ESP 8 Q4 Wk1 - SIPacks - CSFP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Quarter 4, Week 1
Pangalan: _________________________________________ Petsa: _______________
Baitang at Pangkat: _________________________________ Guro: Ian Santos B. Salinas

Paghahabi ng Layunin sa Aralin (Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?)


Sa SIPacks na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at
pag-unawa:
1. natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad;
2. nasusuri ang ilang mga napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa
sekswalidad; at
3. nakapagpapahayag ng mga angkop na kilos sa ilang napapanahong isyu ayon sa
tamang pananaw sa sekswalidad.
Gawain 1: Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem. Isulat sa sagutang papel kung ang pahayag ay
Tama kung ito ay tumutukoy sa tamang pagtingin sa sekswalidad o Mali kung hindi.
____1. Ang sekswalidad ay isang pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng tao.
____2. Kailangang tanggapin at igalang natin ang ating katawan, dahil ito ang pisikal
na manipestasyon ng ating pagkatao.
____3. Kung hindi mapag-iisa ang sekswalidad at pagkatao habang nagdadalaga o
nagbibinata, magkakaroon ng kakulangan sa kanyang pagkatao pagsapit ng
sapat na gulang (adulthood).
____4. Ang tao ay tinawag upang magmahal kung kaya lahat ay dapat pumasok sa
buhay may asawa.
____5. Dapat na ipagtaka o ikahiya ang pagkakaroon ng ‘di maipaliwanag na
pagkaakit sa katapat na kasarian.
____6. Magkatulad ang simbuyong sekswal (sex drive) ng tao at ng sa hayop.
____7. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkababae ang mismong katauhan ng tao.
____8. Ang pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay nakikita lamang sa pisikal o
bayolohikal na kakanyahan niya.
____9. Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang
magmahal.
____10. Ang pagmamahal ay isang emosyon at pagpukaw sa diwa at mga
pandama.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 2: Interes at Pahayag

Panuto: Magtala ng pagkakaiba ng lalaki at babae sa iba’t ibang aspeto. Maaaring ito ay base
sa iyong karanasan, naoobserbahan, napapanood o sinasabi ng ibang tao sa iyo. Gamitin ang
talahanayan sa ibaba bilang gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Palibhasa Lalaki Kaya….. Eh Kasi Babae Kaya…..


Hal. Pinipigilan ang pag-iyak Hal. Iyakin o emosyonal
1.
1.
2.
2.
3. 3.
4. 4.

5. 5.
Mga Gabay na Tanong:

1
1. Sino at ano ang nakaimpluwensya sa pagsulat mo ng mga katangian ng lalaki at babae?

2. Paano nakaaapekto ang mga kaisipan, opinyon, at damdamin tungkol sa pagiging lalaki
o babae sa pakikipag-ugnayan mo sa kasalungat na kasarian?

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


(Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa)
Gawain 3: Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon na may kinalaman sa isyu ng sekswalidad.
Suriin ang bawat isa at isulat sa sagutang papel na ito ang iyong paninindigan sa mga isyung ito.

1. Sina Leona at Chris ay magkasintahan. Isang araw,


sinabi ni Chris kay Leona, “Mapatutunayan mong tunay mo
akong mahal kung ibibigay mo nang buong-buo ang iyong
sarili kahit hindi pa tayo kasal.” Ano ang paninindigan mo sa
isyung ito?

Aking Panindigan:

2. Ang tatlo mong matalik na kaibigan ay may mga boyfriend


na madalas nilang ikuwento sa iyo. Tanging ikaw na lamang
ang walang karelasyon sa barkada. Sinabi nila sa iyo,”bakit
hindi mo subukan para maranasan mo naman”. Ano ang
iyong paninindigan dito?

