Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26
PAMILIHAN
Iba ang kahulugan ng “pamilihan”
sa pormal na pag-aaral ng ekonomiks kaysa sa kahulugan nito sa pang-araw-araw na usapan. Bagama’t nauugnay pa rin ito sa pagpapalitan ng produkto at serbisyo ay hindi ito kasingkahulugan ng palengke, kung saan nagaganap ang mismong pagpapalitan. KONSEPTO NG PAMILIHAN Ang pamilihan ay hindi lamang isang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda. Ito ay isang mekanismo kung saan nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamimili at ang mga manininda upang tukuyin ang presyo ng mga kalakal at alamin kung gaano karaming transaksiyon ng pagbili at pagtitinda ang magaganap. DALAWANG SUKDULANG ANYO NG PAMILIHAN Pamilihan na may ganap na kompetisyon at monopolyo. Samantala, may mga anyo ring nagtataglay ng pinagsamang mga katangian ng dalawang uri ng pamilihang nabanggit. PAMILIHAN NA MAY GANAP NA KOMPETISYON Sinasabing ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon kung tinatanggap ng mga bahay- kalakal na wala silang kakayahang impluwensiyahan ang umiiral na presyo sa pamilihan. Kung ang isa ay magtaas ng presyo, aagawin ng mga kakompetensiya nitong bahay- kalakal ang bahagi nito sa kita ng pamilihan. Kahit kaunti o malaki ang produksiyon niya, ang produksiyon ng bahay-kalakal ay patuloy na maipagbibili sa umiiral na presyo sa pamilihan. Ang kompetisyon ay resulta ng pagkakaroon ng limang kondisyon sa pamilihan. 1. Ang pamilihan ay may maraming mamimili at manininda at kung gayon, ang pagkonsumo ng isang mamimili at produksiyon ng isang bahay-kalakal ay napakaliit kung ihahambing sa kabuuang pagkonsumo at produksiyon sa pamilihan. 2. Ang produkto sa pamilihan ay pareho sa lahat ng aspekto kung kaya’t mahirap ibukod ang gawa ng isang bahay-kalakal 3. Ang impormasyon sa pamilihan ay kompleto. Ang kompletong impormasyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng bawat kasapi ng pamilihan ng mga impormasyong mahalaga sa pamilihan tulad ng presyo, produkto, at teknonolohiya. 4.Walang karagdagang gastos na kailangang buuin sa mga transaksiyon kaugnay ng pamimili at pagtitinda. 5.Walang umiiral na hadlang sa pagpasok ng mga bagong bahay-kalakal sa pamilihan. Ang kabuoan ng mga kondisyong nabanggit ay nagpapaalala sa mga bahay-kalakal na ang pasalungat sa umiiral na presyo sa pamilihan ay nangangahulugan ng pagkawala ng bahagi sa kabuuang kita sa pamilihan. Kung magtataas ng presyo, mawawalan ito ng mamimili. Kung magbababa ng presyo, bagamat darami ang mamimili ay malulugi ang bahay- kalakal dahil mas mataas ang halaga ng karagdagang produksiyon kumpara sa presyo nito sa pamilihan. Ang demand curve na hinaharap ng bawat bahay-kalakal sa pamilihang may ganap na kompetisyon ay perfectly elastic o horizontal. Kapag ang isang bahay-kalakal ay sumasalungat sa umiiral na presyo sa pamilihan ay tiyak ang pagkaubos ng bahagi nito sa kabuoang kita ng pamilihan. Kung ito ay magpapataw ng presyo na higit pa sa presyo sa pamilihan, tiyak na wala itong makukuhang kita dahil lahat ng mga customer nito ay lilipat sa ibang mga nagbebenta na handang mag-alok sa mas mababang presyo. Mabigat ang mga kondisyon ng ganap na kompetisyon subalit may mga pamilihan na humigit-kumulang ay nakasusunod sa mga pamantayang ito. Pinakamahusay na halimbawa ang pamilihan ng consumer goods sa mga sari-sari store dito sa Pilipinas. Laganap ang mga sari-sari store sa mga komunidad, kung saan ang mga impormasyon tungkol sa mga ito ay nalalaman ng karamihan. Wala ring masyadong hadlang sa pagpasok sa negosyo. Dahil dito, ang presyo ng mga bilihin ay hindi gaanong nagkakaiba. Pamilihang walang ganap