Aralin 4 Presentation
Aralin 4 Presentation
Aralin 4 Presentation
Makrosanayang pangwika;
Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat
Elaborate on what
you want to discuss.
Pakikinig
Ang pandinig ay isa sa mga pinakaunang kakayahang naipamalas ng tao; Ito rin ang pinkahuling
nawawala sa kanya bago lagutan ng huling hininga, Ang bagong silang na sanggol ay mayroong
matalas na pandinig bago pa man luminaw ang kanyang paningin. At maari naman na ang isang
tao na nag-aagaw buhay ay wala ng makita o hindi na makapagsalita, subalit ito ay may
kakayahan pa ring makarinig. Samakatuwid, ito ang pinakahuling kakayahan na nawawala sa
isang tao bago siya lumisan sa mundong ibabaw.
Makapagbigay Magbigay ng Makatulong para Makapagbigay ng Makatulong upang
babala para sa kaalaman at maibsan ang sakit magandang imahe maikondisyong
kaligtasan magbigay-daan o bigat ng loob na mabuti ang sarili
upang nararamdaman ng
makapagsuri ng isang tao na
higit pang ideya malapit sa iyo
katangian ng
isang nakikinig
Pisikal
Emosyonal
Mental
SOSYAL
Pagsasalita
Ang bawat isa ay binigyan ng angking talino at kakayahan. Nararapat na ang mga biyayang ito ay
ibabahagi sa kapwa upang magkaroon ng pagbabahaginan at pagkakaisa sa isang lugar.
Kadalasang pasalita ang paraang ginagamit upang ituro ang mga kaalamang ito sa ibang tao.
Hindi dapat mahiyang magtanong sa kapwa ang sino man na nagnanais matuto o magkaroon ng
maraming kaalaman buaht sa iba't ibang uri ng tao.
Layunin sa Pagsasalita
Pansarili
• Para maibulalas ang sama ng
loob sapagkat nakagagaan ito
ng damdamin
• Para magkaroon ng tiwala o
konting bilib sa sarili
Pangkapwa
• Para ma makapagbigay ng
kontribusyon sa kaalaman
• Para makatulong sa problema
ng iba sa pamamagitan ng
pagbibigay ng payo
• Para makipagpalagayang-loob
sa kapwa
Mga Dapat 1 Uri ng kausap
Isaalang 2 Distansiya ng kausap
-alang sa 3 Wastong Gramatika at retorika
Wastong
4 Gawi at kilos
Pagsasalita
Mga dapat tandaan sa pagsasalita sa
iba't ibang pagkakataon
Pakikipag-usap na
dalawahan
Ang karaniwang layunin nito ay
magkaroon ng kaibigan. Kayat
ang mga katangiang dapat
isaalang-alang dito ay ang
pagsasalita ng natural at ang
pagsasabi ng pawang
katotohanan.
Pakikipanayam
Ang karaniwang layunin nito ay
makakuha impormasyon sa
isang kinikilalang eksperto sa
larangan ng paksang napili.
Pangkatang
Talakayan
Ang pangunahing layunin ay
magbigay kaalaman sa maraming
tao o makagawa ng solusyon para
sa isang suliraning panlipunan.
a. Roundtable
b. Panel Discussion
c. Symposium
d. Lecture Forum
Talumpati
Ito ay pagsasalita sa harap ng
maraming tagapakinig. Maaari
itong pinaghandaan o impromptu
(walang ganap na paghahanda).
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan ng pagwawaksi sa papel ng mga nararamdaman o nalalaman. Isang
napakalaking hamon ito sa karamihan sapagkat hindi ito kalimitan ginagawa sa ordinaryong
pagkakataon, kayat bihira ring nalilinang ang kasanayang ito. Napkahalaga na mapagtuunan ito ng
pansin, sapagkat isa ito sa mga ginagamit na pamantayan sa pagkilatis kung gaano kahusay ang
isang tao.
Pagbasa
Ang pagbasa ay ang pagbibigay interpretasyon sa mga nakalinlang na titik o simbolo.
Napakahalagang mapagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng kasanayang ito sapagkat malaki
ang maitutulong nito sa isang indibidwal at maging sa buong komunidad. Sa pamamagitan nito ay
madaragdagan ang kaalaman ng isang tao sa pamamagitan ng kangyang kagustuhan na masagot
ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan.
Mga dapat tandaan sa pagbabasa
Bago magbasa
• Iugnay ang paksa ng
babasahin sa sariling
karanasan upang magkaroon
ng kawilihan na basahin ang
akda mula sa simula
hanggang wakas
Habang nagbabasa