Bionotegroup 7 1
Bionotegroup 7 1
Bionotegroup 7 1
GROUP 7
Layunin (Objectives):
1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating
akademiko sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa
BIONOTE ?
Biography
ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao.
Mula rito ay nabubuo naman ang BIONOTE
Ang Bionote ay maikling
paglalarawan o deskripsyon ng
manunulat gamit ang ikatlong
panauhan. Ito ay maituturing ding
isang uri ng lagom na ginagamit sa
pagsulat ng personal profile ng isang
tao.
Layunin#
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak angkatumpakan at
kaayusan nito.
Mga katangian ng
mahusay na
Bionote
1. Maikli ang nilalaman
Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na
kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na
impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas
babasahin ito. Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat
lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan ang
pagyayabang.
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
-Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa
sarili.
Halimbawa: "Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA
Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng
Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan."
3. Kinikilala ang mambabasa
Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng paaralan,
kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung
ano ang hinahanap nila. Halimbawa na lamang ay
kung ano ang klasipikasyon at kredibilidad mo sa
pagsulat ng batayang aklat.
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang
impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming
taong basahin lamang ang unang bahagi ng
sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay
isulat na ang pinakamahalagan impormasyon.
5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o
katangaian
-Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa
layunin ng iyong bionote.
IWASAN ito:
"Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/
chef."
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi
na kailangan banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o
chef.
6. Binabanggit ang degree kung
kailangan
Kung may PhD sa antropolohiya,
halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,
mahalagang isulat sa bionote ang
kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon