Gramatikal at Lingguistiko

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 83

Kakayahang Gramatikal

o Linggwistiko
Ika-5 Pangkat
Kakayahang Komunikatibo o
Commmunicative Competence
Ito ay sumasaklaw sa kasanayan nakatuon sa mga tuntunin at
dapat iasal sa paggamit ng wika.
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang
tuntuning pang-gramatika.
Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng
wasto sa mga angkop na sitwasyon, maipahatid ang tamang
mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-
uusap.
Nagmula ito sa isang linguist, sociolinguist, anthropologist, at
folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes.
 Ayon kay Hymes sa nagsasalita ay hindi sapat ang magkaroon ng
kakayahang linguistika upang epektibong makipagtalastasan
gamit ang wika. Hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang
pagiging tama ng pagkabuo ng mga pangungusap, kundi ang
pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.
 Ayon naman kay Noam Chomsky siya ay naniniwala na isinilang
tao na may Language Acquisition Device o LAD na reponsable sa
natural na paggamit ng wika.
 LAD – dahil dito nagagawa ng taong masagap ang wika,
maintindihan at magamit ito at matiyak na tama ang ayos nito
upang madaling maintindihan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon (Hymes)
KONSIDERASYON O KAAKIBAT NA TANONG
KAHULUGAN

S Setting Saan nag-uusap?

P Participants Sino ang nag-uusap?

E Ends Layunin ng pag-uusap

A Act Sequence Paano ang takbo ng usapan?

K Keys Pormal ba o impormal (tono)

I Instrumentalities Midyum ng pag-uusap

N Norms Paksa ng pag-uusap

G Genre Anong diskurso ang ginamit?


Kakayahang Gramatikal
Ito ang sangkap kung saan nagbibigay kakayanan sa nagsasalita kung
paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na
kanyang ginagamit at kung angkop ang kanyang ginagamit na mga
salita.
Mahalaga ang komponent na ito upang magka-intindihan kayo ng
kausap mo dahil maaring maging sanhi nang hindi pagkakaunawaan
kapag hindi wasto ang pagamit ng mga baralila at epektibo ito sa
pagbuo ng salita, tamang pagbigkas, pagbabaybay at maging sa
pagbibigay kahulugan ng salita.
Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin
ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
Sintaks - pagsasama ng mga salita upang
makabuo ng mga pangungusap na may
kahulugan.
• Estraktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit
(pasalaysay, patanong, pautos, etc.)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian
(payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
Estruktura ng Pangungusap
-Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang
bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa
loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring
gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang
isinasaaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

-Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng


pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng
mga bagay hinggil sa simuno.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
1. Pasalaysay o Paturol – ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o
pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa:
- Si Glenn ay maganda.
- Ang guro ay nagtuturo.
- Si Danmer ay magaling sumayaw.
2. Patanong – ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o
pangyayari. Tandang pananong (?) ang bantas sa hulihan.
Halimbawa:
- Maaari ko bang mahiram ang iyong ballpen?
- saan ka nakatira?
- ilang taon ka na?
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

3. Padamdam – ito ay nagsasabi ng matinding damdamin


gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. karaniwang nagtatapos ito sa
tandang padamdam (!). Maari ring gamitin ang tandang
patanong.
Halimbawa:
- Ay! Tama pala ang sagot ko.
- Yehey! Wala na naming pasok.
- Yes! Sinagot nya na ako.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

4. Pautos o Pakiusap – ang pautos ay nagpapahayag ng


obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan.
Nagtatapos ito sa tudok.
Halimbawa:
- Maaari mo bang kunin ang bag ko?
- Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
- Mag-aral kang mabuti.
Uri ng pangungusap ayon sa pagkabuo o
kayarian
1. Payak – isang diwa lang tinatalakay, maaaring may payak na simuno at
panaguri.
Halimbawa:
- Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa tao.
- Mega Star si Sharon.
- International si Lea.
2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan, binubuo ng dalawa o higit
pang diwa/sugnay na nakapag-iisa. Ginagamitan ng pangatnig na
magkatimbang. ( at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit).
Halimbawa:
- Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay kaloob na
walang bayad.
SUGNAY
- bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa.
Mayroon itong dalawang uri ang sugnay na nakapag-iisa at di
nakapag-iisa.

