Kakahayang Komunikatibo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Kakayahang Komunikatibo

Mga Tatalakayin
01 Kakayahang Kommunikatibo

02 Kakayahang Lingguwistika (Linguistic Competence)

03 Kakayahang Pragmatika (Pragmatic Competence)

04 Kakayahang Sosyolinggwistika
(Socio-linguistic Competence)
Mga Tatalakayin
05 Kakayahang Diskursal (Discourse Competence)

06 Kakayahang Estrategik (Strategic Competence)


Kakayahang Komunikatibo
Ito ay ang kakayahang magamit ang wika nang wasto at naaayon sa layunin
ng pakikipagtalastasan
Kakayahang Lingguwistika
(Linguistic Competence)
Kakayahang Lingguwistika
(Linguistic Competence)

Ito ay kinabibilangan ng pag-aaral sa istruktura ng wika at


kung paano ito ginagamit ayon sa balarila ng wika.

Ang balarila/ grammar ay sangay ng linggwistika na


tumutukoy sa hanay ng mga panuntunan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaksis, semantika, at ortograpiyang Filipino.
Mga Pag-aaralan sa Mga Pag-aaralan sa
Grammar Retorika
Pagbuo ng mabisang pangungusap Paggamit ng idyoma sa pahayag

Wastong pagpili ng mga salita Paggamit ng tayutay sa pahayag

Wastong pagbigkas ng mga salita Paggamit ng salawikain sa pahayag

Wastong baybay Paggamit ng kasabihan sa pahayag

Wastong Bantas Paggamit ng kawikaan sa pahayag


Kakayahang Pragmatika
(Pragmatic Competence)
Kakayahang Pragmatika
(Pragmatic Competence)

Ang kakayahang pragmatika ay tumutukoy sa


tagapagsalita at tagapakinig na nagpapakita ng kanilang
kakayahang maipabatid at maunawaan nila ang mensahe sa
epektibong pamamaraan, hindi lamang sa paggamit ng wika
kundi sa iba pang estratehiya ayon sa konteksto ng sitwasyon
tulad speech act theory, pagkamagalang/politeness,
cooperative principle, presupposition, at mga di-berbal na
pagpapahayag ng mensahe.
Speech Act Theory
Ito ay may tatlong magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-sabay.
Locutionary Act – Ilocutionary Act – Locutionary Act –
Ito ay isang tungkulin sa Ito ay isang tungkulin na sa Ito ay tumutukoy sa epekto
paggawa sa isang aktong paggawa mo ng isang akto ng mismong pagpapahayag
alam mong makabuluhan dapat ay may itinatakda kang ng intensyon ng akto.
o may katuturan. intensyon o layunin. Upang
hindi ka mabigo sa layunin mo,
o ma mis-interpret, gawin mo
itong klaro o malinaw sa
pinag-uukulan mo ng akto mo.
Kung ang gagawin mo naman
ay para sa sarili mo, kailangang
unawain mong mabuti para
hindi mo pagsisihan ang
resulta nito.

.
Speech Act Theory
Mga halimbawa:
Locutionary Act – Ilocutionary Act – Locutionary Act –
May dumalaw na bisita Sa pagluluto mo ng Sa pagsang-ayon niya sa
sa iyo. Syempre dinalaw pananghalian para magkasalo pagluluto mo ng
ka kaya tungkulin mong i- kayo ng bisita mo, sabihin mo pananghalian, naging
entertain ang bisita mo. ito sa kanya upang marinig mo masaya kayo sa inyong
Napag-isipan mong ang pagsang-ayon niya o bonding.
magluluto ka ng pagtanggi.
pananghalian upang
magkasalo naman kayong
kumain.
Pagkamagalang o Politeness

Upang maging lubos ang iyong kakayahang pragmatika , kailangan ding


matutunan mo ang konsepto ng pagkamagalang. Iba’t iba ang asosasyon sa
konsepto ng pagkamagalang. Maaaring iugnay rito ang pagkamahinahon,
pagkamabuti, o hindi pagiging taklesa. Sa lingguwistika, ito ay iniuugnay sa
konsepto ng mukha o face. Sabi ni George Yule (2003), ang mukha ng tao ay
ang kanyang imahing pampubliko. Ito raw ang kanyang emosyonal at sosyal
na pagtaya sa sarili na inaasahan din niyang makikita ng iba.
Cooperative Principle
Ayon sa prinsipyong ito, ang mga kasangkot sa komunikasyon ay inaasahang
makikiisa para sa isang makabuluhang pag-uugnayan.

