Ap5kpk LM Iiid-E 4.1 Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ARALIN 4

Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal

PANIMULA
Magkakahiwalay at pinamunuan ng kani-kanilang pinuno o hari ang mga tribu sa ating
lupain noon. Ang bawat pangkat-etniko sa ating bansa noon ay may sariling wika at kaugalian
kayat naging mahirap ang paagkakaisa. Dahil na rin sa kawalan ng pagkakaisa ang mga
katutubo, napadali ang pananakop ng mga Espanyol. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang
pagkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga kaharian. Nahikayat pa nilang gamitin ang ating mga
ninuno sa pakikipagtunggali sa mga ayaw magpasakop sa kanila. Madali na rin nilang nasakop
an gating bansa dahil sa mas bihasa sila sa larangan ng pakikidigma at mas malakas at
makabago ang kanilang mga sandata.
Ano kaya ang pagkaka-iba o pagkakatulad ng istruktura pamamalang kolonyal at
pamamahala ng sinaunang Pilipino?
Sa araling ito inaaasahang:
1. Maipaghahambing mo ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri ng pamamahala
ng sinaunang Pilipino.
2. Makakabuo ka ng konsepto ukol sa pagbabago ng pmamahala ng sinaunang Pilipino.

ALAMIN MO

Ano kaya ang pagkaka-iba o


pagkakatulad ng pamamahala ng
sinaunang Pilipino at pamamahalang
kolonyal?

Istruktura ng Pamamahala ng Sinaunang Pilipino


May maayos na sistema ng pamahalaan ang ating mga ninuno
noon pa mang unang panahon. Pampamayanan ang kanilang pamahalaan.
Pamahalaang Baranggay ang tawag dito.
Ang karaniwang barangay ay binubuo ng mula 30 hanggang 100
mag-anak. Ang bawat barangay ay may pinuno at mga tagasunod. Isa itong

munting kaharian na pinamumunuan ng datu, raha, gat o lakan. Maraming barangay ang
naitatag sa buong kapuluan ng ating bansa noon.
Ang bawat barangay ay nagsasarili, ngunit may pakikipag-ugnayan sa isat-isa. Ang iba
naming barangay ay nagsasama-sama para maging mas malakas sila kung may kalaban. Ang
mga pinuno ng mga barangay ay nagsasgawa ng sanduguan upang pagtibayin ang kanilang
pagkakasundo.
Noon pa man ay mayroon ng mga batas na pumatnubay sa mga tao upang maging
maayos ang kanilang pamayanan at pakikipag-ugnayan sa isat-isa. Ang mga batas ay batayan
sa pagpapanataili ng kapayapaan, katahimikan at kaayusan ng barangay. Ang mga batas na
ginawa ng datu sa tulong ng kanyang mga tagapayo ay isinasangguni at pinagtitibay ng mga
matatanda at pinagtitibay ng mga matatanda at marunong sa buong barangay.
Istruktura ng Kolonyal na Pamamahala
Ang dating pamahalaang barangay n gating mga ninuno ay
napalitan.

Ang mga ito ay napasailalim sa pamahalaang kolonyal ng

Espanya. Ang pamahalaang ito ay sentralisado. Sa patakarang kolonyal,


ang mga lupaing nasakop ay kinamkam at itinuring na pag-aari ng
bansang mananakop. Lahat ng mga kayaman ay inangkin at hinakot nang
sapilitan. Gumamit sila ng dahas upang masupil ang sinumang tumanggi
sa kanilang patakaran.
Pinamunuan ng gobernador heneral ang pamahalaang sentral na itinatag ng Espanya
sa Pilipinas. Siya ang tumayong kinatawan ng hari ng Espaya sa ating bansa. Siya ang
pinakamataas na opisyal at nagpatupad ng mga batas na nanggagaling sa Espanya. Pinuno
siya ng Sandatahang Lakas ng Espanya sa ating bansa. Siya rin ang humirang at nagtanggal
sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga pari na nangasiwa sa mga parokya, maliban sa mga
hinirang na hari.

Nahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol

sa Pilipinas: ang tagapagpaganap o ehekutibo at ang panghukum o hudisyal. Ang batas ay


nanggagaling sa Espanya at ang mga batas na ginawa sa Pilipinas ay ang mga kautusan ng
gobernador heneral.
Sagutin:
1. Sino ang namumuno sa pamahalaan ng Sinaunang Pilipino?
2. Paano binubuo ang mga batas na ipinasusunod sa mga Pilipino?
3. Sino ang kinikilalang pinuno ng pamahalaang kolonyal ng Espanyol?
4. Paano nila ipinatutupad ang mga batas na nagmumula sa hari ng Espanya?

GAWIN MO

GAWAIN A
Punan ang mga nawawalang titik upang matukoy ang binigyang kahulugang mga salita.
Gawin sa nutbuk
1. Ito ay simbolo ng pagkakasundo ng dalawang datu o pinuno tungkol sa isang
usapin.

2. Sila ang kinikilang pinakamataas na pinuno ng barangay.

3. Sa salitang ito hinango ang barangay.

4. Kinatawan ng hari ng Espanya.

5. Mga lokal na batas

6. Pinakamalaking yunit ng lokal na pamahalaan.

Gawain B
Pumili ng mga sa salita mula sa WORD BANK ng mga salitang may

kaugnayan sa tekstong binasa.


Ilagay ito sa tamang hanay.

WORD BANK
datu

sentralisa
do

hari

batas

30-100
pamilya

gobernadorcil
lo

raja

alipin

ehekutib
o

Gawain C

Magbuo ng apat na pangkat.


Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, p. ___
Ipakopya sa papel at venn diagram at ipasulat ang mga sagot dito.

Pamamaha
la ng
Sinaunang
Pilipino

Kolonyal
na
Pamamah
ala

Talakayin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng istruktura ng pamamahala ng


mga sinaunang Pilipino at kolonyal na pamamahala

TANDAAN MO

Payak naging uri ng pamamahala ng sinaunang Pilipino, bawat grupo ay


pinamumunuan ng datu o raha na siyang nangangalaga sa kapakanan ng
kanyang mga tagasunod. Ang mga batas ay nakabatay sa kanilang paniniwala at
tradisyon, ito ay panukala ng datu katulong ang mga nakakatanda sa lipunan.
Dumating ang pamahalaang kolonyal, ipinakilala sa mga Pilipino ang
pamahalaang sentralisado kung saan may dalawang sangay ang ehekutibo at
hudisyal, ang mga kautusan ay nagmumula sa hari ng Espanya at ipinatutupad ng
Gobernador-heneral.
Ang pagbabago sa uri ng pamamahala ay nagbigay daan upang umunlad ang
ekonomiya ng bansa ngunit ang ilan sa mga ipinatupad dito ay nagdulot din ng
marahas na kaparusahan sa mga Pilipinong hindi nagnanais sumunod sa
pamamahala.

NATUTUHAN KO
Iguhit ang

kung pamamahala ng sinaunang Pilipino,

kolonyal at iguhit ang

kung pamamahalang

kung kapwa ito ipinatupad ng kolonya at sinaunang Pilipino.

_____1. Ang mga mamayanan ay nagbabayad ng buwis.


_____2. Ang batas ay nagmumula sa hari at ipinatutupad ng gobernador- heneral.
_____3. Gumagamit ng dahas ang pamahalaan upang sumunod ang mga Pilipino.
_____4. Bumuo ng mga batas para sa mga tagasunod.
_____5. Inuuna ang kapakanan ng mga Pilipino.
_____6. Nagtalaga ng mga pinuno na magsisilbing taga pagpatupad ng batas.
_____7. Naglunsad ng mga programa upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino.
_____8. Pinamunuan ang malaking bahagi ng bansa.
_____9. Kinilala ang mga tao ayon sa kalagayan nila sa lipunan.
_____10. Nagpahalaga sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Takdang Aralin
Sumulat ng maiksing sanaysay ukol sa uri ng pamamahala na nagbigay ng higit na
pagpapahalaga sa mga Pilipino

You might also like