Cough Etiquette + Hand Washing

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Cough Etiquette Bakit Kailangan ang Cough Etiquette?

May mga sakit na nakakahawa sa papamagitan ng maliliit na patak mula sa taong may sakit. o TB, pertussis, trangkaso, SARS atbp Ang mga patak na ito ay naglalaman ng mikrobyo na maaaring maipasa sa pamamagitan ng pagbahing, pag-ubo, o paghawak sa mga bagay na mayroon na nito.

Paano ang tamang Cough Etiquette? Magtakip ng ilong kung uubo o babahing. Ugaliing itapon ang ginamit ng tisyu sa basurahan. Kung walang tisyu o panyo, maaring bumahing o umubo sa inyong kwelyo o sa manggas ng inyong braso. Huwag babahing o uubo sa inyong kamay kung walang tisyu o panyo. Kung mayroon sakit, makabubuti na magsuot ng face mask upang hindi makahawa sa iba. Maghugas ng kamay pagkatapos umubo o bumahing. o Mas mabuti ng gagamit ng tubig at sabon sa paghuhugas ng kamay. Kung wala nito ay maari alcohol-based hand rub.

Hand Washing Ang paghuhugas ng kamay ay isa sa mga pinakamahalagang paraan upang makaiwas sa sakit. Kabilang sa mga sakit na naiiwasan sa paghuhugas ng kamay ay: Ubo Sipon TB SARS Sakit sa balat Pagtatae mula sa mikrobyo Etc etc

// Ang mga kamay ay nagdadala at nagkakalat ng mikrobyo. Kapag hinahawakan ninyo ang inyong mga mata, ilong o bibig nang hindi naghuhugas ng kamay, maaaring pumasok ang mga mikrobyo sa inyong katawan. Maaari ring kumalat ang mga mikrobyo kapag ang isang tao ay umubo o bumahing sa kanilang mga kamay at pagkatapos ay humawak sa ibang tao o gamit tulad ng hawakan ng pinto, poste sa subway o telepono. Ang sinumang makakakuha ng mga mikrobyong ito sa kanilang mga kamay ay maaaring magkasakit kung sila ay hindi maglilinis ng kamay bago humawak sa kanilang mga mata, ilong o bibig.//

Bago maghugas ng mga kamay Pinutulan ba ng maikli ang mga kuko? Hinubad baang singsing at relos?

Bigyang pansin ang mga parte na madalas marumihan: Mga daliri Pagitan ng mga daliri Paligid ng hinlalaki Pulso Mga guhit ng palad

Mga hakbang sa paghuhugas ng kamay: 1. Basain ang mga kamay ng maligamgam na tubig. 2. Sabunin nang husto at nang mabuti ang mga kamay. 3. Kuskusin ang mga kamay nang 20 segundo lalo na ang mga pagitan ng mga daliri at sa ilalim ng mga kuko. 4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa maligamgam na tubig. 5. Punasan ang mga kamay ng tuwalyang papel. 6. Gamitin ang tuwalyang papel sa pagsasara ng gripo at sa pagbubukas ng pinto.

Upang mas madetalye, narito ang paglalarawan ng mga hakbang sa paghuhugas ng kamay. Hindi kailangan sunod-sunod, ngunit ang mahalaga ay madaan ang lahat ng hakbang upang masigurado na walang bahagi ng kamay ang hindi malinis. <insert 6 steps of handwashing> Hugasan ang mga kamay sabunin ng sabon at kuskusin ng mabuti. Ibuka ang mga daliri at kuskusin ang likod ng kamay. Maingat na kuskusin ang pagitan ng mga kuko at daliri. Hugasan ang pagitan ng mga daliri Banlawan ang kamay at hugasan ng isa isa ang mga daliri. Huwag kalimutang hugasan ang bahagi ng pulso.

Kailan dapat maghugas ng kamay? Bago kumain ng umagahan, tanghalian, hapunan, o merienda Bago magsipilyo Pagkatapos gamitin ang kasilyas o comfort room Pagkatapos umubo sa kamay Pagkatapos manggaling sa isang sitwasyon o lugar na maraming tao gaya ng pagsakay sa MRT, LRT o pagpunta sa mga shopping mall o ospital. Kung ikaw ay nagtatrabaho as ospital, pagkatapos ng bawat engkwentro sa pasyente Kung ikaw ay nagtatrahabo sa kainan o humahawak ka ng pagkain, siguraduhing maghuhas rin ng kamay bago humawak ng pagkain. Humawak sa galos o bukas na sugat

Humawak sa mga mata, ilong o bibig Laging hugasan ang inyong mga kamay kung nakikita ninyo ang dumi sa mga ito.

Kailan ako maaaring gumamit ng hand sanitizer sa halip ng sabon at tubig? Kung hindi nakikita ang dumi sa nyong mga kamay, ang mga hand sanitizer, gel o pambanlaw na may lamang alkohol (60%) Kung nakikita ang dumi sa inyong mga kamay, hugasan ang mga ito ng sabon at tubig.

Paano gamitin ang hand sanitizer? Pumili ng sanitizer na may minimum na lamang 60% alcohol. Maglagay ng kaunti sa kamay at kuskusin ang mga ito, at ikalat ang sanitizer upang malagyan ang mga dulo ng daliri at ilalim ng mga kuko. Kuskusin ang mga kamay hanggang matuyo ang mga ito.

You might also like