Chapter 1
Chapter 1
Chapter 1
Pananaliksik
Kabanata 1
ANG PAG-AARAL
AT SALIGAN NITO
1. Panimula – nakatala rito ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksa. Inilalahad dito kung saan at
paano nagsimula ang ideya. Ito ay isang
maikling talatang kinapalolooban ng
pangkalahatang pagtalakay sa paksa.
Dito tinatalakay ang mga sagot sa
tanong na “ano at bakit”.
Ano ba ang tungkol sa iyong
pinag-aaralang paksa at Bakit
kailangan pa itong pag-aralan?
Sa mga mananaliksik na mag-
aaral ang isa’t kalahating pahina
sa bahaging ito ay sapat na.
2. Kaligirang Pangkasaysayan
– ito ay naglalarawan sa rason o
pangayayari na sinaunang
naganap o kaya ay ginawa na
siyang tumuloy sa kung ano o
bakit ganito ang isang bagay,
tao, pangyayari at iba pa.
3. Teoretikal na Balangkas – ang teorya ay
paglalahad na naglalaman ng mga
abstraktong paglalahat tungkol sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto. Ito
ay ang pangkalahatang paglalarawan ng
mga konseptong susuriin sa pananaliksik.
Isinasaalang-alang dito ang iba’t ibang
magkakaugnay na teorya na magsisilbing
batayan sa gagawing pag-aaral.
4. Modelong Konseptwal – isang
representasyon ng isang sistema.
Binubuo ito ng mga konseptong
ginagamit upang matulungan ang
tao na malaman, maunawaan o
gayahin ang isang paksa na
kinakatawan ng modelo. Ito rin ay
isang set ng mga konsepto.
5. Paglalahad ng Suliranin – inilalahad
ang pangkalahatang layunin o dahilan
kung bakit isinasagawa ng pg-aaral.
Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing
suliranin na nasa anyong patanong. Sa
bahaging ito inilalahad at inilalarawan
ang suliraning nais bigyan ng
mahalagang pokus.
Inilalahad dito ang mga
impormasyong tungkol sa
kahalagahan ng paksa.
Ito ay isa sa pinakamahalagang
bahagi ng pananaliksik. Ito ang
pokus o sentro ng pag-aaral. Ang
mga katanungang inilahad ay
nararapat na masagutang lahat
ayon sa pagkakasunud-sunod nito.
6. Kahalagahan ng Pag-aaral –
inilalahad dito ang signifikans ng
pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa
ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino
ang makikinabang sa nasabing pag-
aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang
kahalagahan ng buong pag-aaral at kung
ano ang mga magiging kontribusyon nito
sa larangan ng edukasyon at siyensya.
7. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral –
tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter
ng pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito
ang lawak at sakop ng ginagawang pag-
aaral.
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang
unang talata ay naglalaman ng saklaw ng
pag-aaral, habang ang ikalawang talata ay
tumutukoy naman sa limitasyon ng
pananaliksik.
Tinatalakay sa bahaging ito ng
pananaliksik ang maaaring saklawin
sa pag-aaral. Naglalaman ito ng
tiyak na bilang ng mga kasangkot sa
pag-aaral, tiyak na lugar at
hangganan ng paksang tatalakayin
pati na ang tiyak na panahong
sakop ng pag-aaral.
8. Katuturan ng mga
Terminolohiya – inililista rito ang
mga salitang ginamit sa pag-aaral.
Tanging mga katawagan, salita o
pariralang may espesyal na gamit o
natatanging kahulugan sa pag-aaral
ang bibigyang depinisyon. Ang
pagbibigay ng kahulugan ay may
dalawang paraan.
a. Operasyonal na Pagpapakahulugan – dito
bibigyang kahulugan ang mga salitang mahalaga
o pili na ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang
linaw ang mga ito sa paraan kung paano ito
ginamit sa loob ng pangungusap.