Komunikasyon 1

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 24

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Layunin:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong pangwika.
(F11PT – Ia – 85)
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at
mga panayam.
(F11PN – Ia – 86)
Mga Konseptong
Pangwika
Awitin ang kantang Pinoy Ako.
..\..\Downloads\Pinoy Ako By OrangeLemons
(w lyrics).mov
Paano kaya kung
walang wika sa
buong mundo?
“Bawat bansa ay may sariling wika; habang
may sariling wika ang isang bayan ay taglay
niya ang kalayaan; ang wika ay pag-iisip ng
bayan”
- Kabanata 7, Si Simoun, El Filibusterismo ni
Dr. Jose P. Rizal
Wika ang namamagitan upang
maunawaan ang sarili, karanasan,
kapwa tao, paligid, mundo, obhetibong
realidad, panlipunang realidad, politika,
ekonomiya, at kultura.
Wika ang daluyan ng kaisipan at
kamalayan ng isang lahi, lipi ay lipunan.
Ibig sabihin, nasa wika ang tanging
paraan upang maisalin ang kaalaman, at
alaala ng isang lahi o lipi at lipunan sa
iba.
Ang wika ay isang Sistema sa
tunog, arbitraryo na ginagamit
sa komunikasyong pantao.
(Hutch, 1991)
Isang paraan ang komunikasyon sa
pagitan ng tao, sa isang tiyak na lugar
para sa isang partikular na layunin na
ginagamitan ng berbal at biswal na
signal para makapagpaliwanag.
(Bouman, 2014)
Kung ang kultura at kabuaan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na
nagtatakda ng maaangking kakayahan ng
isang kalipunan ng tao, ang wika ay di
lamang daluyan kundi higit pa rito,
tagapagpahayag at umpukan-imbakan ng
alinmang kultura.” (Salazar, 1996)
Ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong taong
kabilang sa isang kultura. (Austero
et al. 1999)
Ang wika ay proseso ng pagdadala
at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal.
(Bernales, et al. 2002)
May mahalagang papel ng
ginagampanan sa pakikipagtalastasan.
Ito ang midyum na ginagamit sa maayos
na paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
(Mangahis et al., 2005)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o magkapag-usap ang
isang grupo ng mga tao. (Constantino at
Zafra, 2000)
Gumagamit ang tao ng wika upang
kamtin ang bawat pangangailangan ng
mga ito. (Bienvinido Lumbera, 2007,
Pambansang Alagad ng Sining sa
Literatura
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan
o saloobin, pilosopiya, kaaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala at
mga kaugalian ng mga tao sa lipunan.
(Santiago, 2003)
Ang wika ay lawas ng mga salita at
sistema ng paggamit sa mga ito na
laganap sa isang sambayanan na may
iisang tradisyong pangkultura at pook
na tinatahanan. (UP Diksiyonaryong
Filipino, 2001)
1. Alam ko ba ang kahalagahan
ng wika sa araw-araw na takbo
ng aking buhay?
2. Dapat bang may wikang
pambansang ginagamit ang
mamamayan ng isang bansa?
3. Daan ba sa pag-unlad ang
pagkakaroon ng maraming
wika?
4. Kailangan nga ba ang wika
upang magkaunawaan ng
kausap?
5. Tatak ba ng isang lahi ang
wika?
Pagbuo ng dayalogong may hugot.

You might also like