Modyul 7 To 8

You are on page 1of 17

SAMAR COLLEGES, INC.

Mabini Avenue, Catbalogan City


SENIOR HIGH SCHOOL
Basic Education Department

MODYUL 7 at 8
sa Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan (Akademik)

Ikalawang Kwarter
Unang Semestre, T.P. 2020 – 2021

MELANIE R. AYING, LPT


Guro
Modyul 7:
Akademikong Sulatin: Pagsulat ng
Larawang Sanaysay
Alamin

Sa mga naunang aralin, nakilala mo na ang ibang akademikong sulatin pero, bukod
doon, kinakailangan mo pang kilalanin ang dalawang sanaysay na maaari nating mauri
bilang akademikong pagsulat; ang Nakalarawang Sanaysay at Lakbay Sanaysay.
Matatalakay din ang pagsulat ng Posisyong Papel kung saan hihikayatin ang bawat isa
sa inyo na sumulat ng hindi lamang malikhain, kundi organisado at laging isinaalang-
alang ang etika sa pagsulat ng akademikong sulatin

Subukin

Gawain 1.1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng


pagkasunod-sunod na pangyayari, maipaliwanag ang isang konsepto o
magpahayag ng damdamin.
a. Lakbay-sanaysay c. Nakalarawang sanaysay
b. Tradisyunal na sanaysay d. Posisyong Papel

2. Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang manunulat sapagkat


ito ang magiging tema ng kanyang akda.
a. kita c. kariktan
b. pamilya d. paksa
3. Nakalarawang sanaysay: photo essay, Lakbay-sanaysay: .
a. travel brochure c. travel posts
b. travel essay d. travel kit
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI WASTO ang pagkalikha ng
nakalarawang sanaysay?
a. Ang manlilikha ay maaring gumamit ng mga salita ngunit maikli lamang.
b. Ang manlilikha ay hindi pwedeng gumamit ng mga salita pawang
larawan lamang.
c. Kinakailangan na magsaliksik ang manlilikha kung magiging
intereresado ba ang kanyang mambabasa na pinili niyang paksa.
d. Dapat sa paglikha ng nakalarawang sanaysay ay mayroong layunin ang
manlilikha; kung para saan ito at para kanino ito.
5. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng isang manunulat.
Maliban sa isa.
a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa
b. Dapat may kaisahan ang mga larawan
c. Dapat hindi lohikal ang pagkakaayos ng mga larawan
d. Dapat gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin

Nakalarawang Sanaysay o Photo Essay

Lagi na nating naririnig ang kasabihang “ang isang larawan ay


katumbas ng sanlibong salita o higit pa”. Maaaring maipahayag ang mga
hindi simpleng ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Ang pag-
aayos ng mga larawan upang maglahad ng kaisipan o ideya ay tinatawag
na nakalarawang sanaysay o photo essay.

Ang nakalarawang sanaysay o photo essay ay koleksiyon ng mga


larawang maingat na inayos upang makapaglahad ng pagkasunod-sunod
na pangyayari, makapagpaliwanag ng isang konsepto, o
makapagpahayag ng damdamin. Ito ay katulad din ng ibang uri ng
sanaysay na gumagamit ng mga estratehiya o teknik sa pagsasalaysay.
Ang kaibahan lang nito ay gumagamit ito ng mga larawan sa paglalahad.
Ang iba ay nilalagyan ng miikling teksto na siyang sumusuporta sa
larawan. Iwasan ang labis na pagsusulat, hayaang mangusap ang mga
larawan.

Hindi ito katulad ng tradisyunal na sanaysay na naglalahad ng


kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita, ang mensahe ng
nakalarawang sanaysay o photo essay ay pangunahing makikita sa mga
larawan. Ang mga larawan ang siyang pangunahing nagkukuwento.

Narito ang mga bagay na isaalang-alang sa pagbuo ng photo essay:

1. Paksa

a. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa (malapit sa puso ng


manlilikha, napapanahong balita, kalagayang politikal ng isang bayan,
at iba pa);

b. Pagnilayan kung magiging interesado ba ang mga mambabasa nito;


c. Kailangan dumaan sa masusing pagpaplano at pananaliksik ang
pagpili nito.
2. Mambabasa

a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa (edad, kasarian, hilig, atbp.)
b. Siguraduhing madaling maaccess ng mambabasa ang ginawang materyal
3. Layunin

a. Dapat malinaw ang patutunguhan ng photo essay


b. Gamitin ang mga larawan upang matamo ang proyekto
c. Dapat may kaisahan ang mga larawan na ginamit
(Consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay)

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks


Pagyamanin

Gawain 2:
Panuto: Tingnan ang halimbawang nakalarawang sanaysay sa ibaba. Ano kaya ang
paksang pinahihiwatig nito?

