Pagtukoy NG Tambalang Salita

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAGTUKOY NG

TAMBALANG SALITA
BALIK –ARAL SA NAKARAANG ARALIN
O PASIMULA SA BAGONG ARALIN
Panuto: Pagsamahin ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang tambalang salita.
Isulat ang limang nabuong bagong salita sa iyong sagutang papel.
• Bahay Kamay
• Agaw Buhay
• Nakaw Hawak
• Sulong
• Kubo
• Urong
• Tingin
PAGHAHABI SA LAYUNIN NG
ARALIN
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang katawagan ng mga larawan sa Hanay A. Isulat ang letra ng
ng iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
A. hawak kamay
PAGHAHABI SA LAYUNIN NG
ARALIN
b. hating gabi

c. bahay kubo
PAGHAHABI SA LAYUNIN NG
ARALIN
d. urong sulong

e. silid-aralan
PAG- UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
• Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tula. Maaaring magpatulong sa iyong
magulang o kamag- anak sa pagbabasa
PAG- UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
Sa Gitna ng Kalamidad

Sa loob ng aming munting bahay-kubo


Kapit-bisig nilabanan ang pagyanig nito
Dalangin na manatiling nakatayo.
Takot na ito’y guguho’t maglalaho

Hatinggabi noon nang mangyari ito


Umalingawngaw sigaw ng mga tao
Urong-sulong ‘di alam saan patungo
Sa Panginoo’y taos-pusong nagsumamo.
PAG- UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
Madaling araw na’y di pa makatulog
Lagi nagmamatyag kung uminog
Kahit puso ma’y lumalakas ang kabog
Pilit nagpatatag sa Diyos ay dumulog.
PAGTATALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno.
1. Tungkol saan ang tula?

2. Ano sa palagay mo ang kalamidad na naganap sa tula?

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang gagawin mo? 

4. Ano-anong ang salitang nakasulat nang maitim?

5. Ano ang tawag sa mga salitang ito?


PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN NO. 2
Gabay sa magulang/guro (Tatalakayin ng magulang/guro )
Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagtambal.
May mga tambalang salita na nananatili ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal.
Halimbawa
hawak-kamay– magkahawak ang kamay ng dalawang tao
urong-sulong– di-sigurado sa hakbang

bahaykubo – bahay na gawa sa nipa

silid-aralan – silid ng paaralan


PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN NO. 2
Samantala may mga tambalang salita na nawawala ang sariling kahulugan kapag pinagtambal at nagkakaroon ng
panibagong kahulugan.
HALIMBAWA :

• balat-sibuyas- iyakin

• dalagang-bukid – uri ng isda

• sirang-plaka- paulit-ulit ang salita

• lakad-pagong – mabagal lumakad

• hampas-lupa - mahirap

• ningas-kugon- Mabuti lang sa umpisa


PAGLILINANG SA KABIHASAN
(TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT )

Panuto: Buoin ang tambalang salita. Gamitin bilang gabay ang ibinigay na kahulugan at ang
mga salita sa loob ng kahon. Isulat sa papel ang iyong mga sagot.
Tambalang salita Kahulugan
ng mga tao
1.______-kamay dalawang kamay na magkahawak

2. Urong-______ Hindi makapasya kung uurong o susulong

3.______bahay taong nakatira sa katabi o kalapit na


bahay
4.bahay-______ katutubong bahay na gawa sa kawayan at
dahon ng nipa
5._______-bisig pagsasama at pagtutulungan ng mga tao
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG
ARAW ARAW NA BUHAY
• Isagawa Para sa magulang/guro (Gabayan ang bata sa pagbabasa ) 

Basahin at unawain ang maikling kuwento na makikita sa susunod na pahina.Maaaring magpatulong sa mga
magulang sa pagbabasa. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na gawain.

Paghahanda Sa Panahon ng Sakuna


 Umaga noon nang maganap sa loob ng aming silid-aralan ang Earthquake Drill. Kaming lahat ay sabay-sabay na
isinagawa ang duck, cover, and hold. Ilang sandali pa’y pumunta kami sa ilalim ng mesa. Nakaw-tingin lamang
ang aming guro sa iba kong kaklase habang pilit niyang pinakalma ang lahat. Pagkatapos ng ilang minuto ay
dahan-dahan kaming tumayo at dalawahang lumabas sa aming silid-aralan. Hawak-kamay at magkadikit na para
bang kambal-tuko ang dalawa kong kaklase habang papunta sa evacuation area. Agaw-pansin ang sigaw ng isa sa
kanila dahil takot na takot siya sa nangyari kahit ito’y pagsasanay lamang. Naging matagumpay ang nasabing
pagsasanay at nagpapasalamat ang aming guro sa aming kooperasyon
Panuto: Isulat sa papel ang mga tambalang salita na matatagpuan sa kuwento.
1.
2.
3.
4.
5
PAGLALAHAT NG ARALIN
TAMBALANG SALITA - ang tawag sa dalawang payak na salitang
pinagsama upang makabuo ng bagong salita.
PAGTATAYA NG ARALIN
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng iyong sagot.
Hanay A HANAY B
1.Tubig-alat a.trabaho
2. Hating gabi b. payat na payat
3. silid-tulugan c. kalagitaan ng gabi
4. buto’t balat d. tubig galing sa dagat
5. Hanapbuhay e. silid sa bahay na tinutulugan
KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG
ARALIN
(ASSIGNMENT)
Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin ang angkop na tambalang salita sa kahon upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
hatinggabi taos-puso urong-sulong
lakas-loob kapitbahay  

_______________ na nang maganap ang lindol.

1. _______________ na nagdarasal ang mga tao.

2. Sila ay _________________ dahil hindi nila alam saan sila tutungo.

3. Kailangang mahinahon at may _____________ na harapin ang mga sakunang gaya nito.

4. Ang mga _______________ namin ay nagkagulo.

You might also like