mukhang magkakasundo kami kung sino mang hinayupak ang naglagay neto sa desk mo
ah?"

Involuntarily, napatingin ako sa likuran ng pwesto namin. Tapos merong isang taong
nakatingin lang sa bintana at mukhang expressionless na naman ang itsura niya. Yeah
right, alam ko naman siya ang nagbigay neto. Bike tapos idiot. Tss kahit di
magandang combination, fine. +__+

Kinuha ko naman agad yung keychain tsaka yung kapirasong papel (kahit ang sarap
punit-punitin nun sa harapan niya!!) tsaka ako umupo.

"Thank you!!" tapos saka ko nginitian yung keychain. Ang cute kasi eh.

"Baliw ka na Poleng? Bakit mo kinakausap yung keychain?"

"Hmm wala lang. Malay mo marinig nung nagbigay neto yung thank you ko kapag sinabi
ko sa keychain di ba?" tapos nginitian ko nalang si Yem.

"Baliw ka na." saka siya umiling-iling. Naku pigilan niyo ako! Aba! Ako na nga
'tong nagpapakabait! +__+

Sasagutin ko na sana ulit si Yem, kaso bigla kong naramdaman na gumalaw yung upuan
ko. Tapos gumalaw ulit ng isang beses. Feeling ko sinipa yun ni Ryde. Eh siya lang
naman kasi ang gumagawa nun eh!Pero ibig sabihin ba nun eh "You're Welcome"? Oh
well.

Pero bakit niya ako binigyan neto? Hmmm..

Hayaan na nga!

Ang cute cute naman ng keychain! Hihihi. Saka ko naman naalala na parang familiar
'to. Parang..parang..

>/////<

"Idiot. It's because of you."

Ah! Ah! Ah! Yan na naman! Shut up Ryde! Tumahimik ka! Wag kang nanggugulo sa utak
ng iba!! >_<

"Huy Poleng! Para kang abnoy! Andyan na si Ma'am umayos ka." Saka ko narealize na
nakapikit pala ako. Shems nakakahiya! Badtrip talaga 'tong si Ryde eh! Kahit sa
utak ko, namemerwisyo pa rin!

Syempre dahil last day ng klase ngayon bago magsembreak, ano pa nga bang ineexpect
niyo? Tingin niyo ba makikinig pa kami sa lectures ni Ma'am? No way. Grabe lang. Di
ko nga alam kung paanong nagagawa ni Yem na di antukin sa subject na 'to eh.
Samantalang ako eh tinutukod ko na yung daliri ko sa mga mata ko para lang di
pumikit. Milagro nalang na di ako nahuhuling natutulog sa klase niya.
Hanggang sa last subject namin eh hawak-hawak ko pa rin yung keychain. Para nga
akong baliw eh, di ko mabitawan. Feeling ko naglue na siya sa kamay ko. Pero.. ewan
ko. Gusto ko lang siyang hawakan.

Nagligpit naman kami kaagad ni Yem ng gamit at naglakad papunta doon sa sakayan ng
jeep.

"Alam mo teh kinikilig talaga ako sa inyo. Hahaha!" napatingin naman ako kay Yem.

"Huh?"

"Hay naku wag ka nan gang magtago, masyado kang obvious! Alam ko naman na si Ryde
ang nagbigay nyan eh. Nakita ko kung paano siya nagrespond sa thank you mo no.
Palagay mo sakin? Mas kilala pa kita kaysa sa kamag-anakan mo no."

Napatulala nalang ako kay Yem. Sabi ko nga halata ako. Pero parang ang saya rin na
nalaman niya. ^_^

Hala hala anong pinagsasabi ko? Waaah shet nasisiraan na ba ako ng bait? T_T

"Hay naku Poleng. Ayaw mo pa kasing aminin sa sarili mo eh. Alam na lahat ng
nakapaligid sa'yo yang feelings mo, sarili mo nalang ang hindi." Again, napatulala
ako kay Yem. Teka si Yem ba talaga 'tong kausap ko? Words of wisdom ang lumalabas
sa bibig niya eh.

"Isang tanong, isang sagot."

"Huh?" pabigla-biglang magsalita 'tong si Yem eh! Pati ako naguguluhan!

"Gwapo ba si Ryde?" Hmm.. medyo badboyish yung itsura niya pero, gwapo naman siya.

"O..oo"

"Mabait ba si Ryde?"

"Uhm..oo."

"Nakita mo na bang ngumiti si Ryde?"

"Oo."

"Nakita mo na siyang tumawa?"

"Oo."
"Crush mo ba siya?"

"Oo."

O_O

"Whaa!! No!! I mean hindi! Nadala lang ako sa kaka-oo ko! Hindi talaga!!"

"See? Namumula ka nga eh. Defensive pa. Hay naku yan ang hirap sa mga slow na
katulad mo." Tapos pinoke niya yung noo ko. At nauna na siya doon sa jeep ni
manong.

Well. Crush ko nga ba siya? Uhhhhhhh..

"Why are you spacing out?"

"Ay crush ko siya!!"

O_O

"R..ryde?"
"So.. sinong crush mo?"

WAAAAAAHHHHHHHHHHH!!! (TToTT)

*******************************************
[45] Chapter XLIV
*******************************************
So baka araw-araw na po akong mag-update dito. Halfway na kasi eh. Basta.
Matatapos na 'to within November. Hahaha. Pero pag busy ako syempre walang
update :p

Ayun!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Waaah wala! Hahaha! S..sige! B..bye!!" tsaka ako tumakbo pasakay doon sa jeep.
Phew! Buti nalang humarurot agad si manong kundi baka sumakay rin yung Ryde na yun
dito. Di ko na kakayanin pag nakasabay ko pa siya.

"Hahaha! Shet Poleng! Imba yung reaction mo kanina nung lumapit si Ryde! Palung-
palo!"

"Gagi ka tumahimik ka dyan baka i-kungfu kita ng wala sa oras."

"La! Para namang marunong siya! Di ka nga flexible eh! Mas flexible pa ako sayo!"

"Shattap!!"

As usual, tinatawanan na naman kami ni manong. Kasi etong si Yem eh, parang ogag.
Kung anu-anong pinagsasabi! Pero in fairness kinabahan talaga ako kanina. Kasi
naman! Yung bibig ko bigla-bigla nalang nagsasalita! Walang preno! >o<

"Bye po manong!"

"Ingat kayo mga hija." Tapos ngumiti siya at pinaandar na yung jeep after naming
bumaba.
Kami naman ni Yem eh naglakad na pauwi sa amin. At dahil bakasyon na, party time!
Hahaha! Nagkarera pa kami ni Yem pauwi sa bahay at syempre..

Nanalo siya -__-

"Napakaduga mo talagang cheater ka!!" saway ko sa kanya nung nakapasok na ako sa


bahay. "Maduga ka pinatid mo ako! Wooooh! Buti di ako nadapa! Walangya ka! Tara nga
dito at ikukungfu talaga kita!"

Pero nagulat nalang ako nung pagkapasok ko sa kwarto eh bigla nalang akong sinugod
ni lola at ni Aera ng kumot at unan. Hanggang sa nabalot na ako nang tuluyan.

"Waaah! Hoo! Hoo! Pakawalan niyo kooooo!!"

"Hahaha! Yan ang napapala mo! Alagad ko si Aera at si lola! Talo ka na naman
Poleng! Okay mga alagad, alam niyo na ang gagawin! Operation Torture, BEGIN!"

Kinabahan naman ako sa sinigaw ni Yem kaya sinipa-sipa ko kung sino man yung
maramdaman kong lumapit, pero in the end nakalapit rin silang tatlo sa akin.

"HUWAAAA!!! HAHAHAHAHA!! HOOOOO!!! WAHAHAHAHA!! TIGILAN NIYO.. HAHAHAHAH!! AKO!


WAHAHAHAHA!! WUHOO WUHOO HAHAHAHAHA!!!"

"Sabi sa inyo mga alagad. Effective ang torture na 'to. Haha! Naiiyak na siya!
Naiiyak na si Poleng! Diinan niyo pa! Kilitiin niyo pa siya!!"

Halos mawalan ako ng energy nung naisipan nilang pakawalan ako sa kumot. Buset
yung mga yun! Para akong na-rape putek! Halos nawalan ako ng hininga. Gagi talaga
yun si Yem eh. Babawi talaga ako sa kanya +__+

"Aray aray." Putek. Ang sakit ng tagiliran ko! Kiliti lang ba talaga ang ginawa
nila sa akin? Parang bumaon yung mga kuko nila sa balat ko eh T__T
Gumapang ako papunta sa damitan ko at kumuha ng pamalit. Tsaka ako pumunta sa CR
para magpalit. Shet talaga para akong na-rape @_@ Huhubarin ko na sana yung palda
ko pero bigla akong kinabahan nung naramdaman ko yung laman ng bulsa ko.

"Oh my God!!"

Napalabas agad ako ng banyo at inayos ko saglit yung buhok ko. Tapos bumalik ulit
ako sa kwarto at tinignan ko yung ilalim ng kama. Kaso wala. Pati yung kumot na
pinambalot nila sa akin eh pinagpag ko, pero wala pa rin.

"Hala ka asan na yun? Naman oh :'("

"Huy Poleng anong ginagawa mo?" napatingin naman ako kay Yem na nakatayo sa may
pintuan.

"Yem! Nawawala yung binigay sa akin ni Ryde! Hala anong gagawin ko? Wala dito sa
kwarto! San na napunta yun?!" naiiyak na talaga ako. Eto kasi ang ayaw ko sa lahat
eh. Yung nawawala yung mga gamit ko na bigay ng ibang tao.

"Ha? Wala ba dito sa bag mo?"

"Tignan mo nga dyan!"

Saka naghalungkat si Yem sa bag ko, habang ako naman eh naghahanap pa rin sa unan,
kumot at higaan kung saan nila ako tinorture-I mean kiniliti pala.

"Wala dito eh."

"Hala nasan na yun? T__T Di kaya nalaglag ko nung nagtatakbuhan tayo? Teka lalabas
muna ako at hahanapin ko." Palabas na sana ako nung biglang hinawakan ni Yem yung
braso ko.

"Gabi na ano ka ba."


"Yem kilala mo naman ako di ba? Ayokong nawawala yung mga bagay na binibigay ng mga
importanteng tao sa buhay ko. Please?" wala naman siyang nagawa kundi bitawan ako.
"Promise babalik agad ako!" saka ako tumakbo palabas.

Nagstay ako doon sa lane kung saan ako tumakbo at tinignan ko talaga bawat sulok
kung saan man pwedeng nalaglag yung keychain. Sana naman wala pang nakapulot
nun. :'(

Dahil may nag-iinuman doon sa kabilang side eh binilisan ko kaagad yung paglakad ko
papalayo sa kanila. Nasaan na ba yun? Di kaya may nakapulot na? Sana naman wala.
Kabibigay palang nya sa akin yun tapos mawawala ko kaagad. Grabe napakacareless ko
kasi. Ilang oras palang na nasa akin tapos wala na. :'(

Naiiyak na talaga ako. Nakarating na ako sa kanto namin pero wala pa ring keychain
na nagpakita. Anong gagawin ko? Hindi ko talaga mahanap T__T

"Hija, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?" napatingin naman ako sa nagsalita.
Pagtingin ko..

"Manong!!" saka ko naalala.. di kaya nalaglag yun sa jeep niya nung naghaharutan
kami ni Aeisha?

"Manong, pwede po bang pumasok sa jeep niyo? Titignan ko lang kung nandito yung
nahulog kong gamit. Promise po, mabilis lang!"

"Ahh.. oh.. oh.. sige. Kahit ilang oras ka pa dyan."

"T..talaga po?! Salamat po!!"

Umakyat naman agad ako sa jeep ni manong. Pauwi na ata siya dahil patay na ilaw sa
loob ng jeep niya. Pero nagulat ako nung bigla niyang binuksan.

"Mas madaling maghanap kapag may ilaw." Tapos ngumiti siya sa akin kaya ngumiti
nalang rin ako in return.
Hinanap ko naman agad sa gilid-gilid ng upuan yung keychain. Hanggang sa makarating
ako sa dulo.. pero wala pa rin. Tapos tinignan ko rin yung ilalim ng upuan tapos
inilawan ko nalang gamit yung phone na nasa bulsa ko pala.

"Ano hija, nahanap mo ba?"

"Hindi po eh." Saka ako napayuko. Nakakainis. San ba kasi napunta yun? :'(

Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko kaya binasa ko muna yung message.

Hmm? Unknown number? Sino naman kaya 'to?

From: +63906*******

--I really really despise you! I hate you! --

Bigla namang nagdilim yung paningin ko. Gosh! Di ba talaga siya titigil sa pang-
iinis sa akin?! Isa lang naman ang kilala kong sobrang galit sa akin eh! Si
impaktitang Serene! Bwisit na yun! Hanggang sembreak, iniinis ako! Takte!!

Nireplayan ko naman agad siya.

--I really really despise you too! Oh, and just so you know, I also hate you! Get
lost, brat.-

Phew! Naku talagaaaaa!! Binulsa ko nalang yung phone ko at baka maitapon ko pa yun
ng di-oras dahil sa inis kay Serene.

Saka ako napatingin doon sa side ni manong. Tapos napansin ko yung isang maliit na
picture na nakadikit doon sa harapan. Picture ng isang batang babae. Parang..
parang nakita ko na siya somewhere eh. Saan nga ba? Hmmm.

"Ahh!! Waah sorry po manong nakakaistorbo na ata akosa inyo. Sige po! Thank you
po!" saka ako bumaba sa jeep niya at nagwave nalang ako nung papaalis na siya. Pero
bigla akong nabother doon sa picture. Feeling ko talaga nakita ko na yung batang
yun somewhere eh.
Pero teka nga, kailangan ko munang mahanap yung keychain! Waaah hindi ako babalik
ng bahay hangga't di ko yun nakikita! Baka na-miss ko lang yung spot dito at andun
talaga yung keychain.

Nagsimula ulit akong maghanap doon sa may sakayan. Nakayuko lang ako habang
naghahanap. Sumasakit na nga yung likod ko eh. Pero kailangan ko talagang mahanap
yun. Haaayy. Sana talaga hindi pa siya nawawala :\

Nilabas ko ulit yung phone ko na nagsisilbing flashlight. Nang biglang tumunog yun.

"AY KABAYO KA!!"

Bigla kong nahagis yung phone ko sa daan dahil nagulat talaga ako sa tunog. Pakshet
na yan! Masyado akong nakafocus sa paghahanap nung keychain kaya nagugulat ako sa
ibang bagay! Pinuntahan ko naman yung phone ko sa may kalsada. Ang galing ha, layo
ng narrating pero tumutunog pa rin! Tibay ng cellphone ko! Tinignan ko kung sino
yung tumatawag. Si Daniel pala.

"Hello Daniel? Bakit ka napatawag?"

"Aahh.. ehh.. w..wala lang."

"Ehhh? Okay ka lang ba?" para kasing ang weak ng boses niya eh. Maysakit kaya siya?

"Oo naman. Haha. Naisipan lang kitang tawagan kasi--"

*BEEEEEEP BEEEEP*

Napatingin naman ako sa likod ko at halos di ako makakilos nung makita ko kung ano
yung paparating sa akin at tuluyan nang naggive-up yung tuhod ko sa sobrang kaba.

"HOY GUMILID KA MISS!! DALIAN MO!!" sigaw nung driver ng super bilis na truck.
Pero parang ayaw magrespond ng katawan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa takot.
Nanginginig na ako dahil sa kaba pero ayaw gumalaw ng paa ko. Shit gumalaw ka!!
Hindi ako makatayo!

"Aeisha?! Aeisha?! Okay ka lang ba?! Aeisha anong nangyayari sa'yo?!!" di ko na


alam kung anong naririnig ni Daniel pero di ko nalang yun pinansin.

Napapikit nalang ako nung malapit na yung truck. Mamamatay na ba talaga ako? Eto na
ba talaga yung katapusan ko? Mabubunggo na ako!! Sorry Aera, sorry! Hindi ko
gustong mamatay pero ayaw gumalaw ng katawan ko. :'((

Ayan na. Nararamdaman ko na! MAMATAY NA AKOOOOOOOOOOOOOO!!!!!

***

Patay na ba ako? Ang tahimik. Nasa langit na kaya ako?

Unti-unti kong dinilat yung mata ko at laking gulat ko nung...

"SHIT!! WHAT ARE YOU TRYING TO DO?! MAGPAPAKAMATAY KA BA?! PANO NALANG KUNG HINDI
AKO NAPADAAN DOON?! EH DI NASAGASAAN KA NA?! ANO BANG PINAGGAGAWA MO HA?! NABABALIW
KA NA BA?! ANONG---"

Nagulat ako nung biglang lumitaw yung mukha ni Ryde sa harapan ko. Napayakap nalang
ako sa kanya sa sobrang takot ko. Gosh. Hindi ko nga alam na umiiyak na pala ako at
sobrang nanginginig yung buong katawan ko.

"S..sorry.. H..hindi ko naman alam.. hu..hu.. A..akala ko.. mama..mamatay na


akoo..hu.. hu.. s..sorry." halos di na ako makahinga sa sobrang kakaiyak. Basta ang
alam ko lang ngayon eh buhay pa ako. Buhay ako at niligtas ako ni Ryde. :'(

Naramdaman ko naman na yumakap rin siya sa akin kaya napahigpit ako ng yakap. Takot
na takot talaga ako. Akala ko mamamatay na ako nung mga oras nay un. :'(

"S..sorry.. *huk* sorry."

"Kahit kelan ka talaga." Tapos bigla niyang hinawakan yung ulo ko.

"Wag mo na nga yung gagawin. You scared the hell out of me. Idiot." Tapos niyakap
niya ulit ako. For the first time, naramdaman ko yung security sa yakap niya.
Feeling ko safe ako kapag ganito. Bigla naman niyang tinanggal yung isang kamay ko
sa pagkakayakap at hinawakan niya yun.

"Here. Nakita ko kanina."

Lalo akong naiyak at naguilty. Kahit di ko nakikita, alam kong yung nilagay niya sa
kamay ko eh yung keychain na binigay niya. :'(

"S.. *huk* so..sorryyyy.. :'("

"Haha. Hanggang kelan mo ba balak magsorry? Tara na nga."

Ang alam ko nalang eh bigla niya akong binuhat at naglakad siya papunta sa bahay.

*******************************************
[46] Chapter XLV
*******************************************
"Kahit kelan ka talaga! Tatanga-tanga ka talaga minsan eh no?!"

Nakatanggap ako ng matinding lecture mula kay Yem at kay Aera. Imba nga eh. Si lola
kasi tulog pa kaya silang dalawa yung naglecture sa akin. Imagine? Pinapagalitan
ako ng five years old kong kapatid? T__T

"Ate kasi!! Sa susunod wag kang labas ng labas!! Buti nalang sinagip ka ni Prince
Charming kuya babes!!"

Hindi ko naman matandaan yung nangyari nung binuhat na ako ni Ryde. Nawalan na ata
ako ng malay nung mga panahong yun. Basta ang sabi ni Yem eh nagulat nalang siya
nung buhat-buhat ako ni Ryde at pareho kaming sugatan. Akala nya nga daw patay na
ako eh -__- Siya nalang kasi ang gising nung mga panahong yun kaya di ako nakita ni
Aera at lola sa ganung state. Syempre ginamot naman agad ni Yem yung mga sugat ko.
Paggising ko nalang eh balot na balot ako ng benda. Kaya para akong mummy ngayon.
Laking pasasalamat ko lang talaga at sembreak na. Jusme, di ko kakayaning pumasok
sa school ng ganito ang itsura ko!

Umalis naman agad si Aera at makikipaglaro pa daw siya ng bahay-bahayan doon sa


kapitbahay naming kaya kaming dalawa nalang ni Yem ang naiwan.

"Hay grabe. Feeling ko magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sa'yo eh. Pero buti
nalang talaga at nandun si Ryde, kundi.. Nakuuuu!! Sumasakit talaga ang ulo ko
kapag naiimagine ko!" napayuko nalang ako. Hay, kasalanan ko naman kasi talaga (_
_'')

"Sorry Yem. Tsaka thank you sa paggamot." Bigla niya naman akong binatukan, pero
mahina lang.

"Di ka sa akin dapat nagthathank you no. Kay Ryde. At magsorry ka rin! Andami niya
rin kayang sugat."

Naguilty na naman tuloy ako. Andami kong kasalanan sa kanya kagabi. Grabe naiiyak
ako pag naiisip ko yung nangyari. Paano nalang kung di siya dumating? Eh di dedo na
ako ngayon? :'(

"Huy Poleng.."
"Oo kasalanan ko. Kung di ako nag-insist na lumabas eh di sana di mangyayari 'to.
Sana di ako muntik masagasaan. Sana di ako nagkaganito. Sana di siya nasugatan ng
ganun. Pano nalang kung.. pano nalang kung may nangyaring masama sa kanya kagabi?
Pano kung siya yung nasagasaan? Kasalanan ko 'to lahat eh! :'(" bigla naman akong
hinatak ni Yem at niyakap. Di ko na napigilan yung luha ko at kusa na silang
tumulo.

"My my. Dalaga ka na talaga. Haha. Di nalang ako, si lola at Aera ang inaalala mo.
Alam mo, kung di mo aaminin sa sarili mo, mahihirapan ka lang lalo. Oh sige na,
magluluto muna ako ng almusal." Tumayo na si Yem at papunta na siya sa kusina pero
napahinto siya sa sinabi ko.

"Y..yem. Gusto ko ba siya?"

O_O

Hala! Nagulat nalang ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Pakshet talaga.
Feeling ko may sariling isip 'tong bibig ko eh.

"Hahaha! Well, ikaw ang makakasagot nyan! Hmm, pero sa tingin mo? Di mo naman
hahanapin kagabi yung keychain na bigay niya at di ka naman iiyak ng ganyan kung di
mo siya gusto di ba? Think about it, dear bestfriend." Tsaka niya ginulo yung buhok
ko. Baliw talaga yun.

Hayyy..

Pero di nga?

Gusto ko ba siya?

Ewan ko rin.

Lagi ko na siyang tinititigan sa school kapag di siya nakatingin. Lagi na rin


akong pumupunta doon sa secret place namin. Lagi ko siyang naiisip. Minsan
napapanaginipan pa. May gusto na ba talaga ako sa kanya?

Di ko talaga alam. Aba malay ko ba. Di pa naman ako nagkakagusto sa tanang buhay ko
no!

"Apo, may bumabagabag ba sa'yo?"

"Lo..lola, kayo po pala." Pinunasan ko naman agad yung luha ko. Geez. Ayokong
makita ni lola na umiiyak ako. Nakakahiya.

"Pwede kang magkwento sa akin, apo." Tapos ngumiti siya. Di ko naman mapigilan yung
sarili ko. Ambigat na rin kasi sa loob eh. Wala akong nagawa kundi magkwento kay
lola.

"Lola, pano nyo po ba malalaman kung gusto mo ang isang tao?" bigla namang ngumiti
si lola.

"Hija, ikaw lang ang makakasagot nyan. Nasayo ang desisyon kung matatawag mo nga ba
talagang 'gusto' ang pakiramdam mo sa isang tao. Hindi ako ang magdedesiyon nyan.
Ikaw. Ikaw mismo. Nasa edad ka na ng matinding pagdedesisyon. Ang pagmamahal eh
hindi basta-basta. Kailangan mo munang maramdaman lahat bago mo masabing mahal mo
talaga ang isang tao. O kung minsan, mararamdaman mo nalang talaga sa sarili mo, na
mahal mo na siya." Saka siya tumayo.

Nakatulala lang ako at pinipilit kong intindihin yung sinabi ni lola. Tsaka ko
naramdaman nung humigpit yung kamay ko na hawak-hawak ko pa rin pala yung keychain.
Ewan ko ba pero pag nakikita ko 'to eh napapangiti ako. Naaalala ko kasi yung
pinakita niya sa akin yung city lights na sobrang ganda.

"Ate! Ate! Si kuya Daniel nasa labas!! Papasukin ko ha?" hindi naman na ako
nakasagot sa sinabi ni Aera dahil dali-dali rin siyang lumabas nung pagkapasok
niya. At pagbalik niya, kasama na niya si Daniel. At halos lumuwa yung mata niya
nung nakita niya yung itsura ko.

"What the hell happened to you, Aeisha?!"

Napatingin nalang ako sa gilid. Shems. Nakalimutan ko na kausap ko pala siya nung
mga panahong naaksidente ako :\

"Err.."

"Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo? Nagpatingin ka naba sa doctor? May--"

"DANIEL!!" napatigil naman siya sa pagtatanong sa akin. "Okay na ako. Galos lang
'tong mga 'to. Don't worry." Tsaka ko siya nginitian.

"A..ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka nagkaganyan?"

Ayokong sabihin sa kanya yung nangyari. May hinuha kasi akong baka sisihin niya
yung sarili niya kapag sinabi kong muntik na akong mamatay habang kausap ko siya.

"Wala na yun. Kalimutan mo nalang. Ang mahalaga eh ayos na ako. Haha."

"Hay. Kung ayaw mo talaga sabihin, okay lang. Pero sure ka bang okay ka lang?
Kokontakin ko yung dad ko, kung gusto mo. Yung bestfriend niya kasi eh doctor."

"No! Wag na. Okay lang talaga. Ang thanks for your concern Daniel." Tapos ngumiti
nalang ulit ako.

"Oh..o..okay. Uhm, free ka ba today? You wanna go out with me? Don't worry, I'll
assist you."

Nagulat naman ako sa sinabi niya? Teka.. i..inaaya niya ba akong magdate? O_O
Pero..

"Uhm, sorry Daniel. May pupuntahan kasi ako ngayon eh. Sorry talaga." Bigla namang
lumungkot yung mukha niya. Uh-oh. "P..pero okay lang sa akin kung sa ibang araw."

"T..talaga?! That's.. good. S..sige, alis na ako. Pumunta lang talaga ako dito para
tignan yung kundisyon mo. Natakot kasi ako nung parang sumigaw ka sa kabilang linya
kagabi eh." Then tumingin siya sa relo niya at nanlaki na naman yung mata niya. "Oh
crap! Late na pala! Sige Aeisha! See you next time! Pagaling ka ha?" nagnod naman
ako at hinatid ko siya sa labas then saka siya tumakbo ng mabilis.

Ako naman eh nahiga muna sa kama. Grabe. Ang sakit ng buong katawan ko. Di ko nga
maimagine kung paano ako nagawang iligtas ni Ryde nung mga panahong yun eh. Siguro
adrenaline rush yun. Kung ikaw ba naman makakita ng babaeng naghihintay masagasaan
ng malaking truck eh. Hay. Sana ayos lang rin siya :\

Maya-maya lang rin, eh nakatulog na ako sa sobrang kakaisip.

***

"Ate ate gising na!! Kakain na tayo!!" kahit ayaw ko pang gumising eh bumangon na
rin ako. Sino ba namang makakabalik sa pagtulog kung kinikiliti ng kapatid mo yung
tenga mo? -__-

"Oo na po ate." Sabi ko sa kapatid ko. Kanina pa ako pinapagalitan at sinisigawan


neto ha! Feel na feel niya eh!

Pumunta naman ako sa may lamesa at sabay-sabay na kaming kumaing apat. After kong
kumain eh nagpahinga muna ako saglit tapos nagpatulong ako kay Yem na tanggalin
yung mga benda na pinagtatali niya sa katawan ko para makaligo ako. Pero pakshet
lang talaga! Ang hapdi nung dumampi sa akin yung tubig! Para nga akong tanga doon
sa CR na sigaw ng sigaw. Tapos paglabas ko, sabi ba naman sa akin ni Aera,

"Ate para kang narerape kanina! Kadiri yung sigaw mo! Yakiiii!!"

Napakasiraulong bata nun -__-

After kong makalabas ng banyo, nagpatulong ulit ako kay Yem na ikabit yung mga
benda. Pero sabi ko eh nipisan niya lang this time dahil lalabas ako ng bahay. Baka
pagkamalan talaga nila akong mummy pag nagkataon -__-

"Hoy babae, sure ka ba? Bukas ka nalang kaya pumunta doon?" nagsusuklay naman na
ako nung kinausap ako ni Yem.

"Tungeks. Alam mo naman na ngayong araw ako lagi pumupunta doon di ba? Sige na,
alis na ako. Babush!" then kinuha ko yung cellphone, wallet at cap ko at umalis na
sa bahay.

Pupuntahan ko sila. Namimiss ko na sila eh.

*******************************************
[47] Chapter XLVI
*******************************************
"Kamusta na po kayo? Namiss ko kayo."

Umupo ako sa tabi nila at saka ko sila tinitigan ng mabuti. Ang tagal na rin nung
huli akong nakapunta sa kanila. Pero wala naman akong magagawa dahil busy ako sa
school pati na rin sa bahay. Ngayon nalang talaga ulit ako makakadalaw sa kanila.
Pero pag nakikita ko sila, di ko maiwasang hindi malungkot :'(

R.I.P.

Aeron Carlos D. Bernardino

January 16, 1972 - December 1, 2008

Paula Marie C. Bernardino

April 4, 1976 - December 1, 2008

"Mama, Papa, ayos lang po kami ni Aera. Wag po kayong mag-alala di ko pababayaan
yung kapatid ko. Medyo busy lang po talaga ako ngayon kaya di na ako gaanong
nakakadalaw." lumapit ako kay Mama at pinunasan ko yung puntod niya dahil medyo
madumi na. "Nga pala, andito na po si Aera sa Manila. Kasama ko na siya ngayon."

Bigla nalang akong naiyak. Di ko alam pero parang gusto ko lang umiyak. Gusto kong
iiyak lahat ng sama ng loob ko pati yung bigat ng pakiramdam ko. :'(

"M..mas masaya po sana k..kung kumpleto tayo no? Andito na si Aera.. kayo nalang po
ang kulang. Mama, Papa, miss na miss ko na po kayo *huk* g..gusto ko ulit.. *huk*
mabuo yung pamilya.. natin :'("

Every year nalang. Tuwing pupunta ako dito, di ko maiwasang hindi umiyak. Sabi ko
sa sarili ko, puro masayang pangyayari lang ang ikukwento ko sa kanila, pero eto
ako, parang batang ngawa ng ngawa.:'(

"Mama.. di ko na po alam yung gagawin ko. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.


A..ano po ba ang dapat kong maramdaman? Di ko alam.. pero parang.. parang.. may
gusto na ako sa isang tao. A..ano pong gagawin ko?"

Nanahimik nalang ako doon. Pinagbubunot ko na rin yung damo sa paligid ko sa


sobrang gulo ng utak ko. Badtrip naman kasi eh. :\

Nagpalipas pa ako doon ng isang oras, tsaka ako nagpaalam sa kanila. At least,
medyo gumaan yung pakiramdam ko after ko silang makausap. Medyo madami na nga ang
tao ngayon sa sementeryo dahil October 31. Buti nalang kanina pa ako dito, kundi
baka naipit na ako sa dami ng tao.

Nung palabas na ako ng sementeryo eh halos matulala ako sa nakita ko.

"R..ryde?"

Nasa kabilang dulo si Ryde. Bakit siya andito? Di kaya.. may dinalaw rin siya dito?
Sino kaya? Nakayuko siya ngayon at mukhang palabas na rin ng gate. Di ko alam kung
anong nangyari sa akin pero kusang gumalaw yung mga paa ko papunta sa kanya.

"Ryde!" tumingin siya sa direksyon ko pero...

"Ryde! Sorry natagalan ako. Ano? Tara na?"


"Okay."

Biglang inangkla ni Serene yung braso niya sa braso ni Ryde at saka sila umalis. Di
ko naman maiwasang hindi sila tignan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala
sila sa paningin ko.

"Ate, ate. Bakit ka po umiiyak?"

Bigla naman akong napatingin doon sa batang lalaki na kumalabit doon sa hita ko.
Tsaka ko lang napansin na tumutulo na pala yung luha ko. Pinunasan ko naman kaagad
tsaka ako umupo kalevel nung bata.

"Ahh wala. Dinalaw ko kasi yung parents ko dito. Ikaw ba?" saka ko siya nginitian.
Ang cute kasi nung bata eh.

"Ako rin po eh. Sige po, mauna na po ako. Babay ate!" tapos bigla nalang siyang
tumakbo palayo sa akin.

Tumayo nalang ulit ako tsaka tuluyang lumabas sa sementeryo. Nakakainis lang. Kung
kelan magaan na yung loob ko, eh saka pa biglang bumigat ulit. Haaay :\

Tama na nga Aeisha, wag mo nalang isipin yun. Kunwari wala nalang akong nakita.
Tsaka bakit ba ako affected?! Tss. Parang yun lang naman. Magkasama lang naman sila
tsaka magka-angkla ng braso eh. Tapos sabay lang rin naman silang umuwi. Bakit ako
maapektuhan? Sus!

TT__TT

Fine! Affected ako! TToTT Badtrip naman kasi eh!! :'(

Dali-dali nalang akong pumara ng jeep para makauwi na rin agad ako. Naiinis talaga
ako as of now. Idagdag pa na medyo maraming nakatingin sa akin dahil sa benda ko.
Baka akala nila eh bumangon ako mula sa ataol!

"Oh hija, ikaw pala yan!!"

O_O

Pagtingin ko sa gilid ko, si manong pala!! My gosh! Nakalimutan kong lagi ko nga
pala siyang nasasakyan (Oo hindi na creepy, sanay na ako)! Dun kasi ako sa unahan
ng jeep sumakay. Nanlaki pa nga yung mata ni manong nung nakita niya yung mga benda
ko eh. Buti nalang ako lang yung sakay niya ngayon -__-

"Anong nangyari sa'yo hija? Bakit ganyan ang itsura mo?"

"Ahh hehe.. uhmm.. muntik na po kasi akong masagasaan kagabi." tsaka ako yumuko.
Nakakahiya kasi ang katangahan ko >o<

Pero nashock ako nung bigla siyang napapreno ng malakas at halos mauntog ako doon
sa salamin. Buti nalang nakahawak agad ako doon sa metal bar sa gilid!

"Diyos ko! Buti nalang at hindi ka nasagasaan!"

"Oo nga po eh. May nagligtas naman po kasi sa akin--" tapos bigla kong naalala si
Ryde at yung nakita ko kanina :(

"Oh bakit? May problema ka na naman ba hija? May maitutulong ba ako sa'yo?"

"Ahh.. wala naman po. Ano lang.. hay.. basta po! Hahaha!"

After nun eh hindi naman na ulit ako kinulit ni manong at tuluy-tuloy lang siya sa
pagdadrive. Nung nasa kanto na ako eh bumaba na rin ako kaagad at nagbabye naman
ako kay manong. Halos ginabi na rin pala ako. Buti nalang 6 PM palang. Naglakad
naman ako papunta sa bahay pero dahil dakilang malas ako ngayong araw na 'to eh
alam niyo na...

"Oh! Look who's here. Haha! What happened to you Aeisha? Look at her Ryde, ang cute
niya di ba? Hahaha!"

Kinagat ko nalang yung lower lip ko para di ako makapagsalita. Ayoko munang
magsalita ngayon. Naiirita lang ako. Tapos ang nakakainis pa, magkaholding-hands
sila. Bwisit.

"You looked like a freak, you know? Oh well, please excuse us." tsaka sila dumaan
sa gilid ko.

What the hell?!

Pinilit kong wag gumawa ng kahit ano hanggang sa makarating ako sa bahay. Pero
pagkapasok na pagkapasok ko...
"Hoy Poleng!! Sa tingin mo anong oras na ha?! Di mo ba nafifeel na---"

"YEEEEEEM TToTT" bigla ko nalang siyang niyakap tsaka ako umiyak ng umiyak sa kanya
:'(

*******************************************
[48] Chapter XLVII
*******************************************
A/N: After a long long long time.. Hahaha! Here's the update. Sorry nagreread pa
kasi ako dahil di ko na alam yung nagyari sa last chapters. LOL sinong author ang
nakakalimutan ang sarili niyang story? *Taas kamay with confidence* HAHAHAHA! Oh
sya, pagtyagaan. Hahaha at baka madalas na rin akong mag-update. Uuuuy pero di niyo
alam kung anong ibig sabihin ng madalas ko :''> Wahahahaha! Oh sige na tama na ang
author's note na 'to, wala na akong masabi. Gorabels!

----------------------------------------------------------------------------------

"Ate Yem, para san pala 'tong mga bulaklak?"

"Shh Aera. Para 'to sa burol ng ate mo. Namatay ata kanina."

"Eeeeeehhh?! Eh sino yung pumasok kanina?! M..mu..mu..multo yun.. ni ate?!"

"HA. HA. HA. Sa tingin mo?"

"HUWAAAAAAAAA!!!!!"

Hanggang dito sa kwarto eh naririnig ko yung kulitan ni Yem at Aera. Gusto ko ngang
tumawa pero di ako matawa. Pesteng luha 'to, daig pa ang Pagsanjan Falls sa pagtulo
:'(

Nakakainis talaga. Kanina pa ako nanggigigil eh. Pag naaalala ko yung nangyari
kanina, parang gusto kong gumawa ng kasalanan kay Serene. At saka ang sarap niyang
sakalin eh. Badtrip na buhay naman 'to oh. Isa pa yung si Ryde! Di ko talaga siya
magets. Napaka-unpredictable niya! Pero aaminin ko..
Nagselos ako kanina.

Okay fine!! Eh nakaramdam ako ng sakit eh. Masakit nung nakita ko silang magkasama.
Oo na. Nagseselos ako. Buti nga di ako naiyak kanina habang nilalait ako ng Serene
na yun eh. At saka di naman talaga ako iyakin, pero lately parang nagiging ganun na
ako. Haaaay.

"Oh apo? Ayos ka na ba?" napatingin naman ako sa harapan ko. Si lola pala.

"Ah.. opo." Pinunasan ko nalang yung luha ko at pinigilan ko nalang na umiyak.


Nakakahiya kasi. Kanina pa ako umiiyak.

Lumabas muna ako sa kwarto at uminom ng tubig. Baka kasi dehydrated na ako sa
kakaiyak ko. Nagulat naman ako nung tumingin ako sa may sala. -__-

"A..ate Yem, umiinom ng tubig yung multoooo..T__T"

"Hala ka Aera!!" tapos biglang tinulak ni Yem si Aera papunta sa akin. Ako naman eh
nakisakay sa trip ni Yem. Pinunta ko yung buhok ka sa harapan para matakpan yung
mukha ko tapos pinakita ko yung isa kong mata. Sakto naming pinatay ni Yem yung
ilaw kaya kinuha ko yung phone ko sa bulsa at inilawan ko yung mukha ko.

"Aeeerrraaaaa~" gusto ko nang matawa sa mukha ng kapatid ko. Hahaha! Pano kasi
takot na takot siya. Lumapit ako sa kanya ng lumapit.

"HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!" bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto at nagtago


siya sa likod ni lola.

After nun eh natawa nalang kaming dalawa ni Yem. Hahaha! Gagi talaga 'tong si Yem
eh. Lakas ng trip! Baka bukas may sakit na sa puso si Aera. Umupo naman kami ni Yem
sa may lapag.

"Oh ano? Kamusta ang puso?"

"Keeeek! Patay."

"Hahahaha!! Sabi na nga ba eh. Mahal mo na siya teh! Congrats! Basag puso mo!"

"Baliw."
Napabuntung-hininga nalang ako. Mahal ko nga, wala namang pag-asa tapos may
lumalandi pa. Haaay. Pakshet naman eh. Ayoko ng ganitong feeling! Buti nalang at
sembreak na. Di ko ata kakayanin kung makikita ko sila ngayon.

"Oh ano? Sasama ka pa ba bukas sa sementeryo?"

"Hmm. Di na. Nakadalaw naman na ako eh."

Then pumunta na ulit ako sa kwarto at natulog.

***

Maaga naman akong nagising dahil di ako makatulog ng maayos. Medyo di na mahapdi
yung mga sugat ko sa braso tsaka sa binti pero nanghihinayang ako sa balat ko dahil
for sure eh magkakapeklat yan. Hay naman.

Nagprepare na rin ako ng breakfast para sa kanila dahil wala naman akong magawa at
di rin naman na ako makatulog. Tapos nung bandang 8 eh nagising na silang tatlo.
Sabay-sabay lang kaming kumain at kung anu-anong ginawa sa buong araw. Nung 6 na ng
gabi, nagprepare na silang umalis. Nagbihis rin ako dahil balak kong maglakad-
lakad.

"Hoy babae, sigurado ka ba dyan? Mamaya kung ano na namang katangahan ang gawin mo
ha?"

OUCH. Sakit ha. Katangahan talaga? -__-

"Opo ma'am. Sa sidewalk lang po ako maglalakad ma'am." Tapos nag-salute pa ako sa
kanya dahil baka pagalitan na naman ako ng baliw na babaeng 'to.
"Good. Oh sige, alis na kami. Babush!"

Nagbabye lang ako sa kanila at hinintay silang makasakay, then saka ako umalis.
Actually, di ko rin alam kung saan ako pupunta eh. Ayaw ko lang talagang mag-stay
sa bahay ngayon dahil wala silang tatlo. Naglakad-lakad ako (hindi talaga ako
lumagpas sa may sidewalk dahil na-trauma na ako) at tinitignan ko lang yung city
lights. Ang cute talaga eh. Iba-iba pa sila ng kulay ^_^

Maya-maya lang eh nakarating ako sa isang mataas na lugar. Basta kita halos lahat.
Kita ko nga yung school ditto eh. Waaah ang ganda talaga! Breathtaking!

"Mag-isa ka lang?"

"Ay hopia ka!"

Halos mapalundag ako nung may narinig akong nagsalita sa gilid ko. Nung tinignan ko
kung sino, parang sumikip yung dibdib ko. Shet naman oh. Kung kelan nag-eenjoy na
ako saka pa siya lumitaw :\

"I see. Mag-isa ka nga."

Napayuko nalang ako. Ayaw ko kasing kausapin si Ryde. Ewan ko rin kung bakit eh.
Pero kasi.. naiinis ako kapag naaalala ko nung magkasama sila ni Serene kahapon.
Bigla naman siyang lumapit sa akin, at ang reaction ng katawan ko eh ang lumayo.

"Galit ka ba?" Uwaaa TT__TT bakit siya ganyan? Bakit nakakaawa yung boses niya?
Napakaduga neto eh! Galit nga ako sa kanya eh T__T

"H..huh? Ano.. oo.. hindi.. I mean.. hin--"

"Dahil ba sa nangyari kahapon?"

Napatingin ako bigla sa kanya. Nakatitig lang rin siya sa akin. Di ko alam kung
anong iniisip niya ngayon, pero kakaiba yung mukha niya ngayon eh. I mean, okay,
expressionless pa rin pero parang mas maaliwalas na ngayon.
"We're just friends."

"Huh?" bigla-bigla nalang kasi siyang nagsasalita eh.

"Me and Serene. Magkaibigan lang kami."

Parang biglang nabuhay ang katawang-lupa ko sa narinig ko. Gosh. Anong nangyayari
sa akin? >_< At saka bakit niya ineexplain sa akin?! Di.. di kaya.. halatang
nagseselos ako? O_O Shet shet wag naman sana.

"H..huh? Tinatanong ko ba?!" ewan ko pero napalakas yung boses ko. Nangyari sakin?

"Hindi. Sinasabi ko lang." tapos..

Nagsmile siya.

OMAYGAD. Hihimatayin ako, hihimatayin ako. Kyaaaaah! Saan ba may sako dito? Gusto
ko na siyang isilid at itakbo sa bahay namin! Huwaaa bakit ba ganito si Ryde
ngayon? Ang gulu-gulo talaga ng buhay niya eh.T__T

Bigla naman niyang hinawakan yung braso ko tapos inangat niya. Inikot-ikot niya pa
na parang nag-iinspect ng kung ano.

"Mukhang medyo magaling ka na ah." After nun eh nalungkot ako agad. Naalala ko na
naman kasi yung time na niligtas niya ako.

"Eh ikaw? Kamusta yung mga sugat mo? Ayos ka na ba? May masakit pa ba? May
matutulong ba ako? Sorry talaga! Pero--"

Nagulat ako nung bigla niyang nilagay yung kamay niya sa ulo ko at ginulo niya yung
buhok ko. After nun eh parang natanggalan ako ng kaluluwa at sumabay ata sa undas.
Gosh! Anubaaaaa >///<

"Are you worried about me?" then bigla niyang nilapit yung pagmumukha niya sa akin
at ngumiti na naman siya.

DUGDUG.DUGDUG.

Di na ako makasagot. Feeling ko namatay na talaga ako. Bwisit 'tong Ryde na 'to,
kung anu-anong pinaggagawa! Di ko na maigalaw yung katawan ko! Tapos bigla siyang
tumawa T__T. Pinagtawanan niya siguro ako kasi para akong baliw dito na nakatingin
lang sa kanya at di makagalaw.

"Alam mo, ngayon lang ako sinwerte."

Huh? Pinagsasabi na naman niya? Pero teka.. shet! Pati ata dila ko naapektuhan ng
Lumapit-si-Ryde-at-namatay-ako disease ko eh.

"Do you like me?"

Pagkarinig na pagkarinig ko nun eh parang napunta lahat ng init ng katawan ko sa


mukha ko.

Ano daw?
UTANG NA LOOB LANG LUPA, BUMUKA KA AT LAMUNIN MO NA AKO! DOUBLE DEAD NA AKO DITO
OH! MAKIRAMDAM KA PLEASE! >////<

*******************************************
[49] Chapter XLVIII
*******************************************
Exanctly after 1 month. Mwahahaha sorry! Sabi sa inyo busy ako eh. Bear with me,
please? :p Ohh, and oo nga pala, mas active na ako sa site ko. So kung gusto nyo
agad mabasa ang updates, you can visit my site. I'll post my stories' updates sa
site ko and probably, here sa watty :)

If you wanna visit my site, click the external link. THANK YOU :)

So here's the update. Natatawa ako sa comments last update eh. Nabuhay daw ang mga
katawang-lupa ng "RySha" Bwahahaha!

*******************************************************************************

Chapter 48

"Do you like me?"

WAAAAHHHHHH!!! Yung mukha ko parang sasabog na sa kahihiyan! Shet!!

"A..ANONG.. PI..PINAGSASABI MO DYAN?! BAHALA KA NA NGA DYAN!!" tapos saka ako


nagwalk-out. Sheeet talaga! Ano bang problema nya?! At anong problema ko?! Pwede ko
namang sabihin na 'HINDI NO. UTOT MO.' pero parang timang lang ako at may walk-out
walk-out pa akong nalalaman. >_<

"Hey, wait!"

Bigla ko namang naramdaman na hinawakan nya yung braso ko, at dumaloy na naman yung
kuryente sa katawan ko. Brrrrr!

Tapos nagulat nalang ako nung bigla nya akong inikot kaya nakaharap na ako sa kanya
at..

"Don't go. Please?"

Bigla nya akong niyakap.

O////O

Utang na loob. Tulungan nyo ako. Mamamatay na ako sa sobrang lakas ng pagtibok ng
puso ko.

Bigla namang nagrespond yung kamay ko at narealize ko nalang na nakayakap rin ako
sa kanya. The eff? May sarili na bang utak ang kamay ko at di na nya ako
sinusunod?! Waaaah!

After siguro one minute of silence eh bumitaw na rin sya. Phew! Sa wakas! Di na
kasi ako makahinga kanina eh. Idagdag nyo pa na ang lakas ng tibok ng puso ko, to
the point na nararamdaman kong nasa lalamunan ko na sya. Weird, no?

"Pwede bang samahan mo ako?"

"H..huh? S.s...saan?"

"I'm gonna meet my mom."

Eh? Bakit kasama ako? Tsk. Pero mukhang di naman ako makakatanggi eh.

"S..sure."

Tapos naglakad kami pababa. Then, sa gilid, nakita ko na andun pala yung bike nya..
Kyaaaahhh!! Hala naaalala ko na naman yung first time na nakaangkas ako doon.
Omaygaaad tama na Aeisha!! Baka mamatay na talaga ako sa sobrang kilig!!

Kinuha naman nya yun agad at sumakay sya. Then pinasakay nya ako doon sa upuan sa
likod.

"You sure? Mabilis ako magpatakbo."

"Huh?" pinagsasabi nya? Di ko nagets? Sure saan?

Then nagets ko nalang nung pinaandar na nya yung bike. Napakapit ako sa bewang nya
dahil sa sobrang bilis ng takbo at pababa pa yung slope nung daan. Shiiiiz! Narinig
ko nalang na bigla syang tumawa ng malakas.

"Hahaha! Akala ko di ka kakapit eh. I don't want you to be injured again, so hold
onto me. Okay?" nagnod nalang ako kahit di nya naman nakita. Pesteng Ryde 'to! Ang
kapal ng mukha nya! >///<

Nagpatakbo lang sya ng bike nya habang ako eh nakakapit sa kanya at nakayuko dahil
sobrang bilis nga. Feeling ko kasimbilis kami ng motor eh!

"Hey, lift your head. You must see this."

Napasunod naman ako agad sa sinabi niya. And..

"WOWWW!!" napanganga nalang ulit ako sa nakita ko. Pababa pa rin yung daan pero
kita pa rin yung buong city. Tapos para silang christmas lights dahil sa iba-ibang
kulay. Ang ganda talaga!

Second time ko na 'tong maranasan. First eh ganito rin yung scenario. Ang cool
talaga!

After siguro five minutes eh huminto na sya. Pagtingin ko kung nasaan kami.. OMG.

"Ah I forgot to tell you. My mom is dead. I'm gonna visit her." parang natuyuan ako
ng lalamunan sa sinabi nya. Patay na pala ang mom nya.

"S..sorry."

"It's okay." then ginulo na naman yung buhok ko. Psh. Bagong hobby na ba nya yan?
"Tara." tapos hinatak nya ako papunta sa loob ng sementeryo.

Naalala ko tuloy yung scene naming tatlo nila Serene dito :'( Shet ayan na naman.
Utang na loob luha, please wag ka muna tumulo!

