MTB Kwarter2 Modyul 10,11,12 &13

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 317

Kuwarter 2

Ako at ang
aking Pamilya
Modyul 10
Gawain ng Pamilya
UNANG ARAW
Layunin: Nakikilala at nagagamit
ang pandiwang nagsasaad ng
kilos o galaw na natapos na sa
pangungusap at talata
Nakabubuo ng kuwento,
patalastas, at iba pa gamit ang
tamang salita at teksto
Ipaawit ang “Paggising sa
Umaga”
Paggising sa umaga
Ako’y nagsisispilyo
Tingnan ninyo kung
paano
Isa, dalawa, tatlo (2x)
Ako’y nagsisipilyo.
Ano-ano ang ginawa
ninyong
paghahanda bago
pumasok sa
paaralan kaninang
umaga?
Basahin ang mga
pangungusap.

1. Dumalaw ako sa
aking lolo at lola
noong
nakaraang bakasyon.
2. Nagdilig si
kuya ng mga
halaman
kaninang
umaga.
3. Ang mga
guro ay
nagtanim ng
mga puno
kahapon.
Ano-anong salitang kilos
ang ginamit sa mga
pangungusap?

Kailan nangyari ang


mga salitang kilos?
Ano ang
ipinahihiwatig ng
mga salitang
sumasagot kung
kailan nangyari ang
salitang kilos?
Ano ang tawag sa mga
salitang nagsasaad ng kilos o
galaw?
Kailan naganap ang mga
pandiwa o salitang kilos?

Pandiwa ang tawag sa


mga salitang
nagpapakita ng kilos o
galaw.
May mga pandiwang
nagsasaad ng kilos o galaw
na ginawa na. May mga
salitang nagpapahiwatig
kung ang pandiwa ay
ginawa na katulad ng:
kahapon kagabi
kanina noong nakaraan
“Pair-Share”
Humanap ng kapareha.Ibahagi ng
unang bata ang kaniyang karanasan
noong nakaraang bakasyon habang
nakikinig naman ang ikalawang bata.
Ang unang bata naman ang makikinig
at magbabahagi naman ang
ikalawang bata.
Pagkatapos ng 5 minuto, hikayatin ang
ilang bata na ibahagi sa harap ng klase
ang karanasang ibinahagi ng kaniyang
partner.
Salungguhitan ang
pandiwang ginamit sa
pangungusap. Iguhit ang
masayang mukha
kung ginawa na at
malungkot na mukha
kung hindi. Gawin ito sa
iyong notbuk.
1. Naghugas ako ng mga
pinggan
kagabi.
2. Namamalengke si
nanay araw-araw.
3. Bukas ay
mamamasyal kami sa
parke.
4. Inayos ni Daren
ang nasirang
bakod
kaninang umaga.
5. Sasamahan ko
mamaya si ate sa
kaniyang silid.
Sumulat ng isang talata tungkol sa
ginawa mo noong nakaraang
bakasyon gamit ang mga
pandiwang nagsasaad ng kilos na
ginawa na.
Pansinin ang tamang gamit ng
malaking letra, espasyo ng mga
salita, wastong bantas, tamang
pasok ng unang pangungusap, at
anyo ng iyong talata.
Noong Nakaraang Bakasyon

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
__________________
Bilugan ang pandiwang ginamit sa
pangungusap. Lagyan ng / ang
patlang kung ito ay ginawa na at X
kung hindi . Gawin ito sa sagutang
papel.
_____ 1.Namitas ako ng
mangga kahapon.
_____ 2. Nagdidilig ng
halaman si Ben araw-
araw.
_____ 3. Sa susunod na araw
ay dadalaw kami kina lolo
at lola.
_____ 4.Namalengke si
nanay kaninang umaga.
_____ 5.Mamayang hapon
pa matatapos ang aking
project.
Ikalawa at Ikatlong Araw
Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa
talakayan ng grupo o klase hinggil sa
napakinggan at binasang teksto
Naipapahayag nang pasalita ang mga
pangunahing pangangailangan
Nagagamit ang mga ekspresyong angkop
sa kanilang baitang sa pagbibigay ng
mahahalagang detalye ng kuwento.
Nababasa ang kuwento, alamat, balita, at
iba pa nang may kasanayan at kahusayan
Nababasa at natutukoy ang elemento ng
kuwento- tauhan, tagpuan, at pangyayari
hitik na hitik
Hitik na hitik
sa bunga
ang puno ng
niyog.
nakapaskil
Ang bulaklak
na yari sa
tangkay ng
niyog
ay nakapaskil
sa dingding ng
bahay.
hapag kainan
May mga pagkain sa hapag
kainan. Dito kumakain nang
sabay-sabay ang
mag-anak.
sinukmani
Nagluto si lola ng malagkit
na bigas na may gata at
asukal. Binudburan niya sa
ibabaw nito ng latik ng
niyog. Masarap
siyang magluto ng
sinukmani.
niyugan
Ipinasyal ni lolo si
Carlo sa niyugan.
Maraming puno
ang niyugang
kaniyang nakita.
Bakit tinawag
na puno ng
buhay ang
puno ng
niyog?
Puno ng Buhay
Akda ni Grace Urbien-
Salvatus
Isang bakasyon,
umuwi sa Quezon
ang pamilya
Reyes.Nakita nila ang
maraming tanim na
niyog sa daan.
Hitik na hitik sa bunga
ang mga ito. “Ang mga
iyan ay tinatawag na
puno ng buhay,” sabi ni
Mang Herman kay Carlos
habang itinuturo ang
mga puno ng niyog.
“Bakit po tinawag na puno ng
buhay ang niyog, tatay?”
tanong ni Carlos sa kaniyang
tatay.“Mamaya mo na sagutin
iyan at bababa
na tayo,” sabi naman ni Aling
Marina. “Matutuwa ang iyong
Lolo Mario at Lola Anselma sa
ating pagdating,” dagdag pa
nito.
Pagpasok pa lamang nila
sa bakuran ay napansin
na ni Carlos ang bakod na
yari sa kahoy
ng niyog.
Napansin din niya na ang
bahay pala ay yari
din sa niyog.
Ang hagdan, sahig, dingding,
poste, at maging ang mesa at
mga upuan ay yari sa kahoy
ng niyog.
Ang bintana at bubong
naman ay yari sa dahon ng
niyog. Nakita din niya ang
nakapaskil
na bulaklak na yari sa tangkay
ng niyog at ang dahon naman
ay yari sa palapa nito. “Kumain
muna kayo at magpahinga
sandali,” sabi ni Lola Anselma
habang nagmamano ang mga
bagong dating. Sa hapag
kainan ay may nakahandang
buko juice, buko salad at
sinukmani.
“Ipapasyal ko ang aking
apo mamaya sa niyugan,”
masayang sabi naman ni
Lolo Mario. Napangiti si
Carlos. Ngayon ay alam na
niya kung bakit tinawag na
puno ng buhay ang niyog.
Pangkat 1: Mapa ng Kuwento!
Itala ang tagpuan, tauhan, at pangyayari sa kuwento gamit ang
Story Map Chart. Gawin ito sa kartolina.

Tagpuan _________

_________
_________
Kwento Tauhan
_________
_________

_________
Pangyayari _________
b. Pangkat 2 :Puno ng
Buhay!
Sa isang bondpaper,
iguhit ang puno ng niyog
sa gitnang kahon. Sa
palibot nito ay iguhitang
mga nakukuha at
nagagawa mula rito.
Pangkat 3: Puno, Mahalin Mo!
Magkaroon ng talakayan sa inyong
pangkat kung paano pangangalagaan
ang mga puno. Isulat ito sa manila
paper.
Pangangalaga sa mga Puno
_______________________
_______________________
_______________________
Ano ang pamagat ng
kuwento?
Saan ito naganap?

Sino-sino ang tauhan


sa kuwento?
Ano-ano ang nangyari sa
kuwento?
Bakit tinawag na puno ng
buhay ang puno ng niyog?
Ano-ano ang naitutulong
ng niyog sa buhay ng
tao?
Ano-anong
pangangailangan ang
nakukuha mula rito?
Bakit kaya hindi nauubos
ang mga tanim na puno ng
niyog ni Lolo Mario?
Bakit kaya
pinangangalagaan ni Lolo
Mario ang puno ng niyog?
Paano kaya niya
inaalagaan ang kaniyang
mga pananim?
Ano ang ipinakitang
gawain ng pamilya sa
kuwento?
Bilang mag-aaral, paano
kayo makatutulong sa
pangangalaga sa ating
mga puno?
Bakit mahalagang
pangalagaan ang ating mga
puno?
Pamagat:
Puno ng Buhay
Tauhan:
Carlos,
Mang Herman,
Aling Marina, Lolo
Mario, Lola Anselma
Tagpuan :
Quezon
Pangyayari:
Isang bakasyon,
umuwi ang pamilya
Reyes sa Quezon.
Maraming puno ng
niyog sa daan.

