KUWENTO

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

BEEd II-B

Ancheta, Ariane Joy M.


Gregorio, Janice R.
Tabaldo, Jane Dominique
Kuwento – ito ay mga produkto ng malikhaing-
isip ng tao at naipapahayag ito sa pamamagit ng pasulat
o pasalita.
- ang kuwento ay maaaring gawa-gawa lamang
tulad ng mga kuwentong bayan at maaari rin namang
hango sa totoong pangyayari sa buhay.
Uri ng Kuwento
Kuwentong Bayan – ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan
na kumakatawan sa uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong bayan ng
isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga
mito.
Alamat – ito ay isang uri ng kwento na nagsasalaysay tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig.
Pabula – ang pabula ay maikling kuwento na karaniwan at tungkol sa mga hayop na
kapupulutan ng kabutihang asal.
Maikling Kuwento – ito ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Elemento ng isang Kuwento

Bahagi
Sangkap
Bahagi ng Kuwento
Simula
Tauhan – mga nagsisiganap sa kuwento
Dalawang Uri ng Tauhan
Tauhang Bilog Tauhang Lapad
-Nagbabago ang -Hindi nagbabago
katauhan sa ang pagkatao mula
kabuuan ng akda. simula hanggang
katapusan.

Suliranin
– problemang haharapin ng tauhan.
Gitna
Sagisag ng kasiglahan
-Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan na
masasangkot sa suliranin.
Tunggalian
-Tao vs. Tao, Tao vs. Sarili, Tao vs. Lipunan, Tao vs. Kapaligiran o
Kalikasan.
Kasukdulan
-Dito Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Kakalasan
-nagbibigay tulay o daan sa wakas.
Katapusan
-resolusyon o kinahantungan ng Kuwento.
Sangkap sa Kuwento
Paksang Diwa – Pinaka-kaluluwa ng akda
Kaisipan – mensahe o aral
Banghay – ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
1. Simula
2. Tunggalian
3. Kasukdulan
4. Kakalasan
5. Wakas
“Ti Sagut ni Hana”
Sarita ni Vilma F. Alcayaga

Tallo nga agkakabsat da Hana nga annak


da Tata Julio ken Nana Pina. Mannalon dagiti
nagannak kadakuada. No awan ti klase,
tumultulong dagiti agkakabsat kadagiti obra iti
balay. Ni manangna a Nina ti agdalos iti
balayda. Ni manong na a Pepe ti agpakan iti
dingwenda. Agsagad met iti arubayan ni Hana.
Naragsak dagiti agkakabsat iti panagobrada.
Kaay-ayo met unay dagiti nagannak kadakuada
ti kinatulnog ken kinagagetda.
Nadanon ti aldaw ti panagkasangay ni Hana. Nasapa a
nariinganda ket napanda nakimisa. Nagisagana pay ni
nanangna iti pagsasanguanda.
Idi sumangpet da iti balayda dagus a simrek iti siledna ni
Hana. Nakitana ti maysa a kahon iti rabaw ti katre.
Dinardarasna a linuktan ket nakita na ti maysa a nalabbaga a
bestida. Insuot daytoy ni Hana ket uray la nga insalasalana iti
ragsakna. Daytoy ti sagut da tatang ken nanangna iti
panagkasangayna.
Dagiti damag:
Sino dagiti tattao nga adda iti istoria?
◦ Tata Julio, Nana Pina, Manang Nina, Manong Pepe ken Hana
Panggep ti anya iti istoria?
◦ Ti Sagut ni Hana
Anya iti sagut nga naited ken Hana?
◦ Nalabbaga a Bestida
Sino nagited iti sagut ni Hana?
◦ Tatang ken nanangna.
“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”
by: Sandy Ghaz

Nasa katamtamang estatdo ng pamumuhay ang


pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa
Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong
gulang na anak nina Julio at Vina Cruz. Nagtatrabaho
sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang
ama ni Kulas samantalang kahera naman sa isang
tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng
sapatos ng anak ay nagtaka ito. “Nak, ba’t ang lumang
rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka
namin ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata.
Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang
sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at
dali-daling tumakbo palabas ng bahay. “Leon, bilisan mo nariyan na iyong
school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya
palabas.
Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang
bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang pananganay na
may karton na naglalaman ng bagong sapatos. “Ma, kanino po ‘tong rubber
shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.
Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber
shoes at mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sakanya.
Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E.
nila.
Pagkalipas ng isang linggo nagulat si Vina noong sinumbatan siya ni Julio
habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng
dyaryo sa higaan nila. “Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas
kaya naubos ang sweldo mo? Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi
ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niyang bumili talaga siya ng
bago at mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.
Pagdating ng tanghalian nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na
ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak. “Nak,
binilhan kita ng bagong sapatos e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?”
tanong ni Vina sa anak.
Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang
sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto
na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatna niyang palakad-lakad si Kulas at
balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na
pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.
“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng
paaralan ang bagong sapatos na binili niyo para sa akin,” pagtatapat ng
bata.
“ano? Binilhan ka ng bago tapos ipapamigay mo lang pala? Walang
mali sa pagbibigay anak pero sana, isipin mo rin na binili namin ng papa
mo iyon para sa iyo. Nagsinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.
Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigy nito pero
pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang
dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga
binigay nila ng ama niya dahil pinaghirapan nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan
na niya ang susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibihay sa kanya ng
mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.
Mga tanong:
Tungkol saan ang kuwento?
◦ Mga nawawalang sapatos ni Kulas
Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
◦ Julio, Vina, Kulas at Leon
Bakit nawawala ang mga sapatos ni Kulas?
◦ Binibigay niya sa kaibigan niya sa labas ng kanilang paaralan
Ano ang mapupulot na aral sa kuwento?
◦ Huwag magsinungaling at pahalagahan ang mga binigay ng mga
magulang
Estratehiya:
•Classroom Buntings – ito ay makulay na klase na aktibidad na kung
saan ang ma mag-aaral ay susulat ng mga idea at konsepto na
natutunan nila sa klase sa buntings na prinepera.
•Fashion Show – ipakita ang kanilang talent sa pamamagitan ng
kinesthetic sa katawan na gawain. Ang mga mag-aaral ay magiging
Binibini at Ginoo.
•Exit pass – Paglalahat ng mga ideya ng mga mag-aaral. Binibigyang
pagkakataon nito ang lahat sa klase upang isulat o itala ang mga
natutunan sa pamamagitan ng slip na magsisilbing ticket.
•Happy Ending – naayon sa klase sa panitikan na kung saan
makakabuo at mabibigyan ng masayang pagtatapos ang mga kuwento.
•I am an author – pagsususlat ng estratehiya para sa mga estudyante
na magpapanggap na isang manunulat ng mga libro. Sila ay maaaring
sumulat ng mga kuwento, sanaysay, tula at panitikan.
•Rebus – pasusulat ng simpleng tula na kung saan buburahin nila ang
mga ilang salita at papalitan ito ng guhit o ilustrasyon base sa salitang
tinanggal. Makatutulong upang hubogin ang masisining na pag-iisip ng
mga mag-aaral.

You might also like