MIGRASYON
MIGRASYON
MIGRASYON
MIGRASYON
PAKSA: MIGRASYON: KONSEPTO AT KONTEKSTO
ANG MIGRASYON AY TUMUTUKOY SA PROSESO NG PAG-ALIS O
PAGLIPAT MULA SA ISANG LUGAR O TERITORYONG POLITIKAL
PATUNGO SA IBA PA MAGING ITO MAN AY PANSAMANTALA O
PERMANENTE. ANG DAHILAN NG PAG-ALIS O PAGLIPAT AY
KALIMITANG MAUUGAT SA SUMUSUNOD:
- HANAPBUHAY NA MAKAPAGBIBIGAY NG MALAKING KITA NA
INAASAHANG MAGHAHATID NG MASAGANANG PAMUMUHAY.
- PAGHAHANAP NG LIGTAS NA TIRAHAN.
- PANGHIHIKAYAT NG MGA KAPAMILYA O KAMAG-ANAK NA
MATAGAL NG NANG NANINIRAHAN SA IBANG BANSA.
- PAG-AARAL O PAGKUHA NG MGA TEKNIKAL NA KAALAMAN
PARTIKULAR SA MGA BANSANG INDUSTRIYALISADO
PAGKAKAIBA NG FLOW AT STOCK FIGURES
ANG FLOW AY TUMUTUKOY SA DAMI O BILANG NG MGA
NANDARAYUHANG PUMAPASOK SA ISANG BANSA SA ISANG TAKDANG
PANAHON NA KADALASAN AY KADA TAON. MADALAS DITONG GAMITIN
ANG MGA SALITANG INFLOW, ENTRIES OR IMMIGRATION. KASAMA
DIN DITO ANG BILANG NG MGA TAONG UMAALIS O LUMALABAS NG
BANSA NA MADALAS TUKUYIN NA EMIGRATION, DEPARTURES OR
OUTFLOWS.
SAMANTALA, ANG STOCK AY ANG BILANG NG NANDAYUHAN NA
NANINIRAHAN O NANANATILI SA BANSANG NILIPATAN. MAHALAGA
ANG FLOW SA PAG-UNAWA SA TREND O DALOY NG PAGLIPAT O
MOBILITY NG MGA TAO HABANG ANG STOCK NAMAN AY
MAKATUTULONG SA PAGSUSURI SA MATAGALANG EPEKTO NG
MIGRASYON SA ISANG POPULASYON.
PAKSA: MIGRASYON: PERSPEKTIBO AT PANANAW
HINDI NA MABABAGO ANG MIGRASYON O PANDARAYUHAN.
SIMULA PA LAMANG NG PAGSIBOL NG KANIHASNAN AY MALIMIT NA
ANG PAGDAYO NG TAO TUNGO SA MGA LUGAR NA MAGBIBIGAY SA
KANYA NG PANGANGAILANGAN MAGING ITO MAN AY USAPING
PANGKABUHAYAN (EKONOMIKO), SEGURIDAD (POLITIKAL) O MAGING
PERSONAL.
ANG PAGGALAW O DALOY NG MIGRASYON AY MAKIKITA SA IBA’T
IBANG ANYO. NANDARAYUHAN ANG MGA TAO BILANG
MANGGAGAWANG MANWAL, HIGHLY QUALIFIED SPECIALISTS,
ENTREPRENEUR, REFUGEES, O BILANG ISANG MIYEMBRO NG
PAMILYA.
BINIGYANG-DIIN SA PAG-AARAL NI STEPHEN CASTILES AT
MARK MILLER SA KANILANG AKDANG THE AGE OF MIGRATION
SA BUONG MUNDO, IBA’T IBANG ANYO AT DALOY NG
MIGRASYON ANG NAKAPANGYAYARI BILANG TUGON SA
PAGBABAGONG PANGKABUHAYAN, PAMPOLITIKAL, KULTURAL,
AT MARAHAS NA TUNGGALIAN SA PAGITAN NG MGA BANSA.
SA KABILA NG MASALIMUOT NA DALOY NG MIGRASYON
AY NAKAPAGTALA SILA NG MGA “PANGKALAHATANG
OBSERBASYON” TUNGKOL SA USAPING ITO NA MABABADA SA
MGA SUMUSUNOD NA IDEYA.
1. Globalisasyon ng migrasyon