Final PPT - Aralin 4 - Makr-Wps Office

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

ARALIN 4 :

MAKROKASANAYANG
PANGWIKA:
Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa at
Pagsulat
Mga Layunin:
• K: Masuri at matukoy ang mga ideya ukol sa
Makrokasanayang Pangwika.
• A: Maipamalas Ang kahusayan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa sa pamamagitan ng
makabuluhang gawain (message relay).
• S: Makasulat ng sanaysay tungkol sa
natutunan sa araling natalakay.
" Kung Ang Pagsasalita ay isang pilak,
Kung gayon ang Pakikinig ay isang Ginto."
Ayusin ang mga sumusunod na salita:
1. NIGPAIIKK
2. ASASLATIGAP
3. ABSAGAP
4. AGPUALTS
Pakikinig
- Ito ay isa sa mga pinakaunang
kakayahang Maipamalas ng tao, Ito rin
ang pinakahuling nawawala sa isang tao
bago lagutan ng hiking hininga.
May ipinagkaiba Ang salitang pandinig sa
Pakikinig. Ang pandinig ay ang pagkuha o
pagsagap ng mga tunog sa tainga subalit ang
Pakikinig ay ang pagsagap ng tunog na may
kasamang pag-intindi.

Tunog –> pandinig


Tunog –> pandinig –> pag-intindi –> pakikinig
Nagbigay sina Mangahis, Nuncio, at Javillo (2208)
ng mgaproseso sa pakikinig.
Ang dalawang antas sa ibaba ay saklaw ng pandinig
samantalang ang mga sumunod na hakbang ay ang
pagtanggap ng tunog na may kasamang pang-unawa
kayat sumasaklaw na ang mga ito sa pakikinig.
Kahalagahan ng Tamang Pakikinig

1. Maaari itong makapagbigay babala para sa


kaligtasan.
2. Maaari itong magbigay ng kaalaman at magbigay
daan upang makapagsuri ng higit pang ideya.
3. Maaari itong makatulong para maibsan ang sakit o
bigat ng loob na nararamdaman ng isang tao na
malapit sa iyo.
4. Maaari itong makapagbigay ng magandang imahe
sapagkat ang Isang indibidual na nakikinig nang
mabuti ay mas nakatatalima sa ipinag-uutos ng mga
tao na nasa katungkulan.

5.Maaari rin itong makatulong upang maikondisyong


mabuti ang sarili.
Iba't ibang aspekto na nakakasagabal saa
wastong pakikinig:

1.Pisikal
• Pagkakaroon ng diperensya o sakit sa pandinig.
• Mayroong sakit na nangangailangang uminom ng
malalakas na uri ng gamot.
• Kakulangan sa tulog o pagkapagod.
2. Emosyonal
• Problemado, may pinagdadaanan sa buhay, o may galit na
itinatago sa puso kung kaya't mabilis maiinis at maiinip at
nawawalan ng konsentrasyon at pasensya sa pakikinig.

3. Mental
• Ito ay may kinalaman sa mga indibidual na mayroong
espesyal na pangangailangan sa pang-unawa.

4. Sosyal
• Hindi Tamang pag-uugali o pakikitungo sa kapwa-tao.
• May ugaling mapagmataas sa kapwa-tao.
Pagsasalita

- ito Ang biyayang ibinahagi sa kapwa tao


upang magkaroon ng pagbabahaginan at
pagkakaisa sa Isang lugar.
Layunin sa Pagsasalita
1.Pansarili
Para maibulalas Ang sama ng loob sapagkat
nakagagaan ito ng damdamin.
Para magkaroon ng tiwala o konting bilib sa sarili.
2.Pangkapwa
Para makapagbigay ng kontribusyon sa kaalaman
Para makatulong sa problema ng iba sa pamamagitan
ng pagbibigay ng payo.
Para makipagpalagayang-loob sa kapwa.
Mga Dapat isaalang-alang sa wastong
pagsasalita

1. Uri ng kausap
• Dapat iayon Ang tono ng pananalita sa uri ng
kausap.
• Ugaliing ipamalas Ang tanda ng paggalang sa
pamamaraan ng pagsasalita.
2. Distansiya ng kausap
• Isaalang-alang ang lakas at hina ng boses sa
lokasyon ng kausap.

3. Wastong gramatika at retorika


• Piliin ang mga salitang gagamitin.
• Bigkasin nang mabuti ang mga salita.
• Mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang mga
alintuntunin sa sining ng pagpapahayag upang
madaling maintindihan ang ipinapahiwatig.
4.Gawi at kilos
• Ugaliing tumingin sa mata ng kausap.
• Gumamit ng tamang ekspresyon ng mukha at
kumpas ng kamay.
• Ayusin ang tindig o ang postura para makuha ang
atensyon ng nakikinig.
• Magsuot ng damit na naayon sa pagkakataon.
Mga dapat tandaan sa pagsasalita sa iba't ibang
pagkakataon.
1.Pakikipag-usap na dalawahan
-Ito ay magkaroon ng kaibigan kayat ang mga
katangiang dapat isaalang-alang dito ay Ang
pagsasalita ng natural at ang pagsasa ng
pawangkatotohanan.

2. Pakikipanayam
Ito ay makakuha ng impormasyon sa isang kinikilalang
eksperto sa larangan ng paksang napili.
Proseso ng tamang paghahanda sa
pakikipanayam
• Pumili ng paksa at pagkatapos ay magsaliksik
hinggil Dito.
• Alamin kung sino Ang eksperto sa larangan ng
paksang napili.
• Humingi ng pahintulot para siya ay makapanayam.
3.Pangkatang talakayan
- Ito ay magbigay kaalaman sa maraming tao o
makagawa ng solusyon para sa Isang suliraning
panlipunan.

Iba't ibang uri ng pangkatang talakayan


a. Roundtable - mayroon itong Isang pinuno
binubuo ng lima hanggang sampung miyembro.
b. Panel discussion - mayroon itong Isang pormal
na nakikinig na maaaring magtanong o magbigay ng
saloobin matapos ang talakayan.
c. Symposium - magbibigay ng talumpati Ang tatlo o
apat na dalubhasa ng paksa na may kinalaman sa
pangkalahatang isyu ng symposium.
d. Lecture forum - mayroon itong isang tagapagsalita
na dalubhasa sa paksa ng talakayan.
4.) Talumpati
Ito ay pagsasalita sa harap ng maraming tagapakinig.

Mga Dapat tandaan sa paghahanda ng Talumpati:


• Unang bahagi - kailangang pukawin Ang atensyon
ng madla.
• Gitnang bahagi - tiyakin na magsama ng
mahahalagang impormasyon.
• Panghuling bahagi - ibigay ang kongklusyon ng
talumpati.
Pagbasa
- ito ay ang pagbibigay interpretasyon sa mga
nakalimbag na titik o simbolo.

Mga dapat tandaan sa Pagbasa:


