TB Ay Tuldukan
TB Ay Tuldukan
TB Ay Tuldukan
RHYMAR LIMBAGA, MD
ANO ANG TB?
Dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis o TB
bacilli
Pinakamadalas maapektuhan ang baga
Nakakahawa
Napapagamot at naaagapan
PAANO NAKAKAHAWA ANG TB
Kapag ang isang tao ay nakalanghap ng mikrobyo galing sa
isang taong may TB na umubo, bumahing o dumura
SINO ANG PWEDENG MAGKA-TB
Kahit sino ay pwedeng magka-TB
Karamihan sa may sakit na TB ay mula edad 15 hanggang
64
ANU-ANO ANG SINTOMAS NG TB?
Ubong dalawang linggo o higit pa, meron man o wala ng mga
sumusunod:
Pagdura ng plema na minsan ay may bahid na dugo
Lagnat at pagpapawis, karaniwan sa hapon o gabi
Pagbaba ng timbang
Kawalan ng ganang kumain
Pananakit ng likod at dibdib
Panghihina at pagiging madaling mapagod
TANONG
1. Ang Mycobacterium tuberculosis na sanhi ng TB ay isang
a. bacteria
b. virus
c. amag o fungi
d. parasite
SAGOT
a. bacteria
ANO ANG MGA DAPAT MALAMAN
TUNGKOL SA TB?
Hindi totoong mga payat lamang ang nagkaka-TB
Hindi ito namamana
Hindi ito nakukuha sa pagpapagod, pagpupuyat, o
pagkatuyo ng pawis sa likod
Hindi ito nakukuha sa kubyertos at baso na ginagamit ng
taong may TB
Hindi ito nakukuha sa pakikipaghalikan at pakikipagtalik
TANONG
2. Alin sa mga sumusunod ang tama
a. nakukuha ang TB sa paggamit ng kubyertos at baso ng
taong may TB
b. nakukuha ang TB sa pakikipaghalikan sa taong may TB
c. ang TB ay hindi namamana
d. payat lamang ang nagkaka-TB
SAGOT
c. ang TB ay hindi namamana
PAANO MAIIWASAN ANG PAGKALAT NG
TB
Siguruhing maayos ang bentilasyon ng kabahayan
Panatilihing malinis ang kapaligiran
Kumain ng masusustansyang pagkain
Pabakunahan ng BCG ang mga sanggol
PAANO MAIIWASAN ANG PAGKALAT NG
TB?
Sundin ang UBOkabularyo (gabay sa tamang pag-ubo)
Ipagamot ang taong may TB sa Health Center sa inyong
lugar
ANO ANG UBOKABULARYO?
TANONG
3. Alin sa mga sumusunod ang mali
a. magtakip ng ilong at bibig pag may umubo na malapit
sayo
b. Umubo at bumahing gamit ang panyo
c. Ugaliing nasa tamang lugar ang pagdura
d. hindi pwedeng umubo o bumahing gamit ang manggas o
loob ng damit
SAGOT
d. hindi pwedeng umubo o
bumahing gamit ang manggas o
loob ng damit
SAAN AT PAANO MALALAMAN KUNG
ANG TAO AY MAY TB?
Pumunta sa Health Center sa inyong lugar
Ipasuri ang plema (sputum exam)
Magpasuri sa pamamagitan ng X-ray
PAANO GINAGAMOT ANG TB?
Ang DOTS ang pinakamabisang paraan sa paggamot ng TB
DOTS (Directly Observed Treatment Short Course)
ANO ANG MGA POSIBLENG REAKSYON
SA GAMOT SA TB
May mga posibleng reaksyon ang ating katawan tulad ng
pamumula ng ihi ngunit walang dapat ikabahala sa
reaksyong ito
TANONG
4. Gaano katagal ang gamutan sa DOTS?
a. 1-2 na buwan
b. 2-4 na buwan
c. 4-6 na buwan
d. 6-8 na buwan
SAGOT
d. 6-8 na buwan
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG ITINIGIL
ANG PAG-INOM NG GAMOT?
Hindi gagaling
Patuloy na makakahawa
Magkaroon ng resistensya ang mikrobyo laban sa gamut
Mamatay
ANO ANG MANGYAYARI KAPAG
NAKALIGTAANG UMINOM NG GAMOT?
Kung hindi hihigit sa dalawang lingo ang pagtigil,
ipagpatuloy lamang ang pag-inom ng gamot
Kung humigit na sa dalawang lingo, kailangang bumalik
agad sa Health Center upang masuring muli
TANONG
5. Ano ang maaaring mangyayari kung ang pasyente ay
paputol putol sa pag-inom ng gamot
a. gagaling
b. lalakas
c. mamamatay
d. titibay
SAGOT
c. mamamatay
ANU-ANO ANG MAITUTULONG NG
KOMUNIDAD SA PAGSUGPO NG TB?
Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa TB
Pagkumbinsi sa mga taong may sintomas ng TB na
komunsulta sa Health Center at magpasuri ng plema
Maging treatment partner
SINO ANG PWEDENG MAGING
TREATMENT PARTNER
Mga health worker tulad ng nurse, midwife, BHW, at mg
trained community volunteers
ANO ANG MGA TUNGKULIN NG
TREATMENT PARTNER?
Makipagkasundo sa pasyente hinggil sa takdang oras at
lugar ng pag-inom ng gamut
Bigyan at painumin ng gamot ang pasyente araw-araw
Itala sa NTP ID card ang bawat pag-inom ng gamot
ANO ANG MGA TUNGKULIN NG
TREATMENT PARTNER?
Siguruhing magpasuri ng plema ang pasyente sa takdang
panahon
Kumuha ng gamot sa Health Center sa nakatakdang araw
Obserbaham kung may side effects sa pasyente ang
gamut sa TB
MGA RESPONSIBILIDAD NG PASYENTE
Ibahagi ang impormasyon
Sundin ang pag-inom ng gamut
Tumulong sa kalusugan ng komunidad
Makiisa sa mga kapwa pasyente
TANONG
6. Sino sa mga sumusunod ang pwedeng maging treatment
partner sa Tutok-Gamutan?
a. Kapitbahay na walang training
b. Nanay na ulyanin
c. Kapatid na may kakulangan sa pag iisip
d. Tambay sa kanto
e. Miyembro ng pamilya na may training
SAGOT
e. Miyembro ng pamilya na
may training
Source:
Mga Dapat Malaman sa Tuberculosis. Available at www.pbsp.org.ph on November 26, 2018