Kasayasayan NG Wikang Pambansa

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 73

Kasaysayan

ng
Wikang
Pambansa
Panahon ng
mga
Katutubo
Teorya ng Pandarayuhan (Wave Migration Theory)
1916
Dr. Otler Beyer,isang Amerikanong Antropologo
na nagsabing tatlong grupo ang nagpasimula ng
lahing Pilipino:
* Negrito
* Indones
*Malay
Dr. Robert B. Fox may
natagpuang buto ng bungo at
panga sa yungib ng Tabon sa
Palawan noong 1962
Ang Taong Tabon ay nagmula
sa specie ng Taong Peking na
kabilang sa homo sapiens o
modern man at ang taong Java
na kabilang sa homo erectus
Dr. Armand Mijares ang isang buto
ng paa sa kweba ng Callao,
Cagayan. Sinasabing mas matanda
pa daw ito sa Taong Tabon at
nabuhay ito 67,000 taon na
nakakalipas.
Teorya ng Pandarayuhan
(Relihiyosong Austronesyano)
Ayon kay Wilheim Solheim II,
Ama ng Arkeolohiyang Timog-
Silangang Asya, nagmula ang mga
Austronesian sa mga isla ng Sulu
at Celebes na tinawag na
Teoryang Pandarayuhan
Relihiyosong Austronesyano (Peter
Bellwood –Australia National
University)
Ang lahing ito ay nagsimula sa Timog Tsina
at Taiwan at nagtungo sa Pilipinas noong
5,000 B.C.
unang nakatuklas ng bangkang may katig.
kinikilalang nagpaunlad ng rice terracing.
Naniniwala sa mga anito
Nanininiwaladin sila sa paglilibing ng
bangkay sa banga tulad ng natagpuan sa
Manunggul Cave sa Palawan.
Mayroon ng sining at panitikan ang mga
Pilipino
May sariling pamahalaan (barangay),batas, at
wika ang mga katutubo
Biyas ng kawayan, dahon ng palaspas at
balat ng punongkahoy ang pinakapapel at dulo
ng matulis na bakal (lanseta) ang kanilang
Sinunog ng mga Kastila ang mga ginawa ng
mga ninuno dahil ito daw ay gawa ng
demonyo.
Relacion de las Islas Filipinas (1604) sinulat
ni Padre Chirino na nagpapatunay sa sariling
kalinangan ng mga Pilipino sa sistema ng
pagsulat na kung tawagin ay BAYBAYIN.
Ang baybayin ay binubuo ng
labimpitong (17) titik:
* tatlong (3) patinig
* labing-apat (14) na
katinig
Kung nais bigkasin ang katinig kasama
ang /e/ o /i/, nilalagyan ng tuldok sa itaas.
( bati)(mesa)(giba)
Kung bibigkasin ang katinig kasama ang /o/
o /u/ nilalagyan ng tuldok sa ibaba (kuto)
(luma)(puso)
Kung nais kaltasin ang anumang patinig
kasama ng katinig sa hulihan ng isang
salita,ginagamitan ito ng kruz (+) pananda sa
pagkaltas sa huling tunog.(sakal)(patay)
(buhay)
Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit( //
) sa dulo ng pangungusap hudyat ng
pagtatapos nito.
Karamihan sa mga panitikan ay pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-
bayan,bugtong,epiko,salawikain at awiting
bayan na anyong patula,mga kwentong bayan,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Panahon ng
Espanyol
Tatlong Gs –
GOD, GOLD at GLORY
1. Kristiyanismo,
2. maghanap ng ginto at
3. upang lalong mapabantog
Ayon sa mga Espanyol, nasa
kalagayang Barbariko, di sibilisado
at pagano ang mga katutubo noon.
Carlos IV
Lumagda ng isang pang dikreto na nag-
uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa
lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan
ng mga Indio noong ika-29 ng Disyembre
1672
- Gob. Tello – nagmungkahi na turuan
ang mga indio ng Wikang Espanyol.
 - Carlos I at Felipe II – naniniwalang
kailangang maging billinguwal ang mga
Pilipino.  Gagamitin nila ang  katutubong
Wika at Espanyol
Mga Unang Aklat
Doctrina Christiana
Taon ng pagkakalathala: 1593
May akda: Padre de Placencia at Padre Domingo Nieva
Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag
sa Pilipinas sa pamamagitan ng
silograpiko.
Nuestra Senora del Rosario
Taon ng pagkakalathala: 1602
May akda: Padre Blancas de San Jose
Ito ang ikalawang aklat na nilimbag sa Pilipinas
Barlaan at Josaphat
Taon ng pagkakalathala: 1780
May akda: Padre Antonio de Borja
Ito ang ikatlong aklat na nailimbag sa Pilipinas na batay sa
mga sulat sa Griyego ni San Juan Demasceno
Mahahati ang panitikan sa
dalawa sa panahong ito:
1.Pamaksang pananampalataya
at kabutihang-asal 
2. Panitikang panrebolusyon.
Panitikang Pamaksang
Pananampalataya at
Kabutihang-asal
Dula
 Senakulo
 isang dula ng patungkol sa buhay,
pagpapakasakit, kamatayan at
muling pagkabuhay ng Panginoong
Hesukristo.
Dula
 Moro-moro
 isang uri ng “komedya” sa Pilipinas na isang
adaptasyon mula sa dula sa Europa na Comedia
de Capa y Espada.
 pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa
pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim .
Dula
 Karagatan

 kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may


lamay at may matandang tutula ukol sa paksa ng
Laro.
 nagmula sa alamat ng isang prinsesa na
nahulugan ng isang singsing habang siya ay
naglalakbay sa isang karagatan.
Dula
  Duplo
 ito ang pumalit sa Karagatan.
Tibag
 Isang dulang pagtatangal kung buwan ng
Mayo na nakaugalian na sa Bulacan, Nueva
Ecija, Bataan, Rizal at Bicol.
Dula
  Senakulo
 Santa cruzan 
  Tibag
 Moro-moro
 Carillo o dulang puppet
 Duplo
 Karagatan
Tula
> Pasyong inaawit
> Sila rin ang nagpakilala ng konseptong
maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na
mababatid sa mga akdang awit na ang mga
pangunahing tauhan ay mga hari, reyna,
prinsipe at prinsesa – (ang awit na Florante at
Laura ni Balagtas)
Del Superior Govierno -
pinakaunang pahayagan na
nailimbag sa bansa noong
Agosto 8, 1811
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang
nakasusulat sapagkat wikang Kastila
lamang ang kinikilala sa ganitong larangan.
Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila
dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at
pagiging madamot ng mga Kastila.
Panitikang Rebolusyonaryo at
Sedisyoso
- karamihan sa mga panitikang nalikha ay may
diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang
Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga
Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889
Pahayagang propagandista na
naglalayong“matamo ang pagbabagong
kailangan ng bansa bilang tugon sa
kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya,
maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa
sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at
upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagtago
ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang
sagisag-panulat upang maprotektahan ng
mga sarili laban sa mapang-alipustang
Kastila at upang patuloy na makasulat.
Dr. Jose P. Rizal ( Laong Laan) 
 pahayagang La Solidaridad
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo 
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-
panulat na PLARIDEL),
Graciano Lopez-Jaena,(Fray Botod)
Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro
Serrano Laktaw, Emilio Jacinto,Apolinario
Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat
din.
Panahon ng
Rebolusyonaryong
Pilipino
333 taon na sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas
1872- nagkaroon ng kilusan ang propagandista. Ito
ang simula ng paghihimagsik
Batid ng mga propagandista na ang wika ay
malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila.
Andres Bonifacio – nagtatag ng Katipunan
Wikang Tagalog ang ginamit sa kautusan at
pahayagan ng katipunan
Tagalog ang ginawang opisyal na wika
bagamat walang isinasaad na ito ang
magiging Wikang Pambansa
 “Isang Bansa, Isang Diwa laban sa mga
Espanyol”-kaisipang sumibol
1899 pinagtibay ang Konstitusyon ng Biak na
Bato
>ito ang unang kongkretong pagkilos ng mga
Pilipino laban sa mga Kastila
Aguinaldo-namuno sa Unang Republika.
Ginawa niyang opsiyonal ang paggamit ng
Wikang Tagalog
PANAHON NG
AMERIKANO
*1898-tuluyang napabagsak ang
pamahalaang Kastila sa tulong ng
mga Amerikano na nagsilbing
“tagasagip”ng mga Pilipino
•Relihiyon(Kastila)
•Edukasyon ang naging
pangunahing ipinamana ng
