Pambansang Pagdiriwang BSA2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

MGA

PAMBANSANG
PAGDIRIWANG

GEAH PEARL ESTACION


LAILAH ESTOYA
KRESTYL ANN GABALDA BSA 2
GLENDY GUILARAN
GWYNETH GALLARDO
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa
boung kapuluan ay yaong napakahalaga
sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang
bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng
mga ito kaya’t tinatawag itong
pambansang pagdiriwang. Karaniwang
idinedeklarang pista opisyal o walang
pasok sa mga opisina at paaralan ang mga
pambansang pagdiriwang.
BAGONG TAON

Tuwing unang araw ng


Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang
sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre
31. Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak.
Nagsisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang
boung sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila
itong family reunion. Dito pinapakita ang pagbubuklod-
buklod ng pamilya.
ARAW NG
REBOLUSYONG
EDSA
Makasaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing
ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng
pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng
diktador. Nagkaisang nagtungo ang libo-libong mga Pilipino
sa EDSA noong Pebrero 22-25 1986. Ito ay sa harap ng Camp
Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga
mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA
Revolution. Tinatawag din itong People’s Power Revolution o
Lakas Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.
ARAW NG
KAGITINGAN

Ang Krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang


nagpapagunita hingil sa mga matatapang na Sundalong
Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag
sa bantayog na ito. Ginigunita ng bansa ang Araw ng
Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. ipinakita rin dito ang
pakakaisa laban sa mga dayuhan.
ARAW NG
MANgGAGAWA

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng


Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil
sa kanilang mga panglilingkod sa lipunan. Sila ang
tumutulong sa atin sa patugon sa ating mga
pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo’y may
pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan
at iba pang bagay.
ARAW NG
KALAYAAN

Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at


ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa
Espanya. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa
bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng bulaklak sa iba pang mga
bayani. Itinataas pa ng Pangulo ng bansa ang watawat ng
Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inhahandang programa,
konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwaang na ito. Sama-sama
ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
ARAW NG
MGA BAYANI

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing


Agosto 26 taun-taon. Nag-alalay ang mga Pilipino ng
mga bulaklak para sa kanila. May mga pataluntunan
pa. pinahahalagahan sa araw na ito an mga nagawa
ng mga bayani para sa kalayaan at kapankanan ng
bansa.
MGA
PANSIBIKONG
PAGDIRIWANG
May iba pang pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang na
dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa
ang mga ito sa ibat-ibang buwan sa bawat taon.
Ipinapakita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng
mga Pilipino. Hindi tulad ng Pambansang Pagdiriwang
na idinideklaang pista opisyal, ng mga pansibikong
pagdiriwang ay karaniwang idinadaraos ng may pasok
din sa opisina at paaralan sa boung bansa. Gayunman,
may ilang lugar naa nagdedeklarng walang pasok gaya
ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakatatag
nito tuwing Agosto 19.
ARAW NG
MGA PUSO

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinapakita natin sa


ating mga mahal sa buhay kung gaano natins ila
inaalala. Ipinapakilala rin natin ang kahalagahan nila.
Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang
ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng
pagdiriwang na ito. Nagbibigay tayo ng kard o
anumang alaala sa araw na ito.
LINGGO NG
PAG-IWAS SA
SUNOG

Ipinagdiriwang ang Linggo ng Pag-iwas ng Sunog sa


buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung
paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa
pag-iwas sa sunog. Natutuhan pa natin ang nararapat na
gawin kapag may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar,
nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa
pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan sa
pag-iwas nito.
ARAW NG MGA
INA AT AMA

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at mga Ama.


Tuwing ikalawang linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at
tuwing ikatlong linggo ng Hunyo ang sa mga Ama. Ginugunita natin sa
mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

LINGGO NG
MAG-ANAK
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng
mag-anak at ang pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
LINGGO NG WIKA

Maraming paligsahan tuwing sasapit sa buwan ng


Agosto. Ito’y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at
pagsulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang
ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng
Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong
bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang
pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at
pinagyayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa
paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa
talakayan.
ARAW NG MGA
NAGKAKAISANG-
BANSA

Pagsapit ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng


mga Nagkakaisang Bansa. Ipinapakita ng pagdiriwang na
ito ang mga ibat-ibang bansa sa buong mundo.
Pagkabuklod-buklod ang simbolo nito. Ang samahan ng
mga nagkakaisang bansa ang nagbubuklod upang lubos
na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa.
Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mg
pataluntunan din inihanda rito. Hindi lamang sa paaralan
kundi pati na sa telebisyon at radyo.
ARAW NG
MGA GURO

Iba-iba ang buwan ng


Pagdiriwang na ito. Dito naman pinahahalagahan ang
kabutihang ginagawa ng ating mga guro.
ARAW NG
MAYNILA/ ARAW
NG LUNGSOD
QUEZON
Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilag
lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba lamang ito ng
petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong
ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng
Maynila. Ika-19 naman ng Agosto ang Araw ng
Lungsod ng Quezon.

You might also like