Aking Panindigan:

3. Niyayaya ka ng iyong mga kaibigan na bumili at magbasa


ng mga malalaswang magazine. Halos lahat ng iyong mga
kaibigan ay nakabili na nito. Paano mo paninindigan ito?
Aking Panindigan:

2
Mula sa iyong pagsusuri sa tatlong kaso sa itaas, punan ng sagot ang tsart. Isulat ang iyong mga sagot
sa papel na ito.
Sitwasyon Isyu tungkol sa Ang Aking Naging basehan sa
sekswalidad Paninindigan Paninindigan
1.
2.
3.

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Integration


of GMRC Activities)
Gawain 4: Pagsusuri ng larawan

pagnanasa kagustuhan

nararamdaman pangangailangan

Mga tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan? Ipaliwanag.

2. Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, ano sa tingin mo ang sekswalidad?

3. Ikaw, bilang isang kabataan, paano mo ipakikita ang iyong pagpapahalaga sa


iyong sekswalidad?

Ang pagtataguyod ng isang personal na paniniwala hinggil sa iyong sariling sekswalidad ay isang
mahalagang bahagi ng pag-aako ng responsibilidad para sa iyong sarili bilang isang sekswal na tao.
Narito ang apat na mungkahi upang matulungan kang simulan ang proseso ng pagtaguyod ng iyong
sariling mga halagang sekswal.
1. Magsimula sa isang positibong pundasyon. Ang sekswalidad ay isang likas na
bahagi ng pagiging tao at hindi dapat maging mapagkukunan ng kahihiyan.
2. Linawin sa sarili at sa ibang tao ang iyong pagpapahalaga at limitasyon.
3. Ingatan ang iyong mga kilos at salita. Sundin ang payo ng mga magulang at guro
ukol sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
4. Turuan mo ang iyong sarili. Ang pag-unawa sa iyong sariling mga kagustuhan ay mapahuhusay lamang ng
totoong kaalaman tungkol sa katawan ng tao at mga prosesong sekswal, kaya humingi ng mga siyentipikong
pag-aaral, pagsasaliksik, at payo ng dalubhasa.

3
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
Ang Sekswalidad ng Tao
Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Sa iyong
pagkalalaki o pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao.
Ang unang katangian na nagpabukod-tangi sa iyo nang ikaw ay ipanganak – o noong una kang
makita sa ultrasound imaging ng iyong magulang - ay ang iyong pagiging lalaki o babae. Ang
pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay hindi nakikita lamang sa pisikal o bayolohikal na
kakanyahan niya. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkababae ang mismong katauhan niya.
Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae -
na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang, ang pagpapakalalaki
at pagpapakababae ay isang malayang pinili at personal na tungkulin na gagampanan mo sa buong
buhay mo.
Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao
upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki. Kung hindi mapag-iisa ang sekswalidad at
pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata, magkakaroon ng kakulangan sa kaniyang pagkatao
pagsapit ng sapat na gulang (adulthood).

Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao. May
dalawang daan patungo rito – ang pag-aasawa at ang buhay na walang asawa (celibacy). “ Tao
lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na
tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng
pagmamahal sa mundo – ang likas na nagpapadakila sa tao.” Upang gawing higit na katangi-tangi
ang pagmamahal, at upang ito ay maging buo at ganap, kailangang ito ay magkaroon ng integrasyon.
Ibig sabihin, kailangang mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na pagmamahal ayon sa kung
alin ang dapat mangibabaw o mauna.
Ang mahalagang elementong tinutukoy ayon kay Pope John Paul II ay ang sex drive o sekswal
na pagnanasa, ang kilos-loob (will), mga pandama at emosyon, pakikipagkaibigan, at kalinisang puri.
Ang Sex Drive o Libido
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, may mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging
dahilan ng pagpukaw ng iyong interes sa katapat na kasarian. Hindi mo dapat ipagtaka o ikahiya ang
pagkakaroon ng ‘di maipaliwanag na pagkaakit sa katapat na kasarian. Natural lamang ito, at kung
mapamamahalaan mo, ito ay makatutulong upang ihanda ka sa pagiging ganap na lalaki o babae.
Hindi maaaring ikumpara ang katutubong simbuyong sekswal (sex drive) ng hayop sa sekswal na
pagnanasa ng tao. Ang instinct sa hayop ay isang awtomatikong kilos o reflex mode na hindi
nangangailangan ng kamalayan. Isa lamang ang layunin ng sekswal na pagsasama ng hayop, ang
pagpapanatili ng kaniyang uri. Samantala, ang tao ay may kamalayan at may kalayaan ang
sekswalidad. Ito ay bunga ng pagpili, may tuon, at nag-uugat sa pagmamahal. Ang sekswal na
pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa kaniyang pagkatao. Kung
hahayaang mangibabaw, maaari itong magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o maging
sanhi ng abnormalidad sa sekswal na oryentasyon. Sa kabilang banda, kung mapamamahalaan at
mabibigyan ng tamang tuon ay maaaring makatulong sa paglago niya bilang tao at magbigay ng
kaganapan sa kaniya bilang lalaki o babae.