mga Amerikano
3R’s(Reading,Writing,
Arithmetic)
* Wikang Ingles ang ginamit na
wikang panturo at wikang
pantalastasan mula sa antas
primarya hanggang sa kolehiyo
*Jacob Schurman-
namuno sa komisyong
naniniwalang kailangan
ng Ingles sa edukasyong
primary.
Batas Blg.74 (Marso 21,1901)
Nagtatag ng mga paaralang
pambayan at naghayag na Ingles
ang gagawing wikang panturo.
Ipinagbawal ang paggamit ng wikang
bernakular at tanging wikang Ingles na
lang ang ipinagamit na wikang panturo
nang mapalitan ang direktor ng
kawanihan ng edukasyon.
PANITIKAN
Sa panahong ito isinilang ang mga ilang imortal na
makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa
bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog
at iba pang wikang panlalawigan.
1910 - Nagsimulang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles
1. Cecilio Apostol na sumulat ng
mga oda para kay Rizal;
2. Claro M. Recto na naging tanyag sa
kanyang natatanging mga talumpati;
3. Lope K. Santos - “Banaag at Sikat”
4. Jose Corazon de Jesus “Makata ng
Pag-ibig” at may panulat-sagisag na
‘Huseng Batute;’
5.Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na
‘Huseng Sisiw’
6. Severino Reyes-“Walang Sugat” at
tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog;
7. Zoilo Galang na pinakaunang
nobelistang Pilipino (A Child of
Sorrow)
• fairy tale 
• Pinilakang-tabing(pelikula)
• bodabil naisang uri ng dula kung saan
umaawit at sumasayaw ang mga artista
• Sarsuwela
• Silent films
 
- Ang mga unang pelikulang ginawa sa
bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang
kalamidad at ang iilang dokumentaryong
bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga
Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
-Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay
ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng
kanyang dalawang nobela.
- Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na
ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga.
Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may
underwater scene.
Panahon ng
Hapon
Ordinansa Militar Blg. 13 – Ipinatupad
ng mga Hapones.
-          Ito ay nag-uutos na gawing
opisyal na wika ang Tagalog at
Nihonggo.
Benigno Aquino – ang nahirang direktor ng
KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas.
Pagpapalaganap ng Wikang Pilipino – ang
pangunahing proyekto ng Kapisanan, katuwang
nila ang SWP.
Para sa karamihang manunulat na
Pilipino, isang biyaya sa larangang
panitikan ng bansa ang
pangyayaring ito.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa
sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng
wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat
sa Ingles upang masigurong hindi
mababahiran ng kanluraning ideya ang
panitikang nililikha.
Gintong Panahon ng Panitikang
Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga
ito.
Kinilala ang mga manunulat na babaeng
Pilipino
1. Liwayway A. Arceo at
2. Genoveva Edroza-Matute
dahil sa mga makintal na maka-feministang
maikling-kwento.
Tula
1. haiku (maikling tulang may tatlong taludtod
at may bilang na pantig na 5-7-5 sa
taludtod),
2.tanaga(maikling tulang may apat na taludtod
at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
3. Tanka ( 31 na pantig, 5 linya)

You might also like