• Sugnay na makapag-iisa – ito ay maaring tumayo bilang


payak na pangungusap.
• Sugnay na di makapag-iisa – mayroon itong paksa at
panaguri ngunit hindi buo ang diwa na ipinahahayag.
Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo
ang diwa.
HALIMBAWA
(naka-highlight sa pula = nakapag-iisa) (pag-berde
= di nakapag-iisa)

1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di


pamugaran ng mga lamok.
2. Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila.
3. Ang aking takdang aralin ay tapos na, kaya pwede
na akong maglaro sa labas.
HUGNAYAN
- pangungusap na binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ginagamit
na pangatnig na di magkatimbang ( kung, nang, bago,
upang, kapag, dahil sa, sapagkat).

Halimbawa:
- Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong
sa mga kapit-bahay na nangangailangan.
4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng
tambalan at hugnayang pangungusap (binubuo
ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at sugnay
na di nakapag-iisa)

Halimbawa:
- Mabuti ang mag-asawa at sila ay may
busilak na puso dahil sinusunod nila ang utos ng
Panginoon.
Morpolohiya
• Ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika
at napagsama-sama ng mga ito upang makabuo
ng salita.
• Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat
o isang panlapi.
• Ang salitang makahoy, halimbawa ay may
dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at
ang salitang-ugat na {kahoy}.
Morpolohiya
- sa halimbawang salitang makahoy, maaaring
masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”.
Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng
sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa
lalong maliliit na yunit na may kahulugan. Ang ka at
hoy , ay mga pantig lamang na walang kahulugan.
Mga pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin
naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.
Morpolohiya
- samantala, pansinin ang salitang babae, ito ay
binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito
mahahati pa sa maliiit na yunit o bahagi nang hindi
masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga
sumusunod na maaring makuha sa babae: be, e, baba,
bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong
kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag
na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.
Bahagi ng Pananalita
Pangngalan (noun) – mga pangalan ng tao, hayop,
pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa
pangalan ng mga hayop, tao, atbp.

Halimbawa:
- Glenn Embate
- aso
- Occidental Mindoro
Panghalip (pronoun) – panghalip sa pangngalan
Halimbawa:
- ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya
Bahagi ng Pananalita
Pandiwa (verb) – bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng kilos
Halimbawa:
- sayaw, talon, takbo, lakad
Pangatnig (conjunction) – ginagamit para ipakita
ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa:
- dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para,
samantala, atbp.
Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol (preposition) - ginagamit kung
para kanino o saan ang kilos.
Halimbawa: para, ukol, ayon
 Pang-angkop ( ligature) – bahagi ng
pananalita na ginagamit para maging
maganda pakinggan ang pagkakasabi ng
pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.
Bahagi ng Pananalita
Pang-uri (adjective) – naglalarawan ng
katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: matangkad, mabango,
maganda
Pang-abay (adverb) – naglalarawan sa
pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-
abay.
Halimbawa: taimtim, agad, tila, higit, kaysa
Bahagi ng Pananalita
Pantukoy (article o determiner) – tinutukoy ang
relasyon ng paksa at pang-uri ng pangungusap.
Dalawang uri ng pantukoy; pantukoy na pambalana
at pantukoy na pantangi.
Halimbawa: si, ang, ang mga, mga
Pangawig (linker) – nagpapakilala ng ayos ng mga
bahagi ng pangungusap. AY ito ang pang-dugtong sa
mga pangungusap na di-karaniwang ayos
Dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan
Mga morpemang mag kahulugang leksikal (content words) – ang
morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang
kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.

CONTENT WORDS

Pangalan : Rick, dance, Olympic, aso, tao, lapis


Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin
Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta
Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, makinis
Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, doon
Dalawang uri ng morpema ayon sa
kahulugan
Mga morpemang may kahulugang pangkayarian (function words)
– mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo
ang kanilang gamit sa pangungusap. Ang mga ito ay nagpapalinaw sa
kahulugan ng pangungusap.

FUNCTION WORDS

Pang-angkop: na, -ng


Pangatnig: kaya, at, o, saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina
• Prosesong Derivational
- kain+an = kainan
- asawa+hin = asawahin
- iyak+in = iyakin
• Prosesong Inflectional
- sayaw+um = sumayaw
- nag+laba = naglaba
- ka+kanta+hin = kantahin
Leksikon
• Ang mga salita na ginagamit sa isang wika ng
mga mananalita nito. Tinatawag din itong
‘bokabularyo’ ng isang wika.
Mga paraan sa pagbuo ng mga salita
1.Pagtatambal
2.Akronim
3.Pagbabawas o clipping
4.Pagdaragdag
5.Paghahalo o blending
6.Mga salita mula sa pangalan
Pagtatambal
-sa paraang ito, ang mga salita ay nabuo sa
pamamagitan ng pagtatambal ng mga moferma na naging
bahagi ng wikang Filipino.
Halimbawa:

• Dulawit – mula sa dula at awit


• Balarila - mula sa bala ng dila
• Bahaghari- mula sa bahag at hari
• Balatsibuyas – (maramdamin) mula sa balat at
sibuyas
• Hampaslupa – (mahirap) mula sa hampas at lupa
Akronim
- sa paraang ito, ang mga salita ay hango sa
mga inisyal o mga unang pantig ng salita.

