Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16
MGA URI NG TEKSTO, PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Senior High School Department
TEKSTONG PERSUWEYSIB PAGKATAPOS NG ARALING ITO, DAPAT NA:
1. nakikilala mo ang mga tekstong nasa uring
persuweysib; 2. nabubuo mo ang halimbawang pangungusap na nagtataglay ng katangian ng tekstong persuweysib; at 3. naisasabuhay mo ang mga paraan ng panghihikayat. SAGUTIN
Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging pinuno ng
inyong bayan, anong plataporma ang pagtutuunan mo ng pansin?
Paano mo mahihikayat ang mga tao na maniwala sa
iyong mga adbokasiya bilang isang kandidato? TEKSTONG IMPORMATIBO AT DESKRIPTIBO Tekstong Impormatibo at Deskriptibo Sa naunang aralin ay tinalakay ang kahulugan at katangian ng mga tekstong Impormatibo at Deskriptibo. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay ng bagong impormasyon samantalang paglalarawan o pagbuo ng imahe sa isip ng mga mambabasa o nakikinig ang layunin ng tekstong deskriptibo. TEKSTONG IMPORMATIBO AT DESKRIPTIBO Halimbawa: Ang kasaysayan at balita ay ilan lamang sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo. Ang mga lathalain at mga akdang pampanitikan naman ay ilan lamang din sa mga halimbawa ng tekstong deskriptibo. TEKSTONG PERSUWEYSIB Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig. Ito ay isa sa mahahalagang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon. Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat matutunan ng tao. TEKSTONG PERSUWEYSIB Nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga mambabasa, manonood, at tagapakinig. Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak, tulad na lamang ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang isang kandidato o kung bakit dapat bilhin ang isang produkto. TEKSTONG PERSUWEYSIB Halimbawa: Mga advertisement sa radyo at telebisyon Talumpati sa pangangampanya at rally PALIWANAG: Ang mga advertisement ay naglalayong hikayatin ang mga mamimili na tangkilikin ang kanilang iniindorsong produkto o serbisyo. Tuwing panahon ng eleksyon, nanghihikayat ang nilalaman ng mga talumpating binibigkas ng mga kandidato upang hingin ang boto ng mga mamamayan. Ang mga talumpati sa rally ay naglalayong hikayatin ang mga nakikinig. TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE Ayon kay Aristotle, may tatlong paraan para mahikayat mo ang iyong mga mambabasa. Ethos naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapat na kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o tagapagsalita. PATHOS pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang paraan upang makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay. Logos paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa panghihikayat. HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB Panahon na naman ng eleksyon. Kailangan nating pumili ng bagong lider na magtataguyod ng mabubuting serbisyo para sa taumbayan. Napakaraming pulitikong nangangakong pagsisilbihan nila ang bayan subalit paano tayo nakasisiguro sa kanilang mga binibitiwang salita? Naririto ako ngayon sa inyong harapan upang buksan ang inyong isip kung sino nga ba ang nararapat na maging bagong lider. HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB Ang inyo pong lingkod ang magdudulot ng bagong pag- asa sa ating lipunan. Ang kailangan natin ngayon ay isang pinunong tapat, may malinis na puso, at may takot sa Diyos, mga katangiang tinataglay ng inyong lingkod. Kaya panahon na upang maitama ang nasira nating landas sa mga nagdaang liderato. Nangangako akong hindi kayo magsisisi kung bibigyan ninyo ako ng pagkakataong mahalal. Maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat! HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB Paliwanag: Hinihikayat nito ang mga mamamayan upang siya ay iboto. Binigyang-pansin niya ang kaniyang mga katangian. Sa pamamagitan nito, mabubuksan ang isip ng mga mamamayan tungo sa pagpili ng tamang pinuno. MGA PAALALA Ang tekstong Persuweysib ay iba sa tekstong Argumentatibo. Sa persuweysib, hinihikayat ng manunulat o tagapagsalita ang mga mambabasa at tagapakinig na maniwala sa kanilang mga inihahayag na prinsipyo, samantalang sa argumentatibo ay naghahain ng isang proposisyon na maaaring tutulan o sang-ayunan ng manunulat o tagapagsalita. MAHAHALAGANG KAALAMAN Ang tekstong Persuweysib ay isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay gumagamit ng mga pananalitang tumutulong upang mahikayat ang mga mambabasa at tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag nitong ideya o paniniwala. Ang halimbawa nito ay ang mga advertisement at mga talumpating nanghihikayat. May tatlong paraan ng paghikayat ayon kay Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.