Ponema
Ponema
Ponema
PALATUNUGAN O PONOLOHIYA
Palatunugan o Ponolohiya
Tungkol ito sa pag-aaral ng kayarian o set ng mga tunog na bumubuo ng mga
salita sa isang wika.
Palatinigan o Ponetika
Tungkol naman ito sa pag-aaral ng tunog ng mga salita at ang pagpapalabas ng
mga ito.
Ponemang Segmental
May kani-kaniyang tiyak na dami ng makabuluhang mga tunog ang bawat wika.
Makabuluhan ang isang tunog kung nag-iba ang kahulugan ng salitang
kinasasamahan nito kapag ito’y alisin o palitan. [dagat `sea’: inalis ang /t/ →
daga `rat’; pinalitan ang /g/ → dapat `must’].
Kaya, ang /g/ ay isang makabuluhang tunog at ito’y tinatawag na ponemang
segmental o ponema.
May 21 ponema sa Filipino: 16 katinig at 5 patinig. (Sa palabaybayang Ingles, ang salitang
plumber ay binubuo ng 7, kahit na binubuo lamang ito ng 5 ponema sa transkripsyong:
/plamer/).
Katinig
Maiaayos ang katinig ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung binibigkas
nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.) ang mga ito. (Santiago & Tiagnco:
2003)
Ponemang Katinig
Patinig
Maiaayos din ito ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumaganap sa
pagbigkas ng isang patinig: unahan, sentral, likod at kung ano ang posisyon ng
nasabing bahagi sa pagbigkas: mataas, nasa gitna o mababa. (Santiago &
Tiangco: 2003)
Ponemang Patinig
Harap Sentral Likod
mataas i u
gitna e o
mababa a
Diptonggo
Mga diptonggo: aw, iw, ey, ay, oy at uy (hilaw, baliw, beynte, kulay, tuloy, aruy).
Ang ‘iw’ sa `aliw’ ay diptonggo. Ngunit sa `aliwan’ hindi na ito maituturing na
diptonggo dahil ang /w/ ay napagitan na sa dalawang patinig at ang pagpapantig
ay a-li-wan.
Klaster
Ang klaster (kambal-katinig) ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa
isang pantig. Matatagpuan ito ngayon sa lahat ng posisyon ng pantig: sa unahan at sa
hulihan.
Sa klaster na ang huling katinig ay /y/ at /w/, mayr ibang baybay ito sa pamamagitan
ng paglalagay ng isang tunog na patinig sa pagitan ng dalawang katinig:
kweba~kuweba, swerte~suwerte, lumpya~lumpiya.
Pares Minimal
Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas (maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon).
Ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng
magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.
Ang mga ponemang /p/ at /b/ ay magkatulad sa punto ng artikulasyon (kapwa
panlabi) at magkatulad din sa paraan ng artikulasyon (kapwa pasara).
Ngunit binibigkas ang /p/ nang walang tinig, samantalang ang /b/ ay mayroon. Sa
pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa sandaling ang
isa ay ipalit sa isa: pato `duck’ (p → b) = bato `stone’.
Ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema dahil kapag inilagay sa magkatulad na
kaligiran (pato:bato), nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Sa kape:kafe, nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /f/ ngunit hindi natin
masasabing magkaibang ponema ang mga ito dahil magkatulad ang kahulugan
ng kape at kafe. (Sa Ingles, malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/, tulad
sa mga pares minimal na pat:fat, plea:flea, atbp).
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ito ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit
hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.
Ang malayang pagpapalitan ng dalawang ponema ay karaniwang nangyayari sa
mga ponemang patinig na /i/ at /e/ at sa /o/ at /u/.
Kapag nagpapakita ng ibang anyo ang dalawang tunog o ponema sa magkatulad
na kaligiran, ang kahulugan ay nagbabago:
mesa → misa oso → uso
ewan → iwan boto → buto
May mga pagkakataong ang pagpapalit ng ponema ay hindi nakakapagbago sa
kahulugan ng salita:
lalake → lalaki abogado → abugado
raw → daw opo → oho
Ponemang Suprasegmental
Tono (pitch) - tumutukoy sa taas-baba ng bigkas sa pantig ng isang salita:
kahápon (araw na nagdaan) → kahapón? (tanong)
Haba (length) - tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantinig ng pantig:
haLAman
Diin (stress) - tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig: haLAman
Antala (juncture) - tumutukoy sa saglit ng pagtigil na ating ginagawa sa ating
pagsasalita:
Filipino Ingles Espanyol
Hindi masarap. It’s not delicous. No es sabroso.