na kompetisyon Salungat sa pamilihan na may ganap na kompetisyon, may mga anyo kung saan ang mga bahay- kalakal ay may kakayahang idikta ang presyo. Nariyan ang monopolyo, oligopolyo, at monopolistikong kompetisyon. Monopolyo Ang sukdulang kabaliktaran ng ganap na kompetisyon ay ang monopolyo. Sumakatuwid, lahat ng limang kondisyon ng ganap na kompetisyon ay sinasalungat ng monopolyo. Una, mayroon lamang iisang bahay-kalakal sa pamilihan at ang kalakal nito ay walang malapit na kapalit sa pamilihan. Dahil dito, may kapangyarihan ang monopolyo na idikta ang presyo ng kaniyang kalakal sa pamilihan. Ito ay nangangahulugan na ang presyo sa pamilihang monopolyo ay maaaring anuman sa mga presyong katapat ng mga punto sa kahabaan ng demand curve. Ang pag-iral ng mga hadlang sa pagpasok ng mga bagong bahay-kalakal sa pamilihan ang pangunahing dahilan kung bakit may monopolyo. Kapag ang monopolyo ay nagtakda ng presyo na mas mababa pa sa gastos ng pagbuo ng karagdagang kalakal ng mga nais pumasok na bahay kalakal sa pamilihan, pipigilan nito ang mga bagong bahay-kalakal na kalabanin ang monopolyo dahil wala silang kakayahang tapatan ang mababang presyo. Isang halimbawa ng monopolyo sa Pilipinas ay ang pamilihan ng telecommunications service mula 1928 hanggang 1993. Noon ay mayroon lamang isang bahay-kalakal sa pamilihang ito. Sa bisa ng Commonwealth Act 3436 ay nabuo ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company. Binigyan ng batas ng eklusibong karapatan ang PLDT sa loob ng 50 taon na magpundar ng telephone network sa buong bansa. Sa pagdaan ng panahon, nangibabaw ang structural barrier upang limitahan ang pagpasok ng mga bagong manlalaro sa pamilihan ng telecommunications service. Yaong mga nakapasok sa industriya paglaon ay may limitadong operasyon lamang. Oligopolyo Sa pagitan ng ganap na kompetisyon at monopolyo ay ang oligopolyo. Kaunti lamang ang bahay-kalakal sa pamilihang ito at ang kalakaran sa negosyo ay sadyang nangangailangan ng estratehiyong pag-iisip. Kapag ganap ang kompetisyon, hindi kailangang alalahanin ang pasiya sa produksiyon ng bahay- kalakal dahil ito ay maliit lamang kung ihahambing sa kabuoan. Sa monopolyo ay madalas na wala namang kailangang alalahanin na kompetisyon. Sa oligopolyo, ang pasiya ng isang bahay-kalakal ay may makabuluhang epekto sa kabuuan ng pamilihan. Ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ay isang cartel na binubuo sa kasalukuyan ng 12 bansang may malakihang pagluwas ng produktong petrolyo. Ito ay nagtatakda ng patakaran para sa mga kasapi tungkol sa pagluluwas ng produktong petrolyo. Kung ang bawat miyembro ay nakikipagtulungan, maituturing na isang malaking monopolyo ang OPEC. Bilang isang monopolyo, may kakayahan ang OPEC na magtakda ng presyo ng petrolyo na hamak na mas mataas kaysa sa itinakda ng pamilihan na may ganap na kompetisyon. Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsang-ayon na babaan ang kanilang pangkalahatang pagluwas upang tumaas ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Monopolistikong kompetisyon Ang pamilihan na may monopolistikong kompetisyon ay may katangian ng isang monopolyo at bahay-kalakal sa isang pamilihan na may ganap na kompetisyon. Sa pamilihang ito, ang mga kalakal ay natatangi dahil sa uri, lokasyon, kalidad. Ang mga bahay-kalakal ng bawat natatanging kalakal ay masasabing isang monopolyo. Subalit, ang bawat natatanging produkto ay maraming substitute. Halimbawa ng ganitong pamilihan ay ang sabon. Maraming sabon sa pamilihan may pampaputi, pamprotekta sa sikat ng araw, pangontra sa mikrobyo, at iba pa. Panghihimasok at gampanin ng pamahalaan Ang pagkakaroon at paggamit