Nagpahatak nalang ako sa kanya at nung huminto kami, eh nasa harap na kami ng
puntod ng mom nya. Pagtingin ko, may flowers doon. Siguro may dumalaw na sa kanya.
Pero nung tinignan ko yung expression ni Ryde eh para syang confused na ewan.

"Siguro dinalaw na sya ng dad mo." sabi ko nalang sa kanya.

"NO!!!" tapos biglang humigpit yung hawak nya sa wrist ko. Ouch!
"HE WOULDN'T DO THAT!!" natakot ako bigla sa expression ni Ryde. Galit na galit
sya, and this is the first time I saw him like that. Napapikit nalang ako dahil
nakakatakot talaga sya ngayon.

Pero bigla ko nalang naramdaman na binitiwan nya yung kamay ko kaya napadilat ako.
Tapos pagdilat ko, nakayakap na pala sya sa akin.

"I'm sorry. I didn't mean to--"

"Okay lang." sabi ko nalang sa kanya, then bumitaw na sya.

Umupo sya sa harapan ng mom nya and then nilagay nya yung flowers na binili nya
doon sa labas ng sementeryo. Gusto ko rin ulit tuloy dalawin si mama at si
papa. :'(

"Mom, kamusta ka na? I hope you're fine wherever you are. And I hope you're happy."

Nakatitig lang ako kay Ryde. Hindi ko alam na ganito pala sya kadaldal. Yeah,
kinakausap nya yung mom nya and sinasabi lahat ng nangyari sa kanya. Hindi ko nga
lang marinig dahil ang daming tao at parang bumubulong lang sya. Oh well, at least
he's smiling. Siguro puro masasayang bagay lang ang kinukwento nya para mapanatag
yung mom nya.

Hindi ko naman maiwasang hindi tumingin sa direksyon ng puntod ng parents ko. Andun
nga pala ngayon sila Aera. Puntahan ko kaya sila?

"Uhm, Ryde, alis lang ako saglit." napatingin naman sya sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Sa parents ko." then nagsmile nalang ako sa kanya.

Naglakad ako papunta doon sa right side. Konting lakad pa and then kaliwa eh
nakarating na ako kila mama at papa. Sakto namang andun sila Yem.

"WHOA! ATE!" nakita na pala ako ni Aera.

"Oh? Susunod ka rin pala eh! Sana sumabay ka na lang sa amin kanina!"

"Err.. actually di ko naman talag--"

"WHOA! KUYA BABES!! KUYA RYDE!!"


Oh God. Napapikit nalang ako sa sitwasyong kinalalagyan ko. Pakshet. Bakit sumunod
si Ryde?! Bigla ko namang nakita na nagbago yung expression ni Yem. Parang naging
"Oh kaya pala"-expression with matching tango tango pa! Aaahh! Badtrip naman oh!
>_<

"S..sorry. I never thought.. your parents are d--"

"Okay lang. Haha."

Nilapitan ko nalang sila Yem habang si Ryde eh nakatayo lang doon sa gitna. Psh.
Haaay. Teka nga pala, bakit parang kulang sila?

"Asan pala si lola? Bakit di nyo kasama?"

"Ah bumili ng softdrinks. Nauuhaw daw siya eh. Tsaka nagpakilala sya kila tita.
Haha ang cute nga ni lola eh."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Yem. Tatawagin ko sana si Ryde pero nagulat nalang
ako nung nawala sya doon sa likod. Huh? Saan yun nagpunta?

"Aera, san nagpunta si Ryde?"

"Uhuuuu.."

EEEHHH? Anong nangyari dito kay Aera? Bakit 'to umiiyak?

"Uy bakit ka umiiyak?"

"Eh si kuya Ryde kasiii. Uhuuuhuu~ biglang tumulo.. yung luha sa mata nya eh.
Waaaahhh!! Nakakaawa si kuya Ryde! Ate anong ginawa mo sa kanya? TToTT"

Hah? Si Ryde? Umiyak? Teka!! What the hell is going on?!

Bigla akong napatakbo sa puntod ng mom niya. Baka nandun pa siya. Alam ko tinatawag
ako ni Yem at Aera pero hinayaan ko nalang sila. Tsk. Naguguluhan na talaga ako sa
kanya! Ano ba kasing problema nya?

NASAAN KA RYDE?!
O__O

*SLAP*

"Don't go near him. EVER. AGAIN. Got that? Get lost!!" halos nawala yung boses ko
sa nangyari. What the hell? A..ano na naman ba 'to?!

"Aeisha!! WHAT THE?! Hayop ka talaga Serene!!" tapos bigla nalang sinugod ni Yem si
Serene. Ako naman eh nanigas yung buong katawan ko sa bigla. We're making a scene
here. Na..nakakahiya.

"Don't touch me!! Pagsabihan mo yang kaibigan mo!! Wala kayong alam kay Ryde kaya
wag kayong makisawsaw sa buhay nya!! Maliwanag?! Damn girls!!" tsaka sya umalis sa
harapan namin.

*******************************************
[50] Chapter XLIX
*******************************************
Again, sorry for the late update. So eto na. Hahaha antawa ko lang dahil andaming
gustong patayin si Serene. LOL hahaha! Kalma lang mga te. Kaya natin 'to :)) So,
basa na mga tao :*

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"What the hell was that?! Grrrr!! Bwisit! Naku mapapatay ko na talaga yang Serene
na yan eh! Saktong-sakto oh! Andito na tayo sa sementeryo! Shet! Magbubungkal
talaga ako ng lupa dito, mapaglagyan lang ng bangkay niya!! Bitchesa! Ugh!! Oy
Poleng, ayos ka lang?!"

"Ah..oo."

Para ngang hindi ko na ramdam yung sampal ng walang hiyang Serene na yun eh. Ang
iniisip ko lang ngayon.. eh kung nasaan si Ryde. And what happened to him?! Bigla-
bigla nalang syang nawawala. San ko ba siya pwedeng hanapin? Pero baka naman
magkasama sila ni Serene. Ano namang laban ko sa kanya di ba? Kaibigan siya. Baka
nga close friend pa. Ano ba naman ako? Isang hamak na classmate na may gusto sa
kanya.

"Ohh mga apo! Anong nangyari dito?" napatingin naman ako kay lola na sumulpot na
naman from nowhere.

"Ah lola!! Bakit ang tagal mo?! Naku!! May sumulpot lang pong baliw kanina! Jusme!
Gusto ko na talaga siyang ilibing ng buhay!!"
"Omigee ate Yem, hinga lang!! Baka ikaw yung mamatay dahil sa high blood!! Kumalma
ka!!" then si Aera eh hinawakan si Yem para irestrain siya. Gaga talaga 'tong
kapatid ko eh.

Tumayo naman ako agad. Shet. Ngayon ko lang naramdaman, ang sakit ng pisngi ko! >_<

Namumuro na talaga sa akin yang si Serene eh. Pero na-amaze ako sa sarili ko
ngayon, hindi ako umiyak. Tae talaga. Gagantihan ko talaga siya sa susunod. Di na
ako papayag na lagi nalang ako yung nasasaktan! Damn her!!

"Oy oy oy!! Teka san ka pupunta Poleng?!" narining ko si Yem. Papalakad na kasi ako
palabas ng sementeryo.

"May hahanapin lang." then nginitian ko silang tatlo. Ayaw ko nang nag-aalala sila
sa akin. Hindi na ako bata para lagi pang tignan o bantayan ng mga tao sa paligid
ko. Napansin ko naman na biglang kumalma si Yem at seryoso lang syang nakatingin sa
akin.

"Hah, so you've come to this point. Sige Poleng! Push lang ng push! Wag kang
magpatalo dun sa lecheng Serene na yun! Wuhooo!! Sige babay!!" then bigla siyang
tumalikod at bumalik silang tatlo doon sa puntod nila mama at papa. Anong nangyari
dun?

Tumalikod na rin ako at lumabas na ng sementeryo. Putek, pero san ko siya


hahanapin?! Eh ni wala nga akong alam sa kanya! Shet!! Kasi naman eh! Ewan ko ba!
Nag-aalala ako eh. Taeng Ryde yan! Nakakainis na yang presence niya ha!! Nagigimbal
yung buong pagkatao ko dahil sa kanya eh!!

Tumakbo ako papunta doon sa mataas na lugar na pinanggalingan namin kanina. Baka
kasi andun siya. Syempre, sa sidewalk lang ako talaga tumakbo. Traumatic na ang
kalsada para sa akin. Then after few minutes eh nakarating rin ako.

Walang tao.

Shet. Asan na ba siya?!

Wait Aeisha! Wag kang mag-panic!! Focus! Isip!

Hmm, san pa ba siya pwedeng magpunta? San ko ba siya laging nakikita? Kung hindi
dito..
"Sa school!!" tumakbo ako papunta sa direksyon ng school namin. He must be there!
Sana maabutan ko pa siya! Wuhooo! Nakakahingal 'tong ginagawa ko ha!!

Tumakbo ako papuntang school at halos nahihilo na ako dahil sa sobrang pagod.
Pahirap talaga sa buhay 'tong si Ryde eh. Nakuuuu! Kung di ko lang siya.. tsk!
Nevermind!

Since sarado ang school eh doon ako sa may bakanteng lote dumaan para diretso na
ako doon sa may field. Dun sa may malaking puno sa labas ng school.

Bingo. Andun siya. Kahit madilim eh kitang-kita ko na nakahiga siya doon. Shet, may
lahing kwago na ata ako ah?

T..teka.. nakahiga siya.. at parang di na gumagalaw..

O__O

Whhhooiii!! Baka naman napano na siya! Omaygad! Baka nasaksak siya o kaya
nagpakamatay siya!! Hala hala hala anong gagawin ko?! Pano kung di na siya
humihinga?! Waaahhh!!

"RYDEEE!!!" napatakbo ako sa direksyon niya dahil kung anu-ano ng madudugong images
ang lumalabas sa utak ko. Shet! Please be alive!

"Oy Ryde! Ayos ka lang ba?! Anong nangy--"

"Leave me alone."

Napatigil naman ako sa pagtakbo. Actually malapit na ako sa kanya. Isang metro
siguro ang pagitan namin ngayon. Kahit madilim, kita ko yung mukha niya. Nakahiga
siya sa may damuhan at nakapikit yung mga mata niya.
Leave me alone.

Pero.. Di ko alam .. parang nasaktan ako sa sinabi niya :'(

"W..wag ka namang ganyan. I mean.. nag-alala lang naman a--"

"Shut up. Get lost."

Narealize ko nalang na this time, tumulo na talaga yung luha ko. Ghad. Bakit
ganito? Hindi naman niya ako sinampal, tinadyakan o binugbog.. pero nasasaktan ako.
Tae naman 'to oh. Ano bang problema niya? :'(

"Pero.." lumapit ako sa kanya ".. Ryde.."

"I SAID GET LOST!!" halos manigas na ako doon sa kinatatayuan ko nung napaupo siya
at sumigaw sa akin. Then bigla ulit siyang humiga at pumikit.

"Tsk. Just.. just.. leave."

That's it. Ayoko na. Punung-puno na ako sa kanilang lahat. Ano bang problema nila?!
Bakit ang gulu-gulo nila?! Uuughhhh!!

"Fine!! I'm leaving!! Pero sana pakinggan mo yung sasabihin ko, Ryde!!" pinipigilan
kong umiyak pero di ko nagawa. Para na akong tanga sa harap niya na sumisigaw
habang umiiyak. But I don't care!!

"WAG MONG TAKBUHAN YANG PROBLEMA MO!! Akala mo ba hindi ko napapansin?! Alam ko
namang may malaki kang problema! Halata naman yun! Pero wala akong pakialam kung
ano yun! Shet lang Ryde!! Lalaki ka ba talaga?! Duwag lang ang taong tinatakasan
ang problema niya! Umiyak ka?! Kanina?! Oo bago yun! Pero anong ginawa mo?! Tumakbo
ka na naman!! Samantalang ako, bigla nalang nasampal ng KAIBIGAN MO dahil sa
punyetang dahilan na hindi naman daw kita kilala!!" huminga muna ako ng malalim..

"PERO TAMA NAMAN SIYA EH!! Hindi naman talaga kilala! Ni wala nga akong alam sayo!
Sino nga ba naman ako sa'yo diba?! Classmate mo lang naman ako! Pero kahit papano,
naramdaman ko na nakilala kita kahit na minsan lang tayo magkita o mag-usap.
Pakiramdam ko naintindihan kita. Pakiramdam ko parehas tayo." damn this. Ayaw na
tumigil na luha ko :'(

"Pero kung ito ang gusto mo.. fine. Kahit na sandali lang tayong nagkakilala, I.. I
really enjoyed it. I really.. really.. huk.. enjoyed your company. K..kahit na
madalang ka lang na magsalita. K..kahit na minsan lang kita makitang ngumiti o
tumawa.. Thank you for that. Simula bukas.. hindi ka na nag-eexist sa mundo ko.
Kakalimutan ko nalang na nakilala kita. Yan ang gusto mo di ba? Sorry rin kung may
nagawa man akong di mo nagustuhan.."

Napayuko nalang ako at halos wala na akong makita dahil sa mag luha na 'to. Ni
hindi ko nga alam kung pano ko pa 'to nakakayanan eh :'(

"Goodbye Ryde. I had fun being with you." then.. one last glance to him. Nakapikit
pa rin siya. After nun, tumakbo na ako paalis sa lugar na yun.

Ang sakit. Ang.. ang sakit-sakit. Bakit ba ganito? Minsan lang naman ako magmahal
pero.. nasaktan lang naman ako. :'(

Naglakad lang ako ng mabagal pauwi ng bahay. Wala na akong pakialam kung
pagtinginan pa ako ng mga tao. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa
street namin ng hindi naliligaw eh. Shet. Ganito pala yung sinasabi nilang 'pag
nagmahal ka, matututo kang masaktan.' Ngayon alam ko na :'(

"OMAYGAD POLENG! Anong nangyari sa'yo?! Haynaku! Pumasok ka nga rito!" hindi ko
alam na nasa bahay na pala ako. Hinila nalang ako bigla ni Yem sa loob ng bahay.

"Ano ka ba?! Di mo ba alam na 10 PM na?! Utang na loob naman Poleng, may mga taong
nag-aalala sa'yo!!"

"Sorry."

Napaupo nalang ako sa lapag at nagsimula na namang umiyak. Hindi ko alam pero
pagkaupung-pagkaupo ko eh naikwento ko na kay Yem yung buong pangyayari. After nun
eh pumunta ako sa kusina. Ang alam ko.. meron pa nun dito..

"O..oy Poleng. Anong gagawin.. mo dyan?" Ako naman eh umupo doon sa may lamesa at
binuksan ko yung bote. Kumuha na rin ako ng baso.

"I wanna ease my heart. Ha..ha. Kahit ngayon lang Yem, pabayaan mo muna ako. Gusto
kong magpakalasing. Ha..ha..ha." para na akong timang sa harapan niya na tumatawa
habang umiiyak. Siguro para na nga akong zombie eh. Ang dumi-dumi ko tapos ang
dungis pa ng mukha ko. Di na ata ako tao.

"Shet lang kasi Yem.. uuhh..huuu.. uhh.. ngayon ko lang 'to nafeel eh. Yung sobrang
naging.. huk.. espesyal yung tao sa akin.. to the point na.. minahal ko na siya..
t..tapos, ganito lang? Taeng pagmamahal yan! Kung ganito rin naman pala ang
mangyayari.. huk.. ayoko nang magmahal! Sawang-sawa.. na.. na akong masaktan. Ayoko
nang umiyak.. My parents' death are enough..uuhh..huu.. "

Then ininom ko yung isang basong wine na nasa harapan ko.

I guess.. this is it for my heart.

Ayoko na. :'(

*******************************************
[51] Chapter L
*******************************************
Yey! May update ulit *O* ahahaha! CHOS. Request niyo eh :pp

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Ouch ouch ouch!! Ang sakit ng ulo ko!!" napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit.
Parang binibiyak na eh.

"Eh kung sino ba naman kasing sobrang lasinggera. Tinungga mo ba naman yung bote
eh!"

"Psh."

Kinuwento naman sa akin ni Yem yung nangyari kagabi. Ang ganda pa ng description
niya sa akin eh: Siraulong baliw. Ang sakit sa pagkatao ko ha? -__-

Bigla namang sumulpot si Aera sa may kwarto.

"Ate, ano nang nangyari kay kuya Ryde? :("

"Aera---!!" narinig kong sigaw ni Yem. Pero wala na, huli na siya.
TT__TT

Waaaaahhh. Si Ryde :'((

Bigla ko na namang naalala yung nangyari kagabi. Shet naman oh. Kainis kainis!
Idagdag niyo pa na ang sakit pa rin ng pisngi ko dahil sa sampal ng pesteng
impaktitang Serene na yun. Promise talaga. Gagantihan ko siya pag pasukan na ulit
+__+

"Ano ka ba Aera, masamang word na ang Ryde simula ngayon. Mamamatay ate mo pag
narinig nya yun. Okay? Pag yan namatay, ikaw nalang mag-isa. Sige ka."

"Halaaaaaaaaa?? T_T Sige hindi ko na babanggitin yung pangalan ni kuya Ryde-- O_O
HUWAAA SORRY! ATE WAG KANG MAMAMATAY!! HINDI KO NA TALAGA SASABIHIN!! TATAKPAN KO
NA BIBIG KO!! HMMKHWWKJHJJ!!" at sumisigaw pa rin siya kahit nakatakip yung bibig
niya.

Gaga talaga 'tong si Yem at Aera eh. Imbes na nageemote ako eh di ko maiwasang
mapangiti dahil sa kanila. Well, at least mababawasan ang depression ko.

"Leave me alone"

TT__TT or not. Walangya ka Ryde umalis ka sa utak ko!! Shooo! Chupi!!

After kong mag-emote sa harapan nilang dalawa eh kumain na rin kami ng tanghalian.
Si lola nga ang nagluto eh. The best talaga ang mga luto niya! Pagkatapos nun eh
naligo agad si Yem. San ang lakad nun? Oh well. Ako naman eh sa kwarto lang
nagpunta. Then sumunod sa akin si lola.

"Oh apo, kamusta ka na?" sabay upo niya doon sa may kama.

"Ahhh. Eto po. Nagpakagaga dahil sa isang lalaki. Haha." at wala pang isang segundo
eh may pumatak na namang luha sa mga mata ko. Ano ba mga luha? Tama na :'(

"Mahirap talaga magmahal, apo. Masasaktan at masasaktan ka. Hindi naman kasi lahat,
nakukuha natin agad-agad. Hindi lahat, nakukuha natin sa unang subok."

"Pero kasi lola.. h..hindi ko sya maintindihan eh. M..minsan, seryoso siya, minsan
naman sobrang saya niya.. minsan bigla-bigla nalang nagagalit. Ang labo niya
eh.. :'("

"Ganun talaga ang mga lalaki, apo. Ayaw nilang maintindihan sila. Mas gusto nilang
tago yung nararamdaman nila. May kilala din akong ganyan dati." napatingin naman
ako kay lola. "Hay, ang bilis ng panahon, ano? Matanda na talaga ako. Siguro
pagkalipas ng ilang taon eh mamatay na ako." tapos bigla siyang ngumiti.

"Lola naman.. wag kang magsalita ng ganyan."

Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi ni lola. Ayoko talagang naririnig yung mga
salitang 'mamamatay na ako' galing sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Tama na na
namatay yung parents ko. Ayoko nang makakita o makaramdam ulit ng ganung
lungkot :'(

"Apo, kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo. Ang babae, dapat maging matapang
din. Hindi yung puro iyak. Walang mangyayari sa inyo kung iiyak ka lang sa isang
tabi."

"Pero po.. anong point kung ipaglalaban ko siya? Eh.. ni ayaw na nga niya ata akong
makita eh..:'("

"Ano bang sinabi niya sa'yo apo? Sinabi nya bang ayaw ka na talaga nyang makita?"

"Leave me alone tsaka get lost." napayuko nalang ako. Hindi ko talaga kinakaya
kapag naaalala kong sinabi niya yun sa akin. Ang sakit eh :'(

"Baka naman gusto nya lang talagang mapag-isa nung panahong yun. O kaya ayaw niyang
makita mo siya sa ganung sitwasyon. Apo, yung mga sinasabi ng mga lalaki, kadalasan
eh hindi talaga yun ang ibig nilang sabihin."

"..."

Wala naman akong masabi sa mga sinabi sa akin ni lola. Pero I feel great. Kahit
papano eh nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko. Siguro.. siguro ganito ang
feeling pag nag-uusap ang nanay at anak tungkol sa ganitong mga bagay. Siguro..
ganito kami ni mama ngayon kung buhay pa siya :'(

Nagthank you naman ako kay lola sa pagkausap sa akin. Inayos ko naman yung sarili
ko at mukha na talaga akong pulubi sa kakaiyak. Ang baho ko na nga ata eh. Di ko na
maamoy yung sarili ko dahil barado na yung ilong ko kakaiyak.

Pagkalabas ko sa kwarto eh bumungad sa akin yung pagmumukha ni Yem.

"San ka pupunta?"

"Hmm. Date."

"Ahh okay." then nilagpasan ko siya.


Wait.

"HUH?! DAAAATTTEEE?! MAY DATE KA?! TANGHALING TAPAT, MAKIKIPAGDATE KA!!" shet ang
puso ko! Harususme! Sumakit ang ulo ko dito kay Yem. Ano bang iniisip ng babaeng
'to at makikipagdate ng tanghali?! At sino naman ang idedate netong hampaslupa na
'to?!

"Aray ha! Makasigaw ka naman! Like duh? Masama bang mag-date sa tanghali? Hahaha!
Tsaka para unique no!"

"Unique ka dyan!! At sino naman yang malas na lalaking yan?"

"Hoy excuse me, swerte kamo. Sa ganda kong 'to? Aba! Swerte niya siya natipuhan ko
no."

Aba? Taas ng confidence level ng bestfriend ko ah? Di ko mareach. -__-

"Eh sino nga, aber?"

"Eh di si Chris. Psh." tapos bigla siyang nag-blush at napatingin sa right side.
Hah! Ang cute niya kiligin. Hahaha!

"Si Chris naman pala eh. Okay fine. At least mukha namang safe ka sa kanya." well,
may trust naman ako kay Chris eh. Tsaka fan nga ako ng loveteam nila di ba? For
sure sa loob-loob ni Yem eh sobrang kinikilig na yan.

Hay. Buti pa sila :(

"Sige na, babush. At ayusin mo rin yang lovelife mo ha! Gusto ko bago tayo mag-
college masaya tayo! Hahaha!" at tuluyan na syang naglandi-- I mean, umalis.

Ako naman eh pumunta na rin sa loob ng banyo at naligo. Then after nun eh nagbihis
at lumabas ng bahay. Hmm, ano kayang pwedeng gawin? Sa pag-iisip ko eh biglang may
dumaan na dalawang batang nakasakay sa bike na tatlo yung gulong. Siguro nasa grade
1 or grade 2 na sila. Tapos nakaangkas yung babae doon sa likod ng lalaki.

TT__TT

Bwisit na mga batang 'to!! Bakit ba pinapaalala nila sa akin yang bike scene na
yan!! Ayoko na nga munang maisip si Ryde eh! Badtrip naman oh :'(

At dahil sa mga batang 'to eh naisipan kong manghiram ng bike dun sa kapitbahay
namin. Pinahiram rin naman agad nila ako. Buti nalang mababait sila. Syempre, ano
pa nga bang gagawin ko? Eh di magbibike. Pero..

Di ako marunong mag-bike T_T

Sumakay ako sa bike at tinry kong magpedal pero.. waaah! Di ko kaya ng dalawang
paa! Baka matumba eh! Kailangan nakasayad yung isa kong paa sa lupa! >_< Shet. Ang
hirap pala neto! Lalo na siguro kung mag angkas ka pa. Psh. Okay. Kaya ko 'to.
Fighting!!

"Hyaaaaa!!!!" tinry kong magpedal ng dalawang paa at.. NAGAWA KO SIYA!! "Yehey!
Shet ang galing ko! Wuhoo!!"

Pero bigla akong nagpanic nung parang tumatagilid na ako dahil nagdiwang ako
masyado. Waaah bubunggo ako! Bubunggo ako!! >_<

...

Eh? Bakit parang di ako bumunggo? Napadilat naman ako para makita yung nangyari.
Pagtingin ko, may nakatayo sa harapan ko at hawak-hawak niya yung manibela ng bike
at pinigilan akong bumangga.

"Ryde?" tinignan ko yung mukha niya.. "Daniel?"

"Disappointed?" then nag-smile sya sa akin.

"Aha..ha. Hindi naman. Thanks pala sa pagpigil nung bike. Akala ko mabubunggo na
ako eh. Hahaha. Oo nga pala, bakit ka andito?"

"Hmm, wala naman. I just want to see you. So, how are you?"
Eto. Brokenhearted. Malungkot. Zombie. Patay ang puso. Naging corny na. Gusto ko
sanang sabihin sa kanya kaso nahiya naman ako. Baka pagtawanan niya pa ako >_>

"Hahaha! Ayos naman! Ganun pa rin!" then nag-smile ako sa kanya.

"Aeisha. Don't lie." bigla akong napatingin sa kanya.

"Eh?"

"I can see it in your eyes. You're.. not okay. Dahil ba 'to kay Jin?"

PAK. Aray. Tagos. Sakto ah. Bull's eye 'tong Daniel na 'to :\ napayuko nalang ako
agad.

"I guess that means I'm right." nakita ko namang umupo siya doon sa may sidewalk.
Bumaba ako doon sa bike at dinala doon sa pwesto ni Daniel.

"Hay. I should know it better." biglang sabi niya. Ano daw?

"Ano yun?"

"Ah wala."

"Eh?" Ang gulo naman ni Daniel. May sinabi sya tapos biglang wala? Luh? Labo >_<

"Espesyal ka sakin Aeisha. Kaya ayaw kong nakikita kang nasasaktan o umiiyak. I
really want to protect you. Gusto ko lagi akong nasa tabi mo. But I think I'm not
the right one for that job. I want you to be happy." tapos nginitian nya na naman
ako. Bigla syang tumayo at lumapit sa akin. Then ginulo niya yung buhok ko.

"Kaya, wag ka nang umiyak okay? Haha. Nahihirapan din ako eh. I promise, I'll bring
back that happy face of yours." tapos ginulo na naman niya yung buhok ko. =3=

Then naglakad na siya palayo sa akin. Hmm, what's with him? Pero, I'm glad.
Nakakatuwa kasi andyan sya para sa akin. Para ko na kasi syang kuya eh. He's
awesome ^_^

"Hay, kawawang bata naman iyon."

O_O

"My God lola!! Jusko! Kanina pa ba kayo dyan?! Aatakihin ako sa puso dahil sa inyo
eh." ang adik neto ni lola! Bigla ba namang sumulpot doon sa likod ng mga halaman?!
Nag-eeavesdrop pala!

"Eh? Sarreeehh. Di ko naman kayo pinanood eh. Pinakinggan ko lang yung usapan nyo.
Ahaha. Pero kawawa siya, apo."

"Ha? Bakit naman po?" pano naging kawawa si Daniel? Anong pakana na naman 'to ni
lola?

"Eh mukhang wala na syang pag-asa eh. Mukhang suko na sya."

"Haaaa?"

"Ay jusmiyo kang bata ka. Kabagal mo pagdating sa mga ganitong bagay. Ahaha. Hala
sige, papasok na ako. Hahaha."

Anyare kay lola? Ang saya niya ata?

Oh well, makapag-bike na nga lang ulit.

*******************************************
[52] Chapter LI
*******************************************
Thank you sa paghihintay ng update! Eto na po :))

Dedicated to: embezzledheart, natawa ako sa comment mo. AHAHAHA! Thank you :*

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

It's been 2 weeks. May pasok na rin kami dahil tapos na ang sembreak. Hay. Shet.
Makikita ko na si Ryde. Iniisip ko palang kung anong pwedeng mangyari, nangangatog
na yung kalamnan ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon.

TT__TT

Namimiss ko na siya.

"Oh ayan ka na naman sa mukha mo ha. Tapos mamaya sasabihin mo na naman sa akin,
'Waahh Yem namimiss ko siya huhuhu' ha? Ansabe kasi ng kadramahan mo dati eh! May
pagoodbye goodbye ka pang nalalaman!"
TT_TT

Kita nyo 'tong si Yem. Di ko alam kung bestfriend ko ba talaga 'to o tagasira ng
pangarap ko eh. Porket nagkakamabutihan lang sila ni Chris, ganyan na siya! Eh di
siya na may lovelife =3=

And speaking of Chris.. tumatakbo siya ngayon sa may field. PE ata ng section nila.

"Kyaaa si Chris!! Huwooowww!! Ang cool niya talaga! \(*o*)"

"Shut up Yem. Die." -__- kainis. Sa akin pa talaga pinarinig eh. Alam naman niyang
sensitive ako ngayon pagdating sa lecheng love na yan eh.

"Heh! Bitter!! Hahahahaha! Bitter mo te! Tara na nga!"

Then umakyat na kami papunta sa room. Pero bawat hakbang ata ng paa ko eh lumalakas
yung tibok ng puso ko. Sheeeeet! Makikita ko na siya ulit! Pero anong gagawin ko?
TT_TT Sabi ko di na siya nag-eexist sa buhay ko eh. Wala. Kinain ko rin yung sinabi
ko. Kainis na Ryde yan! Perwisyo sa buhay! Huwaaa ayaw kong pumasok!! T__T

Pagdating namin sa room..

DUGDUGDUGDUG.

Andun siya sa likod ng upuan ko.

OMAYGAD anong mukha ang mahaharap ko sa kanya?! Waah! Ang awkward na nito! Kasi
naman eh TT_TT Wala naman akong nagawa kundi magstraight-face at magdire-diretso sa
upuan ko. At pagkaupung-pagkaupo ko eh kinilabutan ako. Di ko alam kung may malakas
ang 6th sense ko o sadyang assuming lang ako pero feeling ko nakatingin siya sa
akin. Halaaaa TToTT
Buong class period namin eh para akong estatwa. Parang konting galaw ko lang eh
mamamatay ako sa sobrang pagkaconscious. Pawis na pawis na nga ako sa sobrang kaba
eh. Peste naman kasi eh! Bakit nasa likod ko siya?! Pwede bang kahit ngayon lang eh
ibahin yung seating arrangement? Hindi ko 'to kinakaya eh. Kahit namimiss ko siya..
err.. eh ang awkward pa rin. Kaya nagpasalamat ako nung dumating ang lunch break.

"Oy Yem dalian mo nagugutom na ako!!" pagkadismiss na pagkadismiss sa amin ng


teacher eh ako ata ang unang tumayo sa upuan at talagang kinaladkad ko si Yem
palabas ng room.

"Whoa!! Hoy Poleng pwede kasing magdahan-dahan! Natatae ka ba at sobrang


nagmamadali ka?" binatukan ko siya ng malakas. "Ouch ha!!"

"Eh ang gaga mo eh! Syempre kanina pa ako dun nacoconscious no! Eh nasa likod ko
kaya siya! Haaay! Nakahinga rin ako ng maluwag."

"Aysows! Pero nung sembreak para kang zombie na ewan! Mukha kang 'namimiss ko na
siya! Namimiss ko na si Ryd--' hmmm!!" tinakpan ko bigla yung bibig niya. Adik
talaga 'tong babaeng 'to! Pano kung may makarinig! >_<

"Naku Yem yang bunganga mo tatahiin ko talaga yan! Tara na nga sa canteen! Walangya
ka ever!"

Hanggang sa makarating kami sa canteen eh takip-takip ko talaga yung bibig ni Yem.


Mahirap na. Baka kung anong lumabas doon eh. Bakit ba kasi ang daldal ng babaeng
'to? -__-

"Hah! Pakshet ka! Papatayin mo ba ako? Hoy wag kang ganyan Poleng ha! Gusto ko pa
magkapamilya kay Chris!"

O_O

Ibang klase 'tong babaeng 'to ah. Bulgaran talaga. (_ _'')

Pumila naman agad kami at bumili ng pagkain. Pero in fairness, nagutom nga talaga
ako. Nakakagutom palang maconscious sa galaw mo? Ngayon ko lang yun naranasan ha.
Para akong nanlambot na ewan eh. After naming makabili eh pumwesto na kami dun sa
isang table at kumain.

"Oh anong balak mo ngayon?" napatigil naman ako sa pagkain.

"W..wala. Bahala na."

"Sus. If I know eh gusto mo syang kausapin."


"Hindi no. Ni hindi ko nga magawang malapitan eh. Tsaka mas mabuti nang ganito.
Hahaha. Parang balik lang sa dati bago ko sya makilala. Hahaha!"

"Sige lang tumawa ka. Akala mo naman hindi ko alam na peke yan. Excuse me lang ha?
Best friend mo ako kaya kabisado ko na bawat galaw at kilos mo." napatingin nalang
ako kay Yem. Sabi ko nga, wala akong takas sa kanya.

"Eh basta. Ayoko muna syang makausap. Baka kasi kailangan niya ng time at space
para sa problema niya eh. Ayoko namang makadagdag pa no. At isa pa, may kailangan
akong isagawa ngayon." then sinaksak ko ng tinidor yung fried chicken na ulam ko.

"Ohh. Gusto mo tulungan kita? *evil grin*"

Best friends talaga kami >:))

At sakto nga namang may pumasok na bitchesa sa canteen. Shet nagsisimula na namang
kumulo ang dugo ko. Taeng 'to. Lagot talaga siya sa akin.

Tuluy-tuloy lang na naglakad si Serene papunta doon sa may counter, pero dahil
madadaanan niya kami, eh may ginawa akong kahindik-hindik.

*BLAG*

"OUCH!! Oww!! Aray! What the f--"

"Oh sorry. Di ko sinasadya." sabi ko sa kanya with my napakagandang painosente


face. Well, pinatid ko lang naman siya. Eh sino bang tanga ang di tumitingin sa
nilalakaran niya? Ahaha! Buti nga >:) Ang sarap sana niyang tawanan ng malakas eh,
kaso baka magbugbugan kami dito sa canteen. Ma-guidance na naman ako >_>

"You bitch--!! Uwaaaaa!!!!" this time, si Yem naman ang gumawa ng move. Bigla
niyang sinagi yung tubig sa gilid kaya tumapon sa kanya habang nakaupo siya doon sa
may sahig. BWAHAHAHA! This is great!

"Hala! Sorry po. Nasagi ko yung baso. Okay ka lang?" sabi rin ni Yem at talagang
todo-acting siya ha. Hahaha! Shet, muntik na akong matawa. Phew -__-

"UUUGGHH!! Ano bang problema niyong dalawa ha?! You--" susugod na sana siya at
nakahanda na ang lilipad kong fried chicken sa mukha niya kaso biglang may
nanghatak sa kanya.

"R..ryde." Shet. Wrong-timing. And did he see what happened? OMG. Bigla na namang
nag-dugdugdug yung puso ko. Pakshet naman oh!! Anong gagawin ko?!

"Ryde!! Waaaahh! Help me! They're bullying me!" tapos bigla siyang yumakap kay
Ryde.

WAAAH HAYOP KANG BABAE KA MAPAPATAY TALAGA KITA! TANGGALIN MO YANG BWISET MONG
KATAWAN KAY RYDE!! TAE KA! SHET! KUNG MAKALINGKIS AKALA MO AHAS! NAKOOO PIGILAN
NIYO AKO MASASAKSAK KO TALAGA SIYA NG TINIDOR!!!

Isusumpa ko na sana si Serene kaso biglang nagsalita si Ryde.

"Enough Serene." tapos tinitigan niya si Serene. At parang natakot siya na ewan and
then lumayo siya ng konti kay Ryde. Tss. Malapit pa rin +__+ pero at least di na
nakayakap. Badtrip.

Nagulat naman ako nung lumapit sya sa akin at nakatitig lang siya. Gusto kong
umiwas ng tingin pero parang na-mighty bond ata yung mata ko sa kanya. Pakshet.

"Hey."

DUGDUGDUGDUG.

OMG. OMG. OMG.

Ayoko siyang kausapin! Mamamatay ako! Tulong! Uwaaaa! Titingin sana ako kay Yem
kaso nagulat ako nung hinatak siya bigla ni Chris. Teka?! San galing 'tong lalaking
'to?! Bigla-bigla nalang sumusulpot!

"Sorry Aeisha, I'm gonna run away with her. Hahaha. Bye!" ewan ko pero nawalan ako
ng pag-asa sa rescue operation ni Yem dahil parang nanigas na siya nung hinawakan
ni Chris yung kamay niya. Shet!!

Waaaah help meeee TT__TT


"Well, I asked him to help me."

WHAT?! AT.. NAG-UUSAP NA SILA? WHOA. TEKA TEKA ANO BANG NANGYAYARI SA MUNDO?
Aaaaahhh ayoko na! Please help me! Someone help me! Get me outta here! Kahit sino..

PLEASE HELP ME!

"Let's talk--"

"Oy Aeisha!!"

O_O

Oh my gosh!

"Daniel! Ha..haha. Bakit?" then lumapit siya sa akin and then tumingin siya kay
Ryde. At nagtitigan lang sila doon. Problema nila (?_?) Pero buti nalang at
dumating si Daniel! Ligtas ako! >_<

"Ah oo nga pala Aeisha, pinapatawag ka ni coach. May sasabihin daw sya sayo."

"T..talaga? Oh sige, pupunta na ako! T..tara!"

"Okay."

Sinundan ko lang si Daniel palabas ng canteen at iniwan ko doon si Ryde na


nakatayo. Parang gusto kong pagsisihan yung ginawa ko pero.. pero kasi.. ang gulo
pa ng sitwasyon namin eh. :\ Ano bang gagawin ko? :'(

"Oh. Gamitin mo muna." pagtingin ko, inabutan ako ni Daniel ng panyo. Di ko


narealize na tumulo na naman pala yung luha ko. Ano ba yan, lagi nalang :'(

"S..sorry :'("

"Ano ka ba. Di ba sabi ko sa'yo, I'll protect you? And nagpromise rin ako na
babalik rin yang ngiti sa mga labi mo. I'll fulfill that soon." tsaka niya ako
nginitian. I'm really thankful at naging kaibigan ko si Daniel. He's so nice. :'(
Naglakad kami papunta sa gym at nakita kong nakatayo doon si coach. Andun rin halos
lahat ng members. Ano kayang meron?

"Coach. Andito na si Aeisha." sabi ni Daniel kay coach.

"Oh good. Ngayon, kumpleto na tayo. Well, I have a good news to all of you. Pasok
ang school natin sa regionals ng Badminton."

WHOA! TALAGA?! OMAYGAD! Ang galing naman ng mga naglaro! Waaah I'm so proud na
kabilang ako sa Badminton Club!

"Pero ang bad news, Darren and George were injured in the last game. So kulang tayo
ng dalawang players. Kaya, Aeisha, as well as Chris.." then napatingin ako sa may
gilid. Whoa! Andito pala si Chris! Di ko siya napansin! Teka, eh asan si Yem? Di ba
magkasama sila?

"I want the two of you to be part of the main players sa regionals. I have my faith
in you. Okay? Good luck." then tinapik ni coach yung balikat ko.

Did I hear it right?

Me? As in ako? Main player?

O__O

OMAYGAAADDDD!!!!

*******************************************
[53] Chapter LII
*******************************************
Maikling update! Hahaha!

Dedicated to miss imjane16. Thank you <3

***********************************************************************************
******

For the past few days, excused ako lagi sa PE namin. Eh syempre, training para sa
regionals ng badminton. Pressured nga ako eh >_< Nakakatakot kaya! Mamaya baka ako
pa maging dahilan ng pagkatalo namin eh. Bakit ba kasi ako yung napili ni coach? Di
naman ako magaling eh. Tsaka amateur palang ako T__T

"Aeisha!! Hahaha! Kamusta? Grabe no? Nakakapressure pala 'to." tumabi sa akin si
Chris sa may bench. Break kasi namin kaya nagpapahinga muna ako.

"Oo nga eh. Katakot."

Then bigla kong naalala..

*PAK*

"Aray ko! Huy huy! Bakit mo ako hinampas? Anong ginawa ko sa'yo?" pagtingin ko sa
mukha niya, di ko alam kung maiinis pa ba ako o matatawa nalang. Pano kasi para
siyang bata na naagawan ng candy. Hahaha! Pa-cute eh.

"May kasalanan ka sa akin! Nung monday! Walangya ka! Bakit mo tinakbo si Yem?!"

"Hah? Eh bakit ba? Bawal ko ba siyang itanan? HAHAHA!" napanganga naman ako sa
sinabi niya. Sabay hampas ulit sa braso niya.

"Aray naman!! Aray ko!! Ano na naman?!"

"Anong itanan ka dyan?! Baka gusto mong itali kita sa puno?!"

"Eto naman di mabiro! Syempre di ko itatanan si Alyssa no. Bakit ko pa sya itatanan
eh asawa ko na yun." and for the second time, napanganga na naman ako sa
pinagsasabi niya. Hahampasin ko sana ulit siya kaso nakalayo siya agad.

"Hoy hoy Aeisha tama na! Ang sadista neto! Joke lang naman! Di ka naman mabiro!"

Walanghiyang Chris 'to! Di ko na talaga alam kung maiinis o kikiligin nalang ako sa
mga sinasabi niya eh. Pero wala, mas nanaig yung kilig ko sa kanila ni Yem. Jusme,
kung ako kinikilig na sa mga sinabi niya, pano pa kaya kung malaman 'to ni Yem? For
sure mamamatay yun sa sobrang kilig. Baka atakihin yun sa puso. Ang tindi pa naman
niya kiligin -__-
"Haha. Sabi pala sa akin ni Alyssa nung nakaraan, ang bitter mo daw." +__+
walanghiya talaga yung Yem na yun. Ipagkalat daw ba?! Papatayin ko sya mamaya sa
kilig. Humanda siya!

"Hah! Excuse me?..." shet. Wala akong masabi. (_ _'')

"Ahahahaha! Dahil kay Ryde no?" para namang automatic yung kamay ko at nahampas ko
na naman siya kahit na malayo sya sa akin.

"Aray!! Ang sakit na ng braso ko ha!"

"Eh ikaw kasi eh! At saka kelan pa kayo nag-usap ulit?! Akala ko ba hindi na kayo
nagpapansinan? Anong nangyari?" bigla namang nagbago yung itsura niya. Naging
seryoso yung mukha niya.

"Nung sembreak lang. Pero di ko kasi pwedeng sabihin kung anong nangyari eh. Haha."

"Psh."

"Taray ah? Hahaha." kainis 'to. Iniinis talaga ako eh >_>

Bigla namang dumating si coach kaya napatayo kami ni Chris. Nagtraining ulit kami
hanggang matapos yung PE time namin. Nakaone-on-one ko pa si Daniel. Grabe lang!
Ang hirap niya kayang kalaban >_< Captain siya eh!

After nun eh sumabay sa akin si Daniel at Chris sa pag-akyat sa 3rd floor. Pare-
pareho kasi kaming nasa 3rd floor ang room. Para ko nga silang bodyguards kasi nasa
likod ko sila eh. Hahaha sosyal ko no? Hunks ang bodyguards ko.

Pagdating namin sa tapat ng room ko eh nagbabye sila sa akin, then pumasok naman
ako agad. Wala pa ngang tao eh. Siguro nagpapalit o kaya nasa CR pa yung mga yun.
Katatapos lang rin kasi ng PE class nila. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa
upuan ko. Pero parang may ewan na pumasok sa utak ko kaya napatingin ako sa likuran
ko. Tinignan ko yung upuan ni Ryde.

Haaaay :'(

Isusubsob ko na sana yung mukha ko sa desk ko kaso may nahagilap yung mata ko. Then
tinignan ko yung bag niya. Tapos napatingin rin ako sa bag ko.

O///O

Hala! Oh my gosh. Ano ba Aeisha umayos ka! >///<

Eeeeehhh!

Yung ano kase.. yung keychain! Badtrip naman eh! Bakit meron rin syang nakasabit sa
bag?! Gaya-gaya sya >///< pero sya naman kasi nagbigay nun eh. Aaaahh! Tama na nga!
Para na naman akong tanga neto eh! Behave! Behave!

Napasubsob naman ako agad sa desk ko nung naramdaman kong may paparating. Kunwari
nalang tulog ako >o< Sino kaya yung dumating? Pero sure ako na hindi yan si Yem.
Hindi maingay eh. Iaangat ko nasa yung ulo ko pero may naramdaman akong gumalaw sa
may likuran ko.

O_O

Omaygad. Don't tell me.. si Ryde yung dumating?!

Naramdaman ko na malapit sya sa akin. At halos mapatayo ako sa gulat nung hinawakan
nya yung buhok ko. Shet! Muntik na akong gumalaw! >_< A..anong pinaggagawa nya?!
Bakit sya ganyan? TT__TT Ang gulo nya talaga forever eh.

After nun eh umupo na ulit ata siya. Shet naman classmates, dumating na kayo
please? Di ko kinakaya 'to eh :((

(A/N: STOP! Iplay muna ang kanta sa gilid. Para masaya XD)

"Wala na kong magagawa

Para mapigilan ka

Tinatanong ko ang sarili

Kung san ako nagkamali."

Napatigil ako sa pagpapanic. Kumakanta sya. Gosh. Marunong pala syang kumanta? At..
at.. bakit ganyan yung kanta nya? :'(

"Di ko rin inakala

Na ika'y mag-iiba

O kay saya ko sa'yong piling

Bibitaw ka rin pala."

Biglang sumakit yung puso ko sa kinakanta niya. Kahit di ko nakikita yung mukha
niya, naiimagine ko yung itsura niya habang kumakanta. At bakit ganun? Ang lungkot
ng kinakanta nya. Ang sakit :'(

"Di ka ba nanghihinayang sa atin

Kailangan na bang tapusin."

Tama na please. Bakit ganyan yung kanta? :'( Naiiyak na ako. Ryde naman eh. Anong
bang gusto nyang mangyari :'(

"Sandali lang

Wag mo munang

Sasabihing ayaw mo na

Di ba pwedeng

Pag-usapan ang lahat ng ito."

At di ko rin kinaya. Naiyak na naman ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Naman oh :'( Baka mahalata niyang umiiyak ako. Kakainis. Bakit ganyan yung lyrics
ng kanta? Tapos siya pa yung kumakanta. Please classmates dumating na kayo. Ang
sakit na ha :'(

"Poleeeeeengggg!!! Tulog ka?!"

Si Yem! Teka, pag bumangon ako ngayon, makikita nya na umiiyak ako. Uwaaa what
should I do?! TToTT Kasi naman si Ryde eh! Hobby na niya ba na paiyakin ako ngayon?
Ang sama niya ha :'(

Pasimple kong pinunasan yung pisngi ko tsaka yung mata ko, saka ko tinaas yung ulo
ko. Ewan ko kung ano nang itsura ko, pero at least wala nang luha.

"Oy Yem, andito ka na pala."

"Oo nga. Nagtext sakin si Chris. Tinadtad mo daw siya ng palo. Hoy te, wag mo
namang ganunin yung tao!" kita mo 'tong babaeng 'to. May tama na talaga 'to kay
Chris eh.

"Sorry naman. Eh nang-aasar siya eh."


After nun eh nagklase na rin naman agad. Pero hindi rin naman ako nakapakinig sa
kahit anong subject dahil bukod sa sobrang pagod ako sa training eh wala pa ako sa
matinong pag-iisip dahil sa ginawa ni Ryde. Buti nalang at uwian na ngayon. At ang
malas ko lang talaga ngayon dahil di makakasabay si Yem. May meeting kasi sila sa
chorale. Tsk. Ganda naman ng timing oh.

Wala akong nagawa kundi umuwi mag-isa. As usual, nakasakay na naman ako sa jeep ni
manong. Sa unahan ako sumakay.

"Oh hija, mukhang matamlay ka ngayon ah?" inabot ko naman kay manong yung bayad ko.

"Ah.. wala naman po 'to haha." napatingin nalang ako doon sa daan. Then nabaling na
naman yung atensyon ko doon sa picture na nakadikit doon sa may gilid ng salamin.

Tsk. Pamilyar talaga sakin yung nasa isang litrato eh. Yung bata. San ko nga ba
siya nakita? Pati yung isa ring picture ng dalaga. Parang nakita ko na rin sya
somewhere. Nabobother talaga ako eh.

"Ahm, manong? Sino po 'tong nasa picture?" then tinuro ko yung bata.

"Ah iyan ba? Anak ko yan. Pero wala na sya eh."

"Oh. S..sorry po manong." shiz. Mukhang nalungkot si manong. Hala, sana pala di ko
na tinanong.

"Okay lang hija." then ngumiti sya pero halata namang malungkot yung ngiti nya :(

Gusto ko pa sanang tanungin kung sino yung dalaga kaso nahihiya na ako. Baka wala
na rin siya at lalo lang malungkot si manong. Tapos bigla kong naisip, mag-isa
nalang kaya siya ngayon? Wala na kaya siyang pamilya o kasama?

Napansin ata ako ni manong na nakatingin lang sa kanya kaya nginitian niya ulit
ako.

"Naku hija, ayos lamang ako. Wag mo akong intindihin. Haha. Marami na akong
nakitang namatay na mahalagang tao sa buhay ko kaya hindi na ako masyadong
apektado. At matanda na rin ako. Siguro susunod na rin ako sa kanila. Tutal..
namimiss ko na rin sila." tapos bigla syang tumingin sa pictures at nakita kong may
pumatak na luha sa mga mata niya.

Di ko alam pero naiyak nalang ako sa sinabi ni manong. Bakit ba ganyan silang mga
matatanda? Bakit ganyan yung sinasabi nila? Di ba nila alam na ang sakit sa
kalooban kapag sinasabi nila yung ganyang bagay? At isa pa.. nakakaiyak na makakita
ng isang matanda na umiiyak :'(
"Wag kang umiyak hija. Sorry sa mga sinabi ko. Oh sige, dito ka na bababa di ba?
Pero salamat sa pag-iyak. Mabait kang bata." tapos hinawakan niya yung ulo ko at
ngumiti siya sa akin. After nun eh pinaandar na niya agad yung jeep niya habang ako
eh naiwan doong nakatayo.