Ayon kay Pope John Paul II, ang emosyon ay ang mga pandama sa pagsibol ng tunay na
pagmamahal. Sa katunayan, sinabi niya na “Ang lahat ng tao ay nararapat na gamitin ang lakas at
sigla sa likod ng kaniyang senswalidad at emosyon, upang ang mga ito ay maging katuwang sa
pagsisikap na makamit ang tunay na pagmamahal. Ang udyok o pagnanasang sekswal ng tao ay
isang katotohanang kailangang kilalanin at tanggapin bilang bukal ng likas na enerhiya.”
Ang hamon sa atin ay ang paggamit sa likas na enerhiyang ito upang mapaglingkuran ang tunay
at tapat na pagmamahal. Ang likas na lakas na ito ay maaari nating ituon sa isports, sa pagpapaunlad
ng talento, mga hilig o interes, at sa pag-aaral.
Ang Puppy Love

Ang puppy love ay kadalasang napagkakamalan nating tunay na


pagmamahal. Ang totoo, maaari naman talaga itong maging simula o pundasyon
ng isang tunay at wagas na pagmamahalan pagdating ng tamang panahon.
Kailangan lamang ng tamang integrasyon ang nararamdamang senswalidad at
damdamin.

4
Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng
mga pandama (senses) at damdamin na tinatawag na sentiment na
bunsod naman ng emosyon. Kapag nakakilala ka ng isang tao na sa
iyong pamantayan ay nakaaakit, natural lamang na ang una mong
maging batayan ng paghuhusga ay ayon sa iyong mga pandama. May
mga pagkakataon naman na ang paghanga ay mas masidhi o sabi nga
“intense.” Hindi ka makakain, hindi makatulog, palagi mo na lamang
siyang naiisip. Gusto mong lagi siyang nakikita. Gusto mong lagi siyang nakakasama. Wala kang
makitang kapintasan, perpekto ang tingin mo sa kaniya. Huwag malungkot o madismaya kung
sabihin man sa iyo ng mga nasa hustong edad at nakaranas na nito na – hindi ito ang tunay na
pagmamahal na pinaghahandaan mo. Maaari naman itong gawing pundasyon para sa isang
tunay at wagas na pagmamahal. Kaya nga kung nararamdaman mo ito ngayon, tingnan mo ito sa
isang positibong pananaw at hayaan mong maging masaya ka sa ugnayang ito. Gamitin mong
inspirasyon ang hinahangaan upang mapagbuti pa ang iyong mga gawain at mapaunlad ang
sarili. Ang mahalaga, huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa lamang ng
paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang iyong nararamdaman ay paghanga
lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.

Pagtataya sa Iyong Pag-unawa:


1. Ano ang kahulugan ng sekswalidad?

2. Paano inihahambing ang sekswalidad ng tao sa sekswalidad ng hayop?


Ipaliwanag.

