PABASA

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Nakapagtataka kung bakit may

pulang palong ang mga tandang.


Kapansin-pansin din na kapag
pulang-pula ang palong ng tandang
ay magilas na magilas ito. Para bang
binata na nagpapaibig sa mga
dalaga.
Ayon sa kuwento, may
mag-ama raw napadpad
ng bagyo sa isang baryo
sa pulo ng Masbate.
Ang ama ay nakilala ng mga
tao sa nayon dahil sa kawili-
wiling mga palabas nito na mga
salamangka o mahika. Tinawag
nilang Iskong Salamangkero ang
kanilang bagong kanayon.
Bukod sa pagiging magalang,
masipag, mapagkumbaba ay
mabuting makisama sa mga
taga nayon si Iskong
Salamangkero.
Madali siyang nakapaghanap
ng masasakang lupa na
siyang pinagmulan ng
kanilang ikinabubuhay na
mag-ama.
Kung anong buti ng
ama ay siya namang
kabaliktaran ng anak
nitong si Pedrito. Siya
ay tamad at palabihis.
Ibig ni Pedrito na matawag
pansin ang atensyon ng mga
dalagita. Lagi na lamang siyang
nasa harap ng salamin at nag-
aayos ng katawan.
Ang paglilinis ng bahay at
pagluluto ng pagkain na siya
lamang takdang gawain ni
Pedrito ay higit pa rin niya
pinagkakaabalahan ang pag-
aayos ng sarili.
Kapag siya ay
pinagsasabihan at
pinangangaralan ng ama
ay nagagalit siya at
sinagot-sagot niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay
si Iskong Salamangkero mula sa
sinasakang bukid na pagod na
pagod at gutom na gutom.
Dinatnan niya na wala pang
sinaing at lutong ulam si Pedrito.
Tinawag niya ang anak ngunit
walang sumasagot kaya pinuntahan
niya ito sa silid. Nakita niya sa
harap ng salamin ang anak na
hawak ang pulang-pulang suklay at
nagsusuklay ng buhok.
“Pedrito, magsaing ka na
nga at magluto ng ulam.
Gutom na gutom na ako,
anak”, wika ni Iskong
Salamangkero.
Padabog na hinarap ni
Pedrito ang ama at
kanyang sinagot ito.
“Kung kayo ay nagugutom, kayo
na lamang ang magluto. Ako ay
hindi pa nagugutom.” At
nagpatuloy ng pagsusuklay si
Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong
Salamangkero sa anak. Sinugod
niya si Pedrito at kinuha ang
pulang suklay. Inihampas niya ito
sa ulo ng anak at malakas
niyang sinabi:
“Mabuti pang wala na akong anak
kung tulad mong tamad at
lapastangan. Sapagkat lagi ka na
lamang nagsusuklay ang pulang
suklay na ito ay mananatili sana iyan
sa tuktok ng iyong ulo.”
At idiniin ni Isakong
Salamangkero ang
pulang suklay sa ulo
ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay
ni Isko bilang magaling na
salamangkero, biglang naging
tandang ang anak na tamad at
lapastangan.
At ang suklay sa ulo ni
Pedrito ay naging pulang
palong. Hanggang sa ngayon ay
makikita pa natin ang
mapupulang palong sa ulo ng
mga tandang.
1-2.) Sino ang tauhan sa
kuwento?
3.) Saang lugar napadpad
ang mag-ama?
4.) Ano ang itinawag ng mga tao sa
ama?
5.) Bakit nakilala sa lugar ang ama?
6.) Magbigay ng isa sa mga
katangiang ng ama na nabanggit
sa kuwento.
7.) Magbigay ng katangian ng anak?
8.) Bakit laging nasa harap ng salamin ang
anak?
9.) Bilang anak ano ang mga gawaing
bahay ang nakaatas sa kanya?
10) Ano ang ginagawa ng anak kapag siya
ay pinagsasabihan ng kanyang ama?
11. Ano ang naging dahilan ng matinding
galit ng ama sa anak?
12.Ano ang ginawa na galit ama sa
kanyang anak?
13-15. )ano ang makukuhang aral sa
kuwento?
Aral:
•Huwag maging tamad. Ang pagtulong sa
magulang sa gawaing bahay ay nararapat
lamang na gawin ng mga anak.
•Laging makinig at sumunod sa ipinag-uutos
ng magulang upang hindi maparusahan.
•Maraming nalulugod sa batang magalang.
Huwag kalimutang gumamit ng “po” at “opo”
sa nakatatandang kausap.

You might also like