NSO – National Statistics Office


DOLE – Department Of Labor and Employment
GABRIELA – General Assembly Binding Women
for Integrity, Equality, Leadership and Action
Pagbabawas o Clipping
ang prosesong ito ay ang pagpapaikli ng mga
salita na kadalasang ginagamit sa pasalitang
paraan.

Halimbawa:
• fon – telefon
• Dok – doctor
• Direk – director
• Mads/pads – kumare/kumpare
Pagdaragdag
- kung may mga salitang binabawasan
mayroon din naming dinaragdagan.

Halimbawa:
boss- bossing
sampalin - sampalilukin
Paghahalo o Blending
- ang paraang ito ay ang pagbabawas at pagtatambal ng
mga salita.

Halimbawa:
banyuhay – mula sa bagong anyo ng buhay
cha-cha – mula sa charter change
crispylicious – mula sa crispy at delicious
gravylicious – mula sa gravy at delicious
juicylicious – mula sa juicy at delicious
Mga salita mula sa mga Pangalan
- sa pagiging malikhain sa pagbuo ng mga salita may mga
pangalan ng produkto o brand na nagiging pandiwa.

Halimbawa: Xerox – nagseseroks, magseseroks, nagpaseroks

- ang brand ng produkto ay nagiging pangngalang pambalana


tulad ng colgate na brand ng tutpeyst. Ipinalalagay ng ibang tao na
ito mismo ang tutpeyst dahil pangunahing brand ito.

Kaya kung minsan nakakarinig tayo ng


“Mayroon po ba kayong Colgate na Close-Up?”
Dalawang paraan upang mabigyang
kahulugan ang mga salita

• DENOTASYON
• KONOTASYON
Denotasyon
- ang kahulugan ay karaniwang nakukuha sa
diksyunaryo
- ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan
at ito ay ginagamit sa karaniwan at simpleng pahayag.

Halimbawa:
BAHAY – tirahan ng tao isang gusali na itinayo
upang maging proteksyon ng tao.
Konotasyon
- ang pagpapakahulugang iba kaysa sa pangkaraniwang
pakahulugan
- ito ay maaaring mag iba-iba ayon sa saloobin, karansan
at sitwasyon ng isang tao. Nagtataglay ng mga pahiwatig ng
emosyonal o pansaloobin ang mga salita.
- mayroong malalim na kahulugan na salita.
Nagpapaganda ang isang pangungusap.

Halimbawa:
BAHAY – kaligayahan o proteksyon
Ponolohiya
• Ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog
• Pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na
tinatawag na ponema.
• Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang
wika
(Phoneme) phone – tunog
eme – makabuluhan
• Ponema – tumutukoy ito sa makabuluhang tunog –
ang bawat ponema ay maaring makapagbago ng
kahulugan ng isang salita
Halimbawa :
• Babae – babai
• Lalake - lalaki
Dalawang uri ng Ponema

PONEMANG KATINIG – binubuuo ng 16 na ponema


/b/, /p/ , /k/, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/,
/n/, /ng/, /w/, /y/
PONEMANG PATINIG- ayon sa mga linggwista at
ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng
Filipino ; /a/, /i/ at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang
fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa kastila at
ingles.
• ALLOPHONE – ang tunog na /e/ at /i/ o /o/
at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi
nagbabago ng kahulugan ng mga salita.
Halimbawa
babai – babae
lalaki – lalake
ali – ale
bukol – bokol
tono - tuno
• Diptongggo/Malapatinig – tumutukoy ito
sa pinagsamang tunog ng isang patinig
/a,e,I,o,u/ at tunog ng isang malapatinig
/w,y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow, ay, ey, oy,
uy)

