1st Week 3 Maiklingkwento Dokumentaryo Mito
1st Week 3 Maiklingkwento Dokumentaryo Mito
1st Week 3 Maiklingkwento Dokumentaryo Mito
Maikling Kwento
Dokyumentaryo
Mito
September 29, 2021
Pahina 13-22
Maikling Kwento
MELC
Naipaliliwanag ang Sanhi at Bunga ng mga
pangyayari.
Alam mo ba na ang maikling
kuwento o katha ay isang uri ng
panitikan na bunga ng isang
maikling guni-guni ng may-akda?
Ito ay maaring likhang isip lamang o
batay sa sariling karanasan na nag-iiwan
ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa
o nakikinig. Ito ay maikli lamang at
matatapos basahin sa isang upuan lamang.
Iilan lamang ang mga tauhan.
Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat
na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito.
Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggaya ng
realidad, kung ginagaya, ang isang momento
lamang o isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Alam mo ba na ang maikling kuwento ay
isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ang
mga tauhan ay maaari ng tawaging protaonista
o antagonista.
Ang protagonista ay ang tauhang mahalaga
sa kuwento at halos lahat ng pangunahing
pangyayari ay may kinalaman sa kanya at ang
kalaban niya ay tinatawag na antagonista
Maikling Kwento
Dokyumentaryo
Mito
Maikling Kwento
Dokyumentaryo
Mito
September 28, 2021
Mito
MELC
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento, mito, alamat at kwentong bayan.
Isa sa mahalagang bahagi ng kultura ng
Pilipino ay ang mga kuwentong bayan,
alamat at mito. Ito ay bahagi ng ating
panitikang saling-dila o lipat-dila (ibig
sabihin ay naikukuwento lamang nang
pasalita) na lumalaganap bago pa man may
dumating na mga mananakop sa ating bansa.
Ang kuwentong bayan, alamat at mito ay
halos may kaugnayan sa isa’t isa. Halos
pareho lamang ang kanilang paksa na
karaniwan ay tumatalakay sa kalikasan,
pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura
ng isang partikular na pangkat o lugar.
Kaugnay nito, ang pagsasalaysay ng
maayos at wasto ng buod ng
pagkakasunod-sunod ay isa ring
mahalagang kasanayan sa pagbasa na dapat
mahubog sa isang mag-aaral upang lubos
na maunawaan ang lahat ng materyal sa
pagbasa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.
Punan ang patlang nga mga letrang makapagbubuo ng mga
salita ayon sa kahulugan na nasa tapat ng salita. Isulat sa
kuwaderno ang iyong mga sagot.
1. B___TH___ ___A– Ang kinikilalang Diyos ng mga
Tagalog
2. ___A R___- Ay isang lalaking makapangyarihang pinuno
ng isang lupain.
3.R___Y___ ___- Ay ang isang babaeng
makapangyarihang pinuno ng isang lupain.
4.___IW___ ___A– Ay sinaunang babaeng bathala,
sinasamba sang-ayon sa pangangailangan ng mga tao .
Alamat ni Tungkung Langit at Alunsina