Kuha ni: Devin Avery Kuha ni: Precilla Du

Kuha ni: Bewakoof com Kuha ni: Stephanie

Sanggunian:
Isaisip https://unsplash.com

GAWAIN 3:

Panuto: Unawain ang sumusunod na katanungan at sagutin.

1. Ano ang kaibabahan ng nakalarawang sanaysay o photo essay sa tradisyunal na


sanaysay?
2. Naniniwala ka ba na popular ang sanaysay sa kasalukuyan? Bakit?

3. Ano-ano ang layunin sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?


4. Ano-ano ang konsiderasyon sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
5. Bakit mahalaga ang pananaliksik bago isagawa ang pagkuha ng mga larawan?

Isagawa

Gawain 4.
Panuto: Gamit ang iyong sariling camera, kumuha ng mga larawan at lumikha ng sariling
nakalarawang sanaysay o photo essay. May kalayaan kang pumili ng paksa basta ito ay
napapanahon. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba)

PAMANT PINAKAMAHUSAY (8-10) KATAMTAMAN ANG KAILANGAN PANG Kabuua


AYAN HUSAY (5-7) PAGHUSAYAN (1-4) n
Barayti ng Ang manlilikha ay gumamit ng 5-7 Ang manlilikha ay gumamit Ang manlilikha ay gumamit
mga Larawan na uri ng larawan. Ang bawat ng 3-4 na uri ng larawan. Ang ng 1-2 na larawan lamang
larawan ay may iba’t ibang bawat larawan ay may iba’t upang maghatid ng
pamatnubay o lead, may iba’t ibang ibang paksa, may iba’t ibang mensahe sa mambabasa.
anggulo at mga detalye. anggulo at mga
detalye.

Nilalaman Makabuluhan ang Madaling makuha ang Hindi masyadong malinaw


mensaheng nais ibahagi ng piyesa; mensaheng nais ibahagi ng ang
kakikitaan ito ng iba’t ibang kultura, piyesa; kakikitaan ito ng iba’t mensaheng nais ihatid.
isyung panlipunan at ito ay ibang kultura, isyung
napapanahong balita o paksa panlipunan.

Paglalara Ang manlilikha ay naglalagay ng Ang manlilikha ay naglalagay Hindi lahat ng larawan ay
wan o mga caption na naglalarawan sa ng mga caption na nilagyan ng caption. Hindi
Caption bawat larawan. Mahusay ang naglalarawan sa bawat man maayos ang gramatika
gramatika at malinaw ang larawan. Hindi man maayos ng mga salitang
mensaheng nais ipabatid. ang gramatika ng mga sumusuporta ngunit
salitang sumusuporta ngunit maiintindihan naman ito.
maiintindihan
naman ito.

Tayahin

Gawain 5
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.

Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng


tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang
mga salita lamang.
Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang
katangian ng isang mananaliksik
Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay
ay hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na
argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-
aaral.
Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang
mabisa itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit-
akit at lohikal ay mas madali makuha ang impormasyong hatid nito.
Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o
anumang obserbasyon sa isang lugar.

Panapos na Pananalita

Ang nakalarawang sanaysay ay tulad daw ng isang pelikula. Hindi nga lang ito gumagalaw ngunit ito
ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang kaisipan, damdamin o mensahe na maaari nating
pagnilayan. Tandaang ang sinumang lilikha ng nakalarawang sanaysay ay hindi lamang maituturing
na potograpo kundi isang storyteller. Laging tandaan na mas mainam na gumamit ka ng sariling mga
larawan ngunit kung hindi akma sa iyong layunin at paksa, maaari kang sumangguni sa mga larawang
may pahintulot ng may-ari na ilathala at huwag silang kalimutang isali sa sanggunian ng iyong awtput.

Modyul 8:
Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Aralin Panukalang Proyekto

1
Ano nga ba ang panukalang proyekto?

Panukalang Proyekto

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng mga
pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong
ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaingihaharap sa tao o samahang pag-
uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ayon naman kay Besim Nebiu,
may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin.
Sa klase, ang panukalang proyekto ay inihahanda upang mabigyan ang guro ng
pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihahandang proyekto
ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral. Ang proyekto ay maaaring isang pana naliksik
namay kaugnayan sa agham, humanidades,o agham panlipunan
Mahalagang maging maingat sa papapalano at pagdidisenyo ng panukalang
proyekto. Ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging
sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na dokumneto na ang
pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ayon kay
Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong
pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin
nito.
Mga dapat gawin sa pagsulat ng Panukalang Proyekto
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, kailangang tukuyin ang
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project
proposal.Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay
upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ang pangangailangan ang
magiging batayan ng isusulat na panukala.
1. Magmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa
sumusunod na mga tanong:
a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon?
b. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan sa nais mong
gawan ng panukalang proyekto?