*******************************************
[54] Chapter LIII
*******************************************
Yey! May update *O* Ahaha! Sorry bara-bara lang 'to XDD

Dedicated to Ms. eiram028. Thank you po sa pagbabas :*

***********************************************************************************
*********

"Ready na ba kayo team? Galingan nyo okay? Fight!!"

"Yes coach!! Hah!!"

Hala hala hala!! Kinakabahan na ako!! Kasi naman eh! Shet! Parang drum na yung puso
ko eh! Leshe ang lakas ng tibok ng puso ko!!

Pumunta na kami doon sa may gitna at pumwesto. Kaming dalawa kasi ni Daniel yung
para sa Doubles ang maglalaro. Then pagtingin ko sa crowd, parang gusto ko nalang
himatayin. Ang daming tao, takte!! Nanlalambot yung tuhod ko!

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Daniel.

"Ahh..o..oo kinakabahan lang.. whew!"

"Haha, ayos lang yan. Isipin mo nalang pinapanood ka lang ng mga taong importante
sa'yo."

"O..okay."

Bigla ko namang naisip sila Aera, Yem, lola at..


"Ryde?!" nagulat ako nung mabaling yung tingin ko doon sa isang part ng mga
nanunuod. Shet. Akala ko si Ryde yun. Kamukha lang pala. Kainis!! Bakit parang
lahat ng lalaking nakikita ko eh mukha niya yung naiimagine ko?! Leshe umalis ka
muna sa utak ko please! Kahit ngayon lang!

"Aeisha, tara na." nabigla naman ako nung hinawakan nya yung balikat ko. Nakatulala
na pala ako.

"O..okay." hinawakan ko ng mahigpit yung raketa ko at nagready position na.

*prrrrrttt*

And then nagsimula na ang game. Kalaban pala namin ngayon yung school malapit sa
school namin. Lagi namin tong rival sa sports at acads eh. Yung kalaban namin eh
isang babae at lalaki rin. Siguro 4th year high school rin sila.

Sila yung unang tumira. Nabalik ko naman agad sa kanila yung shuttlecock at tinira
ulit yun ng babae pabalik sa akin. Si Daniel naman ang tumira after at nagkaroon na
nga ng rally. Then bigla kong tinira ulit pababa yung shuttlecock papunta sa
kanila.

Di nila naibalik sa amin.

"Nice Aeisha!!" sabay appear sa akin ni Daniel. Kabadong-kabado pa ako nun na


tipong nanginginig yung kamay ko dahil di ko akalaing magkakapoint kami.

"Way to go Bernardino!! Good!!" sigaw sa amin ni coach.

"Whooo go Aeisha!! The best ka!! Galingan mo!!" sigaw naman ng teammates namin.
Putek, lalo lang akong napepressure eh T__T alam ko namang tsamba lang yung kanina
eh.

"WHOOO BEST FRIEND KO YAN! GALINGAN MO POLENG! SASAPAKIN KITA PAG DI KAYO NANALO!
WHOOOO!!!"

Napatingin naman ako doon sa pinanggalingan ng napakalakas na boses. At sino pa nga


bang eskandalosa ang ieexpect nyo? Ayun, si Yem, na may hawak pang cartolina na
nakasulat:
*GO AEISHA PAULINE BERNARDINO AND CHRIS MYLOVES ♥♥♥*

Putek?! Napakaganda ng sinulat niya ha! Ako ang nahihiya para sa kanya eh! Ang
landi ng babaeng 'to! Then tinignan ko si Chris doon sa may bench, aba, todo-ngiti
pa sya kay Yem. Nakakainis ang landi nilang dalawa T__T

"Aeisha!!" napabalik yung tingin ko sa court at nakita kong papunta na pala sa akin
yung shuttlecock. Uwaaah!! "Pay attention!" Phew! Akala ko sasakto na sa mukha ko
eh, buti nalang natira ni Daniel pabalik sa kalaban >_<

"S..sorry." nakakahiya tuloy. Kasi naman si Chris tsaka si Yem eh! Hayaan na nga
muna sila. Focus Aeisha!

Matapos ang halos 1 hour na laban namin, nanalo rin kami dahil akala nung kalaban
namin eh 'out' yung tinira ko pabalik sa kanila. Pero ayon sa umpire, eh 'in' daw
yun. Aba, kung sinuswerte ka nga naman oh!!

"And the winner is, ******* High School!"

And then biglang nagsigawan yung crowd. Oh gosh, totoo ba 'to? Nanalo kami? As in
kami? NANALO KAMI?! Waaaahhhh!! Nanalo kamiii!!!

"Yes! We won!" bigla tumakbo papunta sa akin si Daniel at niyakap niya ako. Pati
sila coach nakitakbo na rin at napayakap sila sa akin. Uwaaa naiiyak ako T__T totoo
ba talaga 'to? Shet, ang sarap sa pakiramdam.

"Coach T__T" wala na naiyak na talaga ako. Masyado akong naoverwhelm eh. Kainis
naman oh!

"Good job, Bernardino! Ang galing nyo ni Agustin! Magcelebrate tayo mamaya!
Hahaha!" tapos ginulo ni coach yung buhok ko at pinaupo muna ako doon sa bench.
Magsisimula na kasi yung single player round. Si Chris nga pala yung lalaban para
doon. Di ko nga alam kung bakit nagpalit sila ni Daniel eh. Dapat kasi si Daniel
yung lalaban para dun tapos kami ni Chris sa doubles. Hay, yaan na nga.

"WHOOO!! GO CHRIS!! GALINGAN MO!! GO GO GO FIGHT FIGHT FIGHT! YEEEEAAAAHHHH!!" yung


iyak ko kanina eh biglang napalitan ng ngiti kasi parang timang si Yem doon sa
taas. Talagang nakatayo pa sya at winawagayway niya yung cartolina na hawak niya.
Pag talaga sinaktan siya ni Chris, ililibing ko sya ng buhay. Ngayon ko lang nakita
na ganyan siya ka-hyper at kaingay pagdating sa isang lalaki.

Nagpaalam naman sa akin si Daniel na magbibihis daw muna siya at bibili na rin daw
sila ng food. Kaya ang natira dito sa bench eh kaming dalawa lang ni coach. Nagulat
naman ako nung nasa harapan na pala namin yung nakalaban namin kanina na girl.

"Congrats!" sabay ngiti niya sa akin. Shet, ang ganda niya.

"Uhh, t..thank you." then napatingin ako kay coach. Eh kasi diba kadalasan pag
kinocongrats ka ng kalaban eh parang madalas plastic? Pero nakikita ko sa kanya eh
sobrang natural ng ngiti niya. Idagdag mo pa na ang ganda niya. Ngayon ko lang
napansin kasi di ko siya masyadong tinitignan kanina dahil sa shuttlecock lang ako
nakafocus.

"Pwedeng umupo?" tanong niya.

"S..sure." ang awkward naman nito >_<

"Bernardino, dun muna ako sa kabila okay? Para marinig ni Bellardo yung sasabihin
ko." sabay tayo ni coach. Nagnod naman ako at saka siya tuluyang umalis.

"Aeisha, right?" napatingin ulit ako doon sa babae. Pano niya nalaman yung pangalan
ko? Hala?

"Uhm, opo."

"Naku wag mo na akong i-opo, magkasing-edad lang naman tayo eh. Hahaha! Kamusta nga
pala si Ryde?"

O_O

What? Kilala niya rin si Ryde? Sino ba 'tong babaeng 'to?

"Uhh.. kilala mo sya?"

"Oo naman. Close kami nun! Hahaha! Mukha nga yung timang netong year na 'to eh.
Psh. Bigla nalang nag-emo-emo. Parang tanga lang. Di ko tuloy siya mapagtripan
dahil baka kung anong gawin nun sakin." napanganga nalang ako sa sinabi niya.
Seriously? Sino sya?

"Uhm, mawalang-galang na pero.. sino ka pala?"

"Ay sorry! Nakalimutan kong magpakilala! Hahaha! I'm Reya Montalbo, pinsan ko si
Ryde. Nice to meet you!" then nakipagshake-hands siya sa akin.

OKAY. TEKA LANG. DI KO PA MADIGEST. PINSAN?!


"Tsk. Andyan na si Daniel panget. Kainis. Sige Aeisha, usap nalang ulit tayo
mamaya! Bye!" then bigla na siyang tumayo at pabalik na siya sa bench nila pero
bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Nga pala, sabi ni Ryde, congrats daw!
Parang timang din yun eh, di nalang sabihin ng personal. Psh. Ayaw pa kasing bumaba
dito. Tsk."

Bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko. Anong sabi niya? Andito si Ryde?

"Nanood siya?!" napatayo pa talaga ako at lumapit ako sa kanya.

"Uhh? O..oo, andun siya sa taas kanina eh. Ewa--"

"Salamat!" then tumalikod ako sa kanya at tumakbo papunta doon sa hagdan. Andito
sya? Nanood siya? Shet ka Ryde! Di talaga kita magets!

Tumakbo ako at makakasalubong ko sila Daniel pati yung teammates ko. Tinawag pa
nila ako pero di ko sila pinansin at tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa
makaakyat ako sa taas. Kahit hinihingal na ako eh tumakbo pa rin ako para mahanap
siya.

Ngayon, kaya ko na. Kakausapin ko na siya. Dahil sa ginawa niya kahapon sa room eh
mas lalo ko na siyang gustong kausapin. Gulung-gulo na talaga ako sa kanya. Ganun
ba talaga kakumplikado mag-isip ang mga lalaki? Hindi ko sila mabasa.

Asan ka na ba Ryde?! Please, magpakita ka naman! Tsk!

Tumakbo ako papunta sa hallway dahil baka paalis na siya. Lumiko ako sa kanan at..

ANDOON SIYA. ANDOON SI RYDE.

Sisigawan ko na sana siya pero hindi ko naituloy dahil biglang may lumabas na babae
sa gilid.

Si Serene. Magkasama sila?


"Tara na." sabi ni Serene kay Ryde. Then tumalikod na sila.

Shet. Ayan na naman. Please naman, wag muna ngayon. Naiiyak na naman ako. Taeng
luha naman 'to oh :'( Nasayang lang yung pagtakbo ko. Siguro nga, wala lang yung
ginawa niya kahapon. Siguro nga, wala lang ako sa kanya. Bakit ko ba ipagpupumilit
yung sarili ko sa kanya kung meron naman na siyang kasama?

Napayuko nalang ako doon. Para lang pala akong tanga dito. Hinahabol ko pa sya,
hindi ko naman pala sya maabutan. :'(

"AEISHA!!" nagulat naman ako nung may sumigaw ng pangalan ko sa likuran. Boses ni
Daniel yun. Pero ang mas ikinatakot ko eh yung biglang lumingon si Ryde at si
Serene sa direksyon namin. Shet.

Pinunasan ko kaagad yung luha ko. Then tumalikod ako para harapin si Daniel. Kaso
pagtalikod ko, bigla na namang tumulo yung luha ko. Takte naman kasi eh :'(

Nagulat nalang ako nung niyakap ako ni Daniel. Pero thankful na rin ako. At least
di makikita ni Ryde yung mukha ko. At least, may maiiyakan ako. Alam kong
nakatingin sa amin si Ryde at Serene. Gusto ko nang umalis sa spot na 'to pero
nakatayo lang doon si Daniel.

"If you're not willing to catch her, then I will." biglang sabi ni Daniel. Hindi ko
alam kung anong ibig nyang sabihin pero ang alam ko, kausap niya si Ryde. "Tara na
Aeisha. Hinahanap ka na ni coach." then inalalayan niya ako pabalik doon sa loob.

Di nalang ako umimik habang naglalakad kami. Nangingibabaw kasi yung pag-iyak ko
eh. Ang sakit. Para lang akong tangang naghahabol. Umasa pa akong magkakausap kami,
pero ano? Makikita ko lang na magkasama sila ni Serene? Kahit na sinabi niya dating
magkaibigan lang sila, alam ko namang hindi ganun ang tingin ni Serene sa kanya eh.
Ano ba namang laban ko di ba? :'(

"I think you need this." then nakita kong inabutan ako ni Daniel ng panyo, kaya
lalo lang akong naiyak. Kinuha ko naman agad yun.
Buti pa sya, laging nandyan para sa akin. Lagi niya akong binabantayan. Bakit ba
kasi hindi nalang si Daniel yung minahal ko? Bakit ba kasi Ryde pa? :'(

"S..sorry D..daniel." sabi ko nalang sa kanya habang naglalakad kami.

"Ako nga ang dapat mag-sorry. Kung naabutan kita kanina, sana di mo sila nakita.
Sana di ka umiiyak ngayon. Sorry."

"Bakit.. bakit ba ang bait mo sa akin? Bakit lagi kang nandyan.. para sa akin?"
bigla ko nalang natanong. Napahinto na rin ako sa paglalakad. Huminto rin siya at
tumingin sa mga mata ko. Ewan ko lang pero parang ang lungkot ng mga mata niya. Mas
malungkot pa ata sa akin.

"Hindi mo ba talaga alam kung bakit?" then nakatingin lang siya sa akin. "Aeisha,
mahal kita."

Nakatingin lang ako sa kanya nung sinabi niya yun. M..mahal niya ako?

"Tsk. Tama nga sila coach at yung teammates natin, slow ka nga pagdating sa
ganito." ginulo niya naman bigla yung buhok ko. "Pero wag kang mag-alala, di naman
kita pipilitin na mahalin rin ako. Alam ko namang may iba ka ng mahal. Ang gusto ko
lang eh makita kang masaya. Kaya please, wag ka nang umiyak. Tara na nga. Baka
kanina pa tayo hinahanap doon." tsaka niya ako inakay pababa doon sa pwesto namin
kanina.

Bakit ba ngayon ko lang yun nalaman? Mahal niya ako? Siguro hindi ko lang yun
pansin dati dahil puro si Ryde yung iniisip ko. Laging na sa kanya yung atensyon
ko. Hindi ko na napapansin yung ibang taong nagmamahal sa akin. Tulad nalang ni
Daniel. Alam kong masakit kapag di ka mahal ng mahal mo. Nararamdaman ko yung sakit
na nararamdaman niya.

Pero, di ko naman kasi pwedeng pilitin yung sarili ko na mahalin siya. Hindi naman
madaling turuan ang puso na magmahal nalang bigla. Mahirap yun.

"S..sorry talaga." sabi ko nalang sa kanya tsaka ako napayuko.

"Ano ka ba, ayos lang ako. Haha, sanay na ako sa ganito. Wag mo akong intindihin."
then ngumiti sya sa akin. Bakit ba siya ganyan? Lalo lang akong naguguilty eh :'(
Nung makabalik na kami doon, nalaman kong nanalo na pala si Chris kaya naghihiyawan
yung crowd. Pinakamalakas atang tili na naririnig ko eh galing kay Yem. Nakisama
naman kami sa team namin. Pinilit ko nalang ngumiti at tumawa sa harap nila. Pero
sa totoo lang, gusto ko na namang umiyak :'(

Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Kailangan mong masaktan ng paulit-ulit hanggang
sa sumuko ka nalang? :'(

*******************************************
[55] Chapter LIV
*******************************************
Ermmm, crappy update. Sarreeeehh (lola Roma style XD) AHAHA! Dedicated to ms. Allyn
/ alliiinnnn. Thank you po sa patuloy na pagbabasa ♥♥

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

"Oy Bernardino tara na, baka maiwan ka." sabi ni coach sa akin.

"Opo, susunod na po." then kinuha ko yung bag ko sa may bench. Paalis na sana ako
pero biglang may humarang sa akin. Yung pinsan ni Ry-- haaay.

"Hello!" todo-ngiti pa siya. Tapos nabaling yung tingin niya kay coach. "Pwede po
ba akong sumama? Nagpaalam na ako kay coach! Sabi niya pwede daw akong sumama sa
inyo! Okay lang po?" tanong niya kay coach. Si coach naman eh parang nawala sa
sarili niya sa sinabi ni Reya. "Pero okay lang rin naman po na hindi kayo pumayag,
sasabihin ko nalang po kay coach Hannah na--"

"A..aaah sige sumama ka na. Bernardino, ikaw na bahala sa kanya ha." then tumalikod
na si coach. Anong nangyari doon?

"Hahaha! Cool! Totoo nga yung sinabi ni coach!" sabi naman niya.

"Uhm.. anong totoo?" nacurious kasi ako sa sinabi niya. Tsaka bakit nag-walkout si
coach? Problema nun?

"Mag-asawa kasi yung coach natin and sabi ni coach Hannah eh takot daw sa kanya
yung mister niya. Mukhang totoo nga. Ahahaha!" saka niya ako inakbayan at sinabayan
palabas ng gym.

OMG. Coach na mag-asawa?! Ayos yun ah? Pfft. Teka di ko maimagine na under pala
'tong si coach. Laki-laki ng katawan tapos takot sa misis? Hahaha!

Nakarating rin naman kami agad sa labas. Pagdating ko doon, may jeep na nakahinto.
Surprisingly, jeep yun ni manong. Pano siya napadpad dito?! Nilapitan ko siya at
tinanong kung bakit siya andito.

"Ahh. Inarkila kasi ng coach ninyo yung sasakyan ko eh. Mukhang may pupuntahan ata
kayo." sabi niya sa akin tsaka siya ngumiti. Minsan talaga nakakagaan ng kalooban
pag ngumingiti ang isang matanda.

Nagsisakay naman na sila. Nagulat nga ako na kasama pala si Yem eh. Kaya pala ang
ingay kanina sa may labas. Si Reya naman eh pinagkaguluhan ng teammates kong
lalaki. Mga yun talaga, may makita lang na maganda eh akala mo mga sasabak sa
gyera.

Maya-maya, pinaandar na rin ni manong yung jeep. Sa unahan ako sumakay. At dahil
kasya naman silang lahat sa likod eh wala akong katabi dito. Napatingin na naman
ako doon sa dalawang litrato. Hanggang ngayon nacucurious pa rin ako kung sino sila
at bakit parang kilala ko sila pero di ko na tinanong pa ulit yun kay manong.
Nakatitig lang ako sa daanan. Yung mga kasama ko naman eh nagsisikantahan sa
likuran. Buti pa sila ang saya nila. Haaay :\

After siguro ilang minuto eh huminto kami sa tapat ng isang bar. W..wait, bar?!

"Okay, baba na mga bata. Magcelebrate tayo! Ipakita nyong tunay kayong mga lalaki!
Bwahahaha!" sabi ni coach sabay sigawan ng mga lalaki sa likod. Duh coach? May mga
babae ka rin talagang mga kasama eh. Tsk. And isa pa, pwede ba kaming pumasok
dyan?! Minors pa talaga kami eh!

"Haha, this will be fun!" sigaw naman ni Reya.

Nagsibabaan naman na sila at nag-unahan pa sila sa pagpasok sa bar. Ako naman eh


nagpaiwan muna. Parang wala ako sa mood na magparty at magcelebrate.

"May problema ka ba hija?" tanong sa akin ni manong. At pagkasabing-pagkasabi niya


nun eh tumulo na naman yung luha ko. Shet naman oh. Akala ko kaya ko ng pigilan :'(

"Eh kasi po.. sakit lang na.. na.. makita mo yung mahal mo na may mahal ng iba.
Hahaha. S..sorry po, nagdrama pa ako sa inyo." saka ko pinunasan yung luha ko. Ano
ba naman yan, kung kani-kanino ko pa nailalabas yung sama ng loob ko.

"Ganun talaga yun hija. Sa pagmamahal, di maiiwasang masaktan ka." napatingin naman
ako sa kanya. Pagtingin ko, nakatitig si manong dun sa dalawang picture.

"Mas malalaman mo kung gano mo kamahal ang isang tao sa sakit na nararamdaman mo
dahil sa kanya. Pero alam mo, dapat hindi ka rin agad-agad sumusuko. Mahirap kasi
na bigla ka nalang susuko kahit hindi mo pa nasusubukang ipaglaban yung
nararamdaman mo." nakatitig lang siya doon sa pictures habang kinakausap ako. Or
more like, parang kinakausap niya yung nasa picture.

"Wag mo akong gayahin. Dahil hindi ko ipinaglaban yung pagmamahal ko, nawala siya
sa akin. Umasa lang ako sa paghihintay at di ko naisipang gumawa ng hakbang.
Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako sa nangyari. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa
nangyari dahil may maganda rin namang naidulot yun." nakatingin lang rin ako kay
manong. Pakiramdam ko sobrang lalim ng pinaghuhugutan niya.

"Ano po bang nangyari? Pwede po bang malaman?" hindi ko alam kung bakit, pero
parang interesado akong malaman kung anong nangyari sa buhay ni manong. Ngumiti
naman siya sa akin. Tapos tinignan niya yung likuran ng jeep.

"Nakilala ko siya dito sa sasakyang 'to. Pareho kaming pasahero noon dito. Halos
araw-araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok at di nagtagal eh nahulog ako sa kanya.
Maganda kasi siya at mabait pa. Dumaan ang mga araw at naglakas-loob akong kausapin
siya. Di nagtagal, napalapit na rin ang loob niya sa akin, hanggang sa magtapat ako
sa kanya. Akala ko eh mapapahiya lang ako pero sinabi niyang mahal niya rin ako.
Dun nagsimula ang lahat. Naging kami pero hindi rin yun nagtagal. Isang araw,
nakipaghiwalay siya sa akin at di na nagpakita pa. Pinuntahan ko siya sa bahay
nila, pero wala na raw sila doon. Di na rin siya pumapasok sa eskuwelahan. Dahil
doon, nawalan ako ng pag-asa. Pero mahal ko pa rin siya. Pagkatapos kong
maghayskul, huminto na ako dahil mahirap lang ang pamilya ko. Wala na silang
pampaaral sa akin. Kaya nag-ipon nalang ako at ang una kong ginawa noong magkaroon
ako ng pera eh bilhin yung jeep kung saan kami unang nagkita. Mabait naman iyong
may-ari at ipinagbili sa akin. Umaasa pa rin kasi akong babalik siya. Pero nagdaan
ang isa.. dalawa.. hanggang sampung taon. Hindi siya bumalik. Nasayang lang ang
paghihintay ko. Simula noon, sinubukan ko syang kalimutan at nagkaroon ako ng asawa
at pamilya. Naging masaya naman ako, pero parang kulang pa rin. Gusto ko pa rin
siyang makita. Pero mukhang malabo na iyon. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya
ngayon, o kung buhay pa ba siya."

Hindi ko alam kung pano icocomfort si manong. Umiiyak kasi siya. Parang nawala yung
sakit na nararamdaman ko dahil kay Ryde. Parang ang babaw pa kasi nun. Yung kay
manong, imagine.. lagpas sampung taon na paghihintay? :'(

"Sige na hija, pumasok ka na doon. Kailangan ko na ring umuwi. Salamat sa


pakikinig." saka siya ngumiti.

"S..sige po." para akong timang na umiiyak dahil sa istorya niya. Pero pinunasan ko
na rin agad yun at bumaba sa jeep. Nagbabye rin ako sa kanya at pumasok na ako sa
loob. Haay, parang lalo lang bumigat yung pakiramdam ko dahil sa kwento ni manong
eh :'(

Pagkapasok ko..
Nasa isang malaking table sila at puro alak ang nakikita ko. Yung mga lalaki nag-
iinuman na. Yung mga babae naman eh nasa kabilang table at umiinom rin, pero yung
light drinks lang ata iniinom nila. Nakisama naman ako sa kanila.

"Uy Polenggg~ tara inom ka dito!" sabi sa akin ni Yem. Naku, konti nalang
malalasing na 'tong bruhang 'to! Mas malala pa naman sa akin 'tong malasing.

"Haha! C'mon. Drink!" yaya naman sa akin ni Reya. Tapos yung teammates kong babae
eh umiinom na rin. Kapag minamalas ka nga naman oh, mga tanggera ang kasama ko.

Wala naman akong nagawa kundi makiinom. Maganda na rin 'tong pampalabas ng sama ng
loob. Kumuha ako ng isang malaking baso at nlagyan nila yun ng beer. Ako naman eh
tinungga ko yun agad-agad.

"WHOA!! WAY TO GO AEISHA! ANG GALING MO KAHIT SA INUMAN!" sabi ni Ara, yung isa
kong teammate. Shet. Biglang uminit yung sikmura ko.

"INOM PA!" then nilagyan na naman nila ng beer yung baso ko. Tapos nagtoast pa
kaming lahat na babae. Sabay inom.

"WHOOO!!!" napasigaw nalang ako dahil ang sakit nga sa sikmura tapos ang pait pa.
Yuck!

"Hoy hoy hoy kayong mga babae! Hinay-hinay lang! Ang titindi niyo uminom ha!"
narinig kong sabi ni Chris. Tss pake niya ba?

"SHUT UP. WALANG PAKIALAMANAN." sabi ko sa kanya tsaka ako tumungga ulit. Pakshet
nahihilo na ako.

Wala kaming ginawa doon kundi mag-inuman. Para na nga ata akong na-rape dahil ang
gulu-gulo na ng buhok ko. Nagsasayaw kasi yung mga kasama kong babae at sabi nila
sumayaw rin ako pero dahil di ako marunong sumayaw eh umupo lang ako doon. Kaya
ayun, ni-riot nila ako at para akong na-rape. Mga baliw yung mga yun. Si Yem,
nakatulog na. Nalasing masyado. Buti nga yung mga lalaki eh hindi masyadong umiinom
dahil daw walang maghahatid sa aming mga babae. Naks. Gentleman nila ha?

Dahil hindi ko pa nararamdaman na lasing na ako eh tinuloy ko lang yung pag-inom.


Kasama ko dito sa table eh si Reya. Yung ibang babae eh nagsasayaw sa harap namin.
Parang mga timang.
"Whoa. Tibay natin ah? Di ka pa rin lasing?" tanong ni Reya sa akin.

"Not yet. Hahaha. Pero malapit na." inom ulit ako. "Peste kasing lungkot 'to eh.
Nangingibabaw ata. Hahahaha!" tumungga ulit ako. "Pagsabihan mo nga yang walangya
mong pinsan ha.." then dinuro ko si Reya, ".. kung.. kung sasaktan niya lang rin
ako, eh lubus-lubusin na nya. Hahaha.. para mawala na 'tong lesheng feelings ko sa
kanya. Bastos yung hinayupak na yun.. hinahabol ko kanina.. hik.. tapos may
hinihintay naman palang iba. Haha. hik.. para lang tuloy akong naghahabol sa jeep
na puno na. Tang*na. Whooo! Inom pa!" binitawan ko yung baso ko at yung mismong
bote na yug tinungga ko. Shet nahihilo na akoooo. @_@

"Pakeychain-keychain pa sya, pakanta-kanta pa. Kung anu-ano pang pinagsasabi dati,


tapos biglang di ako papansinin? Wow ha! Gwapo niya! Hik. Pero gwapo naman talaga
siya. Ahahaha! Pero leshe talaga!! Ang kapal ng mukha niya! Hik! Pa-fall siya!
Paasa! Bwiset! Hahaha! Isa pa yung Serene na yun.. porque close sila, kelangan
pinapamukha niya sa akin na sila ang bagay? Hah? Shet niya!!" uminom ulit ako. Pero
this time, feeling ko eh umiiyak na ako. Ugh. Ganito ba ang feeling pag lasing ka
na?

"Akala niya.. hik.. akala nila.. di ako nasasaktan? Putek lang. Tapos pinamukha pa
nila sa akin.. hik.. kanina na magkasama sila. Hah! Ikaw.." tinuro ko tong Reya na
to.. bakit parang ang labo na niya? "..sana di mo nalang sinabi na nanood si Ryde..
sana di ko sila nakita..uuhh..huuu.. sana.. di ako nasasaktan ng ganito.. Ayoko na
talaga.. nakakainis na feelings 'to.. Akala ko siya na eh.. pero, tae, mali ata
ako.. ang gulo niya masyado. Di ko na siya maintindihan.. ang kumplikado niya.. ang
tahimik niya.. ang dami nyang sikreto..." napatahimik nalang ako. Gagong Ryde yun.

"Pero, mahal mo pa rin ba siya?" tanong sa akin ng malabong Reya na 'to.

"Maglalasing ba ako ng ganito ngayon kung hindi? Hahaha! Sakit lang eh.. Hayup na
Ryde yun, sinaktan lang ako. Sana di ko nalang siya nakilala.. eh di sana di ko
siya minahal..hik.. pero anong magagawa ko? Eh nangyari na eh.. punyemas.. hirap
sigurong magmove-on.. hik.."

Uminom na naman ako. Hanggang sa di ko na mashoot sa bibig ko yung beer. Takte..


nahihilo na talaga ako.. Ang labo na ng paligid ko.. Ang hina na rin ng mga boses
nila.. Anong nangyayari?
Parang.. parang umiikot yung paligid...

*BLAG*

***

Bakit parang ang dilim? Ouch. Ang sakit ng ulo ko. Owwww..

Dinilat ko naman yung mata ko.. nasaan ako?

"Gising ka na?"

"Ryde?"

Huh? Nananaginip ata ako. Tsk. Peste, hanggang panaginip ko nandito pa rin si Ryde.
Utang na loob naman lubayan mo muna ako please!

"Tsk."

Pumikit ulit ako tapos dumilat. Pero nasa tabi ko pa rin siya. W..wait. Panaginip
'to di ba? Naman oh. Ayaw pa rin talaga akong tantanan neto. Tsk. Di naman 'to
totoo di ba? Ano namang gagawin ni Ryde dito? Sinampal-sampal ko yung sarili ko
para magising ako, at nung medyo namumula na yung mukha ko eh tinignan ko yung tabi
ko. Haaay, sabi ko na nga ba panaginip lang 'to eh, andito pa rin--

O__O
Andito pa rin sya?! Shet! So totoo 'to?!

Napaatras ako bigla pero na-out of balance ako dahil nagdilim bigla yung paningin
ko. Takte, ang sakit ng ulo at sikmura ko >_<

"Wag kang gumalaw. Lasing ka pa." pagdilat ko eh nakahawak siya sa braso ko at


tumabi na naman siya sa akin. Shemay naman oh. Anong ginagawa niya dito? Bakit sya
nandito?!

Pagtingin ko sa paligid ko eh nagpaparty pa rin yung mga tao. Yung mga kasama kong
babae kanina eh nandun na sa table ng mga lalaki. Magkakasama sila doon at kaming
dalawa lang dito sa table na 'to. SHET. Ano bang nangyayari?! Pano siya napunta
dito?!

"Reya called me." ayan na naman yung pagiging mind-reader niya. "I heard
everything." kahit madilim eh kitang-kita ko yung mata niya.

"Huh?" heard everything? Anong pinagsasabi niya? Tsk. Takte nahihilo pa rin ako!

"Sorry.. I.. I can't love you yet. I have something to do.. sorry." nagulat naman
ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ang purpose niya dito ay para lalo lang
akong saktan o ano. :'( Bakit pa ba siya pumunta dito?!

Nakatingin lang ako sa kanya at alam kong umiiyak na naman ako. Bwiset. Kelan ko ba
makokontrol 'tong mga pesteng luha na 'to? Wala na akong pakialam kung nakikita
niya akong umiiyak. Bwiset siya. Bwiset!

Tumayo nalang ako kahit medyo nahihilo ako. Para saan pa ang pakikipag-usap ko sa
kanya kung patuloy niya lang rin naman akong sinasaktan. Ayoko na.

Pero nung pahakbang na ako eh bigla niyang hinawakan yung isa kong kamay at hinatak
niya ako. Dahil medyo nahihilo pa ako eh nahatak naman ako papunta sa kanya at
sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Pero sa sobrang bilis ng pangyayari eh
hindi ko na alam kung paano magrereact...

Halos mawala yung kalasingan ko. Ang alam ko lang eh sobrang lakas na naman ng
tibok ng puso ko.
*DUGDUGDUGDUG*

"Wait for me." bulong niya sa tenga ko. Saka niya ako binitawan at tuluyan nang
umalis sa may bar.

What the hell is that? Ano na naman bang pakana niya?

Kung kelan naman susuko na ako, saka siya gagawa ng ganito? :'(

Ano ba talagang gusto nyang mangyari?

Napahawak nalang ako sa labi ko. That was my first kiss. Kahit na malungkot ako
ngayon, parang nagcecelebrate yung inner self ko. At least, my first kiss.. was
him.

*******************************************
[56] Chapter LV
*******************************************
"Ate, pakiss! Ahahahaha!"

"Ako rin Poleng! TSUP! BWAHAHAHAHA!"

Sabay takbo nila palabas ng kwarto. Mga pesteng yun! Arrrgggh! Isang linggo na rin
ang nakakalipas nung mangyari yun. At simula nun eh hindi na ako tinantanan ng mga
babaeng 'to. Grabe, habang tumatagal eh lumalala ang pang-aasar nila sa akin -__-

Pero takte..

KINIKILIG AKO!
Shet na malagket. Oo na malandi na pero kasi.. bwisit talaga si Ryde eh! Di ko
maintindihan ang utak! Mas kumplikado pa kay Einstein eh. Bigla nalang manggaganun.
Ang laki lang ng problema nya di ba?! Nung una, eh nagdadrama pa rin talaga ako,
pero naisip ko, ano namang magandang idudulot nun sa akin? Look at the positive
side nalang di ba?

"Wait for me."

Putek ayan na naman yung boses niya! Kyaaahh! Lubayan mo akong walanghiyang gwapo
ka! Alis! Umalis ka sa utak ko! >///<

"Tignan mo Aera, nababaliw na ate mo! Gumugulong sa kama."

"Baka kinikilig yan ate! Ahahaha! Oy ate hanglonde mo!"

Napatayo ako ng kama dahil nang-aasar na naman 'tong dalawang 'to. Kaso di pa ako
nakakahakbang eh kumaripas na sila ng takbo palabas ng bahay. Mga baliw -__-

"Ahaha. Buti naman at nakakapagharutan na ulit kayo." pagtingin ko sa gilid, si


lola pala. Umupo siya sa may kama. Tapos ngumiti siya sa akin. Ngumiti lang rin ako
sa kanya.

"Eh medyo nabuhayan po ako eh. Hahaha. Thank you po sa mga advice niyo." then
niyakap ko si lola. Nakakatuwa pala pag ganito no? Para na rin akong may nanay.
Sana laging ganito. Feeling ko kumpleto yung pamilya ko.

"Sabi ko naman sa'yo, maghintay ka lang at may magandang mangyayari." tapos niyakap
niya ako ng mahigpit. Pero bigla akong may naalala.

"Pero hindi naman po laging may magandang mangyayari kung lagi ka lang
maghihintay." nalungkot ako bigla dahil naalala ko yung kwento ni manong. :(

"Ay nako, ikaw talagang bata ka. Masyado ka ng malalim mag-isip. Sige na, kumain ka
na doon. Naghain na ako ng pagkain."

Lumabas naman si lola Roma at ako eh sumunod na rin para kumain. Sabay-sabay kaming
kumaing apat. Namiss ko 'to. Yung masaya kami at walang inaalala. Parang ang tagal
kong nakalimutan yung feeling na 'to eh.

Sa school naman, di ko na muna pinapansin si Ryde. Gusto ko munang maayos niya yung
problema nya. Ayoko namang maging epal di ba? Siguro marami lang talaga siyang
iniisip sa ngayon. Kaya nagfocus muna ako sa acads pati sa sports club. Di naman
puro lovelife ang inaatupag ko no. Kahit papano, gusto kong makagraduate ng may
mataas na grade.
At dahil sabado ngayon, enjoy enjoy muna. Lumabas kaming lahat ng bahay at syempre,
nanghiram na naman ako ng bike dun sa kapitbahay namin.

"Ano ba yan Poleng, di ka naman marunong eh!" sigaw sa akin ni Yem.

"Kaya nga nagpapractice di ba? Utak, Yem."

"Asus, if I know eh dahil lang yan kay prince charming mo. Yiiieee!!"

Buti nalang talaga at naibaba ko yung paa ko kundi masesemplang ako. Walanghiyang
Yem 'to! Makasingit lang kay Ryde sa usapan eh!

Buong weekend eh kung anu-ano lang yung pinaggagawa namin. Pero ang nakakatawa
talaga eh nung pumunta dito sila Daniel at yung kapatid niya. Magkapartner pala
kasi si Aera at Damon sa project nila sa school.

"Ano ba yan di ka naman marunong eh!!" sigaw ni Aeisha sa may sala.

"Ikaw nga yung di marunong dyan eh! Ampanget ng gawa mo!" narinig ko namang sigaw
nung kapatid ni Daniel.

Natatawa nga kami ni Yem at Daniel dito sa kwarto eh. Si lola naman eh may
pinuntahan. Di ko lang alam kung saan. In fairness ha, nagiging gala na si lola
-__-

Yung project kasi nila is origami. Yung 1000 cranes na origami. Ang deadline nun ay
one month from now. At dahil marami masyado eh pinagpartner-partner sila. At sa
kamalas-malasan daw na pagkakataon (Ayon kay Aera), eh nakapartner niya si Damon.

"Itupi mo kasi ng maayos! Ano ba yan!!"

"Ikaw nga yung panget ang gawa eh! Tignan mo nga yung pakpak oh! Hindi pantay!!"

Actually, kanina pa talaga kami tawa ng tawa dito pero di lang namin pinapahalata
dahil baka madamay kami sa init ng ulo nilang dalawa. Hahaha! Ang cute lang nilang
mag-away! Nagsisisihan pa sila kung sinong may panget na gawa. Parang mga adik lang
eh.

"Buti naman at tumatawa ka na." biglang sabi sa akin ni Daniel.

"Ahh. Haha oo nga eh. Thank you!" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Feeling ko kasi isa
sya sa mga dahilan kung bakit sumasaya ako ngayon.
"Ohh ohh wag kayong cheesy masyado." biglang sabat naman ni Yem. Gaga talaga 'to.
Ewan ko ba dyan bakit parang ang laki ng galit kay Daniel. Di kaya may nagawa sya
sa kanya? Ay ewan.

"Hah! Loser! Hahaha!" nagulat naman ako nung bigla na namang nagsalita si Yem. Ano
bang nangyayari sa babaeng 'to?

"Pinagsasabi mo?"

"Hah? Eh kasi textmate ko 'tong si bruhildang Serene. Pikon lang. Bwahaha! Inaasar
ko siya sa text eh. Buti di niya ako kilala."

Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Ayos 'to ah? Di talaga tinantanan si Serene?
At talagang inaasar niya pa sa text ha? Kahit na ikinatutuwa ko yun eh medyo
nakaramdam ako ng awa sa kanya. Si Yem ba naman ang nang-aasar sa kanya eh. Maski
ako minsan eh natatalo sa asaran kapag si Yem ang kalaban ko.

"Bakit ba kayo galit kay Serene?" napatingin naman kami ni Yem kay Daniel.

"Duh? Obvious ba? Ang sama niya kasi kay Poleng! Naku! Kung marunong lang talaga
akong mangkulam eh matagal ko nang ginawa yun sa kanya!" di ko alam kung matotouch
o matatawa ako sa sinabi ni Yem eh.

"Siguro dahil mahal nya lang si Jin kaya nagiging ganun sya."

"Hindi naman yun enough na reason para awayin si Poleng no. Ano naman kung mahal
niya? Sya lang ang may karapatang magmahal dun sa taong yun? Ano siya pinagpala?"

"Huy Yem tama na. Baka mahighblood ka." patawang sabi ko nalang sa kanya.

Pero sa totoo lang, yan ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko yang best friend
ko na yan. Masyado siyang protective pagdating sa mga mahahalagang tao sa buhay
niya. Oh di ba? ANg sweet :''> Pero di ko yun sinasabi sa kanya dahil ang baduy.
Sanay na kaming inaasar ang isa't isa bilang pagpapakita ng friendship namin.

"Ayoko na nga!! Ampanget naman kasi ng mga gawa mo eh! Lalaki ka ba talaga?!
Magtupi lang di mo pa kaya!"

"Anong kinalaman nun?! Ikaw? Babae ka ba talaga?! Para kang lalaki magsalita eh!!"

Napatingin na naman kami sa isa't isa at nagpigil na naman ng tawa. Lumabas na rin
kami para awatin sila. Baka mamaya eh magbatuhan na sila ng papel sa sobrang asar
sa isa't isa. Inawat ko si Aera at inawat naman ni Daniel si Damon. Tinulungan na
rin namin sila sa project nila. At in fairness, sa pagsisigawan nila kanina eh
nakagawa sila ng sampung cranes. Ewan ko kung bakit nila nilalait yung gawa ng
isa't isa eh parang okay lang naman sa paningin ko? Ang gulo talaga ng mga bata
minsan eh.
Nung bandang hapon na eh nagpaalam na rin naman si Daniel at Damon.

"Wag ka nang babalik dito! Beeeehhh!!"

"Huy! Ang bad mo Aera!" saway ko sa kanya. Para kasing baliw. Ang lakas mang-asar
eh. Kaya siguro andaming kaaway neto sa school. Ang hilig mang-asar at mambara ng
mga tao eh -__-

Nung dumating ang monday, maaga kaming pumasok ni Yem. Naabutan nga namin si Ryde
doon sa may upuan niya eh. Pero as usual, wala munang pansinan. Nasasanay na nga
ako eh. Hanggang tingin-tingin muna ako. Pagdating ng adviser namin eh may hawak
siyang papel. Ano kaya yun?

"Good morning class. So lumabas na yung announcement regarding sa field trip nyo."

Bigla namang naghiyawan yung classmates namin. Halatang excited sila sa field trip.

"Sa Tagaytay tayo guys. Pakipasa nalang 'tong form at andyan yung destination
natin. Andyan na rin yung price. Kindly return it to me tomorrow with your parents'
signature." tapos pinapasa na niya yung form.

Kumuha naman kami ni Yem. Haaay, gusto ko sanang sumama kaso wala naman kaming
pera. Sumama na kasi kami ni Yem last year. Every other year lang kasi kami
sumasama, so baka di kami makasama ngayon. Pero gusto ko talaga kasi last na 'to eh
:\

"Sama tayo Poleng." sabi sa akin ni Yem.

"Sama ka na. Alam mo namang di ko yan afford no. Tsaka ayaw ko namang humingi kila
tita. Nakakahiya." si Yem kasi, pinapadalhan siya ng parents niya buwan-buwan. And
pwede naman siyang humingi ng pambayad. Dati gusto niya pa akong ilibre pero di ko
yun tinanggap. Kahit best friend ko yan eh ayaw ko namang maging ganun no. And
besides, yung naipon kong pera ngayon eh para sana sa field trip ni Aera. Gusto ko
namang makaranas siya ng field trip.

"Ehh dali na kaseee. Ako na muna magbabayad--"

"Yem, ayoko nga kasing ikaw ang magbayad di ba? Okay lang ako no. Sumama ka nalang.
Di naman ako excited sa field trip field trip na yan eh." sabi ko nalang sa kanya.
Pero ang totoo gusto ko talagang sumama T__T

"Nubayan!"
Hanggang sa matapos yung klase namin eh puro tungkol sa field trip yung usapan ng
buong school. Lalo lang tuloy akong naiinggit. Pero wala naman akong magagawa eh.
Magliliwaliw nalang ako sa bahay.

Hinintay ko naman si Yem sa may gate. May pupuntahan lang daw kasi siya saglit kaya
hintayin ko nalang daw siya. Sus, if I know eh si Chris lang naman pinuntahan niya.
Tsk. San na ba yun? Tagal niya ha.

"Oy Poleng! Hahaha! Sorry natagalan!" sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa
akin.

"Ano bang ginawa mo?"

"Hmm wala lang!" sabay ngiti niya pa ng malawak. Anong problema nito? Siguro dahil
na naman kay Chris.

"Tara na nga, uwi na tayo."

Pag-uwi namin eh pinapirmahan agad ni Yem yung form niya kay lola. Ako naman eh
natulog kaagad. Kakadepress lang kasi eh :|

***

One week na ang nakalipas. At bukas na yung field trip. Ayos nga si Yem eh, ayos na
ayos na ang bagahe. Para lang siyang maglalayas eh. At 9 PM palang eh tulog na
siya. Dahil wala na akong magawa eh natulog nalang rin ako. Sana lang di ako mabore
dito bukas. Buti pa si Yem makakasama sa field trip T__T Yoko na nga, tulog na ako!

***

"Pst, Poleng gisiiiiingggggg!! Hooooyy!! Idilat mo yang mata mo!!!"

"Hmmm.."

Tsk. Ano ba yan. Istorbo naman sa pagtulog oh. Gumulong nalang ako sa kama.
Hangsaraaap matulog.

"HOY PAULINE AEISHA GUMISING KA NA!!" napamulagat naman ako nung bigla akong tinayo
ni Yem.

"TSK! Ano ba yan Yem! Anong problema mo?! Ang aga-aga pa oh!" sigaw ko sa kanya.
Kasi naman eh! Inaantok pa nga ako tapos bigla akong gigisingin?

"Anong maaga eh 3 AM na! Dalian mong kumilos malelate na tayo!"

"Oh eh di dalian mo na baka di ka pa makasama! Tsaka-- wait. Anong sabi mo?" parang
may mali sa sinabi niya eh. Oh sadyang nabingi lang ako?

"Sabi ko, malelate na TAYO! Kaya tayo na dyan!"

"Anong tayo?! Teka.. don't tell me binayaran mo yung field trip fee ko?!" gaga
talaga 'tong babaeng 'to! Ang tigas ng ulo!

"Duh? Hindi ako no!"

"Utot mo wag kang magsinungaling!!"

"Hindi nga ako! Si kisser mo yung nagbayad! Kaya tara na! Dali! Kanina pa
nakaprepare yang gamit mo! Maligo ka na nga! Para magising na yang diwa mo! Tsaka
ambantot mo na! Dali!" sabay tulak niya sa akin papuntang banyo.

Pero ano daw? Kisser? Field trip? W..wait..

"HUH?!"

"Ano yan Poleng? Pabagalan ng pick-up? Maligo ka na!!" then tinulak na nya talaga
ako sa loob ng cr.

SI RYDE NAGBAYAD NG FEE KO SA FIELD TRIP?! O__O

*******************************************
[57] Chapter LVI
*******************************************
"Hoy Aeisha dalian mo naman!"

"Teka kasi! Napaka-unexpected naman kasi neto eh!"

"Kasalanan ko? Kasalanan ko?"

"Sinabi ko? Sinabi ko?"


"Sus! Kilig ka naman eh."

Yan ang nangyayari sa kwarto habang sinusuot ko yung pantalon ko. Talagang
nakatingin pa sa akin si Yem eh. Para namang bibilis yung kilos ko kapag ginawa
niya yun. Tapos kinakausap pa ako, eh nagmamadali na nga. Shunga rin 'to minsan eh.

"Dalian mo na Poleng! Pag tayo talaga naiwan ng bus ha!"

"Oo na eto na nga oh!"

After niya akong guluhin ng guluhin sa pagbibihiseh natapos na rin ako sa wakas.
Halos patakbo na nga kaming lumabas ng bahay. Feeling ko nga nagising pa si Aera at
si lola sa sobrang ingay namin eh. Sumakay agad kami ng jeep nung makarating sa
kanto papunta sa school.

"Gosh! Nakaalis rin tayo sa wakas!" sabi ni Yem with matching punas-punas pa sa noo
niya.

"Sorry naman ha? Napakabiglaan naman kasi neto no! Eh kung sinabi mo kagabi pa eh
di sana maaga rin akong natulog!"

"Eh syempre surprise nga eh! Baka mamaya kiligin ka masyado." then biglang tingin
ng nakakaloko sa akin.

"Utot mo!"

Napatalikod ako bigla kasi alam kong uminit ang mukha ko. Leshe naman kasing Ryde
yun! Anong problema niya at binayaran niya yung field trip fee ko? Di kaya
nantitrip lang siya? Di ko talaga magets yung lalaking yun.

"Pero shet lang Poleng ha? Ang lakas ng kamandag mo! Akalain mong natuklaw mo si
Rydell Jin Montalbo? I'm very proud of you, best friend." tsaka niya pinat yung
balikat ko.

"Pinagsasabi mo na naman? Manahimik ka na nga lang dyan. Agawin ko si Chris sa'yo


eh."

Nagulat ako nung biglang nag-iba yung atmosphere sa loob ng tricycle. Jusko. Parang
mamamatay-tao si Yem! Katakot! >_<

"Joke lang! Hahaha!" pfft. Parang gaga talaga si Yem eh. Ang sarap niyang tawanan!
Basta pag si Chris ang usapan nagiging seryoso eh. Agawin ko nga kaya si Chris?
HAHAHA

Nung makarating kami sa school, saktong nagsisiakyatan na yung mga estudyante sa


mga bus. Nagmadali naman kaming umakyat doon sa bus number 4 kasi doon yung mga 4th
year. Dahil medyo kasi late kami eh naoccupy na halos lahat ng upuan kaya pumunta
kami doon sa bandang likuran. Tapos biglang may nagtaas ng kamay.

"Alyssa!! Dito!"

"Hmm!" bigla namang tumakbo si Yem papunta doon sa nakataas ng kamay. Sinundan ko
naman siya. Well, expected ko naman na siya yung tumawag ka Yem. Sino pa bang
damuho ang dumadamoves sa best friend ko? Pero pagdating ko dun eh nakaupo na si
Yem sa tabi ni Chris, at ang masaklap..

Sa pandalawahang upuan lang sila nakaupo! So ganun yun Yem? Iwanan? Waaaah
pinagpalit niya ako kay Chris! Hayup na Yem to TToTT

"Oy Aeisha! Yo!" then tinaas niya yung kamay niya para makipag-appear pero tinignan
ko siya sa mata at binigay ko ang aking subukan-mo-lang-makipagappear-sa-akin-at-
mamamatay-ka-look. Ayun, biglang natahimik. Si Yem naman eh nasa side ng bintana
at nakatingin sa labas kaya di ko siya mabigyan ng nakamamatay kong tingin.