Hindi, masarap. No, it’s delicious. No, es sabroso.
Palapantigan
Bawat pantig ay may patinig (P) na kadalasan ay may kakabit na katinig (K) o mga
katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila.
Pormasyon ng Pantig
P – pantig na binubuo ng patinig lamang (payak): o-o, a-ko, a-la-a-la
KP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan (tambal-
una): me-sa, pu-so, bi-na-ta
PK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan (tambal-
huli): mul-to, is-la, pin-to
KPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at
hulihan (kabilaan): ak-tor, la-pis, pru-tas
Binubuo na may klaster: KKP (tsi-ne-las); PKK (eks-tra); KKPK (plan-tsa); KPKK
(re-port); KKPKK (trans-por-tas-yon)
Pagbabagong Morpoponemiko
Ang pagbabagong nagaganap sa anyong ponemiko ng morpema ay sanhi ng
impluwensiya ng katabing tunog.
Asimilasyon – pagbabago bunga ng tunog sa sumusunod na ponema.
[mang-/pang- > mam-/pam- + b, p; man-/pan- + d, l, r, s, t]:
pang- + bansa → pambansa pang- + dakot → pandakot
mang- + daya → mandaya mang- + loloko → manloloko
Pagkakaltas ng ponema – nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat kapag
nilagyan ng hulapi.
sakit + -an = sakitan → saktan bili + -hin = bilihin → bilhin
Paglilipat ng diin – nagbabago ng diin kung nilalapian.
lapit → lapitan sabi → sabihin pili → piliin
Pagbabago ng ponema – kapag nasa pagitan ng dalawang patinig ang d
nagiging r ito.
maki + daan → makiraan sagad + in → sagarin
Pagpapaikli ng salita – nagbabago at umiikli kaysa salitang orihinal.
ayaw + ko → ayoko sabi + mo → kamo / ikamo
Metatesis – pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog sa isang salitang nilalapian
(in → ni)
l at n : linuto → niluto y at n : yinakap → niyakap
B. PALABUUAN O MORPOLOHIYA
Morpema
Ito ang pinakamaliit na yunit (na hindi na maaari pang mahati nang hindi
nawawala ang kahulugan nito) ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o panlapi.
mabahay = 2 morpema: [ma-] unlapi [bahay] salitang-ugat
mabahay = maraming bahay
bahay = hindi na mahahati sa ba at hay (wala nang kahulugan)
Anyo ng Morpema
Maaaring isang makabuluhang tunog o ponema, isang panlapi o isang salitang-
ugat. (Santiago & Tiangco: 2003)
Morpemang binubuo ng isang ponema. Salitang-hiram (Espanyol): direktor ~
direktora [a]. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na tumutukoy ng
`kasariang pambabae.’ Kaya ito’y dalawang morpema: [direktor] at [-a]. Sa mga
pangalan ng tao: Lino → Lina; Antonia → Antonia. Sa Ingles: morpemang
pangmaramihang [s] sa boys: boy + s.
Ang morpemang binubuo ng panlapi. Ang mga panlapi ay may kahulugang
taglay, kaya bawat isa ay isang morpema. Ang panlaping um- ay may
kahulugang “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang ugat’: umaalis, ang um-
ay nagsasaad na `ginagawa ang kilos ng pag-alis.”
Ang mga panlapi ay tinatawag na di-malayang mga morpema dahil laging
inilalapi sa ibang morpema: mag- [maglaro], pag- [pagbili], i- [itapon], maka-
[makakain], atbp.
May mga panlaping di-magkarugtong: mag-….-an [magtawagan] na may
kahulugang “gantihang pagsasagawa ng diwang isinasaad ng pandiwang sulat.”
Uri ng Morpema
1) Morpemang may kahulugang leksikal
2) Morpemang may kahulugang pangkayarian
“Nagbasa ng tula sa programa ang mga estudyante.”