2. Mula sa makukuha mong sagot sa mga nakatalang tanong ay makakakuha ka ng ideya


tungkol sa mga suliraning nangangailangan ng agarang solusyon.
3. Mula sa mga suliraning maitatala ay maitatala mo na rin ang mga posibleng solusyon
upang malutas ang mga nabanggit na suliranin.

Maaaring magkaroon ng maraming solusyon para sa isang suliranin subalit higit


na makabubuti kung magbigay-tuon lamang sa isang solusyon na sa palagay mo ay
higit na mhalagang bigyang-pansin. Dito iikot ang iyong isusulat na proyekto. Mula rito
ay maaari mo nang isulat ang panimula ng iyong panukalang proyekto kung saan ito
ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan, kompanya, o
organisasyonng pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa kanilang
pangangailangan ang panukalang proyektong iyong isasagawa. Tinatawag ang
bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng Suliranin. Tunghayan at suriin ang
halimbawang nakatala sa ibaba.

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


Matapos na mailahad ang suliranin ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng
sulating ito na binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.
1. Layunin- Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-
adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin at isulat batay sa mga
inaasahang reuslta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano
makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008),
ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos Measurable-
may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing
proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin
ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa
tamang pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kakailangin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan.

Mas makabubuti kung maisasama sa talaakdaan ng gawain ang petsa kung kalian
matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin. Kung hindi
tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na
lamang kahit linggo o buwan. Makatutulong kung gagamit ng chart o kalendaryo
para markahan ang pagsaasagawa ng bawat gawain. Suriin ang halimbawa sa
ibaba.
Badyet- ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet ang isa sa
pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ito ay ang talaan ng mga
gagastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet
ayon sa datos mula sa modyul na may pamagat na “Paghahanda ng isang Simpleng
Proyekto.”(http:eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/)
a. Gawing simple at malinaw ang badyet.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

Ang pag-apruba ng panukalang proyekto ay kadalasang nakasalalay sa malinaw


na pagsasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o
samahang makikinabang sa pagsassakatuparan ng layunin. Maaari ring isama sa
bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay
maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang
proyekto.

Paano nga ba isulat ang balangkas ng Panukalang Proyekto?

Balangkas ng Panukalang Proyekto

Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring gamitin


depende sa may-akda na naghahain nito. Ngunit para sa higit na payak na balangkas
para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod:

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na


pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaanao katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- dio nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isigawa
ang panukala.

6. Plano ng Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunud-sunod ng mga


gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at
bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
8. Pakinabang- kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung
saan nakasaad dito ang mga makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.

Bilang gabay sa pagsulat nito ay tunghayan ang mga halimbawa ng bawat


bahagi ng panukalang inilahad sa nagdaang talakayan.

1. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng


breakwater (1 araw)
• Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
2. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
bacao ( 3 buwan)
3. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

I. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater Php 3, 200,000.00
batay saisinumite ng napiling contractor
(kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00
pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 3, 220,000.00

II. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa
pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di
na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga
kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.
Higit sa lahat, magkakaroon ng kapanatagan ang puso ng bawat isa sa tuwing
sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong
ng ipapatayong mga pader.

Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng


barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa
tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng
mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamamyan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsislbing proteksiyon sa panahon
ng tag-ulan.

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan


ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan
at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na buwan.

Gawain

Panuto: Maghanda ng panukalang proyekto na isusumite sa prinsipal kaugnay sa proyektong


pagpapaunlad ng sariling paaralan. Halimbawa, pagpapanukala ng recycling center sa paaralan o
pagsisimula ng proyektong human library para sa isang pagdiriwang. Isaalang-alang ang pamantayan
sa susunod na pahina sa pagsulat.

Pamantayan Puntos

Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang


5
panukalang proyekto.

Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalanag


5
proyektong naisulat

Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat, wasto, at


5
angkop na paggamit ng wika

Nasasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang ng


5
etika sa binubuong akademikong sulatin.

Kabuuang Puntos 20
pg. 11
pg. 12
pg. 13
pg. 14
pg. 111
pg. 112
pg. 113

You might also like