"Aha..haha.. A..Aeisha, s..sa likuran namin.. may upuan pa--" tinignan ko ulit si
Chris ng masama bago niya pa matapos yung sasabihin niya "--HIK! Aaahh Alyssa,
kamusta pala? Haha!" at ayun, pareho na silang nakatingin sa labas.

Mga taksil! TT_TT

Bago pa ako makapatay ng dalawang bwisit eh tinantanan ko na sila. Nasa pangalawang


seat kasi sila sa huli bago yung pang-animan na upuan. So after nila is may
pandalawahan pa kaya dun nalang ako umupo. At syempre, wala akong katabi kasi nga
yung BEST FRIEND ko na supposedly eh katabi ko.. inuna yung crush niya.

Sinandal ko nalang yung ulo ko sa may bintana. Iaantok pa kasi ako talaga. Siguro
kaya rin ako naiirita ngayon eh dahil kulang ako sa tulog. Or baka naiinggi--
nevermind. Kinuha ko nalang yung phone ko at sinaksakan ko ng earphones saka ako
nagsoundtrip nalang. Feeling ko kasi matagal pa 'tong aandar dahil medyo marami ata
kaming kalahi ni Yem sa pagiging late.

Siguro mga 20 minutes akong nakapikit at nakikinig lang ng music bago ko


naramdamang aandar na yung bus. Dumilat naman ako at tumingin ako sa bintana.
Papaalis na rin pala yung ibang bus.
"Anong oras na ba?" tapos tinignan ko yung phone ko.

"5 AM." Sakto naman yung nagsabi ng oras. 5 AM na rin kasi yung time sa phone ko.

"Ohh. Thank y--"

*BLAG!*

Ouch! Sheeeet! Putek! Ang sakit ng likod ko! Napaatras kasi ako bigla kaso
napalakas naman kaya parang may invisible force na nagpush sa akin sa bintana.
Takte yung backbone ko ang sakit!

"Are you okay?"

Napaatras ulit ako. TAE NAMAN OH! Pano napunta 'tong lalaking 'to dito?! Kanina
wala naman siya dito ah?! Kelan pa ako nagkaroon ng katabi?!

"Hoy Poleng ang gulo mo naman!" biglang sigaw sa akin ni Yem. Eh kung sapak-sapakin
ko kaya siya para malaman niya kung gaano kaawkward ang moment na 'to?!

"Uy! Hello Ryde!" sabay wave ni Yem kay Ryde. As usual, si Ryde, expressionless.
Pero feeling ko, 'hello rin' ang ibig sabihin nun.

OO. Na-shock ako kanina kasi bigla nalang nag-teleport sa kung saanmang lugar 'tong
si Ryde. Pagdilat ko eh may katabi na akong gwapo. Oo kinikilig ako ng konti pero
utang na loob naman kasi di ba? Ang alam ko talaga awkward pa kami sa isa't isa
dahil sa mga pangyayaring naganap eh. Tsk. Gulo talaga ng utak ng mga lalaki.
Parang pang-baliw.

Maya-maya rin eh umandar na yung bus at yung mga kaklase namin eh nagsimulang
maghiyawan. Excited sila, bakit ba? Lalo na yug mga lalaki. Haha, well, except sa
katabi ko. Parang wala sa bokubolaryo niya ang salitang excited.

Napatingin lang ako sa kanya. Shet. Ang gwapo niya lang talaga kahit di ko
masyadong makita yung mukha niya. Naka-hoodie kasi siya eh. Tapos naka-headphones
pa, at narealize ko na nakapikit na pala siya.

"Baka matunaw yan Aeisha. Hahaha!" automatic na gumalaw yung kamay ko sa sobrang
gulat at nabatukan ko ng malakas si Chris.
"Ouch! Ang sakit nun ha!" reklamo niya pa sa akin. "Alyssa, ang sadista naman ng
best friend mo!"

"Sinabi mo pa. Hahaha!"

Sige lang. Pagtulungan niyo lang akong dalawa. Mga walanghiya 'tong mga 'to.
Umagang-umaga ang lalakas ng trip! Ang masama pa, ako yung napagtitripan. Tsk.

Dahil wala rin naman akong madadaldal kasi (1) pinagpalit ako ni Yem sa kajowaan
niya. Bitter pa rin ako!! At (2) hindi ko makakausap yung katabi ko. Eh di
matutulog na lang rin ako!

Nilagay ko nalang ulit yung earphone sa tenga ko at nilakasan ko yung volume para
di ko marinig yung landian ni Yem at Chris. Kaderder. Pumikit nalang ulit ako, at
ang alam ko nalang eh nakatulog na ako habang bumabyahe.

***

"Shh wag kang maingay."

"Huh? Di nga ako nagsasalita eh."

"Basta. Hihi. Benta natin 'to. Yayaman tayo."

"Haha! Aasarin ko siya ng sangkatutak mamaya. Mwahaha!"

Naalimpungatan ako nung may narinig akong dalawang demonyong nagbubulungan, kung
bulungan man ang tawag doon. Pagdilat ko eh nakaharap sa akin si Yem at Chris. I
mean, tumingin sila sa likod dahil nga nasa likuran nila ako.

Then napansin ko sa pagmumukha nila ang maduming aura kaya alam kong may ginawa na
naman silang di kanais-nais. Tatanungin ko palang sana sila kung ano na namang
kalokohan ang ginawa nila pero napatigil nalang ako nung may gumalaw sa balikat ko.

"Hmm.."

"OH MY."

Nakasandal si Ryde sa balikat ko. Oo, nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.
Nakasandal talaga siya. Oo talaga. Teka, nakasandal siya eh...
WAAAAHHHH TAKTE UTANG NA LOOB NAKASANDAL SIYA SA AKIN!

"Good luck Poleng! Hihi." at nag-okay pose pa ang walanghiya! Waaah anong ibig
sabihin neto?! Bakit siya natutulog?! Teka nga!

Sa kadahilanang nawala ako sa sarili ko eh nakatulala lang talaga ako buong byahe.
Isa pa, ayokong gumalaw kasi baka magising siya. Nag-sslide nga paminsan-minsan
yung ulo niya sa balikat ko kaya tinutulak ko pabalik. Lesheng lalaking 'to! Bakit
niya ko pinapahirapan ng ganito?!

Nagslide ulit yung ulo niya kaya tinulak ko ulit. Pero this time, napatingin ako sa
mukha niya at nakita kong nakangiti siya.

Wait lang...

"O..oi. G..gising ka ba?" tanong ko ng mahina habang nakatapat sa tenga niya. Aba
malay ko ba kung pinagtitripan niya na naman ako, o sadyang hobby niya lang na
magsmile habang natutulog di ba? Pero dahil di siya sumagot.. baka nga ganyan lang
talaga siya matulog?

"Morning." nanlaki yung mata ko nung dumilat yung isa niyang mata. Ang walanghiya!
You mean kunwari lang siyang natutulog?!

"Kanina ka ba gising?!" pabulong ko pa ring tanong sa kanya.

"Nah. Kagigising lang."

"A..Ahh.. anooo--"

"Shh. Patulog muna. Ge." tapos pumikit ulit siya.

Okay. What happened? Yung totoo? Pinagtitripan niya lang talaga ako eh! Kanina pa
ako nangangalay sa kanya tapos matutulog na naman siya? Ano ako, unan? T_T

O__O

Nagulat ako nung biglang may naramdaman akong gumalaw sa gilid ko.
"H..hey."

"..."

Waaah lintek anong gagawin ko?! Phew! Hinga Aeisha! Hinga! Sige lang! Maraming
oxygen sa paligid! Waaaahhh takte! Eh pano naman ako makakahinga ng maayos neto?!

Eh bigla niyang hinawakan yung kamay ko!! Bwisit na Ryde 'to! Kinikilig ako!
AHHHH!!

***********************************************************************************
*************

Heck. Super crappy lang. Sorry. Hahaha.

*******************************************
[58] Chapter LVII
*******************************************
Eh kasi kilig ako sa comments eh, namotivate tuloy ako. LOL. Salamat sa feedbacks!
Di ko expected yun kasi nga madalian yung pagtytype :p Di bale konting kembot
nalang at mejj matatapos na 'to HAHA. Oh eto na! =)))

***

Nakailang mura na ba ako sa utak ko? Takte. Di ko ma-contain yung sarili ko eh.
Kasi naman 'tong Ryde na 'to eh! Bakit?! Bakit siya ganito?! Huhuhu. Natetense ako
masyado dahil ang lapit-lapit niya, tapos.. tapos yung kamay ko! Namamawis na sa
sobrang kaba! Uwaaah!

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Di ko ma-take ang pagmumukha niya eh. Baka
mapasigaw ako. Masyadong gwapo. Pagtingin ko sa labas, ang daming puno tapos ang
kapal ng fog. Whoa. Siguro malapit na kami sa Tagaytay.

"Oh shet!"

Automatic na gumalaw yung kamay ko para itulak na naman yung ulo niya na nagsslide
sa balikat ko. Pero feeling ko totoo na siyang tulog kasi mabigat na yung pagbagsak
tsaka relaxed na yung breathing niya. Di ba ganun yun? Ah ewan basta feel ko tulog
na siya. Aba pag joke pa rin 'to, susuntukin ko siya. Ang sakit kaya sa balikat!

Dahil tulog naman siya eh nagawa kong titigan yung mukha niya. Ang peaceful niya
lang matulog. Kahit expressionless pa rin eh relaxed naman. Bigla ko tuloy naisip,
ano kaya yung pinoproblema niya these past few days? Kasi di ba bigla nalang siyang
lumayo tapos ngayon biglang ganito? Ang gulu-gulo talaga ng utak niya, raise to
infinity. Daig pa ang trigonometry eh.

Or baka naman naayos na niya yung problema niya kaya bumalik na ulit siya sa dati..
uhm not that dati na panahon pa nila ni Chris, pero yung dati na nakilala ko siya.
Okay. Ang gulo ko. Basta yun na yun.

Bigla naman akong na-curious sa pagmumukha niya kaya inangat ko ng kaunti yung
hoodie niya. Shet. Lagot ako pag nagkukunwari lang siyang tulog. Tapos may naalala
akong kwento ni lola Roma sa akin dati tungkol sa love life niya nung dalaga pa
siya. Hmmm.

Dahil ang cute ng ilong niya, pinisil ko yun. Mwahaha bahala kang hindi makahinga.
Siguro almost 2 minutes lang akong nakahawak sa ilong niya kasi ang lambot at hindi
oily. Ayos ha!

O_O

"Hiiikk!!" nagulat ako nung biglang may humawak sa braso ko kaya napadiin yung
pisil ko sa ilong niya. "Hala oh my gosh, sorry!" tsaka ko binitawan. Nung
narealize ko yung pangyayari, nakatingin na siya sa akin na parang kagigising lang
tapos hinawakan niya yung ilong niya na namumula dahil sa pagpisil ko.

WAAAAHHH NAKAKAHIYA!

Bago pa siya makapag-react o magsalita eh nagtago ako doon sa likod ng kurtina ng


bus sabay saksak ko sa earphones ko tsaka todo ng volumes. Pakshet. Nakakahiya
talaga! Hindi nga siguro siya nakahinga kaya nagising! T__T Huling-huli ako!
Uwaaaaa!

After one minute eh biglang huminto yung bus. Tinanggal ko yung earphones ko para
maintindihan yung sinasabi nung guide. Basta ang sabi niya lang is nasa first
destination na raw kami. Whoa. Ang bilis ha?

"Students, this is Fantasy World. Dito makikita niyo ang medieval age structures
and you can see the Taal volcano from here."

Pinapila naman kami para daw maayos yung entrance namin. Ako naman eh agad-agad
tumayo pero nung palakad na ako eh bigla akong pinigilan ni Yem.

"Bakit?"

"Anong bakit? Bakit ka nagmamadaling bumaba? Natatae ka ba? Gaga dapat nagbaon ka
ng diaper!"

"Gaga!"

Binatukan ko nga. Kung anu-anong pinagsasabi eh. Nagsitawanan tuloy yung classmates
namin na nakarinig. Siraulo din talaga 'tong si Yem minsan eh. Wala naman akong
nagawa kundi hintayin yung mga nasa unahan na makababa. At hindi rin naman kasi ako
makakadaan kasi nakaharang yung paa ni Chris para di ako makalusot. Psh. Kasabwat
ni Yem -__-

"Wiieee tara na! Picture-picture tayo sa loob!" sabay hatak ni Yem kay Chris nung
maubos na yung mga tao sa unahan namin. Walanghiyang babaeng yun! Akala ko pa man
din ako yung kasama niya tapos.. hay. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag may
love life ang best friend mo? Nababalewala ka nalang?

Tsk. Ano ba yan. Bakit ako nag-eemote? Yak. Di bagay sa akin.

"Tara."

"W..whoa!"

Jusme! Nakalimutan kong nag-eexist nga pala 'tong Ryde na 'to sa gilid ko! Nagulat
nalang ako nung bigla niyang hinawakan yung dalawang balikat ko mula sa likod at
tinulak ako para makalakad na kami.

"Poleng!! Poleng!! Babye! Enjoy ka nalang dyan kasama si Ryde mo! Yiiiieeee!!"
narinig kong sigaw ni Yem na halos 20 meters ang layo sa amin. Kung madali lang
talagang tanggalin 'tong rubber shoes ko eh kanina ko pa 'to nabato sa kanya.
Grabe! Isigaw daw ba?!

"Lagot ka talaga sa akin mamaya! Humanda ka!!" sigaw ko pabalik sa kanya. Kailangan
ko nang mag-isip ng torture plan para kay Yem. Akala niya ha!
"Tsk. Iniwan ka nila sa akin." narinig kong sabi ni Ryde. Napatingin naman ako sa
kanya.

"Sorry ha? Mukha ngang di mo gusto. Sige, kaya ko namang mag-isa eh! Di naman ako
bata." saka ako nagwalk-out.

Bakit ba nakakainis ang mga tao ngayon?! Anong problema nilang lahat? Si Yem
mukhang ayaw akong kasama kasi kasama na niya si Chris. Alam ko naman yun pero
syempre nagseselos ako kasi best friend ko siya no. Tapos eto namang si Ryde,
pinamukha pa talagang ayaw niya akong kasama. Sorry naman kung iniwan ako nila Yem
sa kanya ha?! Nakakafrustrate talaga 'tong araw na 'to! Sana di nalang ako sumama!

"Hey, wait!" naramdaman ko yung kamay niya sa braso ko.

"Ano?!"

"I didn't.. Tsk. That's not what I mean."

"Talaga lang ha? Eh parang ganun yung pinaparating mo eh. Sabi ko nga sa'yo, okay
lang ak--w..whaaaa wait!! Ano ba!!"

Shet! Bigla ba naman akong binuhat?! Waaah takte nakakahiya! Pinagtitinginan tuloy
kami ng mga tao! Tapos.. tapos yung classmates namin nakatingin din! Wag kayong
tumingin, mga hinayupak kayo!

"Oy ibaba mo na ako!"

"Shut up."

Bigla akong kinilabutan. Yun kasi yung expression niya nung nakita ko siyang
nagalit. Napatahimik tuloy ako bigla. Gusto ko pa rin sanang magreklamo kaso baka
ihulog niya ako kapag nainis siya eh!

Tinakpan ko nalang yung mukha ko kasi hiyang-hiya na ako sa posisyon ko. Like duh?!
Tourist attraction kaya 'to! Ibig sabihin, maraming tao! At sino ba namang di
mapapatingin sa pinaggagawa ni Ryde?! Tapos may mga foreigners pa na nagkalat.
Jusko po. Ialis niyo ako sa kahihiyang ito (kahit na kinikilig ako ng konti).

"Mom, are they shooting a movie?" napatingin naman ako sa bata na nagsabi nun.
Pagtingin ko, foreigner na bata! Ang cute niya!

"I don't know son. Ask them if you want." sabi naman nung girl na katabi niya,
which is probably his mom.
Nakita ko siya na lumapit sa amin habang tumatakbo at may hawak-hawak pa siyang
cotton candy-on-stick. Siguro mga nasa 4 or 5 years old palang siya. Ang liit niya
pa kasi eh. Nung malapit na siya sa amin, huminto si Ryde sa paglalakad.

"Excuse me mister, but are you shooting a movie?"

"Who..whoaaa!" Takte! Akala ko mahuhulog na ako! Eh kasi si Ryde biglang umupo eh!
Akala ko nung una eh ilalaglag na niya ako. Yun pala, para lang maka-level niya
yung bata.

"No." tipid talaga sumagot forever -__-

"Really? I thought you were some kind of royalties-in-disguise! I thought you're a


prince, mister! And she's your princess! I'm wrong." then yumuko yung bata at
parang nalungkot talaga siya. Aww ang cute cute niya! Ang sarap niyang isilid sa
sako at iuwi sa bahay!

"Hmm. But.. its a bit true."

"Eh?" biglang napatungo yung bata sa sinabi ni Ryde. At in fairness, nangangawit na


ako! Bakit kasi di niya pa ako bitawan para makababa na ako! Nakasayad na nga yung
paa ko sa lupa oh!

"I am somewhat.. a prince." napatingin naman ako sa kanya. Siya? Prince?


Pinagsasabi na naman niya? At nakuha pang lokohin yung bata?

"Really?! I thought so! You really look like a prince, mister!" then ngumiti yung
bata. Shet ang cute cute cute niya talaga! Penge akong sako, please! "Then.."
nagulat naman ako nung bigla siyang tumingin sa akin. "Is she your princess?" sabay
turo sa pagmumukha ko.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. I know na iba yung tanong nung bata, pero
parang iba rin yung perception ko sa tanong. Naging curious tuloy ako sa sagot ni
Ryde.

"Hmmm.." tumingin-tingin pa siya sa taas na parang nag-iisip talaga. Shet!


Kinakabahan ako ha!

"Is she? Is she? Is she, mister? Is she? She is, right? Right?" at patalun-talon pa
yung bata sa harapan namin. Bakit ba siya excited?! Ako nga eh kinakabahan eh!
Parang gusto ko na ayaw marinig yung sagot niya.

"Ask her."

Eh? Ako? Tanungin ako? Bakit ako? Ha?

"Hey miss. Are you his princess?"


Hindi ako nakahinga sa tanong niya. Feeling ko eto yung nararamdaman ng mga taong
sumasali sa game shows na tipong 1 million or zero nalang ang choices. Walanghiyang
batang 'to. Kahit cute siya, hindi ko kinakaya ang presence niya T__T

"Are you? Are you?" excited pa rin siya at patalun-talon. Tapos nung pagtingin ko
kay Ryde para magpatulong.. aba ang loko! Nakangiti! Bwiset! Pag-untugin ko sila ng
batang to eh!

"Uhmm--"

"You are his princess, right miss? Am I right?"

"Ahh--"

"Please answer me, miss." tapos nag-pout pa siya at nagpaawa effect! Waaa!
Ginagamitan ako ng kadugaan ng batang 'to! Eh ano naman kasing isasagot ko sa
kanya? Pag sinabi kong hindi, parang nagsinungaling naman ako sa sarili ko nun. Pag
sinabi ko namang oo, mamaya isipin pa ni Ryde eh assuming ako. Hala, ano bang
gagawin ko?

"Actually-- I-m--"

"Harry! Come on! Dad's waiting!" hindi ko alam kung matutuwa o maaasar ako nung
tinawag yung bata ng nanay niya. Matutuwa in a sense na makakatakas ako sa tanong
niya, at maaasar kasi aalis na siya. Ang cute pa man din niya.

"Awww. My times up. Mister, She didn't answer me. But I really hope, you are his
princess, miss. Bye bye! Hihi! This is my first time seeing a prince and a
princess. Thank you!" then tumakbo siya pabalik sa mom niya habang nagwawave sa
amin.

Phew. Nakatakas ako sa question niya! Buti nalang tinawag na siya. Pero sayang at
di ko siya naisilid sa sako para gawing pandisplay sa kwarto namin ni Yem. Huhuhu.

"Whaaaaaaa!!!" napakapit ako bigla sa damit niya kasi bigla siyang tumayo. Sana
talaga nagsasabi muna siya para ma-prepare ko yung sarili ko di ba?! Akala ko
mahuhulog na naman ako!

Para namang walang nangyari at nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa I-


don't-know-where. Gusto ko nang bumaba!
"So..." napatingin naman ako sa kanya kasi bigla siyang nagsalita. Di ko alam kung
ako ba yung kausap niya o yung sarili niya kasi nakatingin lang siya sa harapan.

"...are you my princess?"

O///O

"H..huh?"

SUMANIB BA SA KANYA ANG KALULUWA NUNG BATA?!

*******************************************
[59] Chapter LVIII
*******************************************
Buti nalang talaga at nakatakas ako kanina. Kundi mawawalan talaga ako ng kaluluwa
at mamamatay ako sa kahihiyan. Bago pa kasi niya ako tanungin nung you-know-that-
question eh nagpumiglas ako para makawala. Kahit na natatakot akong malaglag, eh
pinush ko pa rin. At least, nakawala ako.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Basta ang alam ko lang eh nakarating ako sa parang
kambal na tree house na connected ng bridge. Napahinto pa nga ako sa sobrang
amazement eh. Ang cool! Parang may magnet na humatak sa akin papunta sa place na
yun. Pero paakyat pa lang ako eh may nakita akong di kanais-nais sa paligid. Nakita
kong papalapit si Serene kay Ryde. Hindi ko lang alam pero may defense mechanism na
ata ang katawan ko kay Serene at gusto kong ilayo sa kanya lahat ng importanteng
tao at bagay sa buhay ko.

Di ko natuloy yung pag-akyat sa tree house. Dahil kung magnet lang rin naman ang
pag-uusapan, di hamak naman na mas attracted ako dun sa lalaking nakatayo doon
malapit sa castle kesa dito sa tree house na 'to. Lumakad ako papalapit sa kanya
pero syempre di ako nagpakita. Eh pano kasi di ba tinakasan ko siya kanina? Ano
namang sasabihin niya kung nakita niya akong inaapproach siya? Nagtago nalang ako
sa may halaman sa gilid niya na siguro eh 10 meters away from him.

"Ryde! Mag-isa ka lang?" sigaw ni Serene bruhilda habang papalapit kay Ryde. Sorry
sa halaman na nasa harapan ko ngayon. Mukhang makakalbo 'to.

"Uhh.." tapos tumingin-tingin siya sa paligid. Mukhang di pa siya sure sa isasagot


niya eh. Siguro dahil... wait. Di kaya hinahanap niya pa rin ako? O_O

"Tara, punta tayo doon sa tree house. Andun yung iba nating classmates." tapos ang
walanghiya! Aba umangkla sa braso ni Ryde! Eto namang Ryde na 'to, walang reaksyon!
Tsk!

Dahil nga mukhang may defense mechanism na ako sa existence ni Serene eh bigla
akong nag-appear sa harapan nila na parang wild pokemon. Tsaka ko lang narealize
yung ginawa ko noong nakatingin na sila pareho sa akin. Uh-oh.

"Ahh..he..hehe. H..hello?" saka pa ako nagwave sa kanila. Shet! Ano ba 'tong


pinaggagawa ko?! Bago pa ako mawalan ng kaluluwa sa sobrang kahihiyan eh naglakad
ako palayo sa kanila. Bwiset naman kasi eh. Kasalanan ko bang kusang nagrereact ang
katawan ko dahil andito si Serene, and worse, kasama pa si Ryde.

Nung medyo nakalayo na ako eh kinaltukan ko yung sarili ko. Tanga-tanga ko talaga!
Tinakbuhan ko nga si Ryde kanina tapos ngayon ako 'tong bigla nalang susulpot dahil
magkasama sila ni Serene. Psh. Eh bakit ba? Ayaw ko siyang may kasamang iba eh.
Nagseselos lang naman ako, kahit wala naman akong karapatan. Masama ba yun? Pero
kasi.. haay.

"Hey."

"Ay pusakal ka!!"

Halos isang metro ata yung natalon ko mula sa original kong pwesto nung may
pumatong na kamay sa balikat ko. Takte! Sino ba naman kasing tao ang hindi
magugulat sa ganun, with matching bulong pa ng 'hey' sa'yo di ba?! Malay mo
kidnapper o rapist yun no!

Pagtingin ko ulit sa kanya eh muntik pa akong mapasigaw kasi nakangiti siya. Oo. As
in ngiti talaga! Yung totoo? Bakit ang gwapo niya?!

"Sa tree house ka rin ba pupunta?"

"O..oo. Bakit?"
"Pasabay."

Then bigla siyang naglakad. Wow ha. Yun na ba ang ibig sabihin ng "pasabay"? Eh
nauuna na nga siya dun eh! Paano naging pasabay yun? Labo.

Ako naman, bilang tatanga-tangang babaeng may gusto sa lalaking 'to eh ako tumakbo
ako para makasabay sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad. Pero alam niyo, di ko
na nafifeel yung awkwardness kanina na na-feel ko sa bus. Ewan ko. Parang ibang tao
siya ngayon eh. Parang.. parang yung sinasabi ni Chris. Parang.. siya yung Ryde
dati.

At ewan ko rin sa sarili ko ha? Kanina tinataguan ko siya, ngayon naman sinasabayan
ko na siya. Anong problema mo, Aeisha? Takte, nagiging bipolar na ata ako ah?

Maya-maya lang eh nasa harapan na kami nung double giant tree house. Whoa. Nakaka-
amaze pala lalo kapag malapitan ka. Ang awesome lang kasi ng pagkakagawa. Parang
natural na natural ngang tignan eh.

"Whooaaaa." napanganga nalang talaga ako sa kagandahan ng place.

*tap tap*

Napalingon naman ako nung may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko, si Ryde lang
pala.

"Tara na." then bigla niyang tinuro yung likuran namin. Bigla akong nahiya kasi
nakaharang pala ako sa entrance at humaba tuloy yung pila kasi di ako gumagalaw sa
pwestong yun. Waaah nakakahiya!

Nagsorry nalang ako ng mahina sa mga nasa likuran ko at saka umakyat. Buong time na
nasa tree house ako eh sobrang pagnganga lang ang ginawa ko. Kulang nalang eh
tumulo pa pati laway ko. Shet lang talaga! Gusto ko magpagawa ng ganitong bahay!

"Sorry."

Nagulat naman ako nung nagsalita siya. Nakasilip lang kasi ako sa bintana at
tinitignan yung view sa labas kaya di ko napansin na katabi ko na pala siya. Pero
hindi siya nakadungaw. Nakatalikod siya sa view.

"Huh? S..saan naman?"

"Kanina. Hindi yun yung ibig kong sabihin."

"Oh." yung nainis siya nung iniwan ako nila Yem sa kanya? Tss. Naalala ko tuloy yun
bigla. Okay fine, wala akong karapatang magalit. Pero naman kasi! Sinong hindi
maiinis kapag sinabihan ka ng ganun ng taong gusto mo, di ba? Parang pabigat ka
lang.
"I mean.. ang hirap mong kasama." this time napatingin na ako sa kanya. What does
he mean by that?

"Huh? Bakit naman?"

"Wala."

After nun, umalis siya doon sa tabi ko at naglibot sa loob ng tree house, habang
ako naman ay sinusundan siya ng tingin. Mahirap ako kasama? Ano namang ibig sabihin
nun?

"Aeisha!" napatingin naman ako sa right side ko. Si Daniel pala.

"Uy, hello Daniel." saka ko naman siya nginitian.

"Mukhang bumabalik ka na sa dati ah?"

"Ah. Hehe. Wala. Uhm, ayaw ko lang magdrama." tapos tumawa nalang ako. Narealize ko
kasi na nung sembreak eh sobrang drama ng buhay ko dahil sa pesteng Ryde na yun.

"Pero I'm glad na ngumingiti ka na. Mas maganda ka kapag ganyan ka." then nginitian
niya na naman ako ng mala-toothpaste commercial model.

Naalala ko tuloy bigla nung sinabihan niya akong mahal niya ako. Ewan ko ba kung
bakit hindi ako na-aawkward. Di ba dapat ganun yun? Kapag may friend kang may gusto
sa'yo? Ay ewan ko! Pero nagulat nga rin ako sa sarili ko eh. Di ba dati parang
hinahalay ko pa si Daniel sa imagination ko dahil crush na crush ko siya. Tapos
unti-unting nawala yung feelings na yun ng di ko namamalayan. For now kasi, parang
kuya ko nalang siya. Yun bang lagi siyang nandyan para sa akin?

"Huy. Aeisha? Ayos ka lang?"

"Ah?"

"Bigla ka nalang kasing hindi gumalaw. Akala ko na-stroke ka na or something."

"Ay! Haha! Naku may naisip lang ako." tsaka ko siya tinawanan ulit. Takte, nawala
na pala ako sa sarili ko dahil sa kakaisip sa relationship namin ni Daniel dati,
kung meron man. Chos.

"Oh sige una na ako ha?"

"Eh? Aalis ka na agad? Bakit?" La! Ngayon ko na nga lang siya ulit nakasama eh!

"Well, someone's throwing dirty looks on me. Bye." tapos ti-nap niya yung balikat
ko. Okay. Ano daw?

Wala naman akong nagawa kundi magbabye rin sa kanya. Pagkababa niya doon sa tree
house, tinignan ko nalang ulit yung view sa labas. Pero nabaling bigla yung
atensyon ko doon sa lalaking nakatayo sa gilid. May kausap kasi siya sa cellphone
niya at parang seryosong-seryoso yung itsura niya.

"Talaga? Sige. Oo. Just continue. Yeah."

Then binaba niya na yung phone niya at sakto namang napatingin siya sa direksyon
ko. Bago ko pa ma-shift yung mata ko eh nagkatinginan na kami. Shet. Huli ako!
Pe..pero di ko naman sinasadyang tignan siya no! Nacurious lang ako!

Bago pa tuluyang mag-init ang mukha ko eh bumaba na rin ako ng tree house. Biglang
uminit ang paligid dun. Naglakad-lakad nalang ulit ako. Then pinipicturan ko lang
yung mga castles na nadadaanan ko. Ang cool lang talaga. Medieval period talaga ang
theme nila. Pang-princess and prince nga ang drama.

After siguro thirty minutes ng paglilibot eh tinawag na kami nung adviser namin.
Pupunta na daw kami sa next destination namin. Sakto namang malapit na ako sa bus
nun kaya ako ang unang sumakay sa aming mga fourth year. Umupo lang ako sa upuan ko
tapos tumingin nalang sa labas.

"San ka nagpunta kanina?"

"Waaah!"

Nagulat naman ako nung biglang may katabi na pala ako. Yung totoo? Bakit parang di
ko siya napansin na dumating?! OA ng katahimikan niya ha! Di ko man lang siya
naramdaman.

"B..bakit?"

"Wala lang. Nawala ka bigla eh."

"Naglibot lang." teka nga, bakit ba curious siya? "Hah! Hinahanap mo ba ako?" pang-
aasar ko naman sa kanya. Akala niya siya lang marunong mang-asar ha!

"Tss." tapos bigla nalang siyang nagshades at nag-hoodie. Hala? Problema na naman
neto? Parang timang lang ah?

"Hoy." sinundot ko yung cheeks niya.

"Tsk. Ano?" sabi niya pero di siya gumalaw sa pwesto niya.

"Problema mo?" ang gulo kasi eh. Bakit parang nagtatantrums siya? Tinotopak na
naman ba siya?

"Wala."

"Aish."
Ewan ko pero bigla nalang din akong na-badtrip. Anong problema niya?! Dapat nga ako
yung nagmumukmok kasi magkasama sila kanina ni bruhildang Serene eh! Sarap niyang
isabit sa tree house! May pa-we're just friends, we're just friends pa siyang
nalalaman dati pero parang di naman ganun yung nafefeel ko.

Okay. Ayan na naman. Nagseselos na naman ako sa lintek na yun. Eh ano nga ba namang
laban ko, close friends daw sila dati. Classmate lang ako.

"Poleng!!" narinig ko naman yung boses ni Yem. Pero imbes na batiin ko rin siya eh
binigyan ko siya ng isang matinding death glare.

"Oy Ryde!" narinig ko ring tawag ni Chris kay Ryde. Di ko alam ang nangyari pero
bigla nalang napaupo si Chris sa upuan niya after nun.

"Ano kayang nangyari dun sa dalawa? Katakot! Para silang papatay ng tao!" sige
Chris, ilakas mo pa yang boses mo. Di ko marinig -__-

"Oo nga eh. Yaan mo na. Magkakaayos din yan." rinig ko naman na sabi ni Yem.

Hay naku. Bahala nga silang lahat dyan! Badtrip! Sana pala di nalang ako sumama
kung magkakaganito lang rin naman pala!

Parang nademonyo naman yung utak ko kaya tinapat ko yung aircon sa taas namin sa
akin lang. Hah! Manigas siya sa init! Sinaksak ko rin yung earphones ko sa tenga
ko. At tinadyakan ko yung binti niya. Di ko nga alam kung anong pumasok sa kokote
ko at ginawa ko yun eh. Mamaya suntukin ako ng taong 'to. Alam niyo na, palaaway
yan di ba? Pero nagpoker face nalang ako at tumingin sa labas tapos tinodo ko yung
volume ng phone ko para wala akong marinig.

Bigla namang may kumalabit sa akin. Syempre sino pa bang kakalabit sa akin di ba?
Pero di ko siya pinansin. Bahala siya dyan.

Nangangalabit pa rin siya. Pero this time, sunud-sunod na. As in. Parang 0.5 second
interval lang ang pagitan. Dahil nabubwisit na ako at naiistorbo ang sight-seeing
ko habang umaandar yung bus eh hinarap ko na rin siya.

"Ano bang pr--"

Napatikom bigla yung bibig ko at halos lumuwa yung mata ko nung mga oras na yun.
Pano ba naman?! Pagkalingon na pagkalingon ko eh sobrang lapit ng pagmumukha niya!
As in malapit! M-A-L-A-P-I-T. Tumama ba nga yung tungki ng ilong ko sa ilong niya
eh! Tapos.. tapos.. bigla siyang ngumiti! Iaatras ko na sana yung pagmumukha ko
pero biglang may humawak sa batok ko at parang pinupush niya ako forward.
Kinabahan ako ng sobra. Dun ba 'to patutungo? Shet! Napapikit nalang ako sa sobrang
kaba.

Pero walang nangyari.

Napadilat naman ako bigla.

"Wag gahaman sa aircon."

Tsaka niya tinapat sa kanya yung isang aircon, habang ako naman eh nakatulala lang
doon.. Just like before. Nangyari na 'to dati. Ang alam ko.. may ganitong scene din
dati.

Bigla namang nagflashback yung nangyari sa likod ng school dati.

Yung nacorner ako sa puno tapos bigla niya ring nilapit yung mukha niya ng sobra-
sobra to the point na nag-expect ako na baka halikan niya ako. Pero ang walanghiya
eh bigla nalang nagsabi ng,

"Paturo sa math."

Shet. Oo nga. Nangyari na 'to dati. Walanghiya! Ganun ba talaga siya?! Lagi nalang
ha! Pinagtitripan niya na naman ako!
"Argh!" wala na akong masabi dahil feeling ko eh namumula na naman yung mukha ko.
Nakakainis na lalaki 'to! Bakit siya ganyan?

"Bakit?" Aba! At painosente pa! Bugbugin ko siya ng kaliwa't kanan eh!

"Kainis ka!" naisipan ko namang asarin siya. "Dun ka na nga sa Serene mo! Magsama
kayo! Tsupi!" saka ko siya tinaboy-taboy pero wala. Ni hindi man lang gumalaw sa
pwesto niya. Tss.

"Ayaw mong umalis ha? Okay. Ako ang aalis. Asan ba si Daniel?" tatabi nalang ako
kay Daniel. At least siya may sense kausap. Akmang tatayo na ako nung biglang
tinaas niya yung isang binti niya kaya di ako makadaan. Nung tinaas ko naman yung
paa ko para humakbang doon sa binti niya eh bigla niya pang tinaasan. Kung sipa-
sipain ko kaya siya ngayon?! Ang lakas na naman ng topak eh! Ayaw akong padaanin!

"Padaan!"

"Eh di dumaan ka."

"Talaga!"

Dahil masyadong mataas para hakbangan, yumuko nalang ako para lumusot. Pero nung
halfway na ako eh bigla niyang binaba! Na-stuck tuloy ako! Ack! Ang bigat ng mga
binti niya!

"Hoooy! Ano ba!" sabay palo ko ng malakas sa binti niya, kaya medyo lumuwag yung
space sa pagitan ng batok ko at ng binti niya. Pero bigla niyang tinulak yung leeg
ko gamit yung isa niya pang binti paatras.

"Tsk! Ano ba! Bakit ayaw mo kong padaanin?!" pinagtitinginan na kami ng classmates
namin na malapit sa amin pero wapakels lang.

"Dyan ka lang."

"Huh?!" di ko masyadong narinig yung sinasabi niya dahil nag-iisip ako ng strategy
kung paano makakalusot sa binti niya.

"Sabi ko.. dyan ka lang."

Okay. Ano daw? Dito lang ako? Ayaw niya akong umalis? Bigla ko namang inalala kung
anong huli kong sinabi bago ako tumayo.

"Ayaw mong umalis ha? Okay. Ako ang aalis. Asan ba si Daniel?"

Hindi ko alam pero bigla akong namula. So anong ibig sabihin nun? Ayoko namang mag-
assume pero.. takteness! Imposible! Tinignan ko ulit si Ryde. Di ko naman makita
yung expression niya since naka-hoodie at naka-shades siya.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong padaanin?" umupo nalang rin ako sa upuan ko since
umaandar yung bus. Mamaya biglang huminto tapos ma-out of balance pa ako. Naghintay
ako ng sagot niya pero di naman siya umiimik. Takte to ah! Ganun ha? Bahala ka
aasarin kita!

"Oy." sundot ko ulit sa pisngi niya. "Bakit ayaw mo akong padaanin? Pupunta lang
naman ako kay Daniel ah? Teka. Wag mong sabihing.."

Waaah teka nahihiya akong sabihin! Baka isipin niya ang assuming ko! Shet! Pero,
aasarin ko lang naman siya eh! Wala namang masama dun! Whoooo! Kaya ko 'to!

".. nagseselos ka?"

Pagkasabing-pagkasabi ko nun eh wala lang siyang reaksyon. Sabi ko nga pahiya ako.
Waaah! Kainis! Napaharap nalang ako bigla sa salamin ng bus. Nakaearphones pa rin
ako ngayon pero pinatay ko na yung tugtog dahil baka malobat ako. Shet! Nakakahiya
talaga! Ano bang pinagsasabi ko?!

"Oo."

Eh?

Napalingon naman ako bigla. Pero pagtingin ko, nakaharap na siya doon sa may aisle.
Nagsalita ba siya? O guni-guni ko lang yun? Anong sabi niya? Oo daw?

Oo? Oo.

So nagseselos siya? Hahaha! Sabi na nga ba nagseselos..s..siya--

NAGSESELOS SIYA?! O///O

*******************************************
[60] Chapter LIX
*******************************************
Nanahimik ako sa upuan ko. Ni hindi ko na nga natapat ulit sa akin yung aircon
dahil lumabas ata yung kaluluwa ko sa bus at nagpapaliguy-ligoy kung saan. Leshe,
sana bumalik na siya. Nabubuang na ako dito!
Hanggang sa makarating na kami sa next destination, which is Palace in the Sky, eh
wala pa rin ako sa sarili ko. Seriously Aeisha? Two-letter word lang natatanga ka
na dyan? Simpleng 'OO' lang halos sumakabilang-buhay na ako? Shet. Iba na 'to.

Para maibsan ang nararamdaman kong near-to-death feeling, nakinig nalang ako ng
music. Kaso yung pesteng player ko eh nananadya ata at "Jeepney Lovestory" pa ang
kantang natapat. Sarap itapon sa labas eh! Ewan ko ba, pero sa tuwing naririnig ko
'tong kanta na 'to, naiimagine ko lagi yung scene namin dati na lagi kaming
nagkakasakay sa jeep ni manong.

"O..oy! Ano ba!"

"Parinig lang. Damot mo."

Kita mo 'tong taong 'to. Hindi niya ba alam yung salitang awkward? Parang kanina
lang magkaaway kami tapos ngayon kung umasta akala mo walang nangyari kanina. Aba't
hinila pa yug earphones ko sa kaliwa at nilagay sa tenga niya!

"Anong kanta 'to?"

"Eh? Hindi mo 'to alam? Seryoso?"

Wow ha? Meron palang di nakakaalam ng kantang 'to ni Yeng? Akala ko lahat ng tao sa
Pilipinas alam 'to. Okay ang OA pala pag lahat. Pero para kasing lagi 'tong
pinapatugtog sa kung saan-saan di ba?

"Hindi. Anong title?"

"Jeepney Lovestory."

Nagulat naman ako nung nakita kong nakitingin lang siya sa akin. At hindi ko rin
alam sa sarili ko pero napatitig nalang rin ako sa kanya.

"Ehem! Hinay-hinay baka matunaw kayo pareho!"

Nagulat naman ako kay Yem na bigla nalang humarap dito sa amin. Shet! Napatingin
nalang ako bigla sa labas dahil narealize kong ang awkward pala. Takte! Bwiset
talaga 'tong si Yem eh! Whoooo!
"Hahaha! Oh em. Sorry nakaistorbo ata ako. Woopsie!" sabay upo niya ulit ng maayos.
Uupakan ko talaga siya mamaya. Ipaalala niyo nga sa akin.

Okay. Inhale. Exhale. Wag magpanic Aeisha. Okay lang yan. May araw rin yang si Yem.
Whoooo! Tinabi ko nalang yung phone ko. Nagtingin-tingin nalang ulit ako sa view sa
labas. Medyo nasisilip naman ng peripheral view ko si Ryde. Pero kasi yung likod
niya nakaharap sa akin eh. Bale nakaharap na naman siya sa aisle. Tss. Kitams? Alam
niya naman pala ang feeling ng awkward eh -__-

Nung huminto na yung bus, nagsibabaan na rin agad kami. Pagdating naming dun, isa
lang ang reaksyon naming lahat. WHOA. As in WHOOOOAAA. Ang ganda ng view! Sobra!
Kitang-kita mo lahat. Tapos ang lamig kahit tanghaling tapat. Waaah ang cool
talaga! Ang lawak ng nakikita ko!

"Wow! Ang ganda!" napasigaw talaga ako sa sobrang ganda. Grabe, ang breath-taking
neto! Gusto ko pag nagkabahay ako, ganito rin yung makikita kong view.

"Poleng! Picture picture tayo dali!" bigla naman akong hinatak ni Yem at pinicture-
an kami bigla ni Chris. Ako naman, nakisakay nalang. Pose lang ako ng pose ng kung
anu-ano. Tapos meron kaming seductive pose ni Yem na parang naging horror ang theme
kasi nakakakilabot lang yung itsura naming. Nako, promise, hindi niyo nanaising
makita.

Kaso ambastos rin netong si Yem eh. After naming magpicture-picture, nagsolo na
naman sila ni Chris. Psh. Pinagpalit na talaga ako sa kalandian niya. Taksil. Hmp!
Hayaan na nga sila, nabibitter lang ako. At dahil wala akong magawa, may naisip
akong weird na gawin. Kaso nakakahiya, kaya humiwalay muna ako sa mga kaklase ko at
pumunta ako doon sa side na medyo walang tao. Okay. Inhale. Exhale. Inhale..
EXHALE!

"PINAGPALIT NA AKO NG BEST FRIEND KO SA JOWA NIYA! NIYA! NIYA! NIYA!"

Whoa cooooool! Sumigaw ako ng malakas tapos nag-echo. Kaso nakakahiya! Bigla akong
pinagtinginan ng mga classmates ko pati nung ibang tao doon tapos pinagtawanan ako.
Waaah shet nakakahiya! Eh kasi naman! Napapanood ko 'to sa ilang drama no! Yung
sisigaw sila ng nararamdaman nila o kaya ng secret or nakakahiyang pangyayari sa
buhay nila sa isang lugar. Edi ginaya ko! Pero takte.. narealize ko na dapat hindi
'to ginagawa kapag maraming tao sa paligid. Ugh, katangahan, bakit ka umatake
ngayon?!
Bigla naman akong may narinig na nag-sneer sa gilid ko. Pagtingin ko, isang
lalaking nakakainis.

"Problema mo?!"

Kainis talaga siya! Di ko maintindihan yung utak niya! Masungit kanina, tapos
biglang magiging sweet, maya-maya magiging pipi siya tapos ngayon tinatawanan naman
ako?! Ano ba siya? May split personality? Naku kung di ko lang 'to mah-

"Should I try that too?"

"Heh?"

Bigla naman siyang nag-inhale exhale doon. Akala ko kung anong gagawin niya, pero
narealize ko na gagayahin niya pala yung ginawa ko kanina. Shet, na-slow ako dun
ah. Di masyadong gumagana ang utak ko kapag siya kausap ko. Leshe.

"NAHAWAKAN KO..."

Nahawakan? Anong sinisigaw niya? At ano namang pwedeng i-confess o nakakahiyang


nangyari sa nahawakan niya? Buti sana kung katulad ko siya na nawala ang buong
pagkatao matapos lapastanganin ang virginity ng boobs ko... Wait. D..don't tell
me...

"...NANG DI SINASADYA ANG B--"

WAAAAHHH PAKSHEEEEET!!

Halos nag-ninja moves ako para lang matakpan yung bibig niya at buti nalang talaga
nakaabot ako bago pa masabi ang B-word na yun! Hinatak ko siya papalayo doon sa mga
classmates namin na nagtatawanan sa di ko malamang dahilan.

"Hoy! Anong problema mo?!" naghintay ako ng sagot niya pero nakalimutan kong
nakatakip pala ng kamay ko yung bibig niya. Bago pa ako tuluyang mawalan ng dangal,
tinanggal ko yung kamay ko sa bibig niya.

"Hmm?" Aba at kita mo nga naman oh! Nagpa-inosente face pa! Oo alam kong gwapo ka
pero hindi na yan tatalab saking hinayupak ka!

"Wag mo akong ma-hmm-hmm dyan ha! Takte ka! May lihim ka bang galit sakin at gusto
mo akong mamatay sa kahihiyan?! Idadamay mo pa yung..yung..aaarrrgghh!!" napapadyak
nalang ako ng paa sa sobrang frustration. Kainis!

"Pfft."

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" at talagang nagpipigil pa siya ng tawa?! Ganun ha?

*BOOGSH*

"Ouch!! Fu..uuughhh!!"

Bago pa siya may masamang gawin sa akin eh tumakbo na ako palayo sa kanya. Hah!
Buti nga! Bagay yan sa kanya! Tignan ko lang kung makalakad pa siya ng maayos. Ang
lakas ko kayang sumipa. Bwahahaha! Aba, sinipa ko lang naman ang binti niya.

Dahil nababadtrip lang ako sa mga pangyayari, naisipan ko nalang na bumalik sa bus.
Matutulog nalang ako. Bahala silang lahat sa buhay nila. Tss. Si Yem, na best
friend ko, eh iniwan ako sa ere para lang sa jowa-jowaan niya. Tapos eto namang si
Ryde na iniyak-iyakan ko pa ng ilang linggo dahil bigla nalang siyang naging
kakaiba sa akin, eh ngayon pinagtitripan ako! Napaka-pilyo! Nakakainis! Pilyong-
pilyo ang drama.. huh? Teka lang.

Pilyo? Kelan pa siya naging pilyo?

"Oo nga eh. Napakapilyo nun dati di ba?"

"Oo daw. Pero bigla nalang siyang nagbago ngayong school year."

Oh yeah. Narinig ko dati na pilyo pala siya before. Teka. Wait. Wait. Wait! Heeep!
Y..you mean, bumabalik na siya sa dati? As in yung dati niyang personality? Whoa..

"You think so?"

"Yeah. Feeling ko bumabalik na siya sa dati."


Bigla naman akong nakarinig ng boses kaya napayuko ako sa may upuan ko, ninja
moves. Ewan ko nga rin kung bakit ako nagtatago eh. Kaso kasi baka isipin nila,
nag-eeavesdrop ako, though mukhang nag-eeavesdrop nga ako ngayon kahit di ko naman
intention.

"Ibig sabihin.. tapos na yung problema niya?" sabi nung lalaking boses. Parang
pamilyar yung boses ah?

"Not yet. Pero yun nga. He's returning to his normal self. Is that a good thing?"
sabi naman nung babae, na parang pamilyar rin yung boses.

Dahil nga pinanganak ako para maging tsismosa, sumilip ako ng kaunti, pero
sinigurado ko naman na hindi ako makikita. Then pagsilip ko sa aisle, nakatayo si
Daniel at Serene doon sa gitna.

KELAN PA SILA NAGING CLOSE?!

Teka, sumasakit ang utak ko sa mga nangyayari! Sa pagkakaalam ko, galit si Daniel
kay Serene dahil sa nangyari sa kanila ng kuya niya na niloko daw ni Serene before.
Pero, parang naalala ko na tinanong kami ni Daniel kung bakit galit kami kay Serene
nung pumunta siya sa bahay namin. Hmm, di kaya may nangyari sa kanilang dalawa at
naging close nalang sila bigla? Takte, ano bang nangyayari kasi?!

"Pero mukhang may lead na siya. Siguro alam na niya yung gagawin niya." Sabi ni
Daniel.

"Tss. Kung di lang dahil sa Aeisha na yun! Kasalanan niya 'tong lahat eh! Pasalamat
siya at malayo siya sa akin dahil nasa unahan ako nakaupo. Pero pag nakita ko siya
ngayon, I won't hesitate na sampalin siya." Halos pinigilan ko yung hininga ko
dahil sa narinig ko. Shet. Pag nahuli nila ako ngayon, patay ang pisngi ko. Pero
sino ba siya para magsabi ng ganun?! Anong akala niya? Hindi ako lalaban? Aba, asa
siya! At bakit ako na naman?! Ano bang ginagawa ko sa kanya? Trip na trip niya ako
ah?!