• Halimbawa: araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw,


kahoy, tuloy, sawsaw, kasuy, wow, bahay,
gulay
• Klaster o Kambal Katinig – ito ay
mgakasamang tunog ng dalawang
ponemang katinig sa iisang pantig;
matatagpuan ito sa – inisyal, sentral,
pinal
• Halimbawa: blusa, kwento, hwag,
traysikel, transportasyon
• Pares Minimal – magkatugmang
salita na hindi magkaugnay na
kahulugan subalit tugmang-tugma
sa bigkas maliban sa isang
ponema
• Halimbawa – pala – bala; hari –
pari; tali – bali;
Ortograpiya
• Mga graferma ( pasulat na simbolo sa praktikal
na ortograpiya ng wikang pambansa ay
binubuo ng letra at di letra
- titik at di titik
• Patinig at palatinigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga bantas
Graferma
Ang mga graferma sa praktika
ng ortograpiyang Filipino ay
binubuo ng tinatawag na mga
titik at di-titik.
Titik
Ang titik o letra ay sagisag sa isang tunog o
pagsasalita.
Binubuo ito ng mga patinig o bokablo (vocablo) at
ng mga katinig o konsonante (consonate)
Ang serye ng mga titik o letra ay tinatawag na
alpabeto
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng
dalawampu’t walong 28 titik na kumakatawan ang
bawat isa sa isang tunog.
Titik
Binibigkas o binabasa ang
mga titik sa tunog-Ingles
maliban sa N.
Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg

Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn

Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss

Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
Di-Titik
Binubuo ang mga di-titik ng mga tuldik at mga
bantas.
Ang tuldik o asento ay gabay sa paraan ng
pagbigkas ng mga salita.
Sa lingguwistika, itinuturing ang tuldik na simbolo
para sa impit na tunog o kaya sa diin o haba ng
pagbigkas.
Sa abakadang Tagalog, tatlo ang pinakalaganap na
tuldik.
Di-Titik
1.Tuldok na pahilis ( ́ ) na
sumisimbolo sa diin at/o haba
2.Tuldik na paiwa ( ̀ )
3.Tuldik na pakupya ( ̂ ) na
sumusimbolo sa impit na tunog
Di-Titik
4. Kamakailan ay idinagdag ang
ikaapat , ang tuldik na patuldok na
kahawig ng umlaut at dieresis ( ̈ )
upang kumatawan sa tunog na schwa
sa lingguwistika.
Ang karaniwang bantas:
a.Kuwit (,)
b.Tuldok (.)
c.Pananong (?)
d.Padamdam (!)
e.Tuldok-kuwit (;)
f. Tutuldok (:)
g.Kudlit (‘)
h.Gitling (-)
i. Panipi ( “ “ )
Pabigkas na pagbaybay

Ang pagbigkas na
baybay ay dapat pa letra at
hindi papantig.
Salita
Halimbawa:
aso = /ey-es-o/
kotse = /key-o-ti-es-i/
ulan = /yu-el-ey-en/

Pantig
Halimbawa:
i = /ay/ ay = /ey-way/
Daglat
Halimbawa:
Dr. (Doktor) = /capital di-ar/
Bb. (Binibini) = /capital bi-bi/

Akronim
Halimbawa:
XU ( Xavier University) = /eks-yu/
ASEAN ( Association of Southeast Asian
Nation) = /ey-es-ey-in/
Inisyal
Halimbawa:
AGA (Alejandro G. Abadilla)=/ey-ji-ey/
CPR (Carlos P. Romulo)=/si-pi-ar/

Pagsulat na Pagbaybay
Mananatiliang isa-sa-isang tumbasan ng
tunog letra sa pagsulat na pagbaybay ng
mga salita sa wikang Filipino.
A. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung
ano ang sulat ay siyang basa.

Halimbawa:
dyanitor= janitor
pondo= fondo
pormal= formal
B. Ang dagdag na walong letra: C, F, J, N, Q, V,X, Z, ay
ginagamit sa mga:

Halimbawa:
Tao Lugar
Nina Lipa
Carlo Quezon City
Frances Zamboanga
C. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa
Pilipinas.
Halimbawa:
senora= (Kastila: ale)
mosque= (pook dalanginan ng mga muslim)
Hadji= (lalaking muslim na nakarating sa
Mecca)
Panumbas sa mga hiram
na salita
A. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng
Filipino bilang panumbas sa mga salitang
banyaga.

Halimbawa:
attitude= saloobin
wholesale= pakyawan
west= kanluran
B. Gumamit ng mga salitang mula sa ibang
katutubong wika ng bansa.

