Kabanata 11111

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA 1.

“Ang Suliranin at
Sanligan nito”
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Ang rasyonal (o rationale sa salitang Ingles) ay
isang panimula, introduksyon o unang bahagi
ng papel. Ito ay tumutukoy sa parte kung saan
matatagpuan ang mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa paksa at kung ano ang
mga salik kung bakit pinili ng manunulat ang
paksa. Sinasagot dito ang mga tanong ukol sa
mga kadahilanan kung bakit pag-aaralan ang
paksa at iba’t ibang aspeto tungkol sa kabuuan
ng papel.
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang kaligiran ng paksa ay tumatalakay sa kung


ano ang limitasyon at hangganan ng sakop ng
pag-aaral sa paksa, ang lugar kung saan
gagawin ang pag-aaral, at kung sino-sino ang
kabilang sa mga pag-aaralan (o
subjects/respondents sa salitang ingles). Ito ay
bahagi din ng panimula.
II. Paglalahad ng Suliranin
Inilalahad ang pangkalahatang layunin o
dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
Tinutukoy din dito ang mga pangunahing
suliranin na nasa anyong patanong. Sa
bahaging ito nilalahad at inilalarawan ang
suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus.
Inilalahad ditto ang mga impormasyong
tungkol sa kahalagahan ng paksa.
II. Paglalahad ng Suliranin
Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng
pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad
ay nararapat na masagutang lahat ayon sa
pagkakasunod-sunod nito.
II. Paglalahad ng Suliranin
Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin:

 ANYONG PATANONG (Question Form) -


Ginagamitan ng tanong na "Ano" o "Paano"

• AYONG PAPAKSA (Topical Form) - Ang anyong


ito ay mas ginagamit sa mga pangkalakalang
pananaliksik na sa halip na tawaging
"paglalahad ng suliranin" pinapalitan ito ng
katagang "mga layunin ng pag-aaral".
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Nilalahad dito ang signifikans ng


pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng
pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang
makikinabang sa nasabing pag-aaral.
Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan
ng buong pag-aaral at kung ano ang
magiging kontribusyon nito sa larangan ng
edukasyon at siyensya.
IV. Saklaw at Limitasyon
Tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng
pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang
lawak ng angkop ng ginagawang pagaaral.
IV. Saklaw at Limitasyon
• Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang
talata ay naglalaman ng saklaw ng pag aaral,
habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy
naman sa limutasyon ng pananaliksik.

Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang
maaaring sasaklawin sa pag aaral. Ipinapakita
sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng
ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din dito ang
mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang
katatagpuan ng mga datos na kakailanganin.
IV. Saklaw at Limitasyon

• Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang


ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar
at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati
na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.
V. Depinisyon ng mga Teminolohiya
Inililista rito ang mga salitang ginagamit sa
pagaaral. Tanging mga katawagan, salita, o
pariralang may espesyal na gamit o natatanging
kahulugan sa pag-aaaral ang bibigyan ng
depinisyon. Ang pagbibigay ng kahulugan ay may
dalawang paraan...
V. Depinisyon ng mga Teminolohiya
Maaaring itong:
Operasyonal na Pagpapakahulugan – dito bibigyang
kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na
ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa
paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap.

Konseptwal na Pagpapakahulugan – Ito ay ang istandard


na kahulugan. matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay
isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na
nauunawaan ng maraming tao.

You might also like