Napatingin naman ako bigla sa bintana. Tapos na pala ang time namin dito sa Palace
in the Sky. Nag-akyatan naman na yung mga kasamahan ko sa bus. Ako naman,
nagkunwari nalang na tulog.

"Ohh? Andito pala si Poleng? Akala ko nawawala na eh, natutulog lang pala!" narinig
kong sabi ni Yem. Buti nalang hindi masyadong malakas ang volume ng boses niya,
kundi baka narinig siya ni Serene at bigla akong sugurin dito.
Umandar naman na agad yung bus at pumunta kami sa kung saan-saan. Then nag-zipline
kami! Jusko, halos mamatay talaga ako sa kaba nun! Actually, ako lang mag-isa nung
time ko na. Pano ba naman kasi, halos lahat sila by pair. Psh. Eh dahil nga
pinagtaksilan ako ng Yem na 'to, edi ako lang mag-isa ang nagganun! Pero actually,
hinahanap ko siya secretly, si ano. Kasi naman! Nasanay ako sa presence niya na
laging malapit sa akin. Siguro nagalit nung sinipa ko yung binti niya. Tss,
kasalanan niya naman kasi eh! Aarrggh, hayaan na nga! Bakit ba iniisip ko siya na
maging kasabay?!

"Asan na ba si Ryde? Gusto ko siyang makasama sa zipline! Hmm, yun ang iniisip mo
no?"

Pagtingin ko sa likod ko, si Yem. Kita mo 'tong babaeng 'to, kung makapang-asar
akala mo kung sino. Siya na nga ang nang-iwan diyan sa ere eh! Paliparin kita dyan
eh -__-

"Che! Tigil-tigilan mo ako Yem ha."

"Wushuuu! Kita ko kaya kanina, palingon-lingon ka! Obvious namang hinahanap mo siya
eh."

"Gaga, si Daniel hinahanap ko."

"Utot mo. Daniel ka dyan? Eh halos nasa right side mo lang si Daniel kanina eh!
Kung makarotate yung ulo mo kanina, daig mo pa yung tarsier!"

"Hah?! Anong pinagsasabi mo dyan?!"

Bwiset. Walanghiyang babae 'to! Nagsspy pala sa akin! Nakita niya akong palingon-
lingon! Takte. Aasarin na naman ako neto ng walang tigil.

At tama nga ang hinala ko! Hanggang makapunta kami sa huling destination namin, eh
walang sawa niya akong inasar! Take note ha, hanggang sa bus! Katabi ko pa man din
si Ryde nun! Ang sarap sapatusin ni Yem nung mga panahong yun, promise. Pero buti
nalang at tulog siya buong byahe plus naka-headphones siya.

Sa last destination namin, naghorse-riding kami tapos nag-rides. Sumakay kami nila
Yem ng Viking at nakakatawa lang talaga ang itsura ng iba naming classmates.
HAHAHA! Takot na takot eh! Pero may isang tao doon sa isang side, doon sa may
pinakadulo, na wala man lang karea-reaksyon. Oh, kilala niyo naman na siguro di ba?
-__-

Nung gabi na, doon namin naisipang mag-ferris wheel. Kasi pag gabi, makikita mo
yung city lights tsaka feeling ko mas maganda ang ambiance. So dahil nga kasama ko
'tong magjowang 'to sa pila, mahihiwalay na naman ako. Ayoko naman kasing maging
chaperone nila no. Kaya nung sasakay na sila, hinayaan ko lang sila at nagbabye ako
sa kanila. Then, sumakay na ako sa susunod. Ayos 'to, solong-solo ko ang place!
Mwahahaha!

"Bakit ka nakangiting mag-isa?"

"AY PAKINGSHET!"

Takte! Sobrang napaatras ako to the point na medyo umalog yung cart dahil sa action
ko. Eh sino ba naman kasing hindi magugulat kung biglang may nagsalita sa loob
tapos ang alam mo eh ikaw lang mag-isa ang nakasakay di ba?! Shet! Buti nalang wala
akong sakit sa puso. Phew!

"Yo." Sabay taas niya sa kamay niya.

"Yo-yohin mo mukha mo! Walang hiya ka! Akala ko mamatay na ako sa sobrang gulat! At
ano bang ginagawa mo dito?! Bigla-bigla ka nalang sumusulpot! Ano ka, kabute?!"

"Hmm. Wala lang. Nakita kitang pumasok mag-isa eh."

"And so?!"

"I just wanna say something to you." Then binigyan niya ako ng isang piercing look.
Bigla naman akong kinabahan ng todo. Parang sobrang tumaas ang pressure sa cart na
'to. Hindi ako makahinga! Takte.

Tumahimik nalang ako at tumingin sa labas. Pero mukhang maling choice yun dahil
halos napanganga ako sa view. Whoooaaa! Ang ganda! Kitang-kita yung Taal volcano!
Tapos ang ganda ng mga ilaw! Nagrereflect sila sa lake! Waaah ang ganda talaga! Ang
galing!

"Nagmahal ka na ba?" bigla naman akong napalingon sa kanya.

"H..huh?"

"Tsk. Nagmahal ka na ba?"

Kung anong ikinabilis ng heartbeat ko ngayon, eh dumoble ang bilis nung nagregister
sa utak ko yung tanong niya. Gusto ko ring umiwas ng tingin pero parang na-glue ata
yung mata ko sa mata niya. Shet.

"I..I..I guess.. s..so." nanginginig pa yung labi ko nung sumagot sa sobrang kaba
at sa sobrang lamig. Medyo nasa taas na kasi yung cart namin. Then pagtingin ko sa
kanya, nakangiti lang siya.

"Me too." This time, naging attentive ako bigla. Na..nainlove na siya?

"T..talaga?" ewan ko kung bakit, pero gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung
sino yung minahal niya. Somehow, merong maliit na part ng mind ko na winiwish na
sana ako yun. Gosh, how assuming.

"Yeah. There was this one woman, maganda, mabait, sobrang thoughtful. I love her
the most."

Bigla namang bumigat yung pakiramdam ko. I dunno why pero, parang hindi maganda ang
pupuntahan neto. Sana nga lang, hindi tama ang hinala ko.

"I love her more than anything. Pakiramdam ko lagi akong sasaya kapag kasama ko
siya. Kahit nung bata pa ako, I admired her. I don't know.. I feel pure happiness
and love kapag naiisip ko siya. Pero ngayon, wala na siya. It's like losing half of
my life. But, I still love her.. even now."

Hindi ko alam kung kelan, pero habang nagkukwento siya, napayuko nalang ako at
bigla nalang tumulo yung luha ko. Bata pa raw siya, mahal na niya yung taong yun.
Ngayon ko lang naman siya nakilala. So that means.. not me. It's someone else.

Ewan ko.. pero sa bawat salitang binibitawan niya, nasasaktan ako. Ramdam na ramdam
ko kung gaano niya kamahal yung babaeng kinukwento niya. Haha.. parang gusto ko
nalang magpasampal kay Serene kesa mapakinggan 'tong pinagsasabi ni Ryde. Shet.

Nagseselos ako. Alam kong wala akong karapatan pero.. hindi ko maiwasang magselos.
Akala ko, may pag-asa ako. Akala ko, kahit papano, pareho kami ng nararamdaman para
sa isa't isa. Pero akala ko lang pala yung lahat.

Heto siya ngayon, pinamumukha sa aking.. may mahal siyang iba. Ano pa bang mas
sasakit dun? Ang hirap. Sobrang hirap pigilin ng paghikbi ko. Buti nalang, medyo
maingay yung classmates ko sa ibang carts at buti nalang din at mahaba yung bangs
ko. At least, hindi naman halatang umiiyak ako. Hah, bumalik na naman ako sa
pagiging iyakin :'(

"Okay ka lang?"

Tumango nalang ako. Pucha. Ryde, ang manhid mo. Kung alam niya lang kung gaano ako
nasasaktan ngayon sa pinagsasabi niya. Kung alam niya lang na mahal na mahal ko
siya. Kung alam niya lang...
"G..ganun ba? A..ang swerte naman.. ng babaeng yan." Pinilit kong wag mag-crack
yung boses ko, pero mukhang hindi ko kaya. Pero at least.. medyo nadeliver ko naman
ng maayos.

"Ah oo. Pero sa tingin ko mas swerte ako dahil sa kanya. Ikaw ba?"

"A..ako? Well.. I love this one guy.. pero mukha lang.. akong tanga.. k..kasi may
mahal siyang iba.. H..haha.." sabay punas ko doon sa luha ko na tuluy-tuloy nang
tumutulo. And I think, nahahalata na niya na umiiyak ako.

"Hey.. ayos ka lang?"

"Ako? Ayos? Yeah.. S..sure. Ayos lang ako. Ayos lang.. kahit may mahal siyang iba..
S..sino nga ba naman ako para mahalin niya? Eh.. n..nakilala ko lang naman
siya..recently. Pero alam mo.. umasa ako.. kasi akala ko..m..may pag-asa. Pero..
para lang pala akong..tanga. S..sabi niya kasi.. maghintay ako.. Maghintay daw..
Uh..huhuu." Hindi ko na kinaya. Napaiyak na talaga ako. Parang gusto ko nalang
sumabog bigla. Gusto ko nalang mawala dito.

"Hey.." naramdaman kong tumayo siya at papalapit sa akin.

"Dyan ka lang!" sigaw ko sa kanya kahit sobrang cracked na yung boses ko. "Sorry.
N..nagdrama pa ako sa'yo. Pero please.. wag kang lumapit."

I don't know. Pakiramdam ko kasi pag lumapit siya sa akin, lalo lang akong
masasaktan. Lalo ko lang siyang mamahalin kahit alam kong meron siyang mahal na
iba. Gusto kong maglagay ng boundary sa amin.

"Pero.. bakit ka umiiyak? B--" bago niya pa matuloy yung tanong niya, tumayo na
ako.

Saktong-sakto namang nasa baba na kami nun at bumukas bigla yung pinto ng cart.
Hindi na ako naghintay pa ng kung ano at lumabas agad ako. Tumakbo ako agad-agad at
papunta na sa bus pero..

"PAULINE!!"

Lalo lang akong naiyak. Gusto kong tumingin pabalik. Gusto kong lumingon. Pero
masasaktan na naman ako. Iiyak na naman ako. Pero ewan ko kung anong meron sa akin,
kasi bigla akong napangiti kahit sobrang namamaga na yung mata ko sa pag-iyak.
This is the first time he called my name :'(

*******************************************
[61] Chapter LX
*******************************************
Eto na po! Para sa mga nabitin sa nakaraang update, brace yourselves. MWAHAHAHA!

nga pala, like my update page po. Click nyo lang yung external link. Dyan ako
magpopost ng announcements about my stories :)

*********************************************************************************

"Poleng! Huy! Buksan mo 'tong pinto!!"

"Ate! Papasok! Sige na!"

"Apo? Ano bang nangyayari sa'yo?"

Katok sila ng katok sa pinto. Kanina pa sila dyan pero hindi pa rin ako gumagalaw
sa posisyon ko. Isa pa, ayoko muna makakita ng kahit sino.

"Please.. pabayaan nyo muna ako.. kahit ngayon lang. P..please."

Bigla namang tumigil yung sunud-sunod nilang katok at tumahimik yung paligid. Pero
after nun, narinig kong umiiyak yung kapatid ko. As in iyak talaga.

"ATE! WAG KA NANG UMIYAK DYAN UUHHHH...HUUUU.. B..BUKSAN MO NA YUNG PINTO ATE!
S..SASAMAHAN KITA UMIYAK.. ATEEE!!" saka siya umiyak ng malakas.

"POLENG! ANO BA?! ANO BA KASING NANGYAYARI?!" sumisigaw na rin si Yem. Pero ayoko
muna silang makita. Ayoko pa. Pero ang kulit nila. Katok sila ng katok sa pinto.

"PWEDE BA?! TIGILAN NIYO MUNA AKO!!" sigaw ko sa kanila kahit nag-crack pa yung
boses ko dahil umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Then bigla nalang nawala yung
pagkatok nila. Ang sumunod na narinig ko ay yung malakas na pag-iyak ni Aera. At
kahit hindi masyadong rinig, alam ko na umiiyak na rin si Yem.
Lalo lang akong napaiyak. Buti pa sila, napapansin kapag may problema ako. Kapag
hindi ako okay. Kapag umiiyak ako. Pero yung taong iniiyakan ko ngayon,
napakamanhid. Ni hindi man lang niya napapansin kung masaya ako o kung nasasaktan
ako. Pero sabagay, ano ba namang pake niya sa nararamdaman ko? Classmate niya lang
naman ako. Hanggang doon lang yun.

Buti nalang talaga at hindi siya sumunod sa akin nung umalis ako sa Ferris Wheel.
Dumiretso lang ako sa bus at dun ako umiyak ng umiyak. HUmahagulgol pa ako dahil
sobrang sakit. Para akong sinampal ng paulit-ulit. Sana nga sampal nalang yung
ginawa sa akin. Para at least, iiyak ako dahil sa physical pain. Pero hindi eh. Mas
malala 'to. Sobra :'(

Buti nga wala doon si manong driver. At least, solo ko yung sasakyan. Walang
makakarinig sa akin. Walang makakaalam kung anong nangyayari.

Or so I thought...

Bigla nalang may nanghatak sa akin papunta sa aisle at niyakap ako.

"Aeisha." imbes na pigilan ko yung luha ko, lalo lang akong naiyak.

"D..daniel--"

"Shhh. I'll lend you my shoulder. Cry all you want. I won't do anything. Dito lang
ako. Sasamahan kita." sabay higpit niya sa pagkayakap sa akin.

"B..bakit? Bakit.. mo 'to.. g..ginagawa?" naiiyak lang ako lalo. Bakit ba


ganito? :'(

"Because I love you. Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Pero kung makikita man
kitang nasasaktan, tulad ngayon, I want to be by your side. Masakit umiyak ng mag-
isa. Mas mabuti na yung may kasama ka. At least, you can share the pain, right?"

"Daniel..."

Sa sinabi niyang yun, tuluyan na akong nag-breakdown. HUmagulgol na talaga ako.


Lalo lang bumigat yung pakiramdam ko dahil sa guilt. I'm sich a failure :'(

Bakit ba hindi ko napapansin yung mga taong totoong nagmamahal sa akin? Bakit hindi
nalang si Daniel? Bakit hindi nalang siya yung minahal ko? Eh di sana, masaya kami
pareho ngayon. Pero wala eh. Lecheng puso 'to. Si Ryde ang pinili. Hindi ko rin
alam kung bakit.

Naramdaman ko naman bigla na may tumulo sa likod ko. Kakawala sana ako sa yakap ni
Daniel pero lalo lang nyang hinigpitan.

"Daniel.."

"Can we stay like this.. a little longer? Haha. A..ayokong makita mo yung mukha ko
ngayon. I don't want you to see my loser side."

He's crying.. at ako ang may kasalanan :'(

"Daniel.. S..sorry..sorry.. sorry talaga.." sobrang bigat sa feeling. Sobra. Yung


alam mong mahal ka ng tao, pero hindi mo masuklian yun, kasi nasa ganung sitwasyon
ka rin. Lalo lang akong naiyak dahil dito. Naghahalu-halo na yung emotions ko --
pain, sadness, anger and guilt.

"Nah. Hindi mo kasalanan. It's my fault. And it's my loss."

Hindi na ako nagsalita, at hindi na rin siya umimik. Ang tanging naririnig lang sa
bus ngayon ay yung hagulgol ko. Tapos sobrang basa na ng damit niya dahil sa akin.
Pero at least, medyo humihinahon na yung pag-iyak ko. Nakatulong na rin siguro yung
pag-caress niya sa buhok ko. And.. I feel secured right now. Pakiramdam ko.. walang
makakapanakit sa akin, though sapat na yung nararamdman kong sakit ngayon para mag-
breakdown.

Unti-unti na rin akong nanghihina sa sobrang pag-iyak. Ang sakit na rin ng


lalamunan ko. Then after a few seconds, everything went black.

***

Yun ang natatandaan ko. Pagkagising ko, tinignan ko agad yung katabi ko.

WALA.
Mabuti na rin yun. At least.. at least.. hindi ko siya makikita. Pagtingin ko sa
paligid, nagsisibabaan na yung mga tao. Kaya ako, nakibaba na rin. Hindi ko na
hinintay si Yem. Ni hindi ko nga siya nakita eh. Tuluy-tuloy lang ako sa
paglalakad. Pumara agad ako ng jeep at sumakay sa unahan.

"Oh hija. Kamusta?"

As usual.

Tumango nalang ako at pinilit kong ngumiti. Pero pagkangiting-pagkangiti ko,


nagsiagusan na naman 'tong mga lecheng luha na 'to. Bwiset. Akala ko naubos na sila
kanina. :'(

"Haayy.. eto hija. Gamitin mo muna." tapos inabot niya sa akin yung bimpo niya.
Tinanggap ko naman pero hinawakan ko lang.

"Wag kang ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya. Hindi mo maloloko ang isang
tao kung hindi mo kayang lokohin ang sarili mo, hija."

Nakakainis. Lahat nalang. Lahat nalang sila pinapaiyak ako! :'(

"Mas masarap ngumiti kapag masaya ka talaga. Kapag yung ngiti mo ay galing sa puso
mo. Hindi ba?" saka sya ngumiti sa akin. Ewan ko pero kahit umiiyak ako, napangiti
ako. Pero hindi pilit. Yung totoong ngiti.

Hindi na ako umimik after nun. Bumaba naman agad ako nung nasa kanto na namin.
Naglakad lang ako ng mabilis papuntang bahay dahil ayokong may makakita sa akin sa
ganitong state. Pagdating ko sa bahay, bukas yung pinto at nasa labas si Aera,
nakapangalumbaba pa.

"Waaah ate andito ka na!! Yehey! May pasalubong ka ba sa akin? Hinintay kita dito
sa labas kahit malamok! Ahahaha! Ang bait ko di ba? Si lola kasi tulog na
kakahintay sa inyo. Naisip ko, baka pagod na kayo ni ate Yem pagdating nyo kaya
hihintayin ko nalang kayo dito sa pintuan. Tapos.. tapos mamasahihin kita ate! Pero
may bayad ha! Tapos--"

Hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko nalang siya. Napangiti nalang ako at


napaiyak. Masarap nga sa feeling na ngumiti dahil masaya ka, pero nangingibabaw pa
rin yung sakit sa puso ko.
"Salamat Aera. Pahinga muna si ate ha? Sige." tsaka ko ginulo yung buhok niya at
pumasok nalang ako sa kwarto. Ni-lock ko kaagad yung pinto. At yun ang nangyari.

***

Madaling araw na. Hindi ko na naririnig yung paghagulgol ni Aera. Tahimik na yung
buong paligid. Siguro nakatulog na sila sa may sala.

Kinuha ko yung mga kumot at unan. Then dahan-dahan kong binuksan yung pinto.
Bumungad sa akin yung nakahiga nilang posisyon. Pumunta ako doon sa may sala at
nilagyan ko sila ng kumot at unan. Bubuksan ko na sana yung pinto para lumabas ng
bahay pero biglang...

"So lumabas ka na rin sa wakas." napatingin nalang ako sa kanya.

"Yem." lumapit siya sa akin with her very serious face, na ngayon ko nalang ulit
nakita.

"Tara, mag-usap tayo." tapos hinatak niya ako palabas ng bahay. Umupo kami doon sa
malaking bato sa harapan ng bahay namin.

Walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang kami. Tanging yung tunog lang ng hangin
ang maririnig. Sabagay, madaling araw na rin kasi.

"Si Ryde ang dahilan di ba?" biglang pagsisimula niya.

Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan niya, ayan na naman yung mga luha ko. Nag-
uunahan pa sa pagpatak. Takte! Hanggang kelan ba kayo mauubos?! Ang sakit na ng
mata ko ha! Tama na.. :'(

"So that means I'm right." tapos pumunta siya sa harapan ko.

"Hindi ko na tatanungin kung anong nangyari. Alam ko naman ang salitang respeto at
privacy. Pero sana.. wag mo naman kaming ipagtabuyan." this time, umiiyak siya.

"Oo, alam kong gusto mong sinasarili lahat ng problema mo. Pero hindi naman
kailangan na sigawan mo kami ng ganun kanina. Para kaming mga tanga doon na katok
ng katok kasi nag-aalala kami sa'yo.. tapos.. bigla mo nalang kaming sisigawan ng
ganun?"
Nawalan ako ng imik. Tuluy-tuloy lang yung pag-iyak ko. At lalo lang lumalaki yung
guilt sa puso ko. At the same time, may galit ring namumuo sa loob ko. Hindi ko
alam kung bakit o para kanino.. pero parang automatic na bumukas yung bibig ko para
ilabas yun.

"Ano bang pakialam mo sa nangyayari sa akin? Doon ka nalang sa Chris mo."

Maski ako nagulat sa sinabi ko. Hindi ko gustong sabihin yun, pero parang may
sariling utak yung bibig ko. Nagulat nalang ako nung may kamay na sumampal sa
pisngi ko.

"Ano bang pinagsasabi mo Poleng?! Nasisiraan ka na ba, ha?! Syempre may pakialam
ako sa nangyayari sa'yo! Best friend kita!! Kilala kita ng mas matagal sa kahit
kaninong tao! At pwede ba?! Wag mo akong itaboy kay Chris. Oo, mahal ko siya, pero
mahal rin naman kita dahil kaibigan kita!"

"Talaga? Ha..ha.." hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Ang gusto ko
lang ngayon ay umiyak mag-isa. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino. Pakiramdam ko
kasi, kahit sabihin ko sa kanila lahat ng nangyari, mag-isa pa rin ako.

Pakiramdam ko.. mag-isa nalang ako.

Tumayo nalang ako at naglakad palayo kay Yem.

"POLENG! ANO BA?!" hindi ko siya nilingon. Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Bakit ka ba ganyan?! Bakit mo ba sinosolo yang problema mo?! Ha!!" tuloy pa rin
ako sa paglalakad. Ayokong makinig sa kanya. Ayoko..

"Nagkakaganyan ka dahil kay Ryde?! Dahil sa isang taong yan?!" ayoko siyang
pakinggan. Tama na. Tama na, Yem.

"Ano ba Pauline Aeisha!! Hindi mo ba alam, ha?!" Tama na please..

"HINDI MO BA ALAM NA ANDITO PA KAMI!! ANDITO PA KAMI PARA SA'YO!! ANDITO PA KAMING
MGA NAGMAMAHAL SA'YO!!"
This time, tumakbo na ako bago pa magsink-in lahat ng sinasabi niya sa utak ko.

I need space. I need time. And I need a place to cry on.

At isa lang ang naiisip kong lugar. And I'm going there right now.

**********************************************************************************

HEP! Ahahaha istorbo lang! XD

I just want to inform you na this story is about to end ;)

*******************************************
[62] Chapter LXI
*******************************************
Say hi to this crappy update. LOL =)))

New page. I'll post my announcements there :)

http://facebook.com/purpleyhanwatty

***********************************************************************

Ang tahimik dito. Nakakagaan ng pakiramdam. Though nakakatakot. Pero at least,


komportable ako sa kung nasaan ako ngayon.

"Mama. Papa. I miss you po." saka ko hinawakan yung puntod nila. Syempre, ako naman
'tong si iyakin, tuluy-tuloy na naman ang bagsak ng luha. Madedehydrate ako nito
eh. Haay.

Tahimik lang ako doon. Wala naman kasi akong magagawa eh. Hindi ko dala yung bag
ko. Hindi ko rin dala yung phone ko. Ang tanging laman lang ng bulsa ko ay yung
bimpo na binigay sa akin kanina ni manong. Pero mas mabuti na rin yun, at least may
peace of mind ako.
"Mama. Ang hirap pala magmahal no? Ang sakit. Haha." ang manhid na rin ng mata ko.
Hindi ko na ramdam yung pag-iyak ko.

"Naaalala mo pa ba yung kinuwento ko sa'yo dati? Yung taong gusto ko? Haaay. Mahal
ko na po siya ngayon. Kaso.. malas talaga ata ang anak mo. First time magmahal,
sablay. Kayo po ba? First love mo ba si papa? O hindi? Nasaktan ka rin ba? Sayang
no?.." nagsisimula na namang mag-crack yung boses ko. ".. sayang wala na kayo.
Sana.. sana nandito ka ma. Sana may kasama ako sa ganitong sitwasyon. Sana
nakakahingi ako ng payo sa mama ko. Hahaha! Sorry po. Humihiling na naman ako ng
imposible.. Pero mama, nalulungkot talaga ako ngayon." inub-ob ko yung mukha ko sa
tuhod ko.

"Papa.. sana lahat ng lalaki, katulad mo. Alam ko naman.. alam ko.. na mahal na
mahal mo si mama. Kahit nung bata pa kami ni Aera.. alam ko at nakikita ko yun. Ang
protective mo pa nga sa amin eh. Haha.. sabi mo kasi.. puro kami babae.. kaya as a
guy, a husband and a father, responsibilidad mong protektahan kami di ba? Sana
nandito ka po ngayon.. Please.. I need your protection right now. Huuu..uhhh.."

Tuluy-tuloy lang yung pag-iyak ko. Sabi nila, kapag daw umiyak ka, mababawasan yung
sakit. Kapag daw sinabi mo yung problema mo, mababawasan yung sakit. Pero bakit
ganun? Umiyak na ako, sinabi ko na rin yung nasa loob ko..

Pero bakit masakit pa rin? :'(

"Mama.. papa.. ang tanga tanga ko. Umasa ako. Sabi kasi niya.. hintayin ko daw
siya. Akala ko.. yun na yung sign na kahit papaano.. may feelings din siya para sa
akin. Pero ayun. Ang tanga ko. Naghihintay ako sa taong may mahal na iba.."

Naalala ko ulit yung nangyari sa Ferris Wheel. Kahit ayokong maalala, nag-stick
talaga sa utak ko lahat ng sinabi niya.

"..I love her the most."

Ano ba namang laban ko dun? Pero part of me.. parang nagsasabing, "Okay lang yan.
Wag kang sumuko.". At lalong naging dominant yun nung tinawag niya ako for the
first time.

Hindi ko na talaga alam.

Manhid ba siya? O sadyang paasa lang?


O baka naman hindi talaga ngayon ang time para magmahal ako.

Ewan. Basta ang alam ko ngayon, talo ako. Ang nararamdaman ko ngayon, mag-isa ako.
Gusto ko nalang lamunin ng lupa o kaya ng lamang-lupa o kahit anong engkanto.

Bigla namang may nagflashback sa utak ko.

"Wag mo akong upuan..."

"Bawal.. tumakas.."

"Pffft.."

"WALANGHIYA KA!! AKALA KO MAY ENGKANTO NA TALAGA AKONG NAUPUAN, YUN PALA IKAW LANG
YAN?! BUMABA KA DITO PARA MASAPAK KITA NG KALIWA'T KANAN! TARA! SUNTUKAN TAYO!"

Bwisit naman na lamanlupa at engkantong yan oh. Maski ba naman sa kanila, si Ryde
pa rin ang maaalala ko?! Tama na please. :'(

Bago pa ma-invade ni Ryde ang utak ko.. inisip ko nalang ulit sina mama at papa.
Tapos nagkwento nalang ulit ako sa kanila ng kung anu-ano. Basta ang alam ko lang,
halos umaga na nung huling kwento ko sa kanila. After that, nakatulog ako sa tabi
nila.

***

"Poleng! Poleng! Huy! Gising! Poleeeeennnggg!!"

"Hrrrmmm.."

Dinilat ko naman yung mata ko, pero hindi ko masyadong maidilat. Takte. Wala akong
masyadong makita! Anong nangyari?!

"Para ka tuloy Intsik! Tignan mo nga yang mata mo oh!! Mugtung-mugto! At dito ka pa
talaga natulog?"

"Yem?" anong ginagawa niya dito?

"Oh yeah. Your one and only pretty best friend. At ikaw, ampanget mo. Yung mata mo
palang, pang Ms. Ugly award na."

Pinakiramdaman ko naman yung mata ko at medyo mahapdi. Plus wala nga akong
masyadong makita.

Saka ko naalala. Ohh. Umiyak nga pala ako buong araw. Kaya pala wala ako masyadong
makita at ang hapdi ng mata ko. Shet. Nakatulog rin pala ako dito? Kaya pala ang
kati-kati! Kapiling ko pala yung mga damo kagabi-- I mean, kanina pala.

"Tara na! Umuwi na tayo!" tapos hinatak niya ako para makatayo.

Tumayo rin naman ako kaagad at nagpagpag ng buong katawan. Pati pala yung kaloob-
looban n damit ko merong mga damo. Kadiri! Baka pati bra at panty ko meron rin.
Shet. Kelangan kong maligo!

After kong magpagpag, naglakad na kami ni Yem pauwi ng bahay. Pero wala kaming
imikan. Syempre. Ang awkward pa rin dahil sa nangyari kagabi.

"Nga pala. Wag ka ng pumasok."

Then naalala ko, may incentive nga pala ang mga papasok after ng field trip namin
sa Economics. Sakto, mababa ang grade ko dun. Kelangan ko ng panghatak.

"Papasok ako." sabi ko sa kanya. Napatingin lang sa akin si Yem at parang nag-
gesture na "Okay. Suko na ako."

"Poleng naman. Ano ba. Masokista ka ba? O sadyang tanga ka lang?"

"Oo alam kong tanga ako. Di na kailangang sabihin. Pinamukha ko na sa sarili ko yan
kagabi. Haha."

Sabi ko nalang. Buti nalang at walang lumabas na luha ngayon. Akala ko magpupumilit
na naman sila eh. Siguro napagod na rin yung mata ko kakapalabas sa kanila.

"Tsk. Eh kasi naman! Malay mo nandun siya. Oh tapos ano? Iiyak ka sa harap niya?"

Bigla akong napahinto. Oo nga no? Pano pag nandun siya? Pano pag nakita niya ako?
Di ko ata kakayanin yun. Baka magbreakdown ako ng di-oras. Pero.. sayang yung
incentives.

"P..papasok pa rin ako."

"Poleng nama--"

"Pero magpapakita lang ako kay sir. T..tapos sasabihin ko masama yung pakiramdam ko
kaya uuwi rin agad ako. Okay na ba yun?"

Imbes na ma-frustrate siya eh napabuntung-hininga nalang si Yem. Tapos pumayag siya


sa sinabi ko. Well, wala rin naman kasi akong balak na harapin si Ryde. Hindi naman
ako ganun kasukdulang tanga para pahirapan pa yung sarili ko.

Pagkauwi namin sa bahay, naligo agad ako. Tinanggal ko lahat ng damong may crush sa
akin dahil hanggang ngayon eh nakadikit pa rin sila sa balat ko. Then after nun,
sinuot ko yung uniform namin at kinuha ko nalang yung bag ko kahit hindi ko pa
natatanggal yung mga kalat doon. Tapos pumunta na kaming school. Akala ko nga si
manong yung nasakyan namin pero ibang jeep pala. Medyo na-weirdohan ako kasi
nasanay na ako sa jeep ni manong. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakasakay sa
jeep ng iba dahil lagi kami kay manong sumasakay.

Pagbaba namin, dumiretso agad kami sa school. Sabi ni budoy, yung guard namin,
lahat daw ng magpapa-incentive, sa room nalang daw ni sir dumiretso. So kami naman
ni Yem, dumiretso sa Faculty Room. Nakita namin na andami pang tao dahil sobrang
crowded doon sa cubicle ni sir. Sabi ni Yem, akyat daw muna kami sa room so ayun
ang ginawa namin. Buti nalang at walang tao sa room.

"Hay. Akala ko konti lang ang papasok. Akalain mong andami rin palang nag-aasam ng
plus points? Ahahaha!" then umupo si Yem sa isang upuan malapit sa pinto, tapos
sumulyap siya sa akin.

Napangiti nalang ako. Alam ko naman na kaya siya hindi umuupo doon sa totoo naming
upuan ay dahil baka maisip ko lang si Ryde, na nasa likod ko lang ang upuan.

Nagpalipas lang kami ng oras doon. Then after fifteen minutes, nagprepare na kaming
bumaba. Pero palabas palang kami ng room, biglang may sumalubong sa aking..

*PAK*
Halos nagulantang ako sa nangyari. Parang biglang nagising yung diwa ko.

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO! ANG KAPAL KAPAL MO!! ANO BANG PROBLEMA MO HA?!
HANGGANG KELAN KA MAGIGING GANYAN?! ANO BANG GUSTO MONG MANGYARI?!?!"

Pagtingin ko, si Serene pala. Parang lahat ng galit na inipon ko sa katawan ko eh


nagpupumilit lumabas ngayon. Susugod na sana ako pero nagulat ako nung bigla siyang
umiyak.

"HINAYAAN KO NA NGA SYA SA'YO PERO ANONG GINAWA MO?! HA?! YOU FCKIN BASTARD!!
GANYAN KA BA PINALAKI NG MAGULANG MO HA?! ANG MANAKIT NG TAONG MAHAL KA?!" tapos
bigla siyang sumugod papunta sa akin.

"Wait, Serene!!"

Bago pa niya ako masugod eh biglang humarang si Yem sa harap ko at may tao namang
pumigil kay Serene. Pagtingin ko kung sino, si Daniel.

"WHAT ARE YOU DOING, DANIEL?! PWEDE BA BITIWAN MO AKO!! SABI KO NAMAN SA'YO DI BA?!
KAPAG NAKITA KO YANG BABAENG YAN, HINDI AKO MAG-AATUBILING SAMPALIN SIYA!! KAYA
PWEDE BA?! BITIWAN M--"

*PAK*

Napatigil ako sa nangyari. Ni hindi ko napansin na nawala siya sa harapan ko. Bigla
nalang sinampal ni Yem si Serene. At pakiramdam ko, mas masakit yun sa sampal na
binigay niya sa akin.

"Pagsalitaan mo pa ulit ang best friend ko, makakatikim ka ulit ng sampal."

"Hah!! Ang kapal--"

"Sino ka ba ha? Sino ka ba sa akala mo? Ha?!" bigla nalang hinigit ni Yem yung
kwelyo ng uniform ni Serene habang si Daniel ay hawak-hawak pa rin yung braso ni
Serene.

"WALA KANG ALAM SA KANYA KAYA WALA KANG KARAPATAN PARA SABIHAN SIYA NG GANYAN!
HINDI MO ALAM KUNG GAANO SIYA NASASAKTAN NG--"
"YEM!! TAMA NA!!" napasigaw nalang ako sa sobrang frustration ko sa mga nangyayari.
Pinuntahan ko siya doon at hinatak ko siya pabalik. Pero after nun, pumunta ulit
ako sa harap ni Serene.

Saka ako yumuko.

"Sorry."

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, natahimik silang tatlo.

"Sorry. Kung may nagawa man ako sa'yong hindi mo nagustuhan." then after nun,
tumayo ako ng maayos at lumapit pa sa kanya ng maiigi.

*PAK*

Natahimik na naman silang tatlo. This time, sinampal ko naman siya.

"Pero payo ko lang sa'yo. Ayos lang na pagsalitaan mo ako. Pero pag dinamay mo pati
magulang ko, ibang usapan na yan. Subukan mo pang pagsalitaan sila, baka mapatay na
kita."

Saka ako tumalikod. After nun, hinatak ko si Yem palabas ng room at dumiretso kami
sa Faculty Room kahit namamaga yung mata at pisngi ko.

***********************************************************************************
*

Few more chaps! :)))

*******************************************
[63] Chapter LXII
*******************************************
"Okay ka lang?"

"Naman. Mas maganda nga yung pisikal eh. Hahaha."

"Adik! Masokista na sadista pa."

Pauwi na kami ngayon ni Yem. After kasi nung nangyari, sinabi rin ni Yem na masama
rin daw ang pakiramdam niya kaya pinayagan na rin siyang umuwi. Tahimik lang ulit
kaming naglakad papunta doon sa sakayan ng jeep.

*ring ring*

Bigla namang may tumunog. Akala ko nga phone ko pero naalala ko na nakapatay pala
yung cellphone ko simula kagabi. Pero andito yun sa loob ng bag. Syempre kanina pa
nga bang phone ang tutunog kung hindi yun akin? Eh di kay Yem.

"Hello? Oh Chris?"

Tss. Si Chris na naman. Ewan ko ba. Hindi naman ako galit kay Chris, pero medyo
naiirita ako kapag tumatawag, nagtetext o kaya kapag andyan siya. Eh kasi naman!
Lagi nalang sila magkasama. Nawawalan na nga ng time si Yem sa akin. Yun lang naman
ang kinaiinis ko. Oh well, masyado kasi akong selosa pagdating sa kanya. Kahit
hindi halata.

"Ha? Oh sige. Bye!"


Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay ng sasabihin after niyang ibaba yung
phone niya.

"Sorry Poleng. Importante lang daw eh. Sige, una ka na ha. Wag ka nang pupunta kung
saan-saan ha! Dumiretso ka sa bahay!!" saka siya tumakbo sa kabilang direksyon.

Fine. So si Chris ang pinili niya. Okay fine.

Wala naman akong nagawa kundi maglakad nalang papunta doon sa terminal ng jeep.
Syempre pinara ko na yung unang jeep na nakita ko. Hindi na naman si manong. Hmm,
weird. Bakit parang hindi ko ata nakita ang jeep ni manong ngayon? Hindi kaya sya
namasada?

Sumakay nalang ako agad sa jeep at nagbayad. After ilang minutes, nandun na ako sa
kanto namin, so bumaba ako at naglakad pauwi sa bahay. Pagdating na pagdating ko sa
bahay, nakita ko kaagad sa labas si lola at Aera.

"Ate!! Waaahhh!" tapos bigla syang yumakap sa paa ko na lagi nyang ginagawa. Nag-
stay lang sya doon at tahimik lang, pero halata naman na umiiyak siya.

"Kanina ka pa niya hinahanap, apo." then napatingin naman ako kay lola. Tapos bigla
nalang may tumulong luha sa mga mata niya. "Pagkagising niya kanina, umiyak agad
siya at hinanap ka."

Napatingin nalang ako sa kapatid ko ngayon na parang koala na nakakapit sa mga


binti ko. Napangiti ako bigla, at the same time, naiyak na naman. Ang swerte ko sa
kapatid ko. Sobrang nagca-care siya sa akin.

"Aera." tinanggal ko yung pagkakakapit niya sa akin at lumuhod ako para kalevel ko
siya. "Sorry kung bigla nalang nawala si ate. Sorry ha? Di na mauulit." saka ko
ginulo yung buhok niya.

"Promise mo yan.. huk.. huu.. a..ate ha? K..kala ko..huk.. di.. di.. mo na ako..
babalikan.. huk..parang sila mama at papa..huk..uuuhh" niyakap ko nalang siya ng
mahigpit at napatingin lang ako kay lola habang pareho kaming umiiyak at tumatawa.

"Ano ka ba, di kita iiwan no. Hahaha. S..sige na Aera, may pasok ka pa."

After nun, iniwan ko muna sila ni lola at dumiretso sa kwarto. Tinry kong pigilan
yung pag-iyak ko, pero peste lang. Akala ko kanina ayos na eh. Pero ngayon, umiiyak
na naman ako. Leshe talaga. Dagdag pa 'tong pisngi ko. Ngayon ko lang nararamdaman
yung sakit nung sampal nung Serene na yun. Shet lang talaga. Nakakailan na siya sa
akin. Pero buti at nakaganti ako sa kanya kanina. Binuhos ko talaga lahat ng lakas
ko sa sampal na yun. Napaka-impakta kasi niya. Tama lang yun sa kanya.
"Apo?"

"Ay impakta!"

Nagulat ako nung biglang nasa likod ko na pala si lola. Putek. Hindi ko siya
naramdaman na pumasok sa kwarto!

"Sorry lola! Di ko yun sinasadya!" nasabihan ko pa siya ng impakta! Ang sama ko!

"Ahaha. Ayos lang iyon, apo." then umupo siya sa tabi ko. Nakasalampak kasi ako
ngayon sa sahig habang hawak ko yung malaki kong unan.

"Napano pala iyang pisngi mo? Bakit namumula?" So, halata pala?

"Ah.. eh.. haha. Nagsampalan po kasi kami ng kaklase ko." sabi ko kay lola at
halata namang nagulat siya sa narinig niya.

"Oh hala pala! Bakit naman? Hindi ba yan masakit? Tara't gamutin natin!"

"Okay lang po lola. Di naman po masyadong masakit. Feeling ko nga po pampagising


lang yung sampal na yun eh. Mas nasasaktan pa rin ako emotionally." tapos napayuko
nalang ako.

"Tungkol ba 'yan kay Prince Charming mo? Kaya ka ba nagkaganun kagabi, apo?"

Pag talaga natatouch ang topic na 'to, nangunguna sa pag-rereact ang mata ko.
Leche. Nanunubig na naman sila.

"Ibig sabihin, siya nga. Mahal mo na ba, apo?"

"Hindi ko naman po siya iiyakan ng ganito kung hindi eh." nagulat nalang ako nung
bigla niya akong niyakap.

"Masakit talaga ang magmahal, apo. Hindi naman kasi lahat, nakukuha sa unang beses.
Pero alam mo, maganda rin na masaktan paminsan-minsan. Kasi may natututunan ka. At
nalalaman mo yung halaga ng isang tao sa'yo. Malalaman mo rin kung sino yung mga
taong handang dumamay sa'yo. Kasi alam mo apo, mahirap mag-isa. Nakakalungkot. Kaya
mas magandang may karamay ka sa mga oras na nasasaktan ka."

Bigla nalang napahigpit yung yakap ko kay lola. Naiyak lang ako lalo sa sinabi
niya. Siguro.. siguro.. ganito yung feeling kapag nagsasabi ng problema ang anak sa
nanay niya.

"Akala ko.. hindi ko na po mararanasan yung ganito. Ha..ha."


"Ang ano, apo? Ang masaktan?"

"Hindi po. Yung ganito. Yung parang mother and daughter talk." tapos hinihpitan
lalo ni lola yung yakap niya sa akin.

"Ikaw naman. Kung gusto mo maramdaman na may nanay ka pa rin, andito naman ako."
pagkasabing-pagkasabi niya nun, napahagulgol nalang ako. I think kahit papano,
swerte pa rin ako. Nawalan man ako ng mga magulang, may dumating naman akong
pangalawang nanay.

Nag-stay lang kaming ganun ni lola hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak. Hindi ko
nga alam kung gaano katagal yun eh. Ang alam ko lang, halos tanghali na ata nung
huminahon ako. Humiwalay na rin nun si lola kasi ihahatid niya pa si Aera. Ako
naman, tumambay lang sa kwarto. Then, bigla kong nakita yung bag ko.

At yung keychain.

Kinuha ko yung bag ko at hinawakan ko yung keychain. Ito yung kaisa-isang bagay na
natanggap ko galing sa kanya. Dahil rin dito, kaya ako naaksidente. Naalala ko
tuloy yung nangyari nun. Bigla nalang siyang lumitaw out of nowhere at niligtas
ako. Akala ko talaga mamamatay na ako nung mga oras na yun. Haay.

Bago pa ako maiyak sa mga naaalala ko, tinabi ko na kaagad yung bag ko at tumayo
nalang. Paalis na sana ako sa kwarto nung biglang nag-ring yung phone ko. Pagtingin
ko, si Yem pala.

"Hello? Oh bakit?" pambungad ko sa kanya.

"P..Poleng.." nagulat naman ako nung narinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya.

"Yem? Hello? Anong nangyari sa'yo? Huy. Bakit ka umiiyak?"

"Poleng.."

"May ginawa ba si Chris sa'yo? Ano bang nangyari? Sabihin mo nga at--"

"P..pano kung.. pano kung.. tayo pala ang may kasalanan ng lahat?" napatahimik
naman ako sa binitiwan niyang mga salita.

"H..huh? Ano bang pinagsasabi mo? Nasan ka ba ngayon? Pupuntah--"

"No. W..wag na. I'll explain everything." tapos narinig ko sa kabilang linya na
pinipigilan nyang wag umiyak.

What the heck is happening? Nagsisimula na akong kabahan ha.


"Nakwento sa akin ni Chris.. lahat. Poleng..s..si Ryde. Nawawala si Ryde."

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Pero bigla nalang bumilis yung tibok
ng puso ko. Kinabahan ako bigla. Siya? Nawawala? Anong ibig sabihin nito?

"After daw ng field trip, bigla nalang siyang nawala. Hindi siya umuwi sa kanila.
Hindi rin daw siya nakituloy sa kahit sinong kaibigan niya dati. H..hanggang
ngayon, wala pa ring balita sa kanya. Kaya pala nagpunta si Serene at Daniel sa
school kanina, akala nila, magpapakita si Ryde. Pero wala." bigla nalang akong
nawalan ng lakas. Napasandal nalang ako sa dingding sa narinig ko.

"N..nakipagkita sa akin si Chris, kasi daw baka may balita tayo sa kanya. Sabi ko,
wala. Sinabi ko rin na wala akong pakialam kay Ryde ngayon dahil sa nangyayari
sa'yo. Naguluhan siya sa sinabi ko kaya sinabi ko sa kanya yung nangyari. After
kong sabihin yun..s..sinabi niya sa akin yung dahilan kung bakit naging ganun si
Ryde.. kasi sinabi daw sa kanya ni Ryde lahat nung nagkita sila nung mga nakaraang
buwan." sa bawat binibitawang salita ni Yem, lalo lang bumibigat yung pakiramdam
ko. Lalo lang akong naguguluhan.

"Alam mo naman na patay na yung mom niya di ba? Kaya yung dad niya nalang yung
kasama niya sa bahay. Pero sobrang depressed daw yung dad niya sa pagkamatay ng mom
niya kaya parang naging emotionally unstable siya. Isa yun sa mga dahilan kung
bakit nagbago si Ryde. P..pero ang sabi ni Chris.. nagbago daw ng tuluyan si Ryde,
dahil sa isang babae."

Babae? It must be that girl :'(

Nagulat ako nung biglang nag-crack na yung boses ni Yem at humihikbi na siya sa
kabilang linya.

"P..pag-uwi niya daw sa bahay nila isang araw, nawala nalang bigla yung babae.
Sobrang close kasi nila nung babaeng yun. Sobrang mahal na mahal niya kaya nag-
alala talaga siya nung hindi niya makita nung umuwi siya. Hinanap niya daw sa buong
bahay, pero wala. Wala syang choice kundi tanungin yung dad niya. Akala niya, alam
ng dad niya kung nasaan, pero mas nagulat pa siya sa sinabi ng dad niya. At alam mo
ba kung anong sinabi ng tatay niya?" this time, umiiyak na talaga si Yem.

"S..sabi niya..'pinalayas ko.' Then nagkulong siya sa kwarto niya. P..poleng.. Did
you get it? Huh? Naiintindihan mo na ba?"

N..no way. H..hindi naman siguro yun yung iniisip ko ngayon. I..It's too
coincidental. No.. way.

"Yung babaeng pinalayas ng tatay niya.. ay yung lola niya. His dad's mother.
Pinalayas niya yung sarili niyang nanay. N..now, naiintindihan mo na ba yung
gusto..k..kong s..sabihin sa'yo? H..ha Poleng? Naiin--"

"No. Hindi.. I.. I don't get it. Hind--"

"PWEDE BA POLENG! ALAM KONG ALAM MO NA YUNG KASUNOD NA NAGYARI DAHIL ANDUN TAYO
NUN! ISANG MATANDANG PINALAYAS NG SARILI NIYANG ANAK! SINO--"

"SHUT UP!! HINDI YAN TO--"

"WAKE UP PAULINE!! TANGGAPIN MO YUNG KATOTOHANAN! ALAM NATING DALAWA 'TO DAHIL TAYO
YUNG KUMUPKOP SA KANYA!"

"T..tama na.. tigilan m--"

"SI LOLA ROMA YUNG TINUTUKOY NILA! SHE IS RYDE'S GRANDMOTHER! AT SIYA YUNG DAHILAN
KUNG BAKIT NAGKAKAGANUN SI RYDE!" bigla syang huminto sa pagsigaw tapos huminga sya
ng malalim sa kabilang linya.

"I don't know the whole story.. pero it fits right? Poleng.. s..si lola Roma.. sya
ang lola ni Ryde."

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Yem, nabitawan ko nalang bigla yung phone ko at


napatulala nalang ako sa kwarto.

This.. this is not happening, right? :'(

*******************************************
[64] Chapter LXIII
*******************************************
No way. Masyadong coincidental ang lahat. Hindi pwede. How come? Ano bang
nangyayari?

"Apo?"

Napalayo ako bigla. Nagulat na naman ako sa presensya ni.. lola. I don't know how
to react dahil sa nalaman ko ngayon lang.

"Anong nangyari, apo? Bakit?"

"L..ola.." pinilit kong ngumiti. I can't cry. I should'nt cry.

"Wag ka na malungkot ha?" tapos saka niya hinawakan yung ulo ko. Don't cry Aeisha.
Wag sa harap ni lola.

"Lo..lola, m..masaya ka ba ngayon?" napatingin lang sa akin si lola at alam kong


naguguluhan siya sa kinikilos ko. But I need to do this.

"Oo naman, apo. Masaya ako at nakilala ko kayong tatlo. Napakabait ninyo. Para ko
na ring kasama yung apo ko--" bigla siyang napatigil sa pagsasalita.

"Apo? M..may apo po kayo?" Nag-pretend nalang ako na hindi ko alam. And besides,
it's also a confirmation. So, it's true. Totoo lahat ng sinabi ni Yem :'(

"Ah. M..meron." sabay ngiti niya, pero halata naman sa mata niya na nalulungkot
siya.

"B..bakit hindi niyo po sinabi sa amin?"

"Pasensya na apo. Ayoko namang idamay pa kayo sa gulo ng pamilya ko. Pero alam mo,
sa katunayan, sa eskwelahan ninyo nag-aaral yung apo ko." ngumiti na naman si lola.

Ako naman, lalong bumigat yung pakiramdam ko. Bawat salitang binibitawan niya,
nakikita kong lalo siyang nalulungkot.

