AP Jan.24-28 Naunang Pag Aalsa
AP Jan.24-28 Naunang Pag Aalsa
AP Jan.24-28 Naunang Pag Aalsa
•Itanong:
•Ano kaya ang naging dahilan ng pag-
aaalsa ng mga sinaunang Pilipino?
•Ano kaya ang sitwasyon natin ngaun
kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa?
•Sa palagay ninyo, ano kaya ang naidulot
ng hindi mabilang na pag-aalsa ng mga
sinaunang Pilipino?
• Mga dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol
• Pagbawi sa nawalang kalayaan.
• Pang-aabuso at masamang Gawain ng mga
pinunong Espanyol.
• Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong
Espanyol.
• Sapilitang paggawa.
• Kahigpitan sa relihiyon
• Paniningil ng labis-labis na buwis.
• Mga bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino
• Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga
Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila
dahil kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang
kakayahan ng mga lider na namuno sa mga
pagbabangon. Marami sa knila ang walang
maayos na plano at kulang sa mga armas.
Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba’t-
ibang tribo.
• Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga
Pilipino noon. Naging sunud-sunuran din sila sa
mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas
matapat pa sila sa mga Espanyol kaysa sa kapwa
nila Pilipino. Sinamantala rin ng mga Espanyol
ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo.
Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Dahil
sa likas na kaugalian ng mga Pilipino na magtimpi
at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga
dayuhan sa mahabang panahon.
• Naging mahalaga rin ang mga
naunang pag-aalsa kahit puro kabiguan
ang kinalabasan ng mga ito. Dahil ditto,
napatunayan na ang lahing Pilipino ay
may pagmamahal sa kalayaan. Nakita rin
nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at
pagsasama-sama upang matamo ang
kanilang nilalayon.
• Sagutin:
•1.Ano ang nag udyok sa mga Pilipino na
mag-alsa laban sa mga Espanyol?
•2.Ano ang naging dahil kung bakit nabigo
ang mga pag-aalsa?
•3.Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging
epekto ng mga bigong pag-aalsa sa
kalayaang tinatamasa ng Pilipinas sa
kasalukuyan?
• Pangkatang Gawain:
• Pangkat I- Poster na nagpapakita ng pang-
aabusong dinanas ng mga Pilipino.
• Pangkat II- Poster na nagpapakita ng pag-aalsa
isinagawa ng mga Pilipino
• Pangkat III- Poster na nagpapakita ng pagiging
makabayan.
• Pangkat IV- Poster na nagpapakita ng kasarinlan
ng ating bansa.
•
• Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol
dahil sa maganda at maayos na pamamalakd ni Legazpi, ngunit ang
naging kapalit niyang si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay
hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga
karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at
pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa hirap at
png-aabusong dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa.
• Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan
ng plano, armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan
ang mga pag-aalsa ay naging daan parin upang umalab ang
damdamin pagkamakabayan ng mga Pilipino na naging panimula
upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa natin hanggang sa
kasalukuyan
• Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa notbuk.
1.Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa pagkakawatak-watak
at pagkakanya-kanya ng mga Pilipino.
2.Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala mula sa mga
Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon.
3.May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang
kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa.
4.Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa naging simbolo
naman ito ng pagiging makabansa ng sinaunang Pilipino.
5.Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa upang makamit
natin ang kasarinlan.
•Gumawa ng likhang sining na maaring
magpakita ng iyong pagpapahalaga sa
kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa.