Teoryang Makatao

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Teoryang

Makatao
Inihanda ni:
Jallyme D. Estellina
MILE-Filipino
Stephen Krashen

Isang professor emeritus


sa University of Southern
California na dalubhasa
sa larangan ng linggwistiko
at nagtataguyod ng
teoryang monitor.
•Nakasalig ang teoryang
makatao sa affective filter
hypothesis isa sa limang
hypoteses batay sa teoryang
monitor ni Stephen Krashen.
(Ang mga taong may mataas na
motibasyon, malaking tiwala sa sarili,
nagtataglay ng maayos na pagpapahalaga
sa sarili, at hindi kadalasang nababalisa ay
ang mga taong malaking posibilidad na
magtagumpay sa pagtatamo ng
pangalawang wika.)
(Samantala ang mga taong may mababang
tiwala sa sarili, walang motibasyon at
nangangambang magsalita ng ibang
lengguwahe ay nagiging sanhi ng malaking
posibilidad na makalimot ng malaking saklaw na
maaring at maiwasang magamit ang
“Comprehensive input o wikang nauunawaan sa
pamamagitan ng pagkonekta sa dating kaalaman
na maaring magamit sa pagtatamo ng wika.
Ang teoryang makatao
sa pagkatuto ay nagbibigay
diin sa kahalagahan ng mga salik
na pandamdamin at emosyunal.
Ito‘y nananalig na ang
pagtatagumpay sa pagkatuto ay
mangyayari lamang kung angkop ang
kaligiran, may kawilihan ang mga
mag-aaral at may positibong saloobin
sila sa mga bagong kaalaman at
impormasyon.
Kung ang mga kondisyong
ito‘y hindi matutugunan, ang
anumang paraan o kagamitang
panturo ay maaaring hindi
magbunga ng pagkatuto.
Tungkulin ng Guro
sa Pagkatuto ng Wika
Gamit ang Teoryang Makatao
1. Maglaan at lumikha ng isang
kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at
isang pagkaklaseng walang
pananakot kung saan maginhawa ang
pakiramdam ng bawat mag-aaral at
malaya nilang nagagamit at nasusuri
ang bagong wikang natutuhan.
2. Mas mabilis na natututunan
ng tao ang wika at wala siyang pag-
aalinlangang gamitin ito at malaya niyang
nailalahad ang kanyang saloobin.
3. Kailangan ding linangin ng guro ang
pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-
aaral. Pangunahing binibigyang pansin
ng teoryang makatao ang mga mag-
aaral sa anumang proseso ng
pagkatuto.
4. Palaging isinasaalang-alang ang
saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili
ng nilalaman, kagamitang panturo at
mga gawain sa pagkatuto.
Ilang Halimbawa ng Pagsasaalang-
alang ng Teoryang Makatao sa
Pagtuturo
•Iniisip ang kapakanan at
nararamdaman ng mga mag-
aaral.
(Hal. Paggamit ng wastong mga
pangungusap at pahayag na
hindi makakasakit sa mga mag-
aaral)
•Paggalang at pantay na pagtingin sa lahat ng uri
ng mag-aaral - anuman ang estado sa buhay at
itsura.

(Hal. Pagtuturo ng wika upang mapagbuklod at


magkaunawaan ang mga mag-aaral upang
maiwasan ang pangungutya sa kapwa mag-aaral.)
•Hindi nanghuhusga at nang-
aabuso ng awtoridad bilang guro.
(Ituon sa mag-aaral ang pagtuturo.)
Mga Metodo sa Pagtuturo ng
Wika Kaugnay ng Teoryang
Makatao
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng
pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin.
Ang pamaraang ito ay ekstensyon ng modelong
Counselling-Learning ni Charles A. Curran na
nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga
mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang
isang komunidad na binibigyan ng kaukulang
pagpapayo.
Nababawasan ang pagkabahala sa
pamamaraang ito sapagkat ang klase ay
isang komunidad ng mag-aaral na laging
nag-aalalayan sa bawat sandali ng
pagkaklase. Ang guro ay tumatayo bilang
isang tagapayo at laging handa sa
anumang pangangailangan ng mag-aaral.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y mula sa
paniniwala ni George Lozanov (1979), na
ang utak ng tao ay may kakayahang
magproseso ng malaking dami ng
impormasyon kung nasa tamang
kalagayan sa pagkatuto, katulad
halimbawa ng isang relaks na kapaligiran
at ipinauubaya lahat sa guro ang maaring
maganap sa pagkaklase
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa
paniniwalang mabisa ang
pagkatuto kung ipinaubaya sa
mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto (Gattegno, 1972).
Ang mga mag-aaral sa isang
klasrum na Silent Way ay
nagtutulungan sa proseso ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
suliraning pangwika. Sa ganitong
kalagayan nanatiling tahimik ang guro
kaya ang katawagan ay Silent Way.

You might also like