"Hindi ko sinabi sa inyo dahil nahihiya ako. Pinatuloy niyo na nga ako dito,
hihingi pa ako ng tulong. Ako nalang ang gagawa ng paraan para maayos ko yung
problema ko." bigla namang tumingin sa akin si lola at hinawakan yung kamay ko.
"Alam mo apo, kung may gusto man akong hilingin sa'yo, yun ay sana magkita kayo ng
apo ko. Sigurado akong magugustuhan ka niya." saka siya tumawa. Pinilit ko nalang
ring tumawa. "Pero mukhang malabo na iyon, ano? May prince charming ka na nga
pala."

Kung alam mo lang, lola. Yung prince charming na tinutukoy mo, at yung apo mo ay
iisa :'(
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya
yung totoo ngayon din pero it doesn't feel right. I don't know. Parang.. parang
ayaw ko rin kasing sabihin. Sa oras na sabihin ko sa kanya lahat, mawawala na siya
dito. Ayokong mawala si lola dito.

"Apo, ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala ah?"

"Ahh. Sorry po. T..teka lang po ha, may kukunin lang ako." then lumabas ako ng
kwarto.

Lumabas muna ako ng bahay para makapag-isip. Ano bang gagawin ko? Hindi ko na
talaga alam. Kapag sinabi ko kay lola yung totoo, malaki yung possibility na umalis
siya dito, and ayaw ko yung mangyari. Alam kong selfish, pero nasanay na ako sa
presence niya. Siya yung tumayong nanay namin sa bahay na 'to. For sure yun din ang
nararamdaman ni Yem at Aera. Sabi rin naman ni lola, masaya siya kapag kasama niya
kaming tatlo eh. Pero..

"Mas sasaya siya kapag nakasama niya yung tunay niyang pamilya.."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Pagtingin ko..

"Yun ang iniisip mo ngayon, hindi ba?"

"Yem." bigla nalang akong yumakap sa kanya. Tapos lahat ng pinigilan kong luha sa
harap ni lola kanina eh sa kanya ko nailabas.

"Don't worry. Ganun din naman ang nararamdaman ko ngayon. I'm just confused as you
are."

"H..hindi ko na alam yung gagawin ko eh." binaon ko nalang yung mukha ko sa balikat
niya. I'm ashamed of myself. Wala talaga akong kwenta.

"Ano ka ba. Kaya nga nandito ako ngayon, di ba? Para tulungan ka."

"Yeeeem.." lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya. Bwisit na babae 'to. Wala
na siyang alam gawin kundi paiyakin ako.

"Ano bang balak mo?"

"H..hindi ko alam."

"Sige, ganito nalang. Ano bang gusto mong mangyari?"

Anong gusto kong mangyari? Maski sa sarili ko, hindi ko na rin alam kung ano bang
gusto kong mangyari. Gusto ko lang namang bumalik sa dati yung lahat eh. Gusto kong
mawala na lahat ng problema. Gusto kong.. gusto kong..
"Gusto kong.. sumaya na ulit."

"Haha. Sabi na nga ba yan ang isasagot mo." sabay tanggal niya sa pagkakayakap ko
at hinawakan niya yung mga braso ko. "Alam ko namang may lahi kang baliw kaya hindi
ka dapat umiiyak! Dapat sumaya ka na ulit!" hindi ko alam kung bakit, pero I
managed to smile.

"S..siguro nga."

"Pero alam mo, mas sasaya ako kung makikita ko ring masaya yung mga tao sa paligid
ko." saka siya ngumiti. Napayuko nalang ako. Alam ko. Alam kong tinutukoy niya si
lola. Yung happiness ni lola.

Siguro nga, mas magiging masaya si lola kapag nakita na niya si Ryde. Mas magiging
masaya siya kasama yung totoong pamilya niya. At hindi kami pwedeng
makipagkumpitensya dahil hindi naman kami yung totoo niyang pamilya. Wala kaming
karapatan para pigilan siya.

Ito na rin siguro yung right time para itama lahat ng mali.

"Yem, pakisabi naman kay Chris na wag munang sabihin kay Ryde lahat ng nalaman
niya."

"Huh? Bakit? Di ba mas maganda na malaman ni Ryde yung to--"

"Please?"

"Haaay. Okay. Sige, itetext ko siya."

"Thank you Yem!"

After niyang i-text si Chris, tumakbo ako sa loob ng bahay then pumunta ako sa
kwarto. Nakita ko si lola na nakaupo sa gilid ng kama at nakayuko. Nung nakita niya
ako, nakita kong pinunasan niya yung pisngi at mata niya.

Umiyak siya :'(

"Ohh apo. May kailangan ka ba?" nilapitan ko si lola at niyakap ko siya ng mahipit.

"Apo? May probl--"

"I'll make you happy." pagkasabing-pagkasabi ko nun, pumunta agad ako kung nasaan
yung bag ko at kinuha ko yung phone ko. Tinext ko siya. After nun, kinuha ko yung
cap at sunglasses sa damitan ko. Then nilapitan ko ulit si lola na masyado na
sigurong naguguluhan sa pinaggagawa ko.

"Lola, magbihis ka ng maganda. May pupuntahan tayo."

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Papasyal lang po. Para naman gumaan yung pakiramdam ko. Haha!"

"Ah ganun ba? Oh sige, sasamahan kita. Teka lamang at magpapalit ako." sumunod
naman ako kay lola tapos tinulungan ko siyang pumili ng damit na isusuot niya.
Napangiti nalang ako habang pumipili sa mga damit niya. Puro kasi mga damit na
binili namin yung nasa damitan niya, since wala naman siyang dala noon kundi isang
bag. After nun, sinuot na niya yung damit na napili niya.

"Lola! Tara po dito! Iipitan kita!" tapos umupo ako sa may kama.

"Talaga apo? Ay sige." si lola naman, umupo sa lapag. Then lumingon pa siya sa akin
at ngumiti. "Ang saya siguro kung may apo rin akong babae, ano?" ngumiti nalang ako
at pinigilang umiyak. Buti nalang at walang luhang lumabas nung mga panahong yun.

After mag-ayos ni lola, tumayo na siya at lumabas na kami ng bahay. Naabutan ko


pang nakatayo doon si Yem at mukhang wala siyang idea sa gagawin ko. Pero mas
maganda na 'to, para rin naman 'to sa ikasasaya ng lahat eh. I hope.

Naglakad kami papuntang sakayan ng jeep at sumakay sa unang jeep na nakita namin.
Nagbayad naman ako agad at tahimik lang na naghintay. Ayoko rin munang makipag-usap
kay lola. Feeling ko kasi, maiiyak lang ako kapag ginawa ko yun.

After five minutes, nakarating rin kami sa place. Nagpara naman ako agad at bumaba
na kami ng jeep. Naglakad kami hanggang sa makarating kami dito sa lugar na 'to.

"Nasaan pala tayo, apo?"

"Sa lugar kung saan ka po sasaya." sabay ngiti ko sa kanya. Pero sa totoo lang,
gusto ko na talagang umiyak.

"Huh? A..ano bang pinag--"

"Lola, dito po muna kayo ha? Bibili lang ako ng pagkain natin. Maupo po muna kayo
dyan sa may lilim ng puno."

"Babalik ka ha?" pagkasabing-pagkasabi niya nun, tumulo yung luha sa mga mata ko
kaya napatalikod agad ako.

"O..opo. B..babalik ako." saka ako tumakbo palayo sa kanya.

Sorry lola, pero I can't go back. :'(


Lumusot ako sa barbed wires at nagtago sa katabing building. Nilabas ko yung phone
ko at binasa ko ulit yung text ko sa kanya at yung reply niya.

To: Ryde

Let's meet. 4 pm sa tambayan mo.

From: Ryde

Okay.

Nandito lang ako sa second floor ng building. Maya-maya lang rin, may narinig
akong ingay sa baba. And then, I saw him. Gusto ko siyang tawagin, pero pinipigilan
ako ng utak ko. Gusto kong umiyak ulit pero parang wala nang ilalabas yung mata ko.
Pinilit kong mag-isip ng matino. Binuksan ko ulit yung phone ko at tinext siya.

To: Ryde

Pumunta ka dito sa may puno.

Then saka ko sinend. Tinignan ko naman siya mula dito sa pwesto ko. Binasa niya
yung text at dahan-dahan nga siyang pumunta doon sa may puno. Si lola naman,
nakaupo pa rin doon sa may lilim.

Maski ako kinakabahan sa nangyayari. Parang bawat paghakbang ng mga paa ni Ryde
papalapit kay lola, lalong lumalakas yug tibok ng puso ko. Hanggang sa nakarating
na siya doon sa may puno.

Hindi siya gumagalaw. Si lola naman, napatingin doon sa lalaking nasa gilid niya.
And gulat na gulat yung reaksyon niya.

"A..apo? R..ryde apo? I..ikaw ba yan?" biglang tumayo si lola mula sa pagkakaupo at
lumapit kay Ryde. "Apo.." tapos hinawakan niya yung mukha ni Ryde. Umiiyak na siya
ngayon, pero nakangiti siya. "Ikaw iyan, hindi ba? R..ryde." Biglang niyakap ni
lola si Ryde habang si Ryde eh hindi pa rin gumagalaw. Ni hindi ko nga alam kung
anong reaksyon ng mukha niya ngayon. Pero nagulat ako nung nag-respond siya sa
yakap ni lola.
Pagkakita ko nun, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa masaya
ako sa kanilang dalawa, o dahi malungkot ako para sa sarili ko. Hindi ko alam kung
dapat ba akong maging selfish o dapat gawin ko yung tama. Pero wala na. Pinili ko
'to eh. Wala na akong magagawa.

Tinignan ko lang sila doon. Humahagulgol si lola habang nakayakap lang siya kay
Ryde. Hindi ko alam pero naiiyak ako lalo sa nakikita ko kaya napatalikod nalang
ako. Tinakpan ko rin yung bibig ko dahil malapit lang ako sa kanila. Napasandal
nalang ako sa may pader.

Ryde's gone.

Lola Roma's gone.

Siguro nga, hindi ito yung right time para sumaya ako :'(

*vibrate*

Nagulat naman ako nung nagvibrate yung phone ko. Kahit blurry na yung paningin,
pinilit ko pa ring basahin yung text.

From: Ryde

Thank you.

Icoclose ko na sana yung message pero biglang tumunog ulit yung phone kaya napindot
ko yung "accept". Pagtingin ko...

Yung pangalan ni Ryde yung nakalagay. Nasa kabilang linya siya. Gusto kong i-end na
yung call pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko rin. Gusto kong marinig ulit
yung boses niya. For the last time, I want to hear him.

"Nasaan ka?" pagkarinig na pagkarinig ko nun, nagkandaleche-leche na naman yung


mata ko at naglabas na naman ng mga luha. Peste lang. Pero hindi ako nagsalita at
tinakpan ko lang yung bibig ko dahil baka marinig niya akong humihikbi.
"Hello? Nasaan ka ba ngayon? G..gusto kitang makausap. Please?--"

Bago pa ako tuluyang magbreakdown, tumakbo na ako paalis sa school. I think this is
enough. Nagawa ko na yung dapat kong gawin. I want to have a rest. A peaceful
rest :'(

*******************************************
[65] Chapter LXIV
*******************************************
HEP. Unang-una sa lahat, sorry dahil sobrang natagalan mag-update. May inasikaso
lang tsaka busy sa pag-aaral ang lola niyo ;) Ahahaha! Bago niyo nga pala 'to
basahin, pwede niyong balikan yung mga last 2-3 chaps para may feels pa rin. LOL
dejk. So eto na po :)

***********************************************************************************
*

Nagpunta ako sa lagi kong pinupuntahan kapag may mabigat akong problema. I really
feel peaceful here. Haaay.

"Ma. Pa. I'm back." saka ako umupo sa harapan nila. "Sorry po kung lagi na ako
dito. H..haha. Kayo lang po kasi yung masasabihan ko ng mga problema ko ngayon."

Nakatulala lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon.
Matutuwa ba ako kasi nagkita na si Ryde at lola Roma? O malulungkot kasi wala na si
lola Roma sa amin? Alam ko naman na tama yung ginawa ko eh. Pero kasi.. mamimiss ko
si lola Roma. Nasanay na ako sa presence niya sa bahay. Siya na yung tumayong nanay
namin these past few months. Hindi naman yun agad-agad nakakalimutan. Sa kanya ko
nalang ulit naramdaman yung pagkakaroon ng magulang. Ayokong mawala yun :(

Pero ayoko rin namang magpaka-selfish. Alam kong.. kailangan rin siya ng tunay
niyang pamilya. Mahal rin siya ng tunay niyang pamilya. At hindi naman kami pwedeng
makipagkompitensya sa kanila. Mahirap pero.. we should let her go.

*vibrate vibrate vibrate vibrate*

Kanina pa nagvivibrate yung phone ko. Puro si Ryde at Yem lang ang laman. Kung
hindi texts at missed calls naman. Ayoko muna silang makausap. Paniguradong babaha
na naman ng luha kapag nakausap ko sila regarding this matter.

"Mama.. n..nawalan na naman ako ng nanay. *huk* m..mamimiss ko po talaga *huk* si


lola Roma..bakit ba kasi napakakumplikado ng.. ng.. sitwasyon ngayon eh.."
punyemas. Eto na naman. Iyak na naman. Wala na akong ginawa sa buhay ko kundi
umiyak. Hanggang kelan ba ako magiging ganito?

Hinanap ko yung panyo ko sa bulsa ko pero wala na dun nung kinapa ko. Ang malas nga
naman oh. Baka nalaglag ko sa kung saan nung papunta ako dito. Napansin ko naman
bigla yung bimpo sa may likod ng puntod ni mama.

Teka.. ito yung binigay ni manong sa akin nung umiiyak ako ah? Kaya pala hindi ko
mahanap sa bahay. Naiwan ko pala dito nung huli kong punta.

HInawakan ko nalang yung bimpo at tumulala na naman. Hindi ko na talaga alam kung
anong dapat kong gawin. Ayoko nang umiyak. Pero hindi ko alam kung paano ko yun
sosolusyonan.

"Ang hangin dito, ano?"

Halos mapalundag naman ako sa gulat nung biglang may nagsalita sa likuran ko. Para
pa akong adik kasi sobrang maga ng mata ko. Pagtingin ko kung sino..

"M..manong?"

Ngumiti lang siya sa akin at tinabihan ako bigla. Hindi naman ako nakagalaw noon.
Para kasing may something.. ewan. Napatingin nalang ako sa kanya kasi andito siya.
Bakit siya nandito?

"A..ano pong ginawaga niyo.. dito?"

"Ahh. May dinalaw lang ako." saka siya ngumiti ng malungkot.

Naalala ko tuloy bigla yung kinuwento niya sa akin dati tungkol sa mga mahal niya
sa buhay. Wala na nga pala yung babaeng mahal niya at yung anak niya. Siguro sila
yung dinalaw niya.
"Ikaw ba hija? Anong ginagawa mo rito?" sabay tingin niya sa akin.

"Uhm.." tapos tinuro ko yung dalawang puntod sa harapan ko. "dinadalaw ko po yung
mga magulang ko. A..actually.. mas tamang sabihin na.. sinasabihan ko sila ng
problema ngayon." this time, ako naman ang ngumiti ng matamlay.

"Ganun ba? Mukha ngang may mabigat kang problema, hija. Magang-maga ang mga mata mo
at mukhang nangayayat ka."

"Haha. Hayaan niyo na po. Hindi ko naman ikamamatay 'to."

Nagulat naman ako nu biglang humarap sa akin si manong na parang balisang-balisa,


kaya napaharap rin ako sa kanya.

"Hija, ang pagpapakamatay ay hindi solusyon sa problema." pagkasabi nun ni manong,


natawa ako bigla. Mukhang mali yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"Naku po. Hinding-hindi ako magpapakamatay. Bukod sa nakakatakot, ayoko namang


takbuhan yung mga problema ko. Tsaka may kapatid pa po akong mas bata sa akin. Pano
nalang siya pag wala na ako? Wala na nga kaming mga magulang, iiwan ko pa siya?
Baka bugbugin ako ni mama at papa sa langit kapag ginawa ko yun. Haha."

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa kahit tungkol sa death ang pinag-uusapan
namin. Para kasing biglang gumaan yung pakiramdam ko nung kinausap ako ni manong.
At least kasi hindi siya involved sa pinoproblema ko kaya pwede akong magsabi sa
kanya ng kung anu-ano.

"Napakabait mo talagang bata." sabay hawak niya sa ulo ko. Then after that, parang
may nagflash sa utak ko pero medyo blurry. A..ano yun?

"Ayos ka lang ba, hija?" napansin ko na nakatulala na naman ako.

"Ahh. A..ayos lang po. Parang may naalala lang akong..something."

Ewan ko. Para talagang may something eh. Ano ba yun? Pero hindi ko malaman kung
ano. It's more like.. a familiar feeling. Shet. Ano na bang nangyayari sa akin? Eto
ba ang epekto ng walang-sawa kong pagdadrama? Kung anu-ano na ang nararamdaman ko?

Hinayaan ko nalang yun at nag-focus nalang ulit ako kay manong.

"Manong, sino po pala ang dinalaw niyo dito?" sabi ko nalang kahit alam kong yung
anak at yung mahal niya yung dinalaw niya dito.

"Hmm. Yung anak ko." sabi na nga ba eh. Pero.. bakit hindi niya sinabi yung first
love niya? Di kaya, hindi siya rito nakalibing?
"Ay ganun po ba?"

Wala naman na akong maisip na matanong. Kaya sobrang tahimik namin ngayon at
nakatingin lang sa kawalan. Yung tunog lang ng hangin ang maririnig mo. Pero tignan
mo nga naman ang pagkakataon oh, bigla nalang nagvibrate yung phone ko na nasa
damuhan at nasa gilid ni manong.

"Ano yun?--"

Bigla nalang nadaganan ng kamay ni manong yung phone ko, at sa kamalas-malasang


pagkakataon ay nasagot niya yung incoming call.

"Nasaan ka ngayon? Please. Sabihin mo."

Shet naman manong. Bakit pati yung loudspeaker, napindot mo :'( Pagkarinig na
pagkarinig ko palang ng boses niya, nanghina na yung buong katawan ko.

"A..apo? N..asaan ka na ba?"

Bigla naman akong natigilan. S..si lola yun ah? Si lola Roma yung nagsasalita.
Pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya, tumulo nalang bigla yung luha ko. Pano
kasi.. nagccrack na rin yung boses niya. She's about to cry.

"Pauline, apo. Mag-usap tayo. G..gusto kitang makausap apo.. at..at nang
mapasalamatan kita sa ginawa mo.. A..apo--"

Pinatay ko yung phone ko. Saka ako umiyak doon sa harap ni manong. Ayoko nang
marinig yung mga sasabihin ni lola. Kasi baka pagsisihan ko yung ginawa ko. Baka
gustuhin kong bumalik pa siya sa amin. Ayoko namang mangyari yun.

"Wala akong alam sa mga nangyayari, pero hindi ba mas maganda kung makikipag-usap
ka ng maayos?" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ba sabi ko sa'yo dati, wag mo akong gayahin? Na pinatagal ko pa ang lahat
bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin yung mahal ko? Mas magandang
nagkakaunawaan kayo. Hindi yung ganito na mukhang nagkakasakitan kayo. Tignan mo
nga ang sarili mo oh. Umiiyak ka na naman--" hindi ko alam pero bigla nalang akong
napayakap kay manong.
Doon na ako umiyak nang malakas. Hindi ko na kasi alam kung ano bang dapat kong
gawin. Kakausapin ko ba sila lola? Pero kasi.. :'(

"Shh.." naramdaman ko namang hinahagod niya yung buhok ko. Ewan ko pero biglang
nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko. Eto na naman. Yung familiar feeling na
'to..

then bigla nalang akong nakaramdam na parang basa yung bandang balikat ko. W..wait.
Hindi naman umuulan di ba? Wag niyong sabihing.. umiiyak rin si manong? Pero..
bakit? May dahilan ba siya para umiyak?

"M..manong? O..okay ka lang ba?" pero hindi siya nagsasalita at naramdaman ko


nalang na humihikbi siya. Bumigat ulit yung pakiramdam ko. Ayoko kasi ng ganito.
Yung nakakakita ng mga matatandang umiiyak :'(

"Salamat. P..parang nayakap ko ulit y..yung anak ko." sabi niya sa akin habang
magkayakap pa rin kami.

"P..po?" naguluhan kasi ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

Bigla naman akong kinabahan. A..ano bang pinagsasabi ni manong?

Humiwalay naman siya sa akin bigla at tinignan lang ako sa mga mata.

"Tuwing nakikita kita.. naaalala ko ang anak ko sa'yo. Magkamukhang-magkamukha kasi


kayo. Hindi ba, Paula?" tapos tumingin siya sa puntod ni mama.

Pagkarinig ko nun, halos tumigil ako sa paghinga. A..ano daw?

Tsaka naman biglang nagflashback sa akin yung picture ng anak niya. Yung kwento
niya. Yung dahilan kung bakit siya nandito. Yung familiar feeling..
Bigla nalang nanlabo yung mga mata ko. Napatakip nalang ako ng bibig. Feeling ko ay
anytime, magbebreakdown na naman ako. T..totoo ba 'to?

Nakita kong umiiyak na rin si manong at bigla niya na namang hinawakan yung ulo ko.
Pagkatapos nun, may nagflash na naman sa utak ko, pero this time.. hindi na malabo.
Naaalala ko na. Kaya pala.. kaya pala ganun yung pakiramdam ko.

"Naaalala mo na ba ako..."

"...apo?"

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napayakap nalang ako bigla sa kanya.

"LOLO!!" at tuluyan na akong nagbreakdown.

***********************************************************************************
**************

Yehey! Nakapagtype ako ng medyo mahaba TToTT

*******************************************
[66] Chapter LXV
*******************************************
Hai. Hai. Eto na po ang late update.
***

"Sorry apo. Sorry kung di ako agad nagpakilala sa'yo. Gusto lang kasi kitang
bantayan at ayoko namang maging pabigat sa'yo. Pero ngayon, alam kong kailangan mo
ng masasandalan. Hindi ba?"

Nakayakap lang ako kay manong ngayon. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Pero.. pero masaya ako.. na siya
ang lolo ko. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Kaya pala ganun ang
pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.

Parang matagal ko na siyang kilala.

Hindi ko na matandaan yung itsura na dati dahil dito na rin ako lumaki sa Maynila.
Pero nung narinig ko yung mga sinabi niya kanina, bumalik lahat ng nakalimutan ko
tungkol sa kanya. Kung paano niya ako kinakantahan at pinapatulog dati. Kung paano
niya ako laging pinapatawa. Kung gaano niya ako kamahal.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang nanay mo. Pati pag-iyak niyo, parehong-pareho.


Nakakatuwa. Para bang.. nabuhay ulit siya sa'yo."

"S..siya po yung bata s..sa picture?" bigla ko nalang natanong habang nakayakap pa
rin ako sa kanya at umiiyak.

"Ah, oo."

Kaya pala. Kaya pala parang pamilyar yung picture na yun. Tsaka ko narealize na
kamukha ko nga talaga si mama.

"Hindi mo ba pupuntahan si Ryde?"

Napabitaw naman ako bigla kay manong at napatingin sa kanya. B..bakit parang alam
niya yung mga nangyayari? Nagulat naman ako nung ngumiti siya at ginulo niya yung
buhok ko.

"Matanda na ako, apo. Papunta ka palang, pabalik na ako. Isang tingin pa lang
sa'yo, alam ko na yang pinoproblema mo. At isa pa, naging saksi ang sasakyan ko sa
inyong dalawa." tapos biglang ngumiti ng nakakaloko si mano-- lolo. Hindi ko alam
pero parang nag-init yung mukha ko sa ginawa niyang yun.
"L..lolo! Naman eh!"

"Oh ayan! Mas maganda ka kapag hindi ka umiiyak. Oo, ayos lang umiyak pero hindi sa
lahat ng pagkakataon. May mga rason ka pa rin naman para ngumiti at tumawa." tapos
inabutan na naman niya ako ng bimpo.

"Alam mo, apo, madalas magkaroon ng di pagkakaintindihan ang mag-nobyo kapag hindi
nila pinakinggan ang isang side. Palagay ko, hindi lang kayo nagkaintindihan."

"A..ano ba lolo! H..hindi ko naman boyfriend si Ryde!!" lalo lang akong nahiya sa
mga pinagsasabi ni lolo sa akin!

"Ha? May sinabi ba akong kayo ni Ryde ang tinutukoy ko?"

"LOLO!!" pakiramdam ko eh para akong nag-erupt na bulkan. Putek! Lolo ko ba talaga


siya?! Para siyang si Yem kung makapagsalita eh!

"Biro lang, apo. Hahaha. Oh sige na, puntahan mo na ang dapat mong puntahan. May
sasabihin lang ako kay Paula."

Tapos bigla akong tinaboy ni lolo doon. Psh. Hindi ko tuloy alam kung lolo ko ba
talaga siya at ganun niya lang ako itaboy pagkatapos naming magkakilala. Pero..
matagal naman na naming kilala ang isa't isa. Yun nga lang, hindi ko lang alam na
kamag-anak ko pala siya.

Napangiti nalang ako bigla nung naalala ko na pinagkakamalan ko pa siya dating


creepy old stalker ko kasi laging yung jeep niya yung nasasakyan ko.

Umuwi nalang ako sa bahay. Wala naman akong masyadong ginawa kundi umiyak, pero
parang na-drain lahat ng lakas ng katawan ko. Tsk. Sabi ko hindi na ako iiyak ulit
pero pakingshet na buhay 'to. Lagi nalang may surprise attack sa akin! Kung anu-
anong nangyayari na hindi ko ineexpect. Tulad nalang ngayon..

"Ate.. a..asan na si lola?" pambungad na bati sa akin ni Aera sa may pintuan.


Umiiyak siya doon tapos si Yem ay nakatayo lang sa may gilid niya at umiling nalang
sa akin. Mukhang inexplain niya kay Aera pero..

Umupo ako para ka-level niya ako.

"Aera, bumalik na si lola sa family niya. Kaya dapat maging masaya ka for her.
Okay? Malay mo dumalaw ulit siya dito. Sige ka, pag nakita ka niyang umiiyak, di na
ulit siya pupunta dito." bigla naman siyang tumahan at tinakpan niya yung bibig
niya para di namin marinig yung iyak niya. Then, tumango nalang siya. Tsaka ko
naman naalala bigla si lolo.

"Aera, bukas aalis tayo, ha? Pupuntahan natin si lolo."

"Hoy hoy hoy! Teka, uuwi kayo ng probinsya?! O..oy! May pasok pa tayo Poleng! Ano
bang pinagsasabi mo?" tinignan ko naman si Yem na parang ngarag na ngarag na.
Tinignan ko nalang siya ng mamaya-ko-nalang-ikukuwento-look at tumahimik na siya
doon sa gilid.

"Kaya matulog ka na. Maaga tayong aalis bukas, okay?"

Nag-nod naman agad si Aera at bumalik siya sa loob ng bahay na nakatakip pa rin
yung bibig niya. Tapos pumasok na siya ng kwarto at feeling ko eh matutulog na rin
naman siya. Kaming dalawa nalang ni Yem dito sa labas kaya kinuwento ko sa kanya
lahat ng nangyari.

***

"WHAAAAAT?! YOU.. YOU.. YOU MEAN LOLO?! MANONG?! AS IN SI MANONG?! Y..YUNG MANONG
NA DRIVER?!"

"Shhh! Wag ka ngang maingay Yem! Mamaya marinig ni Aera eh!"

"P..pero! Totoo ba yan?! Walang halong joke?!"

"Oo nga. Hindi rin ako makapaniwala at first pero.. siya talaga yun."

Nagkwentuhan lang kami doon sa may labas hanggang sa papakin na kami ng lamok. Ewan
ko pero namiss ko 'tong feeling na 'to. Ngayon nalang ulit ako nakipag-usap ng
normal. Siguro dahil nakatulong rin si lolo kanina. Syempre, malungkot pa rin ako
at wala na si lola Roma, pero wala naman akong magagawa eh. She's not here anymore.
Wala namang mababago kapag umiyak ako nang umiyak. Hindi ko alam kung gaano ako
katanga pero ngayon ko lang narealize yun.

I should stop crying ang move forward.

Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag nawala ang isang tao sa'yo, wala ng saysay
ang buhay mo. Sabi nga ni lolo kanina, may mga rason pa naman ako para ngumiti at
tumawa. And two of those reasons are in this house.

"So, anong plano mo? Papasok ka bukas?" napatingin nalang ako kay Yem at parang
siya naman ang biglang sumeryoso.

"Oo. May dapat pa akong gawin."

"Huh? Ano yun?"

"I need to know the whole story. Ewan ko pero feeling ko, may mga hindi nagtutugma-
tugma. Hindi ko mabuo yung mga pangyayari. Gusto kong kausapin lahat ng taong
involved."

"Even Ryde?"

"O..of course." napayuko nalang ako. Pano ko ba siya kakausapin? Eh ni hindi ko nga
magawang tignan o pakinggan siya eh.

"Hoooo! At nagbabalik ang iyong Ryde-face! Hahaha! Namiss ko yan! Ang iyong
namumulang mukha kapag nabanggit ang pangalan niya!"

"Ay naku Yem tigil-tigilan mo nga ako!" Sabi na eh! Feeling ko talaga si Yem ang
apo ni lolo at hindi ako! Magkaugali sila, in and out! >_<

"Joke lang! Eto naman! Ngayon ka na nga lang naging normal tapos susungitan mo pa
ako! Hmp!" tapos tumayo siya at nag-walkout.

Ay? May ganun? Anong arte ngayon ni Yem?

Nagulat naman ako nung tumigil siya sa pagpasok sa kwarto at humarap ulit sa akin.

"Advice lang Poleng mahal si Ryde." At ano namang klaseng pagtawag yan?!

"..kung gusto mong malaman ang story, I think you should start with that
impaktitang bruhildang panget na Serene. Feeling ko kasi may alam rin siya sa mga
nangyayari, kahit bwisit yung pagmumukha niya. Good night!" saka siya pumasok sa
loob.

*BLAG!*

"Hiiieeeek!" nagulat ako nung bigla ulit bumukas yung pinto. Shet!

"Oh, and welcome back sa pagiging normal!" sabay sara ulit sa pinto.

Gaga talaga yun! Muntik na akong atakihin sa puso!


Pero.. for the first time, napangiti ako. It felt like a long time ago nung huli
akong ngumiti ng ganito. I hope, magtuluy-tuloy na 'to. Pero mukhang walang ngiting
makikita sa mukha ko bukas. Dahil bukas, kakausapin ko si Serene.

***

*******************************************
[67] Chapter LXVI
*******************************************
chenchenenen! Masipag ako ngayon! Haha!

Palike ng page for updates and announcements :)

http://facebook.com/purpleyhanwatty or click the external link :)

**********

Maaga akong umalis ng bahay. Himala nga at nagising ako ng maaga samantalang parang
kinagat ng buong angkan ng ipis sa bahay namin yung mata ko eh. Mukha tuloy akong
Chinese ngayon.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng mangyari ngayong papasok
ako. Duh? Pano ko naman haharapin si Ryde? Si Daniel? Si Serene? Si Chris? Ugh!
Bakit ba kasi nagkanda-buhul buhol ang mga landas namin! Tapos sisimulan ko pa sa
bruhildang Serene na yun. Tsk.

"Hey."

"Oh?"

Nagulat naman ako nung narealize ko na si Ryde pala yung nasagot ko. Tss. Hindi ko
man lang napansin na nasa likod ko pala siya. Ang tahimik niya talaga gumalaw!
Kainis na Ryde--

Eh? S..s..si Ryde? O_O

My body acted on its own. Bigla nalang akong napatakbo ng sobrang bilis papunta
doon sa terminal ng jeep. Phew! Mapapasali ako sa varsity neto ng di-oras!
"Oh, apo? Bakit parang nakakita ka ng multo?" pagtingin ko, nasa harapan ko na pala
yung jeep ni manong.. I mean.. lolo ko na nga pala siya. Good timing!

"Pakiandar na po ng jeep! Please! Full speed!" saka ako tumakbo papasok ng jeep at
todo pilit ko kay lolo na paandarin yung jeep. Nung nakulitan na siya sa akin eh
sinunod niya na rin ako. Phew! Buti naman. Akala ko makakasabay ko si Ryde! Shocks!
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Mamamatay ako sa sobrang kahihiyan at awkwardness
kapag nagkasabay kami.

Hindi kami nag-usap ni lolo buong byahe. Siguro napansin niya rin na wala ako sa
sarili kong pag-iisip. Kung anu-ano kasing inaalala ko. Pero natutuwa ako kasi
ganun pa rin yung turing sa akin ni lolo. Parang walang nagbago. Mas lalo lang
akong napalapit sa kanya ngayon.

Nung nasa harap na ako ng kanto ng school ay bumaba na agad ako at tumakbo dahil
baka maabutan ako ni Ryde. Actually, di ko nga rin alam kung bakit ko siya
tinatakbuhan samantalang makakausap at makakausap ko rin siya, soon. Ugh. What's
wrong with me?

"Aeisha. Ikaw ba yan? K..kamusta ka na?" unti-unti naman akong lumingon doon sa
tumawag sa akin. At nakita ko si Daniel.

Waaaah! Bakit ba nagpapakita sila ngayong panahong 'to?! Kung kelan naman hindi ko
sila kelangang kausapin pa eh!

"A..ah sige Daniel! B..bye muna!" saka ako tumakbo ulit pero this time, hindi ako
dumiretso sa room. Tumakbo ako papuntang CR ng girls para siguradong wala akong
makakasalubong na lalaki. Whew! Safe!

Napatingin nalang ako doon sa salamin. Grabe. Kakaiba talaga yung itsura ko ngayon.
Ang liit ng mga mata ko. Para akong hindi tao.

"Tsk. Nakakainis!"

Bigla akong napatingin doon sa reflection sa salamin nung lumabas sa isang cubicle.
Parang tumigil yung paghinga ko at feeling ko eh lumaki ng konti ang mga mata ko.
Bigla siyang napatingin sa akin kaya nagtama yung mga mata namin sa may salamin.

"Now look who's here. The Drama Queen. Am I right?" saka siya nagcross-arms sa
harapan ko.
Omaygad. Sadya bang nakikipaglaro sa akin ang tadhana at si Serene ang naabutan ko
dito sa CR? Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakita ko kaagad siya o
mabubwisit dahil sa pinagsasabi niya.

"Serene. Mag-usap tayo."

"Are you an idiot? Ano bang ginagawa natin ngayon? Kumakanta?"

Naku pigilan niyo ako. Malulublob ko yang pagmumukha niya sa bowl! Bwiset! Ako na
nga ang nag-aapproach kahit diring-diri ako sa pinaggagawa ko eh!

"Gusto kong malaman yung mga nalalaman mo sa nangyayari." sabi ko nalang kahit
gigil na gigil na akong lambitinan yung buhok niya.

"Wala akong alam. At kung may alam man ako, bakit ko sasabihin sa'yo?" tapos saka
pa siya umirap sa akin. Aba talaga naman!

"Please? I really.. really want to know the whole story."

"You're pathetic. Ganyan ka na ba kadesperada at sa akin ka pa nagtatanong?"

Hindi na talaga ako makapagpigil.

"OO! Ganito ako kadesperada! So what?! Gagawin ko lahat para malaman ko yung
totoong nangyari! Wala akong pakialam kung anong maging tingin mo sa akin! Pero
gusto kong malaman lahat! Gusto kong malaman lahat ng nangyari kay Ryde!"

Hindi ko alam kung tama bang sinigawan ko siya, pero nakatingin lang siya sa akin
at parang nagulat sa pinagsasabi ko. Then tumingin siya sa harap ng salamin.

"Tss. I really don't know why Ryde care for you. You're just a pathetic, low-class
girl. Kung hindi dahil sa mga magulang ko, baka ako pa rin ang kasama ni Ryde
ngayon. I really despise you. You stole him from me!" nakita ko namang nanunubig na
yung mga mata niya. Parang wala siya sa sarili niya.

"We loved each other before but I need to end it dahil magmimigrate kami ng family
ko pero he's so persistent. That's why I said na may iba na akong mahal at si
Daniel yun. And then what? Nalaman ko na hindi pala matutuloy ang migration namin
because of some stupid business arrangements! I hated my parents because of that! I
even hated myself! I hated everyone! I approached him again last year pero nagbago
na siya. He's as cold as ice. He's not the Ryde I know anymore. And then you came."
nakatulala lang siya sa salamin. Pakiramdam ko nga eh hindi ako ang kausap niya,
kundi yung sarili niya. And I dunno why, pero for the first time, nakaramdam ako ng
awa para sa isang Serene Endo, ang babaeng kinamumuhian ko.

Nagulat naman ako nung bigla niyang pinunasan yung luha niya at naglakad siya
palabas ng CR.

"H..hey wait Serene--"

"Wag mo akong sundan! And don't call me by my name! Tss. Why am I even talking to a
trash like you?!"

"Sere--"

"I don't care kung ikaw man ang piliin ni Ryde. I still love him. And I will make
sure that he'll end up with me. I don't care if they'll call me selfish. Sa akin si
Ryde!"

She just left me there. Dumbfounded. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga
pinagsasabi niya. Then bigla kong naalala yung unang pagkikita namin. Yun yung time
na nag-cut kami ni Ryde ng klase at sinundan ko siya sa mall.

"Ryde? Is that you? Grabe namiss kita!" saka niya niyakap si Ryde habang ako eh
nakasunod lang sa kanila na parang aso.

"Uh Ryde, who is she?"

"Aeisha nga pala. Uhmm, classmate ako ni Ryde."

"Ryde?"

"Ha?"

"Uhm wala. Nagtaka lang ako kung bakit Ryde ang tawag mo sa kanya."

"Bakit? Hindi ba niya totoong pangalan ang Ryde? Joke lang?"

"Ako lang kasi ang tumatawag ng Ryde sa kanya sa school bukod sa family and
relatives niya."

Then nagflashback rin yung sinabi sa akin ni Daniel nung nagkataong andun rin siya
sa mall at sumabay ako sa kanya pauwi dahil wala akong dalang pamasahe.

"Uhm Daniel.. ano.. ah.. ano mo si.."

"Si Serene?"

"Ah oo yun nga! Siya nga!"


"May kapatid kasi ako. Mas matanda lang sa akin ng one year. Si kuya.. naging
girlfriend niya si Serene."

"WHAT?!"

"Yeah. Di ko nga rin alam kung anong nakita ni kuya sa babaeng yun. Alam ko naman
dati pa na niloloko lang siya ni Serene. Well ganun talaga siguro. He's blinded by
love. At ang masaklap pa, nung nakipagbreak si Serene kay kuya, ang sinabing reason
ni Serene ay dahil daw may gusto siya sa akin. Lame, right? Kaya kumukulo talaga
yung dugo ko sa Serene na yun. Pinaglalaruan niya lang si kuya, dinamay pa ako."

Lalo lang akong naguluhan sa mga naalala ko. What the heck? Akala ko ba kuya niya
yung niloko ni Serene? Ibig sabihin, kuya niya si Ryde? Huh? Hindi ko na
maintindihan yung mga nangyayari! Ang gulo gulo na! Feeling ko masisiraan na ako ng
bait kapag nag-isip pa ako lalo!

"Okay Aeisha! Stop! Move on!" sabi ko sa reflection ko sa salamin. Kailangan kong
kumalma. Whoooo. Inhale. Exhale.

I think I need to talk to Daniel.

Pero bakit ganun? The more na may nalalaman ako, the more na gumugulo at nagiging
twisted yung mga pangyayari? Ugh. I hope, magconnect connect sila!

Naghilamos muna ako at napansin kong bumubuka na ng kaunti yung mata ko. Bumabalik
na sila sa dati!

Okay. Operation: Huntingin si Daniel, start!

*******************************************
[68] Chapter LXVII
*******************************************
Sorry sa mga naguluhan last chapter hahaha. Maski ako naguluhan rin LOL jk. Pero
malapit na talaga masgot lahat >o< gimme more time para makapag-type ng updates.
Busy busy ang lola niyo dahil graduating na ako eehh. Hihi anyway salamat sa
patuloy pa ring nagbabasa at kinilig ako sa iba kasi sinimulan ulit nila mula
umpisa daw para malaman ang lahat. Naloka lang ako at kinilig. Hahaha! Okay eto na,
ang daldal ko na masyado :p

****
"Huy babaita! Anyare sayo?"

"Ahh. Huh?"

Kanina pa ako nakatulala dito sa may room. Feeling ko magkakasakit na ako sa utak
sa sobrang kakaisip ng mga bagay-bagay! Ugh! Kasi naman eh. Nabother talaga ako sa
pinagsasabi ni Serene at sa mga naaalala ko. Ewan ko lang ha, pero feeling ko
nabawasan yung pagkainis ko sa kanya. I mean, sila naman talaga pala dapat ni Ryde.
Haaay.

*POK*

"Aray!" napahawak ako sa ulo ko kasi binatukan ako ni Yem. Ang sakit nun ha!

"Kasi naman kanina pa kita kinakausap, huh ka ng huh dyan! Tsk. "

"Huh?"

"Kitams! Naku talaga! Sige magmuni-muni ka muna dyan! May pupuntahan lang akong
gwapo. Bye!"

Tsaka siya nagwalkout sa harapan ko. Baliw talaga yung babaeng yun. If I know eh si
Chris lang ang pupuntahan niya. Lunch break kasi namin ngayon at wala ako sa mood
kumain dahil masyadong sumakit ang ulo ko sa tindi ng pag-iisip na ginagawa ko.

At uunahan ko na kayo, wala si Ryde dito ngayon. Hindi siya pumasok nung nagsimula
na yung klase kanina. Psh. San kaya nagpunta yun? I mean.. kasi diba tinakbuhan ko
siya kanina? >_< Eh kasi naman nagulat ako nung bigla syang sumulpot eh! Tsaka..
ang awkward pa kung mag-uusap agad kami.

Dahil wala ako sa mood kumain, lumabas muna ako ng room at naglakad-lakad. Ni
hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Pero may nahagip yung mata ko.

Yung gym.

Naglakad ako papasok sa gym. Namiss ko magpunta dito. Lately kasi, di na ako
nakakaattend sa practice ng badminton dahil masyadong occupied ang utak ko ng mga
bagay-bagay. Pagpasok ko, nakita ko kaagad ang kaisa-isang tao dito.
Si Daniel.

Bigla naman siyang napatingin sa direksyon ko.

"Aeisha." tapos tumakbo siya papalapit sa akin. "Ba..bakit ka nandito?"

"A..ah.. ano, napadaan lang." bigla namang naging awkward kasi nga ngayon nalang
ulit kami nakapag-usap. For the past few days kasi, lagi akong iwas sa kanya.

"Well, at least you're not crying anymore."

"H..ha?"

"Wala sabi ko ang cute mo kapag di ka umiiyak." saka niya ginulo yung buhok ko then
pumunta ulit siya doon sa bench.

Siguro kung crush ko pa rin siya hanggang ngayon, namatay na ako sa sobrang kilig
sa ginawa niya. He's really a nice guy.

"Bernardino, ano pang ginagawa mo dyan?" sigaw niya sa akin at napatingin ako sa
kanya agad. Hawak-hawak niya yung raketa niya at nakaposisyon na siya dun sa isang
side ng court.

"H..ha? Wait Dani--"

"Captain Daniel, Bernardino." Eh? Hala anong problema niya?

"Pero--"

"I'm here as a team captain. And you're just my subordinate." tapos saka niya
nilaru-laro yung shuttlecock.

"Pero kasi, gusto ko lang malaman--"

"No. I won't say anything."

Napatigil naman ako. Hindi ko lang akalain na sinabi yun ni Daniel. He won't say
anything? Pero.. I need to know everything.

Napayuko nalang ako. Mukhang hindi ko siya makakausap regarding that matter. Ayoko
namang pilitin siya. Masyado na siyang maraming nagawa para sa akin.

"Tsk. You're really a troublesome girl, eh?" napatingin ulit ako sa kanya at this
time, halos mawala lahat ng worries ko sa buhay at nafocus sa lumilipad na raketa
sa direksyon ko.

"Waaaah!" Phwah! Safe! Nasalo ko! Shet! Akala ko katapusan na ng mukha ko!

"Daniel! Adik ka! Pano pag di ko yun nasalo?! Shet! Akala ko magkakaroon ako ng big
time bukol sa mukha ko! Whoooo!"

"Right. Ganyan ang attitude ng Aeisha na nakilala ko. Hindi yung bigla nalang
yuyuko at mawawalan ng pag-asa. So, are you ready?"

"H..ha? Ready for what?"

"For this game." then pumosisyon ulit siya doon sa other side of the court. Wala
naman akong nagawa kundi sundin siya at pumunta ako sa isang side. At saka, namiss
ko na ring maglaro ng badminton.

"Fight seriously, okay? I'm betting everything here." napakunot naman bigla yung
noo ko sa sinabi niya. What does he mean by that?

"Bet? Anong bet?"

"Defeat me. And I'll tell everything I know."

Bigla akong kinabahan to the point na pati tenga ko eh parang tumitibok na rin.
A..ano daw? Pag natalo ko siya, sasabihin niya sa akin lahat ng alam niya? That's
good to hear pero.. HOW AM I SUPPOSED TO DEFEAT HIM?! Team captain talaga namin
siya eh! Oo natalo ko siya by chance dati nung try-out pero totoong game talaga 'to
eh! Pano pag di ko siya natalo--

"At pag natalo kita, you'll go out with me tomorrow." sabay grin niya sa akin.

"EHHH?! D...d...date?!" halos umalingawngaw yung boses ko sa buong gym. Magdedate


kami pag natalo niya ako?! Waaaah!

Bigla naman niyang tinira yung shuttlecock sa direksyon ko kaya pinilit kong wag
madistract at maglaro nalang ng maayos. Nagulat lang talaga ako sa sinabi niya na
magdedate kami at naramdaman kong uminit ang pagmumukha ko. I mean, I've never been
in a date! Wala naman kasing nag-aaya sa akin eh. Isa lang akong ordinaryong
mamamayan at alam kong hindi naman OA ang kagandahan ko para ayain ng isang gwapong
lalaki.

"Focus Aeisha!"

Tinry ko ulit alisin muna lahat ng pinag-iisip ko. Kailangan kong manalo dito.
Kailangan kong malaman mula sa kanya yung alam niya sa nangyayari. Okay. I'll win!
******

"Hah.. Hah.. Hah.. I.. I.. lose."

Sabi ko na nga ba. Wala akong pag-asa para matalo siya. Hingal na hingal ako
kakahabol ng shuttlecock samantalang siya eh parang hindi siya ganun napagod.
Haaay. Mukhang wala na akong pag-asa para malaman sa kanya yung mga gusto kong
malaman :(

"Nice game. 20-19." sabi niya sa akin habang papalapit dahil napaupo nalang ako sa
sobrang pagod. Pero nagulat ako nung bigla rin siyang napaupo halfway.

"D..daniel! Ayos ka lang?" napatayo ako at ako nalang ang lumapit sa kanya.
Pagtingin ko, nakahawak siya sa may ankle niya.

"Tsk. So ako ang natalo, huh?" bigla niyang sinabi.

"Huh? Pinagsasabi mo? Eh nanalo ka nga. Lamang ka kaya ng one point."

"Ugh. Pero nagkaroon naman ako ng injury for pushing too far. Urrghh!"

Pagtingin ko dun sa ankle niya, medyo namamaga nga. Hala. Di kaya yan dahil dun sa
hinabol niya yung tinira kong shuttlecock at na-sprain siya? Hala eh di kasalanan
ko na naman? >_<

"G..gusto mong dalhin kita sa clinic? Tara--" tapos kinuha ko yung braso niya at
nilagay sa balikat ko para itayo na siya pero bigla niya namang hinatak.

"Wag muna. I lost the game kaya tutuparin ko yung sinabi ko."

"Pero.. hindi ka naman natalo eh." ewan ko pero naguguilty talaga ako TT_TT feeling
ko kasalanan ko kung bakit siya nagka-injury. Kasi naman ehhh!

"Hmm, then sabihin na nating, it's a draw. Pero sasabihin ko pa rin sa'yo lahat ng
gusto mong malaman. Sabi ko nga sa'yo dati, gagawin ko lahat para maging masaya ka
di ba?" tapos ginulo na naman niya ulit yung buhok ko.

I can't help it but to feel sad. Bumigat bigla yung pakiramdam ko. Bakit siya
ganyan? Bakit ginagawa niya 'to? Bakit pa kasi ako? Eh hindi ko naman kayang
suklian yung feelings niya for me :'(

"Oh ayan na naman yang mukha mo. Para ka na namang iiyak." tapos hinawakan niya
yung dalawa kong cheeks at binanat-banat niya pa. "Wag kang umiyak, okay? Hindi
talaga bagay sa'yo ang umiiyak." nag-nod nalang ako kahit na paiyak na talaga ako
sa sobrang guilty ko. He's doing everything for me pero ako, wala man lang akong
nagawa para sa kanya :'(

"So gusto mong malaman yung mga nalalaman ko di ba? Hmm. San ba tayo magsstart?"
bigla naman akong may naalala. That's right. Yung sinabi niya sa jeep dati. Yung
about sa kuya niya and.. Ryde.

"Ahm.. g..gusto ko lang malaman kung.. a..ano nang nangyari sa kuya mo."

"Kuya?" tapos biglang kumunot yung noo niya.

"Y..yung sinabi mo sakin dati sa jeep. Yung sabi mong naging boyfriend ni Serene."

"Ah that. Haha. Actually, I lied."

"Haaaa?!" nagsinungaling siya?! Eh?! Anong sinabi niyang kasinungalingan sa akin?!

"Yung kuya na sinabi ko, he does not exist as my biological brother. Kaya ko lang
sinabi na kuya ay dahil mas matanda siya sa akin. Hahaha. At saka, kapag sinabi
kong si Ryde yun, maguguluhan ka lang dahil kakakilala pa lang natin nun, right?
Ayoko namang i-drag ka sa past namin."

Napanganga nalang ako sa sinabi niya. And for some reason, medyo gumaan yung
pakiramdam ko. Hindi sila magkapatid. Hindi talaga. Akala ko talaga maguguluhan na
naman ako eh! Masyado ng maraming revelations about families kaya hindi na talaga
kakayanin ng utak ko pag meron pa!

"Phew! Akala ko talaga magkapatid kayo ni Ryde!" bigla ko nalang nasabi kaya
napatakip ako ng bibig ko.

"Haha! So alam mo na pala na si Ryde yung tinutukoy ko nun? Akala ko magugulat ka


nung sinabi kong si Ryde yun."

"Ahh.. eh kasi.. nakausap ko si Serene kanina eh." bigla naman siyang napalapit sa
akin with a serious face.

"Nag-usap kayo ni Serene? May ginawa ba siya sa'yo? Hindi ka niya inaway?" natawa
naman ako sa reaksyon niya. Tapos tinignan-tignan niya pa ako kung may bakas pa ng
sampal, kurot o kung ano pa mang kapisikalan ang pwedeng mangyari.

"Hahaha! Naku hindi no. Tsaka pag inaway niya ako aawayin ko rin siya."

"Ohh. Ganun ba? Haha. Amasona ka nga pala."

Nag-asaran lang kami doon na parang mga bata. Pero natutuwa ako ngayon at nawala na
lahat ng awkwardness ko towards him. Pero andun pa rin syempre yung guilt na hindi
ko masuklian yung feelings niya :\
Then after a few minutes, tumigil siya at biglang sumeryoso.

"Okay Aeisha. You should listen very well. Sasabihin ko sa'yo lahat ng nalalaman ko
at sana, may masagot sa mga tanong mo."

"S..sige." bigla akong kinabahan ng todo. This is it. Malalaman ko na rin yung side
ni Daniel.

"Magsisimula ako five years ago.. that time na magbebest friends pa kami ni Ryde at
Serene."

***

cut! mwahaha sa next update ulit! XD

baka later or bukas or malay nyo next week pa >o<

depende pag tinamad ako mamaya hahaha sorry! Tamad talaga akong bata >_<

*******************************************
[69] Chapter LXVIII
*******************************************
"Childhood friends kaming tatlo. Nakatira lang kasi kami sa iisang village dati.
Pare-pareho rin kami ng pinasukan na school nung grade school kami. Sabay-sabay rin
kaming grumaduate at pumasok sa school na 'to. But everything went wrong nung
sinabi ni Serene na may gusto siya sa akin."

Tahimik lang akong nakikinig kay Daniel. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin
lang siya sa kawalan. Parang si Serene kanina. I don't know why pero naaawa ako sa
kanilang dalawa. Parang ang bigat sa pakiramdam. Hindi nalang ako nagreact nung
sinabi niyang best friends silang tatlo. Pero sa totoo lang, nagulat talaga ako.
Alam kong may connection silang tatlo pero hindi ko akalain na magkakaibigan pala
sila dati. Lalo na si Daniel at Ryde.

"Dati pa kasing may gusto si Serene kay Ryde at ganun rin naman si Ryde. Pero nung
fist quarter ng first year high school namin dito, bigla nalang sinabi ni Serene na
hindi na niya daw gusto si Ryde. And on the top of that, sinabi niya rin na ako na
raw ang gusto niya. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa ulo niya at ginawa niya
yun. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang motibo niya sa aming dalawa."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi sinabi sa kanila ni Serene
yung totoong dahilan? Na kaya siya nag-act ng ganun ay dahil aalis sila sa
Pilipinas? For a second, I felt really sad. Bakit hindi niya sinabi? Hindi ba mas
maiintindihan nila kapag sinabi niyang dahil yun sa magmimigrate dapat sila, pero
unfortunately, eh hindi natuloy? Gosh. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng
utak ni Serene.

"Dun nagsimulang maging weird si Ryde. Maging si Serene ay dumistansya na rin. It's
like our friendship turned ino ruins. Nagkawatak-watak na kami. Minsan nalang kami
kausapin ni Ryde at nagkaroon rin siya ng bagong circle of friends. Sila Chris.
Simula nun, Jin na ang tawag ko sa kanya. He's not the guy he's supposed to be.
Dahil kay Serene. For almost three years, ganun lagi. Hindi na kami nakakapag-usap.
Pero si Serene, kinulit niya ulit si Ryde last year. Nagsorry rin siya sa akin
regarding that matter. Nung sinabi niyang may gusto raw siya sa akin. Pero nagulat
nalang ako nung nabalitaan ko na nagkagalit-galit daw yung barkada ni Ryde. Hindi
daw sila nagpapansinan at lagi nalang nagsusuntukan. Sabi pa nila, he totally
isolated himself. Wala na siyang pinapansing iba. Hindi ko alam kung anong nangyari
pero alam kong may nangyaring masama kaya siya naging ganun."

Naka-awang lang yung bibig ko habang nagkukwento siya. Parang andaming realizations
na pumapasok sa utak ko. Kaya pala nung una ko siyang nakaencounter eh lagi siyang
nakikipag-away. Ibig sabihin, yung mga binugbog niya dati eh barkada niya?

"Kinausap ko si Serene kahit na mabigat pa rin ang loob ko sa kanya. Tinanong ko


kung alam niya ba ang nangyayari kay Ryde. Pero maski siya, hindi niya alam. Kahit
papano naman eh nag-aalala pa rin kami dahil kaibigan namin siya kahit na nasira na
yun. Kaya napagdesisyunan naming pumunta ng bahay nila habang nagkaklase at nasa
school pa siya."

-__-

Does that mean na nag-cut sila? Mga pasaway na bata!

"Pagdating namin doon, naabutan namin yung daddy niya and he told us everything.
Hindi namin alam na ganun na pala ang nangyayari. Simula kasi nung bata pa kami,
lola at mama's boy na si Ryde. Sila lagi ang nag-aalaga sa kanya. Tapos nalaman
namin na halos magkasunod palang namatay yung mom niya at nung nawala yung lola
niya. Ni wala man lang kaming alam. Hindi namin alam na yun na pala yung
pinagdadaanan niya."

This time, may pumatak na na luha sa mga mata ko. Si Daniel kasi, nanunubig na rin
yung mga mata niya. Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayari. :'(

"I felt useless. I can't even aid a friend. Nakakafrustrate. Kaya minabuti kong
tumulong, from the shadows. Kahit mabigat pa rin ang loob ko kay Serene, nakipag-
usap ako sa kanya. Gusto niya rin daw tumulong. We want to help him in any possible
ways, as his friends. But then, you came."

Kung kanina ay nakatingin lang siya sa kawalan, ngayon naman ay sa akin na siya
nakatingin. He's like looking through my soul.

"Nakilala kita. Nakasama kita. I don't know. Pero pag kausap o kasama kita, hindi
ko naiisip yung mga problema ko. You're special. Hindi ka katulad ng ibang babae na
maarte. You're just being yourself. And your smile is captivating. Napapangiti mo
rin yung mga tao sa paligid mo. I.. I really felt that way. Hanggang sa tuluyan na
akong napalapit sa'yo. And I fell in love with you." bumigat na naman yung
pakiramdam ko. Ayan na naman yung guilt :'(

"Pero dahil rin sa'yo, nakita kong unti-unting bumabalik si Ryde sa dati. He seems
attached to you. Sa tingin ko, masaya rin siya kapag kasama ka. And I think, you
feel the same way." tapos ngumiti siya sa akin ng malungkot. My heart felt heavy.

"I felt horrible. I love you, but you love him. And I don't want to be his rival.
He's my friend. Nasira na yung pagkakaibigan namin dati. Ayokong lalo pa yung
masira. Kaya willing akong magparaya. At isa pa, alam ko naman ang isasagot mo eh.
Ayokong ipilit yung sarili ko sa'yo. PAreho lang tayog mahihirapan, hindi ba?" then
lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.

"But I'll do anything to make you happy. Even if.. even if.. I'm not." narinig ko
nalang bigla na nagccrack na yung boses niya. Tumulo na rin yung luha ko dahil sa
mga sinasabi niya. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko :'(

"Don't worry, imumulat ko yang mga mata ni Ryde. Ayoko nang makita kang umiiyak.
These past few days, lagi ka nalang malungkot. Lagi ka nalang umiiyak. Hindi bagay
sa'yo yung ganun. You should aways smile. And I promise, I'll be able to see your
smile.. soon."

Napayakap nalang rin ako sa kanya ng mahigpit. Kung sa kanya lang siguro ako
nainlove, sobrang swerte ko ngayon. He's so kind and gentle. I can feel his love
for me, to the point na nasasaktan ako para sa kanya. Gusto ko siyang i-comfort
pero hindi ko magawa dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
And I hated myself for that :'(

"D..daniel, thank you. S..salamat talaga. Salamat sa lahat. H..hindi ko alam *huk*
k..kung pao ko ma..masusuklian lahat ng.. ng.. ginawa mo sa a..akin. I'm s..sorry."
"Hey hey it's not your fault okay? At ako dapat ang mag-thank you. Kasi kahit
ganito, hindi pa rin nagbabago yung pakikitungo mo sa akin. Kaya salamat."

Hindi na ako umimik after nun. Gusto ko lang gumaan yung pakiramdam ko, and his
arms are really comforting. Para akong may kuya na handa akong protektahan. And
it's really heartwarming.

Lumipas ang buong lunchbreak. Medyo kumalma na rin ako kaya nagdesisyon akong
umalis na ng gym. Ganun rin si Daniel. Sabay kaming lumabas at para akong gusgusing
bata dahil ang dungis-dungis na naman ng pagmumukha ko. Ano ba yan, umiyak na naman
ako. Kasi naman si Daniel eh :'(

Ngayon naman ako nakaramdam ng gutom. Pero hinayaan ko nalang. Umakyat na kami ni
Daniel sa third floor pero nung nasa tapat na kami ng room ko, napahinto kami
pareho.

Nasa labas kasi si Ryde.

And he's staring at me right now. Bigla nalang lumakas yung tibok ng puso ko at
parang nawala lahat ng sounds sa paligid. Nakatingin lang rin ako sa kanya at alam
kong marami kaming gustong itanong at sabihin sa isa't isa. Magsasalita na sana ako
pero bigla akong hinigit ni Daniel at nagulat nalang ako nung nakayakap na siya sa
akin.

"H..hey Dan--"

"Stay still." bulong niya sa tenga ko.

Gustuhin ko man, pero nakakahiya talaga. Eh pano ba naman nasa harap talaga kami ng
classroom ko eh! Yung classmates ko nagtitinginan na dito. Idagdag pa si Ryde na
nasa harapan namin ngayon. Baka kung anong isipin niya! T..teka lang!

"Thank you sa time Aeisha. I really enjoyed it. And.. I love you."

Bigla nalang akong napatigil. Hindi ko alam kung anong trip ni Daniel pero we're
making a scene right here! T..tsaka ano bang pinagsasabi niya?! Naririnig na ng mga
kaklase ko! Tsaka si Ryde..

Nagulat naman ako nung bigla siyang kumalas, pero hawak niya pa rin yung mga
balikat ko. This time, nakatingin siya sa mga mata ko. Tapos nagulat ako nung bigla
siyang pumikit at unti-unting lumalapit yung mukha niya sa mukha ko.
He's going to kiss me..

Nanigas nalang ako bigla. Parang may nagbuhos sa akin ng isang baldeng yelo. I
can't move. Hindi ko alam kung tama, pero napapikit nalang rin ako.

Nararamdaman ko na yung paghinga niya..

his lips..

*BOOGSH*

Bigla naman akong napadilat nung may narinig akong natumba. At nagulat ako nung
nakita kong nasa sahig na si Daniel at dumudugo na yung labi niya. Saka ko napansin
na.. hinigit pala ako ni Ryde at nakapalibot yung kaliwang kamay niya sa likod ko
hanggang sa bewang ko. Pagtingin ko sa kanya, nakaramdam ako ng takot. It's like
looking to a beast. Hindi ako nakapagsalita.

"Pwe. What kind of punch is that?" biglang sabi ni Daniel habang tumatayo siya at
pinupunasan yung labi niya.

"Shut up." hindi ko alam pero kinilabutan ako kahit dalawang salita lang yung
nabanggit ni Ryde. N..nakakatakot talaga.

"Tsk. I think I've done a great job here. Heh." tapos nagpose pa siya na parang
nag-iisip siya. Ano bang pinagsasabi ni Daniel? >_< Napatingin naman ako sa kanya
nung bigla siyang naglakad palayo sa amin.

"Sige Aeisha! Balik na ako sa room namin! Don't worry, malapit nang matupad yung
promise ko! I'm sure of it!" hindi siya lumingon sa akin habang sinasabi niya yung
mga salitang yun. Basta tinaas niya lang yung kanang kamay niya at nagwave.
Hanggang sa pumasok na siya sa room nila.

Tsaka ko naalala.. >///>

Napatingin nalang ako bigla sa kamay niya sa may bewang ko.

"Uhh.. s..sorry." tapos bigla niya akong binitawan at tumakbo rin palayo sa akin.

Seriously? Anong nangyayari?

"Hoy babaita!" at nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula sa likuran. At


sino pa ba ang makapal ang pagmumukha na gumagawa sa akin ng ganyan?

"Aray ha!"

"Siraulo ka! Shocks! Pati ako nadala sa inyo! Anong trip niyo, ha?"

"E..ewan ko." saka nalang ako napayuko at pakiramdam ko nag-iinit na naman yung
pagmumukha ko. Ugh! Bakit ba kasi nangyari yun?!

"Tanga ka ba?!" sabay batok ulit sa akin. Aba't. "Shunga mo talaga! Di mo ba nagets
yung ginawa ni Daniel?! Pinagselos niya si Ryde! At bingo! Nagselos si Ryde! Grabe
haba ng hair mo bwisit ka! Tara na nga sa loob! Dadating na si sir!" saka niya ako
hinatak papasok sa loob ng room habang nakatingin sa akin lahat ng classmates
namin.

Pero di nga?

N..nagselos siya? T..talaha?

*******************************************
[70] Chapter LXIX
*******************************************
"Haaay ka-stress kang bruha ka! Pati ako namomroblema dahil sa'yo!"

Uwian na nga pala at naglalakad na kami ni Yem pauwing bahay. Buong byahe namin
kanina eh inaasar niya lang ako at pinagduduldulan sa aking ang shunga-shunga ko.
Lesheng babae 'to! Imbes na tulungan ako eh lalo lang akong pinapahirapan -__-

"Pero ang shunga mo talaga!"

"Sige, pang-doseng shunga na yan ha. Awat na. Baon na baon na ang pagkatao ko ha!"

"Eh kasi naman eh! Imagine? Dalawang lalaki, fighting over you? Wow girl! Dinaig mo
si Rapunzel! Kahit boto ako kay Ryde, kinilig ako sa ginawa ni Daniel kanina. Sakit
nun! Walanghiya ka! Umpf!" saka niya ako pinalo sa braso. Aba! Nagiging hobby niya
na yan ha!

"Ewan ko sa'yo." tapos naglakad ako ng mas mabilis sa kanya.

"Asus! Tapos sayang pa yung moment kanina! Ayun na eh! Magkakausap na kayo ni Ryde!
At oo nga pala.." nagulat naman ako nung nasa tabi ko na siya. ".. anong nangyari?
May mga nalaman ka ba?"

Napahinto nalang ako sa paglalakad. Narealize ko kasi na konektado pala talaga


lahat ng bagay na nangyari. Andami kong nalaman. Nalaman ko yung side ni Serene at
Daniel. Yung side nalang ni Ryde ang hindi ko alam. Pero hindi ko talaga alam kung
paano ko siya kakausapin. Simula kasi nung scene sa Ferris Wheel nung field Trip
namin eh hindi na kami nakapag-usap ng matino. Idagdag pa yung nangyari kay lola.
It's really hard. Haaay.

"Kung ako sa'yo, wag ka nang umarte at i-push mo nalang yan. Kausapin mo na kasi
siya! Kayong dalawa rin naman ang nahihirapan eh. Wag ka nang paarte. Hindi kayo
magkakaintindihan kung walang mag-iinitiate ng usapan."

Napatingin nalang ako kay Yem. Akalain mong may sense rin pala yung iba niyang
sinasabi? Nagkalovelife lang 'tong babae na 'to, expert na pagdating sa mga
ganitong usapan! Ang tindi!

Nung nasa tapat na kami ng bahay, nagulat ako nung may nakatayo doon sa may labas.
"L..lolo!" napatingin siya sa amin ni Yem. Nakatayo lang kasi talaga siya doon.
Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Bakit po andito lang kayo sa labas? Tara Lo, pasok ka dali." saka ko siya hinila
sa loob. Ewan ko pero bigla akong naexcite. Eto yung first time na magiging lolo ko
siya na normal ang pagkatao ko. Pagkapasok namin sa loob, pinaupo ko agad siya sa
may upuan. Tapos pumasok ako sa kwarto at nakita kong tulog si Aera. Hay, kawawang
bata naman 'to. Affected pa rin talaga siya sa pagkawala ni lola. Sila talaga kasi
yung super close eh :(

"Lolo.. ano pong pangalan nyo?" tanong naman ni Yem. Oo nga pala, di niya pa pala
kilala masyado si lolo. Pero in fairness ha, ayos mag-entertain si Yem.

"Lolo Paulo nalang, apo." tsaka siya ngumiti kay Yem. Hinayaan ko muna sila doon at
ginising ko muna si Aera.

"Aera, gising na. Huy. May bisita tayo." pagkasabi ko nun, dumilat naman agad siya
pero halatang inaantok pa rin. Kaya tinayo ko na agad siya bago pa siya makatulog
ulit.

"Antok pa ako ate." hihiga sana ulit siya pero binuhat ko na siya para di na ulit
makahiga sa kama.

"Ay ayaw mong makita yung bisita natin?"

"Sino.." ay jusme, hindi nga natulog sa kama, matutulog naman ata sa balikat ko
-__-

"Si lolo."

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, biglang nagising yung diwa niya, to the point na


nauntog yung ulo niya sa baba ko nung narinig niya yun. Ang sakit! Shet!

"Si lolo? Andyan si lolo?"

"O..oo." sabi ko nalang habang hawak-hawak ko yung baba ko kasi ang tigas ng ulo ni
Aera! Hineadbutt yung baba ko! Kumawala naman agad siya sa pagkarga ko sa kanya at
tumakbo siya palabas ng kwarto kaya sinundan ko nalang siya. Nung nasa sala na
siya, napahinto pa siya nung may nakita siyang ibang tao bukod kay Yem.

"Lolo?"

Napatingin agad si lolo sa direksyon namin. Then nakita niya si Aera. This is the
first time na magmemeet sila.
"Lolo!" nagulat ako nung tumakbo si Aera papunta kay lolo at yumakap sa kanya.
Narinig ko nalang na umiiyak na siya. Ewan ko ba pero I find myself tearing up,
too. Siguro dahil alam kong may pamilya pa akong maituturing.

Kumain lang kami at nagkwentuhan buong gabi. Si Aera, hindi na humiwalay kay lolo.
One-year old pa lang kasi siya nung huli niyang nakita si lolo, so malamang hindi
niya na natatandaan. Nakakatuwa lang talagang malaman na hindi 'to imagination
lang. Na kasama na namin ngayon si lolo.

Buti nalang at wala kaming pasok bukas dahil may conference something daw na
aattendan yung teachers namin. Pero natulog na rin ako ng maaga. May balak kasi
akong gawin bukas.

Si lolo, dito na rin natulog. Di kasi siya pinayagan ni Aera na umalis eh. Pasaway
na bata. Ang cute nga nila kasi si Aera, natulog sa tabi ni lolo at talagang
nakayakap pa siya ng mahigpit sa braso niya. Since wala ng space sa kama, dun
nalang ako sa lapag natulog.

***

Maaga akong nagising. Actually, alas-singko palang. Nagluto na rin ako ng breakfast
para kila Yem. Alam ko namang tanghali pa yan magigising dahil siya ang huling
natulog kagabi. Then nagprepare na ako para umalis. Nung bandang alas-sais na,
balak ko na sanang umalis pero nagulat ako nung nagising si lolo at nakita akong
paalis.

"Oh apo, saan ka pupunta?"

"Uhmm.. kila mama po." gusto ko talaga kasi silang dalawin ngayon. Andami kong
gustong ikwento sa kanila. Tsaka namimiss ko na sila.

"Pwede bang sumama ako, apo?" nagulat naman ako sa sinabi ni lolo. S..sasama siya?
Siguro may gusto rin siyang sabihin kay mama.

"Sige po. Hintayin ko nalang po kayo."

Agad-agad namang nagpreprare si lolo. Pinaghain ko na rin siya ng pagkain para


naman may laman yung tiyan niya. Then nung mga 6:45 na ay umalis na kami. Nung nasa
kanto na kami, pinaghintay muna ako ni lolo sa may shed at kukunin niya lang daw
yung jeep niya. So ako naman, tumambay nalang muna doon. Mga fifteen minutes later,
nakita ko na yung jeep ni lolo at sumakay naman ako agad. Ewan ko ba pero siguro
kapag sumakay ako sa ibang jeep eh maninibago ako. Pano kasi laging jeep ni lolo
yung nasasakyan ko. Haha.

Tahimik lang kami buong byahe. Nung makarating kami sa sementeryo, naglakad kami
papunta kila mama at papa. Bumili na rin ako ng bulaklak para sa kanila. Pero nung
malapit na kami doon sa puntod nila, napatigil ako sa paglalakad.

"Oh bakit apo? May problema ba?"

Nakatingin lang ako sa harapan. Hindi ko alam kung paano magrereact. Ito na ata ang
least expected kong mangyayari. Parang huminto yung oras at pakiramdam ko eh may
hindi na naman magandang mangyayari.

"Pauline, apo?"

Biglang bumigat yung pakiramdam ko nung tinawag niya yung pangalan ko.

Si lola Roma.

"Hey."

at si Ryde.

Magkasama sila. At sa kamalas-malasang pagkakataon, nakasalubong namin sila. Bigla


nalang akong napatingin sa side ni lolo para humingi ng tulong. Pero napansin ko
naman na nakatingin rin si lolo sa kanila.

"R..romaria?" sabi ni lolo. Tapos napatingin sa kanya si lola Roma. Nung makita
niya si lolo, gulat na gulat yung expression ng mukha niya.

"Paulo? I..ikaw si.. Paulo?"

Hindi ko 'to inaasahan, pero bigla rin kaming nagkatinginan ni Ryde at parehong
nakakunot ang mga noo namin. What the heck is happening?!

Magkakilala silang dalawa?

"Magkakilala po kayo?! / Magkakilala po kayo?" halos sabay pa naming tanong sa


kanila. Napatingin nalang sa akin si lolo at si lola naman ay lumingon sa direksyon
ni Ryde.

"Siya yung kinukwento ko sa'yo dati."

"Apo, siya yung sinasabi ko sa'yo."

Halos sabay pa nilang sabi sa amin ni Ryde.

Nag-buffer ako saglit. Pinilit kong alalalahanin lahat ng pinagkwentuhan namin ni


lolo. Lahat ng pinagsasabi niya sa akin dati. Then suddenly, may nag-flash sa utak
ko. Naalala ko yung dalawang pictures sa jeep ni lolo. Yung bata doon ay si mama.
Then may isang dalaga doon...

Wait.. ibig sabihin..


Napatingin ulit ako kay lolo at lola.

No way. This is really..

Oh God.

This is turning into a really.. really.. really weird idea.

*******************************************
[71] Chapter LXX
*******************************************
May gusto lang akong i-clarify sa mga nagcomment ng magkadugo, magkapatid,
magpinsan sila. Hahaha! Check Chapter 54 :p andun yung istorya ni lolo Paulo.
Mwahaha! Pero kung ayaw niyo, eh di basahin niyo na agad 'to XD Push!

***

"W..wait, wait." hinatak ko si lolo papunta sa akin. Naguguluhan na talaga ako!


Bakit sila magkakilala ni lola Roma? Anong meron?!

"Kilala mo po si lola Roma? Pano kayo nagkakilala?" napakunot naman yung noo ni
lolo sa akin.

"Kilala mo rin siya?"

"O..opo. Dun sya sa amin ni Yem nakitira these past few months kasi.. uhm.. basta
po mahabang istorya eh. Kayo? Bakit nyo kilala si lola?" Naguguluhan na talaga ako.
Bakit ang liit ng mundo naming lahat? Bakit sila magkakilala? Anong meron sa
kanilang dalawa?
Hinihintay kong sumagot si lolo. Napabuntung-hininga nalang siya.

"Ganito kasi yun, apo. Naalala mo pa ba yung sinabi ko sa'yo dati?"

Hindi ko alam pero kinakabahan na ako. Pakiramdam ko tama yung kutob ko. Kung tama
ang hinala ko..

"Yung tungkol po ba sa first love niyo?"

"Oo."

Bigla naman akong hinatak ni lolo papunta doon sa puntod nila mama at iniwan nalang
namin doon si lola at si Ryde. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Dapat na ba
akong kabahan?

Nung nakarating na kami doon, umupo kami sa harapan ni mama at papa. Nilagay ko
kaagad yung bulaklak na binili ko kanina sa kanila. Tapos hinintay ko nalang si
lolo sa sasabihin niya.

"Hindi ko akalain... na makikita ko ulit siya." nagsimula siyang magsalita kaya


humarap ako sa kanya at gusto kong malaman kung anong meron sa kanila ni lola.
Nacucurious talaga ako.

"Di ba po, sabi niyo, wala na siya?"

"Akala ko rin. Matagal ko na siyang hindi nakita. Halos ilang dekada na rin. Pero
kahit ganun, naaalala ko pa rin yung mukha niya. Alam kong siya yun. Hindi ba si
Romaria iyon?"

Ngayon ko lang narinig yung totoong pangalan ni lola. Romaria pala ang tunay na
pangalan niya.

"O..opo. Si lola Roma nga po yun. P..pwede ko po bang malaman kung anong nangyari
ulit? Medyo ano po kasi eh.. uhmm.. nakalimutan ko na po yung ibang nangyari.
He..he.." sabay kamot ko sa batok ko. Natatandaan ko naman yung kinuwento niya
about sa first love niya at sa paghihintay niya ng matagal, pero nakalimutan ko na
talaga yung details! >_<

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na may nakilala akong babae na lagi kong nakakasabay
sumakay sa jeep?" tumango naman ako.

"Tapos kasabay ko rin siyang pumasok sa eskuwelahan pero hindi kami magkakilala.
Nagandahan at nabaitan ako sa kanya kaya naglakas-loob ako at nagtapat, hanggang sa
naging kami. Pero bigla nalang siyang nawala. Naghintay ako ng isa.. hanggang
sampung taon. Pero walang bumalik. Pero kahit ganun, pinilit kong bilhin yung jeep
kung saan kami unang nagkakilala. At iyon nga yung jeep na ginagamit kong pampasada
ngayon. Pero hindi ko akalain na yung taong hinintay ko ng sobrang tagal, ay
makikita ko ulit ngayon."

Ewan ko pero bigla na namang bumigat yung pakiramdam ko. Parang sobrang sakit nung
nangyari kay lolo. Sino ba namang hindi masasaktan kung naghintay ka sa wala? Di
ba? :(

"Pero alam mo apo.. masaya rin ako na hindi siya nagpakita noon. Kasi makalipas ang
sampung taon na paghihintay ko sa kanya, nakilala ko ang lola mo. Maganda, mabait
at matulungin rin siya. Nung dumating sa amin si Paula, nakalimutan ko lahat ng
paghihirap at sakit na naramdaman ko dati. Masaya palang magkaroon ng pamilya. At
salamat sa hindi niya pagpapakita sa akin, naging apo kita. Nagkaroon ako ng isang
maganda at mabait na apo." sabay ngiti niya sa akin. Hindi ko napigilang hindi
umiyak. Nakakatouch kasi yung sinabi ni lolo. Kahit hindi ko na masyadong maalala
ang mukha ni lola, alam kong mahal na mahal niya si lolo. Pero naisip ko rin, alam
kaya ni lola noon na may mahal si lolo na iba, bago naging sila? Tapos naghintay pa
siya ng sampung taon para sa taong yun?

Para namang nabasa ni lolo ang nasa utak ko at ngumiti siya sa akin bigla.

"Alam mo, kahit wala na ang lola mo, alam kong nakangiti siya ngayon. Napakabait
niya. Kahit na alam niyang may mahal akong iba, naghintay pa rin siya. Nandyan pa
rin siya para sa akin. Hindi niya ako iniwan. Kaya hindi naging mahirap sa akin
para mahulog rin sa kanya. Sana nga lang ay nakita niya kayong dalawa ni Aera na
ganito na kalaki. Siguradong matutuwa yun. Hindi ba, Paula?" sabay tingin ni lolo
sa puntod ni mama.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero naiiyak pa rin ako. Hindi dahil sa lungkot,
kundi dahil sa saya. Masaya ako at meron akong mabait na lolo't lola. Hindi ko man
sila nakasama ng matagal dati, alam kong mahal na mahal nila kami.

"Pero lolo.. h..hindi mo ba kakausapin si lola Roma?"

Ewan ko ba. Feeling ko kasi hindi naman ganung tao si lola. Yung bigla nalang nang-
iiwan. Pakiramdam ko may reason rin siya kung bakit niya yun ginawa. Gusto ko ring
malaman yung side ni lola. Pero nakakatuwa ring isipin na muntik ko na pala siyang
maging lola.
"Hindi na siguro kailangan, apo. Masaya na akong nakita ko ulit siya. Masaya na
akong maayos ang lagay niya. At masaya akong may kanya-kanya na kaming pamilya."
saka siya ngumiti sa akin kaya napangiti nalang rin ako sa sinabi niya. Pero bigla
naman akong may naalala sa jeep niya.

"Wait lang lolo. So yung nakita ko dati na plate number..."

"Ah iyon ba? Haha.. aba'y syempre uso rin ang pumorma noong araw. Talagang
ipinasadya kong gawing ganoon para naman may kahulugan." natawa naman ako sa kanya.
Ang corny rin pala ni lolo nung kabinataan niya! Hahaha!

"So ang ibig sabihin po talaga ng PLR143 ay Paulo love Romaria, I love you? Hahaha!
Wow lolo ha! Mga moves mo!" sabay kamot niya sa batok niya. Hahaha ang cute!

"Ay sus, apo. Tama na nga. Marunong rin akong mang-asar, akala mo."

"Wow lolo ha! Mana siguro ako sa inyo! Hahaha!"

"Oh hindi ba ang PLR ay pwede ring Pauline love Ryde?" tapos bigla akong tinignan
ni lolo ng isang nakakalokong tingin. Ako naman ay napa-poker face nalang. Pero
ewan ko ha, medyo umiinit ang paligid! Kasi naman 'tong si lolo eh! >///>

Nagkulitan lang kami doon ni lolo. Nagkuwento rin kami ng kung anu-ano ni lolo kay
mama at papa. Pati nga yung kulitan nila ni Aera eh kinuwento niya. Para lang
siyang bata kung magkwento! Haha!

"Pauline."

Bigla kaming natigil sa kulitan nung may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Pero
alam ko kung kaninong boses yun. At alam kong nasa likuran lang namin siya. Hindi
na naman ako makagalaw. Nafreeze na naman yung buong katawan ko. Takte naman oh!
"Oy Pauline."

Anubaaaa! Hindi talaga ako makalingon! Feeling ko kasi pag lumingon ako, may
mangyayaring hindi maganda! >_<

"Babaeng maliit ang boobs."

Ayokong luming-- ANO DAW?!

"ANONG SABI MO?! A..ANG KAPAL MO HA! NAPAKABASTOS MO TALAGA!" napatayo na talaga
ako nun at napalakad sa harapan niya sa sobrang hiya. Walanghiyang lalaki 'to! Kung
anu-anong pinagsasabi! At sana nakikita niyang kasama ko yung lolo ko eh! Kung
makasabi siya ng boobs, walang patawad! At ano naman kung maliit ang boobs ko?!

"Eh di lumingon ka rin."

Eh? Oo nga no?

Waaaah! Tumalikod ako bigla pero nahawakan niya yung braso ko at hinatak niya
papunta sa kanya kaya napaharap ulit ako pero this time, mas malapit sa pagmumukha
niya.

Oh shet. Wag ganito.

"Sa ayaw at gusto mo, mag-uusap tayo." sabi niya sa akin habang naaamoy ko ang
mabango niyang hininga. Amputek naman oh! Gayuma 'to!

"A..ano ba--"

"At hindi tayo dito mag-uusap." tapos ang alam ko nalang eh bigla nalang nawala
yung mga paa ko sa lupa at baligtad na yung paningin ko.

"H..hoy! Ibaba mo nga ako! Kasi naman eh! Manyakis! Ibaba mo ko! Rapist!" waaaah!
Lalo niya lang hinigpitan yung hawak sa thighs ko! Bakit ba kasi niya ako binuhat
na parang baboy?! Huhuhuhu!
"Uhm, excuse me po. Kikidnapin ko lang saglit 'tong kasama niyo. Isosoli ko rin po
siya agad." hindi ko naman nagets agad yung pinagsasabi niya. Tapos saka ko
narealize na kinakausap niya pala si lolo! Anong kikidnappin?!

"Haha. Oh sige. Mas mabuti nga iyan. Gusto rin naman ata niyang magpakidnap eh.
Hindi ba, apo?" kahit hindi ko nakikita yung mukha ni lolo, alam kong naka-evil
mode siya sa pang-aasar! Waaah! Lagot ka sa akin mamaya lolo T__T Pagbabayaran mo
'to!

Nagulat naman ako nung nagsimula na siyang maglakad. Pumipiglas pa rin ako pero
lalo lang humihigpit yung hawak niya! Tinawag ko na rin siyang manyakis, rapist,
panget, bakla, bading, baklush, shunga, alien, hayup, unggoy, at kung anu-ano pa
pero hindi niya ako pinapansin! Huhu bakit hindi na siya napipikon ngayon? Dati
naman kapag sinasabihan ko siya ng bakla, nag-aapoy na agad siya eh T__T

Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at umikot. Shet ha! Nahihilo na ako! Yung
dugo ko napupunta na sa ulo ko!

"Oo nga po pala, gusto raw po kayong makausap ng lola ko. Papunta na siya dito. Yun
lang." sabay ikot niya ulit at lakad.

"Hoy san mo ba kasi ako dadalhin?! Kasi naman eh! Ano ba! Ibaba mo na ako!"

"..."

"Ano bang problema mo?! Ang alam ko talaga hindi tayo bati! Bakit ba ang feeling
close mo?!"

"..." hindi pa rin siya nagsasalita!

"Bakit mo ba ako ginaganito?! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!"

"..."

Pagkasabi ko nun, saka ko lang narealize na naging double meaning pala yun. Bigla
nalang bumigat yung pakiramdam ko. :'(

"Ibaba mo na nga ako! Hoy Ryde! Wag ka ngang bingi! Sabi ko ibaba mo a--"

"I love you."


Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ayaw mag-sink in ng sinabi
niya sa utak ko. I sadyang mabagal lang magloading?

"H..ha?"

"I love you."

This time, tumibok na ng mabilis yung puso ko. Okay. Narinig ko siya ng maayos.
Unless, may problema na ang tenga ko. T..tama ba yung pagkakarinig ko?

"Edi tumahimik ka rin." at naramdaman kong nag-smirk siya.

Gusto ko siyang sigawan, hambalusin, bugbugin at sampalin pero hindi ko magawa kasi
feeling ko sasabog na yung mukha ko sa sobrang pula. Walang hiyang Ryde 'to! >///>

Just three words.

He shut me up.

*******************************************
[72] Chapter LXXI
*******************************************
Yey! May update ulit! *O*

Third to the last chapter, I think? Hahaha! Lapit na!

*********
After ng silent moment namin, binaba niya ako bigla. Akala ko kung anong mangyayari
pero nakita ko na nasa harapan na kami ng sementeryo at nasa harapan ko rin yung
bike niya.

"Sakay." tapos bigla siyang sumakay sa bike niya. Dahil medyo natakot ako sa pautos
niyang tono (which is hindi ko alam kung bakit ako natakot), eh napasunod agad ako.
Sumakay ako doon sa may upuan sa likod.

"Hawak." syempre, sumunod agad ako. Mamaya bigla niyang paandarin, eh di baldog ako
sa may semento!

Hindi naman ako nagsising humawak sa kanya dahil pagkahawak na pagkahawak ko eh


pinatakbo niya agad yung bike na parang kotse. Eh kasi naman, pababa yung road
galing dito sa sementeryo! Impakto 'tong lalaking 'to! Pano nalang kung hindi pa
ako nakahawak?! Eh di ako na ang isusunod na ibuburol dito!

"Thank you." nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita.

"P..para s..saan?"

"Yung kay lola. I really owe you alot. Salamat talaga."

Hindi ko alam kung ano na naman bang bwisit ang problema ng mata ko dahil
nagtutubig na naman sila. Bakit ba kasi siya nagthathank you? Pinapaalala niya lang
yung paglet-go ko kay lola Roma eh :'( Namimiss ko na tuloy siya.

"Maraming sinabi sa akin si lola. Ha..ha."

Bigla akong kinilabutan.

Binabawi ko na ang pagkamiss ko kay lola. Shet! A..anong mga pinagsasabi ni lola
kay Ryde?! Takte! Sa kanya ko pa man din sinasabi yung mga kadramahan ko sa buhay!
Tapos alam niya na rin na si Ryde yung lagi kong kinukwento ko sa kanya! Waaaaah!
Impakta ka lola, anong mga kinuwento mo kay Ryde! T__T

"Alam kong galit ka sa akin. Alam kong nasaktan ka dahil sakin. Gusto kitang
makausap, but you keep on avoiding me. I know na ang rude ko kanina, pero eto na
lang ang alam kong paraan para makapag-usap tayo."
Napatulala nalang ako. W..weird. Ang dami niyang sinabi ngayon! Hindi ako sanay!
Ang daldal niya na! Hindi talaga ako sanay!

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung isa kong kamay at inayos niya
para mas mahigpit yung hawak ko sa bewang niya. Utang na loob, Ryde!

"H..hoy! Magbike ka na nga lang! Pag tayo nabangga ha!" kasi naman! Kung anu-anong
pinaggagawa eh!

"Don't worry. My life is yours. I'll do everything to protect you."

Buti nalang talaga at may dumaang sasakyan at malakas yung sounds, kasi feeling ko
napasigaw ako ng konti. Anak ng teteng naman eh! Anong pinagsasabi niya? Konti
nalang talaga, sasabog na ako dito! Bakit ba siya ganito? Pinapaasa na naman ba
niya ako? :'(

Hindi nalang ulit ako nagsalita. Ayoko nang mag-expect. Baka kasi masaktan na naman
ako. Ayoko munang magtiwala sa mga pinagsasabi niya. Maniniwala na naman ako, tapos
ano? Sasaktan niya rin naman ako.

Tahimik na ako buong byahe. Nung huminto siya, nandito kami sa dati kong
pinuntahan. Yung mataas na lugar kung saan kita mo yung city lights pag gabi. Pero
since 7 AM palang ata, eh hamog ang makikita mo sa paligid.

Bumaba ako sa bike niya at pumunta doon sa may fence sa gilid. In fairness, ang
sarap ng simoy ng hangin dito. Tapos ang lamig. Ang sarap sa feeling. Nagulat naman
ako nung nasa gilid ko na rin siya.

"Pwede bang magtanong?" sabi niya sa akin pero nakatingin siya sa harapan.

"Nagtatanong ka na kaya."

"That means yes, right?" tapos bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya
napatingin naman ako sa harapan. Whew! Buti nalang malamig at may palusot kung
bakit namumula ang mukha ko!

"Bakit iniiwasan mo na ako simula nung matapos yung field trip?"

Pagkatanong niya nun, nagflashback sa utak ko kung anong nangyari nung gabing yun.
Yun yung sinabi niyang may mahal siyang iba. Ouch naman oh. Bumabalik na naman yang
lecheng pakiramdam na yan ha :'(
"Tinanong kita nun kung nagmahal ka na ba, di ba? Sabi mo, 'I guess so.' Tapos
sinabi ko sa'yo na ako rin. That one woman I love. Sobrang bait, thoughtful,
maganda and everything you seek for a perfect girl."

Halos lumubog na naman yung puso ko sa pinagsasabi niya. Sabi na nga ba eh,
masasaktan lang ako dito. Ipinagduduldulan niya pa talaga sa akin yung babaeng
mahal niya :'(

"Actually, you already met her." napatingin ako bigla sa kanya.

"H..huh?"

"Alam kong ganun rin ang masasabi mo sa kanya dahil kilala mo siya. She's the
best." sabay ngiti niya sa akin. Alam kong weird sa kanya ang ngumiti, pero mas na-
bother talaga ako sa sinabi niyang kilala ko yung babaeng sinasabi niya.

"S..sino ba siya?" naramdaman kong may pumatak na mga luha sa mata ko. Bakit na
naman ba ako umiiyak? Takte naman oh.

"Of course.. si lola. I really love her. As much as I lo-- Hey wait, why are you
crying?"

Napaiyak na talaga ako ng totoo. Pakiramdam ko lumubog lang lalo yung puso ko. Pero
ang pinakamalala, pakiramdam ko ang tanga-tanga-tanga-tanga ko.

"S..si.. si l..lola Roma y..yung t..tinutukoy mo?" alam kong naweweirduhan na siya
sa akin dahil bigla nalang akong umiyak. Pero shet talaga kasi eh :'(

"Y..yeah. Bak--"

"Bwisit ka naman Ryde eh! *huk* S..sana sinabi mo agad! S..sana nalaman ko kaagad!
Para lang akong tangang nagseselos sa akala kong babaeng mahal mo! Nakakainis ka!"
sabay punas ko sa pisngi ko at humarap nalang ako sa city.

Alam ko namang kasalanan ko kasi nag-assume agad ako. Pero hindi ko rin maiwasang
mainis sa kanya. Bakit kasi sinabi niya pa yun? Syempre ang iisipin ko eh babaeng
kaedad namin. Babaeng mahal niya as his other half.

"Listen." nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan yung dalawang balikat ko at
hinarap niya ako sa kanya. "H..hindi ko naman alam na.. pero.. is that true?
Nagselos ka?"

Napatingin nalang ako right side ko habang pinupunasan ko pa rin yung mga
tumutulong luha. Hindi ko kasi magalaw yung katawan ko since hawak niya yung
balikat ko.

"Nagselos ka nga." pagkasabi niya nun, napatingin ako agad sa kanya with my death
glare.

"Shut up." sabi ko nalang sa kanya para lang may masabi ako. Tapos bigla niyang
ginulo yung buhok ko. Tss. Kapal ng mukha!

"Akala ko kung anong nagawa ko sa'yo that day."

"Shut up."

"Pero nagselos ka lang pala."

"Shut up."

"Tsk. Ang hirap mo talagang i-handle."

"Shut u--" bigla naman niya akong hinatak papunta sa kanya at hindi ko natapos yung
sinasabi ko sa kanya!

"I missed you. Really. Akala ko pati ikaw, mawawala rin sa akin. Though, lahat
naman ng nawala sa akin, bumalik rin. And it's all because of you. So.. thank you."

Nakayakap lang siya sa akin. Habang ako naman eh pinipigilang maiyak. Oo, iyakin na
ako kung iyakin, pero I'm sure, na hindi 'to dahil malungkot ako. Hindi dahil
mabigat ang loob ko.

"Sinabi na sa akin ni Daniel. Kinausap mo sila ang you already know my story. Sorry
kung nadamay ka pa sa gulo ng pamilya at kaibigan ko. I didn't mean to involve
you."

Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko rin ay basang-basa na ng damit niya.


Tuluy-tuloy na kasi yung pag-iyak ko dahil sa mga pinagsasabi niya eh :'(

"I became stone cold when my mom died and my grandmother vanished. Pero ikaw naman
ang pumalit sa kanila. Unang pagkikita palang natin.. uhm.. but, really.. I didn't
mean to do that." saka ko naman narealize na ang tinutukoy niya ay yung
pagkakahawak niya sa boobs ko nung nadapa siya sa hallway. Bwiset >///>
"Kapag kasama kita, gusto kong bumalik sa dating ako. Yung makulit, palatawa,
mapangtrip. Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako babalik sa dati hangga't di ko
nakikita si lola. I even bet my own life to it. That's why I said my life is yours.
Ikaw ang dahilan ng pagkikita ulit namin ni lola. That day, nung nagtext ka sa
akin, akala ko kung anong sasabihin mo. Pero you gave back my happiness. You gave
back my previous life."

"Halos nakakonekta sa'yo lahat ng nangyari sa akin ngayong taon na 'to. It's like
destiny is trying to bind us. Idagdag mo pa na may nakaraan pala ang lolo at lola
natin." ibig sabihin, kinuwento ni lola yung side niya kay Ryde. I want to know it
too.

Bigla naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Tapos pinunasan niya yung
pisngi ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Kahit gusto kong umiwas ng tingin,
hindi ko magawa dahil feeling ko eh naka-glue na yung mata ko sa mata niya.

"Simula pa lang, iba na ang pagtingin ko sa'yo. You made me happy, you made me
lonely. You made me feel everything."

"Ikaw rin naman eh. Ang kapal ng mukha mong paiyakin ako. Walang hiya ka. Sinaktan
mo pa ako. Pero kahit na ganun.."

Halos maubusan ako ng hininga. Hindi ko ata kayang ituloy yung sasabihin ko.
Na..nahihiya na ako! Gusto kong sabihin na mahal ko siya pero.. hindi ko masabi!
>_<

"Pero kahit ganun.. a..ano.. kasi--"

"I love you." nagulat ako sa sinabi niya. At mas nagulat ako nung hinawakan niya
bigla yung chin ko at..
He kissed.. he kissed.. me.

Napatulala nalang ako sa kanya. What the heck. Did he just.. kissed me? On the
lips? As in.. k..kiss? After that, pakiramdam ko nawalan ako ng kaluluwa at
nagpaparty siya somewhere. Pero wala pa nga ako sa wisyo, eh bigla naman siyang
lumuhod sa harapan ko.

"H..hey, anong ginagawa mo?"

"Alam kong masyado pang maaga para gawin 'to, pero turo sa akin ni lola dati, kapag
ang isang tao o bagay ay gusto mo talagang makuha, gumawa ka ng paraan para
mapasayo siya by taking a step ahead."

"H..ha? Anong pinagsasabi mo? Tumayo ka nga dyan. Semento yan oh. Masakit yan sa
tuhod! Tsaka--"

"Will you be my future wife?"

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napaluhod rin ako dahil nanghina ang tuhod ko.

W..what did he just say?!

*******************************************
[73] Chapter LXXII
*******************************************
Whooooo konting push pa! Second to the last! Ahahaha! Yehey malapit na matapos
TT_TT
Here's Chapter 71!

************************************************************************

"a..anong.. anong pinagsasabi mo?"

Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Oo, inaamin ko, kinilig ako ng bongga pero
future wife?! Parang ang bilis masyado ha! Ano bang takbo ng utak ng Ryde na 'to?

"Huh? Eh di tinatanong kung pwede ba kitang--"

"Wait wait wait WAIT!" sabay harap ko ng palad ko sa pagmumukha niya. "M..may sira
na ba yang ulo mo? F..f...future wife?! 15 palang tayo!--"

"I'm 16." sabi niya pa with todo conviction, habang ako eh poker face nalang.

"..15 palang ako! Pinagsasabi mo?!"

Bigla naman siyang tumayo at pinagpag niya yung pantalon niya. Ako naman eh nakaupo
pa rin sa kalsada dahil nanghina talaga yung katawan ko sa sinabi niya. Naloka
akong tunay!

"Sabi na nga ba ganyan ang magiging reaksyon mo." sabay grin niya sa akin. Aba't.
Pinagtitripan niya lang ata ako eh!

"Nakakainis ka! Pinagtitri--"

"But I wasn't joking." tapos tumingin ulit siya sa akin with his famous
expressionless face. Bigla naman niyang inilahad yung palad niya. At hindi ko alam
kung anong meron pero kinuha ko naman yun at tinulungan niya akong tumayo.
Nakakahiya pa man din kasi naka-skirt ako ngayon. Takte, ano bang tumakbo sa isip
ko nung nagpapalit ako at nagpalda ako ngayon?

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang hawak niya pa rin yung isa kong kamay.
Parang umurong na naman yung dila ko. Yung tingin niya kasi.. it's like petrifying
me. Parang hindi gumagana yung utak ko.

"White cycling ha?"


"Huh?--"

Tsaka ko narealize kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ko napigilan yung sarili
kong suntukin siya at talagang sobrang namula na yung mukha ko.

Anak ng cycling naman oh! Yun na yung moment eh! Tapos biglang.. white cycling?!
Napakamanyak talaga ng lalaking 'to!

"Napaka mo talagang- ugh!" saka ako tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad


palayo. Panira talaga! Bakit ba ganito 'tong lalaking 'to?! Akala ko nagbago na
siya dahil ang daldal niya na eh, pero yung pagiging pervert niya, hindi naalis!
Sabi na nga ba part yun ng dating personality niya eh!

"Oy oy oy, san ka pupunta?"

"Kay Daniel! Sa kanya ako papakasal!" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun pero
wala na eh, lumabas na sa bibig ko. Pero after nun, parang biglang humangin ng
malakas at tumayo lahat ng balahibo ko. Napalingon ako bigla sa likuran...

"Kay... Daniel...?"

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero.. imaginine niyo nalang. Si Ryde,
expressionless face + cold stare + cold tone + malamig na hangin.

Para siyang wild animal TT_TT NAKAKATAKOT!

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ako naman, napaatras nalang.

"Kay.. Daniel?"

"H..huh? W..wala naman.. a..ata akong sinabing ganun? Ha..ha.." atras ulit.

"Sa.. kanya.."

"Huy ano ka ba.. baka.. ano.. haha.. mali ka lang ng rinig!"