Sinabi ni Mang
Herman kay Carlos na
ang niyog ay puno ng
buhay.
Naghanda si Lola
Anselma ng pagkaing
mula sa produkto ng
niyog.
Ang bahay at mga
gamit nina Lolo Mario
at Lola Anselma ay
gawa rin sa niyog.
Ipinasyal ni Lolo
Mario si Carlos sa
kaniyang niyugan.
Paano ninyo naunawaan
ang kuwento?
Mauunawaan ang kuwento
sa pamamagitan ng
pagtukoy sa tauhan,
tagpuan, mga pangyayari
nito, at sa pagsagot sa mga
tanong.
Ikatlong Araw
A. Balik-aral at Paglalahad

Balikan ang detalye ng


kuwentong “Puno ng
Buhay” gamit ang Story
Map Chart. Ipabasa ito sa
LM, pahina 74- 75.
Ano ang tawag sa
gumaganap sa kwento?
Ano ang tawag kung saan
ito naganap?

Ano ang tawag kung ano-


ano ang nagyari?
Ang Tauhan ay ang
gumaganap sa
kuwento.
Ang tagpuan ay ang
lugar kung saan
naganap ang kuwento.
Ang mga pangyayari ay
ang mga
naganap sa kuwento.
Ipangkat ang mga
bata sa apat. Magpakuha
ng ibang aklat at
humanap ng isang
maikling kuwento. Itala
ang pamagat, tauhan,
tagpuan, at pangyayari
ng kuwento.
Basahin ang maikling kuwento.
Isulat sa sagutang papel ang
tauhan, tagpuan, at mga
pangyayari nito.
Araw ng Pamilya
Akda ni Virginia C. Lizano
Tuwang –tuwang
pinanonood nina Tatay
Julios at Nanay Malyn sina
Luisa at Jeus na
Naglalaro sa parke.
Naghabulanang magkapatid.
Nagpadausdos sila sa slide.
Sumakay din sila sa duyan at
seesaw. Walang pasok kaya
nagkaroon sila ng mahabang
oras para ipasyal ang mga
bata. Nang mapagod ay
masayang nagsalo salo ang
pamilya Villenes sa pagkaing
inihanda ni Nanay Malyn.
Tauhan:
_______________________
Tagpuan:
_______________________
Mga Pangyayari:
____________________
Pumili ng isang
kuwento mula sa ibang
aklat. Ipatala sa mga
bata ang pamagat,
tauhan, tagpuan, at
pangyayari ng
kuwento.
IKA-APAT NA ARAW
Nakikilala ang ugnayan ng tunog at simbulo nito
sa pagsulat.
Nababasa nang wasto ang mga salitang
binubuo ng maraming pantig.
Nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa
pagbaybay ng mga salita sa unang kita na
angkop sa ikalawang baitang
Nasusunod ang pamantayan sa pagsipi o
pagsulat ng mga pangungusap, talata o
kuwento na may tamang gamit ng malaking
letra, espasyo ng mga salita, wastong bantas,
tamang pasok ng unang pangungusap sa
talata, at anyo
Ano ang tamang baybay ng
mga salita?

kasangkapan

kalansingan

okasyon
Ipaawit ang NIYOG sa
tono ng B-I-N-G-O

N-I-Y-O-G (3x)
Baybay ng salitang
niyog!
umuwi bakasyon

nakita bakuran

pagdating kahoy

napansin niyog
nakapaskil hagdan
magpahinga bubong

ipapasyal bulaklak
napangiti tangkay
upuan nakahanda

tinawag niyugan
Paano ninyo binasa ang mga unang
kitang salita?
Ano ang dapat isaisip sa
pagbaybay ng mga salita?
Paano naman ang dapat tandaan sa
pagsulat ng mga pangungusap?
Ano-ano ang dapat
tandaan sa
pagbaybay at
pagsulat ng mga
salita at
pangungusap?
Ipabaybay sa mga bata ang
sumusunod na salita.
a. napansin
b. bakuran
c. ipapasyal
d. kahoy
e. nakahanda Ipagamit ang mga
salitang binaybay sa pangungusap
gamit ang show-me-board. Pansinin
ang wastong gamit ng pamantayan sa
Tingnan ang bawat larawan.
Bigkasin ang ngalan nito nang
papantig na baybay. Isulat ang
tamang baybay nito sa sagutang
papel.

1. ______ 2. ______
3. _____ 4. _____
Gamitin sa pangungusap
ang mga salita.

a. pagdating
b. nakapaskil
c. magpahinga
d. napangiti
e. tinawag
Ikalimang Araw
A. Pagtataya: Basahin
nang mabuti ang
maikling kuwento.
Isulat ang letra ng
wastong sagot sa
sagutang papel.
Isang Aral
Ma. Lyn Igliane- Villenes
“Berto, pagkatapos ng
iyong gawain ay iligpit mo
ang iyong mga kalat.
Pakitapon na rin ang ating
basura sa may tapunan sa
labas,” bilin ni Nanay Imay
kay Berto.
Isang hapon, nagulat si Berto
nang mapansin niyang puro
basura ang paligid ng kanilang
bahay. Nangangamoy na rin ang
mga ito. Maya-maya pa ay
biglang bumuhos ang ulan. Hindi
naman ito malakas subalit mabilis
na tumaas ang tubig. Diring-diri
siya sa mga naglutang na basura.
Sumigaw siya ng saklolo sa
kaniyang nanay.
“Berto, gising! Bakit ka ba
sumisigaw?” tanong ni Nanay
Imay kay Berto habang
ginigising niya ito.
Simula noon, ang mga basura
sa kanilang bahay ay
itinatapon na niya sa tamang
basurahan. Hindi na rin siya
nagkakalat.
1. Sino-sino ang tauhan
sa kuwento?

a. Berting at Berto
b. Berto at Nanay Berta
c. Berto at Nanay Imay
2. Saan naganap
ang kuwento?

a. Sa paaralan
b. Sa simbahan
c. sa bahay
3. Ano ang bilin ni Nanay Imay
kay Berto?

a. Iligpit ang kaniyang kalat


at itapon ang basura sa
tapunan
b. Iligpit ang kaniyang higaan.
c. Iligpit ang kanilang
kinainan.
4. Anong aral ang
natutunan ni Berto?
a. Maging
palakaibigan.
b. Maging palaaral.
c. Maging masunurin
at malinis.
5. Ano ang nagpabago
kay Berto?

a. Nalunod siya
b. Nanaginip siya.
c. Natapunan siya ng
basura.
6. Aling pangungusap
ang may salitang kilos na
naganap na?
a. Sumisigaw siya ng
saklolo.
b. Sumigaw siya ng
saklolo.
c. Sisigaw siya ng saklolo.
7. Ano ang tawag sa
mabilis na pagtaas ng
tubig sa daan?

a. Pagbara
b. Pagbaha
c. Pagguho
8. Aling ang wastong
pagkabaybay ng salitang
may mahabang pantig?

a. na-nga-nga-moy
b. nanga-nga-moy
c. na-nga-ngam-oy
Isulat ang ididikta ng
guro.
9. magpahinga
10. Itapon ang basura
sa tamang
basurahan.
Maaga pa ay pumasok
na sa clinic niya si Dra. Marta.
Sumasakit ang ngipin ng
kaniyang inaanak na si Glenn.
Titingnan niya kung ano ang
dahilan ng pananakit ng ngipin
nito. Baka kasi tutubo na ang
wisdom tooth niya, o baka may
sira na siyang ngipin.
1. Sino ang pangunahing
tauhan sa kuwento?
a. Dra. Marta b. Glenn
c. Dra. Marta at Glenn
2. Saan ang tagpuan ng
talata?
a. Sa hospital b. Sa paaralan
c. Sa clinic
3. Ang lahat ay pangyayaring
naganap sa talata maliban sa
isa. Alin ito?
a. Sumasakit ang ngipin ni Glenn.
b. Kumain ng maraming candy si
Glenn.
c. Titingnan ni Dra. Marta ang
dahilan ng pananakit ng ngipin
ni Glenn.
4. Aling salitang kilos ang
naganap na sa talata?
a. pumasok b. sumasakit
c. tutubo
5. Aling salita ang may
wastong pagkabaybay?
a. pum-asok b. ti-ting-nan
c. pan-ana-kit
Asin ng Buhay
Violeta U. Esteban
Nasa tabing dagat ang mag-
anak na Udani. Binuhusan nila
ng tubig alat ang
buhanginan.Pagsapit ng
hapon, inipon nila ang
natuyong buhangin gamit ang
kalaykay.
Inilagay nila ito sa mahabang
kahoy na lalagyan. Nang
mapuno ito ay binuhusan nila
ng tubig alat ang naipong
buhangin. Ang tubig na nasala
mula rito ay inipon nila.
Inilagay nila ang nasalang
tubig alat sa isang malaking
kawa upang lutuin.
Pagkalipas ng ilang oras,
ang tubig na niluto ay
magiging pinong asin.
Ibebenta ng mag-anak
na Udani ang pinong asin
sa palengke.
1. Ano ang pamagat ng
kuwento? ___________
2. Sino ang tauhan sa
kuwento? ______