3. Paano nagiging pundasyon ng tunay na pagmamahal ang puppy love?


Ipaliwanag.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Pagsasabuhay)


Gawain 5: Stop Doing, Start Doing, Continue Doing
Panuto: Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, paano mo ipinakikita ang mga angkop na kilos o
tamang pangangasiwa tungkol sa mga isyu sa sekswalidad. Isulat kung paano ito ihintong gawin
(stop doing), uumpisahang gawin (start doing) at ipagpapatuloy na gawin (continue doing).

STOP DOING START DOING CONTINUE DOING

Halimbawa:
Hindi na ako magsusuot ng Maging responsable na sa Ipagpapatuloy ko ang
mga sobrang maiikling damit. pananamit at kilos ko. pagbibigay respeto sa aking
sarili upang matutunan din
akong irespeto ng iba.

1.

2.

3.

5
4.

5.

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)


Gawain 6: Graphic Organizer
Panuto: Ihayag ang mga pinakamahalagang kaalamang natutuhan mo sa aralin. Isulat ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad.
Punan ang graphic organizer.

Ano ang sekswalidad?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Ano ang kahalagahan ng tamang pananaw at pangangasiwa sa


sekswalidad?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Magbigay ng mga paraan upang mapanatili ang sekswal na


integridad.
a.__________________________________________________________.
b.__________________________________________________________.
c.__________________________________________________________.
I. Pagtataya ng Araling Natutuhan (Pagganap/Pagninilay)
Gawain 7: Kaya Mo Ito!
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang letra sa iyong sagutang papel
____1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging ganap na babae o lalaki?
a. sex drive c. sekswalidad
b. puppy love d. pure love
____2. Ito ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal.

6
a. puppy love c. infatuation
b. crush d. pure love
____3. Ano ang unang katangian na nagpabukod-tangi sa tao nang siya ay
ipinanganak ng kanyang magulang?
a. pagiging lalaki o babae c. anyo o mukha
b. heartbeat d. lahat ng nabanggit
____4. Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao. Ano
ang dalawang daan patungo rito?
a. ang pag-aasawa at ang buhay na walang asawa (celibacy)
b. pagmamahal at pag-aasawa
c. live-in at pag-aanak
d. kasal at pag-aanak
____5. Alin sa sumusunod ang hindi mahahalagang elemento ng pagmamahal?
a. sex drive o sekswal na pagnanasa c. pandama at emosyon
b. kilos-loob (will) d. pakikipagtalik
____6. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa
pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal.” Sino ang tumukoy dito?
a. Pope John Paul II c. Pope Francis
b. St. Peter d. Mother Theresa of Calculta
____7. Aling yugto ng buhay ng tao ang may mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging dahilan
ng pagpukaw ng iyong interes sa katapat na kasarian?
a. yugto ng pagkabata c. yugto ng pag-aasawa
b. yugto ng pagdadalaga at pagbibinata d. yugto ng pagtanda

_____8. Ikaw ay may natatagong pagtingin sa iyong matalik na kaibigan. Ngunit ikaw ang
pinakiusapan upang maging tulay sa iyong kaklase na kanyang naiibigan. Pumayag ka at sila’y unti-
unting nagkakamabutihan, Sa kabila ng lahat ikaw ay nasasaktan at nakakaramdam ng pagseselos.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
d. Sasangguni sa guro o guidance counsellor.

_____9. Ang iyong kasintahan ay nakararamdam ng matinding kalungkutan, kalituhan at padalus-


dalos na desisyon sa kadahilanang nakararanas ng problema sa pamilya. Niyayaya kaniyang
sumama sakanya para lumayo upang iwan at makatakas sa problema. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara.
b. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
c. Magtatanong o kukonsulta sa guidance counsellor o sa guro dahil ikaw ay nalilito.
d. Paninindigan ko na magsama kami dahil mahal ko siya.

_____10. Mayroon kang isang kaklase na mahilig manood ng mga pelikulang may malalaswang
tema. Halos lahat ng malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito
upang hindi maging mangmang tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam
mong makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi
makabubuti sa kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila.

7
8

You might also like