Panahon NG Hapon

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

PANAHON NG HAPON

PANANAKOP NG MGA HAPONES


Ang pananakop ng mga Hapones sa
Pilipinas ay ang panahon ng
kasaysayan ng Pilipinas mula 1942
hanggang 1945, noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, kung kailan
nilusob ng imperyo ng Hapon ang
Pilipinas na dating nasa ilalim ng
kapangyarihan ng Estados Unidos.
Binomba ng hukbo ng mga sundalong
Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8,
1941. Naganap ito isang araw pagkaraang
bombahin ng mga Hapones ang Pearl
Harbor, Hawaii, Estados Unidos.
Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras
sina Heneral Douglas MacArthur na
kasama ang pamahalaan ni Manuel L.
Quezon.
Heneral Douglas MacArthur
Manuel L. Quezon

Si Manuel L. Quezon
ay dating
nanunungkulan bilang
Pangulo ng Pilipinas.
Pinasok ng military ng Hapon ang Maynila
noong Enero 2, 1942. Bumagsak ang Bataan sa
puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.
Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad
ng mga Hapones (ito ay tinatawag na Martsa
ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng
konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.
Death March
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa
kamay ng mga Hapon, nagpunta si
MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa
Corregidor ni Heneral Jonathan
Wainwright, upang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang
sumuko ang mga Pilipino sa mga
Amerikano pagkalipas ng 27 araw.
Heneral
Jonathan
Wainwright
Nagtagal ng tatlong taon ang
pananakop o okupasyon ng mga
Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang
mga Hapones ng isang
pamahalaang tau-tauhan lamang
nila, na ang nagsisilbing pangulo ay
si Jose P. Laurel.
Jose P. Laurel
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang
digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas
mula sa mga Hapones nang lumapag
ang mga Puwersa ni Douglas
MacArthur sa Jangway ng Leyte.
Naproklama bilang bagong pangulo ng
Pilipinas si Sergio Osmeña nang
mamatay si Manuel L. Quezon (dahil sa
sakit na tuberculosis).
Sergio Osmeña
Malakas na nabomba ng mga sundalo ng
Estados Unidos ang Maynila noong
Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano
ang mga puwersang militar ni Heneral
Homma sa Lalawigang Bulubundukin
(Mountain Province), na napilitang
sumuko noong mabigo ang mga ito sa
tinatangka nilang pagtakas
Heneral Homma
Naglunsad ang bansang Hapon ng isang
sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa
Pampanga noong Disyembre 8, 1941, halos
sampung oras lamang matapos ang pag-
atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa
pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano
ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong
Hapones sa Luzon.
Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong
sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas
MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga
kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang
mga hukbong Pilipino at Amerikano sa
Bataan at sa pulo ng Corregidor (isang
pulong nakalagak sa bukana ng Look ng
Maynila).
Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod
o Open City upang maiwasan ang pagkawasak
nito, ngunit nagging pasaway ang mga Hapones
at sinalakay pa rin ito, ito ay pinasok ng mga
Hapones noong Enero 2, 1942. Nagpatuloy ang
pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa
pagsuko ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang
Corregidor noong Mayo 6.
Karamihan sa 80,000 na mga preso ng
digmaan na nahuli ng mga Hapones sa
Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa
isang kulungang may layo ng 105 kilometro
sa Hilaga (Pampanga). Tinatayang 10,000
mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at
1,200 mga Amerikano ang namatay bago
makarating sa destinasyon.
Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar
ng Hapon ng bagong istraktura ng pamahalaan sa
Pilipinas at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod
sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI). Isinaayos nila ang
Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil
na batas hanggang Oktubre 1943, nang idineklara
nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang
republikang nasa ilalim ng mga Hapones sa
pinamumunuan ni Jose P. Laurel ay hindi nagging
popular.
Ang pagsakop ng mga Hapon sa
Pilipinas ay tinutulan nang
maraming aktibidad ng mga gerilya
(isang sibilyan na nanglulusob ng
isang regular na hukbong panlupa).
Lumaban ang pangkat ng militar ng
Hukbong Katihan ng Estados Unidos.
Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay
ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan
kontrolado lamang ng mga Hapones ang
labindalawa sa apatnapu at walong lalawigan sa
bansa. Ang pangunahing elemento ng
paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan
ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa
Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot
ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.
Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2,
1945, nagsimula ang kompanya ng labanan ng
Pilipinong nadakpin muli sa Pilipinas sa ilalim ng
pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong
mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na
kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang
dating militar ng Hukbong Katihan ng
Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng Pangkat ng
militar ng Estados Unidos (1935-1946)
Ang sumali bilang gerilya ng kumilalang
pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka
at labang ito sa Pilipinas katulad ng
Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban
sila sa mga Hapon, at bago ang
pagbabalik ng mga Amerikanong
sundalo sa Pilipinas noong 1944.
Dumating si Heneral Douglas MacArthur at
si Pangulong Sergio Osmeña kasama ang
maraming mga Pilipino at Amerikanong
sundalo sa Leyte noong Oktubre 20, 1944.
Marami pang mga sundalo ang dumating, at
pinasok ng mga magkakaalyadong sundalong
Pilipino at Amerikano ang Maynila.
Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na
pagsuko ng Hapon noong Setyembre 2, 1945.
Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng
maraming buhay at malawakang pagkasira nang
matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong
Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila
dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang
Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad
ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.
SALAMAT !!!

You might also like