Analisis:
Ang mga katagang ng, sa at ang mga ay walang tiyak na kahulugan kundi
nagpapalinaw ng kahulugan at gamit sa buong pangungusap.
Ang ng ay nagpapakita ng kaugnayan ng nagbasa at tula; ang sa ay nagpapakita
ng kaugnayan ng tula at programa; at ang ang mga ay nagpapakitang ang
sumusunod na pangangalan ay nasa kauukulang palagyo.
Kailangan ang bawat isa sa kayarian ng pangungusap, kaya hindi puwedeng
sabihing: “*Nagbasa tula programa estudyante.”
Alomorp ng Morpema
Puwedeng magbago ng anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng
kaligiran at ito’y tinatawag na alomorph.
Ang morpemang [pang-] ay may tatlong alomorph: [pang-], [pam-] at [pan-].
May sariling distribusyon ang bawat alomorph.
Ginagamnit ang alomorph na [pang-] (walang pagbabago sa anyo) kung ang
inuunlapiang salita ay nagsisimula sa mga patinig o sa katinig, maliban sa /b/
o /p/ na para [pam-], at /d, l, r, s. t/ para sa [pan-]:
pampito pang-alis pandikit
pambansa pangwalas pantaksi
Tulad ng [pang-], ang panlaping [mang-] ay may mga alomorph ding [mang-],
[mam-] at [man-] gayundin ang [sing-]:
mambola manghabol manlalaro
mamula mang-akit mandaya
simbilis singyaman sinlaki
simputi sing-alat sinsama
Payak - kung salitang-ugat lamang ito, o walang panlapi, hindi inuulit at walang
katambal na isang salita: puno, lapis, sipag
Inuulit - kung inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa
dakong unahan. May dalawang pangkahalatang uri ng pag-uulit:
(a) pag-uulit na ganap - kung ang buong salitang-ugat ang inuulit.
Walang pagbabago sa diin: gabí → gabí-gabí
May pagbabago sa diin: báhay → baháy-baháy
(b) pag-uulit na di-ganap o parsyal - kung bahagi lamang ng salita
ang inuulit. alis → aalis sulat → susulat
C. PALAUGNAYAN O SINTAKSIS
Bahagi ng Pananalita
1. Pangngalan 6. Pantukoy
2. Panghalip 7. Pangatnig
3. Pandiwa 8. Pang-ukol
4. Pang-uri 9. Pang-angkop
5. Pang-abay 10. Pandamdam
1. Uri ng Pangngalan
a). Pantangi - ang tiyak na tawag sa tao, hayop , pook o pangyayari.
b). Pambalana - ang karaniwan o panlahat na tawag sa tao, hayop, bagay, pook,
kalagayan o pangyayari.
Pananda ng mga pangngalang nasa kaukulang palagyo [simuno] ang ang / ang
mga; si / sina. Ang katagang `mga’ ay nagpapahayag ng maramihan.
ang ibon ang mga libro sina James at Mia
ang ama si Franklin ang Maynila
A. Bahagi ng Pangungusap
a). Simuno / Paksa - ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.
Si Bb. Ruiz ay guro sa Filipino.
b). Panaguri - naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno. Ito’y
maaaring isang pangngalan, panghalip, pang-uri o pandiwa.
Guro sa Filipino si Bb. Ruiz.
B. Ayos ng Pangungusap
a). Tuwirang Ayos - panaguri ang nauuna sa simuno.
Kaibigan ko si Anthony.
b). Kabaligtarang Ayos - simuno ang nauuna sa panaguri.
Si Anthony ay kaibigan ko.
2. Panandang `ay’. Hindi maituturing na pandiwa ang ay dahil walang panahunan, fokus at
nawawala ito sa ayos na panaguri-simuno ng pangungusap nang hindi nagbabago ang
kahulugan ng pangungusap. Kaya masasabi nating palatandaan ng ayos ng pangungusap ang
ay. Ipinakikita nito ang kabaligtarang ayos ng pangungusap - ang ayos na simuno-panaguri.
[Pansinin ang mga halimbawang nasa kanan sa itaas.]
3. Uri ng Pangungusap
a). Paturol o Pasalaysay - nagsasaad ng katotohanan o isang pangyayari.
Filipino ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
b). Pautos - naghahayag ng utos o kahilingan.