Dapat may kakayahan kang malaman kung nakikiisa ang


iyong mga kasama sa sitwasyong kinasasangkutan. Ito ay
01 upang makapag-adjust ka sa mga bagay-bagay na dapat
mong gawin.

Dapat sikaping magbigay ng sapat at makabuluhang mga


02 impormasyon ang bawat kasapi sa usapan upang maging
matagumpay ang komunikasyon.
Di-Berbal na pagpapahayag
Tumutukoy ito sa isang bagay na ipinagpapalagay ng nagsasalita na totoo at
ipinagpapalagay din niyang nalalaman ng nakikinig. Mahalaga ang pagtukoy ng
nakikinig sa mga pagpapalagay na ito sapagkat may mga pagkakataong
kailangang linawin o baguhin ang mga pagpapalagay lalo na kung hindi naman
ito totoo.

Maiibsan ito kung naisasagawa ang mga prinsipyo sa kooperatibong


pakikipag-usap. Pansinin ang mga sumusunod na pahayag:

1. Maaga ka ngayon. [Ipinapalagay na palagi kang huli.]


2. Nagkukunwari siyang maypera. [Ipinapalagay na wala
talaga siyang pera.]
3. May nakakapansin na siya’y malungkutin.
[Ipinapalagay na siya’y dating masayahin.]
4. Kailan ka pa nagsimulang mag-diet? [Ipinapalagay na
siya’y dating maganang kumain.]
Presupposition
Ang mga tagong kahulugan na hindi matutunghayan sa mga salitang
inihahayag sa usapan… ay tinatayang binubuo ng 70 porsiyento ng mga di-
berbal na simbolo.

Ito ay mga senyas na hindi gumagamit ng salita subalit mas


nakapagpapalinaw sa kahulugan ng mga pahayag. Inilalantad o ipinapapahiwatig
nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao. Pinananatili nito ang interaksyong
resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Komunikasyong Berbal at Di-
Berbal
Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng salita sa anyong pasalita sa
pakikipagtalastasan at pasulat naman sa mga sulatin. Ang di-berbal sa
pakikipag-usap sa mga taong napapaloob sa sariling kultura. Ang mga tagong
kahulugan na hindi matutunghayan sa mga salitang inihahayag sa usapan.
Chronemics - Ito ay tumutukoy sa Katahimikan o Kawalang Kibo –
oras. Karaniwang ginagawa upang
mag-isip at paghandaan ang
Colorics -  Ang kulay ay maaari ring sasabihin, o dili kaya ay
magpahiwatig ng damdamin o magparating ng tampo o sama ng
oryentasyon.  loob. 

  Haptics (Pandama o Paghawak) –   Kinesics (Kinesika) - Tumutukoy sa


Ito ay tumutukoy sa paggamit ng kilos o galaw ng katawan. Bahagi
sense of touch sa pagpapatupad nito ang ekspresyon ng mukha,
ng mensahe.  galaw ng mata, kumpas ng mga
kamay, at tindig ng katawan. 
Iconics - Sa paligid ay maraming
makikitang simbolo or icons na may
Objectics - Paggamit ito ng mga
malinaw na mensahe.
bagay sa paghahatid ng mensahe.

Kapaligiran - Ito ay tumutukoy sa Oculesics - Tumutukoy ito sa


pinagdarausan ng pakikipag-usap at paggamit ng mata sa paghahatid ng
ng kaayusan nito. mensahe. 
Oculesics - Tumutukoy ito sa Proksemika/Proxemics –
paggamit ng mata sa paghahatid ng Tumutukoy ito sa  distansya sa
mensahe.  pakikipag-usap na nagbabago
depende sa natamong ugnayan sa
Olfactorics - Nakatuon naman ito sa kausap. May iba’t ibang uri ng
pang-amoy. proxemic distance na ginagawa sa
iba’t ibang pagkakataon at ang
distansyang ito ay maaaring
Paralanguage - Ito ay tumutukoy sa
mangahulugang intimate, personal,
tono ng tinig, kalidad at bilis ng
social o public.
pagsasalita, pagbibigay-diin sa mga
salita, paghinto sa loob ng
pangungusap, lakas ng boses at Vocalics - Paggamit  ito  ng  tunog,
taginting ng tinig. liban sa pasalitang tunog. 