3. Saan ang tagpuan ng


kuwento? ______________
4. Ano ang hanapbuhay
ng pamilya Udani?
__________

5. Sumipi ng isang salitang


kilos na naganap na sa
kuwento. ________
Modyul 11
Katangian ko, Karangalan ng Aking
Pamilya
Unang Araw
Layunin: Nakikilala at
nagagamit ang
pandiwang nagsasaad
ng kilos o galaw na
ginagawa pa sa
pangungusap at talata
Batang Huwaran
Akda ni Grace Urbien-Salvatus

Araw-araw ay pumapasok sa
paaralan
Nakikibahagi sa mga talakayan
Tuwing hapon, takdang aralin ay
sinasagutan
Pagsusulit ay pinaghahandaan
Gawain ng batang huwaran.
Tungkol saan ang tugma at
ano-ano ang binabanggit
dito?

Ano-ano ang ginagawa


ng isang batang
huwaran sa tugma?
Basahin ang mga pangungusap na
naglalahad ng mga gawain.
1. Araw-araw siyang
pumapasok sa paaralan.
2. Tuwing hapon ay
nagbabasa siya ng kaniyang
mga aklat.
3. Isinasaulo niya ngayon ang
awit.
Ano-anong salitang kilos ang
ginamit sa mga pangungusap?
Kailan nangyari ang mga
salitang kilos?

Ano ang ipinahihiwatig ng


mga salitang sumasagot kung
kailan nangyari ang salitang
kilos?
Ano ang tawag sa mga
salitang nagsasaad ng kilos
o galaw?
Pandiwa ang tawag sa
mga salitang
nagpapakita ng kilos o
galaw.
Kailan naganap ang mga
pandiwa o salitang kilos?

May mga pandiwang


nagsasaad ng
kilos o galaw na
ginagawa pa.
Ano-anong nagpapahiwatig na
salita ang ginagamit upang matukoy
na ito ay ginagawa pa?
May mga salitang nagpapahiwatig
kung ang pandiwa ay ginagawa pa

katulad ng:
palagi araw-araw ngayon
kasalukuyan tuwing ...
Kilalanin ang pandiwang ginamit
sa bawat pangungusap. Lagyan
ng tsek ( ) kung ito ay ginagawa
pa, at ekis (x) kung hindi. Gawin
ito sa kuwaderno.
_____ 1. Si Fe ay
nagsusulat ngayon.
_____ 2. Palaging tumutulong si
Nena sa gawaing
bahay.
_____ 3. Araw-araw akong
kumakain ng prutas.
_____ 4. Nagdilig ako ng mga
halaman kahapon.
_____5. Namasyal kami sa Antipolo
noong Linggo.
Tingnan ang bawat larawan.
Sumulat ng pangungusap tungkol
sa ginagawa ng nasa larawan.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. ____________ 2. ___________
3. _______ 4. ______

5. ________
Sumulat ng isang talata
tungkol sa iyong
palaging ginagawa sa araw-
araw sa loob ng isang
linggo.
Simulan ang iyong
ginagawa tuwing Linggo
hanggang Sabado.
Gamitin ang iyong kaalaman
sa mga pamantayan sa
pagsulat ng talata na may
tamang gamit ng malaking
letra, espasyo ng mga
salita, wastong bantas,
tamang pasok ng unang
pangungusap ng talata, at
anyo.
Ang mga Palagi kong
Ginagawa sa Loob ng
Isang Linggo
Tuwing Linggo,
___________________________
___________________________
__________________
Ikalawa at Ikatlong Araw
Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan
ng grupo o klase hinggil sa napakinggan at
binasang teksto
Nakapagsasalaysay muli ng pamilyar na
kuwento nang may tamang kilos, ekspresyon, at
nakapaglalarawang bagay.
Nagagamit ang mga ekspresyong angkop sa
ikalawang baitang sa pagbibigay ng
mahahalagang detalye ng kuwento
Nailalarawan ang tauhan ng kuwento ayon sa
kaniyang kilos
Nababasa ang mga salitang may kambal
katinig, klaster, digraphs sa mother tongue.
Huwaran

Taglay ni Glenda ang


mga katangiang
dapat gayahin ng
isang bata kaya siya
ay isang huwaran.
talakayan

Pinag-uusapan ng guro
at mga mag-aaral
ang tungkol sa kanilang
aralin. Naging masigla
ang kanilang talakayan
isinasaulo
Isinasaulo ni Glenda ang
awit. Kaya na niya
itong awitin na hindi
nakatingin sa kaniyang
kopya.
recitation
May recitation kami
bukas. Tatawag ang
aming guro ng
batang aawit sa
harap ng klase.
Sino ang gusto
ninyong gayahing
artista o mang-aawit?
Bakit ninyo siya
gustong gayahin?Ano-
ano ang taglay niyang
katangian?
Huwarang Mag-aaral
Akda ni Nympha L. Reyes
Si Glenda ay isang
huwarangmag-aaral.Sa
katunayan, siya ang
nagunguna sa kanilang
klase sa ikalawang
baitang. Araw- araw
siyang pumapasok sa
paaralan.
Palagi siyang nakikinig sa
kaniyang guro at
nakikibahagi sa mga
talakayan at pangkatang
gawain. Tuwing hapon ay
nagbabasa siya ng
kaniyang mga aklat. Palagi
din niyang ginagawa ang
kaniyang takdang aralin.
Kagaya ngayon, isinasaulo niya
ang awit ayon sa pagkakasunod-
sunod ng araw sa isang linggo. “
Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules,
Huwebes, Biyernes, Sabado,” awit
nito habang ipinapalakpak
niya ang kaniyang kamay at
iginagalaw ang kaniyang ulo
pakaliwa at pakanan.
Nagsasanay siya para sa
kanilang recitation bukas.
Ano-ano ang
katangian ni Glenda
kaya siya ay isang
huwarang mag-
aaral?
a. Pangkat 1: KuwentoKo, Isalaysay Mo!
Iguhit ang tauhan sa gitnang bilog at ang
kaniyang mga katangian sa nakapalibot
na bilog.

Glenda
b. Pangkat 2 :
TalentosaPag-awit, Iparinig
Mo!
Awitin ang “Mga Araw sa
Isang Linggo”. Ipalakpak
ang mga kamay at igalaw
ang ulo pakaliwa at
pakanan habang inaawit
ito.
c. Pangkat 3 :SertipikongPagkilala!

Sertipiko ng Pagkilala

Ang Sertipiko ng Pagkilala ay


iginagawad kay
___________________________________
bilang
_______________________________.
Nilagdaan ngayong
_____________________.
Pangkat4 : Tularan Ko, Huwaran
Mo, Pangako Ko!
Sumulat ng isang pangako
natutularin ang mga katangian ng
isang huwarang mag-aaral. Gawin
ito sa isang bondpaper at lagdaan
ito ng pangalan ng bawat
miyembro ng pangkat. Ibigay ito
sa inyong guro pagkatapos ng
pag-uulat.
Sino ang tauhan sa
kuwento?
Ano ang kaniyang
katangian?
Bakit siya ay isang
huwarang mag-aaral?
Ano ang isinasaulo ni
Glenda?

Paano niya ito


inawit?
Ano kaya ang maaaring
matanggap ni Glenda sa
pagiging huwarang mag-
aaral?
Kung bibigyan siya ng
isang Sertipiko ng
Pagkilala, ano kaya ang
nakasulat dito?
Bilang mag-aaral, paano
mo tutularan si Glenda?

Ano ang iyong gagawin?


