Aralin 1 Ang Mga Batayang Kaalaman Sa Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin 1

Ang Mga Batayang


Kaalaman
sa Wika
Layunin ng Talakayan
matukoy ang kahulugan, kahalagahan, at kalikasan ng wika;

makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;

makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at

makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng


magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika ng
Pilipinas.
Daloy ng Talakayan
 Kahulugan ng wika;

 Kahalagahan ng wika;

 Kalikasan ng wika;

 Ilan pang kaalaman hinggil sa wika,; at

 Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas.


Kahulugan Ng Wika
Ayon kay:
 Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

 Bernales et al. (2002)


Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Kahulugan Ng Wika
 Mangahis et al. (2005)

May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan.


Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

 Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra


(2000)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang
grupo ng mga tao.

 Bienvenido Lumbera (2007)


Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.
Kahulugan Ng Wika

 Alfonso O. Santiago (2003)

Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin,


kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala,
at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

 UP Diksiyonaryong Filipino (2001)

Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na


laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?

Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na


binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.

Bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at


kaisipan ng mga mamamayan nito.
Kahalagahan ng Wika
 Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento
nito sa komunikasyon.

 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng


kultura ng bawat grupo ng tao.

 Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay
malaya at may soberanya.

 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at


kaalaman.

 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang
ginagamit.

 Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at


pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Kalikasan ng Wika

 Ang wika ay may masistemang balangkas.

 Ang wika ay arbitraryo.

 Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang


kultura.
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika

Heterogenous ang Ang Tagalog, Ang


sitwasyong pangwika Sinugbuanong Binisaya, bilingguwalismo ay
Ilokano, Hiligaynon, tumutukoy sa dalawang
sa Pilipinas dahil
Samar-Leyte, wika.
maraming wikang Pangasinan,
umiiral dito at may Bikol, at iba pa ay mga Ngayon, hindi na
mga diyalekto o varayti wika. bilingguwalismo kundi
ang mga wikang ito. multilingguwalismo
Ang diyalekto ay ang pinaiiral na
Homogenous ang nangangahulugang patakarang pangwika
sitwasyong pangwika varayti ng isang wika, sa edukasyon.
sa isang bansa kung hindi hiwalay na wika.
iisa ang wikang
Bernakular ang tawag
sinasalita ng sa wikang katutubo sa
mga mamamayan dito. isang pook.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin naman ang


Gagamitin ang Filipino
bilang opisyal na wika sa Ingles bilang isa pang
pag-akda ng mga batas at opisyal na wika ng
mga dokumento ng Pilipinas sa pakikipag-
pamahalaan. usap sa mga banyagang
nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang bansa sa
daigdig.

You might also like