Pictics - Tumutukoy sa damdamin at


tunay na intensyon sa mukha.
Kakayahang Sosyolinggwistika
(Socio-Linguistic Competence)
Kakayahang Sosyolinggwistika
(Socio-Linguistic Competence)

Tumutukoy ang kakayahang sosyolingguwistika sa kaalaman


sa mga tuntuning pangsosyokultural. Ito ay kakayahang
magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal; hindi
nakasasapat ang makapagpahayag nang may wastong
gramatika lamang.
Settings
Tumutukoy ito sa oras at lugar kung saan Halimbawa:
nagaganap ang komunikasyon. Depende sa Kaarawan, klase sa
lugar ng pag-uusap, ang tagapagsalita ay eskwela, at iba pang
nakapamimili ng angkop na wika para sa okasyon na pormal o hindi
isang angkop na lugar. pormal.

Participants
Iaayon ng tagapagsalita ang kanyang kilos Halimbawa:
at paraan ng pakikipag-usap sa taong Guro, limang taong gulang
sangkot sa komunikasyon. Nag-iiba-iba ito na bata, pangulo, pulis, at
depende sa kausap, may kapangyarihan o iba pa
posisyon o kalebel niya.
Ends
Ito ay tumutukoy sa layunin o ang dahilan Halimbawa:
kung bakit pinag-uusapan ang isang bagay Pagkakasundo sa tema ng
sa talakayan upang magkaroon ito ng higit kaarawan
na organisasyon ng diwa.

Act Sequence
Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod Halimbawa:
ng mga pangyayari sa isang sitwasyon ng Proseso ng pagsasagawa
komunikasyon. ng aktibiti
Keys
Halimbawa:
ang pangkalahatang tono at pamamaraan Isang seryosong tono ang
ng pakikipagtalastasan ng mga kalahok ay maaaring gamitin upang
iniaayon sa buong sitwasyon, kung ito ba ipahayag ang sensiridad at
ay pormal o o impormal. paggalang sa pagpapahayag
ng seryosong paksa.

Instrumentaliities
Ito ay tumutukoy sa mga kagamitan sa Halimbawa:
paghahatid ng mensahe o estilo na Pag-gamit ng Facebook
ginagamit sa pag-uusap. Messenger upang
(berbal o di-berbal, pasalita o kombensyonal na pasulat na mga magpasa ng voice message
mensahe, harapang komunikasyon, sa pamamagitan ng
teknolohiya)
Norms

binibigyang pansin ang pagtiyak sa pagiging Halimbawa:


angkop ng usapan sa isang sitwasyon. May Ang paksa ay pambabae at
mga usapang sensitibo at limitado lamang sa dapat ekslusibo sa babae
kaalaman ng ilang tao. Sa ganitong lamang
pangyayari, nararapat na suriin muna kung
wasto o hindi ang ilalahad.

Genre

Tumutukoy ang genre sa mga paraan ng Halimbawa:


pakikipag-usap na masasalamin din sa paksa Pagsasalaysay ng isang
ng usapan. Ang genre ay maaaring testimonya sa korte
nagsasalaysay, nagtatalo/nakikipagtalo o
nagmamatuwid, nagpapaliwanag,
naglalahad at naglalarawan.
Kakayahang Diskursal
(Discourse Competence)
Kakayahang Diskursal
(Discourse Competence)

Ito ay binubuo ng paggamit ng wikang pasulat o pasalita o


maging ng lenggwaheng pasenyas at ng multimodal o
multimediang paraan ng komunikasyon.
(Strega 2005)
Dalawang Aspetong dapat
Linangin
1. KOHISYON
Ito ay tumutukoy ito sa ugnayan ng mga kahulugan sa loob ng pahayag.

LEKSIKAL KOHISYON
A Makikita ang ugnayan ng kahulugan sa loob ng pahayag ay
malinaw at may pagkakaisa sa tulong ng mga cohesive links.

Halimbawa:
Si Joana ay may mga kaklaseng nagmalasakit sa
kinabukasan niya. Sa tulong nila, siya ay
nakapagpapatuloy sa kanyang pag-aaral.
Dalawang Aspetong dapat
Linangin
1. KOHISYON
Ito ay tumutukoy ito sa ugnayan ng mga kahulugan sa loob ng pahayag.