"ka.. magpapakasal?"
"Ka..kasal? Ha..ha.. ano yun? P..pagkain ba yun?"

"Daniel.."

"Eto naman oh! Ha..ha--"

*BOOGSH*

Saka ko naramdaman na nakasandal na pala ako doon sa may wall sa gilid. Patay.
Aeisha.. patay ka na talaga. Nakakatakot si Ryde! Huhuhu!

Bigla naman niyang nilagay yung dalawa niyang kamay sa may pader kaya na-stuck ako
sa pagitan nun. Oh shocks, oxygen, where are you? T_T

Pero wait.. dejavu? Parang nangyari na rin 'to dati? Nangyari na nga ba? Hindi ko
na maalala.

"Sabihin mo nga.." tapos biglang bumalik sa normal yung itsura niya. Pero this
time, parang ang lungkot ng mga mata niya. And I find it cool.

"Mahal mo ba si Daniel?"

...

...

...

...

"Huh?"

Hindi ko alam kung matatawa, maiinis, magagalit, maglulumpasay o manununtok ako sa


tanong niya. As in seriously? Tinatanong niya yan?! Utang na loob lang, Ryde!
Pasintabi lang pero.. tanga ba siya?!

"Ryde.." tapos hinawakan ko yung dalawa niyang balikat. Halata namang nagulat siya
sa ginawa ko.

"Hmmm?"

"SUPER PUNCH!' tsaka ko siya sinuntok sa may sikmura with all my power. After that,
pakiramdam ko nabali lahat ng buto ko sa kamay, pero wala akong pakialam! Hah!
Dapat lang sa kanya yan! Napahawak siya sa tiyan niya pero hindi siya tumumba.
Guuuhh.. sabi na nga ba ako ang masasaktan sa gagawin ko at hindi siya! Pero at
least medyo nasaktan naman ata siya!

"W..what the.."

"Tinatanong mo kung mahal ko si Daniel? Oh ayan ang sagot ko! Kung di ka rin naman
talaga.. aaiiissshhh! Sino ba sa tingin mo ang iniiyakan ko these past few weeks?!
Sino ba sa tingin mo ang lagi kong nakakasama?! Sino ba sa tingin mo ang lagi kong
hinahanap?! Sino ba sa tingin mo ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa akin
ngayon?! Sino ba sa tingin mo ang mahal ko?! Ha Ryde?!"

Napatulala lang siya sa akin.. kahit na medyo nakahukot siya dahil hawak niya yung
tiyan niya.

"I..ibig sabihin.."

Anak ng tupa naman o! Akala ko ako lang ang slow sa aming dalawa, pero siya rin
pala! Hindi niya ba ako napapansin?!

"Oo! Ikaw yun! Ikaw yun, Ryde! Nakakainis ka talaga!" sabay talikod ko.

Gosh! Did I just confess my feelings?! Ahhhh nakakahiya! Anong gagawin ko?! Ayoko
nang humarap sa kanya! Mamatay ako pag humarap ako sa kanya! >///<

"You.. you mean.. you love me, too?"


Ang kulit naman ng lahi ng isang 'to oh! Hindi niya ba narinig yung sinabi ko sa
kanya kanina? Bingi ba siya? Tama na please! Hindi na kakayanin ng kahihiyan ko!

"Ulit-ulit?!" sabi ko nalang habang nakatalikod pa rin ako. Pero nagulat ako nung
biglang may yumakap sa likuran ko.

"Thank you." tapos bigla niyang hinalikan yung balikat ko. Kasabay nun ay
kinilabutan ako ng todo at feeling ko ay lalagnatin na ako sa sobrang init ng
pagmumukha ko.

Agad naman siyang umalis sa pagkakayakap. Paglingon ko, naglalakad na siya palayo
sa akin. Hey.. a..anong ginagawa niya?

"S..san ka pupunta?" bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi.. may masamang


mangyayari.

"May kailangan lang akong ayusin." sabay sakay niya sa bike niya.

"Hey wait! Te..teka! Iiwan mo ako dito? Teka pasabay!" tatakbo na sana ako papunta
sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Dyan ka lang. May susundo sa'yo dito."

Hindi ko alam pero biglang bumigat yung pakiramdam ko. Ano na naman ba 'to? Ano na
naman bang nangyayari? Meron na naman bang problema?

"Ryde--"

"Kahit na hindi mo sinagot yung tanong ko kanina.. I'll wait."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Anong sagot ang hindi ko natanong? Ang naaalala
ko lang na hindi ko nasagot ay yung tungkol sa.. f..future wife.

"Pero asahan mo.. after 10 years, I'll ask the same question. I'll wait and wait.
Kahit magpakatanga ako sa paghihintay, hindi ako susuko."
Biglang may nag-flash na pangyayari sa utak ko. Bigla kong naimagine si lolo at si
lola Roma. Ewan ko pero naisip ko sila bigla nung sinabi ni Ryde yung "after ten
years" at "paghihintay". Is..is this a coincidence?

"P..pero san ka pupunta? I..iiwan mo ako dito?"

"Yes. But we'll see each other again..soon. That is.. if you.. really love me."
tapos nagprepare na siya sa pag-alis. Ako naman ay napatakbo papunta sa kanya.

I don't get it. I really don't get it. Ano bang ibig niyang sabihin? I will see him
if I really love him? What does that mean?

"Teka!"

"Hihintayin kita dun. Sana.. magpakita ka. See you."

Saka niya pinaandar yung bike niya ng ubod ng bilis. Sinigaw ko yung pangalan niya
pero hindi na siya lumingon. He left me.

Ano ba kasing pinagsasabi niya? :'(

*WUUUSHH WUSSSHHHH*

Nagulat naman ako nung may narinig akong gumagalaw doon sa may gilid ng mga puno at
bushes. Pagtingin ko..

"Huwaaaa! Wow! Ang dramatic nung scene na yun! Shocks! Pwede na talaga kayong
dalawa sa theater club! Di ba?"

"Hmmm.. pero mas magaling pa rin ako, babes."

"B..babes?! Sino si babes?! May iba kang babae?!"

Napatulala nalang ako sa kanila. What the hell? Anong ginagawa nila dito?!
"Yem?! Chris?! Anong ginagawa niyo dyan?! At isa pa.. kanina pa kayo dyan?!"

"Ha? Oo naman!" sabi ni Yem sabay tutok sa akin nung camcorder na hawak niya.

"Nakita namin lahat! Di ba loves?" sabat ni Chris sabay harang doon sa camcorder at
nagpose sa harapan ni Yem. Ano bang problema ng dalawang 'to? -__-

"Hahaha! Don't worry Poleng! Isa akong magaling na bata kaya nakuhanan ko lahat
pati yung kissing scene! Shocks! Kilig! Walanghiya muntik na nga akong sumigaw
kanina eh!"

Napanganga nalang ako sa sinabi niya. S..shet! Ibig sabihin.. sa simula palang eh
nandyan na sila?! What the hell?! At teka.. bakit sila naka-school uniform?! Akala
ko ba walang pasok? O trip lang nilang mag-uniform?

*BEEP BEEP*

Napatingin naman ako sa bumusina. Tapos nakita ko yung jeep ni lolo. At nakita ko
rin na nakaupo sa unahan si..

"Lola Roma?!"

"Hi apo!" sabay kaway niya sa akin with todo-todong energy. Wait lang! Nagkausap na
sila ni lolo?! Whoooa! Ano kayang napag-usapan nila? Nagkaintindihan na kaya sila?
Nalaman na kaya nila ang buong kwento? Waaah gusto ko ring malaman!

"Tama na ang batian, apo. Sakay na at may pupuntahan pa tayo." sabi naman ni lolo
sabay busina ulit sa amin.

"Eh? San tayo pupunta?"

"Pasok na Poleng! Late na tayo! 7:30 na oh!" tapos tinulak-tulak ako ni Yem papasok
sa jeep.

"Te..teka lang! May pasok tayo?! Akala ko ba wala? Di ba inannounce sa klase


kahapon na walang pasok?!"

"Joke lang yun. Pinagkaisahan ka naming lahat. Mwahaha!"

Nung nakapasok na kami sa jeep, pinaandar na agad ni lolo yung sasakyan. Saka ko
napansin na may nakabukas na laptop sa loob at parang may nagpeplay na video.

"Okay lolo Paulo! Full speed po! Let's start this procession!"
Procession?!

Wait nga lang..

Ano ba kasi talagang nangyayari?!

*****

Last chapter will be uploaded on August 2, 2013.

Tayo'y magkita-kita sa last chapter :p

*******************************************
[74] Chapter LXXIII (Last Chapter)
*******************************************
Eto na po ang last chapter :) kasi ang gulo daw ni Ryde eh. Hahahaha! Eto na
talaga! Kaso bara-bara na 'to kasi na-sidetrack sa publishing ng Campus Royalties!
XD Pagtyagaan >_<

Pa-like naman po ng page ko for announcements regarding my stories :)) Tsaka


updates rin :))

http://facebook.com/purpleyhanwatty or click the external link.

THANK YOU :)

**********************************************************************************

"Ha? Anong procession? Pinagsasabi niyo? Ano bang nangyayari? Walangya naman oh!
Sasabog na ang utak ko kakaisip ha!"

"Wow Poleng, akalain mong nag-iisip ka na pala? Hahaha! Joke lang!" sabay peace
sign niya sa akin. Hambalusin ko kaya ng laptop 'tong si Yem? Porque matalino lang
siya ginaganyan niya na ako ha -__-
After that, hindi na nila ako pinansing lahat kahit ano pang tanong ang itanong at
sabihin ko. Ewan ko ba pero busy sila sa kung anu-ano. Si Yem, nakikinig ng music
sa cellphone niya with her serious expression. Si Chris naman busy sa laptop na
nandun sa jeep at tuwing lalapit ako eh lalayo siya tapos pilit niyang nilalayo sa
akin yung laptop. Si lolo syempre nagdadrive. Si lola naman eh parang bagets at
naka-earphones rin. Haaaay. Ano ba kasing meron?!

Bigla namang huminto yung jeep sa kanto namin. At nagulat ako nung nakita ko si
Aera sa may kanto. Kasama niya rin si Daniel at Serene. Now this situation is
unimaginable. Bakit sila magkakasama?!

Mas ikinabigla ko pa nung sumakay sila sa jeep.

"Ateeee! Waaaah lolo! Lola Romaaaa!" pagpasok na pagpasok pa lang ni Aera eh kung
anu-ano na agad ang pinagsisigaw niya. Natawa nga ako nung tumawid siya galing dito
sa loob ng jeep papuntang unahan para lang maupo sa pagitan ni lolo at lola.
Cute :''>

"Kamusta Aeisha? You look great." sabay ngiti sa akin ni Daniel. Tsaka ko naman
narealize yung sinabi niya. 'You look great when you're smiling.' Ewan ko ba pero
napangiti nalang ako. Tapos nabaling yung atensyon ko sa huling taong pumasok ng
jeep-- kay Serene.

"What? Wag mo nga akong titigan! It gives me creeps! And! Uunahan na kita, hindi ko
'to ginagawa for you. I'm doing this for Ryde and Daniel!"

Napatulala ako sa kanya kahit sinabi niya pang wag ko daw siyang tignan. Gusto ko
sanang ngumiti kaso baka bugbugin niya na talaga ako ng tuluyan at matuloy bigla
ang naudlot naming World War III dati. Ewan ko ba pero feeling ko.. feeling ko lang
ha! Medyo bumait siya. Siguro mga 1%. Pero lalo lang gumulo yung utak ko. Ano na
naman bang ibig niyang sabihin? Bakit sila nandito? Anong meron? Ano ba kasing
nangyayari?!

Tatanungin ko na sana sila kaso bigla naman silang umiwas ng tingin sa akin sabay
gawa ng kung ano. Si Daniel, biglang nagig busy sa cellphone niya at type siya ng
type doon. Si Serene naman eh nilabas yung sewing kit niya at nagtahi ng kung ano.
Wala naman akong maasahan sa kapatid ko at isa pa, ang layo niya.

So ganun? Ayaw talaga nilang sabihin sa akin?! Mga walang hiya naman 'tong mga
taong 'to oh!
Hanggang sa bigla nalang may tumunod galing sa laptop ni Chris.

"Talaga? OMG! Kakilig naman! Sure! Game kami!"

"Grabe to the highest level! Shocks nainggit naman ako bigla!"

"Ang swerte naman ni Aeisha! Sana ako nalang!"

"Ang haba ng hair niya! Anong shampoo yan ha?! Takte kilig!"

"Makalaglag panty 'to ha! Sheeeet awesome! Sige game!"

"Leshe! Sweet nga pero nakakainggit! Sige i-push natin 'to!"

Nabosesan ko naman sila. Si Allyn, Agnes, Emcee, Kristine, Marie at Berry -- mga
classmates namin yun ah? Anong pinagsisigaw nila? Nasa school ba sila ngayon? So
may pasok talaga? Napatingin ako bigla sa mga sakay ng jeep na 'to at napansin kong
nakauniform silang apat.

"Waaah naka-uniform kayo! Teka kukunin ko uniform ko! May pasok pala talaga?!"
bababa na sana ako ng jeep kaso biglang pinaandar ni lolo! Muntik na akong
tumilansik palabas pero biglang tinaas ni Serene yung kanan niyang paa kaya
naharangan ako at tumilapon ako sa loob ng jeep.

"Pwede ba? Wag ka ngang magulo!" sabay irap niya sa akin. Aba naman! Tss. Pasalamat
siya at medyo niligtas niya ako mula sa pagtilapon ko sa labas kundi.. amp!
Tinulungan naman agad ako ni Daniel dahil sa pwesto niya ako tumalsik.

"Don't worry, hindi mo na kailangang mag-uniform." sabay kindat niya sa akin.

Okay. Alam kong in love ako kay Ryde pero shems lang talaga. Ang gwapo lang ni
Daniel! Plus yung pagkindat pa niya! Hindi ko talaga kung anong nangyari sa akin at
bigla nalang nawala yung pagkakacrush ko sa kanya eh. Ideal guy pa man din siya.
Kaya pag may babaeng nagkainteres sa kanya, dadaan muna sa akin! He's like an older
brother to me kaya responsibilidad kong kilatisin sila. Hmp.

"Hay naku Daniel. Kahit anong clue pa ang ibigay mo sa babaeng yan, di niya yan
magegets. Alam mo naman kung gaano yan ka-slow pagdating sa mga ganitong bagay."

Hindi ko talaga alam kung best friend ko ba talaga 'tong si Yem o sadyang trip niya
lang akong laitin eh. Eh di ako na ang slow! At anong clue ang pinagsasabi niya?!
Psh. Hindi ko talaga maintindihan ang mga matatalinong tao! Ang complicated nila
mag-isip! Hello? Ordinaryong estudyante lang po ako! Utang na loob naman!
"Pero Aeisha, alam mo, ang slow mo nga." biglang sabat naman ni Chris. Isa pa 'to
eh!

"I agree on that point. Plus, she's so clumsy.. and not pretty." napatingin naman
ako kay Serene at nakataas pa talaga ang right hand niya. Okay. Binabawi ko na ang
sinabi ko kanina na bumait siya ng 1%! Sumama siya! Naging mas masama siya ng 23.5%
Tss!

"But I think she's dependable and strong on her own ways." napangiti naman ako sa
sinabi ni Daniel. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin! Huhuhu! I so love
him!

Pero napataas naman ang kilay ko. Wow ha? Kung pag-usapan nila ako parang wala ako
sa harapan nila. Medyo masakit ha!

"Hoy! Ano bang problema niyo--"

"Okay guys! Malapit na tayo! Start na ang preparation! Go!"

Nagulat naman ako nung sumigaw si Yem tapos bigla siyang tumabi sa akin.
Magrereklamo pa sana ako sa pag-uusap nila sa akin kanina pero bigla nalang niyang
tinakpan yung mata ko. Tapos naramdaman kong may nakahawak sa dalawang kamay ko at
pinipigilan akong gumalaw. Okay, ano na naman bang pantitrip 'to?!

"H..hoy! Ano bang pinaggagawa niyo?! Hindi na to--hnjhgfjkhsdf!"

"Just shut up, you little bitch. Or else, I'll turn you into an ugly witch!" hindi
ako makapalag dahil may nakahawak na rin ngayon sa bibig ko. At sino pa ba ang
bruhildang magsasalita ng ganun sa akin?! Bwisit na Serene 'to!

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naramdaman kong may ginagawa sila sa
katawan ko. At nakikiliti na talaga ako! Hahaha! Pero shet na Serene 'to laging
pinipigilan yung pagtawa ko! Oras na makawala lang talaga ako sa kanilang apat,
uupakan ko sila isa-isa! Huhu ang hirap kayang magpigil ng tawa :'(

"There! Tapos na!"

"Psh. She's still ugly."

Bigla naman nilang binitawan lahat ng hawak nila sa katawan ko kaya nakahinga ako
ng maluwag. Pagdilat ko, ang lapit ng mukha nila sa akin at lahat sila ay naka-
grin.. well except for Serene, at parang may balak na masama.
"O..oy ano yang mga tingin na yan--"

"Labas na! Andito na tayo!" sabay tulak sa akin ni Yem. Tapos saka ko lang napansin
na nasa kanto na pala kami ng school.

"Te..teka! Anong pinaggagawa niyo sa akin? Anong nangyari?"

"Gaga, inayusan ka lang namin ng konti! Oh ayan oh." tapos inabutan ako ni Yem ng
salamin. Pagtingin ko, parang gusto kong masuka. Medyo curly yung hair ko sa dulo
tapos naka-lipstick ako. What the hell?

"Anong ginawa niyo sa mukha--"

"Tsk. Dami pang satsat. Pwede ba lumakad ka nalang?"

Konti nalang talaga at mababasag ko na 'tong salamin sa pagmumukha ng Serene na


'to. Bakit ba iritang-irita siya? Kairita ha -__-

Tss. Ano ba kasing meron? Hindi talaga ako mapakali. Takte.

Naglakad lang kami papuntang school. Pero wala pa kami dun eh nakakarinig na ako ng
ingay. Okay, seriously? Anong nangyayari sa loob ng school?

"Haaay. Ang swerte mo talaga Poleng. Haba ng hair mo. Dinaig mo si Rapunzel! Sana
kasing-sweet rin ni Ryde yung magiging boyfriend ko!" nakita ko naman si Chris na
kumunot yung noo. Pffft. Selos hahaha! Pero nabother ako sa sinabi ni Yem.

"H..ha? Si Ryde? Ano ba kasing meron, Yem? Please naman, sabihin mo na kasi sa
akin." halos paiyak na rin ako nun. Naffrustrate na talaga kasi ako. Alam niyo yung
feeling na yun? Yung wala kayong alam sa mga nangyayari pero sunod pa rin kayo sa
flow? Nakakagaga kaya.

"Hay. Okay fine. Tutal nandito na rin naman tayo."

Nakatingin lang ako sa kanya habang pa-suspense niya pang dinelay ang pagsasabi
niya sa akin.

"Hindi mo ba napansin?"

"Ang alin?"

"Sinundo ka ng lolo mo from that hill. Tapos hinatid ka niya dito kung nasaan si
Ryde."

Eh? Nandito sa Ryde sa school? F..for real?

"Then your closest friends are here beside you. At hinahatid ka rin papunta sa
kanya." napakunot nalang yung noo ko sa pinagsasabi ni Yem. Wala na talaga akong
naiintindihan.

"Psh. Slow slow mo talaga forever!" sabay pitik niya sa noo ko. Sorry naman! Hindi
ko talaga magets kung anong meron eh T_T

"It's like a wedding! Ano ka ba naman! And according to Ryde, this is a pre-
wedding, for ten years later. Ito ang way niya ng panliligaw at pagtatanong kung
pwede ka niyang maging girlfriend."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, natulala nalang ako. Tapos nakarinig ako ng ingay.
At nagulat ako nung lumabas yung mga classmates ko at kung anu-anong pinagsasabi sa
akin. Kesyo kinikilig daw sila, congrats daw, inggit daw sila, at hindi ko na
maintindihan pa yung iba.

Tapos ang alam ko nalang eh tinulak-tulak nila akong lahat papasok ng gate. At
pagkakita ko sa quadrangle, parang gusto ko nalang maiyak.

May red carpet papunta doon sa mini-stage. Tapos nasa gilid yung iba kong
classmates, badminton teammates ko, pati yung glee club. Tapos sa mga corridors,
halos lahat ng estudyante ay nakasilip sa kung anong nangyayari. Pati yung mga
teachers nandoon din.

And Ryde is there.


"I'll wait for you."

So ito ang ibig niyang sabihin? Na pumunta ako dito.. for this? :'(

Hindi ko alam kung paano magreact.. ang alam ko lang eh tumulo na yung mga luha ko
bago pa man may lumabas na words sa bibig ko.

I'm speechless.

"He really loves you. Siguro more than I do. At hindi ako magsisisi kung sa kanya
ka man mapunta." biglang bulong sa akin ni Daniel sa gilid.

"Tss. Oras na malaman kong sinaktan mo ulit siya, asahan mong kakalbuhin kita and
your life will be a total nightmare." dagdag ni Serene, sabay sandal niya sa may
gilid. Ewan ko pero I feel sorry for her.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Sana maging masaya ka kasama ng apo ko. Sana ganito rin ang maabutan ko makalipas
ang sampung taon." nagulat naman ako nung sumulpot si lola sa gilid ko. Then, she
kissed me on the cheeks.

"Hindi ba sabi mo apo, gusto mong maging masaya? Hindi ba eto na yun? Wag kang mag-
aalala. Gagawin ko ang lahat para ihatid ka sa kasayahang yun. Naudlot man ang
pinapangarap kong pag-ibig dati, alam kong matutuloy yun sa katauhan mo. Masaya
akong ikaw ang naging apo ko.. Pauline." tapos hinalikan rin ako ni lolo sa noo.

Halos wala na akong makita dahil sobrang luha na ang lumalabas sa mga mata ko. Mas
malala pa ata 'to kaysa sa pag-iyak ko dahil kay Ryde dati. Pero kahit na umiiyak
ako..

I felt happy.
I feel warm.

"Eto ate. Ginawa ko yan!" tapos inabot sa akin ni Aera yung isang buoquet ng
flowers na gawa sa papel. Tsaka siya ngumiti sa akin. Umupo naman ako kalevel niya
at hinalikan ko siya sa pisngi. She's so sweet. :'(

"Sige na apo, lumakad ka na at naghihintay na siya."

Nag-nod nalang ako kay lolo. At nagsimula akong maglakad. Unang hakbang ko palang,
naghiyawan na yung mga estudyante sa buong school. Tsaka ko napansin na may
nagproject doon sa likod ni Ryde. Pagtingin ko, parang music video at compilations
ng pictures ko.. at ni Ryde. Narinig ko rin na may tumugtog. Pagtingin ko, nandun
na si Yem sa tabi ng glee club at nagsimula siyang kumanta.

(A/N: check video sa right side. I-play niyo nalang habang nagbabasa. Hihihi)

"There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like i do

You have no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile

With just one glimpse of you"

Tapos nagulat ako nung may nagtaas ng banner sa may 3rd floor. Sa may tapat ng room
namin.

'I LOVE YOU DAW AEISHA! PINAPASABI NI RYDE!'

Yan yung nakasulat sa banner. And I felt stupid dahil natawa ako bigla habang
umiiyak ako. Mga walanghiyang classmates 'to. Kakontsaba pala silang lahat.

"You don't have to search no more


Cause i am someone who will love you for sure so.."

Tapos nakidagdag rin yug mga nakikiusyosong estudyante. Sinigaw rin nila yung
nakasulat sa banner. Ewan ko pero natawa nalang ako. Nagpatuloy lang ako sa
paglalakad.

"If we fall in love

Maybe we'll sing this song as one

If we fall in love

We can write a better song than this

If we fall in love

We will have this melody in our heads

If we fall in love

Anywhere with you would be a better place.."

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa kanya. Hanggang sa nasa
tabi ko na siya.

Sumalubong sa akin ang isang ngiti niya. Ewan ko ba pero it feels so different sa
mga ngiti niyang nakita ko na. He looks awesome. Para siyang batang nabigyan ng
laruan.

"You look beauiful."

"Kumulot lang yung buhok at nag-lipstick, beautiful agad?" sabi ko sa kanya habang
umiiyak pa rin. Nakakainis kasi siya eh. Kung anu-anong trip niya sa buhay.

"Haha. Yeah. Maganda ka kahit anong mangyari." tapos bigla niyang hinawakan yung
kamay ko.
Biglang tumahimik lahat. At tanging yung malakas na tibok lang ng puso ko ang
naririnig ko.

"Thank you.. dahil pumunta ka."

"The heck? *huk* a..akala ko.. aalis ka na naman kanina. A..akala ko mawawala ka na
naman. N..nakakainis ka talaga. *huk* A..ang hirap mong i..intindihin."

"Sorry. Gusto ko lang masurprise ka."

"Surprise.. to the point na *huk*.. b..buong school, kinontsaba mo?" tapos ngumiti
ulit siya sa akin.

"Pumayag naman sila eh. Besides, I really want to do this for you..."

"I love you."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, biglang tumugtog yung glee club at kumanta si Yem.
Pero hindi ko na naintindihan dahil nagsisigawan na rin yung mga estudyante.

"I love you so much."

Hindi na ako makapagsalita. Naiyak nalang ako. Ulit. Wala na talaga akong alam
gawin kundi umiyak. :'(

Nagulat naman ako nung lumuhod na naman siya sa harapan ko.

"I really want to be with you. I want you to be the woman I'll love until the end.
Pero alam kong marami pang mangyayari at hindi tayo sigurado sa mangyayari sa mga
susunod na araw..."
"...But I promise you.. gagawin ko ang lahat to keep you with me. Ikaw lang ang
nagparamdam sa akin ng ganito. Alam kong parang istorya ng grandparents natin ang
nangyayari sa atin. Pero hindi ko hahayaang maging ganun rin ang mangyari. We'll
continue what they didn't do..."

Hindi ko na talaga mapigilan yung luha ko. But I really feel happy right now. Para
akong nananaginip. This is too good to be true.

"...so please give me a chance to prove my feelings for you..."

Naging tahimik na naman ang paligid. Maging sila Yem ay huminto rin sa pagkanta.

"Pauline Aeisha Bernardino, will you be my--"

Hindi ko na siya pinatapos at napayakap nalang ako sa kanya, to the point na


natumba na siya dahil sa impact ng pagkakayakap ko.

"NAKAKAINIS KA TALAGA! BAKIT KA GANYAN.. LAGI MO NALANG AKONG PINAPAIYAK.. I REALLY


HATE THAT PART OF YOU.. "

"Pero.. kahit na ganun.. mahal pa rin kita."

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ko siya. Nakita kong gulat yung
expression ng mukha niya. Gusto ko sana siyang tawanan pero ayokong masira ang
moment na 'to.
Lumapit ako sa kanya.. 3 inches.. 2 inches.. 1 inch..

And I kissed him.

"Of course. Hindi ako magpapaka-Maria Clara at magpapakipot pa. Baka mawala ka na
naman sa akin.." tapos niyakap ko ulit siya.

"Ryde, I want you to be my boyfriend.. and of course.. siguro after ten years.."

"...my future husband."

After that confession, parang nagwala lahat ng tao. Puro ingay lang ang naririnig
ko. Tapos nagulat nalang ako nung napakarami ng tao sa paligid namin. Hindi ko na
rin maintindihan yung pinagsasabi nila. Wala akong maintindihan..

But I feel secure.. coz he's holding my hand. And that's enough for me.
He's right beside me.

He loves me.

I found this guy.

I found Rydell Jin Montalbo.

Mama, papa.. finally..

I found.. my own happiness.

**********************************

Epilogue will be posted tomorrow :)

*******************************************
[75] Epilogue
*******************************************
August 3 na daw eh. So here's the epilogue. Wala nang patumpik-tumpik pa. Mwahaha!

****
EPILOGUE

Life is like riding a jeepney.

Meron kang mga kasama sa loob.

May mga sasakay, pero meron ring aalis.

May bagong darating, pero merong kailangang magpaalam.

Hindi permanente ang mga tao sa buhay mo.

Love is like riding a jeepney.

Hindi mo alam kung kailan siya sumakay. Hindi mo rin alam kung kailan siya aalis.

May madadaanan kayong lubak na daan, maputik, at baku-bako. But after that, you'll
find a straight road ahead.

And then you'll realize, na ayaw mo nang matapos ang byaheng 'to.

Nakakatakot malaman na malapit na siyang bumaba. Nakakatakot malaman na may


hangganan ang byahe ninyo.

But that's love.

Everything has an ending.

Even roads, end.

And even life, ends.


There's no eternity. There's no forever.

Just reality.

That's why the words "enjoy" and "memories" exist.

Just enjoy the ride.

Marami kang makikilalang tao. Marami kang matututunan sa kanila.

Cherish those memories you've made with the people you love.

Kasi nga may katapusan ang lahat. But their memories, stay with you. Kahit mawala
sila, hinding-hindi mawawala ang pinagsamahan ninyo.

Pero, alam niyo, mas nakakatuwa, kung hanggang sa dulo ng byaheng ito, kasama mo pa
rin ang taong mahal mo.

Wala mang "forever", at least you're together until the end.

And you created your own "forever."

This ride to love is amazing.

I'm glad that my heart drove this jeepney.

Marami akong nakilala.


Natuto akong magmahal.

Naranasan kong masaktan.

At natuto akong magpahalaga.

At isa ka na doon.

Salamat sa pagsakay sa byahe ng buhay ko.

Hindi ko man kayo kilalang lahat, alam ko, at alam ng puso ko, na sinubaybayan niyo
ako, at sinuportahan sa lahat ng ginawa ko. Kakornihan, kadramahan, kabangagan at
sa kabaliwan ko.

This ride may be over for you, but it will continue for us.

Hangga't kasama ko si Ryde at ang mga taong mahal ko, aandar ang sasakyang ito.

Alam ko, na mararating namin ang dulo ng magkakasama.

Hanggang sa susunod nating pagkikita!

Sana, makasakay ka ulit sa buhay ko.

Hihintayin kita.
I'm Pauline Aeisha Bernardino, and this..

is my story.

****

I'll upload the clarifications and notes mamayang gabi :)

10 years later? Hmmm let's see :) But NO NO NO. Not a sequel. I don't do sequels,
alam niyo yan hahahaha XD Baka aftermath lang :)

*******************************************
[76] NOTE!
*******************************************
AUTHOR'S NOTE

Unang-una sa lahat, isang malaking THANK YOU para sa lahat ng sumubaybay,


naghintay, nagcomment, nagvote at naglagay sa libraries nila sa story na 'to. SUPER
THANK YOU.

Honestly, halos hindi ko na tapusin ang story na 'to dahil super busy talaga ako
last year at nakalimutan ko na rin ang mga nangyari sa last updates ko. Kaya nga
ilang beses naka-hiatus ang story na 'to. Pero I'm thankful dahil may mga gustong
malaman ang susunod na mangyayari kaya sabi ko sa sarili ko.. "Sige.. itutuloy ko
'to."

Alam kong nagsimula ito dahil sa kabangagan ko (halata naman sa 1st chapter
HAHAHA). Talagang inuupdate ko lang 'to dati kapag bangag ako o kaya nasa baliw
mode ako. Pero andami kong naisip for this. Maging yung nakakalokang twists.
Hahaha. Hindi ko talaga expected yun. Hindi ko alam kung kelan ko yun naisip pero
BAM. Ayun na eh.

Sorry din kung palpak sa comedy at drama ang story na 'to. Hahaha alam kong ang
corny corny ko pero hayaan na. Andyan na eh. Ang ka-OAhan ko sa pagpapatawa at
kakornihan sa pagpapaiyak hahahaha. Pero natutuwa talaga ako sa mga nagmemessage sa
akin sa fb, twitter, maging dito sa watty na gustung-gusto daw nila ang ARTL. Ewan
ko pero sobrang nakakatouch dahil hindi ko naman kasi talaga pinag-isipan 'to pero
nagustuhan nyo pa rin.

*iyak sa corner* *singa*

Kaya dahil dyan, I love you guys!

Lalo na yung mga uber sa pagcocomment. Kilala ko kayong lahat! Dinadalaw ko palagi
ang profiles niyo. Huhuhu. Salamat sa laging pagcocomment at pagpapasaya sa akin :)

Para sa mga tanong niyo. Eto ang mga sagot ko.

CLARIFICATIONS/QUESTIONS:

1. Bakit po hindi napansin ni Ryde si lola Roma eh nakapunta naman na siya sa bahay
nila Aeisha?

-- kung mapapansin niyo po, ilang beses nang nagkikita si Ryde kasama ang mga
kasama ni Aeisha sa bahay. Pero kapag nangyayari yun, either tulog si lola Roma o
kaya naman may binili o umalis. Tulad nalang nung nakatulog si Ryde sa kanila, di
ba tulog rin nun si lola sa kwarto at si Ryde naman ay nasa sala tapos maaga siyang
umalis? Tapos yung sa sementeryo, nakita ni Ryde yung puntod ng parents ni Aeisha
at nandun si Yem at si Aera pero wala doon si lola. Actually, si lola yung naglagay
ng flower sa grave ng mom ni Ryde. Hihi. Basta pag nagbackread kayo mapapansin niyo
yun :)

2. Pano po naging connected si lolo at lola kay Ryde at Aeisha?

-- kung mapapansin niyo rin, nagbigay ako ng hints sa mga unang chapter. Kung tama
ang pagkakaalala ko, may sinabi dati si manong na "nauulit na naman ang nakaraan."
Kasi napansin niyang nagkakainlove-an na rin si Ryde at Aeisha, nang dahil sa jeep
niya. Eh di ba ganun din ang nangyari sa kanila ni lola Roma? :)

3. May clues po ba kayong binigay na lolo ni Aeisha si manong?

-- Yep! Kung tama ulit ang pagkakaalala ko, nung birthday ni lola Roma, binaggit ni
manong yung pangalan ni Paula sa harap ni Aeisha. And that's their connection.
Connected sila thru Paula :)

4. Ano pong mangyayari kay Daniel?

-- sa akin na po siya >_< HAHAHA! De jk! Baka patayin ako nung ibang nagnanasa kay
Daniel :pp HAHAHAHA!
5. Ano pong nangyari sa pag-uusap ni lolo at lola Roma? Bakit hindi po nabanggit sa
story?

-- SInadya ko yun dahil magpopost ako ng bonus chapter. Siguro naman alam mo na
kung kaninong story iikot yun? :p

6. Sinu-sino po yung characters na ginamit niyo? Bakit po wala doon sa cast sa


gilid?

--eto na po oh.

Yui Aragaki as Pauline Aeisha Bernardino

Miura Haruma as Rydell Jin Montalbo

Sato Takeru as Daniel Agustin

Ai Takahashi as Alyssa Marie Alvarez

Tabe Mikako as Serene Endo

Nakamori Aoi as Chris Bellardo

Mana Ashida as Aera Patrice Bernardino

7. Ano po yung kinanta ni Yem nung after mag-"I love you" ni Ryde?

-- Hahaha actually, original song dapat yun. A Ride to Love ang title. Post ko ang
lyrics at song after this note XD

8. May soft copy po ba?

-- pinag-iisipan ko pa. Kasi busy ako ngayon. Graduating na ako. At tinatamad akong
mag-edit. Tsaka wala na akong time. Pero ang totoo niyan, tinatamad lang talaga
ako. HAHA

So ayun. Kapag may tanong pa kayo, feel free to comment. I'll answer it right away.

Again, thank you sa pagsubaybay sa A Ride to Love :)

-- purpleyhan (Ann)
*******************************************
[77] Bonus Chapter: Paulo and Romaria
*******************************************
As promised, eto na po ang bonus chapter para sa mga gustong malaman ang nangyari
kay lolo Paulo at lola Roma sa story :)

Dahil medyo matagal na, backread po kayo sa chapter LXX (chapter 70)/ external
link. Andyan po yung parang intro sa story na 'to. Thank you :)

PS. Medyo ang hirap gawan ng POV ng matanda XD

************

Romaria's POV

"Kamusta ka na?"

Hindi ko alam kung bakit pero bumigat ang pakiramdam ko noong nakita ko siya. At
ito ako ngayon, kaharap ang lalaking sobra kong minahal dati, at tinatanong ako
kung kamusta na ba ako.

"Ayos naman ako, Paulo. Ikaw?"

"Ayos lang rin naman."

Ito ba yung sinasabi sa akin ni Pauline lagi? Yung.. ano nga iyon? Ahh.. awkward
ata. Yun nga. Bakit nga ba kasi ako pumunta rito?

***

Nandito kasi kami ngayon sa sementeryo. Dinalaw namin ng apo kong si Ryde si Dessa,
yung mommy niya. Pero hindi ko naman akalain na makikita rin namin dito si
Pauline.. at si Paulo. Nung makarating nga kami sa puntod ni Dessa ay napaluhod
nalang ako bigla.

"Lola, ayos ka lang?" nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ng apo ko.

"Oo, Ryde. Ayos lang naman. Ikaw ba? Hindi mo ba pupuntahan si Pauline?" naikwento
niya na rin kasi sa akin lahat. Noong una nga ay nanibago talaga ako sa apo ko.
Bigla nalang siyang naging parang bato. Ang lamig niya sa mga tao. Pero
naintindihan ko naman yun. Kasalanan ko 'to. Kung hindi dahil sa akin, hindi naman
siya magiging ganyan. Kaya gagawin ko ang lahat, maibalik lang siya sa dati.

"Mamaya na lang po." tapos ay umupo siya sa tabi ko. "Kayo ba? Hindi niyo po ba
pupuntahan si manong?"

"Manong? Sinong manong, apo?"

"Ahh. Yung nakasalubong po natin kanina. Lagi ko kasing nasasakyan yung jeep niya
kaya pamilyar na sa akin yung mukha niya."

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Iyon ba yung jeep na lagi ring ikinukuwento sa
akin ni Pauline? Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

"Paulo ang pangalan niya, apo. Siya yung kinukwento ko sa'yo dati. Naaalala mo pa
ba? Bago pa man dumating ang lolo mo sa buhay ko, may isang lalaki akong minahal ng
husto ng unang beses. At siya yun." pagkasabi ko noon ay tumango si Ryde. Mukhang
may naaalala naman siya kahit papaano.

"Pero bakit kasama niya si Pauline?"

"Hindi ko rin alam, apo." nagulat lang rin ako kanina nung makita ko silang
magkasama. Hindi ko nga siya namukhaan kanina, pero noong tinawag niya yung
pangalan ko, naramdaman ko kaagad.. na siya iyon.

"Pwede po bang malaman ko ulit yung nangyari sa inyo nun? Hindi ko na matandaan
yung sinabi niyo dati." sabay pagpag niya pa sa pantalon niya. Ngumiti nalang ako
sa apo ko. Malamang sa malamang nga ay hindi na niya maaalala iyon. Sampung taon pa
lamang ata siya noong ikinuwento ko sa kanya iyon.

"O sige, apo. Tutal mukhang halos pareho tayo ng kapalaran." naalala ko kasi yung
mga ikinuwento sa akin ni Pauline tungkol sa apo kong si Ryde. Kapag naaalala ko
iyon, hindi ko mapigilang kiligin kahit matanda na ako. Diyos ko po,
naimpluwensyahan na talaga ako ni Yem apo.

"Po?"

"Wala apo. O sige, sisimulan ko na ang pagkukwento. Noong high school pa lamang
ako, may lagi rin akong nakakasabay sa jeep. Hindi ko siya kilala, pero natatandaan
ko yung mukha niya dahil nga lagi ko siyang nakakasabay. Tapos nagulat na lamang
ako noong bigla siyang pumasok sa silid namin noong walang titser. Tapos
nagpakilala siya sa akin. Ganun rin naman ang ginawa ko. Hindi nga matanggal sa
labi ko ang ngiti ko noon eh. Hanggang sa dumating kami sa puntong nililigawan niya
na ako. Lagi niya akong hinahatid at sinusundo, lagi niya akong sinasamahan, masaya
ako kapag kasama siya, mga ganun. Oh di ba apo, ang ganda ng lola mo." nakita ko
naman siya na tumawa. Namiss ko ang ngiti at pagtawa niyang iyon.

"At hindi nagtagal, sinagot ko na rin siya. Syempre, naging maayos naman ang
relasyon namin. Mahal niya ako at mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko akalain na
sa isang iglap, maglalaho ang lahat." hindi ko alam pero naaalala ko na naman yung
panahon na yun. Kung hindi sana ako sumama, sana..

"Nadiskubre naming may tumor na pala sa utak ang tatay ko, kaya agad-agad kaming
sumugod sa mga ospital. Pero wala raw pasilidad dito sa Pilipinas ang kayang
gumamot sa sakit na iyon. Kaya si mama, hindi nag-atubiling lumuwas ng bansa para
mapagamot si papa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Ayokong iwan dito
si Paulo, pero gusto ko rin namang sumama kay mama dahil gusto kong suportahan si
papa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero nagulat nalang ako noong
kinabukasan, ay mayroon na kaming passport. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng
maayos kay Paulo. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya yung dahilan ko. Nawala
nalang ako bigla. Iniwan ko nalang siya bigla." hanggang sa naramdaman kong umiiyak
na rin pala ako. Kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasan ang hindi magsisi.

"Sampung taon. Sampung taon ang inabot bago tuluyang makapagpagaling si papa at
makapagtayo kami ng negosyo sa ibang bansa. Pero wala akong pakialam doon. Pinilit
kong magkaroon ng pera para makauwi sa Pilipinas. Kaya makalipas ang sampung taon
kong paghihintay, umuwi ako agad-agad. Namimiss ko na kasi siya. Sa loob ng sampung
taon, siya lagi ang iniisip ko. Siya yung dahilan kung bakit nagpursigi akong
bumalik sa Pilipinas.--"

"Lola." napatingin naman ako sa apo ko na pinigilan ako sa pagkukwento. "I think
dapat sa kanya mo yan sinasabi. Mas maganda na rin siguro na makapag-usap kayo. And
I think.." tapos ay bigla na lamang siyang tumayo.

"... I think I need to kidnap her. Sige po, una na muna ako. Sasabihin ko na rin
kay manong na pupunta ka dun." saka siya ngumiti sa akin. Tapos ay iniwan niya na
ako doon. Siguro nga, tama ang apo ko.

***

At heto ako ngayon, kaharap siya, at "awkward" nga raw kuno, ayon sa mga kabataan
ngayon.

Umupo ako sa tabi niya.

"Patawarin mo sana ako, Paulo." yan na lamang ang nasabi ko noong pagkaupo ko.
Marami akong gustong sabihin, pero hindi ko alam kung saan sisimulan. Hindi naman
siya umiimik, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para magsalita.

"Naalala mo pa ba nung tayo pa? Hindi ba ang saya-saya pa natin noon? Pero sino ba
namang mag-aakala, na hindi pala lahat ng kasiyahan, ay walang hanggan. Iniwan
kita. Ni hindi man lang ako nakapagsabi. Ni hindi man lamang ako nakapagpaalam ng
maayos." heto na naman ako. Mukhang nahahawa na ako sa kadramahan ng mga kabataan
ngayon. Naiiyak na naman ako.

"Pasensya ka na kung bigla nalang kitang iniwan. Hindi ko naman kasi akalain na..
na luluwas kami ng bansa para lang ipagamot ang tatay ko. Pero alam mo, kahit na
magkalayo tayo, ikaw pa rin ang iniisip ko palagi noon. Ikaw pa rin yung mahal ko.
Kaya kahit gaano kahirap kumita ng pera sa ibang bansa, ginawa ko. Para lang
makauwi dito. Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama." bumibigat na ang
pakiramdam ko. Bakit ba ganito?

"Pagkauwing-pagkauwi ko, dumaan agad ako sa bahay ninyo, pero hindi ka na raw doon
nakatira. Hinanap kita sa mga kaibigan mo. Sa mga alam kong lugar kung saan ka
pwedeng makita. Pero wala. Hindi kita nakita. Hanggang sa nakita ko yung jeep na
lagi nating nasasakyan dati. Agad-agad akong sumakay noon. Itatanong ko sana sa
drayber kung nakikita ka pa ba niya, pero laking gulat ko.. nung nakita kita na
ikaw ang nagmamaneho. Tatawagin na sana kita mula sa kinauupuan ko, pero nakita ko
yung babae sa unahan. Nagtatawanan kayo at mukhang masaya kayong magkasama. Hindi
ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Pero ang alam ko, sobra akong nasaktan.
Pero ano nga namang magagawa ko, hindi ba? Ako ang nang-iwan. Ako ang nawala. Anong
karapatan ko para masaktan?" halos manghina ako sa mga binitawan kong salita. Pero
laking gulat ko nalang nung inabutan niya ako ng panyo. Pagkatingin ko sa kanya,
umiiyak rin siya at nakatingala lang siya sa langit.

"Bakit hindi mo ako nilapitan nung mga panahong yun? Halos sampung taon rin kitang
hinintay, Romaria. Yung babaeng nakita mo noon, magkaibigan pa lang kami noon. Ikaw
pa rin kasi ang mahal ko. Hinintay kita. Hinihintay kita araw-araw. Walang araw na
hindi ako umasang makikita ulit kita. Bakit? Bakit hindi ka nagpakita noon?"

Hindi ko rin alam ang sagot. Siguro dala na rin ng naramdaman kong sakit. Naunahan
ako ng takot sa paglapit sa kanya. Baka makagulo lang ulit ako sa buhay niya. At
hindi ko rin naman akalain na hinintay niya rin ako.

"Pero siguro ito na rin ang ibinigay na sagot sa atin ng tadhana. Hindi nga siguro
tayo para sa isa't isa." sabi niya. Iyon rin ang nasa isipan ko. Siguro nga,
sadyang pinaglayo kami ng tadhana para mahanap ang taong talagang nakatadhana para
sa amin.

At doon ko nakilala ang asawa ko. Siya ang tumulong sa akin para makalimutan si
Paulo. Lagi siyang nasa tabi ko. Kahit na hindi ko naman siya minahal talaga.
Pinilit ko, pero.. hindi ko talaga kaya.

"Pero alam mo Romaria, masaya ako na nagkita ulit tayo ngayon. Masaya akong malaman
na hindi mo ako iniwan dahil hindi mo na ako mahal." saka siya ngumiti sa akin.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Ikaw ang una kong minahal. Pero wala na tayong
magagawa. Nangyari na ang mga dapat mangyari. May sari-sarili na tayong pamilya."
nasabi ko nalang sa kanya.

"May maganda rin palang naidulot ang hindi natin pagkikita, ano? Kita mo ngayon,
nagkaroon ako ng magagandang apo." teka.. hindi kaya..
"Apo mo ba si Pauline?"

"Ah oo. Naikwento ka rin niya sa akin. Nakituloy ka pala sa kanila. Pumunta ako
dati doon noong kaarawan mo. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi kaya ngayon tayo
pinagtatagpo ng tadhana?" natawa naman ako sa kanya.

"Siguro nga. Siguro para iayos ang tama. Siguro para tulungan ang mga apo natin."

"Apo? Apo mo ba yung lalaking kasama mo kanina? Si Ryde?" hindi niya pala alam?

"Oo. Siya ang apo ko."

"Kita mo nga naman ang tadhana. Sadyang mapaglaro. Napagtripan naman ang mga apo
natin. Ayokong matulad sila sa nangyari sa atin. Gusto kong sumaya ang apo ko.
Ayokong danasin niya ang masaktan nang dahil sa pag-ibig na yan." napakabait niya
pa rin hanggang ngayon. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Ito na rin siguro ang dapat nating gawin. Ang tulungan sila. Naudlot man ang
kwento natin, alam kong maitutuloy iyon sa pamamagitan nila. Nauulit nga ang mga
nangyari noon, pero hindi ko hahayaang maulit rin ang sakit na dinanas natin."

Nagkangitian nalang kami. Alam ko, nagkakaintindihan kami. At natutuwa ako, dahil
malinaw na ang lahat. Nahuli man ng ilang dekada ang paghingi ko ng tawad sa kanya,
alam kong napatawad niya na rin ako. Siya kasi yung tipo ng tao na hindi nag-iiwan
ng sama ng loob. At sa wakas ay gumaan na rin ang kalooban ko.

"Salamat ulit, Paulo. Salamat sa pakikinig sa akin. Salamat sa pagtanggap ng


patawad ko. Salamat sa--"

"Hindi ka naman kailangang humingi ng tawad eh. Kahit kailan, hindi ako nagtampo o
nagalit sa'yo."

"Pero--"

"Tara na. Ayos na ang istorya natin. Kaya ayusin naman natin ang sa mga apo natin.
Tara?" saka niya inilahad yung kamay niya sa harap ko. Ngumiti nalang ako sa kanya
at saka ko inabot ang kamay niya para makatayo. Noong nakatayo na ako, hindi niya
binitawan ang kamay ko.

Parang dati lang.

Na lagi niyang hawak yung kamay ko.

Na hindi niya ako binibitawan.

Na hindi niya ako iiwanan.


"Tumatanda ka na ata talaga Romaria, ang bagal mo na maglakad." sabay tingin niya
sa akin at ngumiti habang hatak-hatak niya ako.

"Ang kapal pa rin talaga ng mukha mo, Paulo. Hindi tumatanda ang mga tunay na
magaganda!" saka ko siya hinampas-hampas hanggang sa makarating kami sa jeep niya.

Oo. Sa jeep kung saan nagsimula ang lahat sa amin. At kung saan rin nagsimula ang
sa mga apo namin.

Siguro ito ang kupido ng mga buhay namin.

Ang dahilan ng pagkakakilala, pag-iibigan at paghihiwalay ng mga tao.

Pero masaya ako, na ngayong sasakay ulit ako sa jeep na 'to, ay puro kasiyahan ang
laman ng puso ko.

Hindi man si Paulo ang nakatuluyan ko, masaya ako sa muli naming pagkikita.

Salamat Paulo.

Hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga.

Mahal pa rin kita.

***

*******************************************
[78] A Ride to Love (lyrics)
*******************************************

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like