Kung ikaw ay
mangangako, ano ang
iyong sasabihin?
Paano ninyo naunawaan
ang kuwento?
Tandaan!
Mauunawaan ang kuwento sa
pamamagitan ng pag-aaral sa
kahulugan ng mga salitang
ginamit, pagtukoy sa tauhan,
at pagsasalaysay muli sa
detalye ng kuwento.
Ikatlong Araw
Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwentong “Huwarang Mag-aaral”?
Saan siya nagunguna?
Ilang magkatabing katinig
ang nasa unahan ng mga
salita.
dyaket dram
trumpo globo
braso gripo
dyaryo drayber
trak Gloria
Brenda grasa
dyanitor drama
traysikel grado
Sa anong mga letra nagsisimula
ang mga salita?
Sa ating alpabeto, ano ang tawag sa
mga letrang inyong nabanggit?
Ilang katinig ang magkatabi sa isang
pantig?
Ano ang tawag sa salitang
mayroong dalawang katinig na
magkasama sa isang pantig?
Ano ang kambal katinig?
Tandaan!
Kambal katinig ang tawag sa
mga salitang mayroong
dalawang katinig na magkasama
sa isang pantig.
Halimbawa:
prito klase grado
Laro: Paramihan ng Kambal!
Ipangkat ang mga bata sa apat
(4). Bawat pangkat ay magtatala
ng mga salitang may kambal
katinig. Ipabasa ito nang
pangkatan. Ang pangkat na may
pinakamaraming naitala ang
siyang panalo.
Basahin ang mga pangungusap.
Sipiin sa sagutang papel ang mga
salitang may kambal katinig.
1. Panalo kami sa palaro
kaya‟t kami ay may
premyo.
2. Malayo pa ay maririnig
na ang busina ng tren.
3. Malamig ang klima sa
kabundukan.
4. Mahilig kumain ng
tsokolate si Nene.
5. Ang plastic ay kabilang sa
di-nabubulok na basura
Tambalang Kambal!

Ipagpares ang mga bata.


Bawat pares ay sumulat ng
limang (5) salitang
may kambal katinig at
maghalinhinan sa pagbasa
Ikaapat na Araw
Layunin: Nababasa ang mga salitang may kambal katinig,
klaster, digraphs sa mother tongue.
Nakababasa ng 200-300 na salitang angkop sa kanilang
baitang
Nababasa nang may kasanayan ang mga 200 salita sa
unang kita na angkop sa ikalawang baitang.
Nababaybay nang wasto ang mga salitang may kambal
katinig, klaster diptonggo, at iba pa.
Nakasusunod sa pamantayan sa pagsipi o pagsulat ng mga
pangungusap, talata o kuwento na may tamang gamit ng
malaking letra, espasyo ng mga salita, wastong bantas,
tamang pasok ng unang pangungusap ng talata, at anyo
Nakabubuo ng kuwento, patalastas, at iba pa gamit ang
tamang salita at maayos na teksto
dyaket (dya-ket)

trumpo (trum-po)
braso (bra-so)
dyaryo (dyar-yo)
trak (trak )
Brenda (Bren-da)
dyanitor (dya-ni-tor)

traysikel (tray-si-kel )
dram (dram)
globo (glo-bo)
gripo (gri-po)
drayber (dray-ber)
Gloria (Glo-ria)
grasa (gra-sa)
drama (dra-ma)
Paano ninyo binasa ang
mga salitang may
kambal katinig?

Paano ninyo
isinulat ang mga
pangungusap?
Paano ang pagbasa ng
mga salitang may kambal
katinig?
Binabasa ang mga salitang
may kambal katinig nang
papantig na baybay
at may wastong diin sa pantig
nito. Binabasa ang tunog nito
nang iisa at madulas ang
pagbasa nito.
Paano ang pagsulat ng
mga pangungusap?
Isinusulat ang mga
pangungusap nang may
wastong pagitan ang mga
salita, paggamit ng malaking
letra sa simula ng
pangungusap, at paggamit
ng wastong bantas sa hulihan
nito.
Mag-isip ng iba
pang salitang may
kambal katinig,
baybayin ito, ibigay
ang kahulugan, at
ipagamit ito sa
pangungusap.
Salitang may
kambal katinig Larawan Kahulugan Pangungusap
Plantsa Kagamitan Maayos
sa bahay, ang aking
umiinit kapag damit
isinaksak sa dahil guma-
kuryente, gamit si
pampaalis Nanay ng
ng gusot plantsa
ng damit .
Tingnan ang bawat larawan. Bigkasin
ang ngalan nito nang papantig na
baybay. Isulat ang tamang baybay nito
sa sagutang papel.

1. ______ 2. _____
3. _____ 4. _____

5. ______
Mag-isip ng limang salitang
may kambal katinig. Iguhit
ang larawan nito. Isulat ang
kahulugan nito, at gamitin
ito sa pangungusap. Tingnan
ang halimbawa. Gawin ito sa
kuwaderno.
Ikalimang
Araw
Pagtataya
1. Laging binabati ni Elsie ang
kaniyang mga guro at kamag-
aaral. Palagi din siyang
nakangiti sa kanila. Marami
siyang kaibigan dahil sa
katangian niyang ito.Sino ang
pinag-uusapan sa sitwasyong
nabanggit?
a. mga guro b. si Elsie
c. kamag-aaral
2. Higit na alam ng
magulang ang mga bagay
na nakabubuti sa mga
anak kaya sinusunod
palagi ni Troy ang bilin at
paalala ng kaniyang ina.
Ano ang katangian ni Troy?
a. magalang b. masipag
c. masunurin
3. Binigyan ni Lina ng
bulaklak ang
kaniyang ina noong
kaniyang kaarawan. Si
Lina ay __.
a. Maalalahanin
b. matiyaga
c. masinop
4. Malayang naibibigay ng
mga mag-aaral ang kanilang
saloobin tungkol sa kanilang
aralin. Tungkol sa pagiging
huwaran ang kanilang pinag-
uusapan. Ano ang ibig sabihin
ng salitang may salungguhit
sa sitwasyon?
a. talakayan b. balik-aral
c. pagtataya
5. Magalang na bata si
Pol. Dapat siyang tularan
ng mga bata. Ano ang
ibig sabihin ng salitang
may salungguhit?

a. gabayan b. ikahiya
c. huwaran
6. ____ni tatay ang
sirang bakod
ngayon.
a. Inayos
b. Inaayos
c. Iaayos
7. _____ palagi ni
Lina ang kaniyang
alagang aso.
a. Pinakain
b. Pinapakain
c. Papakainin
8. Aling salita ang
nagpapahiwatig na
ang pandiwa ay
ginagawa pa?
a. kahapon
b. ngayon
c. bukas
9. Aling salita ang
may kambal
katinig?
a. trapo b. banda
c. espada
10. Aling salita ang
may wastong
papantig na
baybay?
a. kra-yola b. trap-o
c. pla-ti-to
Sipiin ang tamang pandiwa na
bubuo sa pangungusap.

1. Kasalukuyang
( naglaro, naglalaro,
maglalaro ) ng
basketball si Dar.
2. Tuwing Sabado ay (
pumunta, pumupunta,
pupunta ) kami sa parke.

3. ( Tumulong,
Tumutulong, Tutulong )
ako sa mga gawaing
bahay araw-araw.
Isulat nang wasto
ang mga salita.(
Idikta ang mga ito.)
4. pluma
5. drama
1-3. Sumulat ng
tatlong (3) salitang
may kambal
katinig.
1.
2.
3.
4-5. Sumulat ng
dalawang pandiwang
ginagawa pa at gamitin
ito sa pangungusap.
4.
5.
Modyul 12
Pagtutulungan ng Pamilya
Unang Araw
Layunin: Nakikilala at
nagagamit ang
pandiwang nagsasaad
ng kilos o galaw na
gagawin pa lamang sa
pangungusap at talata.
Gamit ang imahinasyon, ano ang gagawin ng Yong
pamilya kung pupunta kayo sa lugar na nasa
larawan?
1. Pupunta kami
sa taniman ng
dalanghita
sa Sabado.
2. Bubunutin
namin ang mga
damo sa paligid
ng mga
pananim.
3. Pipitasin
namin ang mga
hinog na
dalanghita.
4. Magtutulungan
ang aming
pamilya upang
matapos ang
gawain.
Ano-anong salitang kilos
ang ginamit sa mga
pangungusap?
Kailan isasagawa ang mga salitang
kilos na ito?
Ano ang ipinahihiwatig kung
ang salitang kilos ay sa
Sabado pa isasagawa?
Ano ang tawag sa mga
salitang nagsasaad ng kilos
o galaw?