SEMANTIKANG KOHISYON
B Ito ay pahayag na ang ugnayan ng kahulugan ay ipinapakita
ng interpretasyon ng unang kaisipan na nakadepende sa
kasunod na kaisipan kahit walang cohesive links.

Halimbawa:
Napakalulusog ng mga halaman. Magsasaka ang may-ari.
Dalawang Aspetong dapat
Linangin
2. KOHIRENS
Ito ay tumutukoy sa malinaw na pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring
tinatalakay sa pahayag,mula sa simula hanggang katapusan, tungo sa isang
sentral na ideya sa loob ng isang teksto.

A. Paggamit ng panghalip panao at


mga panghalip na pamatlig.

B. Paggamit ng mga salitang


nagpapahayag ng karagdagan
tulad ng: at, saka, at gayon din.
C. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng
pagsalungat tulad ng: ngunit, subalit, datapwa’t,
bagaman, kahiman, at sa kabilang dako.

D. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng


pagkakasunod-sunod ayon sa panahon tulad ng:
samantala, at pagkatapos.

E. Paggamit ng salitang naghahayag ng bunga ng


sinundan, tulad ng: dahil sa, bunga nito, at kaya.

F. Paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan at


maging ang pag-uulit ng mga salita.
Kakayahang Estrategik
(Strategic Competence)
Kakayahang Estrategik
(Strategic Competence)

Ito ay ang kakayahang makilala at maisaayos ang anumang suliranin na


maaaring naging bunga ng sagabal sa proseso ng komunikasyon. Dito rin
masusukat ang kakayahan ng isang ispiker na maging sensitibo di lamang sa
kanyang kausap, ngunit maging sa buong konteksto kung saan at kailan
nagaganap o magaganap ang usapan. Kabilang din dito ang kanyang
kakayahang maging mapanuri kung kailan dapat magsalita at paano
magsasalita, paano mapananatiling patuloy at masigla ang talakayan, kailan
tatapusin ang isang magandang usapan, magdagdag ng kaugnay na paksa kung
hindi nagkakaroon ng unawaan at ang kahandaang magbigay ng paliwanag sa
mga terminolohiyang naging paksa ng pagtatalo.
Ilan sa mga pamamaraan na maaaring maisagawa upang maisaayos ang mga
communication breakdown:

Paraphrase – Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag


ng mensahe gamit ang mga salitang higit na mauunawaan
01 ng tatanggap. Ito ay maaaring maisagawa sa dalawang
paraan:

Ang ispiker ay maaaring gumamit ng estilong


approximation kung saan gagamit ng salita o paraan ng
pagpapahayag na maaaring hindi tuwirang wasto ngunit
higit na angkop sa sitwasyon.

Ang ispiker ay gagamit ng word coinage o paglikha ng


bagong salita upang maiparating ang mensahe.
Halimbawa, nito ay ang mga batang gumagawa ng sariling
salita upang tukuyin ang bagay.
Halimbawa: ang mga batang gumagawa ng sariling salita
upang tukuyin ang bagay.
Circumlocution – Inilalarawan o binibigyang-kahulugan
ng ispiker ang bagay o maaari ring ipinaliliwanag kung
02 ano ang layunin nito.

Halimbawa: detalyadong paglalarawan at pagpapaliwanag


ng Google Classroom sa mga estudyante at magulang
upang ipakilala ito sa kanila.

03 Transfer – Maaari namang mula sa isang wika ay isalin ng


ispiker sa wikang higit na nauunawaan ng kausap.

Halimbawa: mula sa wikang Ingles tungo sa Filipino o


lalawiganin tulad ng Bisaya o Kapampangan.
Iba pang estratehiya:
· Paghingi ng tulong
04 · Meme
· Pause fillers – tulad ng paggamit ng ‘er’, ‘um’,
‘alam mo’, ‘tingnan natin’, ‘katulad ng’, at iba pa.
· Pag-iwas sa paksa – iniiwasan ng ispiker o di
kaya ay pinapalitan ang paksa kung alam niyang
hindi siya ganoon ka pamilyar sa paksa.
· Paghinto – ihihinto ng ispiker ang kanyang
pagsasalita dahil wala na siyang kakayahang
tapusin ang nasimulan.

You might also like