Halimbawa:
haraya
gahum
C. Sa panghihram ng salita na may
katumbas sa Ingles at sa Kastila
unang preperensya ang hiram na
Kastila.
Halimbawa:
check = cheque = tseke
liquid = liquid = likido
D.
1.Kung konsistent ang baybay ng salita hiramin ito
ng walang pagbabago.
Halimbawa:
reporter
soprano
memorandum
2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita,
hiramin ito at baybayin nang konsistent.
Halimbawa:
leader = lider
jacket = dyaket
3. May mga salita sa Ingles o iba pang salita na
lubhang di-konsistent ang spelling.
Halimbawa:
champagne
doughnut
x-ray
zinc
4. Hiramin nang walang pagbabago ang mga
simbolong pang-agham.
Halimbawa:
Ag = silver
Hg = mercury
Ang Gamit Ng Gitling (-)
 Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga
sumusunod na pagkakataon:

Sa pag-uulit ng salitang ugat o mahigit sa isang pantig ng


salitang-ugat.
Halimbawa: gabi-gabi pito-pito
araw-araw sari-sari

Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang


nilalapian ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa: pag-alala mag-almusal
Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsasama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto = pamatay
lakad at takbo = lakad-takbo
Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao,
lugar, bagay o hayop.
Halimbawa:
mag-coke
taga-Cagayan
Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa
numero o pamilang.
Halimbawa:
ika-6 na mesa
ika-17 pahina
 Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit
praksyon.
Halimbawa:
tatlong-apat (3/4)
Kapag nananatili ang kahulugan ng
dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa:
isip-bata
sulat-kamay
Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang
apelyedo ng babae at ng kanyang asawa.
Halimbawa:
Rosen Legaspi – Cagang
Judalie Madrid – Aguila
Kapag hinati ang isang salita sa dulo
ng isang linya.
Halimbawa:
Ginagamit ito sa pagsa-
sanay ng wastong pagbig-
kas ng mga salita pari-
rala at pangungusap.
Kakayahang
Sosyolinggwistiko
Ito ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya
sa kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar
na kanilang pinag-uusapan.
Sa komunikasyon, marami ang mahusay magsalita
subalit mali ang pagpili ng salitang gagamitin na maaring
magbigay ng impresyon sa tagapakinig sa siyay walang
galang, -competence (kaalaman ng isang tao sa
wika+performance (paggamit ng tao sa wika)
Ayon kay Sapir (1949) ang wika ay maituturing na
gamit o kasangkapan sa sosyolisasyon, na ang ugnayang
sosyal ay hindi magiging ganap o buo kung wala ang wika.
Bakit itong pag-aralan?

Dahil ang Pilipinas ny isang multilingguwal at


multicultural na bansa,. Kinakailangan ang
kakayahang ito upang magkaroon ng epektibong
komunikasyon sa anumang sitwasyong maaring
kasangkutan at susi ng epektibong
komunikasyon na ito ang kakayahang
sosyolingguwistiko.
KOMUNIKASYON
Komunikasyon
~Ang komunikasyon ay nagmula sa
salitang Latin na “communis” na
nangangahulugang “karaniwan”.
Tinutumbasan ito sa wikang Filipino ng
pakikipagtalastasan.
Uri ng Komunikasyon

VERBAL DI-VERBAL
VERBAL
“Nasa paraang Pasulat at Pasalita”

• Ito ay isang pormal o intelektwalisadong kapamaraanang


sumasa-ilalim sa estruktura ng wika. Tuntunin nito na
maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa
anyong pasulat o pasalita.
• Ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga letrang
sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.
DI-VERBAL
“Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan”

• Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o


kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang
mensahe na hindi ginagamitan ng salita o titik.
• Ang paghahatid ng mensahe ay walang paggamit ng
wika
Iba’t ibang uri
ng Di-Verbal
1. Kinesics
- Pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan. May
kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating
katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa
pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman
natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
2. Oculesics – ito ay aksiyon ng mata tulad ng
pagtingin, panlilisik at pagkintad na nagdadala ng
kahulugan sa sinumang katapat/kausap.
3. Paralanguage – ang taas o pagbaba, lakas o hina, bagal o
bilis ng tinig ay nakakatulong sa pagpapakahulugan ng
pahayag.
4. Haptics – ginagamit ang paghaplos, paghawak, pagkurot
o pagsalat sa paghahatid ng mensahe.
5. Proxemics – ginagamit bilang batayan ng komunikasyon
ang espasyo. May kahulugan ang distansya (lapit o layo) ng
tao o mga bagay sa isa’t isa.
6. Chronemics – may mensahe ring hatid ang paggamit ng
oras o petsa, ang tagal ng pagsasagawa ng isang gawain at
pagtupad sa itinakdang oras ng pagkikita.
7.Pisikal o Personal - na anyo may
ipinababatid na mensahe ang pagpili at
paraan ng pananamit at ayos ng tao.
8.Iconics – ito ay kinabibilangan ng
mga bagay, simbolo at larawan na may
kahulugan sa sinumang tumitingin at
umuunawa.

You might also like