Mag-aral ka nang mabuti.
c). Patanong - nagsasaad ng isang katanungan.
Kumain ka na ba?
d). Padamdam - nagsasaad ng matinding damdamin.
Naku, nadapa ang bata!
Tandaan: Hindi nagbabago ang kahulugan ng parirala kahit na nasa anyong kabaligtaran ito.
Narito ang ilang kombinasyon sa paggamit ng mga pang-angkop:
a). pangngalan + pangngalan
b). pangngalan + pang-uri
c). pangngalan + pandiwa
d). pangngalan + pang-abay
e). panghalip + panghalip
f). panghalip + pangngalan
g). panghalip + pang-uri
h). pang-uri + pandiwa
i). pandiwa + pandiwa
j). pang-abay + pangngalan
k). pang-abay + pang-uri
l). pang-abay + pandiwa
m). pangatnig + pang-abay
D. Panghalip - salitang panghalili sa pangngalan. Makikilala ito dahil sa pagbabagong-
anyo ayon sa kaukulan: a) nasa anyong ang (simuno), b) nasa anyong ng (paari), at
c) nasa anyong sa (layon). Mga uri ng panghalip: 1) panao, 2) pamatlig, at 3) paari.
Pamatlig [Simuno]
Isahan Maramihan
ito 1 ang mga ito
iyan 2 ang mga iyan
iyon 3 ang mga iyon
May tatlong kategoryang tinutukoy ang bawat uri ng panghalip na pamatlig sa itaas:
malapit sa nagsasalita [1], malapit sa nakikinig [2], at malayo kapwa sa nagsasalita at nakikinig
[3].
Paari
Isahan Maramihan
akin 1 atin o amin
iyo 2 inyo
kanya o kaniya 3 kanila
Kaanyuan ng Pang-uri. Maaaring salita o parirala at bilang isang salita, maaari itong:
a). Payak - kung binubuo ito ng mga salitang-ugat lamang.
busog hinog itim haba
b). Maylapi - kung binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
(1). ma- Magalang ang batang iyan.
(2). maka- Makabayan ang mga bagong estudyante.
(3). mapag- Mapagbiro ang panganay naming kapatid.
(4). mapagma- Mapagmataas daw ang kapitbahay nila.
(5). pala- Palabasa ang iskolar na si Alex.
(6). mala- Malahiningang tubig ang gusto niyang inumín.
(7). -in Mahiyain ang dalagang bagong dating.
(8). ka-..-an Kapansin-pansin ang kagandahan ni Jasmine.
c). Inuulit - kung nauulit ang salitang-ugat o ang unang dalawang pantig ng
salitang may tatlo o higit pang pantig.
Butas-butas na ang sapatos ni Kuya Rommel.
d). Tambalan - kung binubuo ng pinagtambal na salitang nagtataglay ng sariling
kahulugan.
Hubog-balyena ba ang katawan ng kasintahan mo?
Uri ng Pang-uri
a). Panlarawan: Kapuri-puri ang ginawa ng mga alagad ng batas.
b). Paari: May balita ka ba sa iyong dating kaklase?
c). Pamilang: Sampung sundalong ang tumulong sa naganap na aksidente.
1. Pang-uring Panlarawan. Nagsasaad ng katangian ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pang
kumakatawan sa pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap tulad ng
katangian, hugis, anyo, laki at iba pa.
mataas malaki maganda bilog payat itim
(a). Posisyon ng mga Pang-uri
(1). sa unahan ng pangngalan matapang na bata
(2). kasunod ng pangngalan tubig na marumi
(3). sa ayos na panaguri-simuno Matiyaga ang babae.
(4). sa ayos na simuno-panaguri Ang babae ay matulungin.
(b). Kaanyuan.
(1). Karaniwang binubuo ang mga pang-uri sa paggamit ng unlaping
ma- + salitang-ugat nito.
ma- Pang-uri Kasalungat
ma + lambot = malambot matigas
ma + bango = mabango mabaho
2. Pang-uring Paari. May dalawang anyo ang mga pang-uring paari: (a) iyong mga inilalagay
sa unahan ng pangngalan, at (b) iyong mga inilalagay sa hulihan o kasunod ng pangngalan.