Pandiwa ang tawag sa mga


salitang nagpapakita ng kilos
o galaw. May mga
pandiwang nagsasaad ng
kilos o galaw na gagawin pa
lamang.
Ano-anong nagpapahiwatig na
salita ang ginagamit upang matukoy
na ito ay gagawin pa lamang?

May mga salitang


nagpapahiwatig kung ang
pandiwa ay gagawin pa
lamang katulad ng: sa
darating na..., sa isang...,
bukas, mamaya, sa susunod na
….
“Pair-Share”
Humanap ng
kapareha.Magbahagin
an ng mga gagawin
pag-uwi sa bahay
mamayang hapon.
Piliin ang tamang pandiwa
para mabuo ang
pangungusap. Isulat ito sa
kuwaderno.
1. Si Nene ay ( tumula,
tumutula, tutula)
mamaya sa
palatuntunan.
2. (Nanalo, Nananalo,
Mananalo) kaya siya sa
paligsahan bukas?

3. Sa isang buwan ay
(bumili, bumibili, bibili)
kami ng sapatos.
4. Sa susunod na taon ay
(lumipat, lumilipat, lilipat
) na kami ng tirahan.

5.(Pumasok, Pumapasok,
Papasok) ka ba sa
Lunes?
Isipin ang inyong gagawin sa
susunod na Linggo. Sumulat
ng limang pangungusap
tungkol dito gamit ang mga
pandiwang gagawin pa
lamang. Gamitin ang
pamantayan sa pagsulat ng
mga pangungusap na
napag-aralan na. Gawin ito
sa kuwaderno.
Talaan ng aking gagawin sa
susunod na Linggo

1. __________________
2. __________________
3. __________________
4. __________________
5. __________________
“Plano ko, Plano Mo”
Kumuha ng kapareha
at magbahaginan ng
mga gagawin pa
lamang.
Ibahagi ito sa klase.
Ikalawa at Ikatlong Araw
Layunin: Nakikinig at nakikilahoksatalakayannggrupo o
klase hinggil sa napakinggan at binasang teksto
Nakagagamit ng mga ekspresyong angkop sa kanilang
baitang sa paghihinuha ng posibleng katapusan ng
kuwento, pangyayari, at iba pa
Nababasa nang malakas ang mga tekstong angkop sa
ikalawang baitang na may 95-100% na kawastuhan.
Nakapagsusunod-sunod ng pangyayari sa kuwento sa
pamamagitan ng pagsasabi kung alin ang una, ikalawa,
ikatlo o huling pangyayari.
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbasa sa kuwento sa
pamamagitan ng pakikinig na mabuti tuwing nagbabasa
ng kuwento at nakapagbibigay ng komento o reaksiyon.
dalanghita
Mayaman
sa bitamina
C ang
dalanghita.
kaing
Ang kaing ng
dalanghita
ay
lulan ng
paragos.
linang
May kubo kami sa
linang. Nasa Baryo
Bukal ito.
pipitasin
Hinog na ang mga
dalanghita kaya
pipitasin
na ang mga ito.
mag-aatag
Kami ay mag-aatag
sa paligid ng mga
pananim upang
mawala ang mga
damo.
Ano-anong prutas ang inaani
natin sa panahon ngayon?
Naranasan na ba ninyong mag-
ani ng prutas? Kailan?Anong
prutas?
Inyong huhulaan kung ano ang
magiging katapusan ng kuwento.
Anihan
Akda ni Nimpha L. Reyes

Panahon na ng anihan ng
dalanghita kaya pupunta ang
mag-anak ni Mang Leroy sa
kanilang linang sa Sabado.
Mayroon silang isang kubo doon
na malapit sa kanilang bukid.
Mag-aatag muna sila upang
malinis ang paligid ng taniman.
Pagkatapos mag-atag ay
pipitasin naman nila ang mga
hinog na dalanghita. Ilalagay
nila sa kaing ang mga
mapipitas nilang dalanghita.
Isasakay nila ang mga
kaing ng dalanghita sa
isang paragos. Hihilahin ng
kalabaw ang paragos
papunta sa kanilang kubo.
Dadalhin nila ang mga ito
sa palengke kinabukasan.
Kung kayo ang
susulat ng katapusan
ng kuwento, ano ang
mangyayari sa
katapusan nito?
Bakit?
a. Pangkat 1: Taniman
Ko, Iguhit Mo!
Iguhit ang taniman ng
dalanghita nina Mang
Leroy. Gawin ito sa isang
bondpaper.
b. Pangkat 2 : Produkto
Mo, sa Paragos Ko!
Iguhit ang mga kaing ng
dalanghita na nakalulan sa
paragos sa isang
bondpaper.
c. Pangkat 3 : Pangyayari,
Pagsusunod-sunurin Mo!
Isulat ang mga pangyayari sa
strips ng kartolina. Pagsusunod-
sunurin ang mga ito ayon sa
pangyayari sa kuwento. Lagyan
ng bilang 1,2,3,4,5, ang mga strips
ng kartolina.
Hihilahin ng kalabaw ang paragos
papunta sa kanilang kubo.

Mag-aatag muna ang pamilya ni


Mang Leroy upang malinis
ang paligid ng taniman.
Ilalagay nila sa kaing ang mga
mapipitas nilang dalanghita.
Pagkatapos mag-atag ay pipitasin
naman nila ang mga hinog na
dalanghita.

Isasakay nila ang mga kaing ng


dalanghita sa isang paragos.
Anong panahon ang tinutukoy
sa kuwento?
Anong taniman ang pupuntahan
ng mag-anak ni Mang Leroy?
Ano ang kanilang pipitasin?
Saan nila ilalagay ang mga ito?
Saan nila isasakay ang mga ito?
Ano-ano ang gagawin nila?
Paano nila sisimulan ang
pamimitas?
Ano ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari?
Anong katangian ang natutunan
natin sa kuwento?
Kung ikaw ay kabilang sa mag-
anak ni Mang Leroy, ano ang
gagawin mo?
Paano ninyo naunawaan ang
kuwento?
Tandaan
Mauunawaan ang kuwento sa
pamamagitan ng pakikinig na mabuti
tuwing nagbabasa ng kuwento,
pakikilahok sa talakayan ng grupo o
klase, at pagsusunod- sunod sa mga
pangyayari sa kuwento.
Ikatlong Araw
Balikan ang
kuwentong “
Anihan”.Ano-ano
ang pangyayari
ayon sa
pagkakasunod-
sunod sa kuwento?
Ipaayos ang mga letra ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito.

B D A E C

__ __ __ __ __
Ano ang ginawa ninyo sa
mga letra?
Basahin ang mga pangyayaring
isinasaad ng bawat larawan.

Inilagay ni Tina ang mga


bulaklak sa plorera.
Inilagay ni Tina
ang plorera ng
bulaklak sa altar.
Namitas ng mga
bulaklak sa
hardin.
Aling pangyayari ang
dapat na mauna?
Ikalawa?Ikatlo?

Paano ninyo
pinagsunod-sunod ang
mga pangyayari?
Paano ang pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari?

Napagsusunod-sunod
ang mga
pangyayari ayon sa
detalye ng kuwento at
sa tulong ng mga
larawan.
Maghugas Tayo!
Bumuo ng apat (4) na
pangkat. Isulat ang
mga pangyayari sa
strips ng kartolina.
Pagsunod-sunurin ang
mga pangyayari. Iulat
ito sa klase.
Banlawang mabuti ang
mga plato.

Alisin ang mga muyang sa


plato.

Sabunin nang mabuti ang


mga plato .
Basahin ang mga pangyayari.
Pagsusunod- sunurin ang mga ito
gamit ang bilang 1-5. Gawin ito
sa kuwaderno.

