Ang Tatlong Pang-Ugnay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

PANG-UGNAY

Inihanda ni:
Bb. Crisele Iris B. Hidocos
Pang-ugnay

Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita,
parirala, sugnay at pangungusap.
• Pangatnig
• Pang-angkop
• Pang-ukol
Ang pang-ugnay ay ang salita na
nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng
dalawang yunit sa pangungusap.
Pangatnig
• Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
1. Pangatnig na Panlinaw

 Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o


kabuuan ng isang banggit. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung kaya, kung
gayon, o kaya.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panlinaw sa
Pangungusap

 Nagpaalam na si Kurt sa mga magulang ni Selya


kung kaya silang dalawa ay magpapakasal na

 Ang Principal ay umuwi na, kung gayon ay maaari


na rin tayong umuwi.

 Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang-


aralin kaya pag-uwi sa bahay ay maglalaro na
lang ako.
2. Pangatnig na Panubali

 Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan.


 Maaari itong gamitan ng mga
salitang kung, sakali, disin sana,
kapag, o pag.
Mga Halimbawa ng Pangatnig
na Panubali sa Pangungusap

 Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw


mong mapalo.
 Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho,
disin sana’y may maiipon ka bago mag-pasko.
 Kapag sumama si Amie ay sasama na rin
ako.
3. Pangatnig na Paninsay

 Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang


bahagi ng pangungusap ang pangalawang
bahagi nito.

 Maaari itong gamitan ng mga salitang ngunit,


datapwat, subalit, bagaman, samantala, o kahit.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na Paninsay sa
Pangungusap

 Nakakuha ako ng mataas na marka sa


pagsusulit bagaman hindi ako nakapag-review.
 Magarbo ang handaan ngunit baon naman
sa utang.
 Nakapag-asawa siya ng mayaman kahit siya
ay mahirap lamang.
4. Pangatnig na Pamukod

 Gingamit ito upang ihiwalay, itangi, o


itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga salitang o,
ni, maging, at man.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na
Pamukod sa Pangungusap

 Mahal kita maging sino ka man.

 Ako man ay ayaw sa liderato niya.

 Ni tumawag ni managmusta ay di man


lang nya ginawa.
5. Pangatnig na Pananhi

 Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o


katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari
itong gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, o mangyari.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pananhi
sa Pangungusap
 Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy
ay walang disiplina.
 Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya
siya nagkasakit.
 Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo dahil sa
bagyo.
6. Pangatnig na Panapos

 Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan


ng pagsasalita. Maaari itong gamitan ng mga
salitang sa lahat ng ito, sa wakas, o sa bagay
na ito.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na
Panapos sa Pangungusap

 Sa wakas ay makakauwi na rin tayo.

 Sa bagay na ito, hayaan natin na ang


Diyos ang magpasya.

 Sa lahat ng ito, ang mabuti’y maging handa


anumang oras.
7. Pangatnig na Panimbang

 Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng


karagdagang impormasyon o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga salitang at,
saka, pati, kayo, o anupa’t.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na
Panimbang sa Pangungusap
 Ampalaya at saka talong ang mga paborito
kong gulay.
 Ikaw at ako ay matalik na magkaibigan.
 Anupa’t sa lakas ng hangin ay halos
tangayin ang aming bubungan.
 Pati tindahan ng matanda ay kanyang
ninakawan.
8. Pangatnig na Pamanggit
 Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa
pananaw ng iba. Maaari itong gamitan ng
mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo,
o di umano.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na
Pamanggit sa Pangungusap

 Sa ganang akin, ikaw ang pinakagwapo


sa lahat.
 Ako raw ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.

 Matatalino daw ang mga mag-aaral ng


Baitang 10
9. Pangatnig na Panulad

 Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos, o


gawa. Maaari itong gamitan ng mga salitang
kung sino…siyang, kung ano…siya rin, o
kung gaano…siya rin.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panulad
sa Pangungusap
 Kung sino ang nag-aral, siyang tiyak ang
makakapasa.

 Kung ano ang ginawa mo, siya rin ang babalik


sa’yo.

 Kung gaano kalaki ang inutang, siya ring


dapat bayaran.
10. Pangatnig na Pantulong

 Nag-uugnay ito ng nakapag-iisang mga salita,


parirala, o sugnay. Maaari itong gamitan ng
mga salitang kung, kapag, upang, para, nang,
sapagkat, o dahil sa.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na
Pantulong sa Pangungusap

 Nag-aaral siyang mabuti upang matuwa ang


kanyang mga magulang.
 Mag-ehersisyo ka para lumakas ang iyong
katawan.
 Makakapaglaro lang ako kapag natapos ko
ang aking takdang-aralin.
Halimbawa ng pangatnig:
at kapag ngunit samakatuwid
anupa kaya o sa madaling salita
bagaman kundi pagkat upang
bagkus kung palibhasa sanhi
bago habang pati sapagkat
dahil sa maliban sakali subalit
datapwat nang samantala ni
Pang-angkop
• Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
• May dalawang pang-angkop na itinuturing sa
Filipino ang na at ng
Pang-angkop
Ang na ay ginagamit kapag ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik
na n.
Halimbawa:
Mapagmahal na ina

Masarap na kainan
Pang-angkop
• Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan.
• Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa
patinig.
Halimbawa:
Maruming damit
Masunuring bata
Pang-ukol
• Tawag sa mga kataga, salita, o pariralang
nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap.
alinsunod sa/alinsunod kay laban sa/laban kay
ayon sa/ayon kay para sa/para kay
hinggil sa/hinggil kay tungkol sa/tungkol kay
kay/kina ukol sa/ukol kay
Halimbawa:

 Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na


pagpuputol ng mga puno sa kagubatan.

 Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral


para sa aking magandang kinabukasan

You might also like