Ginagamitan ng pang-ankop ang anyong inilalagay sa unahan ng pangngalan.
Panauhan Kailanan
Isahan Maramihan
Unahan Hulihan Unahan Hulihan
Una akin(g) Ko atin(g) natin (kabilang)
amin(g) namin (di kabilang)
Ikalawa iyo(ng) Mo inyo(ng) ninyo
Ikatlo kanya(ng) o niya kanila(ng) nila
kaniya(ng)
(1). Para maging mas malinaw, iminumungkahi ang paggamit sa dalawang anyo
kapag ginagamit sa pangungusap ang parehong pang-uri.
(a). Pumunta sa bahay niya ang kanyang pinsan.
(b). Pumunta sa bahay niya ang pinsan niya. (hindi maganda)
(c). Pumunta sa kanyang bahay ang kanyang pinsan. (hindi rin maganda)
(2). Sa mga simunong maramihan, inilalagay sa pagitan ng ang at mga ang mga
pang-uring paari (iyong ginagamit sa unahan).
(a). Masisipag ang kanilang mga anak.
(b). Masisipag ang mga kanilang anak. (mali)
a). Patakaran/Kardinal. Binubuo ito ng mga bahaging payak o hugnayan. Narito ang mga
payak na bilang.
1 isa 6 anim 11 labing-isa
b). Panunuran/Ordinal. May dalawang grupo ito sa Filipino. Ginagamit ang unlaping ika- o
pang- na inilalapi sa mga bilang na patakaran. Sa parehong grupo, di-karaniwan ang anyo
(tingnan ang talaan sa ibaba) ang unang tatlong bilang. Nagkakaroon ito ng pagbabago ng anyo
o ispeling sa grupo ng pang- (pam-, pan-, at pang-).
ika- (una), ikalawa, ikatlo pang- (una), pangalawa, pangatlo
c). Bilang sa Espanyol. Sa Filipino, ginagamit din ang mga bilang na hiram mula sa Espanyol
at may kaunting pagbabago sa pagbibigkas at pagbabaybay nito para maging alinsunod sa
paggamit ng alfabetong Filipino.
Patakaran: 1 uno 6 sais 11 onse
Panunuran: 1st a-primero 6th a-sais 11th a-onse
d). Araw ng Linggo at Buwan ng Taon. Ginagamit ng mga Pilipino ang bilang na Espanyol sa
pagsasaad ng mga araw (maliban sa Domingo → Linggo) at mga buwan.
Narito ang ibang gamit ng mga pamilang.
(1). Petsa, (2). Bahagimbilang, (3). Sukat. Kasama rito ang tungkol sa (a) Gulang;
(b) Pera; (c) Bahagdan; (d) Haba, Oras, Dami, Timbang, at Karaniwang Bilang.
Nakikilala ang pandiwa sa pamamagitan ng mga anyo nito sa iba’t ibang panahunan o aspekto
ayon sa uri ng kilos na isinasaad.
a). Umalis na si Adrian. (Pangnakaraan / Perpektibo)
b). Umaalis ang mga bisita. (Pangkasalukuyan / Imperpektibo)
c). Aalis sila mamaya. (Panghinaharap / Kontemplatibo)
Narito ang ilang mga fokus ng pandiwa (Santiago & Tiangco: 2003):
Tandaan (sa mga halimbawa sa itaas) na puwedeng mabago ang ayos ng mga salita sa
pangungusap nang hindi naiiba ang kahulugan ng pangungusap. Kahit na sa ganitong
pagbabago, nananatili pa rin ang anyo ng fokus ng pandiwa.
1 2 3
a). Bumili / ng bag at sapatos / ang dalaga.
1 3 2
b). Bumili / ang dalaga / ng bag at sapatos.
3 1 2
c). Ang dalaga / ay bumili / ng bag at sapatos.
KAYARIAN NG MGA PANDIWA
na- + ka- + d- + rw
nakadadalaw
magpa- + rw nag- + d- + pa + rw nagpa- + rw mag- + d- + pa- + rw
magpatulong nagpapatulong nagpatulong magpapatulong
ipag- + rw i- + -in- + d- + pag- + rw i- + -in- + pag- + rw i- + d- + pag- + rw
ipagluto ipinapagluto ipinagluto ipapagluto
*di-karaniwan