_____a. Hininaan niya ang


apoy para ma-in-in ang
kanin.
_____ b. Hinugasan ni Tibang
ang bigas nang
mabuti.
_____ c. Kumuha si
Tibang ng tatlong takal
na bigas.
_____ d. Hinayaan
niyang kumulo ang tubig
hanggang sa makati ito.
_____ e. Nilagyan niya
ang bigas ng tatlong
takal na tubig.
Isipin ang mga paraan ng
wastong paliligo.
Lagyan ng bilang 1-5 ang mga
paraan ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga
ito. Gawin ito sa
kuwaderno.
_____ a. Banlawang mabuti
ang katawan at ang
buhok.
_____ b. Buhusan ang
buong katawan ng
tubig.
_____ c. Tuyuin ang
sarili gamit ang
malinis na
tuwalya.
_____ d. Sabunin ang
katawan at lagyan ng
shampoo ang buhok.
_____ e. Maghilod ng
katawan gamit ang
bimpo.
Ikaapat na Araw
Layunin: Nababaybay nang wasto ang mga
salitang hango sa talakayan sa
pagpapaunlad ng talasalitaan.
Nakasusunod sa pamantayan sa pagsipi o
pagsulat ng mga pangungusap, talata o
kuwento na may tamang gamit ng malaking
letra, espasyo ng mga salita, wastong bantas,
tamang pasok ng unang pangungusap ng
talata, at anyo
Nakabubuo ng kuwento, patalastas at iba pa
gamit ang tamang salita atteksto
Mag-aatag muna ang
pamilya ni Mang Leroy
upang malinis ang
paligid ng taniman.
Pagkatapos mag-atag
ay pipitasin naman nila
ang mga hinog na
dalanghita.
Ilalagay nila sa kaing ang
mga mapipitas nilang
dalanghita. Isasakay nila
ang mga kaing ng
dalanghita sa isang
paragos. Hihilahin ng
kalabaw ang paragos
papunta sa kanilang
kubo.
Paano ang wastong
pagbasa at pagsulat ng
kuwento o talata?
Ano-ano ang dapat
tandaan sa pagbasa
at pagsulat ng
kuwento o talata?
Tandaan!
Basahin ang mga
kuwento o talata nang
may wastong diin,
intonasyon, paghinto,
at pagsunod sa mga
bantas.
Isinusulat o sinisipi ang
mga kuwento o talata
nang may wastong
espasyo ng mga salita,
tamang paggamit ng
malaking letra, wastong
bantas, at tamang pasok
ng unang pangungusap
nito.
Sumulat ng isang talata tungkol
sa wastong pagsisipilyo.
Tandaan ang mga
pamantayan sa pagsulat ng
isang talata.
Wastong Pagsisipilyo
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
Ikalimang Araw

Pagtataya
Ang Kambal
Bernadette I. Felismina
Pupunta sa plaza ang kambal na sina
Ding at Dang sa Sabado ng umaga.
Manonood sila ng ibat-ibang palabas
ng mga mag-aaral na kasapi sa “
Drum and Lyre Band” .
Magpapakitang gilas ang mga mag-
aaral sa kanilang kahusayan sa
paggamit ng drum, cymbals,
xylopohone, at maging ang
pagpapaikot-ikot ng baston.
Gagayahin nila ang mga ito sa
kanilang pag-uwi.Magsasanay
si Ding sa paggamit ng drum
samantalang mag-aaral si
Dang kung paano ang
paggamit ng baston habang
nagmamartsa. Pangarap kasi
nilang sasali sa banda
pagsapit nila sa ikatlong
baitang sa susunod na taon.
1. Magkaano-ano ang
kambal sa kuwento?
a. magpinsan b. mag-ama
c. magkapatid
2. Ano ang gagawin ng
kambal sa plaza?
a. maglalaro
b. magpapakitang gilas
c. manonood ng palabas
3. Tungkol saan ang
palabas?
a. Pakitang gilas ng mga
mananayaw
b. Pakitang gilas ng mga
mang-aawit
c. Pakitang gilas ng mga
kasapi sa Drum and Lyre
Band.
4. Anong baitang
na ang kambal?
a. Unang Baitang
b. Ikalwang
Baitang
c. Ikatlong Baitang
5. Ano kaya ang posibleng
katapusan ng kuwento?
a. Magiging mahusay na
mananayaw ang kambal.
b. Magiging mahusay na
mang-aawit ang kambal.
c. Magiging mahusay na
kasapi ng Drum and Lyre
Band ang kambal.
6. Alin sa mga pangyayari ang
unang naganap sa kuwento?
a. Pupunta sa plaza ang kambal na
sina Ding at Dang sa Sabado.
b. Magsasanay si Ding sa paggamit
ng drum at mag-aaral si Dang sa
paggamit ng baston habang
nagmamartsa.
c. Magpapakitang gilas ang mga
mag-aaral na kasapi sa Drum and
Lyre Band.
7. Ano ang panahunan ng mga
pandiwa sa kuwento?
a. Ginawa na b. Ginagawa pa c.
Gagawin pa lamang
8. Aling pahiwatig na mga salita
ang ginamit sa kuwento?
a. Nakaraang Sabado
b. Ngayong Sabado
c. sa Sabado ng umaga
9. Alin sa mga salita ang
pandiwa?
a. kambal b. pangarap c.
pupunta
10. Isulat nang wasto ang
pangungusap.
ang kambal na sina ding
at dong ay nasa plaza
1. Naglalakad pauwi si Sally
nang biglang bumuhos ang
ulan. Wala siyang dalang
payong. Kinabukasan,
mainit at inuubo si Sally.
a. Dadalhin siya sa dentista.
b. Dadalhin siya sa doktor.
c. Dadaalhin siya sa
kaniyang guro.
2. Naghahanda si nanay sa kaniyang
lulutuing sinigang na baboy. Tinulungan
siya ni Nimfa sa paghuhugas ng mga
gulay. Inihalo ni Nimfa ang gulay nang
lumambot na ang karne. Alin ang
ikalawang naganap sa mga
pangyayari?
a. Inihalo ni Nimfa ang gulay nang
lumambot na ang karne.
b. Tinulungan siya ni Nimfa sa
paghuhugas ng mga gulay.
c. Naghahanda si nanay sa kaniyang
lulutuing sinigang na baboy.
3. ____ sa kaniyang kuwarto
sa darating na Linggo.
a. Naglinis b. Naglilinis
c. Maglilinis
4. Alin ang nagpapahiwatig
na gagawin pa lamang ang
pandiwa?
a. kahapon b. kasalukuyan
c. mamaya
5. Aling pangungusap ang
may wastong
pagkakasulat.
a. Palaging nagtutulungan
ang pamilya lerum.
b. palaging nagtutulungan
ang pamilya Lerum
c. Palaging nagtutulungan
ang pamilya Lerum.
Lahat ng gawaing bahay
ay tanging si Aling Linda ang
gumagawa. Ang kaniyang asawa
ay abala sa paghahanapbuhay.
Ang dalawang malalaking anak ay
palagi na lamang naglalaro kapag
walang pasok. Sa hindi inaasahang
pangyayari, nadulas si Aling Linda
sa may hagdanan. Hindi na siya
nakakakilos at nakagagawa
katulad nang dati.
1. Isulat ang simula ng
pangyayaari.
____________________________
__________________________
2. Sipiin ang pangungusap
na naglalahad ng ginagawa
ng mga anak.
____________________________
3. Sipiin ang pangungusap na
nagsasaad na may nangyaring
masama kay Aling Linda.
________________________________
4. Sipiin ang huling pangyayari
sa kuwento.
________________________________
5. Sumulat ng maaaring
katapusan ng kuwento.
Modyul 13
Pagmamalasakit sa Pamilya
Unang Araw
Layunin: Nakikilala ang
panahunan ng
pandiwa at nagagamit
ang mga ito sa
pangungusap at talata
Laro: Tagubilin ni Ina, Gagawin ko,
Huhulaan mo
Itanong sa mga bata ang madalas
na ipinagagawa sa kanila ng
kanilang magulang. Tumawag ng
bata upang isakilos ito.Huhulaan ito
ng mga kaklase. Isulat sa pisara ang
mga sagot ng mga kaklase. Ipabasa
ang mga ito. Itanong kung ano ang
isinasaad ng mga salitang ito at kung
anoang tawag dito.
Sinusunod nyo ba ang
mga pinapagawa sa inyo
ng inyong mga
magulang?

Bakit dapat sundin ang


kanilang mga utos?
Basahin ang mga pangkat ng
salitang nagsasaad ng kilos.
A B C
Kumakain sumakit uubusin
Nanonood narinig papasok

Ano
Aling
Aling
Ano naang
pangkat
nga ipinapakita
pangkat
ang ngng
pandiwa
salita
tawag sa ng
ang
ang
mga
Ano ang tawag sa mga pangkat
mganagpapakita
nagpapakita
salitang salita
nagpapakita
nagpapakita na
na sa bawat
naginawa
ginagawa
gagawin
ng na pa
ang
pao
kilos
na ito ng pandiwa?
pangkat?
lamang
angkilos?
ang
kilos?
galaw? kilos?
Tandaan!
Pandiwa ang tawag sa
mga salitang nagpapakita
ng kilos o galaw. Ang
pandiwa ay may tatlong
panahunan:
ginawa na ginagawa pa gagawin pa lamang

kumain kumakain kakain


nanood nanonood manonood
umalis umaalis aalis
ginawa na ginagawa pa gagawin pa
lamang
umalis umaalis aalis
naglaro _________ maglalaro

sumasayaw _______ sasayaw

tumula _________ tutula

kumain kumakain _______


Tulungang mamingwit ang tatlong
mangingisda.Basahin ang mga pandiwang
nakasulat sa mga isda. Lagyan ng guhit mula
sa isda ng pandiwa papunta sa tamang
bangka.

