Dokumen - Tips Retorika Pagsulat
Dokumen - Tips Retorika Pagsulat
Dokumen - Tips Retorika Pagsulat
c. Ayon naman kina Peck at Buckingham ang pagsulat ay ang ekstensyon ng wika
at karanasan na natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at
pagbabasa. (sa Bernales, 2009)
d. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang
na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg
kungsaan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga
tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit,
nagkakaunawaan atnagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay
napananatiling buhay sa pamamagitan nito.
PARAAN SA PAGGAWA
1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.
2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas
3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon.
4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III…) sa pagsulat ng pangunahing diwa o
paksa.
5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng
mahahalagang salita ng bawat pangunahing diwa.
6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals at malaking letra.
7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng pangunahing diwa ang mga
kaugnay na paksa.
8.Gamitin ang malaking letra (A, B, C…) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic).
9.Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3…) sa unahan ng mga detalye na sumusuporta
sa kaugnay na paksa.
10.Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan
ito sa malaking letra.
Mga dapat isaalang-alang sa pagbabalakas
• Sa paggawa ng balangkas, tanungin mo muna ang iyong sarili kung paano mo
maaayos sa mga grupo o ma-uuri ang mga pangunahing ideya (titulo o pamagat)
na nasasaisip mo.
• Palawakin ang mga ideyang ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga detalye o
subtopics sa bawat grupo.