1. Bago magbasa
• Iugnay Ang paksa ng babasahin sa sariling
karanasan.
• Alamin o magsaliksik ng Isang impormasyon na may
kinalaman sa paksang tatalakayin
2. Habang nagbabasa
• Paganahin ang imahinasyon at ilarawan sa isip ang
binabasa lalo na kung ito ay pasalaysay at palarawan na
teksto.
• Alamin ang pangunahing ideya ng binabasa.
• Lagyan ng mga pananda ang mga mahahalagang ideya.
• Alamin ang istilo o pamamaraang ginamit ng
manunulat.
• Suriing mabuti ang binabasa at alamin ang daloy ng
kaisipan niton.
• Maaaring isulat ang mga katanungan sa kapirasong
papel.
3. Pagkatapos magbasa
• Subukang gumawa ng buod ng akdang binasa.
•Makiisa sa talakayan upang pag-usapan ang mga
magagandang ideya at ang mga limitasyon kung
mayroon man ang teskto.
• Ibahagibsa iba ang mahahalagang ideya na
natutuhan sa teskto, sa pamamaraang pasulat o
pasalita.
Mga nakakasagabal sa Mabisang
Pagbabasa
1. Kawalan ng interes sa binabasang teksto.
2. Pagkakaron ng sakit na dysmomia, Isang suliranin
sa pag-intindi ng tamang baybay ng mga sarili.
3. Walang masyadong kaalaman sa paksang
tinatalakay
4. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon para sanayin
Ang sarili na magbasa ng madalas at magbasa Rin ng
iba't ibang uri ng teksto.
5.Limitado ang kakayahan sa istruktura at semantika
ng wika kagaya ng talasalitaan
6.Hindi minomonitor ang mga natutuhan sa teksto.
7.Hindi nagbabasa o tinitingnan muli ang teksto kahit
pa nakalimutan na ang ideyang nakasaad dito.
8.Hindi nag-iisip nang mabuti habang nagbabasa o
kaya'y naglalaan ng lubos at direktang
konsentrasyon.
9.Mahihirapang tandaan Ang ilang impormasyon.
10.Hindi akma Ang binabasang teksto ayon sa iyong
kakayahan, maaaring sobrang hirap ng tekstong
napiling basahin.
Pagsulat

-ito ay Isang paraan ng pagwawaksi sa papel ng


mga nararamdaman o nalalaman.
Iba't ibang dahilan kung bakit
nagsusulat ang Isang tao.
1. Ito ay dahil sa pangangailangan ng kurso o ng pag-
aaral.
2. Pampalubag-loob ito, halimbawa: ang pagsusulat sa
talaarawan.
3. Ito ay para maibahagi o mapatunayan ang natatagang
talento kagaya ng ginagawa ng mga makata o kagaya ng
pagsusulat nga mga sanaysay bago tanggapin ang sino
man sa Isang mataas na uri ng trabaho.
4. Ito ay para maibahagi ang kaalaman kagaya ng
ginagawa ng mga mamamahayag at mga dalubhasa o
ng mga mananaliksik na nagsusulat ng aklat at iba pa.
Talata - binubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag
ng buong kaisipan.

Ayon kina Sauco (2003), ang mga kaisipan sa mga talata ng


Isang akda ay kailangang magkaroon ng kaisahan,
kaugnayan at kaanyuan.
Kaisahan - ito ay kung napagtutuunan ng pansin ang
pangkalahatang ideya rito na nagsisilbing batayan ng mga
suportang pangungusap.
Kaugnayan - ito ay Ang mga pangungusap sa Isang
talata, napakahalaga Rin sapagkat ito Ang
nagpapalinaw ng ideyang nais pagtuunan ng pansin.
Kaanyuan - Maisasakatuparan ito kung gagamitin
Ang mga sumusunod sa pagpapalinaw ng mga ideya
sa Isang talata.
WAKAS
Pagsasanay
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ito ay isa sa pinakaunang kakayahang naipamalas ng tao.

2. Ibigay ang iba't ibang aspekto na nakakasagabal sa wastong pakikinig.

3. Ibigay ang mga Dapat isaalang-alang sa wastong pagsasalita.

4. Ito ay ang pagbibigay interpretasyon sa mga nakalimbag na titik o simbolo.

Pagtatasa
1.Bakit kailangang malaman ang kahalagahan ng Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat?

2. Saang aspeto ng buhay mo magagamit ang apat na maskrokasanayang pangwika?

Pangwakas na Gawain
Sagutin ang katanungan:

1. Isulat at Isalaysay ang iyong natutunan sa araling ito.


Mga tagapag-ulat:

Aguilar, Ellaine Rose S.


Agus, Christine T.
Morgia, Jeah Fe J.
Tuig, Francis Rey E.
Mga pinakukunan ng
Impormasyon :

Aklat sa Makabagong Filipino sa


Makabagong Panahon (1)

You might also like