Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26
ANG
MAMIMILING PILIPINO
Inihanda ni: Bb. Crisele Iris B. Hidocos Panimula: • Ang lahat ng tao ay may mga pangangailangan na dapat tugunan.
• Ang ekonomiks ay ang pag-aaral
kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng tao. Mamimili
• Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit
ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan
• Tinatawag bilang isang konsyumer
Katangian ng Mamimili
MAPANURI
• Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang
lahat ng bahagi ng isang produkto.
• Pinag-aaralan ang sangkap, presyo, timbang, at expiration date
ng produkto. HINDI NAGPAPADALA SA ANUNSIYO
• Ang kalidad ng produkto at ang
kapakinabangan ng matatamo sa pagbili ng isang produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang pag-aannsiyo ng produkto. HINDI NAGPAPADAYA
• Sa panahon ng kahirapan at kagipitan, maraming
negosyante at mga magtitinda ang nakaiisip na manlamang ng kapwa. Laganap sa pamilihan ang pandaraya sa sukli, timbangan at kalidad ng produkto. • Ang matalinong konsyumer ay laging alerto, mapagmasid, aktibo, at handa na labanan ang mga maling gawain ng mga tindero at negosyante. MAKATWIRAN
• Mahalaga ang bawat sentimo ng ating pera, kaya
sinisiguro ng bawat konsyumer na kapaki-pakinabang ang mga binibiling produkto. • Masusing tinitignan ang kalidad at presyo dahil sa limitado ang badyet sa pamimili at kasiyahan na matatamo sa pagpili at pagbili ng produkto MAY ALTERNATIBO
• Ang kakulangan ng supply ng produkto ay
nararanasan sa pamilihan kaya minsan, ang dating binibiling produkto ay hindi na mabibili.
• Sa ganitong sitwasyon, ang konsyumer ay
kailangang marunong humanap ng alternatibong produkto na makatutugon din sa pangangailangan. SUMUSUNOD SA BUDGET
• Alam natin na dumadagsa ang mga konsyumer
kapag may midnight sale, buy one, take one promo at mga give away na produkto dahil ang ganitong sitwasyon ay makatutulong sa kanilang budget. HINDI NAG PANIC BUYING
• Ang matalinong konsyumer ay hindi
nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa pamilihan. • Alam niya na ang ganitong kalagayan ay pansamantala lamang na umiiral Karapatan ng Mamimiling Pilipino 1. Karapatan sa Batayang Pangangailangan 2. Karapatan sa Kaligtasan 3. Karapatan sa Makatotohanang Impormasyon 4. Karapatan na Pumili 5. Karapatan sa Representasyon 6. Karapatang Pagkalooban ng Pagwawasto sa Pagkakamali 7. Karapatan sa Edukasyon para sa mga Mamimili 8. Karapatan sa Malusog na Kapaligiran Kung may Karapatan ka, Ipaglaban Mo Consumer Act of the Philippines
Nakatakda sa Republic Act of 7394
( Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Bawat Karapatan, May kaakibat na tungkulin MGA TUNGKULIN NG MAMIMILING PILIPINO 1. Humingi ng opisyal na resibo kapag bumibili. 2. Ipaalam sa tamang kinauukulan ang ang anumang illegal na Gawain, katulad ng pamimirata at pagpapasok ng mga kontrabandong produkto.
3. Gamitin ng lubos ang pinagkukunang-yaman
(gaya ng paggamit muli ng papel at iba pang produkto)
4. Tangkilikin ang mga produktong Pilipino
5. Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa lahat ng oras
6. Suportahan ang mga programa at proyekto ng
pamahalaan na nagtataguyod sa pambansang pag-unlad.
7. Magpunyagi at maging kapaki-pakinabang
sa lahat ng oras.
8. Maging matapat, magbayad ng buwis sa
takdang panahon. Responsibilidad ng Mamimiling Pilipino 1. Mapanuring Kamalayan
Kinakailangang alam niya ang gamit, presyo, kalidad, at
posibleng negatibong epekto ng kalakip ng pagbili ng produkto katulad ng panahon ng garantiya (warranty period) at ang mga serbisyong nakapaloob dito. 2. Pagkilos
Kinakailangang matutuhan niyang maipahayag ang
kanyang sarili para matiyak na pataas ang magiging pakikitungo sa kanya. Ang mga mapagmasid at aktibong mamimili ay hindi maaabuso ng masasamang mangangalakal. 3. Malasakit sa Lipunan
Kinakailangang alam niya ang epekto ng kanyang
pagkonsumo sa ibang tao, lalo na sa mga kapus- palad, anuman ang uri ng pamayanan na kanyang kinabibilangan. 4. Kamalayan sa Kapaligiran
Kailangan niyang maunawaan ang magiging epekto ng
kanyang mga gawain sa kapaligiran. Dapat niyang matutuhan ang tamang paraan sa paggamit ng pinagkukunang-yaman upang makatulong sa pagpapanatili nito. 5. Pakikiisa
Kailangan niyang lumahok sa mga organisasyon na
kinabibilangan ng mga katulad niyang mamimili. Ang mga organisasyong ito ay nagbibigay ng proteksiyon at nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamimili. Isa silang makapangyarihang sector ng pamayanan.