Ginawa na Ginagawa pa Gagawin pa


lamang
maglalaro nagsusulat

lumalangoy nagluto

tatakbo kumain
Bilugan ang tamang pandiwa
sa loob ng panaklong upang
mabuo ang pangungusap.

1. Tuwing Linggo ay
(pumunta, pumupunta,
pupunta) kami sa
parke.
2. (Namasyal,
Namamasyal,
Mamamasyal ) ang
pamilya Renon sa
Batangas sa darating
na bakasyon.
3. Si Maricel ay ( naglinis,
naglilinis, maglilinis) ng
bakuran kaninang
umaga.
4. Palagi siyang
(sumunod, sumusunod,
susunod) sa paalala ng
kaniyang ina.
5. ( Nag-aral,
Nag-aaral, Mag-
aaral) ka ba ng
iyong aralin araw-
araw?
Basahin ang mga pandiwa.
Gamitin ang bawat isa sa
pangungusap.
1. Tumakbo
2. Lumangoy
3. naglalaba
4. naglalakad
5. dadalaw
Ikalawang Araw
Layunin: Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng grupo o
klase hinggil sa napakinggan at binasang teksto
Nagagamit ang mga ekspresyong angkop sa ikalawang
baitang sa paghihinuha ng posibleng katapusan ng
kuwento, pangyayari, at iba pa
Nababasa ang mga kuwento, alamat, balita, at iba pa
nang may kasanayan at kahusayan.
Nahihinuha ang kasunod na mangyayari ayon sa
pangyayari sa kuwento, alamat, at iba pa
Natutukoy ang impormasyon sa teksto na sumasagot sa
literal at mas mataas na antas ng pagtatanong (HOTS).
Natutukoy ang suliranin at ang maaaring solusyon nito sa
sanaysay, pangyayari, komentaryo, at iba pa.
Telebisyon

Isang kahon ng tsokolate


pasalubong
May pasalubong ang nanay na tsokolate.
Dala niya ito pagkagaling sa opisina.

paalala
Paalala o bilin ng kaniyang ina na hindi
uubusin ang isang kahon na tsokolate.

waring walang narinig


Waring walang narinig sina Melody at
Herman. Patuloy pa rin silang kumakain ng
tsokolate.
Ano ang dapat ninyong gawin
sa mga paalala ng inyong
magulang?

Ano ang nangyari kina Melody at


Herman nang hindi sila sumunod sa
paalala ng kanilang ina?
Ano ang maaaring
mangyari sa katapusan ng
kuwento?
Ang Paalala ni Nanay
Akda ni Raymond C. Francia
Kumakain ng tsokolate sina
Melody at Herman habang
nanonood ng telebisyon
isang gabi. Pasalubong ito
ng kanilang nanay
pagdating niya galing sa
opisina noong hapong
iyon.
“Huwag ninyong uubusin
lahat ang laman ng isang
kahon ng tsokolate at baka
sumakit ang inyong ngipin.
Magsipilyo din kayo bago
matulog,” paalala ng
kanilang nanay. Waring
walang narinig sina Melody at
Herman.
Kinabukasan,
papasok na sana
sila sa paaralan ng
halos sabay na
hinawakan nila ang
kanilang pisngi.
“Aray!” ang sabi ni
Melody. “Nanay!”
ang tawag naman
ni Herman sa
kanilang nanay.
Ano ang nangyari kina Melody at
Herman nang hindi sila
sumunod sa paalala ng kanilang
ina?
Ano ang maaaring mangyari sa
katapusan ng kuwento?
Hayaang ibahagi ng mga bata ang
kani-kaniyang hinuha tungkol sa
katapusan ng kuwento.
a. Pangkat 1: Tagubilin Ko, Gawin
Mo!
Magdula-dulaan tungkol sa
bahaging ito ng kuwento. Kumuha
ng gaganap na nanay, Melody, at
Herman mula sa inyong pangkat.
“Huwag ninyong uubusin lahat ang
laman ng isang kahon ng tsokolate
at baka sumakit ang inyong
ngipin.Magsipilyo rin kayo bago
matulog,” paalala ng kanilang
nanay.
b. Pangkat 2: Paalala!
Gumuhit ng isang kahon ng
tsokolate.Sumulat ng paalala tungkol sa
tamang pagkain nito. Gawin ito sa
bondpaper at ipaskil sa silid-aralan
pagkatapos ng pag-uulat.

PAALALA
_____________________
________________
_____________________
_____________
________________
c. Pangkat 3: Sulat Paumanhin…
Gumawa ng sulat sa inyong ina tungkol sa
paghingi ng paumanhin sa hindi ninyo
pagsunod sa kaniyang paalala. Pag-usapan
ninyo kung ano ang ilalagay sa sulat. Gawin
ito sa bondpaper.
Oktubre 14, 2012
Mahal naming nanay,
______________________________________________
______________________________________________
__________________________
Nagmamahal,
Melody at Herman
Sino-sino ang tauhan sa
kuwento?

Ano ang pasalubong ng nanay


kina Melody at Herman?
Ano ang paalala ng nanay
kina Melody at Herman?
Mabuti ba sa ating
kalusugan ang sobrang
pagkain ng tsokolate?

Ano-ano ang dapat


tandaan sa pagkain
ng tsokolate?
Tama ba ang gawing
ipinakita nina Melody at
Herman?

Kung sila ay gagawa


ng isang sulat
paumanhin, ano kaya
ang nilalaman nito?
Pinapaalalahanan tayo
ng ating magulang
upang hindi tayo
mapahamak. Bilang mga
anak, ano ang gagawin
ninyo sa mga paalala ng
inyong magulang?
Paano ninyo naunawaan ang
kuwento?
Tandaan
Mauunawaan ang kuwento sa
pamamagitan ng pagbibigay
ng kahulugan ng mga salitang
nabasa, pakikilahok sa
talakayan ng grupo o klase, at
pagbibigay ng hinuha sa
mangyayari sa kuwento.
Ikatlong Araw
“ Ang Paalala ni Nanay”
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
2. Saan galing ang nanay?
3. Ano ang pasalubong ng nanay?
4. Kailan kinain nina Melody at
Herman ang tsokolate?
5. Ano ang paalala ng nanay
kina Melody atHerman?
6. Sinunod kaya nila ito? Paano
mo ito nasabi?
7. Kung ikaw si Melody o si
Herman, ano ang gagawin mo?
Bakit?
Ano-anong salitang pananong
(question words) ang ginagamit
upang matukoy ang detalye ng
kuwento?

2. Ano ang sagot sa tanong na:


Sino?Ano?Saan?Kailan?Paano?
Bakit?
Ano-anong salitang pananong
(question words) ang ginagamit
upang matukoy ang detalye ng
isang kuwento.
Tandaan:
Gumagamit tayo ng mga salitang
pananong (question words) upang
matukoy ang detalye ng isang
kuwento tulad ng:
1.Sino – tumutukoy sa kung
sino ang pinag-uusapan at
mga tauhan ng kuwento.

2. Ano – tumutukoy sa bagay


na pinag-uusapan o ang
pangyayari sa kuwento.
3. Saan – tumutukoy sa lugar o
pinagyarihan ng kuwento o
pangyayari.

4. Kailan – tumutukoy sa
panahon kung kailan naganap
ang pangyayari sa kuwento.
5. Paano – tumutukoy sa paraan o
solusyon sa suliranin sa kuwento. Itorin ang
sumusukat sa mas mataas na pag-unawa
(HOTS) tungkol sa detalye ng kuwento.