ng kapangyarihan upang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan ay nagdudulot ng pagliit sa kabuoang kabutihan sa ekonomiya. Ipinapakita na mas maliit ang produksiyon at pagkonsumo sa mga pamilihan na walang ganap na kompetisyon. Ang maaaring gawin ng pamahalaan ay panalitihing matatag ang pamilihan upang palaganapin ang kompetisyon. Magagawa ito halimbawa sa pamamagitan ng paglansag sa mga hadlang sa pagpasok ng mga bagong bahay-kalakal sa pamilihan. Ang hindi pagsasaalang-alang sa mga benepisyo o gastos sa pagtukoy ng presyo sa pamilihan ay nag-uugat sa kakulangan ng impormasyon tungkol sa kung sino ang mga nagmamay-ari sa mga produkto o serbisyo sa ekonomiya. Isang haimbawa ay ang kalagayan ng mga pagkilos na nagdudulot ng externality o mga panlabas na benepisyo o gastos sa mga kaspi ng lipunan na wala namang direktang kaugnayan sa mga pagkilos na ito. Positive externality Ang tawag kung ang externality ay lumulikha ng panlabas na benepisyo. Sa kalagayang ito, ang pagkilos na may positive externality ay nagdudulot ng pangkahalatang benepisyo sa lipunan na mas mataas kung ihahambing sa pribadong benepisyo na natatanggap ng gumagawa ng pagkilos na ito. Halimbawa ng mga pagkilos na may positive externality ay ang pagbabakuna laban sa mga sakit na pumipigil sa pagkalat ng mga nakakahawang sakit at research and development na lumikha ng makabagong teknolohiya. Negative externality Ang tawag sa externality na lumilikha ng panlabas na gastos. Ang pagkilos na may negative externality ay nagdudulot ng pangkahalatang gastos sa lipunan na mas mataas kung ihahambing sa pribadong gastos na bina- balikat ng gumagawa sa pagkilos na ito. Halimabawa ng mga pagkilos na may negative externality ay ang paggamit ng coal fired power plant sa produksiyon ng koryente na lumilikha n polusyon sa hangin at pagmamaneho ng sasakyan na lumilikha naman ng mabigat na traffic at maging polusyon sa hangin. Ang panghihimasok ng pamahalaan ay dapat nakatuon sa pagpapalawig ng mga pagkilos na may positive externality habang binabawasan naman ang mga pagkilos na may negative externality sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga labis na benepisyo at gastos sa presyo sa pamilihan. Maaaring maglaan ng subsidiya para sa mga pinagmumulan ng pagkilos na may positive externality at magpataw naman ng buwis sa mga pinagmumulan ng pagkilos na may negative externality. THE END ISULAT ANG TAMANG SAGOT SA PATLANG. _______1.Ito ay mekanismo kung saan nagkakaroon ng uganayan ang mga mamimili at manininda upang tukuyin ang presyo. _______2.Ang sukdulang kabaliktaran ng ganap na kompetisyon. _______3.PLDT _______4.Kaunti lamang ang bahay-kalakal sa pamilihang ito at ang kalakaran sa negosyo ay sadyang nangangailangan ng estratehikong pag-iisip. Ito ay pagitan ng ganap na kompetisyon at monopolyo. _______5. OPEC ________6.Ang mga bahay-kalakal ay may kakayahang idikta ang presyo. Ito ay salungat sa pamilihan na may ganap na kompetisyon. ________7.May katangian ng isang monopolyo at bahay-kalakal sa isang pamilihan na may ganap na kompetisyon. ________8.Ang tawag sa externality na lumilikha ng panlabas na benepisyo. ________9.Ang tawag sa externality na lumilikha ng panlabas na gastos. ________10.Tinatanggap ng mga bahay-kalakal na wala silang kakayahang impluwensyahan ang umiiral na presyo sa pamilihan. Sagot: 1.PAMILIHAN 2.MONOPOLYO 3.PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE 4.OLIGOPOLYO 5.ORGANIZATIONS OF PETROLEUM EXPORTING COUNTRIES 6.PAMILIHANG WALANG GANAP NA KOMPETISYON 7.MONOPOLISTIKONG KOMPETISYON 8. POSITIVE EXTERNALITY 9. NEGATIVE EXTERNALITY 10.PAMILIHAN NA MAY GANAP NA KOMPETISYON