Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 47
Kay Estela Zeehandelaar
Ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Inihanda ni: Gng. Lerma S. Roman
Kay Estela Zeehandelaar Ito ay isang sanaysay na tatalakay sa isang babaeng nagnais na kumawala sa nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi at mamuhay ng naaayon sa depinisyon niya ng modernong babae-malaya at marunong humarap sa mga pananagutan. Paglinang ng Talasalitaan I. Ibigay ang kahulugan ng nasalungguhitang salita sa pangungusap mula sa akda. Pagkatapos, ipaliwanag ito. 1.Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon. 2.Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makawala sa pagkakaalipin. Paglinang ng Talasalitaan 3. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay. 4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting mga kapatid. Paglinang ng Talasalitaan
5. Kaytagal na inasam ang
emansipasyon, ang hinihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkakaalipin na inasam. ANG SANAYSAY SANAYSAY -ay isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-kuro ng may-akda hinggil sa isang bagay. Dalawang Uri ng Sanaysay (Pormal at di-pormal) Pormal na Sanaysay Impersonal ang tawag sa ibang aklat sa sanaysay na pormal. Naghahatid ito ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham, at lohikal na pagkasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari itong makahulugan, matalinhaga, at matayutay. Ang tono ay seryoso at di-nagbibiro. -ito ay maaaring mapanuligsa, makasaysayan, sosyolohikal at may pilosopiya. -ang paksa nito ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral at pananaliksik. Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng mga sumusunod: • maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita • maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan • lubos na kaalaman sa paksa • mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap Impormal o di-pormal na Sanaysay Nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang- araw-araw na paksa. Pamilyar ang ganitong uri ng sanaysay. Gumagamit ng mga salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-usap lamang. Palakaibigan ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may akda ang pananaw nito. Ang malaya o di-pormal na sanaysay ay higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple at kadalasang natural ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ang dahilan kung bakit waring pamilyar o malapit ito sa damdamin ng mga mambabasa. Madali itong maunawaan at parang nakikipag-usap lamang. Ang Pagsulat ng Sanaysay Ang pagsulat ng sanaysay ay nangangailangan ng masusing pag-iisip. Dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:
• Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano
bubuuin ang mga kaisipan • Piliin ang paksang kawili-wili •Mahusay na pagkakabuo • Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang sanaysay •Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na kahulugan Pagsulat ng simula • paggamit ng retorikal na tanong • paggamit ng mga sipi • paggamit ng mga hiram na elemento mula sa panitikan • paggamit ng mga hiram na elemento mula sa pamamahayag • mas mainam na ihayag ang “ thesis statement “ sa simula upang mabigyang pokus ang argumento at mensaheng nais ipahayag. Pagsulat ng katawan • Isang ideya isang talata lamang. • Ang huling pangungusap ng isang talata ay maaring magsilibing transisyon. Maari ding tumayo ang isang pangungusap na talatang transisyon. • Ang mga sumusuportang ideya ay maaring ihiwalay bilang isang talatang pangungusap. Dapat lamang tiyaking ang susunod na talata pagkatapos nito ay talatang nagpapaliwanag sa ideya ng sinundang talatang pangungusap. Pagsulat ng konklusyon
• Ang konklusyon ay hindi lamang
paglalagom ng kabuuan ng sanaysay. • Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay. Alam mo ba na…
Sa isang sanaysay, makatutulong nang
malaki sa pag-oorganisa ng ideya ang mga pag-ugnay? Ang mga pang-ugnay ay nauuri rin bilang mga salitang pangkayarian. Ang mga pang-ugnay ay ang mga sumusunod: a. pangatnig(conjunction)- mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Halimbawa: Tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi, at iba pa. b. pang-angkop(ligature)- mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Halimbawa: Na, ng, at iba pa c. pang-ukol(preposition)- mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita. Halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay, hinggil sa/hinggil kay, at iba pa 3 bahagi ng Sanaysay 1.Panimula 2.Katawan 3.konklusyon 1. pag-ibig 5.kaibigan 2.Kapalaran 3.Pangarap 4.pamilya Maikling pagsusulit
1-4 (4) na uri ng tula
ayon sa layon 5. Ito ay namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo sa pamamagitan ng mga taludtod 6. Ito ay naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari 7. Ito ay nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay 8. Ito ay nagbibigay – aliw o lumilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay nagpapatawa, nanunudyo o isang masagisag na palaisipan 9. Siya ay ipinagmamalaki ng kaniyang mga kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa musika. 10. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng hugis, kulay, anyo sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran 11. Ginanahan sa (paglamon, pagkain) ang mga bagong dating na bisita 12. (Mapili,Maarte) siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba 13. Bagay kay Jose ang kanyang (makipot, maliit) na bunganga 14. Pagbabago 15. Makatayo sa sariling paa 16. ay isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro- kuro ng may-akda hinggil sa isang bagay 17-18 Dalawang uri ng sanaysay 19. Naghahatid ito ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham, at lohikal na pagkasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. •20. Maaari itong makahulugan, matalinhaga, at matayutay. Ang tono ay seryoso at di-nagbibiro 21. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw- araw na paksa. 22-24 (3) bahagi ng sanaysay 25. Ruth Elynia P. Mabanglo •1.Tulang Mapaglarawan 2.Tulang Mapagpanuto 3.Tulang Mapag-aliw 4.Tulang Mapag-uroy •5. mapagpanuto •6. mapaglarawan •7. mapag-uroy •8. mapag-aliw •9. Sitti Nurhaliza •10. salitang mapaglarawan •11. pagkain •12. mapili •13. maliit •14. bagong panahon •15. emansipasyon •16. sanaysay •17.pormal •18. di- pormal •19. pormal •20. pormal •21. di-pormal •22-24 •Panimula •Katawan •Konklusyon •25. mali