6. Bakit – tumutukoy sa dahilan ng


pangyayari sa kuwento. Ito rinang
sumusukat sa mas mataas na pag-unawa
(HOTS) tungkol sa detalye ng kuwento.
Kumuha ng isang
maikling kuwento sa
ibang aklat at
magtanong sa mga
detalye nito.
Ang Susi sa Tagumpay
Akda ni Violeta U. Esteban

Bata pa lamang si
Grace ay kinakitaan na siya
ng pagiging masipag at
matiyaga. Ibinubuhos niya
ang lahat ng kaniyang
makakaya sa lahat
ng kaniyang gawain.
Siya na ang inaasahan ng
kaniyang magulang sa mga
gawaing bahay habang sila
ay abala sa
paghahanapbuhay
upang sila ay may pantustos
sa araw-araw nilang
pangangailangan.
Dahil sa hirap ng kanilang
buhay, napilitan siyang
pumunta sa Maynila. Pinag-
aral siya ng Sekondarya ng
kaniyang tiya doon. Mahirap
din ang kanilang pamilya
kaya‟t kinailangan niyang
tumulong sa kanila.
Naging suliranin niya kung
paano siya makakatapos ng
kolehiyo. Pangarap pa mandin niya
na maging isang guro. Naglakas
loob siyang kausapin ang kaniyang
tiyo na nakapangasawa ng taga-
Quezon na tustusan ang kaniyang
pag-aaral. Malapit lang kasi ang
paaralan ng kolehiyo sa kanilang
bahay.
Madaling araw pa lamang ay
gumigising na siya upang gawin
ang mga gawaing bahay.
Pagkatapos ng lahat ng kaniyang
gawain ay nagbabasa-basa
naman siya ng mga aklat. Tuwing
ika-apat ng hapon pa kasi ang
kaniyang pasok hanggang ika-
walo ng gabi.
Pinaplano niyang mabuti ang
kaniyang mga gawain sa
paaralan at sa bahay upang
magampanan niya pareho
ang mga ito nang maayos.
Tuwang-tuwa ang kaniyang tiyo
dahil nakatapos siya bilang guro
na may gintong medalya.
Bilang isang guro, ginampanan niya
ang kaniyang sinumpaang
tungkulin sa
pamamagitanng pagtuturo nang
may dedikasyon at may puso. Dahil
sa kaniyang hindi matatawarang
kontribusyon sa edukasyon,
ginawaran siya bilang isa sa mga
“Natatanging Guro” ng bansa.
1. Sino ang
binabanggit sa
lathalain?
a. Si Grace
b. ang nanay
c. Tiyo
2. Ano-ano ang taglay
niyang katangian mula
pagkabata?
a. Mabait at palakaibigan
b. Masipag at matiyaga
c. Masunurin at
mapagbigay
3. Bakit siya na ang inaasahan sa
mga gawaing bahay ng kaniyang
magulang

a. Walang kakayahan ang


kaniyang
magulang sa paggawa.
b. Lumpo ang kaniyang magulang.
c. Abala ang kaniyang magulang
sa paghahanapbuhay.
4. Saan siya nag-aral
ng sekondarya?
a. sa Quezon
b. sa Maynila
c. sa Bicol
5. Ano ang kaniyang naging
suliranin?

a. Kung paano siya


makakatapos ng kolehiyo
b. Kung paano niya gagawin
ang mga gawaing bahay
c. Kung paano siya luluwas sa
Maynila
6. Paano niya ito nabigyan ng
solusyon?
a. Humingi siya ng pera sa
kaniyang tiyo
b. Kinausap niya ang kaniyang tiyo
na tustusan ang kaniyang pag-
aaral
c. Nagtrabaho siya sa isang
tindahan
7. Kailan siya pumapasok sa
kolehiyo?
a. Tuwing ika-apat hanggang
ikawalo ng gabi
b. Tuwing ika-pito hanggang
ikaapat ng hapon
c. Tuwing ika-isa hanggang
ikaapat ng hapon
8. Bakit tuwang-tuwa ang kaniyang
tiyo?

a. Nagawa niya nang maayos ang


kaniyang gawain
b. Pumapasok siya naang
naglalakad lamang
c. Nakatapos siya bilang guro na
may gintong medalya
9. Bakit siya ginawaran na isa sa mga
“Natatanging Guro” ng bansa?

a. Dahil sa kaniyang di matatawarang


kontribusyon sa edukasyon.
b. Ginampanan niya ang kaniyang
sinumpaang tungkulin sa pamamagitan
ng pagtuturo nang may dedikasyon at
may puso
c. Dahil sa kombinasyong sagot sa A at
B.
10. Bilang isang bata, paano mo
tutularan si Grace?

a. Kukuha rin ng kurso sa pagka-guro


pagdating sa kolehiyo
b. Sisikaping isaisip, isapuso at isabuhay
ang mga natatanging katangian para
maging susi ng tagumpay
c. Sa Maynila at Quezon din mag-aaral
Ikaapat na Araw
Layunin: Nababasa ang mga kuwento,
alamat, balita, at iba pa nang may
kasanayan at kahusayan.
Nakasusulat at nakabubuo ng mga
pangungusap at talata tungkol sa
karanasang nabuo mula sa
pangkatang pagkukuwento.
Nakabubuo ng kuwento, patalastas,
atbp.gamit ang tamang salita at
maayos na teksto.
Tungkol saan ang
kuwento at ano ang
pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari
sa kuwento
Naranasan nyo
na rin ba ang
sitwasyon sa
kwento?
Paano kayo
nakabuo ng
inyong kuwento?
Paano ninyo ito
isinulat at binasa?
Tandaan!
Nakabubuo ng kuwento sa
pamamagitan ng paggamit ng
sariling karanasan batay sa
kuwentong nabasa. Isinusulat
ito gamit ang pamantayan sa
pagsulat at binabasa ito nang
may wastong bigkas, diin,
wastong paghinto, at
pagsunod sa bantas.
Bumuo ng apat (4) na
pangkat. Magbahaginan
ng sariling karanasan
tungkol sa pagtulong sa
gawaing bahay. Gumawa
ng maikling kuwento
tungkol dito. Iulat ito sa
klase pagkatapos
Brainstorming Activity”.

Bumuo ng isang talata.


Pumili sa mga nakatalang
paksa. Paligsahan
sa______(Pagtula/Pag-
awit/Pagsayaw/Quiz
Bee/Pagguhit )
Mga gabay na tanong sa
pagbubuo ng inyong talata.
a. Ano ang sinalihang
paligsahan?
b. Ano-ano ang ginawa
ninyong paghahanda para
sa paligsahan?
c. Ano ang mga
pangyayari sa araw ng
paligsahan?
d. Ano ang resulta ng
paligsahan?
e. Kung kayo ay panalo, ano
ang inyong pakiramdam at
ano ang ginawa ninyo
pagkatapos?
f. Kung kayo ay natalo, paano
ninyo ito tinanggap at ano ang
ginawa ninyo pagkatapos?
Ikalimang Araw
Pagtataya
Ang Nawawalang Bolpen
Akda ni Virginia C. Lizano

Hindi mapakali si Zaza sa


kaniyang upuan. Inilabas
niya ang lahat ng
laman ng kaniyang bag.
Binuklat-buklat niya ang
kaniyang mga aklat at
kuwaderno.
Sinilip niya ang ilalim ng kanyang
desk.Palakad- lakad din siya sa
silid-aralan habang nakatingin sa
sahig. “Nawawala ang aking
bolpen. Maaari bang mahiram
ang isa mo pang bolpen?”
pakiusap nito sa katabi niyang si
Leandro. Nagtatawa si Leandro
habang nakatingin siya sa
sabitan ng I.D. ni Zaza.
Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang hindi
mapakali sa kaniyang
upuan?
a. si Zaza
b. si Leandro
c. ang guro
2. Nasaan siya?
a. nasa bahay
b. nasa silid-aralan
c. nasa silid-aklatan

3. Ano ang nawawala sa


kaniya?
a. aklat b. kuwaderno
c. bolpen
4. Paano siya naghanap?

a. Tinanong niya ang


kaniyang kaklase.
b. Binuklat niya ang
kaniyang bag at
kuwaderno.
c. Tinanong niya ang
kaniyang guro
5. Bakit kaya nagtatawa si
Leandro?
a. Nasa sabitan ng I.D. ni
Zaza ang hinahanap
niyang bolpen.
b. Sira ang sabitan ng I.D.
niZaza.
c. Walang dalang bolpen
si Leandro.
6. Ano kaya ang gagawin
niLeandro?
a. Pahihiramin niya ng
bolpen si Zaza.
b. Pagtatawanan pa niya
si Zaza.
c. Sasabihin niya kung
nasaan ang bolpen ni
Zaza.
7. Inilabas niya ang
laman ng kaniyang bag.
Ano ang panahunan ng
pandiwang ginamit?
a. Ginawa na
b. Ginagawa pa
c. Gagawin pa lamang
Gamitin sa
pangungusap ang
mga pandiwa.
8. ( naghugas) –
9. ( nagdidilig) –
10. ( maglilinis) -

You might also like